Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (07): Book 2

by: White_Pal

Part 7: "Hared Awakens.."

Pagkarating ko sa Waiting Room..

“Jared, Naiwan mo yung Phone mo.” Ang sabi ko.

Paglingon ni Jared ay nakita ko ang kausap niya, si Ely at may hawak-hawak na maliit na bata.

“Gab!?!?” ang gulat na gulat niyang sabi.


….

….

….

Kitang-kita ko ang pagkagulat at pamumutla sa kanyang mukha. Kung siya ay nagulat, ako rin ay nagulat dahil sa dala-dala niyang batang lalaki.

“Sino kaya ang batang hawak-hawak niya at parang.. parang pamilyar o may kamukha ang bata..” ang sabi ko sa sarili ko.

“G-G-Gab.. I-i-ikaw ba yan?” ang nanginginig na sabi niya.

“Uuumm Ely si—“ hindi natapos ni Jared ang saabihin dahil..

“I’m Erick Uriel Alvarez, chairman and owner of this company. How may I help you?” ang sabat ko na parang hindi ko siya kilala.

“Aahhh.. Ehh.. Ahh..” ang sabi ni Ely na hindi magkamayaw

“Mama, nasaan po si Papa?? Di ba sabi niyo po ay makikita ko na siya ngayon?” ang tanong ng batang lalaki na kasama niya.

“Anak!?!? Anak ni Ely ang bata!?!?!” ang sigaw ko sa isip ko.

Napatingin si Ely sa bata at pagkatapos ay tumingin siya kay Jared.

Sa tingin niyang iyon kay Jared ay iba ang naramdaman ko, nakaramdam ako ng matinding kaba at pamumutla. Naalala ko tuloy ang isang bagay na nasabi ni Jared sa akin noong nasa pool area kami.


“When I had sex with her, I was still thinking of you..”


“Hindi kaya…. Hindi.. sana mali ang hinala ko.” Ang sabi ko sa isip ko.

“Aaahh.. Anak, h-h-hindi pupwede ang papa mo ngayon eh.” Ang sabi ni Ely sabay tingin kay Jared at pagkatapos ay sa akin.

“Bakit po?” ang tanong ng inosenteng bata.

“Ahh.. B-b-busy ang papa mo ngayon, sa ibang araw na lang.” ang sabi ni Ely na halata ay nagsisinungaling.

“Ehh Mama naman eh, You promise!!” ang sigaw ng bata.

“Anak.. wag ng matigas ang ulo.. H-hindi pupuwede ang papa mo ngayon.” Ang sabi ni Ely.

“Ah Ely, kamusta ka na ngapala? Hindi mo man lang sinabi sa akin na may anak ka na. Ilang taon na ba ito?” ang tanong ni Jared.

“Ha!?!? Ahh ehh..” ang sabi ni Ely habang namumutla at muli ay tumingin siya sa akin.

“D-Dalawang taon na ang anak na--… K-ko Jared..” Ang nanginginig na sabi ni Ely.

“Dalawang taon!?!? Tatlong taon ako nawala, at tatlong taon na huling nagkita si Jared at Ely.” Ang sabi ko sa isip ko.

“Hindi kaya nung umalis siya papuntang US ay buntis na siya? Wait nga Gab, why are you over analyzing things? Hindi mo na problema yan! Bakit ba ganyan ka ka-affected??” ang sabi ko sa isip ko.

“Ah.. Hindi mo man lang sinabing may asawa ka na..” ang sabi ni Jared.

Isang pilit na ngiti lang ang binigay ni Ely, bakas sa mukha ang pamumutla at matinding kaba.

“Ok ka lang ba Ely? Bakit parang namumutla ka?” ang sabi ni Jared.

“Uumm.. I think you have private matters to discuss so.. Please excuse me..” ang sabi ko sabay talikod.

Bago pa man ako makaalis ay..

“Gab..” ang tawag sa akin ni Ely bakas pa rin sa boses ang panginginig.

Ngunit parang wala akong nadinig at dire-diretso pa rin ako.

“Gab!” ang muling pagtawag niya.

“Uumm, sino po tinatawag niyo?”

“Gab.. I—“ hindi niya natapos dahil.

“I’m so Sorry Miss. But my name is Erick, not Gab.” Ang sabi ko sabay pilit na ngiti at nagmamadaling umalis.

Paglabas ko ng waiting room ay nagmamadali akong tumakbo palayo.

Habang tumatakbo..

“Papaano kung ang tatay ng bata ay si Jared?” ang sabi ko sa sarili ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla ko na lang naramdaman ang pagtulo ng luha ko.

“Takte ka naman Gab! Bakit ba umiiyak? You don’t have to cry ok?? Wala!! Wala yan!! Kung anak man niya yun ay wala ka ng pakielam dun.” Ang sabi ko ulit sa sarili ko.

“Nakakainis namang luha ito!! Haaayy..” sabay punas ng luha.

Sa pagtakbo ko, hindi ko namalayan at napadpad ako sa isang parte ng building na wala masyadong tao.

“Anong ginawa mo!?!?” ang pigil na sabi ng isang lalaki sa di kalayuan.

“Wait.. parang pamilyar ang boses nun ah..” ang sabi ko sa sarili ko.

“Bakit ano bang mali sa ginawa ko aber? Pinauwi ko lang naman ang isa pang karibal ko ah.” ang mataray na sabi naman ng isang babae.

“Takte pamilyar din!” ang sabi ko sa isip ko.

Dahil nga pamilyar ang boses ng babae’t lalaki ay sinubukan kong hanapin kung saan nangagaling ang mga ito.

“Hindi mo man lang ba naisip na masasaktan si Gab doon? Hindi mo man lang ba naisip na sa pag-uwi ni Ely ay masasaktan si Gab??” ang sabi ng lalaki.

“I don’t care!! Wala akong pakielam sa kanya!! And isa pa, it’s up to you to comfort him Ace!. Oh! Ayaw mo nun, kapag kinomfort mo siya ay pupwedeng mahulog na siya sa iyo.” Ang sabi ng babae.

“Ace!?!? Sabi ko na at pamilyar eh..” ang sabi ko sa sarili ko.

Nasa ganoon akong paghahanap ng mapunta ako sa isang sulok at doon ko nakumpirma na si Ace nga ang lalaki, pero nagulat ako na ang nagmamay-ari ng boses ng babae ay si Steph, magkausap sila.

“Ikaw!! Lagi mo na lang sinasaktan si Gab!” ang pigil na sigaw ni Ace kasabay ang paghawak niya ng madiin sa balikat ni Steph.

“Wala akong pakielam dyan sa clown na yan! Ang gusto kong makuha ay si Jared ok? At ikaw, puntahan mo na si Gab, comfort him! Ipakita mo na ikaw ang knight in shining armor niya.” Ang sabi ni Steph sabay tabig sa mga kamay ni Ace.

“At isa pa Ace.. di ba lagi ka naman niyang sinasaktan?” ang sabi ni Steph sabay pagtataas ng kilay.

“H-hindi niya sinasadya yun..” ang sabi ni Ace.

“Oh C’mon Ace! Don’t be a fool. Kapag nakatalikod ka, kasama niya si Jared, ang sweet-sweet nila.”

“Hindi totoo yan.”

“Yes it is! Daig pa nga nilang dalawa ang ka-sweetan ninyo ni Gab eh. Para silang mag-jowa.” Ang pang-iinis ni Steph.

“Tumigil ka na!!” ang matigas na sabi ni Ace.

“Kapag silang dalawa na lang ni Jared ay naglalampungan na sila.” Ang sabi pa ulit ni Steph.

“TAMA NA!!” ang sigaw ni Ace.

….

“Ahahahahaha!! Look at you Ace!! Alam mo kung ano itsura mo? You’re a big loser. Kaya kung ako sa iyo, ipaglaban mo si Gab. Puntahan mo siya at ilayo kay Jared.” Ang sabi ni Steph.

“Stop it Steph!! Ganyan ka ba ka-desperado?”

“I’m not desperate.”

“Yes you are. You see Gab as a threat.”

“OF COURSE NOT! Kailan pa magiging threat sa akin ang isang Clown? Ang isang katawa-tawa? Ang isang bakla aber?” ang mataray na sabi ni Steph.

“Aminin mo na lang Steph na hindi mo matanggap na isang lalaki ang pinaka-matindi mong karibal.” Ang sabi ni Ace.

“He’s not a threat Ace. Basta siguradhin mo lang na makukuha mo yang si Gabriel or else I’ll make a move na hinding-hindi mo magugustuhan.” Ang sabi ni Steph.

“Ano??”

“Wala..”

“Subukan mo lang Steph.. Subukan mo lang at ako ang makakalaban mo.”

“Don’t try me Ace. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin.” Ang sabi nito sabay talikod.

Dali-dali naman akong lumayo sa lugar na iyon upang hindi nila ako makita.

“Bakit magkasama sila? Ibig sabihin ba nito ay magka-kontsaba ang dalawa?? Wait.. Hindi.. Pinapaikot ni Steph ang ulo ni Ace para isipin ni Ace na linoloko ko siya.. Na pinagtataksilan ko siya.. Kaya pala ganun na lang makapag-react si Ace kapag kasama ko si Jared. Kaya pala laging naghihinala si Ace na meron kaming relasyon ni Jared.. Dahil kay Steph.”

Dahil sa aking natuklasan ay dumoble ang galit ko para kay Steph. Nanggigigil ako sa sobrang galit sa kanya, gusto ko siyang gantihan, gusto ko siyang sugurin, hindi ko alam basta gusto ko siyang pahirapan.

Dahil dito napagdesisyonan kong ituloy ang plano ko para kay Steph, hinugot ko ang cellphone ko at tinawagan ang aking secretary.

“Hello sir?”

“Yes Hello.. Uumm.. Naalala mo yung papers na pinatago ko sa iyo? Yung sa Aragon inc.?”

“Sir yun po ba yung..”

“Yes basta, nasa isang folders lang yun. Tawagin mo yung representative ko and submit it to the Aragons NOW.”

“Ok Sir.”

At binaba ko ang phone.

“Hayup ka talaga Steph, pati ba naman si Ace ginagamit mo? Pati ba si Ace sasaktan mo? Ang galing mong makipaglaro.. Gusto mo ng laro Steph? Sige, makikipaglaro ako. Bring the Cards on!” ang sabi ko sa sarili ko.

Bago matapos ang araw na iyon ay nagpakita sa akin ng ka-sweetan si Ace. Pero alam ko na sinamantala niya ang pagkakataong nasasaktan ako. Dahil dito, nagkaroon ako ng galit sa kanya. Hindi ko akalaing maniniwala siya sa kasinungalingan ng babaeng iyon.

Pero eto ako, nagkunwari at sinakyan ang ka-sweetan niya kuno. Nagpanggap na wala akong alam, naghihintay ng tamang pagkakataong kumprontahin siya.

….

….

….

Kinabukasan, sumakay ako ng aking limusin papuntang Aragon INC. Habang nasa sasakyan..

“Hello sir?”

“Yes Hello, Naibigay mo na ba kay Ms. Synthia Aragon yung mga papers?”

“Yes sir. Kahapon pa po at napirmahan na din po.”

“Very Good, nandyan din ba yung unica hija niya?”

“Nandito din po.”

“Good.. I’ll be there in few minutes.” Sabay baba ng phone.

Tuwang-tuwa naman ako dahil successful na ang aking plano. Dagdag pa dito na nandoon si Steph sa aking pupuntahan.

“Ngayon makikita mo kung papaano ako makipaglaro. Kung papaano ko gagawing miserable ang buhay mong hayup ka.” Ang sabi ko sa isip ko.

Pagdating sa kumpanya ng mga Aragon.

“Welcome sir!” ang bati sa akin.

Tumango lang ako at dumiretso sa meeting area ng kumpanya.

Pagdating doon, malayo pa lang ay nakita ko na si Mika, Iza at ang tatlong lalaking kabarkada ni Steph. Kung matatandaan niyo, sila ang mga kaklase kong mga alagad ni Steph na nagpahirap din sa akin noon.

Dahil sa nakita ko ang dalawa, naalala ko ang mga masasamang bagay na ginawa nila sa akin, ang mga kawalangyaan nila, ang mga pagpapahirap at pagpapahiya nila sa akin noon.

“Welcome Sir—“ ang natigilan at sabay na sabi ni Mika at Iza.

Tiningnan ko lang ang dalawa, bakas sa mukha nila ang pagkagulat.

“Mika..” ang sabi ko sabay matulis na tingin sa kanya.

“G-G-Gab!?!” ang nanginginig na sabi ni Mika.

“Iza..” ang sabi ko sabay matulis na tingin din.

“I-i-ikaw ang Erick!?!?” ang gulat na gulat na sabi ni Iza.

Kita ko din ang hindi maipintang mukha ng tatlong lalaki dahil sa gulat.

“Kamusta na kayo?” ang sabi ko sabay ngiti.

Ngunit walang sumasagot.

“How nice.. Ako lang pala ang tao dito.. Ayy!! Hindi pala kayo mga tao, dahil mga hayop pala kayo.” ang tukoy ko sa limang alipores ni Steph.

“Aba’t!” ang sabi ng isang lalaki.

Akmang susugod na siya ay humarang ang isang Bodyguard ko, at dahil dito ay hinatak ng isa pang lalaki ang kasama niya.

“Pare wala kang laban diyan. Ang daming guardya niyan oh.” Ang sabi ng lalaking pumigil sa kanya na ex-classmate ko din.

“Hay nako.. Mga wala pa ring pagbabago.. Puro yabang, puro angas, pero tatanga-tanga pa din. Oh well, what would I expect from a garbage.” Sabay mahinang tawa

Kita ko ang pagkainsulto nila ngunit wala silang magagawa. Sa dami ba naman ng mga bodyguards ko eh.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at linuwa nito si Steph at ang Ina nito. Nakangiti pa ang dalawa ng pumasok ngunti napalitan ito ng pagkagulat ng makita nila ako.

“How are you Steph?”

“Anong ginagawa mo dito??” ang tanong ni Steph.

“Miss Aragon, siya po ang bumili ng kumpanya niyo.” Ang sabi ng representative ko.

“Ano!?!?” ang gulat na gulat na sabi ni Steph.

“You heard it right Steph. Ako ang may ari ng ******* company, na bumili ng inaamag niyong kumpanya.”

“P-p-pagmamay-ari mo din yun??” ang nanginginig na sabi ni Steph.

Isang ngiti lang ang naging tugon ko senyales na pagmamay-ari ko din ang nasabing kumpanya.

“H-hindi.. Hindi totoo yan..” ang sabi ni Steph na parang mababaliw na.

“Yes it is Steph..” ang sabi ko.

“Aaahhh.. Ehh.. Binabawi na namin!” ang sabi ni Steph.

“Baka nakakalimutan ninyong pumirma na sa kontrata ang ina mo? At naka-bayad na rin kayo.”

“B-b-binabalik ko na ang pera mo! Sa iyo na yan!” ang sabi ni Steph.

“Anak, wala na yung perang binayad niya, naipambayad na natin sa mga utang.” Ang sabi ng ina ni Steph.

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Steph, halata sa mukha niya na hindi na niya alam ang gagawin niya.

“Tsk! Tsk! Tsk! Pity..” ang sabi ko sabay tingin sa kanila.

“Kahit ibalik mo pa ang perang binayad ko, hindi ko tatangapin yan dahil hindi ko kailangan yan. Marami ako niyan.” Ang sabi ko.

“Tanggapin mo na lang ang katotohanan Steph, na ako na ang bagong nagmamay-ari ng kumpanya ninyo. Sa akin na nakapangalan ito. At ano kayo ng ina mo? Oras na para lumayas kayo dito.” ang sabi ko sa kanila.

“Ikaw ang lumayas dahil isa akong Aragon, Aragon incorporations ito at kami ang nagmamay-ari nito.” Ang sabi ni Steph.

“Bobo! Inutil ka! Binenta niyo na sa akin di ba?”

“Pero ang akala ko ay meron pa rin kaming shares.” Ang sabi ni Steph na may pagmamayabang.

“Inutil ka talaga! Nakalagay sa kontrata na binenta niyo sa akin ang lahat-lahat ng shares niyo sa company, ngayon sabihin mo sa akin Steph, nasaan ang shares mo doon? At ano pa ang natitira sa inyo? Wala di ba? At anong tawag sa inyo? Mga Basura na lang kayo!” ang sigaw ko sa kanilang dalawa.

“Walanghiya ka!” ang sigaw ng nanay ni Steph.

Akmang sasampalin na ako ng ina ni Steph ay nahawakan ko ito at pagkatapos ay tinulak ko siya pabalik sa kanyang unica-hija.

“Tang*na mo Gab! Pati nanay ko idadamay mo!! Hayup ka!” ang sigaw sa akin ni Steph.

“Mas Hayup kayong mag-ina kayo! Pinaka-hayup kayo sa lahat ng hayup! Bakit ikaw ba ha? Dinamay mo din ang Papa ko, pati si Ace.” ang sigaw ko sa kanila.

“Ms. Synthia and Stephanie Aragon, akala niyo ba hindi ko alam ang ginawa niyo sa kumpanya ng Papa ko 3 taon ang nakaraan? Pinasunog at pinasabog niyo yun.”

Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng ina ni Steph.

“Papaano ko nalaman na kasabwat ang hayup mong ina? Isa sa tauhan ni Bianca.. Noong kinidnap ako ni Bianca, which is kasabwat ka Steph, may isa kayong tauhan na kumanta bago siya nalagutan ng hininga. Nasabi ng tauhang iyon kay Ace ang lahat. Lahat-lahat!” ang sigaw ko sa kanila.

Kita ko ang pagkatulala ng nanay ni Steph sa aking mga sinabi. Obvious ang pagka-guilty niya.

“At ikaw Steph, Pinasunog niyo ang bahay namin 3 taon na ang nakakaraan. O di ba? Like Mother, Like Daughter. Parehas na mga anak ni Satanas.” ang sabi ko.

Isang matulis na tingin lang ang ginawa ni Steph sa akin. Alam kong hindi na niya alam ang gagawin o sasabihin niya gawa ng alam niyang talo siya sa laban na ito. Samantalang ang ina naman niya ay tulala na.

“Ano ngayon ang pakiramdam ng mawala ang lahat sa inyo? Ano ang pakiramdam na mawala ang mga bagay na bumubuhay sa inyo? Di ba masakit? Di ba mahirap? Ano ngayon pakiramdam? HA!?!?” ang nangigigil na sabi ko.

“Ngayon, lumayas na kayo.” Dagdag ko dito.

“Kahit ano sabihin mo, kahit ano ang gawin mo, hindi ako natatakot sa iyo!” ang matigas na sabi ni Steph.

“Oo naman ikaw pa! Alam kong wala kang sinsanto, at alam ko din na sagad sa buto ang kademonyohan mo! Daig mo pa nga si Satanas eh.”

“Alam mo kung ano ang itsura mo ngayon Steph? Nakahilata ka na sa putikan, isa ka ng basura, walang kwenta, at walang silbi sa mundong ito.” ang dagdag ko pa.

“Hayup ka Gabriel! Hayoooopp!!!” ang nagsisisigaw na sabi niya habang papasugod sa akin.

Akmang susugod na siya ay bigla siyang hinawakan ng ilan sa mga bodyguards ko.

“Sige na! Paalisin niyo na yan! Hindi nababagay ang walang breeding na kagaya niya dito!” ang sabi ko sa mga bodyguards ko.

Habang kinakaladkad palabas ng kumpanya si Steph ay..

“Ang kapal ng mukha! Porket may pera na’t lahat akala mo kung sino na ang umasta!” ang sigaw ni Mika sa akin.

“Oo nga..” ang sabat naman ni Iza.

“Ay!! May naiwan pa palang mga basura dito. Sige, palabasin niyo na din ang mga yan.” Ang utos ko sa ilan sa mga guardya ko.

Habang pinapalabas si Steph at ang mga alipores niya.

“Gabriel.. Gabriel..” ang umiiyak na sabi ng ina ni Steph habang nakaluhod sa akin.

“Nagmamakaawa ako.. Patawarin mo ako sa nagawa ko sa ama mo..” ang sabi niya.

“Ngayon ka pa hihingi ng tawad!?!?! Huli na ang lahat, wala ka ng dapat ipagpatawd dahil hindi na ako si Gabriel. PATAY NA SI GABRIEL! At namatay siya dahil sa demonyo mong anak.”

“Gabriel.. Makinig ka..”

“Hindi! IKAW ANG MAKINIG! Pinatay ako mismo ng leche mong anak. Alam mo, matatanggap ko pa kung ako lang eh, pero pati ang buhay ng mga magulang ko pinagtangkaan niya. Ay! Nakalimutan ko, pati pala kayo kasama dun.” Ang sigaw ko dito.

“Gabriel.. Nagkaganito ang anak ko dahil sa akin..” ang umiiyak na sabi niya.

“Pinakita ko sa kanya kung gaano kasama ang mundo, lahat ng mga masasamang bagay na ginagawa niya ngayon, lahat yun dahil sa akin. Nagawa lang din niyang pagtangkaan ka dahil.. dahil.. dahil wala siya sa sarili noon.. Nagpakamatay ang daddy niya Gab..” ang dagdga na sabi ng ina ni Steph.

“Oo nagpakamatay nga, tapos, sisisihin niyo si Papa? Kami na nga ang na-agrabyado kami pa ang sisisihin niyo? Kung iisipin ay kayo.. KAYO LAHAT ang may kasalanan ng mga nangyayari sa inyo! Karma yan!” ang sigaw ko sa kanya sabay talikod.

Iniwan ko siyang nakalupasay doon, umiiyak, nagmamakaawa. Sa kabila ng galit ko, sa kabila ng lahat-lahat ng ginawa nila sa akin, kahit papaano ay meron pa rin akong naramdamang awa dito sa puso ko.

Dahil sa mga binunyag ng ina ni Steph, naalala ko ang isang kinwento sa akin ni Jared noong nasa mall kami.

====FLASH BACK====

“Gab, regarding kay Steph..”

“Jared please, ayoko siya pag-usapan.”

“Gab nakita ko ang pagbabago niya. Hindi na siya yung kagaya ng dati. Oo minsan may pagka-ganun pa rin siya pero hindi na yung kasing tindi ng dati.” Ang sabi ni Jared.

“Papaano mo naman nasabi ha?” ang mataray kong tanong dito.

“Nagkakaganun lang siya dahil sa Nanay niya. Gab, lahat ng kasamaan na nagagawa niya, yun ay dahil sa ina niya. Yung mga ginawa niya sa iyo, ang nanay niya ang nagturo sa kanya nun.”

“At naniwala ka naman?”

“Oo! Kahit papaano oo. Alam mo ba Gab, noong magpakamatay ang daddy niya, halos mabaliw-baliw na siya. Nawala siya sa sarili niya. Ang daddy niya lang ang nagpakita sa kanya ng totoong pag-aalaga, ng totoong pagmamahal.”

“Wala siyang alam sa pagmamahal Jared dahil demonyo siya!”

“Wag mong sabihin yan..”

“Alam mo bang siya ang nagpasunog ng bahay namin na muntik ng mamatay si Papa? Alam mo bang siya ang nagpasabog ng company building namin na muntik ko ng ikamatay?” ang sigaw ko kay Jared.

“Alam ko! Inamin niya sa akin yan!” ang sabi naman ni Jared.

“Alam mo din ba na walang awa akong pinagbabaril ng babaeng yan? HA!?!? Alam mo bang muntik ko ng ikamatay yun?? ALAM MO!?!?” ang sigaw ko ulit dito.

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha.

“G-Gab.. I-I’m sorry.. Hindi ko alam.” Ang nanginginig na sabi ni Jared.

“See? Meron kang mga hindi nalalaman. At hindi niya sasabihin yan dahil alam mong kasusuklaman mo siya.”

“Kailan nangyari yun Gab?” ang tanong ni Jared, kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala

“Tsaka ko na ikukwento.. Ayokong pag-usapan yan ngayon.” Ang nasabi ko na lang.

====KASALUKUYAN====

“Hindi Gab.. Tama ang mga ginawa mo, nararapat lang kay Step hang lahat. Kulang pa yan sa mga pinag-gagagawa niya noon.” Ang sigaw ko sa isip ko.

Pagdating ko ng Opisina..

“Gab, ano yung nadinig ko?”

“Anong nadinig?”

“Yung ginawa mo sa kumpanya nila Steph. Bakit mo ginawa yun?” ang matigas na tanong ni Ace.

Pagkadinig ko ng mga katagang iyon ay tiningnan ko siya ng masama at sabay sabi ng..

“Why don’t you ask yourself?” ang mataray kong sabi sa kanya.

Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

“Bakit ano bang ginawa ko Gab?” ang tanong nito.

“Anong ginawa mo?? ANONG GINAWA MO!?!?” ang sigaw ko sa kanya.

“Bakit ka nakikipag-usap sa hayup na yun ha?? BAKIT!?!?” ang sigaw ko dito.

Kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha at…

“Gab please let me explain.” Ang sabi niya sabay lapit sa akin ngunit isang sampal sa mukha ang binigay ko sa kanya.

“Mas pinaniniwalaan mo pa yung Steph na yun kesa sa akin Ace? Mas pinakikingan mo pa ang demonyong iyon, KESA SA AKIN??” ang sigaw ko dito.

Akmang aalis na ako ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko ngunit nagpupumilit akong pumiglas dito.

“Gab please.. I-I’m sorry.. H-hindi naman ako naniniwala sa kanya eh.”

“Hindi ka naniniwala? Sinong ginagago mo Ace? Now I know kung bakit mo kami pinaghihinalaan ni Jared! Yun ay dahil sa naniniwala ka sa demonyong iyon!” ang sigaw ko dito.

“Alam mo Ace.. Alam mo kung ano ang ginawa sa akin ng babaeng iyon, umpisa pa lang alam mo na yan. Alam mo kung ano ang dinanas ko sa kamay niya. Alam mo din na muntik na niya akong mapatay.. Ay!! Hindi pala.. PINATAY NIYA PALA TALAGA AKO!! I’m 45 minutes dead nga di ba?” ang naiiyak kong sabi dito.

“Gab.. making ka sa akin please..”

“Hindi Ace!! IKAW ANG MAKINIG!!” ang masmalakas na sigaw ko sa kanya kasabay ang pagtulo ng luha ko.

“Alam mo.. Kung anong hirap ang naranasan ko mula sa kanya.. Alam mo ng dahil sa pagbaril niya sa akin.. Sa braso, sa binti.. at sa dibdib.. alam mo ng dahil sa mga balang iyon ay nagkaganito ako Ace.. NAGKAGANITO AKO!! PINATAY AKO NG HAYUP NA BABAENG IYON!!” ang sigaw ko sa kanya kasabay ang paghagulgol ko.

“Gab.. please..” ang sabi niya kasabay ang pagtulo ng luha nito.

“At higit sa lahat, alam mo kung ano ang ginawa niya sa pamilya ko! Sa kumpanya ni Papa, sa bahay namin, at kay Papa mismo.. And then eto ka, nakikipag-usap sa kanya. At hindi lang iyon.. Pinaniwalaan mo pa ang mga kasinungalingan niya.”

“Gab.. I’m Sorry..” ang pagmamakaawa niya sabay yakap sa akin ngunit naitulak ko siya ng malakas na ikinatumba niya sa sahig.

“Magsama kayo ng babaeng iyon!!!” ang sigaw ko sabay alis, iniwan ko siyang nakalupasay at umiiyak.

Paglabas ng kwarto ay tumakbo ako palabas ng opisina. Dire-diretso akong lumabas building, hindi alam kung saan pupuntahan.

Mahaba-haba din ang linakad ko ng hindi ko namalayang dinala pala ako ng aking mga paa sa baywalk. Umupo ako doon, at napansin kong iyon din ang parehas na lugar kung saan umuupo kami dati ni Jared. Dahil dito, may naalala ako..

====FLASH BACK====

“Alam mo ba Gab, kapag dati masama loob ko, dito ako nagpupunta.”

“Bakit naman dito?”

“Kasi dito.. Tahimik.. Payapa.. Yun bang alon lang ng dagat ang madidinig mo? Minsan pa nga sumisigaw ako dito eh, linalabas ko ang sama ng loob ko..” ang paliwanag niya.

“Pero iba na ngayon..” ang dagdag nito.

“Bakit?”

“Dahil Makita pa lang kita, wala na ang problema ko. Masaya na araw ko.” Sabay ngiting nakaka-gago.

“Baliw!” sabay batok ko dito.

At nagtawanan kami.

====KASALUKUYAN====

“AAAAAAAAAAARRRRRGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” ang malakas na sigaw ko habang nakaharap sa karagatan, kasabay ang pagluhod ko sa gilid ng dagat. (Sa bato na inuupuan).

“Lahat na lang kayo sinaktan ako.. Lahat kayo!!!” ang sabi ko habang nakaharap pa rin sa dagat.

Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Luha ng kalungkutan, luha ng Galit.

Nasa ganoon akong pag-iyak ng may biglang yumakap sa akin.

Nagulat ako’t tiningnan ko ito at nakita kong si Ella ang taong ito.

“E-Ella? A-a-anong ginagawa mo dito?”

“Dito ako madalas nagpupunta kapag nalulungkot ako. Dito din kasi nagpupunta si Kuya eh kapag malungkot siya. Lalo na noong mga panahong nawala ka.” Ang sabi ni Ella.

“Kamusta ka na pala?” ang tanong ni Ella sa akin.

“Ok lang..”

“Ok ka lang ba talaga?” ang tanong niya.

Tiningnan ko siya, bakas sa mukha na meron siyang alam.

“B-bakit naman?” ang tanong ko dito.

Tumingin siya sa dagat at pagkatapos ay..

“Alam ko Gab kung bakit.. Nanggaling ako sa opisina kanina, at nadinig ko ang away ninyo ni Ace. At bago pa iyon ay nagkita kami ni Ely.” Ang sabi niya sabay tingin sa akin.

Nang sabihin niyang Ely ay gusto kong malaman nag katotohanan. Sino ba ang ama ng batang kasama niya. At dahil dito..

“Ella, tapatin mo ako.. ALam mo ba kugn sino ang ama ng batang dala niya?” ang sabi ko kasabay ang pagtulo ng luha ko.

Pinahid ni Ella ang luhang iyon at binigyan ako ng isang pilit na ngiti.

“Hanggang ngayon ang ganda-ganda pa rin niya. Para siyang anghel sa lupa. Sana.. Sana si Ella na lang.. Dahil alam kong hindi niya ako sasaktan.” Ang nasabi ko sa sarili ko.

“Sige.. Pero..”

“Walang pero-pero. I want to know, kung sino ang ama ng bata.”

Tiningnan ako ni Ella at..

“Si….”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment