“Mang aagaw ka!” sigaw niya sa akin.
“Kahit kailan wala akong inaagaw
sayo.” Sabi ko.
“Ahas ka.”
“Ang gwapo kong ahas.”
“Nahiya naman ako sa balat mo.”
“Tigilan mo ako. Ano pa ba ang
kailngan mo?”
“Ibalik mo sa akin ang mahal ko!”galit
na sabi niya.
“Bakit ko ibabalik, bakit na sakin
ba?”
“Kahit kailan talaga mga linta kayong
best friends.”
“Hindi ako linta. Loser ka lang.” Sabi
ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Ibalik mo siya sa akin dahil akin
siya.”
“hindi siya sa iyo!”
“At hindi rin siya sa iyo!”
“Akin siya dati!”
“Dati yun at hindi ngayon.”
“Hindi ka niya mahal at ako ang mahal
niya!”
“Kapal ng mukha mo. Dukha.”
“Angkinin mo na yang yaman mo. Nahiya
naman ako sa yaman mo.”
“Akala ko kaibigan kita.”
“Akala ko din kaibiga kita pero pati
bf ko ikinama mo.” Ang di ko na napigilan na sinabi ko.
“Ginusto niya rin yun.”
“Wala akong pakialam.”
“Malandi ka.” Bigla niya akong
sinampal. Hindi na ako lumaban.
“Kung mahal mo siya piliin mo kung
saan siya liligaya. Wag kang selfish.”
Doon na nag simula ang lahat, kung
saan napawi ang pag kakaibigan namin at parang bula na nawala.
**************************************
[AJ’s POV]
“If you love me, like you tell me,
please be careful with my heart.
You can take it just don’t break it,
or my world will fall a part.
You are my first romance and I’m
willing to take a chance, that till life is true,
I’ll still be loving you. I will be
true to you, just to promise from you will do,
from the very start, please be careful
with my heart.”
Isang kanta na nagpapaalala sa akin ng
nakaraan.
Nasa pakikinig ako ng playlist ng
I-pod ko ng biglang hampasin ako sa braso ng isang tao mula sa aking likuran.
Siyempre nagulat ako dahil from out of
nowhere eh bigla na lang akong hahampasin sa braso.
“Hey ano ba yan? Nakakasakit ka ha?”
sabi ko.
“Ang arte mo ha. Hinampas ka lang
nasaktan ka na? Grabe yan ha.” Dipensa niya.
“Wew. Ano bang ginagawa mo dito?”
“Alam mo ang taray mo? Meron ka ba
ngayon at ganyan ka? Bawal bang bumisita dito sa bahay mo? Arte ha.”
“Ang dami mong alam. Sumagot ka na
lang.”
“Ang taray eh. Magpapasama lang sana
ako sayo sa palengke.”
“Wow ha. May lagnat ka? Mukhang first
time kang tatapak ng palengke ah.”
“Hoy grabe ka. Hindi ah. Batukan kita
jan eh.”
“Subukan mo lang at hahanap ka ng
makaksama.”
“Bilisan mo na kasi best. Ang tagal pa
eh.”
“Oo na bibihis lang ako kaya labas ka
na.”
“Arte. Papalabasin pa ako.”
“At mamboboso ka pa?”
“Kapal mo din. Wala akong interes
sayo.” At tuluyan na nga siyang lumabas.
Siya ang best friend ko na si Chad. 17
years old, taking up Tourism Management sa parehong university na pinapasukan
ko.
Maraming maipagmamalaki si Chad dahil
kilalang-kilala siya sa school namin. Marami siyang kaibigan pero ako ang nag
iisang best friend niya.
Matalino, gwapo, madiskarte, malikhain
at marami pang iba. Dalawang buwan na kaming mag bestfriend nito.
Summer after highschool noong
nagkakilala kami. Mag kapit-bahay lang kami sa nilipatan naming bahay.
Mahigit dalawang buwan na mula noong
lumipat kami dito sa bagong tinitirhan namin.
Nasangkot kasi sa isang malaking
kaguluhan ang pamilya namin ng dahil sa akin. Pero tapos na iyon.
Nalampasan namin iyon at alam kong sa
panahong ito panatag na ang kalooban nila mama sa akin.
Tanggap nila kung ano ako hindi tulad
ng dati. Simple lang ang gusto kong buhay. Di tulad ng iba na masyadong
mayaman.
Nasa average lang ang aming pamumuhay
at masaya ako dito. Natupad naman ang pangarap ko na umahon kami mula sa hirap
ng maging manager si papa sa kumpanya na pinagtra-trabahuhan niya.
Ngayon naman eh napromote siya kaya
nag decide si papa na lumipat dito sa kinalalagyan namin para naman matapos na
ang problema sa lugar namin dati.
Lola ko lang ang mayaman for short.
Ako nga pala si A.J, Arwin Jake
Montederamos. Taking up B.S. Mechanical Engineering. 17 years old. 5”10 ang
height at medium build up ang pangangatawan.
Medyo marami-rami na rin ang aking
pinag daanan na nagsimula noong summer ng 3rd year ko. Yung simpleng buhay ko
ay ginulo ng isang tao mula sa nakaraan
Nagtatanong pa rin ako hanggang ngayon
kung bakit ba nangyari ito sa buhay ko? Kung bakit ba ginawa ang mga bagay na
iyon. Masakit man pero wala na akong magagawa dahil nangyari na nga iyon.
Marami akong naiwang mga tao sa lugar
namin dati. Balak ko na bumalik doon pag nagkaroon na ako ng panahon at kapag
handa na ulit ako. Iniwan ko na din doon ang sawi kong puso.
Tanging sakit lang ang idinulot ng
isang tao sa akin. Sasabihin ko na naging masaya ako sa pag-ibig na naramdaman
ko, pero hindi naman lahat na iyon lang ang mararamdaman mo eh, kasabay nito
yung sakit sa kalooban.
Ilang sandali matapos kong magbihis ay
umalis na kaming dalawa. Nagpaalam muna kami kay mama.
“Ma, alis na po kami. Nagpapasama kasi
tong si Chad sa palengke, hindi ko po alam kung bakit?”
“Ah sige ingat ka. Teka, may ipapabili
ako sayo para isang sadya lang yan.”
“Naku tita sige lang. Mamaya may
pasalubong ako sayo.”
“Talaga ha”
“Oo naman kayo pa.”
Matapos ang ilang saglit ay ibinigay
na ito ni mama sa akin. Umalis na kami matapos ito. Kabaligtaran ni Chad,
tahimik lang ako.
Mahiyain kung minsan. Pero swak na
swak pa rin ang pagiging magkaibigan namin. Hindi ko nga alam kung paano nag
simula ang pagiging mag best friend namin.
Marami-rami na rin kaming pinag
samahan. Sa loob ng dalawang buwan ay ganito na kami ka-close. Kilala na kami
pareho ng pamilya ng isa’t-isa.
Alam ko ang pagkatao niya at alam din
niya ang sa akin. Hindi kami nag kailangan ng panahong iyon.
Lalo pa nga tumindi ang pagiging mag
best friend namin. Lagi niya akong isinasama sa mga group gathering ng friends
niya na kapareho namin.
Maraming nang iintriga sa amin dahil
baka daw magkatuluyan kami.
Pero sabi namin hindi yan pwede.
Mag best friend kami kaya di dapat.
Inamin naman niya na dati dat eh nag ka-crush daw siya sa akin. Okay naman sa
akin yun dahil crush lang.
Ilang minuto pagkatapos naming bumyahe
ay nakarating na kami sa palengke. Nagsimula na kaming mamili doon sa mga
bibilhin niya.
Aba, ano kayang nakain nito at
napakaraming nakalista sa bibilhin. Ano kayang meron at parang fiesta ang
magaganap?
“Ano bang meron at bumibili ka ng ganyan
karami?”
“Darating na kasi bukas si Kuya Galing
Singapore, eh ayun mukhang engrende ang gagawin. Hindi naman maarte si mama sa
mga pagkain. Sa palengke nga niya ako gustong pabilhin ng mga gagamitin eh.”
“Teka bakit hindi sa mga katulong
ninyo kayo nag pabili?”
“Maramni na silang ginagawa tsaka para
naman makarating ako sa palengke na to.”
“Ay halata nga na hindi ka pa
nakakpunta, todo porma ka jan eh.”
“Malay ko ba. Pati hindi naman ah.
Simple pa nga ito eh.”
“Jowk lang naman. Sige na tara na.”
Habang naglalakad kami eh nakita namin
yung pinagpapantasyahan ni Chad. Crush na crush niya iyon at halos magkandarapa
na ito dito.
Alam namin ang pagkatao nito. Tulad
din namin siya. Una ko siyang nakita sa group gathering namin tapos nagulat na
lang ako na same school lang pala kami.
Siya si Jaysen. 18 years old. 2nd year
na at Marine Transportation student. Oo na sabihin natin na gwapo siya, may
kaya din sa buhay at mabait.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko
feel siya.
Ayaw ko siya para sa best friend ko
although ganun ang katangian niya. Pero kung sakali man na maging sila, ayos na
sa akin. Wala na akong magagawa kundi ang umoo. Saka kung iyon naman ang
ikaliligaya ni Chad eh doon na ako.
“Hi Jaysen.” Bati ni Chad.
“Uhm. Hello. Uy, anong ginagawa ninyo
dito?” tanong ni Jaysen.
“May pinamimili lang.”
“Ah ganun ba. Uhm. Hello AJ.” Bati
niya sa akin. Isang ngiti lang ang iginanti ko.
“Ikaw ba?”
“Uhm may idinaan lang ako dito sa
palengke.”
“Ah okay. Heheh” sabi ni Chad.
“Sige una na ako. Ingat kayo.”
Pamamaalam niya. Di ko alam kung ano
ha pero parang sa akin ba nag papaalam tong lokong ito. Abot tanaw ang tingin
ni Chad sa kanya. Tapos liningon ako ni Chad.
“Ang gwapo talaga niya. Ano ba yan?
Aixt.”
“Sus. Siya na gwapo. Mas gwapo pa ako
dun.”
“Uhm. Parang di naman.”
“Weh. Naku, mukhang type ka niya ha.”
“Tumigil ka nga. Sayong-sayo na siya. Sayong
sayo na.”
“Kung pwede lang. Gagawin ko lahat
mapa sa akin yun. Hahah”
“Loko-loko talaga.”
Na curious tuloy ako kaya napalingon
ako bigla. Sakto namang paglingon ko eh lumingon din siya. Ako naman ay nagbawi
agad ng ulo.
Pagkauwi ko ng bahay ibinigay ko na
yung pinamili ko tapos yun pasalubong ni Chad. Umakyat na ako sa itaas para
magpahinga. Humiga ako sa malambot kong kama at nagpahinga.
Mamaya na ako maliligo ulit dahil
binbanas ako. Siguro tutulog na muna ako para bumalik yung lakas ko. Madali
lang ako nakatulog agad kasi dulot na rin ng pagod.
Mahimbing ang pagkakatulog ko at
napasarap ang pagpapahinga ko. Mula sa aking pag idlip, kasabay nito ang
pagbalik ng nakaraan at pag alala sa kahapon.
(Flashback)
“Mahal kita, hindi ko alam kung bakit.
Naramdaman ko to ng di ko namamalayan. Mahal kita hindi dahil gwapo ka, mabait
ka o anuman. Mahal kita kasi mahal kita. Gabi-gabi hindi ako matahimik lalo na
kapag naalala ka. Minamahal kita mula noon hanggang ngayon. Alam mo ba kung
gaano ako katagal mag tiis masabi lang sayo to. Hindi ko na mapigilan ang
sarili ko. Kapag magkakalapit tayo, gusto kitang yakapin. Kapag nakikita ko ang
mukha mo lalo na ang mga labi mo, gusto ko tong sunggaban at siilin ng halik.
Mahal kita Arwin mahal na mahal. Wala akong pakialam kung hindi ako mahal, pero
mahal na mahal kita at iyon ang totoo.”
Napaluha ako ng mga sandaling iyon.
Hindi ko inaasahan na mararamdaman niya iyon sa akin. Niyakap niya ako ng
mahigpit na mahigpit.
“Pero, magiging magulo ang buhay natin
kapag nagpatuloy ito.” Sabi ko.
“Wala akong pakialam. Mahal kita.
Mahal na mahal. Sana ganyan din nararamdaman mo. Gusto kong ikaw ang lagi kong
makasama. Gusto ko na ikaw llang ang laging nakikita. Mahal na mahal kita
walang hanggang man yan.”
“Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Natatakot ako sa kapakanan mo.”
“Wag mong isipin yan. Ang iportante
ang ngayon. Gusto ko lang malaman, mahal mo ba ako?”
“Pero...”
“Mahal mo ba ako?!” hindi ako
nakapagsalita.
“Sagutin mo ako... mahal mo ba ako?!”
“Oo mahal kita. Dati pa. Pinipigilan
ko lang ang sarili ko na mahalin ka at tuluyang mahulog sayo dahil hindi
dapat.”
“Ayun lang ang hinihintay kong sabihin
mo.”
At unti-unti inilapit niya ang kanyang
mga labi sa aking mga labi. Kinabahan ako bigla. Bakit ganito ang nararamdaman
ko? First time na mangyayari to sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata at
hinintay na maglapat ang aming mga labi. Siya ang nagdadala sa akin kung paano
ang gagawin. Hindi ko alam kung una niya rin yun sa akin o may nakauna na sa
kanya.
Unti-unti ng nag gagala ang kanyang
kamay sa aking katawan habang nakahiga kami sa kama. Natanggal na ang mga
saplot namin sa aming mga katawan at wala ng humaharang sa amin kahubdan.
“Mahal kita. At natutuwa ako na mahal
mo rin ako. Mahal na mahal kita. I Love you Arwin”
“I Love you too James.”
“Handa ka naba?”
“Saan?”
“Dito”
Di ako makasagot, nahihiya ako kung ano
ba ang isasagot ko. Ipinikit ko na lang
muli ang aking mga mata para siya na lang ang bahal sa gagawin niya.
“Promise I’ll be careful.”
At yun na nga. Dun na nag simula ang
lahat. Doon na nagsimula ang sakit na aking naramdaman. Tiniis ko ito dahil
alam kong maipapakita ko dito na mahal ko siya. At sa gabing iyon, tuluyan ng
nagbago ang buhay ko.
Sa unang pagkakataon eh naranasan ko
ang dapat maranasan. Kahit na bata pa kami, alam kong nagmadali kami masyado.
(End of Flashback)
Nagising ako sa katok ni mama na
sunod-sunod.
“Anak, gabi na, kain na tayo.”
Bumangon ako saglit at tinignan ang
phone ko. 4 missed calls galing sa best friend ko mula pa noon na si Rizza at
10 text mula kay Rizza at Chad. Sunod-sundo pa rin ang tawag ni mama.
“Anak, kakain na.”
“Opo bababa na po ako. Liligo lang po
ako.”
At naghubad na ako ng damit. Kahit na
tinatamad eh naligo pa rin ako. Para magising ibinabad ko ang katawan ko sa
ilalim ng shower. Ang sarap ng tubig na dumadaloy sa aking katawan.
Kinuskos ko ang katawan ko ng sabon at
binanlawan agad ito. Habang nagbabanlaw ako ay nakita kong muli ang isang
bahagi ng nakaraan ko.
Nakita ko ang marka na ipinalagay
namin ng ex ko.
Napag katuwaan naming magpalagay ng tattoo.
Iniligay ko ang first letter niya at
ganun din naman siya na iniligay ang first name ko.
Masakit man, pero ayos lang. Ganyan
talaga nagmamahal.
Akala ko noon kami na talaga.
Akala ko mamahalin niya ako ng sobra
at hinding-hindi lolokohin.
Araw pa ng mga puso ng akoy kanyang
saktan. Akala ko naman ayos na ang lahat.
Mahirap talaga lalo na kung sarili
mong kaibigan niloloko ka din. Masakit, sobra. Yan ang naramdaman ko. Naalala
ko pa ang mga sandaling iyon.
(Flashback)
“Bakit sa lahat pa ng panahon ngayon
pa?” galit kong sabi.
“Teka magpapaliwanag ako. Mali yang
nakita mo. Hindi totoo yan. Maniwala ka sa akin.” Dipensa niya.
“Tanga ba ako? Hindi diba? Kung ano
ang nakita ko yun yon. Hindi ako bulag para wag mag maang-maangan na walang
nakita. Hindi rin ako ganun katanga para pagtakpan yang ginawa mo. Walang hiya
ka. Akala ko iba ka sa lahat. Katulad ka rin pala ng iba.”
“Teka lang. Please Arwin. Mahal na
mahal kita.”
“Mahalin mo yang kalantari mo. At isa
pa, sa lahat ng tao sa mundo, bakit kaibigan ko pa? Hindi na kayo nahiya. Dito
pa kayo gumawa niyan. Pinagsisisihan ko na minahal kita.” Tumutulo na ang luha
ko ng mga sandaling iyon.
“Wag kang ganyan. Hindi mon alam ang
sinasabi mo.”
“Alam ko ang sinasabi ko dahil may
utak at isip ako. Tama na to. Ayoko ng makita ka pa. Umalis ka jan sa dadaanan
ko.”
(End of Flashback)
Tama na. Ayaw ko ng isipin pa ang mga
ito. Nagmadali na akong tapusin ang paliligo ko.
Pinunasan ko ang katawan ko at nagsuot
ng brief at boxer. Hindi na ako nagsuot ng pangtaas para pag natulog ako mamaya
eh presko.
Nasanay na naman ako na walang suot
pang itaas pag natutulog. Habang palabas ako ng pintuan ng kwarto ko, nakita ko
yung kwintas na isinusuot ko.
Napatingin ako bigla sa mga daliri ko
at nakita ko ang singsing na ibinigay ng ex ko sa akin.
Muli na namang kinurot ang puso ko sa
naramdaman kong awa sa sarili ko. Matapos ang lahat-lahat, ganito rin pala ang
mangyayari sa akin.
Bakit kaya masakit mag mahal?
Ano nga ba ang kasalanan ko at ginaganito na
lang ako. Wala naman akong tinatapakang tao ng mga panahong iyon.
Ang nasa isip ko na lang mula noon
hanggang ngayon, may dahilan ang Diyos sa akin kaya ako ginanito. May mga bagay
na ibinigay sa akin na kailngan kong mapagdaanan.
Pababa na sana ako ng biglang nag ring
ang cellphone ko. Tinignan ko ito at si Chad ang tumatawag.
“Hello. Oh bakit ka napatawag?”
“May nalaman ako. Tungkol sa crush ko.
Mukhang may ibang gusto siya. Help!”
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
“Ano ba naman yan? Yun lang pala ang
sasabihin mo.” Sabi ko.
“Kailangan kong malaman kung sino yun.
Naku, lagot sa akin pag nalaman ko kung sino yun.”
“Masyado kang exaggerated.”
“Bakit ba? Nagtataka nga ako sayo eh.”
“Oh bakit naman?”
“Hindi ka ba nagkakagusto sa kanya? I
mean kahit crush lang?”
“Iba-iba kasi ang preference natin sa
mga tao. Pati ewan ko ba, walang epekto yang crush na crush yan sa akin pag
tungkol sa kanya.”
“Ang taray ng sagot ha.”
“Dami mong alam talaga.”
“Sige na. Kakain pa ako. Bukas na lang
tayo mag usap ha.”
“Sige-sige. Agahan mo ang pasok mo
ha.”
“Bakit naman?”
“May gagawin tayo.”
“Naku mamaya kung ano na naman yan
ha?”
“Basta pumasok ka na lang.”
“Oo na.” At pinutol na niya yung
tawag. Agad akong bumaba dahil sa gutom.
Sermon naman ang inabot ko kay mama
dahil daw ang tagal ko bago bumaba.
Sinuhulan ata to ni ate kaya ganito si
mama eh.
Ilang sandali lang eh dumating naman
si papa. Sabay-sabay na kaming kumain.
Kamustahan naman ang naganap sa
hapagkainan.
Tawanan at bonding, yan ang ginawa
namin buong gabi.
Minsan lang kasi mangyari to dahil sa
busy na kaming lahat.
Akala ko nga di na muli mangyayari ito
eh.
Lalo na nung lumabas ang totoo kong pagkatao.
Halos hindi ako kausapin noon nila mama.
Muntikan na talaga akong umakyat sa
stage noong gaduation na walang magulang at tanging si ate lang ang mag sasabit
sa akin ng karangalan.
Buti na lang talaga at nahabol pa at
naagapan.
Kung hindi dahil sa nangyari sa akin,
hindi pa magiging okay ang lahat.
“Anak halika nga.” Tawag sa akin ni
papa.
“Bakit po?” bigla niya akong niyakap
at pinaupo sa tabi niya.
“Kamusta ka na pala?” tanong nito.
“Uhm. Ayos naman po. Ayun, kahit
papaano iniingatan ang scholarship. Pahirap ng pahirap yung curriculum pero
ayos na rin po. Para sa inyo kakayanin to.” Sagot ko.
“Aysus. Talaga lang ha.” Singit ni
ate.
“Inggit ka lang. Wag ka nga.”
“Che.”
“Eh yang puso mo?” nanahimik ako
bigla.
Lahat kami natahimik.
Di ko alam kung sasagutin ko ba o
hindi ang tanong ni papa.
Ang hirap din naman kasi eh.
“Wag mo ng sagutin, alam ko na ang
sagot.”
Naging seryoso ang mga mukha nila.
Binato ko ng unan si ate para mawala
ang kaseryosohan.
“Ate ang panget mu, hindi bagay sayo
ang seryoso.”
“Aba, talaga namang.”
“Bleh.” At todo harutan na kami.
Kay saya ng pakiramdam na may pamilya
ka na ganito. Masaya, tanggap ka at kaya kang intindihin.
Nabiyayaan ako ng pamilya na siyang
kayang yumakap sa akin kapag lumalagpak ako.
Kahit na hindi ko man masabi ang mga
bagay-bagay alam kong alam nila ang bawat kasagutan sa mga bagay-bagay na
tungkol sa akin.
“Anak. Nandito lang kami para sayo
ha.”
“Opo.”
“Teka, may nagpapatibok na ba ulit jan
sa puso mo?”
“Naku ma wala wala ha.”
“Yung totoo.”
“Promise, cross my heart, hope to
die.”
“Okay sabi mo ha. Pero kung sakaling
meron ipakilala mo agad sa amin ha. Kikilatasin muna namin.”
“Oo naman.”
“Kung manliligaw siya sabihin mo dito
sa bahay. Hindi kung saan-saan.” Sabi ni papa.
“Ay si papa may ganun?”
“Naman. Siyempre anak kita eh. At
tsaka ayoko ng maulit yung nangyari dati na nailagay mo pa ang sarili mo sa
kapahamakan. Mahal ka namin anak kaya mas gusto naming ganyan ka kesa namang
hayaan ka naming mawala sa piling namin.” Niyakap ko silang dalawa ni mama ng
sobrang higpit.
“I love you too. Yaan po ninyo
magtitino po ako at uunahin ko muna ang pag aaral. Kung dumating man yung taong
magpapatibok ng puso ko, agad-agad sasabihin ko po sa inyo.”
Ipinagpatuloy na lang namin ang
panonood ng TV.
[Chad’s POV]
Kakatapos ko lang tawagan ang best
friend kong si AJ. Masaya ako na nagkaroon ako ng best friend na tulad niya.
Ilang beses na kasi akong nasaktan ng
dahil sa mga bestfriend.
Di mo alam kung san ka ba lulugar ng ayos.
Yung feeling na wala kang matakbuhan
kapag may problema ka.
Aminado naman ako na nagkagusto ako
kay AJ noong una.
Sino ba ang di magkakagusto sa kanya
eh mabait na, gwapo pa, ganda ng katawan at mapagkakatiwalaan pa.
Buti na nga lang at hanggang dun na
lang yun kasi mamaya kapag nainlove ako sa kanya ay magkaaberya na.
Habang nag facebook ako, di
sinasadyang makita ko ang isang group of people. Isang group na kung saan
kapareho namin ng sexuality.
Naging interesado ako kaya nag ask to
join. Agad naman nag respond at inaccept ang request ko. Same place lang din
pala.
Alam na ng pamilya ko kung ano ako
ngayon.
Simula ng pagkabata kasi eh alone ako
at di mahalubilo sa iba. Buti na lang at lumakas ang confidence ko kaya ganito
ako katoka.
Hindi naman ako tulad ng iba na
masyadong makapal ang mukha na kung kani-kanino nakikipag usap na darating sa
punto na kahit sa di kakilala eh handang makipag usap.
Tourism Management ang kinuha ko dahil
na rin sa isa ito sa gusto ni mama noon. Pangarap kasi niya dati na mag Tourism
Management.
Si papa naman eh engineer ang gusto sa
akin, pero kapag makita ko pa lang ang sine, cosine, derivatives at kung
anu-ano pa, halos mawala na ako sa katinuan.
Di ako ganun katalino tulad ng best
friend ko pero at least naranasan ko namang mapasama sa top.
7th honorable mention naman ako nung
nag graduate ako. Not bad after all
And besides, pinaghirapan ko yun.
Back to the story, 3rd year highschool
ako ng matuklasan nila papa kung ano ako.
Sabihin natin na nahuli nila ako na
may kasama sa kwarto at alam mo na kung ano ang scene.
Tatlo pa lang ang nakakarelasyon ko at
ang pinakauna ko ang tanging seryoso.
Hindi naman ako flirt, kaso nga lang,
natuto akong makipaglaro. Matapos kasi akong pagpustahan ng first ex-boy friend
ko eh nadala na ako.
Tingin ko tuloy na walang mag mamahal
sa akin ng totoo. Tapos nangyari pa na sarili kong best friend nagging kaagaw
ko pa. What a life?
Mabilis naman akong magsawa sa mga
gwapong lalaki. Bihira na lang na mag tagal ang crush ko.sa tingin ko nga si AJ
ang pinakamatagal kong naging crush.
Para akong tumama sa lotto ng
matagpuan ko tong si AJ. Grabe talaga. Wala ka ng hihilingin pa. Sa dalawang
buwan na pagiging mag best friend namin, wala na akong masasabi pa.
Lahat ng bagay pinaboran niya ng dahil
sa akin. Ginawa niya ang lahat ng imposible. Handa nga siyang ipag tanggol ako.
Tandang-tanda ko pa nga noong mahuli niya ang 3rd ex boyfriend ko eh. Halos
patayin na niya ito sa suntok.
Best friends forever ang drama naming
dalawa. Hope lang na masuklian ko ang mga bagay-bagay na ginawa niya sa akin.
Habang nag susurf ako sa page eh
nakuha ng isang lalaki yung attention ko. Ewan ko ba kung bakit pero kakaiba
ang tama nito sa akin. Kung irate ko ang pagkagwapo niya, uhmm, 11 siguro,
exage masyado.
Pero sa akin, gwapo siya. Cute kaya ng
dimples brown eyes niya. Maputi siya pero di naman gaano kaputi. Ako naman eh
di ko maintindihan kung anong pwersa nag udyok sa akin na i-add ang lalaking
ito.
Interested na siguro ako dito kaya
ganito. Mukhang online ang loko kasi naaccept niya agad ako. Kaya nag post ako
sa wall niya.
“Hello. Thanks sa accept bro.” Sumagot
naman siya.
“No problem. Thanks sa add bro.”
Nag kalikot agad ako sa pictures niya
at sa info niya. Nakaprivate siguro yung iba niyang photos kasi naman eh
tatlong albums lang ang nakashow sa public.
Ng mapadpad ako sa information niya,
parang nakakita ako ng magandang pangitain ah. My God, malapit lang pala siya
dito sa amin. Kaya nag insist na ako na i-chat siya.
“Saan ka sa ******?”
“Uhm why po?”
“Taga dito din kasi ako. Nagulat lang
me.”
"Ah ganun ba. Uhm diyan lang ako
sa ******.”
“Ah ganun ba. Nice naman.”
“Hehe.” Sagot niya.
Ewan ko ba kung bakit ako nagkaroon ng
lakas ng loob na kunin ang number niya.
“Pwedeng makuha ang number mo?”
kinakabahan tuloy ako
“Bakit po?”
“Uhm. Wala lang po makikipag kilala
lang.”
“Ah ganun ba? Wait ha, pag isipan ko.”
Para akong timang na nag aantay na sana ibigay niya ang number niya.
“Ah okay sige. Eto number ko.
0906*******”
“Sige salamat po. Uhm Chad pala here.”
“Ah. Arkin pala bro.”
“Ah. Nice name. Lang taon ka na?”
“17 po turning to 18 next year”
“Ah ganun ba, nice malapit na ah.”
“Grabe hindi naman ang tagal pa nga
eh.”
“Hahaha. Joke lang. Uhm, nacurious lang ako
ha, nakita kasi kitang kasama sa group na ________, so ikaw ba ay uhm... bi?”
“Ah. Kala ko naman kung ano. Yup po. Bi po
ako.”
“Discreet?”
“Alam na po ng parents at friends ko.”
“Ah. Same pala tayo. Nice naman ha.”
“hahaha.” Tanging sagot niya.
Naisip ko tuloy na baka naboboring na
tong kausap ako. Nagkwentuhan kami at marami akong nalaman sa kanya.
Ibinigay ko ang number ko sa kanya.
Then yun, sa phone na lang namin itinuloy ang pag-uusap namin.
Grabe ang ganda ng boses niya. Ang
lamig sa tenga at nakakinlove. Gwapo na nga ng mukha tapos gwapo pa ng boses.
San ka pa.
“Oh bat natahimik ka jan?” tanong niya
sa akin sa kabilang linya.
“Pinakikinggan ko boses mo. Gwapo kasi.”
“Wushu. Bola ka pre.”
“Hindi kaya.”
“Uhm. Nakailan ka ng karelasyon?”
“Uhm. Tatlo eh. Ikaw ba?”
“Ah. Isa pa lang.”
“So, in a relationship kaba ngayon?”
“Ah. Hindi ah. Pero taken parin ang
puso ko ng taong yun.”
“Hahaha. Ang corny ha. Pero maswerte
ang taong yun sayo.”
“Naku parang hindi din. Kasalanan ko
kasi kung bakit kami nag hiwalay. Ako ang maswerte sa kanya. Mantakin mo
pinakawalan ko pa.”
“Ah ganun ba, bakit ano ba ang
nangyari?”
“Mahirap ipaliwanag eh pero
misunderstanding ang lahat.”
“Gaano kayo katagal?”
“6 months kami noon at monthsary namin
nung nag hiwalay kami.”
“Aww ang saklap.”
“Yup. Sobra.”
“Kelan ba ang monthsary ninyo?”
“14”
“Ah. So sad. Malas ka kung sa mismong
valentines kayo nag hiwalay.”
“You got it bro.”
“Huh?”
“Yeah you got it, february 14 kami nag
hiwalay, sa mismong araw ng mga puso.”
“What? Talaga? Awts. Sobrang sakit nun
ay.”
“Oo. Sobra. Pero wala na akong magawa
eh.”
Napahaba ang usapan namin at di ko
namalayan na alas-dos na pala ng umaga.
“Ui pasensiya ka na ha. Ano ba oras ng
klase mo mamaya?”
“11:30 pa naman eh. Ikaw ba?”
“9 am. Hahah. Sige tulog na tayo.
Magkikita pa ami ng best friend ko bukas. Sige bukas na alng ulit. Tawag ako
sayo kapag may time.”
“Okay sige-sige. Good night pare.”
“Good night din.”
At yun natapos na ang pag uusap namin.
Kakaibang kilig ang nararmdaman ko kapag kausap ko siya.
Ano ba yan? Mukhang maiinspire na
naman ako. Mala-PBB teens lang
Ilang sandali lang eh nakatulog na ako
sa kakaisip sa kanya.
[AJ’s POV]
“Grabe ha, akala ko ba maaga papasok,
bakit hanggang ngayon wala pa ring kahit anong anino tong si Chad?” isang oras
na akong nag hihintay dito.
Siya pa nagsabi sa akin na 7 am daw
ako papasok.
Nag iisa ako noon sa may bench ng
lumapit sa akin si Jaysen.
“Oh anong ginagawa mo dito? Bakit ka
nag iisa dito?” tanong nito.
“Siyempre nakaupo. Hinihintay ko kasi
si Chad eh ang tagal-tagal niya. Kainis nga eh.”
“Sige samahan na lang muna kita dito.”
“Wag na. Okay lang ako dito. Mas feel
kong mapag isa.”
“Okay lang sa akin. Besides wala pa
naman akong klase at vacant ko ngayon.”
“Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan
mo. Sige na.”
Pagtataboy ko. Ano ba yan, ano bang
gagawin ko para layuan ako ng lalaking ito.
“Itinataboy mo ba ako?”
“Hindi ba halata?” bulong ko sa sarili
ko.
“Ano?”
“Sabi ko. Wala. Bakit naman kita
itataboy?”
“Nahahalata ko kasi eh. Ayaw mo ba sa
akin?”
“Hindi ah. Wala akong sinasabi. Pati
bakit mo naman nasabi yan?”
“Hindi naman ako manhid eh.” Biglang
naging seryoso ang usapan.
Na guilty tuloy ako. Feeling ko ang
bad ko sa ginagawa ko. Nahihiya naman ako sa tao kasi wala naman siyang
ginagwang masama pero ganito ang trato ko.
“Hindi naman sa ganun.”
“So ibig sabihin parang ganun na nga.”
“Ah eh. Sort of.”
“Pero bakit? Hindi ko maintindihan?”
Nakita ko ang pagbabago ng kanyang
mukha.
Grabe ang sama sama ng ginawa ko.
Kailngan kong bumawi.
“OY sorry na. Kasi naman eh.”
“Kasi ano?”
“Ewan ko ba kung bakit? May mga
naririnig ako about sayo. Iba-iba. Sabi ng iba play boy ka daw, yung iba naman
mabait. Di ko tuloy alam ang paniniwalaan. Ayaw ko kasi sa mga play boy, siguro
dahil doon. Pero nakikita ko naman na mabait ka.”
“Wag ka kasi kung kani-kanino
naniniwala.”
“Siya sorry na.”
“Nagtataka lang kasi ako na parang
lagi mo na lang ako tinataboy?”
“Sorry na nga eh. Paulit-ulit?”
“Oh tinatarayan mo pa ako.”
“Hindi na po?”
“Wala napipilitan lang.”
“Ang daming arte ha.” Biglang
nanahimik siya.
“Hoy joke lang. Ito talaga.” Hinawakan
ko ang mukha niya at pinisil ang pisngi.
“Ngiti na jan. Cheer up. Sorry na sa
ginawa ko ha. Yan okay na ba?”
“Okay na. Sige na. Masakit na pisngi
ko.”
“Haha.”
“Ang cute mo pala pag ganyan ka.” Sabi
niya.
“Ang alin?”
“Pag nakangiti ka. Saya mo tignan.”
“Ahoy. Mambobola ka pala.”
“Hindi ah.”
“Wushu. Bolero.”
“Promise totoo ang sinasabi ko.”
“Talaga lang ha. Cute talaga? Hindi ba
pwedeng gwapo?” pabiro ko.
“Aysus. Kapal din?”
“Ouch ha. Makapal pala ako.” Tumayo
ako at tumalikod sa kanya.
“Joke lang. Siyempre gwapo ka.”
“Ayoko ng napipilitan.”
“Batukan kita jan eh nag tatampururot
ka pa jan.”
“Ay mananakit pa ay.”
“Ang drama mo.”
“Ako pa ngayon daw ang madrama.”
“Sige lang.”
“Talaga.”
“Ang adik mo.”
“Mas adik ka.”
“Alam ko.”
“Buti inamin mo.”
“Adik sayo.” Bigla akong natameme
tuloy.
“Ano?”
“Wala.”
“Ano nga?”
“Wala nga.”
“Sabi ko...”
“Ano?”
“Sabi ko eh.”
“Ano nga?”
“Ah eh.”
“Ang tagal ha.”
“Nagmamadli?”
“Ano na nga kasi?”
“Paano ko ba sasabihin?”
“Ano nga?”
“Ah eh.”
“Sige na nga. Wag na.” Sabi ko.
Hinila niya ako bigla at niyakap.
“Sabi ko adik ako sayo.” Napatigil ako
bigla. Itinulak ko siya.
“Hoy PDA yang ginagawa mo ha.” Pabiro
ko.
Nagbago ang kanyang mukha.
“adik mo. Natawa ako sa joke mo ah.”
Ngumiti na lang siya sa akin.
“Oo buti naman at natawa ka.”
“Hahah. Oo nga eh.” Maya maya narinig
ko ang boses ni Chad.
“AJ!” panawag nito.
“Sige aalis na ako.”
Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng
lungkot sa boses niya.
Hinawakan muna niya ang kamay ko bago
siya umalis ng tuluyan.
Nahihiwagaan tuloy ako ngayon sa
katauhan ni Jaysen.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
“Oh anong pinag uusapan ninyo ni
Jaysen?” tanong ni Chad.
“Uhm, wala naman. Nag kwentuhan lang
kami habang hinihintay ka. Teka nga pala, bakit ngayon ka lang? Sabi mo maaga
tapos eto, malalate ka?” sabi ko.
“Sorry naman. Napuyat ako kagabi eh.
Kaya ayon. Sorry.”
“Oh ano bang kalokohan ito at
kailangan pa nating pumasok ng maaga?”
“Alam mo kasi, may nakausap ako na
kaibigan ni Jaysen. Tingin daw nila eh inlove tong si Jaysen sa kung sino man.
Dami na daw kasing tinatago eh.”
“Oh anong gusto mong gawin natin?”
“Kailangan malaman natin kung sino
yun. Grabe ang swerte niya ha.”
“Sus. Wag na kasi. Dami pang alam eh.
Waste of time lang yan.”
“Ouch naman. So waste of time pala ang
pagtulong mo sa best friend mo?”
“Hoy wag kang mag emote jan, batukan
kita eh.”
Di siya nag salita. Grabe dadaanin na
naman ako sa drama nito.
“Oo na sige na. Dame pang alam na
kadramahan.”
“Wala napipilitan ka lang. Wag na. Sa
iba na lang ako magpapatulong.”
“Sus. Edi di wag.”
“Tignan mo oh. Haixt. Ganyan ba ang
best friend?”
“Oo na sige na. Oo na diba?
Paulit-ulit. Ano gagawin natin kapag nalaman na natin?”
“I will make him or her life
miserable.”
“Oy grabe ka ha.”
“Joke lang. Basta yun na yun. Kung
sino man yun ang swerte niya.”
“Okay na. Sige na.”
“Salamat talaga best friend nga kita.”
“Pa-salamat ka. Teka nga pala, bakit
ka napuyat aber?”
“Ah eh may ginawa lang ako.”
“Talaga lang ha.”
"Chismoso ka.”
“Kapag nagtatanong chismoso agad?”
“bakit hindi ba?”
“So naglilihim ka na sa akin?”
“Hindi naman.”
“So naglilihim ka na nga.”
“Basta saka ko na sasabihin yan.”
“I’m sure paglalandi na naman yan.”
“Tama!”
“Kitams, sino naman yan?”
“Basta. I will looking forward for the
progress. Saka ko na sasabihin kung sino.”
“Aysus. Kung sinu-sino yan ha. Naku.”
“Oy hindi ah. Basta focus pa rin ako
kay crush ko.”
“Sus. Lalakero. Meron ka ng
pinagpupuyatan tapos may ganito pa?”
“Basta.”
Determindo nga talaga itong lalaking
ito na malaman. Pati ba naman best friend ni Jaysen eh pinipiga.
“Pre, may nililigawan ba si Jaysen?”
“Uhm. Wala naman. Bakit?”
“Wala lang. Eh may nagugustuhan ba
siya?”
“Definitely meron kasi super inspired
siya. Kaso ayaw nyang sabihin sa akin kung sino. Saka na lang daw pag naging
sila.”
“Oh my. Ang daya, kailangan malaman
natin kung sino yun.”
“Bakit naman?” tanong ng best friend
niya.
“Uhm wala naman.”
“may gusto ka sa kanya no?”
“Wala ah.”
“In denial ka pa jan.”
Bigla namang dumating si Jaysen mula
sa kawalan.
“Oh anong ginagawa ninyo dito? Anong
pinag uusapan ninyo?” tanong nito.
“Wala naman.” Agap kong sagot.
“Ah okay.”
“Sige alis na kami.” Sabi ko.
“Okay ingat kayo.” Sabi naman ni
Jaysen.
Nagmadali na kaming umalis. Haixt
pasaway talaga itong si Chad muntikan na kami doon. Tambay na lang muna kami sa
cafeteria.
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko
kapag nakikita ko si AJ. Para bang lagi ko siyang gustong makasama at makausap.
Alam ko noong una pa na mabigat na ang
loob niya sa akin.
[Jaysen’s POV]
Unang pagkikita kasi namin eh hindi na
niya ako kinikibo. Akala ko suplado siya pero hindi pala. May dahilan siya kung
bakit at nalaman ko yun kanina noong magkausap kami.
“Tol, mukhang may gusto sayo yung best
friend ng type mo ah?” tanong sa akin ni Steve.
“Mukhang hindi naman. Paano mo
nasabi?”
“Nagtatanong kasi siya kung sino
nagugustuhan mo, bilang isang matapat mong best friend eh di ako nagsalita.
Kaya tara na sa cafeteria at ilibre mo ako.”
“Yan, jan ka magaling sa libre.
Batukan kaya kita?”
“Kaya mo?”
“Oo.”
Halos anim na buwan ko ng kakilala si
AJ. Dalawang buwan mula ngayon ng malaman ko na mag bestfriend na pala sila ni
Chad.
Inaamin ko na may gusto ako kay AJ.
May kakaiba kasi sa kanya na labis
kong nagustuhan. Ewan ko ba kung papaano pero siya ang kauna-unahang lalaki na
nagpatibok ng puso ko.
Oo nag ka-crush ako dati, pero siya lang
talaga ang natatangi.
Pinag iisipan ko lang talaga kung
popormahan ko ba si AJ. Gusto kong makilala siya ng lubusan.
“Tol, andun yung pinopormahan mo oh.”
Turo sa akin ni Steve sa kinaroroonan nila AJ.
Ngiti lang ang iginanti ko.
“Tol, bakit ayaw mo bang pormahan?”
“Alam mo naman na mahirap di ba? Pati, gusto
ko munang maging close kami, gusto ko siyang kilalanin.”
“Inalababo ka na ba talaga?”
“Mukha nga tol, grabe, lakas makatama.
Siya unang lalaki na nakapagpatama sa akin.”
“Natatawa lang ako tol, yung dating
pinagkakagulhan ng babae ngayon eh naghahabol sa iisang lalaki.”
“Tae mo. Tawanan ba naman ako. Ano
bang magagwa ko, tinamaan ang puso ko eh”
“Ang drama mo dre, pero payong
kaibigan lang, pag isipan mo muna ang gagawin mo ha.”
Maghapon ko na naman siyang iniisip.
Yung tipo ba na sa lahat ng bagay eh
siya lang at siya ang nasa isip ko.
Naisusulat ko na nga lang ang
panagalan niya sa filler ng note book ko.
“Arwin Jake Montederamos- Pangilinan”
Napapangiti ako kapag inilalagay ko
yan sa filler ko.
Buong maghapon na siya lang ang tangi
kong iniisip.
Nababliw na ata ako sa kakaisip sa
kanya.
Bakit ba si AJ pa?
Haixt. Pag uwi ko sa bahay, inihiga ko
ang sarili ko sa kama. Pag pikit ko ng aking mata ay si AJ ang nakikinita ng
aking isip.
Paano ko ba maamin sayo na mahal kita?
Paano ko ba masasabi na gusto kitang
yakapin, halikan ang iyong mga labi, madama ang iyong presensiya sa aking tabi?
Niyakap ko ang unan ko at inipit ko to
ng sobrang higpit.
Bakit kaya na babae ang hanap ko dati,
pero ngayon lalaki na? Noon naman wala akong alinlangan sa sarili ko.
Sa tingin ko nangyari ito noon mapasok
ako sa isang grupo.
Naging curious naman kasi ako sa
sarili ko kaya kung anu-ano ang pinag gagawa ko.
Inaaamin ko na sa isang pangyayaring
iyon, nabago ang sarili ko. Matapos ang isang one night stand kung tawagin ng
iba.
Nag iinuman kami noon ng makarating
ako sa rurok ng kalasingan. Doon na ako pinatulog ng isa kong katropa.
Dahil sa sobrang kalasingan, hindi ko
na alam kung paano kontrolin ang sarili ko.
Hindi pumasok sa isip ko na ayon na
ang magiging hudyat sa pag gulo ng buhay ko.
Panatag ako na walang mangyayari dahil
mag katropa kami noon. Pero sa sandali na halikan niya ako at tuluyan ng may
mangyari sa amin, yun na ang pangyayaring tuluyang bumago sa pagkatao ko.
Narinig ko ang boses ni papa kaya agad
akong bumaba ng bahay.
Alam ko ko kasi na tinatawag ako kaya
nagmadali ako.
Sa totoo lang, nahihirapan ako sa
sitwasyon ko.
Isang kapitan kasi sa barko si papa
kaya masyado siyang mahigpit sa akin.
Sa totoo lang, hirap akong aminin ang
pagkatao ko kasi alam kong maari niya akong ikamuhi at palayasin ng bahay.
Maging si kuya walang nagawa sa gusto
ni papa. Isang Marine Transportation din si kuya.
Graduated na siya at kasa-kasama na ni
papa sa barko.
Sobrang pressured ako sa ginagawa ko
dahil lahat ng bagay pansin sa akin.
Oo mahilig din naman ako sa barko,
pero nasa puso ko talaga ang mga makina nito.
Mechanical Engineering talaga ang
gusto ko na tulad ni AJ.
Balak ko nga na kapag may major na si
AJ ay magpapaturo ako ng mga basics.
“Pa, dumating na pala kayo?”
“Oo kanina pa. Hinahanap ka ng kuya
mo, nandun sa may terrace.” Sagot ni papa.
“Ah sige po.”
“Teka lang. Kamusta na pala yang
pag-aaral mo?”
“Ayos naman po. Hindi gaano mahirap
ngayong second year pero pahirap na po siya after mag third year ako.”
“Eh scholarship mo?”
“Uhm ayos naman po. Hindi po gaano
masyyadong mataas ang maintaining grade kaya yakang yaka.”
“Kahit na! Kailangan mataas ang grado
mo. Ayaw kong mapahiya sa ninong mo pag nagkaton.” Galit na sabi nito.
“Opo.” Tangi kong nasagot.
“Nga pala, plano naming magset ng
dinner party ng ninong mo.”
“Sino po?”
“Basta. Sige na lakad ka na sa kuya
mo.”
“Okay po.”
Nagmamadali akong umalis ng
kinaroroonan ko para tuntunin ang kuya ko. Well, sobrang nakakamiss naman
talaga si kuya.
Close kami ni kuya at talaga click na
click kami.
Tulad ko gwapo di kuya at maraming
naghahbol sa kanya. Pero mas gwapo siya sa akin at hindi ako kokontra doon.
Pansin ko na alam niya ang pagkatao ko
at handa naman akong sabihin sa kanya iyon or aminin kung sakaling magtanong
siya.
Nakatayo sa terrace si kuya kaya agad ko
siyang inakbayan.
Agad niya akong kinulit sa may terrace
at tuluyan na kaming nagharutan.
“Oh kamusta ang bunso kong mabantot?”
tanong ni kuya.
“Tae kuya ang baho, bunso talaga?”
“Uhm yaan mo na. Ngayon na nga lang
ako umuwi eh. Pagbigyan mo na.”
“Weh... Basta ang panget.” At
nagtawanan kami.
“Oh kamusta ang Mr. Pogi ng pamilya
natin?”
“Ayos lang naman. Sapat lang kung
sakali. Hahaha. Ikaw ba kuya? Kamusta ang trabaho?”
“Uhm. Ayon mahirap. Super pressured
pero masaya naman. Kahit naman mahigpit si papa, nanjan naman mga bagong
kaibigan para makawala ng badtrip. Alam mo na. Ahahaha. Teka si isa pang bunso?”
“Uhm. Nasa school pa siguro yon. Alam
mo na baka nag sight seeing sa mga tulad nating gwapings.”
“Aysus. Talaga yung si Princess oo.
May nanliligaw na ba yun?”
“Meron ata. Pero di ko alam kung uubra
kay papa. Itsura palang ni papa mukhang matatakot na yun. Hahah.”
“Aysus. Loko ka, lagot ka kay papa pag
nagkataon.”
“Biro lang naman. To talaga. Tara
basket ball tayo?”
“Hinamon mo pa ako.”
“Naman”
Walang kupas ang galing ni kuya sa
paglalaro ng basket ball. Kahit na matagl siyang hindi nakakapaglaro, yakang
yaka pa rin nito.
Pare-pareho kaming close nila kuya at
Princess.
Pero sa kanilang dalawa, si Princess
ang nakakaalam kung ano ako at tanggap niya iyon.
Wala siyang balak sabihin ito kay papa
dahil ayaw niyang magalit ito sa akin.
Business management ang kinuha ni
Princess dahil na rin sa kagustuhan niya.
Close sila ni papa kaya nagawa niyang
gawin ito. Pero ayos lang sanay na ako doon.
Alam ko kasi na miss ni papa si mama
dahil kay Princess. Matapos mawala ni mama, doon na nagsimulang magbago ang
ugali ni papa.
Sobrang mahal nito si mama at ang
pagkawala nito ang labis niyang dinibdib.
Nagpatuloy kami sa paglalaro hanggang
sa mapagod kaming dalawa.
[AJ’s POV]
Nasa cafeteria kami noon ng biglang
pumasok si Jaysen at si Steve. Napapangiti naman ako kapag pumapasok sa isip ko
si Jaysen.
Nahihiwagaan talaga ako sa ginawa niya
sa akin.
Pero may halong kilig din yung kanina.
Lalo na nang hawakan niya ang aking kamay.
Kakaibang kuryente ang bumalot sa
aking katawan.
Pilit kong iwinawaksi iyon pero di ko
maaalis ang feeling na para bang magkahawak kami ng kamay.
Nakita ko ang lapit ng bibig niya sa
akin na animoy nang aakit na sana punan ko ito.
Kinakabahan ako sa nararamdaman ko
dahil ayoko nito. Ayokong humantong ito na magustuhan ko si Jaysen.
Sa tingin ko ay hindi pa ako handa sa
mga bagay na ito. Pero ewan ko ba. Sino ang magsasabi ng mangyayari kundi ang
tadhana.
“Ang gwapo talaga niya no?” sinabi
bigla sa akin ni Chad.
“Sino?”
“Si Jaysen.”
“Uhm. Okay.” Ang nasabi ko lang.
“Ayon lang ang masasabi mo? Hay naku
ano ba yan? Pero I’m sure deep inside ay sasabihin mong oo.”
“Hindi ah. Ikaw lang ang
nagwa-gwapuhan sa kanya.”
“Aysus pakipot ka pa. Teka nga, ni
hindi ba talaga tumatalab sa yo ang charming niya?”
“Bakit ba?”
“Curious lang naan ang iyong best
friend malay mo may gusto siya sayo. Eh di swak kayo. Kaso mahuhurt naman ako
kaya wag na lang.”
“Aysus. Ang daming alam neto.”
“Basta mag state tayo ng promise na
kahit ano mang mangyari, hindi tayo mag aaway ng dahil sa isang lalaki? Deal?”
“Deal. Oo ba. Ayokong mawalan ng best
friend eh.” Bigla namang may tumawag kay Chad.
“Hello.” Sabi ni Chad.
“Oh napatawag ka. Saglit lang ha, wait
wag mo ibaba yung line.” Sabi nito sa kausap nito.
“Oi wait lang ha.”
“Oh san ka pupunta?”
“May kakausapin lang ako sa phone.”
“Sino ba yan at kailangan mo pa na mag
punta sa labas ha?”
“Wala.”
“Aysus. Umamin ka.”
“Wala nga. Sige na babalik ako agad.”
“Sige na.” At tuluyan na siyang
lumabas.
“Ay naku ano ba yan. Talaga yung
lalaking iyon oh. Hahha.”
Kumakain ako ng shrimp wanton ng oras
na iyon ng mapatingin ako sa daliri ko.
Nakita ko ang singsing na ibinigay sa
akin ng ex ko. Kahit naman hindi ko aminin sa sarili ko, ramdam ko na siya pa
rin ang tinitibok ng puso ko.
Hanggang ngayon di pa rin ako nakaka
move on sa nangyari.
Napangiti ako ng maalala ko ang
nangyari sa nakaraan. Kung papaano ba kami nagkakilala.
(Flashback)
Matagal ko ng schoolmate siya. Pero 4th year lang kami naging magkaklase.
Marami akong nabablitaan tungkol sa kanya na masasamang side.
Na matapang daw, siga, pero hindi ko
alam kung totoo nga.
Pero sa tingin ko eh tahimik, supalado
at gwapo ang very quick description ko sa kanya.
First day of class eh ramdam ko na a
hindi kami magkakasundo. Kasi nakikita ko na kapag kinakausap siya ng mga
kaklase ko, tanging snob lang, ang ginagawa niya.
Hindi siya nakikihalubilo sa iba.
Ni hindi ko na nga lang siya
nilalapitan. Wag ko nga lang sana siya maging ka-groupmates kung sakali.
Pati ang bestfriend kong si Rizza di
din siya feel makasama.
“hay naku, suplado kasi yang James
Arkin Ramos na yan. Akala mo kung sino, oo siya na mayaman. Naku. Kawawa ang
magulang niya talaga.” Sabi ni Rizza.
“Easy lang.”
“Hay naku. Best friend ang sarap
sapakin oh...”
“Sige nga gawin mo.”
“Ayoko nga. Pati sayang ang face ha.
Effort pa sa pagpapagamot.”
“Hay naku puro ka talaga kalokohan.”
Pero talagang mapag-adya ang tadhana.
Wala na akong magawa na nangyari ang bagay na iyon.
Doon talaga nangyari at nagsimula ang
lahat. May group project kami at nakitaan ko na hindi man lang siya tumutulong
sa amin.
Noong una ayos lang kasi medyo
amhinahon pa ako.
Pero noong naging gipit na yung grupo
namin dahil kailngan na talaga yung cooperation niya, doon na lumalim ang inis
ko na siyang dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya.
“Hoy James. Sabihin mo nga sa akin,
may balak ka ba talagang tumulong?”
“Ano bang pakialam mo? Sabihin mo lang
kung kailangan ninyo ng ambag na pera, sosobrahan ko para tumahimik na yang
bibig mo.”
“Aba loko ka rin ah. Wag mo akong
dadaain diyan. Hindi porket mayaman ka eh madadaan mo ako sa ganyan. Kung ayaw
mong tumulong edi wag, umasa ka na lang na babagsak ka.” Ang sabi ko.
Di ko na napigilan ang sarii ko at
agad akong umalis ng room habang iniiwan ko siyang nakatulala dahil hindi niya
inaasahan na sasabihin ko iyon.
Yun ang una naming pag haharap at
hindi ko alam na dahil doon, magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
Sira ang buong araw ko kapag nakikita
ko siya. Haixt. Ni hindi ko na lang siya pinapansin.
Ganun din naman siya. Bahala siyang
manghula ng grades niya. Inis talaga ako.
Pilit akong kinakalma nila Rizza pero
wala talaga, wala na akong magagwa pa. Kainis talaga.
Naku, siguro walang magiging matinong
girlfriend ito. Iiwan lang siya ng dahil sa ugali niya.
Wala sigurong magiging matinong
karelasyon ito dahil hindi matitiis ang natatangi nito asal. Haixt.
James Arkin Ramos, humanda ka talaga
sa akin. Nakakinis ka. Argsh.
Buong maghapon ko idinaan ko na lang
sa pagkain ko. Haixt. Kainis.
“Best friend hinay hinay lang. Kanina
ka pa kain ng kain ah. Mamaya tumaba ka na.”
“Nakakainis kasi eh sobra. Gusto kong
makapatay talaga.”
“Oh? Ngayon na ba? Teka magready na
ako.”
“Tae. Patawa ka talaga. Sige
tutulungan mo ba ako?”
“Oo naman. That’s are friends are
for.”
“Aysus. Talaga lang ha?”
“Oo naman.”
“hindi ka manghihinayang sa itsura?”
“Ay. Ahm. Teka.”
“Aysus. Wahoy. Tignan mo bigla kang
napaisip. Ikaw talaga ay.”
“Joke lang ito talaga siyempre uunahin
ko muna ang best friend ko.”
“Sipsip. If I know baka ikaw ang uang
humarang sa harapan niya pag may kaaway siya.”
“Che bahala ka nga jan.” at nagtawanan
na kami.
Hindi ko pa rin pinapansin si James ng
mga panahong yun. Bahala talaga siya sa buhay niya.
Every Sunday, nag spent ako ng time ko
para sa mga bata sa may orphanagena malapit sa amin.
Kasali kasi ako sa isang church
organization sa simbahan naming at isa sa mga layunin naming mga kabataan ay
ang paglingkuran ang Panginoon at pasiyahin ang mga bata. Nahilig na ako sa mga
bata.
Noong nag uumpisa ako, siyempre
nahirapan ako.
Paano ba naman ang kukulit at ang
pasaway. Pero habang nagtatagal eh nagiging okay din ang lahat at kahit papano
ay nagiging close kami s isa’t-isa.
Ang pinaka-close ko doon sa ampunan ay
si Khail. Sobrang cute kasi niya noong bata at isa pa pasaway siya. Ang
nagustuhan ko pa sa kanya ay yung pagiging maparaan niya at talentado. Sobra
akong natutuwa sa kanya.
Noong una kaming dalawa ang hindi
magkasundo.
Ano man ang gawin ko noon ay pilit
niyang nirereject?
Kapag nagtuturo ako ay marami siyang
tinatanong at maraming sinasabi.
Pero nagbago ang lahat ng mangyaring
muntikan ng maremata ang ampunan. Isa ako sa nagpetition para hindi mangyari
ito.
Nakita ko ang pagkalungkot ng mga bata
at agad kong pinawi ito.
Natatandaan ko pa noon na una kong
nakitang umiiyak si Khail.
“Kung talagang mahal mo kami… ikaw ang
gagawa ng paraan para hindi mangyari iyon… kung hindi mo magagawa iyon wag na
wag ka ng babalik dito.”
Yan ang natandaaan kong sinabi niya sa
akin.
Gumawa talaga ako ng paraan para gawan
ng paraan ito. nag karoon kami ng fund raising sa simbahan at malaki ang
naitulong nito.
Pero hindi sapat para sa kinakailangan
naming halaga.
Agad akong pumunta kila papa noon at
saktong may kilala siyang matulungin at negosyanteng babae na naghahanap ng mga
bibigyan nila ng financial na tulong. Lumapit ako sa kanila at agad silang nag
donate.
Matagal na daw silang naghahanap ng
beneficiary dahil isa yun sa layunin nila matapos makaraos sa isang matinding
kahirapan.
Pasasalamat daw nila sa Diyos ang mga
ito at handa silang ipamahagi ang mga bagay na nagkaroon sila.
Matapos ang mga pagsubok na iyon,
naging matibay ang relasyon ko sa mga bata. Lalo na kay Khail.
Matapos ito, nakita ko na lang na
lumapit sa akin si Khail at doon na nagsimula ang closeness namin.
Tuwing Sunday ay nagspent ako ng araw
ko sa mga bata. Naglalaro kami at iyon na ang isa sa mga kinahiligan ko. Para
ng kapatid ang turing ko kay Khail.
Part na ng buhay ko ang ampunan at
sobra akong nasisisyahan kapag naroroon ako. Isang araw bumisita sa ampunan ang
tumulong sa ampunan.
“Good afternoon po Mam Annie.” Bati
ko.
“Good afternoon din iho. Naku tita na
lang ang itawag mo sa akin.”
“Nakakahiya naman po.”
“Wag ka ng mahiya. At isa pa bilib nga
ako sayo eh akalain mo na sa ganyang edad ay nagsisimula ka na maging isang
mabait na tao. Sana nga lang eh maging katulad mo ang anak ko.”
“Bakit naman po?”
“Di ko kasi maintindihan ang anak kong
iyon. Nagrerebelde na ata sa akin. Sobra akong nalulungkot. Mag mula kasi ng
mamatay ang papa niya, doon nagsimula ang pagiging ganun niya. Close kasi siya
sa kanyang papa kaysa sa akin. Kaya noong mawala ito, hindi na nakikinig sa
akin ang anak kong iyon.”
“Ah ganun po ba. Im sure naman po na
magiging okay din po ang lahat. Di po magtatagal ay magiging oaky din ang
lahat. Don’t lose hope po.”
“May hihingin sana ako na pabor sa
iyo.”
“Ano po iyon?”
“Dadalhin ko dito ang anak ko. Sana
naman matulungan mo siyang magbago.”
Napaisip ako muna. Kakayanin ko kaya
iyon?
“Matutulungan mo ba ako?”
“Uhm. Sigurado po ba kayo sa iniisip
ninyo?”
“Oo. Alam kong matutulungan mo ako.
Please?”
“Sige po. Susubukan ko.”
“Salamat iho. Next week dadalhin ko
siya dito. Alam kong matutulungan mo ako dahil mayroon kang mabuting puso.”
“Salamat po.”
Habang dumadaan ang araw ay pinag
iisipan ko kung ano bang klaseng tao ang kakaharapin ko.
Kakayanin ko ba talaga ito?
Ang hirap naman ng kalagayan kong ito.
paano ko kaya magagwang baguhin ito. iyan ang mga tanong na sumasagi sa aking
isispan ng mga panahong ito. nakakastress ito. sobra.
Nagpatulong ako kay Rizza kung ano ang
gagawin ko. Todo support naman siya. Habang papalapit ang araw, hindi ko
maiwasn ang kabahan ng sobra. Grabe naman tong nararamdaman ko.
Ilang araw na rin na hindi kami
nagpapansinan ni James. Bakit noon ba ay nagpapansinan kami? Hehe. Ipinapakita
ko talaga na wala na siyang magagawa sa project niya. Ni hindi man lang siya
nag effort na humingi sa akin ng chance.
Napaka self-centered talaga niya.
Mukhang walang tatagal sa kanya na babae. Siguro talaga napapagod na ang mga
magulang niya sa kanya.
“Alam mo talaga napaka hangin niyang
James na iyan. Ni hindi man lang mag effort na tumulong sa project naming.
Bahala siya sa buhay niya. Akala niya pera pera lang ang lahat. Naku bahala siya.
Sigurado akong walang mararting yang lalaking iyan.”
Ang sinabi ko kila Rizza.ngumingisi
naman sila sa akin na hindi ko maintindihan.
“Ano ba? Bakit ba ganyan kayo? Di man
lang kayo umaagree sa akin.” Bumulong sa akin si Rizza.
“Ano ka ba? Kanina pa nasa likod mo si
James.” Tumingin ako sa likod. Laking pagkapahiya ko sa mga siansabi ko.
Ngumiti lang siya at ngumisi.
“bakit kasi kailngan pang sabihin ng
patalikod.”
“Pakialam mo ba?”
“Hahaha. Ewan ko lang talaga sa iyo.
Nag mamatigas ka pa. alam kong madadaan ka lang din sa mga bagay bagay na tulad
ng iba.”
“Ibahin mo nga ako. Kung ano ako at
ano sila. Hindi ako tulad ng iba na suhulan mo lang ay gagawan ka na ng project
at assignments. Ako yung taong may paninindigan at hindi basta basta. Tandaan
mo may prinsipyo ako at walang ano man ang makakapagpabago doon.”
Agad akong tumayo at lumabas ng room.
Pero naagapan ako ni James at hinawakan ang kamay.
“Talagang hinahamon mo ako ha.”
“Hindi kita hinahamon kundi sinusubok
kita kung hanggang saan aabot yang kayabangan mo.”
“Mapapahiya ka lang.”
“talaga lang ha.”
Bigla siyang lumapit sa akin at
simpleng bumulong.
“Kung kakayanin mo ba ako?”
Nagpumiglas ako at umalis na sa kinaroroonan mo ako.
Pero di ko maintindihan habang
nangyayari ang pagtatalo naming kanina eh may naramdaman ako.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko
habang ginawa niyang pagbulong sa akin.
Kakaiba yung naramdaman ko na hindi ko
maintindihan.Kinabahan ako o hindi ko matukoy kung kaba yun dahil malakas lang
talaga ang kaba ko sa aking dbdib.
Pagkauwi ko ng bahay iniisip ko pa rin
yun.
Kakaibang sensasyon ang naramdaman ko
ng unang beses na lumapit sa akin si James ng ganung kalapit.
Hindi ko maexplain yung feeling eh.
Para ba na biglang nagbago ang lahat.
Bakit ba gising pa ako hanggang
ngayon? Ilang oras ng tumatakbo sa utak ko si James. Natatanga ako sa naiisip
ko.
Natatawa ako sa sarili ko, kung
anu-ano ang iniisip ko.
Naisipan ko na lang ang mag bukas ng
pc at magalaro. Then after ilang minute na paglalaro eh nag punta ako isang
social site.
I checked my e-mails at friend
request. Haixt. Nakakatamad talaga ngayong gabi.
Biglang napadako ang mata ko sa
profile ni James. Di ko alam na friends na pala kami sa facebook.
Woah. Talaga? Imposible.now I
know Kelan pa? nagtaka ako kaya I
checked his profile.
Nakita ko na sinuggest akong friend ni
Rizza sa kanya.now I know na kung paano kami nagging friends.
Lukaret talaga yung babaeng iyon. Yeah
he has too many friends pero ang tanong kilala ba niya lahat yun?
Bakit ba masyado akong inis sa mokong
nay un? Ano bang mero at kumukulo ang dugo ko sa kanya?
After 30 minutes na pagbrowse sa
internet ay nag out na ako. Siyempre after nun bumaba muna ako tapos uminom ng
tubig bago dumeretso sa pagtulog.
Dumating na yung day na kung saan
ipapakilala na sa akin ni Mam Annie yung anak niya.
How I wish na hindi siya kasing
stubborn ni James?
Naku masisiraan ako ng ulo kung
sakaling si James yung anak niya.
Pati imposible no, ang bait bait ni
Mam Annie tapos magkakaanak lang siya ng isang stubborn child tapos mayabang
pa.
akala mo makukuha niya sa pera ang
lahat. Nagtuturo ako sa mga bata hanggang sa dumating si Mam Annie.
Tinawag niya ako sa labas ng
silid-aralan ng mga bata kaya lumabas ako para Makita at makausap siya tungkol
sa kanyang anak.
Medyo kinakabahan pa nga ako dahil
dami ko ng iniisip about sa pagkatao ng anak niya.
“Good Morning po Mam Annie. Kasama nap
o ba niyo yung sinasabi ninyong na…”
hindi ko natapos ang pagsasalita ko ng
Makita ko ang lalaking nasa likod ni Mam Annie.
What the heck is going here?
Bakit?
Bakit siya pa?
Sira na ang dignidad ko sa pakikipag
away sa kanya.
Bakit sa lahat ng tao si JAMES pa?
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko
bigla.
“Ma? Siya ba? Siya ba yung sinasabi
mo?” tanong ni James.
“Teka magkakilala ba kayo?”
“Mam Annie magkaklase po kami. Di ko
po expected na siya yung anak ninyo. Well nag fifit po sa kanya yung mga
description ninyo. Di na po ako nagtataka kung nahihirapan kayong magpalaki sa
kanya.”
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi
yun. My God I did it again. Nakakhiya tuloy sa side ni Mam Annie.
“I’m sorry po Mam Annie.”ako na
bahala.
“It’s okay. Well good naman na
magkakilala na kayo. Good din na magkaklase kayo. Sayo ko na siya hinahabilin.
Please sana lang lagi kayong magkasama. Please lang. sige. ako na bahala.
Bibigyan kita ng allowance mo lagi or weekly. Bastaa pinagkakatiwala ko ang
anak ko sayo.”
Bigla na siyang umalis ng hindi man
lang hinihintay ang sagot ko. Tinitigan
ko ng masama si James. Nagreact naman siya agad.
“Oh bakit?” tanong niya.
“Wala naman. Tsk.”
“So Ikaw pala yung sinasabi ni mama na
mabait na magbabantay sa akin.”
“Yeah. Ako nga yung mabait nay un.”
“Di ako naniniwala. Ang alam ko kasi
eh Si Arwin Jake Montederamos ay isang masungit at matapang na kaklase na hindi
man lang ako ikinoconsiderate sa project namin.” Sabi niya.
“Aba. Ikaw pa tong ganito. Mabait ako
sa taong mabait. Napaka irresponsible mo. Napaka yabang, walang magawa sa
buhay. Ni hindi man lang pinapahalagahan ang nanay niya dahil napaka pasaway.
Alam mo bay un. Oo mayaman ka, may itsura ka, pero para ka ding damong ligaw,
mahirap alisin.”
Sa pagkasabi kong iyon bigla niya
akong isinandal sa pader at hinila ang swelyo ng aking damit.
“Wala kang kaalam alam sa buhay ko
kaya wag kang mag husga. Alamin mo muna yung tungkol sa akin bago ka mag husga
ng kung anu-ano.”
Sabi niya bigla sa akin. Nagulat ako
sa ginawa niya. Feeling ko susuntukin niya ako.
Nakatitig ako sa mga mata niya na
nanlilisik. Brown ito. napansin kong may taling siya sa may banadang baba ng
mata.
Matangos ang ilong niya at napakakinis
ng mukha. Hala ka, bakit ko ba naiisip iyon.
Ilang dangkal lang ang layo niya sa
akin. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking mukha.
Nakita ko ang kakaibang titig niya
ilang sandal matapos ang tensiyon na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit
ganito ang nararamdaman ko ngayon sa ginawa niya.
Dapat nagagalit ako diba? Dapat
lumalaban ako, pero ano ito? anong nangyayari.
“Daddy Arwin….” Tawag sa akin ni
Khail.
Bigla ko siyang itinulak papalayo at
agad na pumasok sa room.
“Mga bata sige lumabas na. muna kayo.
Mag miryenda na una kayo.”
At unti-unti na silang lumabas. Ng
makalabas na ang lahat, napansin ni Khail si James.
“Daddy sino siya?” tanong nito.
“Baby… siya si Jamese. Anak ni Maam
Annie. Edi mabait din po siya?”
“Ah eh…” di ako nakasagot.
Agad lumapit si Khail sa kanya at
hinawakan ang kamay.
“Mr. Pogi…. Salamat po ah. Salamat po
at tinulungan po ninyo kami… nang dahil sa inyo eh naririto pa rin po kami.
Salamat po ng marami. Utang na loob po naming sa inyo ito.”
“Wala iyon… kuya James na lang itawag
mo sa akin ha…”
Napansin kong nagbago na ang
pakikitungo niya.
Bakit sa kanya ang bait bait niya sa
mantalang sa akin ang sama?
Life is unfair talaga. Haixt. Disaster
na ang mangyayari.
Nung magkasolo na kaming dalawa, agad
akong humingi ng tawad sa kanya.
“James sorry kanina. Nadala lang ako
ng emosyon ko. Nagjojoke lang namana ko pero di ko akalain na seseryosohin mo.”
Di pa rin niya ako pinansin.
“Suplado talaga haixt. Wala ng
mababago sa kanya.” Binulong ko sa isang tabi.
“Tignan mo to, ikaw na humihingi ng
tawad tapos ikaw pa yung nagagalit.”
“Eh napaka impulsive mo eh. Haixt.”
“Alam mo maging mabit ka lang sa akin
eh magiging mabait din ako.”
“Kung gusto mo akong maging mabait
sayo, start treating me right. Maging responsible ka nga.”
“Responsible ako no. haixt. Teka, kung
ikaw ang makaksama ko, ibig sabihin ba nito magiging alalay kita?”
“Hoy ang kapal mi din…. Hindi ako
ipinanganak para maging alalay mo. Ano ka sinuswerte? Napaka gwapo ko para maging
alalay ng isang mayabang na tulad mo.”
“Nagsalita ang gwapo. Hamak naman na
mas gwapo ako.”
“Wew. No Comment.”
“Aysus. Sige alis na ako.” Sabi niya.
“San ka pupunta di pa tayo tapos.”
“Mag iikot-ikot lang. nga pala,
magiging buntot kita mula ngayon.”
Sinabi niya iyon at umalis na. Ha?
Buntot? Ano siya sinuswerte. No way!
(End of Flashback)
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
Sunod-sunod na katok ang gumising sa
akin. Well nakatulog pala ako kakaisip ng nakaraan.
“Anak gising na. mahuhuli ka na sa
klase. Tanghali na.”
“Opo.”
Naginat na muna ako. Then after nun nag
exercise ako ng mabilisan. 30 push up at 30 curl ups. Then jumping jacks.
Tagaktak agad ng pawis ang aking
katawan. Bumaba ako ng tanging boxer lang ang suot. Pawisan kasi. Nagdala na
lang ako ng towel pamunas.
“Bunso, nu ba yan. Akala mo sexy ka
hindi ah. Lakas ng loob mag topless iwww.” Sabi ni ate.
“Wow ha. Hindi ka pa nasexyhan sa
katawan ko. Nahiya naman ako sa buto-buto mong katawan.”
“Oi ang kapal mo ha. May laman ako at isa pa
mahiya ka nga.”
“Ay ay ay ay… tama nay an. Kain na
kayo. Baka mahuli pa kayo sa mga pasok ninyo.
Naligo ako after kong kumain at
nagbihis agad.
Di ko alam kung bakit ko isinuot yung
kwintas na bigay sa akin ni James nun.
Napapangiti ako pag naaalala ko yung
sandali na ibinigay niya sa akin yun.
Hindi ko mapigilang mamiss ang
lalaking iyon.
Ang lalaking unang nagpatibok ng puso
kong walang kamuwang muwang.
Oo hanggang ngayon mahal ko pa rin si
James. Namimiss ko siya.
Gusto ko siyang Makita at mayakap
muli.
Pero pinipigilan ako ng loob ko.
Kakayanin ko ba na harapin pa siya?
Nanlalaban ang galit at poot ko sa panloloko niya sa akin.
Pero bakit ba minamahal ko pa rin
siya? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang pinipili ng puso kong sinaktan na
niya noon?
Nakasalubong ko si Chad sa paglalakad
ko papuntang sakayan ng jeep. Himala ata at mag cocommute siya.
“Good morning.” Bati ko.
“Good morning din. Sabay na tayo pasok
ha.” Sabi niya.
“Mukhang Masaya ka?” tanong ko sa
kanaya.
“Hindi naman. Wala to. Ikaw talaga. Oh ikaw
bat parang di ko malaman ang expression mo ngayon?”
“wala naman ito ikaw talaga.”
“Ui may bago siyang kwintas oh.”
“dati pa yan.”
“Arbor naman.”
“Tae hindi pwede mahalaga sa akin
ito.”
“Sino ba may bigay niyan sayo?”
“ex ko.”
“Ah kaya naman pala. Alam mo wala
akong kabackground background sa ex mo no. sino nga ba ulit yun?”
“Wag mo nang alamin hindi mo rin naman
kilala yun eh.”
“Damot nito. Teka gwapo ba yun?”
“Landi mo. Gwapo na naman ang hanap
mo. Tsk. Tara na nga mahuhuli pa tayo sa klase eh.”
“Sige na nga.”
Naglalakad kami sa campus ng
makasalubong namin si Jaysen. Habulin talaga siya ng mga babae.
Mantakin mo halos nakasunod sa kanya
ang mga ito. mukhang may fansclub nga ito eh.
Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako
sa kanya. Bigla nagsalita si Chad.
“Best… aminin mo nga sa akin. Anong
meron sa inyo ni Jaysen?”
“Wala naman bakit mo natanong?”
“Yung totoo?”
“Wala nga ikaw talaga.”
“Aysus. Pustahan tayo, sooner or later
magiging kayo”
“hay naku wala sa isip ko iyan. At isa
pa bakit ko siya aagawin sayo. Mag best friend tao remember.”
“Hoy wag kang mag paka martir jan no.
pero the best ka talaga. Gagawin mo lahat para hindi tayo magkasira.”
“Aysus. Drama mo.”
“Naku hindi yun pagdadrama.”
“Tara na nga. Dami pang sat sat eh.”
Malapit na naman yung finals ngayong
first sem.
Mag sesembreak na. sa wakas pero busy busy
naman. Ano bang plano ko ngayong bakasyon? Uhm.
Bumalik kaya ako sa mga lola ko. Grabe
namimiss ko na siya eh.
Pati si Khail namimiss ko na. kamusta
na kaya yung batang yun?
Sana nadun pa rin siya sa ampunan. Di man lang
ako nagpaalam sa kanya noon.
Gusto ko sana siyang isama pero hindi
pwede.
Haixt. Aral mode na muna ako ara naman mataas
ang makuha ko.
Yes. Tapos na ang finals. Bakasyon na.
si Chad sa ibang bansa magbabaksayon.
Alam mo naman iyon sobrang hilig
magwaldas ng pera. Isinasama nga iya ako pero tumanggi ako.
I will spent my vacation sa pag gawa
ng kung anu-ano.
Then one day, biglang bumisita si Jaysen sa
bahay naming. Unexpected yun talaga.
“Oh napabisita ka?”
“Yayayain sana kita na lumabas eh.”
“Ha? Eh. Anong meron?”
“wala lang. wag kang mag alala libre
ko.”
“Pero…”
“Anak sino yan?” tanong bigla ni mama.
Nagulat ako sa kanya. Aba bigla na
lang sumusulpot itong si mama. Nakakagulat tuloy.
“Ma si Jaysen pala. Jaysen si mama.” Pakilala
ko.
“Papasukin muna siya. Pasok ka anak.”
Sabi ni mama. Pumasok naman siya at pinaupo ko sa salas.
“Teka napasugod ka ata sa bahay
namin.”
“Yun nga yayayain kita na mag gala.
Pwede ba?”
“HAahha. Grabe nagulat naman ako doon?
Bakit anong meron?”
“Basta. Wala lang.trip lang. pati ako
naman ang manlilibre eh.”
“Aysus… sige na.. papaalam lang ako
kay mama.”
“Uhm. Hindi na ako na bahala. Magbihis
ka na jan.”
“Close ba kayo ni mama?” biro ko.
“Ako na bahala. Sige na.”
“Okay sabi mo.” Tumaas na ako para
magbihis.
Napapangiti ako ngayong araw. Bakit
ganun?
Ang gwapo niya sa suot niya ngayon.
Para nga na kahit ano ang isuot niya bagay na
bagay sa kanya eh.
Naramdaman ko na lang ang sarili ko na
iniimagine siya.
Ano bang nangyayari sa akin, bakit
ganito na lang ang naiisip ko? haixt.
Di ko namalayan na nagpapagwapo na ako sa
harap ng salamin.
Sabagay ang ginawa ko na lang na
dahilan eh baka mag mukha akong alalay.
Waaah. Jaysen wag kang ganyan sa akin
baka mahulog ako sayo.
Pagbaba ko eh narinig kong
nagtatawanan sila mama at Jaysen. Wow ha, close agad sila.
“Oh ayan na pala ang prinsipe, may
pera ka ba?” tanong ni mama.
“Ahm wala … penge nga ma….”
“Nako kuripot talaga ayaw mag labas ng
kayamanan niya.”
“Eh naman ma eh..”
“Tita wag na po. ako na bahala. Libre
ko naman pos a kanya ito. nga pop ala baka gabihin po kami ha.”
“Ha? Grabe ha gabi talaga?”
“Sige sige pinapayagan ko kayo. Ingatan mo anak ko ha.
Pagpasensiyahan mo na yan pag nagsusungit yan ha parang may h. Masanay ka na.”
“Opo tita. Kakayanin ko to.”
Teka bakit parang may hindi ako alam
na nangyayari? Ano to sabutahe? Si mama pa nangunsinte.
“Naku andami pang alam tara na Mr.
Cool guy.”
“Sige po Tita.” Nagkiss na muna si
Jaysen kay mama. Teka close na agad sila?
Habang nasa byahe hindi ko maiwasan na
mapatingin kay Jaysen.
“Bakit may dumi ba sa mukha ko?”
“Wala naman. Eh bakit kasi ganyan ka
makangiti?”
“Wala naman. Masama ba?”
“Eh kung walang dahilan malamang dapat
matakot na ako kasi nangingiti ka mag isa.”
“Aysus. Masaya lang ako kasi kasama
kita ngayon. Na pinagbigyan mo ako.”
Tapos ngumiti siya. My God ang cute
talaga niya. Ang gwapo pa. tulungan po ninyo akong iresist tong sarili ko.
“Ang babaw ng dahilan.” Biro ko.
“Aysus. Kilig ka naman.”
“Bakit ako kikiligin?”
“Aysus. In denial pa. Uhm ano pala
gusto panoorin ngayon?”
“Uhm kahit ano. Basta wag lang yung
nakakaboring. Iiwanan kita sa loob ng sinehan pag nagkataon.”
“Ah okay boss”
After naming manood ng sine kumain
kami sa isang fast food.
Ako na nagsabi na ayaw ko sa mamahalin
kasi hindi naman ako ganun ka susyal kahit na libre niya at mayaman siya.
Nag KFC na lang kami. Puno na kasi sa
Jollibee at McDo masyado kaya dito kami. Siya na ang nag order.
Pagbalik niya ang dami niyang dala
dala. Animo’y marami kami doon.
“Hoy lalaki, bakit ganito to? Ang dami
ah.”
“Yaan mo na. pati gutom ako.”
Hindi naman halata. Grabe ha ang dami.
Nagsimula na kaming kumain. Natatawa
ako habang kumakain siya. Tahimik lang siya. Tapos tingin pa ng tingin sa akin.
Nakita ko na sa kakain niya eh may
amos siya sa mukha.
“Alam mo para kang bata. Ang amos mong
kumain.”
Pinahid ko yung amos niya sa mukha.
Bigla na lang niyang hinawakan yung kamay ko.
Nabigla ako sa ginawa niya. Napatigil
ako at napatitig ako sa mukha niya. Ang amo ng mukha niya.
Bakit ganun na lang ang kabog ng
dibdib ko ng mahawakan niya ang aking kamay?
Tinanggal niya ang kamay ko at
hinawakan niya ng mahigpit.
Pinisil niya ito at hindi pa rin siya
nagsasalita.
Pagkalingon ko sa paligid ko ay nakita
kong marami na ang nakatingin sa amin.
Nahiya ako bigla kaya tinanggal ko
yung kamay ko.
Agad akong bumalik sa pagkain at ganun
din siya.
Hindi ko na alam kung ano pa ang
nangyayari.
May posibilidad kaya na mahulog ako sa
kanya?
Maari ba na mag mahal muli ako sa pagkatao
niya? Pero natatakot ulit akong masaktan.
Natatakot ako na baka maulit lang ang
dati. Tumingin ako sa kanya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.
“Wag ka nga tumitig ng ganyan sa
akin.” Ang sabi ko.
“Masama ba?”
“Oo.” Sabi ko.
“BAkit naman?”
“May bayad.”
“Handa ako magbayad matitigan ka lang.”
My God kinikilig ako.
“Wag ka nga… tara na ubusin na natin
tong kinakain natin.”
“Sige. May pupuntahan pa tayo eh.” At
tinapos na nga namin ang pagakin.
Kung saan-saan niya ako pinag dadala.
Tawanan at libangan lang ang pinag
gagawa namin.
Nasa isang bayside kami ng nagsimula
ako ng isang paguusap.
“Bakit nga pala wala ka pang
karelasyon mo? Wala pa nga akong nababalitaan na nagiging karelasyon mo ah.”
Tanong ko sa kanya.
Natahimik lang siya bago nagawang
makapagsalita.
“Ah yun ba. Wala pa akong
nakakarelasyon na tulad natin. At tsaka may hinihintay akong tao. May gusto
akong tao at tingin ko mahal ko na siya. Hihintayin ko yung tao na yun na
mahalin ako at tsaka ako aamin. Sana nga lang mahalin din niya ako.” Sabi niya.
“Kilala ko ba to?”
“Uhm… ah eh… kilala mo to. Kilalang
kilala. Alam kong kilala mo.” Sabi niya.
Di ko maintindihan kung bakit ganito
reaction ko. Siguro mahal niya si Chad.
Pero bakit nasaktan ako? Bakit parang
nag expect ako na baka ako yon? Nagseselos ba ako?
“Eh ikaw ba?” tanong niya.
“May nakarelasyon na ako dati pero
hindi na nag work out. Ayoko pati. Atsaka isa pa di ko alam kung gusto kona ba
o mahal ko nab a yung isang tao na kakilala ko. Pero natatakot lang ako na
magmahal ulit.” Nakita ko na para siyang nagulat at nalungkot.
“So may nagpapatibok na pala ng puso
mo.”
“Ah eh hindi naman sa ganun.” Bigla
niya akong inakbayan.
“Ang swerte naman ng taong yun.” Sabi
niya.
“Swerte ko din siguro pagmahal niya
talaga ako. Pero mukhang may mahal siyang iba eh.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Ah eh wala lang. pakiramdam ko lang.”
humarap siya sa akin at tumingin.
“Alam mo swerte talaga ng mamahalin
mo. Hindi ka naman mahirap mahalin eh.”
“Paano mo nasabi?”
“Basta alam ko yun. Kaya be
confident.”
Ngumiti lang ako bigla sa kanya.
Hinawakan niya ang labi ko at tumitig sa akin.
“bakit?” tanong ko.
“Sarap titigan ng labi mo eh. May
nakadampi na ba dito?”
“ah eh… adik mo.”
Tinanggal ko yung kamay niya sa labi
ko.
“Meron na. Bakit gusto mong dampian?”
“Oo.” Sabi niya bigla.
Lalong kumabog ang puso ko. Bakit
ganito? Wag sana. Wag sana.
“Manyak ka ha. Pati ako minamanyak mo
ako.”
“Haha. Asa ka naman. Joke lang yun.”
“aysus. Umamin ka nga. Mamaya
pinagnanasaan mo ako eh.” Biro ko.
“Wag mo nga baligtari ang usapan. Baka
namain ikaw yun. As if naman na may pagnanasaan ako sayo.” Sabi niya.
“O yang kapal mo naman. Ang dami
kayang naghahabol sa akin.”
“Kung madami sayo, eh paano pa ako?
Mas madami?” pagmamayabang niya.
“Ang lakas ng hangin. Naku. If I know
nilalandi mo lang sila.”
“Hahaha. Sorry hindi kasama sa
bokabularyo ko ang salitang landi.”
“Weh di nga?”
“Oo naman. Baka naman alam mo yung
word nay un? Pwede mo ba akong turuan?” biro niya.
“Kapal mo naman. Hindi ako marunong
mag landi. Matino akong tao.”
“Aysus. Ako nga never been kissed pa
at never been touched.”
Hindi ako makapagsalita. Tae ang
yabang talaga. Hindi ko naman masabi na ganun din ako dahil I’ve been kissed
and I’ve been touched.
“Oh di ka na nakapagsalita jan?” sabi
niya.
“Wala.”
“Siguro kasi nahalikan ka na at
na-touch na ng iba.”
“Eh ano kung ganun na nga?”
“Wala lang.”
“Alam mo para kang bola.” Sabi ko.
“Bakit naman?” akala siguro niya pick
up lines.
“Kasi ang sarap mong ibato.”
“Takte yan ang sweet mo ha.”
“Naman.”
“Alam mo para kang unan.”
“Bakit?”
“Bago kasi ako matulog, ikaw ang nasa
ulo ko eh.”
“Ang corny mo. Alam mo para kang
saging.”
“Bakit?”
“Sarap mong balatan.”
“Hahaha. Para kang utak.”
“Bakit?”
“Hindi kasi ako makapag isip kung wala
ka eh.”
“Ang corny mo.”
“I know. Pero kahit corny kinikilig ka
naman.”
“Kapal mo ha.”
“Gusto mo na bang umuwi?”
“Bakit?”
“Kasi bubuksan ko na ang puso ko para
makapasok ka na sa bahay mo eh.”
Grabe hanggang ngayon pick up lines pa
rin.
Napapangiti naman ako sa ginagawa
niya.
Actually kinikilig pa nga. Sa tingin
ko madedevelop ako sa kanya.
Pero bawal eh. Hindi pwede. Paano na
si Chad?
Alam ko naman na ultimate crush niya
ito. hindi ko kailngan na sirain friendship ng dahil dito.
Gabi na at halos kakaunti na ang tao.
Nakaakbay pa rin siya sa akin na para
bang mag karelasyon kami.
Ang sweet sweet niya sa akin. Ewan ko
ba pero sana lang may gusto siya sa akin.
Feeling ko nag fufunction na ulit si
kawawa kong heart na sinaktan ng iba tao dati.
Hoping nga lang na sana hindi na ulit
mag malfunction o masira. Heart will be repaired soon.
Hope na mangyari nay un.
Naalala ko tuloy si James sa pagkatao
niya.
Ganito rin kami noon. Masaya at
sobrang sweet.
Kahit maraming tao eh ipinapakita niya
na kami nga.
Walang alnlangan na pinapakita niya na
mahal niya ako at handa siyang ipagsigawan sa mundo.
Oo bata pa kami pero mature na siyang mag
isip.
Lalo ko siyang minamahal dati lalo na
pag pinapakita niya sa akin ang pagmamahal niya.
Nakauwi na kami sa bahay at hinatid
niya ako hanggang sa gate naming.
“Salamat ng marami ha. Nag enjoy ako
ng sobra. Sa uulitin ha.” Sabi ko.
“Yaan mo mauulit din to. Gusto mo nga
lagi-lagi eh.”
“Hahah. Mamya magsawa ka na. atska
nakkahiya.”
“Ikaw nahiya sa akin.”
“Aysus. Siya uwi na. good night. Text
ka pagnakauwi ka na para alam kong safe ka pag uwi”
“Naks caring ha.”
“Adik ganyan ako sa lahat.”
Papasok na sana ako ng bigla niya
akong hinila at nagulat ako sa ginawa niya.
Niyakap niya ako tapos pagkatapos noon ay
hinalikan niya ako sa labi. Labis akong nagulat sa ginawa niya.
Ipinikit ko ang aking mata sa ginawa
niya.
Bakit ganito? Bakit ka nag paubaya na
halikan ka niya?
Baka mahulog ka na sa kahibangan mo?
Itigil mo iyan.
Bigla na lang siyang kumawala at
walang sabi sabing umalis ng bahay namin.
I’m not sure any more sa nararamdaman
ko.
Mahal ko na ba siya?
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment