Tuesday, January 15, 2013

Bullets for my Valentines 53

By: Dylan Kyle
Blog: dylankylesdiary.blogspot.com
E-mail: dylan.kyle.santos@gmail.com
Facebook Page: www.facebook.com/pages/Dylan-Kyles-Diary/108358679208615


[James’ POV]

Ilang araw matapos ang bakasyon na yun, narito ako sa aking kwarto at nagkukulong.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang mangyari ang ganito.

Wala na akong mukhang maihaharap kay AJ.

Tapos yung kuya ko, susot pa. Haixt.

Si Khail na kay Arwin na.


Kinuha na siya at yun siguro alam na noong bata.

Ayaw kong sisihin si Chad sa nangyayari. Pero nakakainis lang, nararamdaman ko na hinding hindi siya magpapagamot hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.

Konting tiis lang.

Pero para saan pa yung pagtitiis ko?

Kung wala ni si AJ, si Khail at ang lahat-lahat sa akin.

Ilang saglit lang ay pumasok si kuya sa kwarto ko.

Wala akong panahon para makipag argumento sa kanya.

Kukulitin na naman ako ng lalaking ito.


“Hoy,.,...” sabi niya


“Oh?”


“Di mo ba sasamahan si Chad ngayon?”


“Nagpaalam na ako sa kanya....”


“Eh si AJ ba?”


“Nang aasar ka ba?”


“Di ko alam na ganyan ka katanga.... ang alam ko kasi na wala akong kapatid na tanga.” Sabi niya


“Wew.. umalis ka na nga.”


“Sus... tinutulungan lang kita.”


“Paanong tulong ang ginagawa mo? Yung agawin sa akin si AJ?”


“Bakit? Wala na naman kayo diba? At isa pa, ikaw ang kumalas sa kanya, nangiwan. Kung alam mo lang ang pinagdaanang hirap na naranasan niya. Halos ilagay niya ang sarili niya sa apoy para lang makuha ka. Nagpakatanga siya, nagpaka baba. Kung anu-anong pag huhusga ang natanggap niya sayo tapos eto lang? Magmumukmok ka sa isang tabi? Aba hindi ata ganyan ang mga Ramos.” Sabi niya


“Nahihirapan din naman ako eh. Mas pinili ko ang mamatay na lang sa puso niya para hindi siya masaktan ng sobra. Mas pinili ko ang mag suicide para tulungan si agad kahit na puso ko ang kapalit.”


“dapat kasi ipinaliwanag mo kay AJ ang lahat.”


“Ayokong pag hintayin siya.”


“Naghihintay siya... matagal na.. simula noong iwan mo siya, hindi siya nagsawang mag hintay.”


“Pero...”


“Yan ang ginawa mo.. napagod na siya....kasalanan mo rin yan.”


“Kamusta siya?” tanong ko.


“Ayon.. hindi maganda.... feeling ko sa ngayon pinapasaya niya ang sarili niya...”


“Galit ba siya sa akin.”


“Siguro.. pero mahal ka niya.. yun ang alam ko...”


“Mahal ko din naman siya eh...”


“Haixt.. ewan ko sayo.. gusto kitang suntukin sa ginawa mo sa kanya...”


“Mahal mo siya no?”


“Ewan... hahaha... gusto oo. Pero mahal.. ewan...”


“You are a jerk....”


“And you are stupid...” sabi niya sa akin.


“I hate my life!”


“That’s why your life hates you.... wala ka kasing matinong dessiyong ginagawa...”


“Nakakinis lang kuya... nasasaktan ako.. sobra...”


“Yan pinili mo eh.... kaya mag isip isip ka bago mahuli ang lahat.”


Doon ako napaisip ng todo.

Ano ba ang dapat gawin ko?

Sundin ang puso o ang aking isipan?


[AJ’s POV]


Nakita ko si Khail na nakatulala sa may tapat ng bintana.

Para bang may hinihintay na dumating.

Iisa lang naman ang nasa isipan ko na hinihintay niya, si James.

Alam ko na malabo na magkaroon si Khail ng isang buong pamilya.

Ako na ngayon ang nagpaparaya, mabait na tao si Chad, kahit na masakit kailngan tanggapin.

Alam ko naman na maalagaan niya si Khail ng mabuti.

At isa pa, daddy pa rin ako ni Khail, kahit na wala na kami ni James, kaya pa yan.


“Anak.... anong ginagawa mo diyan?”


“Daddy.... di po ba ako dadalawin dito ni Daddy?”


“Anak... mukhang malabo yan eh.. bakit ayaw mo na ba sa akin?”


“Namimiss ko na siya daddy eh... nag away ba kayo daddy?”


“Hindi anak. Ayos lang kami.” Ang sakit, hindi ko ata kayang mag sinungaling.


“Daddy... bakit ganun? Bakit iba ang kasama niya?”


“Anak? Anong ibig mong sabihin.”


“nagsisinungaling ka daddy... alam kong may problema kayo.”


“Anak naman... ano bang pinagsasabi mo?”


“Daddy... ano ba talaga kayo ngayon ni daddy?”


“Anak.... may sasabihin ako sayo.. sana maintindihan mo...”


Nakita ko ang mga mata niya. Lalo akong nasasaktan.

“Anak... patawarin mo ako ah... naging mahina ako... naging mapurol... pabaya.....” di ko mapigilan ang mapaiyak.


“Daddy wag kang mag cry.. please...”


“Anak... mahal na mahal ka namin ng daddy mo.. kaso.... wala na eh...”


“Ano pong wala na?”


“Anak... hiwalay na kami ng daddy mo....”


“Pero daddy bakit? Ayaw ko? Kayo ulit daddy. Ayoko.” Sabi niya.


Unti-unti nakita ko siyang umiiyak.

Lalong nadudurog ang puso ko kapag nakikita siya.


“Anak... wag na wag kang magtatanim ng galit sa amin ng daddy mo ah... kahit wala na kami.. mahal ka pa rin namin... daddy mo pa rin ako....”


“Pero daddy bakit?”


“Kasi may iba ng mahal ang daddy mo.... mabait naman yun. Best friend ko yon at alam kong maalagaan ka niya.”


“Kaya ba iba na ang kasama ni daddy? I hate daddy I hate daddy!” nagtatakbo siya pataas ng kwarto niya.


Sinundan ko siya. Nag lock siya ng pinto kaya kinabahan ako.


“Baby buksan mo to... baby...”


“Ayaw ko... hanggat hindi kayo nag babalikan ni daddy di ako lalabas dito...”


“Baby... alam kong mahirap.... buksan mo to... please...”


“I hate daddy... ayaw ko sa kanya!”


“Ma! Ma yung susi nga po ng kwarto ni Khail.” Sigaw ko.


“Oh anak anong nangyari?”


“Si Khail po nag kulong sa kwarto po niya eh.”


“Sige anak... eto ang susi.. ano ba ang nangyari?”


Eto na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang masakatan ang baby ko dahil sa nangyayari sa amin ni James.


Naawa ako sa kalagayan ng anak ko.

Hindi ko man lang magawang pawin ang sakit na nararamdaman niya.

Masakit din naman sa part ko eh, sobrang sakit.

Isang linggo matapos ang pangyayaring ito ay nag iba na ang pakikitungo ni Khail kay James.

Hindi ko na din nakikita si James mula nang nangyari noong bakasyon.

Sa akin na tumutuloy si Khail at ayaw na niyang umuwi kay James.

Maski ako nalulungkot sa pinagdaraananan ni Khail.

Si mommy naman ay naiintindihan.

Bumibisita na lang sila sa bahay.

Matapos ang dalawang buwan, nagbago ang lahat.

Sa buhay ko, buhay ng anak ko... at ang buhay ng puso ko.

Panibagong taon sa pag aaral.

Bagong ako, bagong pagsubok na haharapin.

halos mag tatalong buwan na rin na hindi ko nakikita si James at masasabi ko na hanggang ngayon, hinahanap hanap ko pa rin siya.

Ganito talaga pag nagmahal ka.

Pero masakit pa rin, hanggang ngayon ramdam ko pa rin.

Ilang buwan na lang din ang palugit sa akin para mag paopera.

Natatakot pa rin naman ako hanggang ngayon.

Sa tingin ko naman na hindi ko na rin naman kailangan, pakiramdam ko kasi nagaling na rin naman ako.

Yung look ko, ganun pa din, may nagbago na bukod sa palagiang pagsusuot ko ng salamin.

Medyo lumalabo na kasi ang mata ko, nagpapakadalubhasa kasi sa pag aaral.

Inialay ko na lang ang buhay ko sa anak ko, kila mama at papa, at sa pag aaral.

Maraming offers na rin ang natatanggap ko.

Ilang taon pa bago ako mag graduate pero marami ng seminars at formation akong pinapaattend.

Marami na kasi akong orgs na sinalihan.

For a change.

Dumaldal na rin ako kahit papaano.

Marami raming kaibigan akong nahanap.

Dahil jan, sumali din ako sa kung anu-anong laro  lalo na at College week namin sa makalawa. Nagalit nga sa akin si mama nung malaman yun eh.


“Baby... kain ka na.. mamaya pumayat ka niyan eh.” Sabi ko kay Khail.


“Daddy busog na ako...”


“Last 5... dali subo na...”


“Sige po 5 na lang ah...”


Eksena namin ni Khail habang pinapakain ko siya.


Samantalang si mama ay nagbubunganga.


“Hoy Arwin Jake.... sinabihan na kitang wag ka nang sumali jan ah!” sabi ni mama.


“Ma... maka Arwin Jake wagas.... di na nga po ako sumali sa cheering eh... pati ma, exercise din yun....”


“Paano kung bigla kang himatayin... atakihin?”


“Ma... masyado kang nega.. pag di na maganda pakiramdam ko magpapasub na naman ako eh...”


“Anak.. concern lang ako.. mamaya mawala ka na lang sa am....”


“Ma naman.. malakas ako.. dami ko ng pinag daanan oh...”


“Anak hindi mo maiaalis sa akin yun...”


“Ma.. trust me ha...”


“Ewan.. jan ka sa papa mo mag paalam.” Sabi ni mama saka umalis.


“baby.. kain ka lang jan ah... pupuntahan ko lang yung OA mong lola.” At tumango ito.


“Pa... si mama oh...”


“Ma... hayaan mo na yang anak mo...” sabi ni papa.


“Kaya naspoil yang anak mo eh...”


“May tiwala naman ako sa kanya eh...”


“Hay nako...”


“Ma... I’m big na...”


“Kung nagpapa opera ka na kasi eh magiging okay na ang lahat...” at saka umakyat si mama.


“Anak... may punto naman ang mama mo eh.. pero hindi kita pipigilan...”


‘Salamat po pa...”


“Anak mahal kita... mahal ka namin... kaya wag na wag mong babaliwalain pag aalala namin.”


“Opo pa.... promise yan...”


“Kapag may nangyari sa iyong masama, papaluin kita.. ma grounded ka sige ka...”


“Opo promise... gusto ko pang mabuhay pa... kaya wag po kayong mag alala... mabubuhay ako... para sayo... para kay mama... para kay Khail.. at para sa sarili ko.” Sagot ko.


“Anak... pinapasaya mo ako....”


“Pa... para sa inyo to ni mama... konting hintay lang po...”


“O sige.. galingan mo sa game mo.... kapag hindi kayo nanalo... pwersahan kitang ipapadala sa America...”


“Hay naku pa... no choice pa ba ako? Pati dun din naman mapupunta yun.... hahaha.”


“Kaw talaga... sige na... ako na ang bahala sa mama mo...”


“Pa I love you..”


“I Love You to anak...”


Niyakap niya ako tulad ng dati noong bata pa ako.

Maswerte ako na nagkaroon ako ng magulang na tulad nila.

Naging okay naman ako sa mga practice namin.

Isa lang naman ang di okay eh, ang makita kong magkasama si Chad at si James.

Magka schoolmate na rin naman kami ni James.

Lumipat na siya at mula pa noong dumating siya dito sa school ay halos di na sila mapag layo.

Kapag nasa cafeteria kami, lagi na lang nasasaktan ang puso ko dahil halos pagselosin na ako ni Chad.

Sa isang subject namin, daig ko pa ang nasa impyerno dahil sa aksyon ni Chad sa harapan ko.

Kaklase ko sila sa tatlong subjects, great diba?

Binabalewala ko na lang lahat ng napupuna ko kaya todo ayos na ako sa sarili ko.


Ipinapakita ko na anuman ang gawin niya ay hindi ako matitibag.


Gabi na ng magpasya akong umuwi.

Nakakapagod din pala at nakakastress. Haixt buhay nga naman.

Buti na lang at isang sakay na lang.

Nang makita ko na iisang tricycle nalang ang avilable, nagmadali akong tumakbo.

Mahirap na at isa pa gusto ko ng makauwi.

Charity na naman ako, okay na to, hintayin ko na lang na may bumaba mamaya. Pero sa kamalasan nga naman, nakasabay ko pa sila.


Upo sana sa charity si James pero pinigilan siya ni Chad.


“Hayaan mo nga siya... lalaki yah at hindi babae.” Sabi nito.


‘Pero...”


“Isa...” at bumalik si James sa kinauupuan niya.


Parang sunud-sunuran na si James kay Chad.

Di ko na alam ang nangyayari.

Ang awkward ng position ko kasi naman ginigitgit ako ni Chad.


“Chad... stop it...” sabi ni James.


‘Wala naman akong ginagawa ah...”


Tinignan ko ng masama si Chad. “How scary..” sabi niya.


“Mas scary mukha mo..” pabulong kong sabi.


“Hon... ang galing mo kanina... the best ka...” ramdam ko ang pagkakayakap ni Chad kay James. Daig mo pa ang linta kung makakapit eh.


Nakikita ko sa may bintana sa tabihan ko yung mga nangyayari.

Nagulat na lang ako ng sapilitang halikan ni Chad si James.

Kusa namang bumitaw si james. “Alam mo ba na nag fe-feeling magaling yung isa jan... akala mo kung sinong matalino...” sabi ni Chad.


Di ako umimik... ayaw ko na lang patulan. “Akala mo kung sinong Valedictorian.... kow...”


“Chad... sabi ko tama na.. please...”


“Bakit ba? It’s my freedom para sabihin ang gusto ko....”


“So shut up.. please...” ang sabi ni James.


“Ayoko nga eh.. bakit mo ba pinag tatanggol pa yang lalaking yan ha?” nakuha na anmin yung atensyon ng driver at ng mga dinadaanan namin.


“Please... lower your voice...”


“Bakit nahihiya ka ha?”


“Pwede ba tumigil ka na?” di ko napigilan ang sarili ko.


“Bakit ba kahiya hiya ba?”


“Alam mo wala ka talagang kahihiyan.. napaka walang hiya mo...”


“Ang kapal naman ng mukha mo...”


“Makapal na kung makapal.. kesa naman mang aagaw.”


‘Anong sabi mo?”


“Mang aagaw.”


“Ang kapal ng mukha mo!”


Tatangkain niya akong sugurin sa loob pero napigilan siya ni James.


“PARA PO!”nagulat ao sa tono ni James.


“Baba na!” sabi ni James.


“Tara na...”


“Ikaw lang!”


“Pero...”


“Gusto ko ng magpahinga kaya cut it out pwede? I am tired of these..... pagod na ako sa mga pinag gagawa mo kaya please.... pahinga ka na...”


Bumaba ito at direderetsong pumasok sa loob ng gate.


Umandar ang tricycle. Magkatabi naman kami ngayon ni James.


Daig ko pa ang nabilaukan dahil walang salita ang mamutawi sa aking lalamunan. Parang natuyo ito at walang boses na mailabas.


Ang awkward kasi ng posisyon eh. Haixt.

Malapit na sa amin at papara na ako.

At least nakatabi ko siya.


Pero kailngan ko bang kausapin siya?

Kamustahin? Haixt. Bigla akong nakarinig ng nag para.

Si James, teka, wala pa siya sa bahay nya ah, nasa park pa lang.

Bayad po, tatlo po yan.

Akala ko tapos na pero hinigit niya ang kamay ko at dinala ako sa park.

Natulala na lang ako sa nangyari.

Nang makarating kami sa may swing, agad niya akong niyakap.

Nagulat ako sa action niya.

Napatulala ako sa nangyari at tila tutulo ang mga luha ko.


“I miss you so much....” sabi niya


Di ko alam kung ano ang isasagot ko. “Sorry sa inasal ni Chad...”


Bumitaw siya ng pagkakayakap at humarap siya sa akin. “Kamusta ka na?” tanong niya.


Nakatingin lang ako sa kanya. “Ano nagwapuhan ka na naman sa akin?” pagbibiro niya.


Umupo ako sa swing at nag duyan ng padahan dahan. “Anong eksena to?” tanong ko.


Di siya nagsalita. “Lalo mong pinapahirapan ang sitwasyon ko...” ang nasabi ko pa.


“Sorry....”


“Taena mo! Gago ka! Bakit?” ang nasabi ko.


Hinawakan niya ang kamay ko. Di ko inalis ito, di ko mapigilan ang mapaluha. Ang sakit, sobrang sakit.


“Patawarin mo ako kasi nasaktan ka.”


“Anong mapapala ko sa sorry mo? Wala naman diba?”


“Alam ko...”


“Gusto kong patayin ka... saksakin.. bugbugin... pero ayoko... masasaktan lang ako.”


Lumapit siya at lumuhod sa harapan ko. “Mahal kita... hanggang ngayon.. pero ang sakit... pilit kong pinipigilan ang sarili ko kasi sobra akong nasasaktan!” tumutulo na ang uha ko hanggang yakapin ako ni James.


“Sorry... ang laki na ng kasalanan ko sayo.. sobrang laki na....”


“Iwasan mo na ako please... please lang...”


“Pero...”


“Please naman... ayoko na... nasasaktan na ako eh... Isipin mong patay na ako. Isipin mo na yung Arwin na kilala mo ay wala na, nalibing na sa lupa.”


“Sorry.....”


“Puro sorry ka na lang lagi.. sana man lang makarinig ako ng isa man lang na... hello... eto ako.. babalik sayo... pero ano ang aasahan ko? Wala.” tumayo na ako at nag simulang lumayo.


Ang sakit ng nararamdaman ko.

Sobrang sakit.

Daig ko pa ang nasabugan ng bomba. Paulit ulit na lang.

Nakarating ako ng bahay ng ayos.inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok ng bahay.


Arwin Jake Montederamos, kailngan mo ng bumangon.

Wag kang maging tanga sa pagkakataon. Iniwanan ka niya!

Maayos na natapos yung college week namin. Halos di ko na rin namalayan.

 Ilang games din ako muntikan ng atakihin, hindi ko nga maintindihan kung bakit.

Mag papacheck up ako bukas para sure ako.

Magpapasama na rin ako kay Martin.

Ayoko kasing malaman nila mama na nagiging haggard na naman ako.

Closing ng games, hindi ko nakita si Chad.

Siya ang huli naming nakalaban.

Magaling siya, pero nagulat ako na hindi siya umattend ng awarding.

Wala naman akong balita, nagtanong tanong ako pero walang nakakaalam. Di ko na lang masyading inisip.

Pati si James, wala rin, ano pa ba ang aasahan ko? Magkasama sila.

Kinabukasan, sinundo ako ni Martin.

Agad naman kaming dumeretso sa may ospital.

Masama ang pakiramdam ko, feeling ko unti-unti nahihirapan na akong huminga.


“Konting tiis lang.” Sabi ni Martin.


“Kaya ko pa naman.. chill lang...” sabi ko sabay ngiti.


“Ang tigas kasi ng ulo mo eh. Pinagsabihan ka na na wag nang magpakapagod.”


“Gusto ko naman kasing lumakas. Kapag hihiga lang ako lalo akong magpapakasakit.”


“Pero nagpapaka suicide ka eh.”


“Okay lang ako...”


“Ewan ko sayo.”


Agad naman akong dinala sa emergency room at dumating ang doctor.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Martin.

May tinurok sa akin yung mga nurse, pampatulog ata.

Next thing to know, nasa isang puting kwarto na ako. Na confine na naman ako.

Nagising ako at nakita ko agad si mama.

Agad niya akong niyakap at tinanong ng kung anu-ano.


“Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Anong masakit?” tanong ni mama.


“Ma... easy lang po... okay na naman po ako...” sagot ko.


“Ikaw bata ka napaka tigas kasi ng ulo mo...” nakita ko ang pagpatak ng luha ni mama.


Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. “Sorry ma... sorry talaga....”


“Wag mo ng uulitin yun.. ipangako mo...”


“Ma.... mahal ko kayo...”


Hinawakan ni mama ang kamay ko. “Ma... sorry ulit.... pero.... nahihirapan na ako...”


Nang sabihin ko iyon, ramdam ko na tumulo na ang luha ko.

Sa tingin ko wala nang lakas ng loob ang natitira sa puso ko.

Puno na ito ng pait at hinagpis.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment