By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail: getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Ako si JASSIM
At
heto ang kuwento ngbuhay ko...
***
Dali-dali
akong tumakbo sa hagdanan upang tingnan kung ano ang nangyari kay Ricky at kung
sino ang nabaril niya. At sa bilis ng aking pagtakbo ay tila hindi lumalapat sa
hagdanan ang aking mga paa.
Noong
narating ko na ang ground floor, tinumbok ko ang main door na nakabukas at noong
nasa bungad na, doon ko nakita si Ricky na nakatayo sa harap ng gate, nakatutok
pa rin ang baril sa kanilang dalawa ni James at kambal niya na patuloy na
nagsambuno sa harapan ng lawn ng bahay.
“Sino
ang binaril mo!” ang sigaw ko kay Ricky.
“Warning
shots lang iyon igan! Lalapit pa sana kasi sa akin iyang isa. Mabuti na lang at
hinaharang din ng isa.”
Nahimasmasan
naman ako. Ang akala ko kasi ay may nabaril na sa kanila. “Si James iyang
humarang sa isa! Ayaw niyang maagaw ng kambal niya ang baril na nasa iyo!”
sigaw ko uli. At baling sa dalawang kambal na patuloy pa ring nagsambuno,
“James! Mag-ingat ka!”
Nahinto
sandali si James sa pagharang niya kay John. “Huwag kang lumapit Yak... d’yan
ka lang!” sagot naman ni James sa akin.
Ngunit
iyon na pala ang hinintay na pagkakataon ni John. Agad siyang nakatakbo palapit
kay Ricky na nabigla rin, inagaw ang baril, inilignkis niya ang isa niyang
kamay sa katawan ni Ricky atsaka itinutok ang baril sa ulo nito.
“Igannnnnn!!!”
ang malakas na tili ni Ricky.
“Huwag
kayong magkamaling sundan kami kung ayaw ninyo na may mangyaring masama sa
kanya!”
“Huwag
mo siyang saktan tol! Huwag mo nang dagdagan pa ang masamang record mo.
Matutulungan pa kita. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng magaling na abugado
upang hindi ka makulong.”
“Hindi
na kailangan! At kung ikaw lang din ang magsasabi niya, hindi ako maniniwala!
Ayoko nang maniwala pa! Simula’t sapul, hindi ko maramdaman na itinuring o
akong kapatid! Alam ko, lokohan lang iyang sinabi mo. Kaya hayaan mo ako! Huwag
mo akong sundan! Nagkaintindihan ba tayo?!” ang matapang na sigaw ni John
habang yakap-yakap pa rin si Ricky.
“Tama!”
Dugtong din ni Ricky. “Hayaan ninyo kaming magsama at bumuo ng pamilya. Hayaan
ninyong abutin namin ang aming mga pangrap na hindi kami hihingi ng tulong sa
inyo! Kaya huwag na ninyo kaming guluhin at gambalain!”
“Pakkkk!”
ang narinig kong ingay nang tumama ang dulo ng baril na hawak-hawak ni John sa
batok ni Ricky.
“Arekop!”
ang sigaw naman ni Ricky sabay lingon niya kay John. “Bakit mo ba ako binatukan
niyang baril? Sumusobra ka na ah!”
“Ang
ingay-ingay mo!”
“Paanong
hindi ako mag-iingay, yakap-yakap mo ako at ang sabi mo pa ay magsama na tayo!”
“Magsama
pala ha? Pwes... Um!!!” Itinulak niya si Ricky dahilan upang matumba ito sa
damuhan.
“Arekop!
Bakit ba?! Pagkatapos mong makatsansing???”
“Daming
satsat! Hubad!” utos pa ni John. At “Huwag kayong magtangkang lumapit kung ayaw
ninyong mabarail!” lingon niya sa amin habang itinutok ang baril sa aming
dalawa ni James. At baling uli kay Ricky, “Hubaadddd!”
“Wow!
Deretsahan!” sambit ni Ricky.
“Sabi
nang wala nang dada! Hubaaddd na!!!”
“T-talaga?
Dito?”
“Oo!”
“Now
na???”
“Dalian
mo, tangina! Pasasabugin ko na iyang bungo mo eh!”
“Atat
na atat ka na talaga ha? H-hindi ako masyadong handa eh...”
“Tangina
maghubad ka ba o hindi!!!” sabay paputok ng baril, pinuntirya ang halaman sa
gilid ni Ricky.
“Opo!
Opo! Maghubad na po!” ang takot din na sigaw ni Ricky. “Grabeh naman to! Atat
na atat!”
“Oo
atat na atat na akong barilin ka. Dalian moooo!!!”
Noong
nahubad na ni Ricky ang lahat ng kanyang damit, pati na rin ang brief, “D-dito
ba talaga tayo mag-sex? Kahit sa harap nila?” turo niya sa amin ni James.
“Ibaba mo na ang baril mo. Di na kailangang takutin mo pa ako dahil gusto ko
rin ng sex!”
“Pakkk!”
“Umm! Gago! Damit mo lang ang kailangan ko, hindi sex! Paano ako iiskapo nitong
postura kong nakahubad? At sa iyo na iyang brief mo. Bakit mo ba hinubad iyan,
hindi naman ako interesado d’yan!”
Pakiwari
ko ay gusto kong humalakhak sa sobrang pagka assuming ni Ricky. At dali-daling
isinuot ni John ang mga damit ni Ricky. At habang abala siya sa pagsuot ng
t-shirt, doon na siya sinugod ni James upang agawin ang baril.
Nagpambuno
muli sila. Sa pagkakataong iyon, naagaw rin ni James ang baril.
Ngunit
mabilis ding naka eskapo si John. At bago pa ito nakalayo, nagbitiw ito ng
pagbabanta. “Tandaan mo, hindi ako titigil hanggang hindi ko nasisira ang buhay
mo!” at naglaho siya sa dilim.
At
pati kami ni James ay nabigla sa bilis ng pangyayari. Napatingin na lang kami
kay Ricky.
“Ba’t
kayo nakatingin sa akin?”
“Sex
talaga ha?” ang sagot ko na natawa pa.
“E,
ano naman ang iisipin ko? Nakahubad siya, pinahubad niya ako. di ba sex ang
maiisip mo?”
“Oo
na... tama ka, kaya isuot mo na iyan brief mo na hindi isinuot ni John.” ang
pagsingit naman ni James.
“Tsura
niya! Pero ayoko ngang magdamit. Gusto ko maghubad ka na rin para pareho tayong
tatlong nakahubad. Hayan si James o, nakahubad din. Ayyyiiiii! sarap tingnan.”
Hindi
naming maiwasang hindi matawa sa kabulastugan ni Ricky.
Bumalik
kaming tatlo sa loob ng bahay ni James. Nagsuot na ng damit si James at si
Ricky, ang damit naman na iniwan ni John ang kanyang isinuot. “In fairness...
may remembrance ako sa haliparot.” sambit ni Ricky noong naisuot na niya ang
damit ni John. “Ay sorry... kambal mo pala iyon.” sabay takip sa bibig niya
noong napansin ang sinabi niyang haliparot at nakatingin si James.
Ngingiti-ngiti
lang si James.
Sa
loobng bahay ay napag-usapan namin ang tunay na nangyari sa simbahan sa kasal
nina Sophia at Marlon, na si John pala sa tunay na katauhan. Noon lang din
nalaman iyon ni James. “Tsk! Tsk!” napailing-iling na lang si James. “Ang
kambal ko talaga, kung anu-ano na lang na kabulastugan ang kayang gawin, masira
lang ang buhay ko.” sambit ni James.
“Kung
ikaw iyon, pakakasalan mo ba si Sophia?” ang tanong ko.
“Bakit
ko siya pakakasalan? Nakatali na ang puso ko sa isang tao d’yan...” sabay kurot
sa aking pisngi.
Syempre,
kilig to the max ang lola ninyo. At kinilig din syempre si Ricky.
Sa
pag-uusap naming iyon ay napag-alaman namin na noong nakaalis na ako ng
simbahan, may taong bumaril pala kay Sophia. “Biglaan igan! Bigla na lang
sumulpot sa harap pintuan ng simbahan at nakita ko pang naglakad siya patungo
sa center isle na parang wala lang nangyari. At doon na binanatan si Sophia!”
ang pagkuwento ni Ricky.
“Mabuti
at si Sophia lang ang natamaan!”
“Palagay
ko ay si Sophia lang talaga ang target eh.”
“Kaya
pala may narinig akong mga putok noong nagtatakbo akong umalis sa simbahan!”
sambit ko.
“Oo...
at tatlong bala ang tumama sa katawan niya. Pero buhay pa rin igan! Iba talaga
kapag masamang damo! At ang masaklap pa niyan ay iyong impostor na Marlon, ikaw
ang pinagbintangan na nagpabaril kay Sophia. Isinisigaw pa niya na ikaw raw ang
may pakana ng lahat dahil nagbitiw ka raw ng salitang papatayin mo siya!”
“Totoo
bang pinagbantaan mo si Sophia?” tanong ni James sa akin.
“Diyos
ko naman, Yak. Kaya ko bang pumatay o mag-utos na pumatay ng tao? Manok nga na
kinakatay ni ayaw kong makita dahil naaawa ako, tao pa kaya? Dahil lang iyon sa
matindi kong galit sa kanya. At wala akong balak na gawin iyon sa kanya!”
“Di
ba may tinawagan kang Preso?” ang tanong naman ni Ricky sa akin.
“Wala
iyon! Nakisuyo lang ako sa kanya na takutin lang si Sophia upang tumino na sana
ang babaeng iyon. Pero never kong iniutos na ipapatay siya! Hindi ko magagawa
ang pagpapatay ng tao yak...”
“Naniwala
ako sa iyo...” sagot ni James.
“S-salamat.”
“Eh
paano kung tinuluyan niya?” ang dugtong ni Ricky.
Bigla
naman akong natigilan. May posibilidad naman din kasing mangyari ang sinabi ni
Ricky. “Ah basta wala akong sinabing patayin niya si Sophia. At hindi iyon
kayang pumatay ng tao dahil nasa loob pa ng bilangguan iyon!” ang
pangangatuwiran ko na lang.
“Dalawin
natin si Sophia Yak... i-explain natin sa kanya ang lahat.” Mungkahi ni James.
Hindi
ako sumagot. Galit na galit pa kasi ako sa kanya dahil sa pagpapakulong niya sa
akin at sa mga ginawa niyang pagpapasakit sa akin.
“Bakit?”
ang tanong ni James noong hindi ako sumagot.
“P-pwede
bang kayo na lang?” sambit ko.
“Dapat
ay sumama ka Yak... para wala siyang masabi sa iyo, na wala kang itinatago.”
“Tama.
At baka isipin pa nagtatago ka dahil guilty ka. O di kaya ay dahil nabuntis
ka!” ang pagsingit ni Ricky.
“Gusto
mong mabatukan uli ng baril?”
Agad
naming ini-report ang lahat sa pulis. Kahit madaling araw iyon, pinunthan pa
rin namin ang pinakamalapit na presinto. Nagpa-blotter kami at nanghingi ako ng
report upang maipakita ko sa aming school. Test kasi namin at ang report na
iyon ang aking ginawang rason upang mabigyan ako ng special exam. Ganoon din
ang ginawa ni Ricky.
Noong
mag alas otso na ng umaga, sa school naman kami nagpunta upang magpaalam ng
special test. Sinamahan kami ni James.
Pinagbigyan
naman kami ng school.
Pagakatapos
sa school dumeretso na kami ng ospital. Naabutan namin si Sophia na nakahiga sa
kama ng kanyang private room; may dextrose na nakakabit sa kanyang kamay,
naka-damit pasyente. Napag-alaman naming hindi natamaan ang mga vital organs
niya sa katawan kung kaya ay malayo siya sa kapahamakan.
“Sinuwerte
pa talaga ang demonya!” bulong ni Ricky.
“Ligtas
ka na raw sabi ng duktor.” ang sambit naman ni James kay Sophia.
Bakas
sa mukha ni Sophia ang tuwa sa pagkakita niya kay James. “Saan ka ba nanggaling
honey? Pagkatapos mo raw akong maihatid dito sa ospital ay umalis ka raw
kaagad. At bakit kasama mo na ang mga hunghang na iyan?”
Nagkatinginan
kami ni Ricky. “Hunghang ka raw!” ang palihim na pagbulong ni Ricky sa akin.
“Eh...”
ang naisagot lang ni James na lumingon sa akin. Alam ko, nahirapan siya kung
paano simulan ang pagpapaliwanag.
At
hindi pa nasimulan ni James ang pagsasalita ay nakita na ako ni Sophia, “Bakit
nandito ka? Di ba ikaw ang nagpabaril sa akin? Di ba siya honey? Di ba sabi
mong siya ang may pakana ng lahat? Siya ang sabi mong nag-utos na barilin ako?”
ang pilit na pagsigaw ni Sophia sa kabila ng kanyang mga tama.
“H-hindi
siya honey.”
“Eh...
Sino? Bakit ang sabi mo ay siya?”
“Nagkamali
ako.”
“Sino
nga?”
“Ang
kambal ko.”
Na
siya namang ikinagulat ni Sophia. “May kambal ka?”
“May
kambal ka???” ang mahina at lihim naman na paggagad ni Ricky kay Sophia. Iyon
bang naartehan at gigil na gigil.
“Oo...
at sobrang galit nun sa akin.”
“No-no-no-no-no!
Hindi ako naniniwala. Kung may kambal ka nga, hindi ang kambal mo ang
nagpabaril sa akin. Iyan! Iyang sampid at mang-aagaw mong kasama ang nagpabaril
sa akin upang ma-solo ka niya at maagaw ka niya sa akin!” ang pilit na
pagsisigaw na ni Sophia.
“Hindi,
Sophia. Nagkamali ka.” Ang mahinahong sabi ni James sabay lapit sa gilid ng
kama ni Sophia at hinawakan ang kamay ng huli.
“At
Sophia na lang ngayon ang tawag mo sa akin? Na-brainwash ka na talaga sa
kanya!!!” turo sa akin at humagulgol na bagamat hinawakang mahigpit ang kamay
ni James at niyakap ang braso nito. “Hindi mo na ako mahal. Sabi mo pa nga sa
akin ay mag honeymoon pa tayo at bigyan kita ng maraming anak.”
“Ang
sarap takpan ng unan ang bunganga nito! Ansarapsakalin!” bulong ni Ricky.
“Sarap talagang patayin igan, pigilan mo ako!”
“Yakapin
mo ako please...” dugtong pa ni Sophia kay James.
“Lukaret!
Talipandas! Haliparot!” bulong uli ni Ricky.
Tumingin
sa amin si James at nag-aalangang tumalima sa pagyakap kay Sophia.
Tahimik.
“Hindi
nga si Jassim ang nagpapatay sa iyo Sophia.”
“Ayoko
ngang maniwala! Siya ang salarin! Gusto niyang ipapatay ako!”
“At
ikaw... di ba ikaw ang nagpapakidnap sa amin! Masama ka! At ikaw din ang
nagpabilango kay Jassim at naglagay ng lason sa pagkain at pagbintangan siya
upang makulong!” ang pagsingit naman ni Ricky.
“Sinungaling!
Hindi totoo yan!”
“Bakit
nasa iyo ang bracelet ni Jassim na nawala noong kinidnap kami!”
“Bracelet?
anong bracelet ang pinagsasabi mo?”
“Iyong
gold bracelet na nasa loob ng isang envelope sa drawer ng iyong opisina!”
Tiningnan
niya si James. “Di ba ikaw ang nagbigay niyon sa akin honey?”
Nahinto
si James. “W-wala akong natandaang ibinigay sa iyong bracelet...”
“Sinungaling
ka talaga Sophia! Sinungaling ka!”
“Shut
up! Bat ba kumakampi ka na ngayon sa mang-aagaw na iyan bakla! Sa akin ka
nagsiserbisyo ah! Ako ang nagpapasuweldo sa iyo!” ang sigaw ni Sophia kay
Ricky.
“Bakit?
Amalayer? Amalayer???”
“Amalayer?
Ano yan? Gusto mo sampalin kita? Di kita maintindihan!”
“Oh
my God kuya! Shesalayer!” sabay baling kay James. At baling uli kay Sophia,
“Yer a freakinlayer Miss! Amalayer! Amalayer? Answer me! Amalayer!” At talagang
nag-emote si Ricky, ginaya ang isang insidente sa LRT na inapload sa internet.
“Ano
bang pinagsasabi mo d’yan! Bakla. Nababaliw ka na ba?”
At
bigla ring huminto si Ricky na parang wala lang nangyari. “Ay sorry, akala ko
ikaw iyong guwardiya sa may Santolan LRT Station. Kasing hugis kasi ang katawan
mo sa kanya.”
“Niloloko
mo ba ako?”
“Hindi.”
ang casual na sagot ni Ricky. “Ang ibig kong sabihin, matagal na akong pro J-J.
Never akong naging pro J-S. Ewwwww!”
“Anong
pro J-J? Anong pro J-S?”
“James-Jassim,
James-Sophia. At Jassim-James ako.”
“Bukas
na bukas, huwag ka nang pumasok sa restaurant dahil tanggal ka na!”
“Owww?
Tingnan ko lang kung papayag ang union! Baka mawalan ka ng trabahante at
mapasara pa ang restaurant mo. May kasunduan yata tayo.”
“Lumayas
nga kayong dalawa dito! Dalhin mo iyang kaibigan mong mang-aagaw!”
“At
itong kaibigan ko pa ngayon ang mang-aagaw? Baligtad talaga ang utak mo!
Amalayer ka!”
“Wala
akong paki! Alis na!”
“So
ikaw ang nagpakidnap sa amin ano? At ikaw rin ang nagpalagay ng lason sa kusina
dahilan upang mabilanggo ni Jassim ano? Anooooo?!!!”
“Tama
na! tama na!” ang sigaw ni James.
“Lumayas
kayo ditooo!!!” ang sigaw din ni Sophia. Kahit nasa ganoon siyang kalagayan,
matapang pa rin ito. Palaban pa rin. Ayaw patatalo. “Ayaw ninyong umalis ha...”
at may pinindot na siya.
Biglang
pumasok ang nurse. “A-ano po iyon ma’am?” ang tanong ng nurse.
“Nasaan
ba ang ang mga pulis na nagbabantay sa akin?”
“N-nag
break lang po sila Ma’am...”
“Nagbreak?!!!
Nandito ang killer ko, hayan...” turo sa akin, “Iyan ang mastermind sa
pagpapabaril sa akin! Tapos nagbreak sila? Paano kung barilin ako uli niyan? Di
namatay ako dahil sa pagbi-break nila! Ang tatanga naman!!!”
Nanlaki
ang mga mata namin sa sinabi ni Sophia. Syempre, natakot ako. Hinid ko kasi
akalaing may guwardiya pa talaga siyang pulis.
Tatalikod
na sana ako at aalis upang hindi maabutan ng mga pulis na sinabi ngunit
hinablot ni Ricky ang aking braso. “Hindi tayo puwedeng umalis. Baka isipin ni
Sophia na tayo talaga ang may pakana ng lahat.”
Nalito
ako sa pagkakataong iyon. Ngunit dahil naroon naman si James at Ricky kung kaya
ay nagdesisyon na lang akong huwag umalis.
At
hindi nga nagtagal ay pumasok ang dalawang pulis. “Ayan! Hulihin ninyo!” Ang
sambit ni Sophia.
Walang
pasabing hinarap ako ng dalawang pulis; pinosasan agad.
“Hindi
po ako Sir! Wala po akong kasalanan!” ang pagmamakaawa ko.
“Huwag
kayong maniwala sa kanya! Siya ang nag-utos sa gunman na nahuli ninyo na
barilin ako. Siya ang utak sa pagpapatay sa akin!”
Tumayo
si James at nilapitan ang dalawang pulis. “Hindi po siya ang nagpabaril kay
Sophia, chief. Alam ko po kung sino.” Ang paliwanag ni James.
“Sa
prisinteo na lang po kayo magpaliwanag bossing.” ang sagot naman ng mga pulis
sabay kaladkad sa akin palabas ng kuwarto.
“Yak...
paano na ito???” lingon ko kay James at halos nasa labas na ng pinto.
“Huwag
kang mag-alala. Sasamahan kita.” sagot ni James na sumunod sa amin.
“Sasama
na rin ako.” dugtong ni Ricky.
“Honey!
Saan ka pupunta???!” sigaw ni Sophia.
Ngunit
hindi siya pinansin ni James. Si Ricky ang lumingon sa kanya sabay sigaw ng
pangungutya. “Amalayer!”
Nang
dumating kami sa prisinto, kinunan na naman ako ng finger prints atsaka
isinulat sa kanilang logbook ang pangalan ko. “May record ka na pala dito. Food
poisoning ang dati mong kasalanan?” ang sambit ng pulis na in-charge sa record.
“Paano ka nakalabas dito?” dugtong niya.
Nagulat
naman ako sa tanong niyang iyon. Syempre, alangan namang sabihin kong may butas
sa loob ng bilangguan nila. Kaya, “E... m-may nagpalabas sa akin eh. Wala naman
daw akong kaso.” ang palusot ko na lang.
Tumango-tango
ang pulis.
“Chief...
p-puwede magpapyansa na lang para sa kanya?”
Tiningnan
siya ng pulis na parang nabigla, sabay sabing, “O... kayo pala iyan bossing!
Bata mo ba ito?”
“Yes
Chief. Bata ko to... Pwede bang magpiyansa rito?”
“Puwedeng-puwede!
Kayo pa!” ang sagot naman ng pulis. “Pero bukas naman ang korte ngayon, sa
korte kayo magpiyansa para legal ang lahat.”
At
iyon... pinuntahan naming ang korte at nakapagpiyansa kami. At nakauwi ako.
At
dahil sa nangyari, sa bahay ni James na kami tumira pansamantala. Natakot kasi
si James na balikan kami ni John at baka mapaano pa kami. Kaya dapat ay palagi
siyang kasama naming ni Ricky. At pinaplano rin naming kung paano lusutan ang
kaso ko.
Sa
linggo na iyon doon kami ni Ricky umuuwi sa bahay ni James.
Masaya
kung sa masaya kasi, parang isang tunay na pamilya talaga kami. Salitan kaming
gumagawa sa gawaing bahay ni Ricky ngunit dahil hindi na ako nagtarabaho sa
restaurant ni Sophia, kadalasan ako ang naghahanda ng pagkain namin, naglalaba,
naglilinis ng bahay. Mistulang isang tunay na mag-asawang maituturing ang aming
set-up ni James. Sa gabi nagsisiping kami, naghaharutan, naglalambingan at bago
matulog, syempre, hindi nawawala ang sex.
At
masayang-masaya ako. Doon ko napagtantong mahal na mahal ko siya, at ganoon din
siya sa akin. Feeling ko ay wala na akong mahihiling pa sa buhay. Parang kami
ni James ang nagpakasal at nagha-honeymoon. Parang gusto ko na lang tuloy na
huwag nang maresolba pa ang kaso ko kung iyon pala ang dahilan upang magsama
kami ni James.
Normal
ang routine namin, pumapasok si James sa restaurant samantalang ako at si Ricky
ay nag-aaral. May work nga lang din si Ricky sa restaurant at habang naroon
sila ni James, ako naman ang taong-bahay.
Sa
buong linggong iyon ay hindi ko na alam pa ang pangyayari sa restaurant.
“Igan!
igan! May balita ako sa iyo!” ang sambit sa akin ni Ricky na kagagaling pa sa
restaurant.
“Ano?”
“May
World War 3 sa restaurant kanina!”
“B-bakit?”
“Nakalabas
na kasi si Sophia at bumisita siya sa restaurant. At nag-away sila ni James!”
“Bakit
sila nag-away?”
“Ito
kasing si Sophia, nagalit. Kasi, hindi man lang daw siya binisita ni James sa
ospital. At iginiit din niyang mag-asawa nga sila ni James dahil kasal na sila.
Ngunit itinaggi naman ito ni James dahil nga ang kambal niya ang pinakasalan ni
Sophia at hindi siya. Ayaw namang maniwala nitong si Sophia. Galit na galit.
Bakit pa raw siya pinakasalan kung ganoon lang ang ipakita niya sa kanya.
Hayun... sigaw nang sigaw ang demonya!”
“G-ganoon
ba?”
“Oo!
Ang tindi talaga ng babaeng iyon. Kalalabas lang ng ospital at parang wala lang
nangyari! Parang may sumanib talagang masamang espiritu sa katauhan!”
“Paano
na ngayon iyan? Nagsasama sila sa work tapos ganyang nang-aaway sila?”
“Aalis
na raw si James igan...”
“H-ha?
P-paano na si James?”
“Iyan
nga ang mahirap eh. Pinangbantaan si Sir James na kapag aalis siya at iiwanan
si Sophia, tatanggalin sa kanya ang lahat – trabaho, itong bahay, kotse. Kawawa
ang prince charming mo.”
Mistula
akong binagsakan ng langit. Kapag nagkataon kasi, kawawa naman si James. Saan
siya titira, saan siya maghahanap ng trabaho, saan siya kukuha ng gastusin para
sa pang-araw-araw na pangangailangan. Syempre, ano ba ang maitutulong ko...
Maya-maya
ay dumating si James, malungkot na malungkot ang mukha. Ni hindi magawa ang
pagpalit ng damit at maghubad ng sapatos. Deretso agad sa sofa at umupo na tila
napakalim ng iniisp.
“A-anong
nangyari Yak? N-nagkasagutan daw kayo ni Sophia?”
“Oo...
at baka aalis na lang ako sa restaurant, Yak. Hindi ko na masikmura pa si Sophia...”
“A-ano
ang gagawin mo kung wala ka nang trabaho?”
“Magsimula
muli. Tamang-tama, uuwi muna ako sa Mindanao upang bisitahin ko ang aking mga
magulang. At pagkatapos, hahanapin ko na ang aking kapalaran.”
Bigla
akong nalungkot sa kanyang sinabi. Kasi... sigurado kapag nangyari iyon,
magkalayo na naman kami. At baka may mangyari uli sa kanya o di kaya ay may
ibang ititibok ang kanyang puso, tuluyang malimutan ako at hindi na makakabalik
pa. “W-wala ka bang planong magkita pa tayong muli k-kung sakalign aalis ka?
M-magsama?”
Tiningnan
niya ako. Hinawakan niya ang aking kamay. “Syempre may plano ako para sa atin.
Bahagi ka ng buhay ko. Ikaw ang tinitibok ng puso ko. Nagka-amnesia man ako,
bumaligtad man ang aking alaala, naging bahagi ka sa dalawang mundo kong iyon.
Ikaw ang hinahanap-hanap ng aking puso. Kahit magka-amnesia man akong muli,
kahit saang ala-ala man bumaligtad ang aking utak, naroon ka pa rin. Ikaw ang
hinahanap-hanap ng aking puso. Paano pa kita malilimutan niyan? Kaya, hindi
kita hahayaang malayo sa akin.”
“Paano
kung hindi ka na babalik?”
“Hindi
mangyayari iyan yak. At kapag nangyari man iyan, ipangako mo sa akin na
hahanapin mo pa rin ako.”
At
doon na tuluyang pumatak ang aking mga luha. Ang hirap kaya ng mga pinagdaanan
ko sa pagka amnesia niya.
“Maipangako
mo ba yak?
At
wala na akong nagawa kundi ang tumango. Ganyan naman talaga siguro kapag umibig
ka. Masakit, mahirap, mabigat sa kalooban, ngunit dahil mahal mo ang isang tao,
ipaglaban mo kahit sa harap pa ng kamatayan.
Niyakap
niya ako. Mahigpit. Lihim kong pinahid ang aking mga luha.
“Hindi
ko kasi alam sa ngayon yak kung ano ang gagawin ko. Kapag nanatili ako kay
Sophia, hindi naman papaya iyon na hindi ako titira sa kanya. Kaya mo bang
makitang nagsisiping kami?”
“I-ikaw?
Kaya mo ba?”
“Kung
comfort ang pag-uusapan, maaari. Ngunit hindi ko kayang tingnan kang
nasasaktan. Alam ko ang tindi ng pinagdaanan mo sa kamay ni Sophia. Ayokong
magdusa ka pa.”
“M-maghihiwalay
na naman tayo?”
“B-babalik
ako sa Burol. Mag-aaply akong muli bilang isang security guard. Tamang-tama,
gagraduate ka na rin... Pero hintayin ko munang matapos ang kaso mo, at ang
graduation mo. Pilitin ko muna ang sariling pakisamahan si Sophia.”
Bigla
ko ring naalala ang graduation. Parang mas lalo pa akong nalungkot. Kasi,
magsimula na naman ako sa isang bagong yugto ng aking buhay at... hindi ko alam
kung ano ang magiging kinabukasan ko at kung saan ako ilipad ng panahon.
“Nalulungkot ako yak...” ang nasmbit ko na lang sabay sa paghigpit ko ng yakap
sa kanya.
Hinigpitan
din niya ang yakap niya sa akin. “Hayaan mo yak... malampasan din natin ang
lahat ng ito.”
“N-natatakot
kasi akong baka bukas, makalawa, mawala ka na naman sa piling ko. At ako...
magsimula na naman ng panibagong yugto pagkatapos ng aking graduation. Sana
kung saan man ako mapadpad, naroon ka rin. Ayokong mahilwalay pa sa iyo eh.”
“Huwag
kang mag-alala. Dahil kahit saan ka man mapadpad, siguradong ipagtagpo pa rin
tayo ng ating mga puso.”
“Atsaka
ang kaso ko yak... habambuhay raw na pagkabilanggo ang maaaring ipataw kapag
napatunayang ako ang nag-utos sa pagpatay. Natatakot din ako. Kapag nangyari
iyan, paano na lang tayo?”
“Huwag
kang matakot. Magaling ang nakuha kong abugado. Atsaka wala kang kasalanan,
hindi ka dapat na matakot.”
“Makapangyarihan
si Sophia...”
“Nasa
panig tayo ng katotohanan. Tandaan mo iyan. Mahirap talunin ang katotohanan.”
Dumating
ang araw ng takdang paglilitis sa kaso ko. Naroon sa korte ang lahat na
involved. Si Sophia, ang mga abugado namin, si James na sa tabi ko umupo, si
Ricky, mga supporters namin, at ang mga testigo.
Tinawag
ang unang testigo nina Sophia, ang mismong taong bumaril sa kanya. Hindi ko pa
nakita ang taong nasabi gawa ng nakakulong na raw ito. Ang pagkakalam ko, ang
abugado namin ang nakikipag-usap sa kanya.
Ngunit
laking gulat ko noong umupo na ito sa witness stand. Siya ang presong tumulong
sa akin na siya ko ring tinawagan upang takutin si Sophia!
Bigla
akong nakaramdam ng takot. Ramdam ko ang malakas ng kabog ng aking dibdib.
“Dito
sa korteng ito, masasabi mo bang nandito ang taong siyang nag-utos sa iyo upang
barilin si Sophia Soriano?”
At
lalo pang lumakas ang kabog ng aking dibdib nang sumagot siya ng, “Opo, your
honor...”
At
noong tinanong pa siya ng huwes ng “Puwede mo bang ituro sa amin kung sino sa
narito ang nag-utos sa iyong barilin si Sophia Soriano?”
Pakiramdam
ko ay nagdilim ang aking paningin noong itinuro na niya ang nasabing tao. “Siya
po your honor...”
Ako
ang kanyang itinuro.
“Hindiiiiiiiiiiii!!!”
(Itutuoy)
wala bang 17??
ReplyDelete