By: Mikejuha
Blog:
michaelsshadesofblue.blogspot.com
E-mail:
getmybox@hotmail.com
Facebook: getmybox@yahoo.com
Marami
kaming napag-usapan habang nasa biyahe. Kahit si Sophia at ang nangyaring
pag-akusa niya na ako ang dahilan ng food poisoning ay napag-usapan din namin.
At alam din raw niya na inapi-api ako ni Sophia.
“Tiisin
mo lang muna. Kasi, malapit na akong umalis sa poder niya.” ang sambit ni
Marlon. Parang nakikinita kong may nabuo na siyang plano bagamat hindi naman
niya sinabi kung ano ba talaga ito.
“Saan
ka naman pupunta kapag nakaalis ka na sa poder niya?”
“Uuwi
sa atin eh. At doon maghanap ng trabaho. Bakit, sa tinign mo ba ay hindi ako
makahanap ng trabaho?”
Hindi
na ako umimik. Syempre, kapag pamilya na niya ang pinag-uusapan, wala akong
kaalam-alam. Ayokong madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko o kaya ay may
masabi akong nakakaduda na.
Habang
palapit nang palapit kami sa aming lugar, palakas nang palakas naman ang kabog
sa aking dibdib. Hindi ko kasi alam kung saan siya dadalhin.
“Excited
na ako yak... sabik na akong makita ang mga pinsan natin” sambit ni Marlon,
bakas sa kanyang mukha ang labis na kagalakan.
Ang
sabi ko kasi sa kanya ay mga pinsan ang pupuntahan namin. Wala akong planong
magpakita sa bahay na kasama siya. Baka mamaya madagdagan lamang ang aking
problema kapag nalaman ng aking mga magulang na nagpanggap akong kapatid ni
Marlon. Isa pa, nasa Mindanao ang pamilya niya, na nasabi ko na rin sa kanya.
“P-pero
di ba ang sabi mo ay nasa Mindanao ang pamilya natin?” dugtong din niya.
“Oo,
sa Mindanao nga sila. Sinabi ko na iyan, di ba?” ang naisagot ko.
“Oo.
Pero kailan tayo pupunta roon? Sabik na akong makita ang mga magulang natin
yak.”
“Saka
na iyon... Basta darating na lang iyon.” Ang sagot ko na lang. Palapit na
palapit na kasi sa lugar at naturete na ang utak ko kung ano ba talaga ang
aking gagawin at saan ko siya daldalhin.
Noong
nakarating na kami sa bayan, giniyahan ko siya upang baybayin ng kotse niya ang
daan patungo sa bodega ng kopra na nasa burol kung saan si James nagtatrabaho
dati bilang isang security guard.
“D-dito
na ba?” ang tanong niya noong sinabi kong ihinto na ang kotse.
“Oo.
Ito na nga.”
“Bodega
ito ah!”
“Bodega
nga ng kopra... dito ka dati nagtatrabaho bilang isang securty guard.”
“T-talaga?”
“Oo...
ikaw ang siga diyan dati.” Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas ako.
“Tara...”
Lumabas
na rin siya. “D-dito ba talaga ako dating nagtatrabaho?” tanogn uli niya.
“Oo
nga. Kung gusto mo, itanong pa natin sa...” napahinto ako. Naalala ko kasi si
Badong, iyong kapalit niyang guwardiya na nakaniig ko rin noong wala na siya.
Para tuloy akong nagdadalawang-isip na ipakilala pa siya. “Sabagay, baka wala
na siya. Antagal na kasi noon.” Sa isip ko lang.
“Kanino
natin itanong?”
“S-sa
may ari ng bodega, nitong koprahan...”
“Saan
ko kaya ito dadalhin pagkatapos naming dito?” ang tanong ng isip kong
litong-lito kung ano ang sunod kong gagawin.
“Ah...
mag-hotel na lang kami!” Ang planong pumasok sa isip ko. Maganda ang planong
iyon kasi, safe ako kapag nasa hotel kami, hindi ako mahuli na naroon pala ang
mga magulang ko at ito ang pupuntahan ko; at habang naroon siya, lihim akong
makasaglit sa bahay, kukunin ang mga kailangan ko, makita ang mga magulang ko
at makapagpaalam sa kanila.
Ngunit
nasira ang lahat nang plano kong iyon noong mula sa aming likuran ay may
biglang tumawag sa aking pangalan. “Jassim! Anak! Nakauwi ka na pala?”
“Nalintekan
na!” sigaw ng utak ko. Noong nilingon ko ang kinaroroonan ng boses, para akong
nakakakita ng multo. Ang inay ko, sabik na nagtatakbo patungo sa akin at sa di
kalayuan ay ang itay na naglalakad, nakatupi ang pantalon, nakapaa, na
mistulang galing pa sa pag-aararo at sa gilid ng kanyang beywang ay nakalaylay
ang itak!
“Diyos
na mahabagin! Baka kapag nagulat ang itay ay maitak niya si Marlon!” sigaw ng
natataranta kong isip.
Hindi
ko talaga alam ang aking gagawin sa sandaling iyon. Parang gusto ko na lang
tumakas at iwanan si Marlon na nakatayo sa harap ng bodega o takpan na lang ang
aking mukha upang hindi mahalata na ako pala iyon. Ngunit huli na ang lahat.
Nakita na ako ng aking inay.
Dahil
sa sobrang kaba, hindi ako nakasagot sa pagtawag sa akin ni inay. Pati si
Marlon ay pansin ko ang kanyang pagkagulat.
“Anak...
ang tagal mo nang hindi nakauwi. Kumusta ang pag-aaral mo? Sabik na sabik na
kami ng itay mo sa iyo!” ang sambit ng aking ina noong niyakap na niya ako.
“Eh...”
ang nasambit ko na lang, ang aking mga kamay ay hindi maiyakap nang diretso sa
kanya, nag-aalangan dahil nga nandoon si Marlon.
Kitang-kita
ko naman sa mukha ni Marlon ang bakas ng tuwa sa pagkakita niyang niyakap ako
ng aking inay.
At
noong bumitiw na s apagkayakap sa akin an ginay, halos mawindang naman ang inay
noong siya naman ang niyakap ni Marlon. “Inayyyyyy! Matagal ko na po kayong
hinahanap! Salamat at sa wakas ay nagkita muli tayooooo!”
Kitang-kita
ko ang panlalaki ng mga mata ng aking inay. Iyong bang gusto niyang itulak ang
tao at tumiwalag sa kanyang pagyakap ngunit hindi magawa-gawa dahil sa nakitang
mukhang mabait naman iyong tao kung kaya hinayaan na lang niya ito bagamat
bakas sa kanyang mukha ang ibayong pagkalito.
“Sandali!
Sandali! Ano ba ang nangyari?! Jassim, magpaliwanag ka nga?! Ang sambit ni inay
noong pinakawalan na siya ni Marlon.
“Ako
na ang magpaliwanag inay... nagka amnesia po ako! Nawala po ang aking alaala!”
ang biglang pagsingit naman ni Marlon.
Ako
naman ay natulala, hindi makapagsalita dahil sa bilis ng mga pangyayari. Parang
gusto kong sampalin si Marlon at bulyawan ng, “Hindi iyan ang ibig sabihin ng
inay! Tinatanong niya kung bakit mo siya niyakap at tinawag na inay! Tanga!”
Napatingin
ang inay sa akin na ang mukha ay lalo pang naguluhan sa narinig na paliwanag ni
Marlon.
Ngunit
bago pa man ako nakapagsalita, sumingit naman ang itay na noon ay nakalapit na
rin sa amin, “Ano ba ang nangyari dito Jassim?! Kailan ka pa dumating anak?!!”
At
hindi pa man ako nakaimik muli, ang itay naman ang biglang niyakap nang
mahigpit ni Marlon. “Itayyyyyyy! Sabik na sabik na po akong makita kayoooo!”
Hindi
ko malaman kung matawa ako o sasampalin pa rin siya at sigawan ng, “Ano ka ba!
Yakap ka nang yakap sa mga taong hindi nakakakilala sa iyo!”
Gusto
ko ring matawa sa postura ng itay. Kasi ba naman, mabilis siyang pagsugod sa
aming kinaroroononan, nagmamadali sa pagkakita sa akin at siguro naguluhan din
noong niyakap ang inay ng isang taong kasama ko na naka-long-sleeves pa. At
mabilis ang kanyang pagsulpot ngunit noong bigla siyang niyakap ni Marlon ay
tila ring biglang nakasagi ng live wire ng Meralco at hindi nakagalaw, ang
mukha ay tila sa isang taong nakoryente. Ang kulang na nga lang sa kanya ay ang
pag-usok ng kanyang mukha. At hindi na rin niya nagawang hawakan ang kanyang
itak. Ang kanyang dalawang kamay ay nakalaylay lang sa gilid, naipit sa
mahigpit na yakap ni Marlon.
Noong
pinakawalan na siya ni Marlon, kitang-kita ko sa mukha ng itay ang pagkabigla.
Para siyang natulala. Kung hindi ko nga lang siya itay ay parang gusto ko na
siyang biruin ng, “O ngayong natikman mo na ang yakap ng isang guwapong lalaki,
ano ang masasabi mo? Masarap tay, di ba?” Ngunit syempre, ayokong maitak kung
kaya silent na lang ako.
“N-nagkaroon
ako ng amnesia tay, nay... kung kaya ngayon lang ako nakasipot. M-mabuti na
lang at nahanap ako ni Jassim...” Ang sambit ni Marlon. Para siyang
nagsusumbong.
Nagkatinginan
ang aking mga magulang. Syempre, wala silang pakialam kung na-amnesia ba iyong
tao, na-dengue, nagka-typhoid o nababaliw. Hindi naman nila ito kilala. Lalo
nang hindi close.
Tiningnan
nila ako. Naghanap ng kasagutan ang kanilang mga tingin.
Dali-dali
kong hinila sina inay at itay sabay sabi kay Marlon ng, “S-sandali lang k-kuya
ha... mag-usap muna kami ng inay at itay.” At noong medyo malayo-layo na kami
kay Marlon, doon ko na ipinaliwanag ang lahat. “Nay... tay, natandaan niyo pa
ba siya? Siya iyong dating guwardiya sa bodega na iyan sa burol” turo ko sa
bodega.”
Tumingala
sandali ang inay sa taas at pagkatapos, “Oo nga... namukhaan ko siya!” sambit
niya.
“Tama
nay.” Sagot ko. “Noong umuwi iyan sa kanila, ang bus na kanyang sinakyan ay
nahulog sa bangin at siya lang ang nailigtas. Ngunit nagka-amnesia siya.”
“Ngayon,
paanong naging nanay at tatay kami niyan?”
“Ganito
nga... nasagip iyan ng isang anak-mayamang babae na may ari ng malaki at sikat
na restaurant, iynang MCJ Restaurant?” sambit ko sa pangalan ng restaurant.
Sikat kasi ito kahit ang branch nila sa aming bayan. “...At ayaw na siyang
pakawalan noong babae. Parang ginayuma ba, o kinulam upang hindi na manumbalik
pa ang kanyang ala-ala. Gusto ng babaeng iyon na angkinin na lubusan si Marlon
pati na ang kanyang buong pagkatao. Noong nakita ko siya sa restaurant na iyon,
na pag-aari ng mayamang babaeng gustong umangkin sa kanya, doon ko na naisipang
iligtas siya, na matulungan siyang maibalik ang kanyang alaala.”
“Hindi
mo pa nasagot kung bakit naging anak namin iyan.” ang pagsingit pa rin ni itay.
“Ganito
nga iyon... Noong sinabi ko na sa kanya na kilala ko siya, tinanong niya ako
kung sino ako sa buhay niya, doon ko na sinabing kapatid ko siya; kuya. Alangan
naman kasing ang palusot ko ay kapitbahay lang o kaibigan. Parang ambabaw kasi.
Baka hindi ako paniwalaan o baka itaboy pa ako lalo na ng babaeng iyon. Kaya
inangkin ko na lang siyang k-kuya...”
Natahimik
silang dalawa.
Nagkatinginan
ang aking mga magulang. Parang nag-uusap ang kanilang mga mata.
Tumingala
uli ang inay sa langit. Marahil ay nababasa niya roon ang kasagutan. Maya-maya,
“Ewan ko ba sa iyo, Jassim. Hindi ba malaking gulo iyan? Baka biglang sumulpot
dito ang babaeng iyan at tayo naman ang mapapahamak?”
Na
sinagot ko naman ng, “Hindi makarating dito iyon inay...” Syempre, dinepensahan
ko ang aking ginawa bagamat doon ko lang naisip na maaari ngang makarating doon
si Sophia. Sa yaman ba naman niya, walang lugar sa mundo na hindi niya kayang
abutin.
“E,
iyan...” palihim na turo niya kay Marlon. “Paano kung matauhan iyan?”
“E
di, huwag na rin nating gamutin – Joke!” ang sagot ko.
“Puro
ka kalokohan.” Ang pagsingit ni itay.
“E,
di mas mabuti kung matauhan na... ang mahalaga lang naman ay makauwi siya sa
kanyang tunay na pamilya eh.” Ang dugtogn kong sagot.
“Bahala
ka nga! Ngunit huwag mo kaming sisihin ng itay mo kung pumalpak kami sa aming
drama ha? Hindi kami sanay magkunwari.” ang tila nayayamot na sagot ng inay
sabay talikod at tinumbok na ang kinaroroonan ni Marlon.
Sumunod
naman si itay pagkatapos niya akong tingnan na parang nanumbat ng, “Ikaw ha?”
Parang
gusto ko tuloy suklian ang tingin ng aking itay ng isang tingin din na
nagtatnong ng, “Tay naman... nayakap ka lang ng isang guwapong nilalang ganyan
ka na...” Ngunit di ko na ginawa iyon. Tumingala na lang ako sa langit. Baka
mahanap ko rin doon kung ano ang tamang gagawin.
Anyway,
natuwa na rin ako. Alam ko naman ang ugali ng mga magulang ko. Minsan pakipot.
Minsan sobrang OA. Ang cute kaya ni Marlon. Kahit naman sino sigurong mga
magulang ay hindi aayawan si Marlon na maging anak nila. “Hmpt. Pakipot pa
kayo.” Sa isip ko lang.
Nagtatakbo
akong sumunod sa kanila. Sa loob-loob ko lang, sobrang happy ako na sumakay ang
aking mga magulang sa aking mga pakana.
“M-may
problema ba nay? Tay?” ang tanong kaagad ni Marlon noong nilapitan na siya ng
aking mga magulang.
“W-wala
naman...” ang sagot ni inay. “O siya... mabuti at nakabalik ka na rito. Umuwi
na tayo...” sabay tumbok sa direksyon ng kalsada pauwi sa bahay namin, pansin
ang pagmamadali, natakot baga na puputaktehin ng tanong ni Marlon.
Sumunod
ang itay.
“Nay,
dito na tayong lahat sumakay” sabay turo ni Marlon sa bagong biling pulang
lexus niyang kotse.
Nanlaki
ang mga mata ng aking inay sa pagkakita sa magarang kotse ni Marlon. Si itay
rin ay hindi maitago ang paghanga sa ganda.
“S-sa
iyo ba iyan?” sambit ng inay.
“Opo.
Dito na po tayo sumakay.” Sabay bukas sa kotse at umupo sa driver’s seat.
Binuksan
ko naman ang pinto sa likurang upuan upang makapasok sila. “Ay dyaske. Ngayon
lang ako makakasakay ng kotse!” biro ng itay noong nakapasok na. “Baka hindi
ako makatulog nito. At ang bango-bango pa! At ang lamig ng aircon!” dugtong pa
niya.
Susunod
na sana si inay ngunit sinabihan kong, “Sa kabila pong pinto ang pasukan,
nay...” Sabay ikot ko.
Sumunod
ang inay at noong binuksan ko na ang pinto, gusto kong matawa sa nakita.
Tinanggal ba naman niya ang kanyang tsinelas at binitbit ito bago pumasok.
“Nay
isuot niyo po ang inyong tsinelas.” Sambit ko, nilakasan ko upang marinig ni
Marlon. “Kahit madumihan po natin ang kotseng ito, ayos lang kasi hindi naman
ito atin.” Sabay tawa.
“Loko
ka ah!” sagot naman ni Maron. “Tinira ba ako!” sabay tawa. At baling kay inay,
“Isuot niyo po ang tsinelas ninyo nay... madali naman itong linisin eh. At
hindi naman ito basta-basta nadudumihan. Kaya ok lang iyan nay.” dugtong pa ni
Marlon.
“Ay
pasensya na... ngayon lang ako nakakasakay ng kotse! At ganito pa kaganda!
Diyos ko nakasakay rin ako ng ganito.”
Noong
nakasakay na sila, tumabi na ako kay Marlon sa harap.
Ang
saya-saya ko habang naglakbay na ang kotse patungo sa bahay namin. Tuloy
nangarap ako na sana ay palagi na lang ganoon si Marlon; na hindi na manumbalik
pa ang kanyang alaala. Kasi, tanggap naman siya ng aking mga magulang bagamat
bilang kapatid ko nga lang. Pero ang sarap ng feeling na hayun, nagkasundo
kami, buo kami bilang pamilya, at nabigyan pa niya ng saya ang aking mga
magulang sa simpleng pagsakay lamang nila sa kanyang kotse. Para bang, “Wow...
Lord, sana ito na. Sana ganito na lang palagi.” Parang gusto ko na ring
tumingala sa langit at maghanap ng kasagutan doon. Kaso nakaharang pala ang
bubong ng kotse.
Naputol
ang aking pag-iilusyon noong nagsalita si Marlon, “Sabi ni utol Jassim nay ay
na stroke daw po kayo?”
Kahit
nasa likuran ko ang aking inay, nakikinita kong parang feeling nauntog ang
kanyang ulo sa narinig na tanong. Siguro napaisip iyon ng, “Punyeta itong
Jassim na ito ah! Ang lakas-lakas ko pa tapos na-stroke pala?” Natameme ang
inay. Siguro gusto niyang tumingala uli sa langit upang maghanap ng isasagot.
Ngunit nakaharang ang bubong ng kotse. Kaya, “Eh...” na lang ang naisagot niya.
Kaya
to the rescue na ako. “Na-stroke nga ang inay ngunit naka-recover na.” sabay
lingon ko sa mga magulang ko na nakaupo sa likod. “Di ba inay, tay?” Grabe. To
the max na talaga ang mga kasinungalingan ko. Parang normal na lang sa akin ang
pagsisinungaling.
“A,
oo nga. Tama si Jassim. Gumaling na ako.” Ang maiksi na sagot ng inay.
“Ah,
mabuti naman po. Pero di ba sa Mindanao po tayo nakatira?” ang bigla ring
pagsingit ni Marlon sa issue na iyon. Tama nga naman siya. Ang alibi ko nga
lang sa biyahe naming ioyn ay ang bisitahin ang mga pinsan.
“Oo...
pero lumipat na kami, er... tayo rito. Matagal na. May sampong taon na siguro
ang nakalipas.” Ang sagot ni itay.
“S-sampong
taon? Ganyan na ba katagal simula noong ako ay naamnesia?”
“H-hindi
sampong taon tay ah!” ang pagtutol ko rin sa sagot ni itay. At baling kay
Marlon, “Nalimutan lang ni itay. May anim na taon pa lang iyon...” ang
pagsingit ko uli. “S-saan pala kayo nanggaling nay?” ang paglihis ko sa usapan.
“Ah...
dumayo kami ng itay mo kina Tita Berta mo! Malala ang sakit niya at nakakaawa”
“S-sino
ba si Tita Berta nay?” singit uli ni Marlon.
“Ah
siya ang nakatatandang kapatid ng itay mo. Nakakaawa kasi... nag-iisa lang sa
bahay niya, at hindi malaman kung ano ang sakit. Namimilipit sa sobrang sakit
ng kanyang tiyan. Hindi naman maipa-ospital gawa nang walang pera. Wala naman
kaming maitutulong. Naroon pa siya, iniwanan namin na namimilipit sa sakit.
Pinainum ko na lang muna ng mga pinakuluang dahon ng herbal.”
Sa
pagkarinig ni Marlon, biglang inihinto niya ang kanyang kotse. “Saan ba ang
lugar niya inay at puntahan natin?”
“Doon
sa dulo ng kalsadang ito, sa pinanggalingan namin.”
At
agad-agad pinaharurot ni Marlon ang kanyang kotse patungo sa nasabing lugar.
Naabutan
namin ang aking tita na halos mawalan na ng ulirat sa iniindang matinding sakit
sa kanyang tiyan. Agad namin siyang isinakay sa kotse ni Marlon at dumeretso na
kami sa ospital.
“Baka
kasi kailangang operahan si tita, inay. Baka acute appendicitis iyan or bato sa
gallbladder o di kaya ay sa kidney.” Sambit ni Marlon.
At
hindi nga nagkamali si Marlon. Lumabas sa ultrasound na halos pumutok na ang
kanyang apdo dahil sa malalaking bato na naroon. Ipina-opera ni Marlon ang tita
ko; gastos niya.
At
doon humanga ang aking mga magulang kay Marlon. Wala namang mapagsidlan ng tuwa
ang aking tita dahil sa ipinamalas niyang kabaitan.
“Hulog
ka nang Diyos, anak...” ang sambit ng itay kay Marlon na napaiyak.
Sa
totoo lang, noon ko lang nakita ang itay na umiiyak. Mahal na mahal kasi ng
itay ko ang kapatid niyang iyon. Atsaka, ang bait-bait noon, lalo na sa akin.
Minsan kapag wala akong baon sa school, nanghihingi ako sa kanya, binibigyan
ako kapag mayroon siya. May isang beses pa nga nanghingi ako sa kanya, binigyan
niya ako ng limang piso. Noong binisita ko siya sa gabi, naabutan ko siyang
naghapunan at asin lang ang ulam. “Tita, bakit po asin lang ang ulam ninyo?”
“Hayaan
mo na, masarap naman ang asin eh.” Ang pabiro niyang sagot.
“Hindi
nga po... hindi naman lang kayo bumili ng kahit itlog o tuyo, o sardinaas?”
Biglang
natahimik siya, ang mukha ay naging seryoso. “Hindi na ako pinautang ng
tindahan. Marami pa raw akong utang. Pero, hayaan mo na iyon. At least ako may
nakakain. Ang iba nga diyan wala eh, di ba?”
At
doon na ako tinablan ng awa sa tita ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit nanghingi
pa ako ng baon sa kanya. Huling pera na pala niya iyong limang pisong ibinigay
sa akin.
Napaluha
na lang ako, niyakap ko siya. “S-sorry tita ah! Iyong huling pera ninyo ay
hiningi ko pa talaga! Hindi ko kasi alam. Hayaan po ninyo, kapag may pera ako,
ako naman ang magbibigay sa inyo.” Sabi ko sa kanya.
“Hay
naku itong batang ito. Nagda-drama pa. Sanay ako sa ganito, ano ka ba.” Ang
sagot naman niya bagamat napansin kong nagpapahid siya sa kanyang mga mata.
Simula
noon, kapag kumakain kami sa bahay, lagi ko na siyang dinadalhan ng ulam sa
kanila. Iyan ang karanasang hindi ko malilimutan tungkol sa kabaitan ng tita
ko. At ipinangako ko na rin na kapag may trabaho na ako, hindi ko rin siya
pababayaan. Nag-iisa lang kaya siya sa buhay, walang asawa, walang anak.
“Hinding-hindi
ko malilimutan ang ginawa mong ito sa amin, Marlon.” Ang sambit ni itay kay
Marlon, halos hindi maaawat sa pagpapasalamat.
“Itay
naman... tita ko po iyong nagkasakit, kapatid mo ninyo. Natural lamang na
tulungan ko kayo at siya dahil pinalaki ninyo kami nang maayos.”
Mistulang
natameme ang aking itay. Syempre, hindi naman totoong anak siya talaga. Niyakap
na lang niya si Marlon. “S-sana ikaw... gumaling ka na rin anak.” ang nasambit
lang niya.
Syempre,
ako man ay parang nakonsyensya rin. Pero inisip ko na lang na siguro, isa sa
mga dahilan kung bakit na-amnesia siya ay upang isalba ang buhay ng aking tita.
Kasi, kung hindi dumating si Marlon sa amin, malamang na pumutok na ang apdo ng
tita ko na siyang ikamamatay nito. Isang buhay rin ang nasagip niya.
Nagpaiwan
ang inay sa ospital. Isagawa raw kasi ang opersyon kinabukasan pa. Kaming tatlo
lang ng itay ang umuwi. Noong nasa bahay na kami, inilabas naman ni Marlon ang
kanyang biniling mga delatang pagkain, mga setserya, mga damit at kung anu-ano
pang mga pasalubong. Nagtira rin siya ng para sa tita ko. Sobrang saya ang
naramdaman ng aking itay na talagang inalok niya si Marlon na mag-inuman sila.
May mga tuba kasi siyang stock, galing sa mga niyugan niya at idinideliver niya
ang mga ito sa kanyang mga suki. Kumuha siya ng isang galon para sa amin. Nagkatay
ang itay ng isang manok na alaga niya at nilitson ito.
Pinaunlakan
naman siya ni Marlon. At nagbukas rin si Marlon ng mga de latang dala namin.
Syempre,
nakisali ako sa inuman. Baka mamaya may lalabas na tanong si Marlon at hindi
masagot ni itay, at least nandoon akong sasalo nito.
Dahil
may gitara, naggitara ako, at nagkantahan pa kami. Kinanta rin anmin ang
kinanta niya sa akin noong umalis siya, ang “Beautiful In My Eyes”.
Tuwang-tuwa
ang itay sa aming pagba-bonding. Habang nakaupo kaming dalawa ni Marlon na
magkatabi sa kawayang bangko sa harap ni itay, nakatingin naman siya sa aming
dalawa na siguro kung naging dalaga lang ako, iisipin kong ang tingin niyang
iyon sa amin ay isang pahiwatig na boto siya kay Marlon para sa dalaga niya.
Panay lang ang ngiti niya sa amin, kahit paminsan-minsang inaakbayan ako ni
Marlon at ako naman ay yumayakap sa kanyang beywang at halos maglalampungan at
maghahalikan na lang kaming dalawa sa sobrang pagka-sweet sa harap niya. Dedma
lang ang itay, panay pa rin ang ngiti.
Noong
naramdaman kong lasing na ako at medyo lasing na rin si Marlon, nagpaalam na
ako kay itay na magpahinga na kami sa kuwarto. Parang isang bagong kasal lang
kami na pagkatapos ng kasayahang kasama ang magulang, sinamahan ko na ang aking
groom patungo sa aming kuwarto. Wish ko lang talaga ang ganoon.
Dahil
nabusog na kami sa pulutang barbecue na manok at mga setserya at de lata, hindi
na kami naghapunan pa. Deretsong pumasok na kami sa loob ng bahay. Hindi ko
naman maiwasang hindi kabahan. Wala kaya kaming solong kuwarto para sa kanya.
Ipinakita
ko muna sa kanya ang litrato namin na ibinigay niya. Nahanap ko kasi ito sa
ilalim ng aking kabinet. Iyon iyong kuha sa terminal ng bus bago siya umalis.
Noong nakita niya ang mga ito, lalo na iyong nakakandong ako sa kanya, lalo pa
siyang nakumbinse na mag-utol nga kami.
“M-may
ganito ka rin sa wallet mo yak noong araw na sumakay ka ng bus.” Sambit ko.
“T-talaga?”
“Oo...
hindi ba ibinigay sa iyo?”
“H-hindi
eh. Si Sophia ang nagsabi sa akin na na-comatose daw ako ng halos isang taon
dahil sa aksidente. Ang sabi niya ay matagal nang patay ang aking mga magulang,
sa pagkalunod daw ng barko kung kaya ay wala silang libingan. At magkasintahan
nga raw kami at malapit nang ipakasal. Alam daw iyon ng aking mga magulang.
Iyon ang sabi niya at wala namang binigay na ganyang litrato.”
“Hayop
talaga ang Sophiang iyon!” sa isip ko lang. “Gusto mo magpa-recopy ka na lang
uli ha? Ipakita mo kay Sophia.” sambit ko.
“S-sige
bukas, magparecopy tayo...”
Marami
pa kaming pinag-usapan sa gabing iyon, ang mga lugar, ang tita ko, ang mga
nakagawiang gawin ng pamilya. Ngunit syempre, imbento ko lang na kasama siya sa
mga iyon at hindi ko na sinabi pa ang mga maseselang ginagawa namin.
“Sa
iisang kuwarto lang pala tayo natutulog yak?” ang tanong niya noong napansing
iisa lang ang kama sa kuwarto ko, iisa lang ang kumot, bagamat dalawa ang unan
kasi, nasanay akong idinadantay ko ang aking mga paa dito.
“Oo...”
“Talaga?”
“B-bakit,
ayaw mo ba? P-puwede namang mag-hotel ka, o tayong dalawa kung ayaw mo rito.”
“Tange.
Bakit ako magho-hotel kung ganito naman talaga ang tulugan natin dati? Atsaka,
gusto ko nga eh. Pinangarap ko ngang makayakap sa pagtulog ang aking bunso
eh...” sabay tawa.
Napangiti
naman ako. Parang gusto kong sabihin sa kanya na “Ako rin... miss ko na iyong
ginawa mo sa akin, iyong itinuro mo sa akin...” Ngunit hindi ko na itinuloy
iyon. Alam ko, masagwa iyon para sa dalawang “magkapatid”.
Nauna
akong nahiga sa kama. Maya-maya, naghubad siya ng kanyang t-shirt, tapos ang
pantalon. Brief na lang ang natira sa kanyang katawan. “Naka-brief lang ako
kapag natulog....” sambit niya.
Mistula
naman akong nabilaukan sa narinig. Hindi kaya kalakihan ang kama ko, tapos
katabi ko pa siya, at sanay ang aking paa na idantay sa unan na gagamitin naman
niya. Baka kung saan-saan madantay ang aking paa! Syempre, may pagnanasa ako sa
kanya.
Noong
natapos na siyang maghubad, humiga na siya sa tabi ko. Binigyan ko siya ng
espasyo. Pareho kaming nakatihaya. Walang imikan. Ewan kung ano ang laman ng
isip niya ngunit ako, kinakabahan. Parang may mga paru-paro ang loob ng aking
tiyan.
Maya-maya,
tumagilid siya, idinantay pa niya ang kanyang paa sa aking tiyan ang isa niyang
braso sa ibabaw ng aking dibdib. “Pwede bang yumakap d’yan...” sambit niya.
“Ambigat-bigat
arrrggghhhh!” ang kunyaring pagprotesta ko pa.
“Sarap
pala kapag kasama sa kama ang bunso, ummmmm!” sabay pagkagat-kagat niya sa
aking leeg, sa aking tainga.
“Arrgggghh!”
ang pigil kong pagsigaw dahil sa kiliti bagamat sa loob-loob ko lang ay sobrang
kilig ang aking nadarama. Naalala ko tuloy ang mga ginagawa sa akin ni James.
Halos ganoon din.
At
lalo pa niyang diniin-diin ang kanyang bibig at pati dibdib ko ay kinagat-kagat
na niya.
Hindi
naman ako mapigil sa katatawa. Ang cute kaya ng kanyang pagkagat-kagat sa aking
dibdib, at pati pa ang aking pisngi. Naamoy ko tuloy ang kanyang hiningang may
bahid na amoy tuba. At kunyari ay itinulak ko pa siya. “Yak naman, ang
kulitttt.”
“Ako
ba talaga ang makulit yak? Hindi ba ikaw?”
“Ikaw
kaya...” sagot ko.
“O
sya... Yakap na lang sa kuya...”
At
tumagilid ako, yumakap sa kanya. Grabe, ramdam ko sa aking balat ang init ng
kanyang hubad na katawan. Ramdam ko ang pag-init ng aking katawan, parang gusto
ko nang bumigay at halikan siya.
Tahimik.
“Alam
mo yak... ang saya-saya ko na nakilala at nakita ko ang aking pamilya.”
Hindi
ako nakasagot agad. Bagamat may tuwa akong nadarama, alam kong ang buong
katotohanan ay iba. Hinaplos-haplos ko na lang ang kanyang buhok. Naalala ko
tuloy ang aming pagtatagpo ni James. Bagamat nagagawa namin ang lahat noon,
patago naman. Sa pagkakataong iyon na bukas na sana sa kalooban ng aking
pamilya, hindi naman puedeng maging mahalay dahil “magkapatid” nga kami. “A-ako
rin yak... namiss ko na ang ganito. Ang kasama ka, ang makatabi ka sa pagtulog,
ang kulitan natin...” Ang sagot ko na lang.
Tinitigan
niya ako. Habang iginuri-guri niya ang kanynag mga daliri sa aking buhok,
Mistulang binihasang mabuti ng kanyang titig ang bawat detalye ng aking mukha
at tinandaan ito sa kanyang isip. “Mahal kita yak...” ang sambit niya.
Hindi
ko lubos maisalarawan ang aking nadarama sa narinig. Parang nasa gitna ako ng
ikapitong alapaap. Mistula itong isang napakagandang musika sa aking tainga.
Parang gusto kong umiyak. Tinitigan ko rin siya. “Mahal din kita yak...” ang
sagot ko.
Niyakap
niya ako nang mahigpit. Hinalikan sa pisngi, sa leeg, sa buhok... nangigigil.
Niyakap
ko rin siya ng mahigpit at hinalikan ko rin siya sa pisngi. Pagkatapos,
inihaplos-haplos ko ko ang aking mga daliri sa kanyang ilong, sa kanyang mukha,
sa kanyang kilay, sa mata. At noong idinantay ko na ang aking daliri sa kanyang
mga labi... iniimagine ko na mga labi ko ang dumampi sa kanyang mga labi.
“O
sige na... matulog na tayo” ang mahina niyang sambit. At maya-maya nga lang ay
nakita kong nakapikit na ang kanyang mga mata.
Nanatili
pa rin akong nakatitig sa kanya. At noong naalala ko ang huli naming pagtatalik,
binulungan ko siya, “Ang tagal na noon yak. Sabik na sabik na ako...”
Ngunit
iyon na ang huli kong natandaan. Nakatulog na rin pala ako resulta ng aming
nainum.
Kinabukasan
pagkatapos ng aming agahan, dinala ko si Marlon sa burol. “Alam mo yak... d’yan
tayo naliligo sa ilog na iyan. D’yan din naglalaba ang inay.” Sambit ko noong
dumaan kami sa ilog kung saan una kaming naging magkaibigan.
“Wow!
Ang ganda ng ilog yak. Ang sarap pala ng lugar natin! Gusto mo maligo tayo?”
sagot din niya.
“Mamaya
na. Punta muna tayo sa burol, sa likod ng bodega kung saan lagi kitang
dinadalaw dati...”
“Malapit
lang pala ang bahay...” hindi niya naituloy pa ang sasabihin. May napansin.
“Sandali... di ba ang sabi mo, ay noong nagtatrabaho pa ako dito, sumakay ako ng
bus patungo ng Mindanao kasi na-stroke nga ang inay. Paanong pumunta pa ako ng
Mindanao samantalang dito pala tayo nakatira?”
“Huh!”
ang nasa isip ko sa pagkabigla. Tama nga naman siya. Bakit pa siya sumakay ng
bus kung naroon lang kami? Hindi ako nakasagot agad. “Eh... ah... d-dito muna
tayo nakatira. At... pagkatapos, l-lumipat tayo sa Mindanao. Tama. L-lumipat
tayo. At doon na inatake ang inay.” Ang naisip kong sagot.
Ngunit
sinagot na naman niya ako, “Pagkatapos... lumipat na naman sila pabalik dito at
ngayon ay dito na sila uli?”
“Ah,
eh... o-oo. T-tama ka yak. Tama ka nga.” Ang sagot ko na lang. Pati kasi ako ay
nalilito na.
Ngunit
dinugtungan pa niya ang kanyang tanong. “Bakit mo sinabing pinsan natin ang
bisitahin natin dito? Bakit sinabi mong nasa Mindanao ang ating mga magulang
noong nagbiyahe na tayo patungo rito?”
“Eh...
nalimutan ko rin eh.” Ang alibi ko. “Tara dalian natin ang pag-akyat upang
makita mo ang likod ang bodega.” Ang paglihis ko sa usapan. Hindi na ako nagsalita
pa. Baka kasi may iba pa siyang itatanong.
Noong
nakarating na kami sa taas, itinuro ko sa kanya ang puno ng talisay na itinanim
niya ngunit pinutol ng may-ari ng bodega. Itinuro ko rin kung saan siya nagtayo
dati ng bahay kubo na siya kong binibisita.
Nasa
ganoon kaming pag-uusap noong biglang may nagsalita. “Brod! Nandito ka na?
Ampogi-pogi natin ah! Hanep ang kutis natin, pangmayaman, hindi na kutis
sekyu!”
Si
Badong. Iyong guwardiyang pumalit kay James. Nandoon pa rin pala siya. Akala ko
ay umalis na siya doon. “Ah... S-si Badong J-James, ng dati mong kasamahan sa
trabaho dito.” Ang pagpakilala ko sa kanilang dalawa.
“Ah...
ikaw pala si Badong. Nabanggit ka nga nitong utol ko na kasama kita sa
trabaho.”
“Utol
mo ito?” sambit ni Badong sabay turo sa akin.
“Utol.
Bakit ba kung tawagin niya ako ng utol, bawal ba?” ang mataray kong pagsingit.
Alam ko kasing malisyoso ang tanong niyang iyon.
“Ah...
sabagay. Noon pa man ay sobrang dikit niyo na sa isa’t-isa. Parang sobra pa nga
kayo sa mag-utol eh.” Ang dugtong pa ni Badong sabay bitiw ng ngiting parang sa
isang manyak. Alam ko ang ibig niyang tumbukin. Alam niyang kagaya ng ginawa
namin, nauna nang may ginawang milagro si James sa akin.
“S-saan
ka na pala nagtrabaho ngayon brod? Ang gara ng porma natin ah. At ang gara ng
suot!” baling niya kay Marlon.
“Sa
MCJ Restaurant.”
“Sa
restaurant na iyan ikaw ngayon naggu-guwardiya? Mga mayayaman lang ang kumakain
d’yan ah! Sikat na sikat ang restaurant na iyan, halos lahat ng syudad ay may
branch sila!”
“Manager
siya sa main nila Badong.” Ang pagsingit ko.
“Manager?
Waahh! Paano nangyari iyon?”
“Manager.
Posisyon ng mga matatalino.” Ang sarcastic ko pang pagsingit.
“Ipasok
mo naman ako roon brod.” Sagot rin ni Badong.
“Oo
ba...”
Nasa
ganoon kaming pag-uusap noong biglang naghanap ng CR si Marlon. Tinuro ni
Badong ang looban ng bodega. Noong kaming dalawa ni Badong na lang ang naiwan,
nakangiting demonyo ito sa akin.
“Lalo
kang gumuwapo Jassim! Naiinggit tuloy ako kay James. Palagi na lang akong
nauunahan niyan.”
“Bastos!”
sambit ko.
“Bastos?
Di ba dati, sarap na sarap ka sa pagsususu sa titi ko ngunit ngayong nand’yan
na iyan” turo sa direksyon na pinasulan ni Marlon “...batos na agad? Hindi ba
puwedeng nakakalibog muna? At bakit? Totoo rin namang titinitira ka niya ah! At
ako, sabik na sabik na sa iyo. Halika...” at kinaladkad niya ako sa isang
tagong sulok at noong nandoon na kami, parang hinahabol itong dali-daling
tinanggal ang kanyang sinturon atsaka ang butones ng pantalon. At noong
nakalabas na ang kanyang tigas na tigas nang ari ay pilit niya akong pinaluhod
sa kanyang harapan. “Atat na atat na ako sa iyo, tangina lalo kang sumarap,
nakakalibog! Dalian mo lang tangina para matapos tayo habang wala pa ang
boyfriend mo!”
Nasa
ganoon akong pakikipagsambuno sa kanya noong napaluhod niya talaga ako. “Badong
ayoko...”
“Ayaw
mo? Sige ibubulgar ko ang ginawa ninyo. Gusto mo ba iyon? Dali naaaa! Isubo mo
naa! Tangina. Libog na libog na ako! Masasayang ang oras!” ang pigil niyang
pagsigaw.
“Hahawakan
ko na sana ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki noong narinig ko ang tawag
ni Marlon. “Yak!!!”
“Arrggghh!”
sigaw ko.
At
noong nakita kami ni Marlon sa ganoong ayos at hawak-hawak pa ni Badong ang
aking buhok, dali-dali niyang sinugod si Badong at pinaulanan ng suntok sa
mukha.
Ngunit
lumaban si Badong. Pinakawalan din niya ang isang malakas na suntok at sapol si
Marlon sa mukha, dahilan ng kanyang mabilis na pagkatumba. At ang masaklap pa,
tumama ang kanyang ulo sa isang malaking bato.
Hindi
ako halos nakakilos sa bilis ng mga pangyayari. At ang sunod ko na lang na
nakita ay ang nakabulagtang katawan ni Marlon sa lupa, at maraming dugo ang
dumaloy galing sa kanyang ulo.
“YAAAAKKKKKKKKKKKKKKKK!!!”
Tila sumabog ang baga ko sa lakas ng aking sigaw.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment