by: White_Pal
Part 11: "The Janly-G
Band!!"
Naging masmasaya ang mga nalalabing
araw ng bakasyon namin. At dahil iyon kay Ely, Ella at higit sa lahat kay JARED
na laging nasa bahay ko. Oo tama ang nadinig niyo, Jared. Jared na lang dahil
iyon naman talaga ang tawag ko sa kanya nung mga bata pa kami. Naging kuya lang
dahil sa ayon nga, basta, alam niyo na iyon! Hehehe. Kaya minsan tintry kong
tawagin siya bilang Jared na lang at wala ng Kuya. Pero gusto niya may Kuya pa
din dahil daw MAS MALAMBING ANG DATING! Hahaha!! Nakakawindang, malambing daw
oh! Nyahahaha.
Anyway, dumating na ang huling taon
namin sa High School, 4th year. Since pasukan nanaman, ANDITO nanaman ang
kontrabida sa buhay ko.. Si STEPH!! Pero wala akong pakielam dahil nandyan
naman si Ely ehh. Basta, subukan niya lang na awayin ako!! SIGE!! Hehehe.
Habang nasa class, ewan ko ba kung
sinasadya nila Steph na madinig namin yung pinag-uusapan nila or sadyang
malakas lang talaga ang boses niya para magpapansin at magpasikat.
STEPH: “This is what I called, THE
YEAR!!”
MIKA: “Steph, bakit naman THE YEAR?
Ha?”
STEPH: “This is fourth year right? Our
final year in High School.”
IZA: “So?”
STEPH: “Therfore, No one Stops me from
shining. Because, I will become the Star of this year.” Ang biglang pagtayo
niya habang nakapamewang.
MGA ALIPORES: “Whooaaa!!” sabay
palakpakan
STEPH: “Yes.. NO EXCEPTIONS!! Walang
kokontra.” Sabay tingin sa lugar namin.
Ngunit bumanat nanaman si Ely na
parang nagpaparinig din.
ELY: “Palibhasa ingiterang froglet ka.
Puro pasikat at papansin lang ang alam, kahit wala naman pwedeng ipagmalaki sa
kanya.. Sa ugali pa lang nya, BASURA NA!”
STEPH: “May sinasabi ka!?!”
ELY: “Oo.. Bakit? May binanggit ba
akong name? Bakit? Tinamaan ka ba? Nyahaha!!” ang pang-iinis niya.
ELLA: “Ely.”
ELY: “Sshh!”
AKO: “Ely, Naghahanap ka nanaman ba ng
gulo? Tara na labas na tayo.” Sabay hatak sa kanya.
Habang pababa ako, si Jared, Ella, at
Ely.
ELY: “Bebe Gab, since last year na
natin ito, at last year na natin makikita ang pagmumukha niya hayaan niyo na
akong kontrahin siya. Para naman kahit papaano makaganti tayo nuh.”
AKO: “Gulo lang ang hinahanap mo ehh.”
ELY: “Hay hindi!! Gusto kong kainin
niya ang mga pinagsasasabi niya. I want to humiliate that bitch in public!! I
swear!! Yun bang wala na siyang ihaharap pang mukha.”
AKO: “Grabe ka naman..”
ELY: “Talaga!! After all, karma is
around, at ako ang gagawa ng paraan para makarma na ang babaeng yan. Bwiset
siya!”
KUYA JARED: “Teka lang guys, tingnan niyo
yun oh.” Sabay turo sa poster na nakadikit sa pader ng campus.
ELLA: “Hhhmm Battle of the Bands? So
ano? Sasali ka dyan Jared?”
KUYA JARED: “Pwede! Why Not!” sabay
smile.
AKO: “Eh teka! Sino naman kasama mo
dyan?”
KUYA JARED: “Hhhhmm.. Ikaw Gab, sama
kita at si Ella. Kasi, parehas kayo marunong magpiano at kumanta. Ako naman sa
guitar.”
AKO: “At pwede ka ring bumack-up.”
KUAY JARED: “Hindi Gab, ikaw na ang
magback-up kay Ella kasi si Ella ang main vocalist or pwede ka rin. Hehehe.
Palit-palit kayo. Kulang na lang ng isa kasi nakalagay oh.. Minimum of four.”
ELY: “Nice IDEA!! Ehhh papaano naman
ako?” sabay ngiti na parang gusto siyang isali.
KUYA JARED: “Ikaw? EH hindi ka naman
marunong tumugtog ehh.. Kahit nga kumanta hindi. Hahaha!!” ang malakas niyang
tawa na parang nambubuska.
ELLA: “Jared, for your information,
Magaling kumanta yan! And take NOTE! Drumer yang si Ely.”
KUYA JARED at AKO: “WHAAAATTT???” ang
sabay naming sabi na may halong pagkagulat.
ELY: “Yeah.. You heard it Right! Ako
lang ang marunong mag-drums nuh! Kaya need niyo ako!!”
KUYA JARED: “Hoy Marunong din ako, mas
expert lang ako sa guitar.”
ELY: “Di rin!!”
AKO: “Waahh!! Gaya-gaya talaga kayo ng
Expression!! Ughhh..”
ELLA: “Di rin Gab!!”
ELY: “Hahahaa!! Tammaaaa!!”
AKO: “Putek na yan!!”
KUYA JARED: “Di rin tol.. Hahaha!!”
AKO: “Uggghh magtigil kayo!!”
At ayun na nga napagdesisyunan namin
na sumali. Wala lang, parang trip lang ni kuya na sumali. FOR EXPERIENCE DAW.
Oh Well, it will be my first time na umakyat sa entablado nuh at iniisip ko pa
lang ay kinakabahan na ako. Hay naku! Anyway, bahala na si Batman!! Sana si
Ella na lang ang maging lead vocalist for the rest of the competition dahil
hinding-hindi ko kakayanin ang humarap sa tao with matching spotlight pa tapos
nasa center stage pa ako! HINDI!!
Dalawang linggo pagkatapos noon,
KUYA JARED: “Naku Tol, Nagclose na
kahapon ang registration. Wala na..” ang malungkot niyang sabi.
AKO: “Ay! Kahapon ba yun? Di ko alam!
Sayang naman.” Ang nasabi ko na lang.
Nalungkot din naman ako para kay kuya
kasi alam ko isa yun sa hilig nya. At gustong gusto niya talaga.. Habang kaming
tatlo ay nagmumukmok, dumating si Ely at..
ELY: “GUYS! Bakit parang biyernes
santo ang mga mukha natin? Be Happy!!” ang nasabi niya.
AKO: “Naku Ely magtigil ka nga dyan,
kita mo naman na malungkot si kuya oh dahil hindi tayo nakapagregister para
doon sa battle of the bands.”
ELY: “Ayun na nga kaya nga ako nandito
para sabihin sa inyo na nagregister ako kahapon.”
KUYA JARED: “Talaga?” ang Masaya niyang
sabi, kasabay pagbago ng matamlay niyang mukha.
ELY: “Oo.. Bago ako umuwi kahapon,
nadinig ko na close na pala ang registration ng tanghali kaya naman nagpunta
ako agad doon sa registration at pinakiusapan ko si kuya na nandon.
ELLA: “Buti pumayag pa.”
ELY: “Oo naman nuh! Ginamit ko ang
charm ko!! Sa ganda kong ito, NO ONE CAN RESIST! Nyahaha!!”
AKO: “Bwahahah!! Ibang klase ka
talagang babae ka!” ang natatawa kong sabi sa kanya.
ELY:” Oo nuh. Alam mo kasi bebe Gab,
Ikaw lang ang hindi nagagandahan sa akin.”
AKO: “Eh kasi, NIPISAN MO ANG MAKE-UP
MO! ANg pangit-pangit na kaya!” ang sigaw ko sa kanya.
ELY: “Ako pangit? Tingnan mo nga oh,
nagandahan sa akin yung nagreregister kaya ayan pasok tayo!! Nyahaha!!”
AKO: “Di rin.. Kamukha mo na si Iza at
Mika oh..” tukoy ko sa dalawang alipores ni Steph.
ELY: “ANg kapal naman ng mukha mo bebe
Gab! Kumpara mo ba naman ako sa dalawang iyon!”
AKO: “Hahaha!! Ayaw mo?”
ELY: “Ayaw ko bebe Gab!! Anyway
highway, ang ganda-ganda ng pangalan ng band natin.” Sabay ngiti.
KUYA JARED: “ANo?”
ELY: “Edi JANLY-G Band!! Hehe..”
AKO: “Ha? Bakit iyon? ANg pangit!!
Parang clown ang dating!! Parang comedy!!”
ELY: “Hoy bebe Gab, anong pangit ka
dyan? Ayos nga ehh parang kwela. Nyhaaha!!”
KUYA JARED: “Ginawa mo naman tayong
katawa-tawa niyan.”
ELY: “Ok lang yun at tsaka kaya naman
naging ganun ang name it’s because pinagsama-sama ang names natin! Jared,
Angela, Ely, and Gab! Oh di ba? BONGGA!!”
AKO: “Hhhmmpphh.. Mas maganda yung
iniisip kong name.”
ELY: “ANo naman yun aber?” sabay
pamewang at taas ng kilay.
AKO: “Jared’s Force o di kaya ay
Jared’s Dream Band.”
ELY: “Ngek!! Bakit yan? Soooo Baduy.”
AKO: “Hoy anong baduy? Kaya ayan yung
naiisip ko, dahil kung hindi dahil kay kuya, WALA TAYONG SASALIHAN NGAYON!”
ELY: “Hhhmmpphh!! Anyway change topic
tayo. Since Next Month na ang competition, saan tayo pwedeng mag-rehease?”
Sabay-sabay naman silang tumingin sa
akin. Nagpapahiwatig na sa bahay na lang namin mag-practice. Hahaha.
AKO: “Hoy, Hoy, Hoy, bawal mag-ingay
sa bahay namin ha. At tsaka wala kaming instruments nuh. Lalo na yung Drums ni
Ely.”
ELY: “Edi dadalhin ko yung Drums ko sa
inyo! Nyahaha!!”
ELLA: “Oo nga Gab! Sige na!!”
AKO: “Hay naku wag nyo na dalhin..
Sige! Payag na ako sa amin, meron namang vacant room doon. At tungkol dyan sa
equipments, sige papabili na ako sa tatay ko.” Sabay ngiti.
ELY: “Waaahh!! I love you bebe Gab!!”
AKO: “Oh! Mamaya mainlove ka sa akin
ha!”
ELY: “Ewww bebe Gab! Kadire ka!!
Kapatid lang ang turing ko sa iyo nuh at kung maiinlove man ako, kay Papa Jared
na lang! Nyahaha!!” sabay tawa ng malakas at yakap kay Kuya Jared.
KUYA JARED: “Hahaha!!” ang sabi niya
na natatawa sabay yakap na rin kay Ely.
Sa puntong iyon, aaminin ko nagselos
ako. Alam ko biruan lang ang lahat pero paano kung magkatotoo? Naiimagine ko na
ang sakit na mararamdaman ko kapag nagkatotoo iyon. Kasi naman!! Bakit ba
ganito ang nararamdaman ko?? Bakit sa kanya pa?? Bakit ba ako ginawang ganito??
Uuggghh..
AKO: “Si Ely oh.. kinareer na!” ang
nasabi ko na lang.
ELY: “OO naman!! Syempre!! Minsan ko
lang mayakap ang wafung ito oh!! Sheeet!! Ang sarap! Feeling heaven!!” sabi nya
na kinikilig-kilig to the max sabay tawa ng malakas.
ELLA: “Hoy magtigil na kayo dyan sa
ginagawa niyo, baka may makakita at MAGSELOS!” ang nasabi niya.
Ewan ko kung bakit nasabi iyon ni
Ella. Pero malakas ang pakiramdam ko na nakakatunog na siya sa nararamdaman ko
para kay Kuya Jared. Naku Gabriel! Nakakahiya! Umayos UMAYOS! Ok!! Wag
magpahalatang affected.
Isa, dalawa, tatlo, apat na linggo ang
nagdaan. Dalawang araw na lang at Battle of the bands na. Since napagkasunduan
namin na hindi kami magpapractice kinabukasan para naman makapagpahinga,
General Practice namin ang araw na iyon.
Habang hinihintay ko si Ely at Ella na
dumating sa bahay para magpractice nga, nakaupo ako sa keyboards at biglang
dumating si Kuya.
KUYA JARED: “Tol, kamusta? Mukhang
nagppractice ka na agad ah. Hehehe”
AKO: “Hindi. Wala may iniisip lang,
grabe kasi kinakabahan na talaga ako. Sa kamakalawa na kasi iyon eh.”
KUYA JARED: “Wala ka naman dapat
ikakaba, isipin mo na lang na it’s just for fun.”
AKO: “Hindi kuya eh. This is my first
time kasi na masabak sa ganyan ang.. ang humarap sa audience.”
KUYA JARED: “Kaya mo yan!! At tsaka
hindi naman ikaw ang nasa gitna ahh.. Si Ella naman.”
AKO: “Hindi ehh. Kasi ganun din,
haharap pa rin ako sa mga tao, alam mo naman na wala akong bilib sa sarili ko.
Wala akong self-confidence.”
KUYA JARED: “Basta isipin mo lang na
nandito ako sa tabi mo, kasama mo sa stage.”
AKO: “Thanks for the support pero..
Ewan ko.. Bahala na.”
KUYA JARED: “Teka nga tol, ano yang
kanta na nandyan sa keyboard? Title pa lang mukhang maganda ah.” Ang paglilihis
niya ng kwento para mawala ang pag-aalala ko kahit papaano.
AKO: “Ah yan, wala. Nag-iipon lang
kasi ako ng mga copy ng music sheet.. yung ganyan. Hehe.. Para pagpraktisan.”
Ang dahilan ko.
KUYA JARED: “Hhhmm.. alam ko ito ahh..
tugtugin mo nga.”
AKO: “Bakit?”
KUYA JARED: “Basta.. sige na pagbigyan
mo na ako.”
Kaya ayun pinagbigyan ko naman si Loko
kahit ayoko. Kaya naman ayoko tugtugin dahil BULLSEYE din naman yung song sa
aming dalawa. Title pa lang ehh swak na swak na. Ngunit habang inuumpisahang
kong tugtugin iyon, hindi ko aasahang sasabihin niya na.
KUYA JARED: “Kakanta ako at sasabay ka
ha..”
Kaya ayun na Game! Ok rin naman ehh
samantalahin na. Nyahaha!! KILIG!!
“It's hard to believe
That I couldn't see
You were always there beside me
Thought I was alone
With no one to hold
But you were always
There beside me
This feelings like no other
I want you to know
That I've never had someone that knows
me like you do
The way you do
And I've never had someone as good for
me as you
No one like you
So lonely before I finally found
What I've been looking for
Whoo-Ooohhhh”
Maikli lang ang version na iyon ng
kanta, pero SOBRANG MEANINGFUL. Sobra akong nakakarelate sa kanta, totoo kasi
na “He’s always there beside me”, tapos totoo naman na “This feeling’s like NO
OTHER” ang nararamdaman ko para sa kanya. Totoo din na “So lonely before” naman
talaga ako. At higit sa lahat, totoo na nakita ko na ang taong hinahanap ko, AT
SIYA IYON wala ng iba pa. Haayyy grabe!
Anyway pagkatapos namin kantahin iyon,
KUYA JARED: “Ang ganda ng kanta kahit
maikli.”
AKO: “Ahh Oo. Maganda nga.” Ang nasabi
ko na lang.
Maya-maya..
ELLA: “Ok guys I’m here.”
KUYA JARED: “Oh Ella, Si Ely?”
ELLA: “Ahh nandito na rin, nag-cr
lang.”
Pagkarating ni Ely ay nag-umpisa na
kaming mag-rehearse.
The day after tomorrow………
ELY: “Waahh Grabe Bebe Gab!! This is
it!! Woohh.. Kaka-exicite!”
AKO: “Hindi ba kayo kinakabahan?”
ELLA: “Enjoyin mo na lang Gab.” Sabay
ngiti.
KUYA JARED: “Tama! Enjoy lang.”
After ng pag-uusap namin na iyon,
HOST: “Our next band is REALLY
Fabulous. Please all welcome, the FABULOUS Band leaded by the School’s Prime
Girl Stephanie Aragon.
Sa pagkakataong iyon, tila kinabahan
ako ng todo-todo! Para na akong hihimatayin grabe!! Basta, grabe talaga sobrang
pressure at kalaban pa namin ang kontrabida sa buhay ko. Siguro isa ito sa
sinasabi niya dati na “This is the YEAR” na siya ang magiging star daw at kung
anu-ano pa. Pweh!!
“Bahala siya, basta remember Gab, this
is just for fun!” ang nasabi ko sa sarili ko.
After ng performance niya na.. well,
no comment, nyahaha. Nagpunta sa backstage si Steph at..
STEPH: “Wow!! Kumpleto pala ang
tropa!! Hhmm.. Bakit ba kasi nagsama-sama ang mga walang talent? Eeeww!!!”
ELY: “Hoy anong walang talent ka dyan?
Bakit ikaw, feeling mo ba ang galing mo kumanta kanina ha? Napaka-low class mo.
Your just a below average singer, NAPAKA-TRYING HARD COPYCAT!”
STEPH: “Ayy!! Ang baduy ng
pag-eenglish mo ate!! So Kadiri!! Kung tutuusin, kayo ang trying hard dahil
sasali-sali kayo dito pero mga wala naman kayong talent!! So Baduy!! For sure
magkakalat lang kayo. Nakakahiya! Hahahaa!”
AKO: “Tara na Ely, wag ng patulan ang
babaeng yan.”
STEPH: “Oh.. Kasali din pala ang Clown
na ito? Bakit nandito yan? Eeeww!! So kadiri!! Nakakasuka!! Yuck!!” ang tukoy
niya sa akin.
STEPH (ulit): “Hhmm bakit sinasama
niyo si Jared sa mga basurang walang talent na kagaya niyo? Naku, sayang lang
ang talent niya sa katulad niyong mga walang talent.”
At bigla niya ang arms ni kuya Jared.
STEPH: “Jared I can assure you, kung
sa amin ka sumama, hindi masasayang ang talent mo. Kaya kung ako sa iyo, I will
walk away and support us instead! Kesa dyan sa mga walang kwentang yan.”
KUYA JARED: “Sorry Steph, pero ako ang
nag-aya sa kanila na sumali dito dahil nakita ko ang talento nila. Sobrang galing
nila kung alam mo lang at sobrang bait ng mga taong yan. Lalo na si Gab. Kaya
kung pwede lang, tumigil ka na.” ang matigas na sabi niya.
STEPH: “Jared.. Listen to me..” sabay
hawak sa kamay nito. Uugghh ang Landi!! Kainis!
KUYA JARED: “JUST STAY AWAY FROM US.”
Ang sigaw niya sabay ng isang malakas na kabig sa kamay ni Steph.
Sa pagkakataong iyon, gustong-gusto ko
lumundag sa saya!! Grabe ang saya-saya talaga!! Isang malaking sampal iyon kay
Steph. Imagine, ang super crush niya na si Kuya Jared ay pinagsalitaan siya ng
ganon and pinagtanggol pa niya kami, lalong-lalo na ako. On my part, nabawasan
ang kaba na nararamdaman ko.
ELY: “You heard him right? Hindi ka
naman siguro bingi Steph. Stay away from us!!” ang matapang niyang sagot.
STEPH: “Balang araw Jared, malalaman
mo at marerealize mo na ako ang dapat mong kinakampihan at di ang mga walang
class na iyan. LALO NA ANG MANG-AAGAW AT HAMPAS LUPANG YAN!” ang malakas niyang
sigaw at turo niya sa akin.
ELLA: “Walang inaagaw sa iyo si Gab
Steph.. Kaya For God’s Sake Steph, Just Shut up ok? SHUT UP!!” ang sigaw ni
Ella.
Grabe ang eksenang iyon! For the first
time, nakita kong sumagot at magalit si Ella. Kasi kung titingnan mo si Ella,
sobrang bait niyang tao. At first aakalain mo na tatahi-tahimik siya, pero ayos
din pala! Lumalaban siya kung kalian dapat lumaban. Pero grabe talaga.. First
time ko siyang nakitang ganoon.
At ayun nga, nagwalk-out si Gagang
Steph. Waahh! Winner kami!
AKO: “Guys, Thanks ha.. “
KUYA JARED: “Wala iyon Gab, at tsaka
kapag talagang inaapi na ang mga kaibigan ko, lumalaban na ako para
pinagtatanggol sila.”
AKO: “Pero alam niyo sa totoo lang,
kahit ganoon yung trato sa akin ni Steph, parang naawa din ako doon sa tao.”
ELY: “Hay naku Gabriel, walang dapat
kaawaan doon! Kulang pa iyon sa lahat-lahat ng pagpapahirap niya sa buhay mo
nuh.
AKO: “Pero hindi pa –--“
ELLA: “Gab, inaapakan na yung pagkatao
mo eh, kaya dapat lumaban ka na.”
ELY: “TAAAMMAA!! Lagi ko sa iyong
sinasabi, you should learn to fight bebe Gab. Teka lang ha, magmemake-up at
maglilipstick lang ulit ako ha!! Naku!! Baka tayo na ang susunod dyan!!” sabay
kuha ng make-up at lipstick sa bag.
AKO: “Hoy Ely, mamaya matakot ang mga
tao dyan sa mukha mo!!”
ELY: “Ang sabihin mo bebe Gab,
MABIGHANI!! Nyahahaha!!”
AKO: “Ewan!! Hahaha!!”
HOST: “Last but not the least, Here’s
the JANLY-G Band!!”
Pagkadingi na pagkadinig ko ng band
name namin ay biglang lumakas muli ang kabog ng dibdib ko. Pagtuntong namin sa
Stage mula sa Back-stage,
CROWD: “Clap! Clap!”
Pagkadinig ko ng mga palakpak ng mga
tao ay lalong tumindi at lumakas ang kabog ng dibidb ko, para na akong
mag-cocollapse ano mang oras kaya habang ina-adjust namin ang instruments, ay
gumawa ako ng gimmick para mawala ang matinding kaba ko.
AKO: “Hay naku Ely, ang SAGWA TALAGA
NG NAME!! Hahaha”
ELY: “Hay naku Bebe Gab, magpeperform
na nga tayo at nirereklamo mo pa rin ang band name natin.”
AKO: “Kasi naman tinulad mo sa name mo
na mabaho ang dating nuh.. ELY!! Parang lalaki. Hahahaha!!”
ELY: “Naku!! Bebe Gab, Pasalamat ka at
nandito tayo sa harap ng mga tao kung hindi, LAGOT KA SA AKIN!!” ang pagbabanta
niya.
AKO: “Pampaalis lang ng kaba Ely.”
KUYA JARED: “Ok Guys Game na ako. Ayos
na ba yung instruments niyo? We’ve only given 5 minutes to fix ehh.”
ELLA: “Ako ok na yung Boses ko.
Hahahaha!!” ang natatawa niyag sabi.
AKO: “Oks na yung keyboard ko. Pati
yung boses ok na rin! Nyahaha!! Clear na clear. Wahaha.”
ELY: “Game na!!”
Pagkatapos noon ay biglang tumingin sa
akin si Kuya.
KUYA JARED: “Tol, ready ka na ba?
Nandito lang ako ha..” sabay killer smile! Shit!! Haha!
AKO: “Game na talaga ito Tol.” Sabay
ngiti.
At sumenyas na si Kuya sa taga-time at
inumpisahan naming tugtugin ang kantang “Kahit Mahal Mo Ay Iba” leaded by of
course Angela “Ella” Martinez. Hehehe. Ako at si Kuya naman ang nag-babaack up
singers. Hahaha!!
“Kung hindi pa kita mahal bakit ako
nasasaktan pag siya'y kasama mo
Kung hindi pa kita mahal bakit laging
ikaw ang nasa isip ko
Ngunit ako'y isang kaibigan lang kung
kailangan mo ng matatakbuhan ako'y naririto
Handang makinig sa'yo
Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang
ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba
Kung hindi pa kita mahal bakit laging
ikaw ang nasa isip ko
Ngunit ako'y isang kaibigan lang
kung kailangan mo ng matatakbuhan
ako'y naririto
Handang makinig sa'yo
Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang
ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba
Ligaya ko ang ligaya mo
Kahit pa ang kapalit ay luluha lang
ako
Ligaya ko ang ligaya mo
Mamahalin pa rin kita
Kahit mahal mo ay iba”
Si Ella ang nagrequest na ito ang
unang tugtugin namin. Ewan ko kung bakit pero parang may kurot ang kanta sa
kanya. Parang may pinapatamaan siya sa kanta na iyon. Hindi lang iyon, pero sa
bawat pagbigkas niya ng lyrics ay may dalang sakit iyon sa puso ng mga
nakakarinig.
Napansin ko rin na bago dumating sa
last chorus ang kanta ay may namumuong mga luha sa mata niya. Alam ko at nararamdaman
ko na meron siyang matinding sakit na dinadala. Gayun pa man, clear na clear pa
rin ang napakagandang boses niya, wala kang madidinig na nagccrack or yung
parang naiiyak na. Napansin ko rin ang palihim niyang pagpunas sa mga luha
niya.
Pagkatapos ng performance namin ay
nagpalakpakan ang mga audience at ang karamihan dito ay sumisigaw ng “More,
MORE”. Hehe Siguro, nagandahan sila sa boses ni Ella, Hindi lang kasi malinis
ang pagkakakanta niya, kundi sobra-sobrang emotion ang nailabas niya mula sa
kanta.
Pagkatapos noon, habang hinihintay ang
announcement sa bandang pumasok sa finals.
ELY: “Grabe ka Angela Martinez,
Sobra-sobrang emotion iyon ha!! WINNER!!”
KUYA JARED: “Obvious ba? Habang
nag-gguitara ako kitang-kita ko ang pagkamesmerize ng mga tao sa ganda ng boses
niya nuh.”
AKO: “Ella grabe ka!! Sobra-sobra ang
emotion na nailabas mo. ANg galing din ng connection mo with the audience.. THE
BEST!!”
ELLA: “Thanks Guys. Hindi ko naman
magagawa iyon kung wala kayo ehh.”
ELY: “Wala kami? Or ang inspiration
mo?” sabay taas ng kilay na parang may alam.
ELLA: “Ely, wala.. ano ka ba..”
ELY: “Hhmmm.. Naku Bhez ha! Naglilihim
ka.. Pero ok lang.. Sabihin mo na lang sa akin kung handa ka na.”
Nang lumabas si Kuya at Ely para bumili
ng inumin at pagkain,
ELLA: “Gab..”
AKO: “Ella, para kanino ba talaga ang
kanta na iyon?” ang tanong ko na parang alam ko na din ang isasagot niya.
ELLA: “Gab, iniaalay ko ang kanta na
iyon para sa isang taong mahal ko. Mahal na mahal ko. Pero kahit hindi siya
magsalita, alam ko na meron siyang mahal na iba. Nakikita ko Gab, nakikita ko
sa mga mata niya na iba ang mahal niya.” Ang sagot niya na naiiyak na.
AKO: “Angela, sino ba kasi? Kilala ko
ba ito? Pwede mo bang sabihin sa akin? Promise ko na hindi ko sasabihin sa
iba.”
ELLA: “Promise mo ba na hindi mo
sasabihin sa iba?”
AKO: “Promise..”
Ngunit imbis na sumagot sa tanong ko
ay nakita ko ang pagpatak ng luha niya.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment