Tuesday, January 15, 2013

Bawal na Pag-ibig: Notes on the Wall 01

By: Prince Sky
Roxas City
E-mail: edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com


Prelude
Luha… Pumapatak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko nakayanan ang mga pangyayari sa aking buhay. Kung kaylan ako naging seryoso sa pagmamahal ay doon din ako niloko nang sobra. Hindi ko na namalayan ang mga pangyayari dahil puro “bakit” ang nasa isip ko.
Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ginawa sa akin iyon?
Bumuhos ang ulan habang nilalakbay ko ang daan patungo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ko na kaya ang mga pangyayari sa buhay ko hanggang sa nasaksihan ko ang isang maputi at nakakasilaw na pangyayari… Blag… (Siren)….


Chapter 1 (Flashback)

Galing ako sa skul namin at tinungo ko ang isang public park malapit sa beach. Kakatapos lang nang aming finals kaya pinagdesisyunan kong mag-unwind muna. Nursing ang kurso ko at eto na ang huling taon ko bilang isang estudyante.

Sa wakas narating ko rin ang park. Palakad-lakad ako hanggang sa nakita ko ang isang upuan. I’ve stayed there for couple of minute’s para masaksihan ang magandang alon na humahampas sa dalampasigan ng baybayin. Sa di inaasahang pangyayari ay nakita ko ang isang lalaki. Mataas, siguro may nasa 5’11” ang height. Maputi, matipuno ang katawan at bakat ang mga braso at dibdib na halatang laging babad sa gym, matangos ang ilong at higit sa lahat tsinito. Oo, inaamin ko na nagkagusto na rin ako sa kapwa lalaki pero hindi ko eto pinapahalata. Discreet kaya ako. By the way, ako nga pala si Marcus, 19 years old, maputi, matangos ang ilong, semi-kalbo, medyo tsinito din at matipuno ang katawan pero di tulad nang ibang lalaki na mahilig sa gym na yong mga biceps at abdominal muscles ay firmed at chiseled.

Habang lumalakad ang lalaking iyon, hindi naman siya nawala sa mga mata ko. I observe him na parang balisa at di alam kung ano ang ginagawa. Gusto ko sana siyang puntahan at kausapin pero ayoko. Baka naman manloloko yon at pagtripan lang ako. Napuna ko siyang may sinusulat sa isang wall malapit sa public CR. Pagkatapos, umalis siya kaagad sakay nang kanyang motorcycle.
Napa shit!!! talaga ako sa kanya kasi ang ganda ng pangangatawan pero ang kinagulat ko talaga ay ang nasaksihan kung mga isinulat niya sa ding-ding. Pagkaalis niya ay pinuntahan ko naman kaagad ang wall na sinulatan niya.

I’m sure na sulat nya yun kasi malinis ang wall at iisa lang ang nakasulat dun. Ang sabi sa sulat “I’m so sad! –JB”. Di ko naman ikinaila ang pangyayari pero kitang-kita ko ang lungkot na nadarama niya habang siya’y naglalakad. Problema ko lang kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko para matulungan ang tao (si JB) kasi nahihiya nga akong lapitan siya. JB? Siguro code name nya o kaya yun ang initials nya. Anyway, umalis na nga ako dun sa lugar nayon kasi meron pa akong requirements sa isang major subject na kailangan tapusinpara mapasa ang nasabing kurso.

Nung gabing yun hindi ko talaga maalis sa isip ang nakita kung lalaki. Gusto ko siyang makilala pero paano? Kaya ang ginawa ko, nag Facebook at hinanap ang mga tao sa Metro Manila Page. Pero nabigo ako. Sino naman ang ulol na tao ang gagawa tulad ng ginagawa ko ngayon? Hahanapin ang “JB” sa isang social networking site kung saan napakaraming JB naman ang naroon. Ang iba pa nga ay walang mga litrato. May mga JB namang nasa ibang bansa o di kaya’y mga banyaga. Sari-sari, halo-halo. Lalo lang gumulo ang isipan ko sa isang misteryosong JB na naglalaro sa utak ko. I’m sure katangahan lang kaya I stopped doing it and tuned in the radio instead.

I listen to music and luckily oras na pala yun nang program ni Papa Jack. Hay naku, nakakatawa tong DJ na to kasi ang sarap-sarap niyang mang-asar lalo na kapag yung tumatawag sa kanya ay may problema sa pag-ibig. Hanggang sa…

PJ: Hello, kamusta ka?

Caller: Medyo ok lang papa jack. Pero may problema sa pag-ibig

Hay naku, same stories nalang ang mga naririnig ko dito. Puro bigo sa pag-ibig. Mga babaeng iniwanan nang lalaki. Mga lalaking di alam kung ano ang gagawin para sa babae. Mga babaeng nalaman nalang nila na niloloko na pala sila ng mga nobyo nila at sa bandang huli ay natutunan na ring gantihan ang kanilang kapareha. Pero kakaiba ang istorya ng caller na ito ngayon gabi (ay umaga na pala kasi mag aalauna na ng tingnan ko ang orasan sa aking bisig). Lalaki siya at halata na malungkot dahil sa parang mangiyak-ngiyak ang boses. Subalit lalaking lalaki ang dating ng boses ng caller na ito.

PJ: So what do you want to achieve sa conversation na ito kuya?

Caller: Kasi Papa Jack problema ko, iniwanan ako nang mahal ko.

PJ: Ano ba ng problema?

Caller: Yung mahal ko, eh meron ding mahal na iba.. Ibang lalaki..

PJ: Siguro may ginawa kang di maganda kaya nagawa nya ‘yon sa iyo. Ano ba ang meron siya na wala ka.

Caller: Di ko rin alam papa jack pero mahal na mahal ko ang taong iyon. Nagawa ko lang limutin yong girlfriend ko dahil sa kanya kahit na alam kong mahal na mahal din ako ng gf ko.

PJ: Eh! Gago ka naman pala. May girlfriend ka na sobra-sobra ang pagmamahal sa iyo tapos ipagpalit mo sa babaeng iyon na hindi ka naman pala mahal dahil nagawa nyang ipagpalit ka sa ibang lalaki.

Caller: Yun nga ang masama papa jack. Ang taong pinili ko over my girlfriend ay lalaki din.

Napa sigaw talaga ako sa aking narinig. “W.H.A.T.??? ang napakagandang boses na lalaking-lalaki sa pandinig ko ay nagkakagusto rin sa isang lalaki? Hmmmmmmm…. “May kung sa anong masamang hangin ang umuudyok sa aking isipan sa narinig. At naputol lamang ang masamang iniisip dahil sa sigaw rin na narinig ko. Ito ay sigaw ni Papa Jack na tila hindi makapaniwala sa narinig.

PJ: WTF! Bisexual ka?

Caller: Di ko rin alam pero naguguluhan ako papa jack. Basta ang alam ko mali yung ginawa ko.

PJ: Eh alam mo naman pala eh. So ano ang gusto mong gawin ngayon?

Caller: Di ko nga alam papa jack. Kaya nga naisip kong sumulat nalang sa ding-ding at baka may maka sagot sa sitwasyon ko.

Habang narinig ko ang mga sinasabi ng caller ay napatayo talaga ang aking mga balahibo. Baka si JB ‘yong tumatawag. JB na umuokopa sa aking mga imahinasyon dahil sa angkin nitong pisikal na katangian. Pero ewan ko baka naman siguro ibang tao itong caller ni papa jack.

PJ: Ganito nalang ang gawin mo kuya.. Ano nga pala ang pangalan mo?

Caller: Jacob Be… (Toot. Toot. Toot)

PJ: Hello? Kuya Jacob? Andyan ka pa ba? (ay naputol yung tawag ni kuya)

Shit! Siya na nga yun siguro, kasi JB din ang initials nang sumulat sa wall. Putsa naman yan.. Sinabi na nga niya ang pangalan pero di pa nakumpleto ang last name. Tinahak ko ulit ang computer at nagonline sa facebook at hinanap ang Jacob Be or Bi. Pucha 18 results found. Pero puro iba ang nasa picture. Ang tangga ko talaga. Siguro nababaliw na ako sa mga ginagawa ko. I even google it sa net pero bigo lang talaga ako sa ginagawa ko. Anu ba naman to! Nag log-out nalang ako at natulog. Hay naku. Di siya talaga maalis sa isip ko.

Umaga na nang naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng aking kwarto. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang taong iyon. “Son, your breakfast is now ready. Don’t you have a class today?” Ang sigaw na narinig ko mula sa aking mommy sa labas ng kwarto.

“Okay mom, I’ll be there in a minute.” Ang sagot ko. At lumabas na nga ako ng kwarto kahit hindi pa naliligo na tanging suot lang ay boxers shorts at puting sando na suot-suot ko pa kagabi habang natotolog. Kumain ako ng almusal pero di ko na inubos kasi medyo busog pa ako nang biglang lumapit sa akin ang kuya ko.

“Oy Marcus, I’ll be back to States in 2 weeks from now. Meron sana akong pakikiusap sayo bro” si Kuya Mike habang inaayos ang kanyang collar. Siya nga pala si kuya Mike ay ang nakakatandang kapatid ko. Dalawang magkakapatid lang kami pero di kami masyadong close kasi sa States siya lumaki. Gwapo din itong kapatid ko. Mga 5’10” ang height maputi, bilugin ang mga mata, matangos ang ilong at higit sa lahat matipuno ang katawan. Nurse din siya tulad ni mommy. 26 years old na si kuya mike pero mukhang 20 years old lang ang kanyang dating. “Ok kuya. What can I do to help you?” sagot ko pagkatapos uminum ng tubig. “Can you take me to embassy later?” tanong ni kuya na nakuha pang mag pacute. “sure kuya. We don’t have class today. I’ll just finish my stuff” sagot ko pagkatapos inilatag ang basa sa lamesa. “Well, I’ll just wait outside. Thanks bro” sagot ni kuya mike at lumabas ng terrace.

Pagkatapos kung maligo ay nilakbay na naming ang daan patungo sa US Embassy at dun ko nalang siya hinatid. “Kuya, just call me if you’re done, I need to check things out” – sabi ko habang kinukuha ko ang susi ng sasakyan sa bulsa. Umalis na ako at tinungo ko ulit yong park kahapon. Binalikan ko ang wall malapit sa CR at nan doon pa rin ang mga nakasulat. I just stared at it for a while at ang pumasok sa isip ko ay sumulat din sa wall. I wrote “What can I do to make you happy? – MD”

I’ve been waiting there for several minutes at tumawag kaagad si kuya mike. Inisip ko na sana Makita pa ito ni JB at makareply siya sa sinulat ko. After kung sinundo si kuya ay umuwi kami kaagad sa bahay nang biglang tumawag ang kaibigan kung si Ralph. Si Ralph ay ang matalik kung kaibigan. Di ko nga lang sinabi sa kanya ang tunay kung pagkatao. Classmate ko si ralph since high school at sabay narin kaming kumuha nang nursing. Medium built siya, mga 5’6” ang height, matangos ang ilong at gwapo din. Minsan nga nang lumabas kaming magbarkada at nagkayayaang mag-inuman ay napatingin talaga ako sa kaibigan ko. Gumagwapo pala siya lalo na pag tipsy na ang dating niya. Ang sarap halikan ng mga labi niya kaso di pwede. Kaibigan ko siya at baka magcomplicate ang aming relasyon bilang magkaibigan kung gagawan ko nang masama si ralph.

“O ralph, pare musta? Anu ang balita sa skul?” sabi ko habang hinuhuban ang sapatos. “Marc, labas muna tayo meron lang kasi akong importanteng sasabihin sa iyo” sagot ni ralph sa kabilang linya. “talaga? Ano kaya yon? May problema ba ralph?” sagot ko na may kalituhan. “Kasi napag-isipan kong mag bonding muna tayo bago matapos yong life natin bilang estudyante” – sagot ni ralph na may halong excitement. (Shit bonding? Eto na siguro ang tamang pagkakataong masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko) sa isip ko lang. Aaminin ko sa inyo mga ateng, crush ko si ralph noon pa, ang bait niya kasi sa akin at minsan nga ay nilulutuan niya pa ako ng mge desserts. Minsan nga nagduda na yong ibang barkada naming kasi super close kami at palagi akong hinahanap ni ralph.)  “Oh, eh sige. Anung oras at saan tayo magkikita” – mabilisan kong sagot. “Puntahan nalang kita sa inyo marc” – suggestion ni ralph. “Ganito nalang, susunduin kita diyan sa apartment mo at sa park nalang tayo pupunta” –  firm na response ko kanyang suggestion. “Okay ikaw ang bahala, hintayin kita ngayon, sabay nalang tayo maglunch” – walang pag-alinlangang sagot ni ralph. “Cge, magbibihis lang ako. Bye”

Pinuntahan ko siya sa apartment niya at laking gulat ko ng nakita ko si JB sa daan. Shit!!! Andyan na ang mysterious guy ko. Puta! Ang pogi talaga. Naka bodyfit na red shirt, white belt, at faded jeans. Bakat na bakat talaga ang muscles niya. Napahinto talaga ako at tinitingnan siya ng biglang (Imagination) pinuntahan ko siya at hinalikan. Nagparaya ang kanyang bibig at handang ibigay ang kanyang dila na masarap higupin ang lahat niyang laway. Tapos hinalikan ko ang leeg niya sabay hubad ng shirt niya. Sinipsip ko ang mapulang nipples niya habang dahan-dahan kung binubuksan ang button ng kanyang pantalon. Sinakmal ko ang kanyang malaking umbok sa harapan at di na ako nagpaligoy-ligoy pa. I unzip his pants and then. Tiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnng! (busina ng mga sasakyan sa likod) leche naman to. Ang sama talaga ng iniisip ko. Nakalimutan ko pala nagiimahinasyon lang ako. Nasaan na si JB? Bwesit! Nawala naman ‘yong mysterious guy ko. Tang-ina naman. Ano ba to? Na love at first sight ba ako o sadyan nalibugan lang talaga ako. Hay naku, mother Florence Nightingale bigyan mo naman ako nang liwanag!

Nakarating na rin ako sa apartment ni ralph. Ding dong, ding dong. (Doorbell). “Ralph? Andito na ako sa labas” – sabi ko habang pinipondot pa rin ang doorbell. Walang sumasagot, I tried to open the door knob pero bukas naman pala. Walang tao, nasaan kaya si ralph. I’ve been waiting for several minutes pero wala talaga. I called ralph just to tell him na andito na ako sa apartment niya at nagulat nalang ako ng nag ring ‘yong phone sa loob ng room niya. pucha naman oh. Andito lang siguro si ralph sa room niya (sa isip ko). I knocked at the door. Tok tok tok.. “Ralph si marcus to, andito na ako” – matunog kung sinabi sabay katok ng pintuan. Hindi sumasagot. Naiinip na ako and I grabed the doorknob. Fortunately, hindi ito nakalock at nang nabuksan ko na ang room, di ko maipaliwanag ang mga nakita ko.

Itutuloy….

No comments:

Post a Comment