by: Daredevil
Kapansin-pansin ang panay na pagngiti
ni Tonton mula sa paghahanda namin sa pagpasok hanggang sa makarating sa
school. Sa corridor ay sinalubong kami ni Trisha.
"Hi Tonton." ang masigla
niyang bati.
"Hello Trish" mamaya sabay
tayong kumain may pag-uusapan tayo" ang sagot ni Tonton sa kanya.
Napatingin naman ako sa kanya at
umandar ang aking curiosity sa kung anuman ang sasabihin ko sa kanya. Pero
hindi ko pa rin maiwasang kabahan na baka ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa
kanilang relasyon. Baka umamin na si Tonton sa kanya at maging officially sila
na.
"Ok" ang tila excited na
sagot ni Trisha.
"Congratulations Trisha, sana
maging masaya kayong dalawa" ang bigla kong nasambit. Ewan ko ba kung
bakit ako nakapagsalita ng ganoon. Marahil sa mga iniisip kong pangamba.
Tumingin sa akin si Tonton na may
pailing-iling na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Sakto
namang dumating si Lalaine kaya agad ko siyang nilapitan.
"Friend mabuti dumating ka na
marami akong ikukuwento sa iyo."ang sabi ko sa kanya
______
Oras na ng recess habang naglalakad
kami ni Lalaine palabas ng school ay sinimulan ko na ang pagkukuwento sa kanya
ng lahat. Pero bago yan ay kinumpronta ko muna siya sa ginawa niya kagabi.
"Naku Josh wala akong ibig
sabihin doon. Dapat ka pa nga matuwa dahil concern sa iyo ang tao." ang
sagot niya sa akin patungkol kay Tonton.
"Alam mo naman di ba na ayoko
nang magkaroon ng attachment sa kanya. Saka hindi naman totoo yung concern
noon, pakitang-tao lang ba dahil sa mga parents ko"
"Sa tingin ko hindi. Pero di mo
ba napapansin friend yung mga ginawa niya kagabi. Talagang sumunod pa siya sa
iyo ha. At gusto niyang makasama ka. Tapos nakakakilig pa yung sinabi niya
kagabi yung...." si Lalaine na nag-iisip.
"yung... di ko kayang mawala ka
sa aking paningin. Naks naman Josh ang haba ng hair mo"
"Tumigil ka nga diyan. Wala sa
kanya yun baka nga binobola lang niya ako."
"Ay naku friend bahala ka na nga
diyan. Tara na gutom na ako"
Habang kumakain kami ay sinimulan ko
na ikwento sa kanya ang mga nangyari sa aming dalawa sa bahay kagabi.
"Friend kailangan ko lang ng
opinyon mo kasi may di inaasahang nangyari sa bahay kagabi."
"Ano yun kung tungkol ito kay
Tonton sife go!" ang sagot niya.
"Excited ka talaga ha pag si
Tonton ang topic. Oo siya nga"
"O ano start na dali!"
"Huwag kang mabibigla ah.
Magkatabi kaming natulog kagabi"
"WHAT! OH MY GOSH!" ang
napasigaw niyang reaksyon. Napatayo siya sa upuan. Nagtinginan ang ibang mga
taong kumakain din.
"Kasasabi ko lang wag kang
mabibigla."
"Sorry na friend di lang ako
makapaniwala na gagawin niya ang bagay na iyon." si Lalaine. Umupo na ulit
siya.
"Ako rin."
"May nangyari ba sa inyo?"
ang sunod niyang tanong na agad kong sinagot.
"Wala ano. Pero friend nagtataka
lang ako kasi parang inaakit niya ako."
"Paanong inaakit?"
"Hinubad niya ang lahat ng
kanyang damit na tumabi sa akin. Yung underwear na lang ang natira."
"Ows talaga."Bahagya nyang
nilapit ang mukha sa akin at bumulong. "Malaki ba?"
Biglang nagbalik mili sa aking alaala
ang mga ginawa ko sa kanya kagabi. "Oo."
"Weeeeew! Ano natsansingan mo ba
siya?"
Napayuko ako.
"Guilty! Confirmed. ginahasa mo
siya"
"Hindi naman. hinawakan ko lang
yung ano niya yung..." ang sagot kong hindi matuloy-tuloy ang sasabihin.
"Di ba siya pumalag man
lang?"
"Tulog kaya siya. Pero napansin
ko na ano eh na..."
"Alam ko na. Wag mo nang ituloy.
I smell something fishy"
"Ano ibig mong sabihin?"
"Ayokong sabihin pero parang
kalahi mo siya Josh"
"Grabe ka. Hindi naman siguro."
ang sagot ko ngunit may kaunting pag-asa akong naramdaman na kung totoo man
iyon, posibleng magkagusto siya sa akin.
"Bakit hindi. Sa panahon ngayon
may mga lalaki nang tinatawag na discreet o ung paminta. Lalaking-lalaki kung
kumilos pero ang puso at isip ay babae."
"Malabo mangyari ang iniisip mo.
Babaero kaya siya" ang nasabi ko sa pagkaalala sa mga kwento ng nanay niya
sa akin.
"Siguro nga. Ganito na lang. Wala
akong masasabi pang payo sa iyo. Kailangan natin siya obserbahan."
______
Pagkabalik namin sa room, laking-gulat
ko sa aking nakita. Nagpalit na ulit ng upuan sina Tonton at Trisha. Nilingon
ko si Trisha at napansin ko sa kanyang mukha na malungkot siya. Ngunit
kabaliktaran nito si Tonton.Kinawayan niya ako na agad umupo na sa tabi niya
nang nakangiti.
"Bakit kayo nagpalit?" ang
agad kong tanong sa kanya nang makaupo.
"Gusto ko at alam kong pabor
naman sa iyo ito kaya wag kang magkunwaring hindi mo rin gusto" nakangisi
niyang sagot. At naalala ko bigla ang tungkol sa sinabi niya kaniang umaga na
pag-uusapan nila.
"Ano pala ang mga pinag-usapan
niyo kanina?" ang tanong ko. Natutunugan ko na kasi na hindi maganda ang
mga sinabi nya base sa nakita kong mukha ni Trisha. Ewan ko ba parang
nakaramdam ako ng awa sa kanya.
"Sa bahay na lang natin
pag-usapan."
Hindi na ako nagpumilit pa dahil alam
kong hindi ko siya mapipilit na sumagot. Nagpasiya akong lapitan si Trisha.
"Trisha, ano problema? Bakit
parang malungkot ka?" umupo ako sa tabi niya.Napansin kong naluha siya.
"Wala ito. Sige balik ka na sa
pwesto mo baka dumating na si mam." ang sagot niya habang pinapahid ang
kanyang luha ng panyo.
Dahil na rin sa pagkahabang para sa
kanya ay hinaplos ko ang kanyang likuran. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman
nga si Tonton. Gusto ko na ngang tumakbo ang oras para mag-uwian na at kausapin
siya.
______
"Ano yung mga sinabi mo kay
Trisha kanina?" ang tanong ko sa kanya pagkapasok namin ng bahay.
"Josh relax ka lang. Magmeryenda
muna tayo naghanda si nanay ng ating kakainin." ang kampante niyang sagot.
"Hindi sagutin mo ang tanong ko.
Alam mo bang malungkot at umiiyak siya. Alam kong may kinalaman ka."
Umupo siya sa sofa at
nagbuntong-hininga. "Ok. inamin ko sa kanya na hindi ko kayang tumbasan
ang nararamdaman niya sa akin"
"Nagulat ako at nagtaka.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Alam kong may gusto siya sa
akin. Ramdam ko iyon. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya
eh"
Hindi ko alam kung ano ang magiging
reaksyon ko sa mga ipinahayag niya. Masaya ako dahil hindi niya gusto si
Trisha. Pero sa kabila noon ay nalulungkot ako para sa kanya dahil hindi pa man
nagiging sila ay nabasted na siya.
"Mali ang ginawa mo Tonton."
ang sabi ko.
"Bakit naman mali? Ngayon alam ko
na kung bakit mo kami pinaglalapit dalawa. Inamin na niya sa akin kanina na
kinausap ka nya para tulungan mo siya"
"Sinaktan mo ang damdamin niya
Tonton"
"Mas masasaktan lang siya kung
patatagalin ko pa. Ayokong umasa siya sa wala."
"Di to pwede. Punatahan mo siya
ngayon at humingi ka ng tawad" ang utos ko sa kanya.
"Wala akong dapat ihingi ng sorry
sa kanya dahil di ako gumawa ng masama sa kanya."
"Wala? Kita mo ngang sinaktan mo
ang damdamin ng tao."
Bigla siyang tumayo at nilapitan ako.
Hinawakan niya ako sa braso. "Napakamanhid mo naman Josh. Hindi mo ba
nagugustuhan ang mga ginagawa ko sa iyo. Hindi ka ba natutuwa sa mga ginawa ko
kanina."
"Bitiwan mo nga ako! At teka sa
pagkakaalam ko ay si Trisha ang pinag-uusapan natin, bakit naman ako nasali sa
usapan."
Nakatingin lang siya sa akin gamit ang
mga mapupungay niyang mata. Ayan na naman parang nahihipnotismo na naman ako sa
mga titig niya. Parang naglalaho na yata ang mga galit ko sa kanya.
"Dahil may dapat kang malaman
Josh" ang sabgot niya sa akin.
"Ano iyon?" ang tila
nanlalambot ko nang tanong.
"Na...." aktong sasagot na
siya nang biglang maputol ito dahil sa pagsulpot ng kanyang nanay.
"Josh, Antonio dumating na pala
kayo." ang sabi niya. Kita ko ang pagkabigla niya sa nakitang posisyon
naming dalawa.
Itutuloy. . . . . . . . . .
No comments:
Post a Comment