By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Facebook Page:
www.facebook.com/pages/Dylan-Kyles-Diary/108358679208615
[James’ POV]
Ilang araw na din akong pabalik-balik
dito sa ospital.
Isang araw bago ang closing at
awarding ay sinugod namin si Chad sa ospital.
Sobra akong kinabahan noong mga oras
na iyon.
Halos di na humihinga si Chad noong
dalhin namin siya sa ospital.
“Doc... ano pong dapat naming gawin?”
tanong ni tita.
“Maam... kailangan na po nating
operahan siya. Lalong lumalala ang sakit niya at kailangan maoperahan na siya.”
“Pero doc ayaw niya eh.”
“Mag desisyon na po kayo sa lalong
madaling panahon.”
Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili
ko kung bakit ayaw mag paopera ni Chad.
Di ko kasi mapigilan ang mahalin si
AJ.
Sa punto ngayon, daig ko pa ang patay.
Wala akong choice kundi ang gawin ang
lahat ng ito. Haoxt.
Gusto ko na rin tuloy ang mamatay.
Mali man pero di ko maiwasang isipin.
Nasa room ako ni Chad at nagbabantay.
Di pa rin siya nagigising mula ng
isugod namin siya dito.
Ilang sandali lang ay pumasok ang kuya
niya.
Ako lang ang bantay doon dahil wala
sila tita, kumuha ng gamit at nag aasikaso ng mga bagay-bagay.
Nagulat ako sa ginawa ng kuya ni Chad,
itinayo niya ako saka sinuntok.
Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa
sahig.
Natumba ako at napakapit na lang sa
pader malapit sa akin.
“Alam mo matagal ko na yang gustong
gawin sayong hayop ka!” sigaw ng kuya niya
Tumayo ako at hinarap siya. “Hindi ko
sinasadya ang nangyari kay Chad.”
“Kung hindi dahil sayo sana nagpaopera
na yang kapatid ko. Sana ayos na siya. Pero nang dahil sayoa yaw niyang
magpaopera. Ano ba ang nakita niya sayo at ganun na lang siya kabulag?!”
Hindi na ako sumagot. Alam kong nag
aalalal lang siya sa kapatid niya kaya siya ganyan.
“Nakakainis. Mamatay ka na sana!
Kapatid ko pa ang nagkaganito! Sana ikaw na lang! Sinaktan mo lang ang kapatid
ko. Dapat di ka pumayag sa gusto nila mama! Sana di ka na lang pumayag na
maging boyfriend ni Chad! Lalong lumala siya noong naging kayo!”
Agad naman siyang lumabas ng kwarto.
Pinahid ko ang dugo sa mukha ko.
Nang mapadako ang aking mga mata sa
kama ni Chad, nakita ko ang mumunting luha sa kanyang mga mata.
Nasaksihan kaya niya yung nangyari?
Lumapit ako sa kanya at tinanong kung
ayos lang siya.
Tumugon naman siya at ngumiti.
“Pinag alala mo kami.” Sabi ko.
Hinawakan ko ang kamay niya
“Okay ka lang ba?” tanong niya.
“Huh? Ako? Okay lang ako. Ako ag dapat
nagtatanong sayo nan.”
“May sakit lang ako pero di pa ako
bulag.” Sabi niya.
“Wag mo nang intindihin yun.” Sabi ko.
“Nahihirapan ka na ba?” tanong niya
“Sabi ko wag mo nang isipin yun diba?”
“Sige na. Oo na. Nga pala. Magpapaopera
na ako.” Para akong nabuhayan sa sinabi niya
Sumilay ang ngiti ko sa sinabi niya.
“Talaga?”
“oo.” Ngumiti siya.
Agad kong tinawagan si tito at tita.
Muli, sumilay ang ngiti sa aking mga labi.
[AJ’s POV]
Si Martin lang ang bantay ko.
Pinauwi ko na sila mama.
Masyado na silang nastress dito sa
ospital.
Ayaw ko namang maging ganun yung
pakiramdam nila mama.
“Anong gusto mong kaninin?” tanong ni
Martin.
“Wala naman.” Sagot ko.
“Gusto mong maglakad-lakad?” tanong
niya
“Sige... nakakapagod din ang humiga ng
humiga.”
“Tamad mo kasi.”
“Dati rati sinasabihan ninyo akong
humiga na lang tapos ngayon tamad?”
“Joke lang. Naku tara na nga.”
“Haixt. Sabi ko.”
“Ang arte eh sabing joke lang.”
“Tara na. Hahah.” Biro ko.
Nakakamiss din ag maglakad lakad.
Haixt.
Gusto ko ng lumabas ng ospital. Huling
huli na ako sa classes namin. Haixt.
“Anong plano mo?” tanong niya sa akin.
“Saan?”
“Sa sarili mo?”
Hindi ako nakasagot. Nag isisp ako,
ano nga ba ang balak ko sa sarili ko?
“Kamusta kayo ni James?” tanong niya
“Zero.” Sabi ko
“Andito rin siya ngayon...” sabi niya
“Huh? Anong nangyari sa kanya? May
masakit ba? Napahamak ba siya?”
“Easy lang....”
“Ano nga kasi ang nangyari?”
“Sinugod din si Chad dito.”
“Kaya pala siya narito.”
“Oo. Selos ka?”
“Bakit ako magseselos?”
“Naku. Wag ka nang mag deny.”
“Di ako nag dedeny.”
“Gusto mo siyang makita?” tanong niya
“Ayoko....”
“Tara na.” Hinigit niya ako.
Daig pa niya humihigit ng taong walang
dextrose. Grabe lang ha.
Nasa kwarto na kami ni Chad ng
makarinig ako ng kalabog.
Sinilip ko ang nasa loob at nagulat na
lang ako sa nakita ko.
Halos madurog ang puso ko sa kalagayan
ni James.
Ang laki na ng pinayat ni James.
Pero mas naawa ako sa itsura niya
ngayon.
Ganito ba lagi ang nangyayari sa
kanya?
Nasasaktan?
Nabubugbog?
Nayuyurakan ang pagkatao?
Ako ang nasasaktan kapag nakikita
siyang ganyan.
Kahit na hindi kami, mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Narinig ko ang lahat ng napag usapan
nila.
Lalong nasaktan ang puso ko sa
narinig.
Usapan?
Usapan ni James at ng mommy ni Chad?
Nanikip ang dibdib ko at nabuwal ako.
Naagapan anman ako ni Martin saka
inilayo sa lugar na iyon.
Nakakita siya ng wheel chair at
isinakay niya ako.
Dinala niya ako sa may mini Garden ng
hospital.
Halos di ko maapuhap ang sarili ko sa
mga nasaksihan. Ilang minuto ay nagsalita si Martin.
“Ngayon alam mo na.” Sabi niya
“Matagal mo na bang alam ito?” tanong
ko.
“Yeah...”
“Bakit di mo sinabi sa akin?”
“Kapatid ko na rin ang nag sabi.”
“Hindi ko siya kayang makitang nag
kakaganyan.” Nasasaktan ako sobra
“Nagtiis siya sobra. Alam mo ba kung
gaano ka niya kamahal?”
“Hindi naman nawala yun sa akin. Alam
kong mahal niya ako, pero ngayon napatunayan ko na mas mahal niya ako.”
“Anong balak mo?” tanong niya
“Hindi ko alam.”
“Sayang kayo.” Sabi niya
“Kamusta pala si Chad?”
“Ayun malala naman daw.”
“Mas malala sa akin?”
“Sakto lang... ano bang kumpetisyon
to? Unahang magpadala sa ospital?”
“Tangek.”
“Napapansin ko kasi nagpapaligsahan
kayo sa pagkamatay.”
“Siguro nga.” Napangiti ako sa sinabi
niya
“Nagkausap na ba kayong dalawa ni
Chad?”
“How I wish makausap ko siya?”
“Bakit hindi?”
“Di ko pa ata kaya.”
“Kayanin mo.”
“Haixt. Ang balak ko ngayon siguro,
ang mabuhay. Kahit wala si James sa paligid ko, sa tabi ko to be exactly,
marami pa naman akong reason para mabuhay. Sana lang at hindi pa huli ang
lahat. Pero sana nasa tabi ko si James kahit papaano, para magkaroon ako ng
rason pa para mabuhay...”
“Ang sweet..” napangiti ako.
“Pag pray mo ako.” Sabi ko
“Yeah I will.” Lumapit siya at niyakap
ako ng mahigpit
Bigla na naman akong napaiyak.
Naalala ko ang yakap ni James sa akin.
Namimiss ko na to.
Hinahanap ko na ang mga yakap niya.
“Alam ko na hindi ako yung kapatid ko.
Pero sa punto ngayon isipin mo na lang na ako at siya ay iisa.”
“Salamat at nandito ka.”
“Ginagawa ko ito para sa kapatid ko.
Para din sayo.”
“Ang sakit kung alam mo ang
katotohanan”
“Mas masakit kung hindi mo alam ang
katotohanan.”
‘Sana sinabi na lang niya sa akin. Ang
hirap magtanim ng galit. Araw-araw umiiyak ako, umaasa, nasasaktan at
nagdurusa. Bakit kasi nagkaganito pa? Bakit kailngan ako pa ang magsakripisyo.”
“Pwede mo naman siya ipag laban diba?”
“Siya na ang sumuko.”
“Pero siya lang naman ang sumuko diba,
ikaw naman ay hindi pa diba?”
“Pero...”
“Ayan na naman si salitang pero.”
“Best friend ko si Chad kaya dapat ko
siyang pagbigyan. Ipapaubaya ko si James.”
“Best friend mo nga siya pero di siya
pulubi na lilimusan mo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Gusto pa sana kitang kausapin pero I
think kayo ang dapat mag usap.” Sabi niya.
Tumingin siya sa likuran ko at nakita
ko ang bulto ni James. Nakatayo ito. Nakangiti at hindi bakas ang pinag
daaanang hirap.
“Iwan ko muna kayo.” Sabi niya
“Teka.” Pahabol ko kay Martin pero
hindi na ako nakaabot.
Natira kami ni James, hindi nag
iimikan, parang nahihiya sa isa’t-isa. Daig pa namin yung hindi magkakilala
nito. Haixt. That awkward moment. Kroo-krooo-kroo...
“Kamusta?” tanong niya
“Sakto lang.”
“Bakit ka nandito?” tanong niya
“Naka-confine ako.”
“Dahil sa asthma?”
“Pwede na rin. Kamusta si Chad?”
“Okay na naman. May good news na nga
eh.” Napangiti siya.
“Mukhang ayos ka na ah. Kamusta kayong
dalawa?”
“Okay naman.” Sabi niya
Pero nakakita ako ng lungkot sa
kanyang mga mata. “Hey bad boy cheer up!” sabi ko.
“Kayo ba ni kuya?”
“Wala namang kami from the start.”
“Pero..”
“Ang lahat ng iyon pagpapanggap. Di mo
nahalata no? Naunahan ka kasi ng pagseselos mo. Pati isa pa, ano nga naman sayo
yun?”
“Sinong nagsabing nagselos ako?”
Ouch. “Ah okay. Pero kayo ni Chad ba?
Magpapakasal na ba kayo?”
“Maybe... soon.” Sabi niya
Yun ang ouch. “Boom... nga nga tulala.” Sabi ko. Ang sakit taena.
“Joke lang... haixt.”
“Nasasaktan pa rin ako hanggang
ngayon.” Sabi ko.
“Sorry.”
“Wag ka sabing mag sorry naiinsulto
ako.” Sabi ko.
“Ayokong nasasaktan ka eh.”
“Sino bang may gusto? Haixt. Ilang
beses kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ba kita minahal pa?”
“Nagsisisi ka ba?”
“OO, yan ang gusto kong sabhin, pero
sa puso ko hindi. Hindi ako nag sisisi. Kahit na nagmumukha akong tanga, di ko
pa rin maintindihan ang sarili ko. Kung pwede lang talagang pawiin lahat ng
nararamdaman ko...”
“Mahal kita.”
“Wag... tama na.”
“Pero mahal naman kita eh.”
“Siguro nga. Pero si Chad, alagaan mo.
Ipangako mo sa akin yan. Sa yo ko siya ipagkakatiwala. Baka nga mauna pa ako sa
kanya.” Ang nasabi ko.
“Anong ibig sabihin mo?”
“Wala naman. Ang sa akin lang hindi
natin alam kung ano ang mangyayari. Mahal kita, sobrang mahal kita, pero yung
makita kitang nasasaktan, nahihirapan, daig ko pa ang nasabugan ng bomba.”
“Nakita mo ang lahat?”
“Oo. Pero wag na natin intindihin yun.
Mag focus ka na lang kay Chad. Mahalin mo siya, ingatan. Napatawad na naman
kita sa lahat ng iyong nagawa. Nasa sa iyo kung ano ang pipiliin mo. Basta
tandaan mo na ikaw ang laman ng puso ko.”
Di siya nakaimik.
“Sana di na muling maglandas yung daan
natin. Sana makalimutan na natin yung isa’t isa. Isipin mo na lang na wala ako
sa buhay mo. Walang Arwin o AJ na dumaan sa buhay mo. Patayin mo ako sa ala-ala
mo. Tanggalin mo ako sa puso mo. Alam kong kaya mo yan. Wag mong iispin na
hindi mo kaya. Panindigan mo ang sa tingin mong tama. Please, ako na ang
nagmamakaawa. Wag ka ng magpapakita sa akin. Alam kong malabo pero umiwas ka
na. Kung magkita man tayo, wag mo akong imikan. Paalam na... Paalam.” Sabi ko.
Tumalikod ako at unti-unting humakbang palayo.
[Chad’s POV]
Bukas na ako ooperahan.
Kinakabahan man ako pero anjan naman
ang mga mahal ko sa buhay para suportahan ako.
Umuwi muna si James para magpahinga.
Si mama ang nagbabantay sa akin.
Tuwang tuwa siya kasi pumayag na ako.
Bakit nga ba ako pumayag?
Para din to kay James.
Nasasaktan na siya, nahihirapan.
Hindi man niya sa bihin sa akin pero
alam kong gusto na niya kumalas.
Mahal niya si AJ at wala na akong
magagawa pa.
Agawin ko man siya, wala rin. Haixt.
Ano aba namang klaseng tao ako.best
friend ako ni AJ pero anong ginawa ko?
Kinama ko si Jaysen at inagaw ko pa si
James. BOOM, isa akong dakilang mang aagaw. Haixt.
Ilang minuto lang ay dumatin si
Aldred. Iniwanan naman kami ni mama para makapag usap.
“Ui bhest salamat at binisita mo ako.”
Sabi ko
“Matitiis ba naman kita.”
“Bakit kasi ngayon ka lang dumalaw?”
“Paano ba naman ayaw kitang makitang
nagkakaganyan.”
“Haixt. Kamusta ka?” tanong ko
‘Ayos naman. Eh ikaw ba?”
“Eto kinakabahan pa rin ako.”
“Wag kang kabahan. Tatagan mo ang loob
mo.” Sabi niya
“Yeah. Alam ko.. salamat.”
“Alam kong hindi ko dapat sinasabi ito
ngayon pero dapat malaman mo to.” Sabi niya
“Ano yun?”
“May nalaman ako galing kay Jaysen.
Alam kong hindi dapat ako ang angsasabi nito pero best friend mo si AJ.”
“Bakit ano bang meron?”
“Nandito siya sa ospital, na confine
din.”
“Anong nangyari, dahil ba sa asthma
niya?”
“Sabi na at ayan ang alam mong sakit
niya.”
“Bakit ano ba ang sakit niya? Yun ang
alam ko eh.”
“May sakit sa puso si AJ. Malala na
daw to at kailngan niya mag pa surgery. Di naman daw kailangan ng heart
transplant pero fragile na masyado si AJ. Isang maling atake maaring ikamatay
niya.”
BOOOOOOOOOOOOOOM. Parang nabinge ako
sa narinig ko. Mamatay? Si AJ maaring mamatay?
“Nagjojoke ka ba?”
“Seryoso ako. Kaya kapag nakikita mo
siya matamlay siya. Yun na pala ang dahilan nun.”
“Gusto ko siyang makita.”
“Saka na kayo mag usap. Intindihin mo
muna yung sarili mo.”
“Pero.”
“Saka na kayo magpaliwanagan. Mahal na
mahal ka ng best friend mo.”
“Nagkamali ako. Nasaktan ko siya.
Napaka walang kwenta kong kaibigan.”
“Wag mong sabihin yan.”
“Inagaw ko ang mahal niya pero anong
ginawa niya, nag paubaya lang. Tinulungan niya ako sa alhat pero puro pasakit
lang ang ibinigay ko sa kanya. Sabihin mo napaka sama kong best friend diba?
Walang kasing samang best friend.” Sabi ko.
“Ayaw ka niyang makitang ganyan. Magpakatatag
ka kasi kapag narito siya sesermonan ka nun.”
“Gusto kong mag sorry sa kanya. Gusto
kong lumuhod sa harapan niya at humingi ng tawad sa kanya. Ang laki ng
kasalanan ko.” Sabi ko.
“Alam kong nabulag ka lang dahil sa
pagmamahal, hindi mo nakita kung anu-ano ang mga tama o kaya naman mga mali.
Lahat ng tao nagakkamali pero di yung excuse para patuloy natin yung ulitin.
Ang dapat mong gawin ay kalimutan ang nakaraan at harapin ang kinabukasan.”
Natauhan ako sa sinabi ni Aldred. Tama
naman siya eh.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Bukas, malalaman ko na kung ano ang
kapalaran ko.
Haharapin ko to ng taas noo.
Pagkatapos nito aayusin ko yung gusot
na nagawa ko.
Itatama ko kung ano ang pagkakamali
ko.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment