by: White_Pal
Part 12: "Confession Of
Love"
ELLA: “........... Ikaw Gab, ikaw ang
taong mahal ko.. Sobra..” At tuluyan na siyang umiyak.
Para akong tinamaan ng kidlat sa
nadinig ko. Hindi ko alam na nakakasakit na pala ako ng ibang tao. Pero sa
aking natuklasan ay may katumbas na katanungan na naglalaro sa isip ko.
ELLA: “Pero tandaan mo ito Gab,
tanggap ko na hindi ako ang mahal mo. Tanggap ko din na meron kang ibang
mahal.”
AKO: “Ano bang sinasabi mo Ella?”
ELLA: “Gabriel wag ka ng magmaang-maangan,
alam ko mahal mo si Jared. Nakikita ko na mahal mo siya. Sa ngiti mo, sa tawa
mo kapag magkasama kayo, sa paglalambingan niyo, sa mga mata mo, at sa mga awit
na kinakanta ninyo.”
Tila nabilaukan ako sa mga nadinig ko.
Para akong malulusaw sa hiya dahil all this time, nararamdaman pala niya ang
katotohanan. Higit sa lahat, alam niya na umiibig ako sa kapwa ko lalaki.
ELLA: “Noong una, parang wala lang.
Pero habang tumatagal ang pagiging mag-close ninyong dalawa, I see something’s
wrong ehh. Nakumpirma ko ang lahat nung papauwi tayo galing sa lupain niyo.
Natatandaan mo ba? Nakaupo tayong tatlo ni Jared sa likuran ng kotse
samantalang si Ely naman ay nasa harap? Nadinig ko ang usapan ninyo noon ni
Jared. Sinabi nga niya na “Mahal Talaga kita.. MAHAL NA MAHAL” at pagkatapos ng
discussion niyo, pabiro mo pa ngang sinabi na “Ok sige, wala ng bawian yan ah”.
Sa puntong iyon, kahit alam kong bilang isang kaibigan ang ibig mong ipahiwatig
sa kanya, parang madudurog na ang puso ko dahil alam ko na mahal mo siya higit
sa isang kaibigan at alam ko ganon din siya sa iyo.” Ang sabi niya habang
umiiyak.
AKO: “Ella, Best friend lang ang
tingin sa akin nun, parang kapatid lang.” ang sabi ko.
ELLA: “Hindi Gab, nakikita ko rin na
special ka sa kanya at meron siyang nararamdaman para sa iyo. Naaalala mo pa
rin ba nung kotse tayo at sinabi niyang “Si Gab ang mahal ko”, sa puntong iyon
naramdaman ko na mahal na mahal ka rin ni Jared. Ramdam ko ang salitang
binigkas niya at alam kong hindi Joke iyon.” Sabi niya habang humahagulgol na.
ELLA (ulit): “Natatandaan mo ba noong
nasa kotse pa din tayo… tinugtog yung kantang “When You Say Nothing At All” sa
radio. ALam ko sa iyo nya dinededicate iyon. Tapos nung kamakalawa, pagkaakyat
ko sa rehearsal room natin, nadinig ko kayo kumakanta ng “What I’ve Been
Looking For”. Grabe parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ko noon. Parang
walang katapusang sakit.” At tuluyan na siyang umiyak ng todo-todo.
AKO: “Ella, I’m sorry.” Sabay yakap sa
kanya.
ELLA: “Wala kang kasalanan Gab. Hindi
mo kasalanang minahal mo siya. Dahil hindi kasalanang magmahal.”
AKO: “Hindi Ella.. Kasalanan ko dahil
hindi ko man lang naisip o naramdaman na meron na pala akong taong nasasaktan.”
ELLA: “Basta Gab, tandaan mo.. na
palagi lang akong nandito.. Kagaya nga ng sinasabi sa kinanta ko, “Mamahalin pa
rin kita.. Kahit Mahal Mo Ay iba..” tandaan mo yan.”
AKO: “Salamat Ella.. Pero –--“
ELLA: “Wala ng pero-pero Gab.. Basta
hayaan mo lang na mahalin kita.”
AKO: “Ok sige.. Pero sana makahanap ka
ng iba na makakapagbigay sa iyo ng pagmamahal. Pagmamahal na nararapat para sa
isang kagaya mo.” Sabay ngiti.
Ngumiti din naman sya ngunit hindi na
sumagot.
Maya-maya dumating na din sila Kuya
Jared at Ely. Napansin ni Ely ang mga mapupulang mata namin ni Ella gawa ng
pag-iyak namin kanina.
ELY: “Hala! Bakit may MMK dito ha?
ANong drama ito? Hoy Bebe Gab, anong ginawa mo sa bhez ko?” sabay pamewang.
ELLA: “Wala siyang kasalanan Ely.”
ELY: “Anong wala? Sabihin niyo nga,
MERON BA AKONG HINDI NALALAMAN?” ang nakakatakot niyang tanong.
AKO: “Wala nga Ely, may… may
napag-usapan lang kami ni Ella.”
ELY: “ANO NGA?”
AKO: “I gave my Promise na hindi ko pa
pwedeng sabihin iyon.”
ELY: “Eh ano nga iyon? Baka makatulong
ako.”
KUYA JARED: “Ely, let’s respect their
decision. Maaring hindi pa handa si Ella na sabihin sa atin kung ano man ang
problema niya.”
ELY: “Ok sige.. Pero Angela ha,
sabihin mo lang kung sino yang nagpaiyak sa iyo dahil makakatikim sa akin yan.”
May halong kaba din ang naramdaman ko
sa nadinig kong salita na iyon mula kay Ely. Napa-isip tuloy ako, paano kung
malaman na ni Ely ang alam ni Ella? Alam ko naman na super crush niya si Kuya
Jared eh, kaya maaaring maapektuhan ang friendship namin. Hay! Bahala na nga!
Maya-maya sinabi na ng host ang
tatlong bandang pasok sa final round. Pumasok ang banda nila Steph at pumasok
din ang banda namin.
Siyempre, natuwa kami na nakapasok
kami sa Final round. Nabawasan din ang pangamba ko at lungkot namin ni Ella.
Ngunit habang nagpeperform ang banda nila Steph,
ELLA: “Gab, Pwede bang.. Ikaw na ang
kumanta?”
AKO: “Huh? Ahh Oo.. kakanta naman
talaga ako ehh..”
ELLA: “Hindi.. Ikaw na ang lead
vocalist at ako na lang ang tutugtog ng keyboards.”
AKO: “WHHAAATT??? Ella, hindi ako
prepared. H-h-h-hindi ko kaya!! Hindi!!” ang nanginginig kong sabi.
ELLA: “Please Gab.. Ikaw na ang
kumanta.”
ELY: “Teka nga Angela, paano iyon?
Kakantahin ni Gab ang song na pinractice mo??”
ELLA: “Pwede rin.. Alam kong kaya ni
Gab yan. Please lang guys, pagbigyan niyo na ang request ko. Hindi ko na talaga
kayang kumanta.”
ELY: “Angela, ano bang problema? Hindi
prepared si bebe Gab para kumanta sa GITNA NG SPOTLIGHT!!.” Ang pagsisigaw nya.
ELLA: “Basta, please lang, w-wala na
akong boses.. H-hindi ko na din kayang kumanta. Hindi ko na din kaya, hindi ko
na kaya..”
KUYA JARED: “Ok sige.. sa keyboard ka
na lang Ella, kaya ni Gab yan..”
AKO: “KUYA!!” ang malakas kong sabi.
KUYA JARED: “Gab, may tiwala ako sa
kakayahan mo, sana ganun ka rin. Magtiwala ka sa sarili mo tol. Manalo matalo
ok lang.. Basta enough na sa akin na naipakita mo sa lahat ang kakayahan mo.”
AKO: “Ok sige I’ll try..”
KUYA JARED: “Uumm gusto mo ba baguhin
yung song?”
AKO: “Eh teka mamaya mamili ako ng
kanta tapos hindi niyo pala alam yun.”
Maya-maya kumuha si kuya ng isang song
sa music sheet ko.
KUYA JARED: “Guys eto, I think alam
nyo naman ito..”
ELY: “Aaaayyyyyy!! Alam ko yan! Lagi
yan pinapatugtog ni bebe Gab ehh.. Ewan ko ba kung bakit.” Sabay tingin at
ngiti sa akin.
KUYA JARED: “Ok.. Let’s do it..”
“Bakit iyong kantang iyon?? Shocks!!
Haayy..” ang sigaw ko sa isip ko. Nagtaka ako kung bakit iyon ang kantang
napili ni Kuya. Ayaw ko bigyan ng kuneksyon sa situasyon namin pero. Ay Ewan!!
Maya-maya habang pinapakinggan naming
ang song. Lumapit sa akin si Ella at..
ELLA: “Gab.. kaya ko nasabing Hindi ko
na kayang kumanta, Dahil.. Wala na akong inspirasyon. H-hindi ko kayang ilabas
ang emotion ng kantang iyan dahil HINDI NAMAN AKO MAHAL NG TAONG MAHAL KO.”
AKO: “Ella, ---“
ELLA: “I know you can do it.. Habang
kinakanta mo iyan, isipin mo na lang ang taong mahal mo.” Sabay ngiti.
AKO: “Thanks Ella.” Ngiti din ako.
ELLA: “Same here Gab, Napakabuti mong
kaibigan. Ikaw ang pinakamabuting tao na nakilala ko. Kaya ngayon binibigyan
kita ng pagkakataon na ipakita sa lahat, na hindi ikaw si Gabriel na kilala
nila bilang clown, utu-utuan, at inaapi. Kundi si Gabriel na hahangaan at
titingalain ng lahat hindi lang sa talent mo, kundi pati sa ugali mo.”
AKO: “Salamat talaga Ella, Salamat.”
ELLA: “ANg hiling ko lang, sana kahit
anong mangyari, manatili pa rin ang pagkakaibigan natin at sana, hindi ka
magbago. Ikaw pa rin ang Gab na kilala ko at kilala namin.” Sabay ngiti.
Nang tinawag na kami ng host,
nagpalakpakan at nagsigawan ang lahat ng nanunuod. Ngunit nagulat sila ng
makitang nakaupo sa keyboard si Ella at ako ang nakatayo sa gitna para kumanta.
Kita ko rin si Steph sa gilid na nakapamewang at nakataas ang kilay sabay tawa
na parang nang-iinsulto. Dahil doon, kinabahan na talaga ako ng sobra. Sobrang
na kaba, parang hihimatayin na ako ano mang oras.
Tahimik.. Sobrang nakakabingi. Bigla
naman akong tinawag ni Kuya at..
KUYA JARED: “Tol.. Always remember,
Nandito lang ako lagi sa tabi mo. Manalo, matalo, nandito ako susuporta sa iyo.
Kaya mo yan.” Sabay killer smile na hindi alintana na merong mga babaeng
nagpapapansin sa kanya sa baba. Hehehe.
Sa pagkasabi niyang iyon, nabawasan
ang kaba ko pero kitang-kita pa rin ang panginginig ng mic stand ng hawakan ko
ito. At.. Nag-umpisa na ang kanta..
“Lying here with you
I watch you while you sleep
The dawn is closing in
With every breath you breathe
I can feel the change
The change you've made in me
But will I ever see
All the things you see in me
[Chorus]
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
When it comes to love
I may not know the rules
But there's one thing I know
My heart belongs to you, just you
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
[Bridge]
You show me you love me
With a fire that burns deep inside
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you LOVE ME LIKE I AM
I am
I'll never understand
I don't think I'll ever understand
Why you love me
Why you love me just like I am”
Paminsan-minsan, sumisimple ako ng
tingin kay kuya Jared na nasa may kanan ko habang tumutugtog ng guitar.
Damang-dama ko ang bawat salita sa kantang iyon. Pero tama nga naman si Ella, nakakarelate
ako sa kantang iyan lalo na yung chorus na tugmang-tugma sa amin ni Jared.
Simpleng title, simpleng lyrics pero nandoon yung meaning na “mahal kita DAHIL
IKAW IYAN. Na ang pagmamahal ay para sa iyo lang.” Whew! Grabe! Hehehe.
Pagkatapos ng Performance na iyon,
CROWD: “CLAP! CLAP! CLAP! Whhooo!!!
More!! More!!” ang sigaw nila.
Nakita ko ang iba kong mga kaklase na
tumayo at nagsisigaw ng “We Love You Gab!!” Yun yung mga kaklase namin na galit
din kay Steph at naaawa sa akin. Kaya kinawayan ko na rin sila. Hehehe. Feeling
sikat eh nuh? Nyahaha. Sinamantala ko na lang. Hehehe.
Sa backstage..
ELY: “Grabe!! ANg galing galing mo
Bebe Gab!!!” ang tuwang-tuwa niyang sabi.
KUYA JARED: “Astig ka tol! Hanga ako
sa iyo!” Sabay akbay sa akin.
ELLA: “Sabi ko naman kaya niya yan
ehh.. May Inspirasyon kasi yan ehh.” Sabay kindat.
ELY: “Waaaaahhhhh!!! Hoy Bebe Gab!
Hindi ka nagsasabi ahh!! Bakit alam ni Ella? Isipin ko sana na si Ella ang
ispirasyon mo kaso parang.. HINDI EHH.. Impossible namang ako.. Hhmm.. Sino
ba?” sabay ngiti na nagpapahiwatig na gustong malaman kung sino.
KUYA JARED: “Tol ha, di ka nagsasabi.”
AKO: “Ahh Ehh.. Wala!! Wala yun..”
ELLA: “ANo ba kayo? TAYONG MGA
KAIBIGAN NIYA ang inspirasyon niya.”
ELY: “Ahhh.. Linawin mo kasi!!”
AKO: “Kasi malisyosa ka!!”
Ngunit pansin ko pa rin ang pagtataka
sa mukha ni Kuya. Alam ko, hindi siya na-convinced sa dahilan ni Ella.
Nang i-aannounce na ang winners.
HOST: “The second runner-up goes to..
The ******* Band!!” ang tawag niya sa pangalan ng isang banda.
HOST: “Ok.. This is the moment we’ve
all been waiting for. Is it the Fabulous Band?” ang tukoy niya sa band nila
Steph.
HOST: “Or.. The JANLY-G Band?” ang
tukoy niya sa amin.
AKO: “Putek! Ang sagwa talaga
pakinggan ng name!! Ugghh..” ang nasabi ko habang nasa back-stage kami.
ELY: “Wag ka ng magreklamo pa bebe
Gab! Cute nga ehh.. Hehe..”
HOST: “Who?” ang tanong niya sa mga
tao.
Siguro mga ninety percent ng mga tao
doon kami ang sinisigaw. Hehehe.
HOST: “Ok.. The first runner up is…
The Fabulous Band! And the Winning Band is none other than, THE JANLY-G BAND!!”
Sobrang saya namin noong mga oras na
iyon. Who would’ve ever expect na kami ang mananalo? Si Ely ay nagsisisigaw at
nagtatatalon sa tuwa. Si Ella naman ay napayakap kay Ely. Si Kuya naman ya
nagtatatalon at nagtatatakbo. At ako naman ay napayakap kay Kuya. Ayyiiee!!
Hahaha!!!
Lumabas kami sa galing back-stage at
sinalubong ang hiyawan at palakpakan ng mga tao. Habang sila Steph naman ay
tahimik na tinanggap ang kanilang tropeyo. Kami naman ay masayang masayang
tanggapin ito. Kinuha ni Kuya ang trophy namin at binigay sa akin sabay taas ng
kamay ko.
Grabe! For the first time in my life,
naranasan kong palakpakan ng mga tao. At masayang-masaya ako na kasama ko ang
mga kaibigan ko sa tagumpay na iyon. Isa sa pinaka-hindi ko malilimutang
pangyayari sa buhay ko.
Victory Party Sa BAHAY KO!! Hehehe..
KUYA JARED: “Whhooo!! Congrats Guys!
Congrats Tol!!” sabay yakap at akbay sa akin.
ELY: “Grabe! Magpaparty tayo ng isang
linggo!! Hahaha!! Love it!!”
ELLA: “Ms. Drumer, grabe naman ata
yan!!”
ELY: “Hay naku Ms. Vocalist and
Ms.Pianist, kelangan nuh.. Dahil for the first time in history, nanalo ako sa
ganyang competition nuh.”
ELLA: “Teka nga!! Di ba, first time mo
lang sumali sa ganyan?”
ELY: “Oo. Kaya nga first time ko rin
manalo ehh.”
ELLA: “Kaya nga!! Sira!! Ewan ko sa
iyo, di kita maintindihan.”
ELY: “Hay naku Angela, Nahawa ka na
dyan kay Bebe Gab, WAG NYO NGA AKONG KONTRAHIN!! Etchuserang mga froglet kayo!
Hahaha.”
AKO: “Pati ako dinamay ahh..”
ELY: “Talaga..”
AKO: “Sagwa ng mukha mo! Kapal ng
make-up!”
ELY: “Ayan ka nanaman bebe Gab ha! At
tsaka teka nga! ANo yung sabi mo sa pangalan ko kanina? Ha!?!”
AKO: “Sabi ko, parang lalaki!”
ELY: “Tsseee!! DI rin! Ang cute kaya..
ELY! Nyahaha” sabya tawa ng malakas.
AKO: “Oo ang cute nga, Parang tambay
na karpintero. Hahaha.”
ELY: “Putcha ka Bebe Gab!!” sabay
habol sa akin.
Agad ko naman kinuha ang beer at
binuhos iyon sa kanya.
ELY: “Waahh! Lang ya ka!!”
AKO: “Hahaha!! Eto ang towel oh..”
ELY: “Naku talaga Bebe Gab! Pasalamat
ka at happy-happy ako ngayon.”
AKO: “Hmm alam ko na kung bakit, kasi
bukod sa nanalo tayo, Natalo natin sila Steph ganun?”
ELY: “Taaammmaa!! Kilala mo na talaga
ako Bebe Gab at tsaka Heller!! Boses Ipis siya nuh, walang “K” manalo ang
gagang bruhita. Di hamak na milya-milya ang layo ng voice quality ninyo ni Ella
nuh.” Sabay tunga sa beer.
ELLA: “Ely, tama na..”
ELY: “Totoo naman ehh.. Iyon ang
nagpatalo sa kanila, yung voice niya na parang sirang plaka. Hhhmm.. Pero
sadyang magaling lang talaga ang Drumer natin kesa sa kanila.” Sabay kindat.
AKO: “Ang adik mo talaga! Pinagmalaki
pa ang talent niya.” Ang biro ko.
ELY: “Talaga nuh! I’m the best Drumer
in town.”
AKO: “Kaya pala yang mukha mo eh mukha
na ring Drum! Hahaha!!” ang pagbibiro ko pa rin sa kanya.
ELY: “Hay*p ka talaga Bebe Gab!
Naku!!” akmang hahabulin nanaman ako..
KUYA JARED: “Hoy mga bata tama na
yan!! Hehehe..”
AKO: “Kuya Sya po!” ang sabi ko na
parang nagsusumbong.
ELY: “Hoy kapal ng mukha mo!! Papa
Jared ohh.. Siya ang may kasalanan.” Pagsusmbong din nya.
Ganoon ang takbo ng pagsasalong iyon.
Kwentuhan, biruan, tawanan, harutan, at kung anu-ano pa man. Nang natutulog na
sina Ely at Ella sa Guest room ng Bahay, kami naman ni Kuya ay nasa balcony ng
kwarto ko. Nagtatawanan, nakukulitan, Nagkukwentuhan..
KUYA JARED: “Sabi ko naman sa iyo tol
ehh.. Kaya mo yun.. Just Believe.”
AKO: “Hehehe.. Hindi ko naman magagawa
yun kung hindi dahil sa inyo. Lalo ka na.”
KUYA JARED: “Ayuun!! Nambola ka
nanaman.” Sabay tunga ng beer. hehe
AKO: “Itigil mo na nga yang pag-inom
mo nyan.” Sabay kuha sa beer niya at linapag sa mesa.
KUYA JARED: “Bakit? Minsan lang naman
ito. Hayaan mo na akong magpaka-saya.” Ang pangangatwiran niyang BALUKTOT!
AKO: “Kahit na.. Hindi naman kailangan
ng beer para magpakasaya di ba?”
Natahimik naman siya sa sinabi kong
iyon.
KUYA JARED: “Oo Masaya tayo.. Masaya
ako..” at biglang naging seryoso ang mukha niya.
AKO: “M-may problema ba?”
KUYA JARED: “Masaya ako dahil nanalo
tayo.. Pero.. Sa araw ding ito, nalaman ko na..” at tumigil siya na parang
humugot ng lakas.
AKO: “Na ano? Anong nalaman mo?”
KUYA JARED: “Na.. May ibang mahal ang
taong mahal na mahal ko..”
Nagulat naman ako nadinig ko dahil
wala naman siyang naikwento na MAHAL NYA.
AKO: “uuhh.. kuya, sino ba yang mahal
mo? At tsaka, hindi ka nagkukwento ha!!”
At bigla siyang tumingin sa akin ng
napaka-tulis. Yun bang gusto na nya akong kainin ng buhay. Ewan ko kung bakit.
KUYA JARED: “Eh bakit ikaw? HA?
Kinwento mo ba sa akin kung sino yang INSPIRASYON mo?” ang pag-diin niya sa
salitang INSPIRASYON.
Natahimik naman ako sa nadinig ko. At
ayokong malaman nya na SIYA ANG INSPIRASYON KO.
KUYA JARED: “Tol, bakit wala kang
sinabi sa akin na meron pala. BAKIT KAY ELLA MO PA UNANG KINWENTO?”
AKO: “Ehh teka nga!! Kayo ang
inspirasyon ko.. KAYONG MGA KAIBIGAN KO ANG INSPIRASYON KO!!”
KUYA JARED: “Hindi ako naniniwala..
Meron ehh… MERON!!”
AKO: “Teka nga, bakit ba ayaw mo
maniwala? Bakit ba galit na galit ka?”
KUYA JARED: “Kasi nga MERON! Gab,
kilala kita.. kaya please lang wag kang magsinungaling sa akin. Gusto ko lang
MALAMAN ANG TOTOO.” Ang pasigaw niyang sabi sa akin.
AKO: “Yun nga ang totoo. Bakit ba kasi
biglang uminit ang ulo mo? Bakit ka ba nagtatanong? Bakit ba gusto mong
malaman? Bakit ba GALIT NA GALIT KA? BAKIT BA SOBRA KANG AFFECTED??” ang
pagtatanong ko sa kanya na nakasigaw na rin.
KUYA JARED: “Gusto mong malaman ha?”
AKO: “Oo Gusto kong malaman kung ano
yang pinag-iinit ng ulo mo!!”
KUYA JARED: “Gusto mo talagang
malaman?” ang pasigaw niyang sabi.
AKO: “OO!!”
At mabilis niyang inilapat ang kanyang
mapupulang labi sa labi ko.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment