By: Prince Sky
Roxas City
E-mail:
edterchellesoriano@gmail.com
Facebook: edterchellesoriano@yahoo.com
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan
sa buhay natin. Kailangan nating magparaya upang makamtan ang tunay na
pagmamahal. Kapag tunay mong mahal ang isang tao at kahit iiwan ka niya ay
palaging siya pa rin ang laman ng puso at isip mo.
Maaring
maraming pagkakataon kong kailan puwede mong ipadama sa kanya ang iyong
pagmamahal ngunit dapat handa ka sa maaring mangyari.
Kahit
anong pagsubok ang iyong mararanasan basta matatag ang iyong pagmamahal sa
taong isinisigaw ng puso mo ay makakamit mo rin ang inaasam-asam na pag-ibig at
wagas na kaligayahan.
Hindi
man ngayon o hindi rin bukas.
Pero
dadating rin ang tamang panahon at magtatagpo pa rin ang dalawang puso na
nagmamahalan.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ako
nga pala si Dennis Gonzales. Isang pulis. 26 years old. Matangakad. Nasa 5”10”
ang height. Maputi, matipuno ang katawan dahil babad sa exercises at training
naming. Matangos ang ilong, bilugin at kulay brown ang mata. Masasabi ko na
mukha akog espanyol dahil na rin may lahi kaming kastila.
H. C.
Hualde
as
Dennis
Gonzales
Masasabi kong may
dating naman ang tindig ko. Maraming babae ang nagkakandarapa sa akin ngunit
kahit anong gawin nila ay iisa lang ang natatanging laman ng puso ko.
Ang ama ko ay isa
ring pulis ngunit namatay ito ng bata pa ako. Ang ina ko naman ay nakahanap na
rin ng asawa sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, ako
ay nakatira sa bahay ng aking tiyuhin na isang Chef. Siya ang nagmamanage ng
isang Italian Resto sa bayan namin. Walang asawa si Tiyo Bert at napag-kaalaman
ko na lang na si tiyo Bert ay isang bading.
Magsisimula ang aking
kuwento noong 20 years ago.
Sa makatuwid ako ay
anim na taong gulang pa lamang. Namatay ang ama ko at iniwan naman ako ni ina
sa aking tiyuhin.
Unang pasok ko sa
isang paaralan at wala akong kilala doon. Si tiyo bert ang humahatid sa akin sa
bago kong paaralan.
Hinahatid niya ako
gamit ang kanyang bisikleta. Malapit lang naman kasi ang bahay ni tiyo sa
paaralan ko.
“Dennis, may alam ka
bang kanta?” tanong ni tiyo Bert habang pinapadyak ang bisekleta.
“London Bridge Tiyo
Bert” ang sagot ko naman sa kanya habang nakaupo ng patalikod sa kanya.
Nasa ganoon kaming
siste at kumakanta ng London Bridge. Tinahak na naming ang daan patungo sa
paaralan ko at patuloy pa rin kaming kumankanta ng London Bridge.
“London bridge is
falling down.. falling down.. falling down.. London bridge is falling down.. my
first lady”
Patuloy pa rin kami
sa ganoong sitwasyon nang nakita ko naman ang isang matandang lalaki at may
kasamang isang bata na lalaki rin.
Nakasalamin ang bata
at parehung-parehu ang aming uniporme. Tantsa ko ay magka-edad lang kami.
Napatitig ako sa kanya at nakita kong ngumiti sa akin.
Napahinto naman ako
sa pagkanta ng London Bridge ng.
“Oh Dennis? Bakit
tumigil ka?” tanong ni Tiyo bert habang patuloy pa rin sa pagbaybay ng daan
patungo sa paaralan ko.
Hindi na ako sumagot
kay tiyo Bert at patuloy pa rin akong nakatitig sa batang lalaki na
nakasalamin.
“Oh andito na tayo
Dennis. Mag-ingat ka ha? Huwag kang gumawa ng gulo. Susunduin nalang kita
mamaya” mahabang paalala ni tiyo Bert.
Pumasok na ako sa
aking silid at umupo sa likuran.
Maya’t-maya ay
pumasok na rin an gaming guro at may kasamang bata.
Tinitigan ko ng
mabuti ang bata at nalaman ko na lang na siya iyong bata na nakita ko kanina.
“Okay Class, say
hello to your new classmate Jason.” Pakilala ng guro namin.
“Hello Jayson”
sabay-sabay naming pagbati sa bagong kaklase.
“Siya nga pala. Aalis
muna ako at pupunta lang ng principal’s office. Kayo na muna ang bahala dito
ha? Dennis! Ikaw na ang bahala kay Jayson” dagdag na instruction ng guro namin.
Pagkaalis ng guro
namin ay nagsalita naman ang isa naming kaklase.
“Hoy Jayson!
Magpakilala ka nga” sigaw ng kaklase naming
Mukhang nangingibago
pa si Jayson. Siguro ay nahihiya or sadyang ayaw lang talaga mag-salita.
“My name is Jayson
Martinez. 6 years old. My mom and dad passed away. I’m living with my Lolo”
mahinahong sambit ni Jayson
“Anong nangyari sa
mama at papa mo?” tanong ng isa pa naming kaklase.
“Ang sabi ng Lolo ko,
kinuha sila ng monster. Pagkatapos, iniwan ako sa isang kalesa. Mabuti na lang
ay merong knight at tinulungan akong makatakas. Tapos, ibinigay ako ng knight
sa aking Lolo at umalis din siya para tulungan ang mama at papa ko” mahabang
pagsalaysay ni Jayson
Seryosong nakinig
naman ang mga classmate namin.
“Naniniwala k aba na
may Knight?” tanong ng isa pa naming classmate
“Oo naniniwala ako.
Eto nga ibinigay sa akin ng knight bago siya umalis” sambit ni Jayson habang
ipinapakit ang isang gold bracelet.
“Ows? Talaga? Eh
naniniwala ka rin na may monster?” tanong ng isa pa naming kaklase
“Oo naman gusto niyo
makakita ng monster?” sambit ni Jayson habang may kinikuha sa kanyang bag.
Nagtakbuhan ang aking
mga classmate sa likurang bahagi ng silid. Ngunit hindi ako nagpakita ng takot.
“Oh? Bakit? Natatakot
kayo?” mahinahong tugon ni Jayson.
Nakita ko namang
takot na takot ang mga classmates ko nang.
“Ako! Hindi ako
natatakot. Gusto kong makita ang monster na iyan” malakas na sambit ko sa
kanya.
Maya’t-maya ay
nilapitan niya ako. Nagsitakbuhan ulit ang mga kaklase ko sa bandang unahan ng
silid habang kami ni Jayson ay nakatayo sa likuran.
Binuksan ni Jayson
ang kanyang bag at ipinakita sa akin ang sinasabing monster. Hindi naman ako
nagulat dahil nalaman ko na lang na isa palang salamander ang sa loob ng bag
niya.
Dumating ang aming
guro.
“Oh class? Ano ang
ginagawa niyo dito?” gulat na tanong ng guro naming
Magsasalit pa sana
ang isa naming classmate ng.
“Wala po ma’am
naglalaro lang po kami” tugon ko sa teacher namin
“Oh Jayson siguro
naman kaibigan mo na si Dennis kaya mas mabuti na siguro na magkatabi nalang
kayong dalawa” utos ng guro namin.
Pagkatapos ng unang
klase naming ay lumabas kami ni Jayson at umupo malapit sa flag pole.
“Totoo ba ang mga
sinabi mo kanina?” mahinahong tanong ko
kay Jayson
“Oo naman. Bakit
hindi ka ba naniniwalang merong knight?” pabalik na tanong ni Jayson sa akin.
Hindi na ako sumagot
pa dahil alam kong wala namang patutunguhan an gaming usapan.
Maya’t-maya ay
dumating na rin si tiyo Bert. At tamang-tama ay nandiyan na rin ang sundo ni
Jayson.
“Sige Jayson. Uwi na
ako. Kita nalang tayo bukas ha?” sambit k okay Jayson ngunit bago pa man kami
magkahiwala ay itinaas ni Jayson ang kanyang kamao sa harap ko.
“Dens sunggaban mo
ang kamao ko” utos ni Jayson
Itinaas ko rin ang
aking kamao at sinunggaban ang kamao ni Jayson.
“Sa susunod, kapag
maghihiwalay tayo dapat ganito ang gagawin natin ha?” Sambit ni jayson
“Oo naman. Sige
Jayson ingat kayo” pasigaw k okay Jayson.
Naka-uwi na rin kami
ni tiyo Bert at inayos ko ang aking mga gamit pang-eskwela. Pinaghanda ni tiyo
Bert ang paborito kong pagkain. Spaghetti. Pagkatapos naming kumain ay naligo
na rin ako at natulog.
Kinabukasan ay
hinatid ulit ako ni tiyo Bert sa skul.
Magsisimula na an
gaming klase ng nakita kong balisang-balisa si Jayson.
“Jay ano ang ginagawa
mo? Baka makita ka ni ma’am?” palihim kong tanong sa kanya.
“Dens, nawawala ang
alaga ko” sagot ni Jayson na may bahid na pag-alala
“Dennis, Jayson. Ano
ang ginagawa niyo diyan?” tanong ng guro namin na may halong galit.
Sasagot na sana si
Jayson ng sumigaw si Ma’am at umakyat sa kanyang upuan.
Itutuloy….
No comments:
Post a Comment