by: White_Pal
Part 8: "The Truth.."
“Sige.. Pero..”
“Walang pero-pero. I want to know,
kung sino ang ama ng bata.”
Tiningnan ako ni Ella at..
“Si… Si..” ang sabi niya habang
nakatitig sa aking mga mata. Kita ko ang pangangamba dito.
“Sino Ella? Please I want to know.”
Ang pagmamakaawa ko.
“Gab, I-I’m sorry. Wala ako sa lugar
para sabihin ko sa iyo ang bagay na iyan. Masmabuting si Ely ang magsabi sa iyo
o di kaya… ang ama nito.”
Imbis na pilitin siya ay rinespeto ko
ang desisyon niya. Napabuntong hininga ako kasabay ang pagtingin sa karagatan.
“Basta ang masasabi ko lang ay..
Maging handa ka Gab. Maging handa ka malaman ang katotohanan. Basta kung
kailangan mo ng matatakbuhan, masasandalan, at maiiyakan, nandito lang ako.”
Sabay ngiti.
“Salamat Ella.” Sabay yakap ko dito.
“Ano ka ba? Kaibigan mo ako Gab.”
“I know, and you’re the only friend
that I have.”
“What do you mean?”
“Sa lahat ng mga kaibigan ko, ikaw
lang ang hindi nanakit sa akin. Ikaw lang ang nagpakita sa akin ng… ng totoong
pagmamahal.” Ang nasabi ko dito.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung
bakit ko biglang nasabi iyon gayong alam ko naman na napakitaan din ako ng
pagmamahal ni Ace at Jared. Ewan, dala lang siguro ng sama ng loob yun.
“Sssshhh!!! Don’t say that! Marami
kaming nagmamahal sa iyo.” Ang sabi niya.
“Hindi nila ako mahal Ella, kasi kung
mahal nila ako ay hindi nila ako sasaktan.”
“Gab, may mga bagay sa buhay natin na
hindi mo mapipigilan. Kasama na dito ang makapanakit sa ibang tao, sometimes
you don’t mean it, but it happens. And I believe, everything happens for a
reason.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Ginantihan ko lang siya ng ngiti,dahil
sa totoo lang ay may punto siya pero kahit ganoon ay hindi pa rin matanggap ng
kalooban ko ang sinabi niya. Kasi simula ng bata ako, lagi akong sinasaktan ng
ibang tao. Pero masmasakit ngayon, dahil mismong mga mahal mo ay sinasaktan ka.
Muli ay napatingin ako sa dagat
kasabay nito ay ang pag-isip ko ng mga nangyari sa akin simula noon hanggang sa
kasalukuyan. Nasa ganoon akong pag-iisip ng..
“Gab, may I ask you something?” ang
tanong niya.
“Ano yun?”
“Galit ka pa rin ba kay Ely?”
Hindi ako nakakibo sa tanong niyang
iyon. Hindi ko kasi alam kung magpapaka-impokrito ako o kaya ay diretsahin siya
sa kanyang tanong.
“Silence means yes. Bakit ko pa ba
tinatanong yan.” Ang nasabi na lang niya.
Hindi ako kumibo.
“Gab, did I told you how I met Ely?”
ang tanong niya.
“No. At hindi ako interesado sa bagay
na yan.” Ang seryoso kong sabi.
“Gab please, I want to share this with
you..” ang pagpupumilit niya.
“Why?”
“You’ll know why kapag na-ikwento ko
sa iyo.”
Hindi ako agad naka-sagot sa sinabi
niya. Pero aaminin ko, kahit papaano ay interesado din akong malaman ang bagay
na iyan, hindi ko lang alam kung bakit.
“Ok. I will listen.” Ang pagpayag ko.
“Thanks Gab.” Ang sabi niya.
Sumama ako sa Papa ko noong nagpunta
siya ng Maynila para ayusin ang ilang trabho niya. Papauwi na kami noon ng may
isang batang babae ang biglang tumawid, nabundol namin ang bata at dinala namin
agad ito sa ospital. At ang batang ito ay si Ely.
====PAGLALAHAD NI ELLA NG NAKARAAN====
Sa Ospital..
“Doc, kamusta po ang bata?” ang tanong
ni Papa.
“Ayos naman siya, hindi masyado
matindi ang banggang tinamo niya. Bukas na bukas din ay makakalabas na ang
bata.”
Nang puntahan namin ang bata ay..
“Iha, kamusta ka?” ang sabi ni Papa.
“O-ok lang po.”
“Bukas na bukas din ay makakalabas ka
na. San ka pala nakatira at anong pangalan mo?”
Hindi siya kaagad nakakibo. Parang
iniisip pa kung saan siya nakatira at kung ano ang pangalan niya.
“H-hindi ko po matandaan ehh. Wala po
akong maalala.”
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni
Papa.
“S-sigurado ka ba iha? Isipin mo
mabuti.” Ang sabi ni Papa.
“Hindi ko po talaga matandaan..” ang
sabi niya.
Umupo si Papa sa silya at nadako ang
mga mata nito sa gamit ni Ely.
“Iha, hindi mo ba talaga maalala o
naglayas ka lang?” ang diretsong tanong ni Papa sa kanya.
Kita ko naman ang paglaki ng mata ni
Ely at sabay sabing.
“H-h-hindi!!! Hindi!! H-hindi ko po
talaga maalala kung saan ako nakatira at kung ano ang pangalan ko.” Ang
nanginginig na sabi nito.
Dahil dito, napag-desisyonan ni Papa
na patirahin muna si Ely sa isang kaibigan niya dito sa Maynila. Mag-asawang
hindi magkaanak ang mga ito kaya naman isang sabi lang ni Papa ay napapayag
niya ito.
Ang pansamantala ay naging permanente
gawa ng wala daw maalala si Ely at nakiusap ito na doon na lang siya tumira.
Iyon din ang naging dahilan kung bakit ko siya naging bestfriend.
====KASALUKUYAN====
Hindi ko alam kung ano ang magiging
reaksyon ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kahit papaano ay nagkaroon
ng kaunting kirot dito sa puso ko, dapat wala akong pakielam kay Ely at sa
nakaraan nito pero hindi ko maintindihan kung bakit.. Kung bakit parang
apektado ako.
“So bakit mo ito kinukwento sa akin?”
ang bigla kong naitanong kay Ella.
“Gab, bata pa lang si Ely wala na
siyang mga magulang, naghahanap siya ng kalinga nito. Naghahanap siya ng
pagmamahal.”
“Pfffttt!! Naghahanap ng pagmamahal
pero naglayas.” ang banat ko dito.
“Tama ka Gab. Naglayas siya.” Ang
pagbunyag ni Ella.
“Ha!??!!?’ ang bigla kong nasabi.
“Noong akala naming namatay ka, inamin
sa akin ni Ely ang katotohanang naglayas siya. Totoo din ang hinala ko na noon
pa man na hindi totoong may amnesia siya, simula’t sapul pa lang ay alam niya
ang pinanggalingan niya.”
“So what’s her purpose? Bakit siya
nagsiunungaling?”
“She want’s to find her REAL Parents
Gab, tinalikuran niya ang.. ang isang taong nagpalaki sa kanya, sa kabila ng
luho’t yaman na binibigay nito, pinili ni Ely na hanapin ang mga totoong
magulang niya. Kahit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.”
“Bakit, Sino ba nag-alaga sa kanya?”
“Hindi ko alam.. Hindi niya sinabi..
ang nasabi niya lang ay.. kapamilya niya din ito.. pero.. naka-away ang mga
magulang niya.”
Tahimik.. tanging hampas ng karagatan
lang an aming nadidinig.
“I’m telling this to you because I
want you to forgive her Gab. Gusto kong patawarin mo na siya. Nagawa niya lang
yun dahil sa pangungulila sa pagmamahal.”
“Bakit ako Ella, hindi ba ako
nangungulila sa pagmamahal? Hindi ba ako naghahanap at nagnanais noon??” ang
paglakas ng boses ko.
“Gabriel, ang kaibahan niyo ay ikaw,
may mga magulang ka! Siya wala Gab! WALA!! PINAGKAIT SA KANIYA IYON!” ang sigaw
ni Ella sa akin.
“Pero hindi tama yung ginawa niya!!
Inahas niya si Jared!! Malandi siya!!” ang sigaw ko dito.
“Ganyan ka na ba ngayon!?!? Sarili mo
na lang ba pinapakinggan mo ha! Gab?? Ganyan ka na ba?? Ang SELFISH MO!!” ang
sigaw niya sa akin.
Parang nagising ang dati kong sarili
sa mga sinabi ni Ella, parang bumalik ang salitang
“Pag-unawa” sa akin.
Hindi pa ako nakakakibo ng biglang may
tumawag sa Cellphone ko. Pagkatingin ko ay si Aling Minda pala ang tumatawag.
“Yes Aling Minda?”
“Gabriel.. Pwede ba tayo mag-usap
anak?” ang mahinahon ngunit seryoso niyang sabi.
“Sige po, papunta na ako diyan.” Sabay
end call.
“S-Sige Ella.. Mauna na ako..” ang
sabi ko sabay baba sa inuupuan namin.
Bago pa man ako tuluyang makaalis ay
lumingon ako sa kanya at..
“Ella, Sorry ha? It’s just that—“
hindi ko natapos dahil.
“It’s just that your heart is full of
hatred Gab.” Ang matigas na sabi niya.
Lumingon siya sa akin at nakita ko ang
namumuong luha sa mga mata nito.
“Saan mo dinala ang Gabriel na kilala
ko? Ano bang nangyari sa iyo Gab??” ang naiiyak niyang sabi.
“Ella…”
“Nasaan na yung Gabriel na maunawain?
Yung Gabriel na mabait? Yung Gabriel na laging nakangiti kahit patong-patong na
yung problema niya? Nasaan na yung Gabriel na mapagpatawad? Nasaan na yung
Gabriel na Minahal ko at Minahal ng kuya ko??” ang sabi niya sabay patak ng
luha nito.
“Ella ako pa rin ito..” ang bigla kong
nasabi, kahit alam kong.. hindi.
“Hindi… Hindi ikaw yun..” ang matigas
niyang sabi.
“Ella..” ang nasabi ko na lang, ramdam
ko din ang namumuong luha sa mga mata ko.
“Tama nga yung sinabi mo kay Kuya.
Patay na si Gabriel. Namatay siya sa building na iyon.”
“Ella.. I-I’m sorry..” ang sabi ko
kasabay ang pagpatak ng luha ko.
“You should be SORRY FOR YOURSELF GAB!
Ay mali.. ERICK!” ang sabi niya sabay lakad paalis.
“Ella wait.” Sabay hawak sa kanyang
braso.
Ngunit humarap siya at kasabay nito ang
pagbitiw niya ng isang malakas na sampal na bumagsak sa mukha ko.
Para akong naging istatwa pagkatapos
niyang gawin iyon. Hindi ko akalaing magagalit ng ganoon katindi si Ella sa
akin.
……….
Pauwi na ako noon at hindi at hindi
matahimik ang kalooban ko. Hindi maalis sa isip ko ang mga binitiwang salita ni
Ella.
“Ano bang nangyari sa iyo Gab??” ang
tanong ko sa sarili ko.
Pagpasok ng bahay ay nakita kong
naka-upo si Aling Minda sa sofa.
“Aling Minda bakit po kayo napatawag
kanina?” ang tanong ko dito.
“Maupo ka..”
Tahimik akong naupo sa sofa, ramdam ko
na merong mahalagang sasabihin sa akin si Aling Minda, ramdam ko din ang
matinding tension na bumabalot sa lugar.
“Ano bang nangyari sa inyo ni Ace
kanina?” ang pagbasag niya ng katahimikan.
Hindi ako agad nakakibo sa tanong na
iyon, malamang nagsumbong si Ace sa kanya.
“So sumbungan na pala kayo ngayon
Aling Minda.” Ang medyo mataray kong sabi.
“Hindi siya nagsumbong, nakita ko lang
na namumula ang mata ni Ace pagka-uwi niya dito.” Ang sabi nito.
“At bakit naman po ako ang naisip
niyong dahilan?”
“Anak, kilala ko si Ace, hindi yan
iiyak ng basta-basta. Ikaw lang ang nakakapag-paiyak sa batang yan.”
Hindi ako kumibo, ilang sandali ay
sinagot ko siya ng..
“Aling Minda, kung ano man po ang napag-awayan
namin, iyon ay dahil siya ang may kasalanan. Mas naniniwala pa siya sa
demonyong Steph na iyon kesa sa akin.”
“Sige Gabriel, sabihin na nating may
kasalanan siya. Pero anak, ikaw ba wala?” ang tanong niya sa akin.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” ang
tanong ko nman dito.
“Anak, lahat kami napansin ang
malaking pagbabago mo simula ng umuwi ka galing US. Hindi lang sa panlabas
kundi.. kundi sa panloob. Nagbago na ang ugali mo.. Ibang-iba ka na anak.” Ang
malungkot na sabi ni Aling Minda.
“Aling Minda—“ hindi ko nataos dahil.
“Gabriel, naiintindihan ko... Ang
galit mo.. Galit mo sa mga taong nanakit, at nang-alipusta sa iyo. Pero hindi
mo ba naiisip, yang si Ace, wala naman yang ginawa kundi mahalin ka eh. Wala
siyang ginawa kundi protektahan ka at ilayo ka sa mga taong nakapanakit sa iyo
noon. Yung mga magulang mo, wala silang galit sa puso nila, ang alam lang ng
mga magulang mo ay ang mahalin ka at unawain ka pero anong ginawa mo anak?
Tinaboy mo sila, sinabi mong hindi mo sila kilala.” Ang seryosong sabi ni Aling
Minda.
Para akong natauhan sa mga sinabi
niya, tulala, balisa, yan ako ng mga oras na iyon. Nagulat din ako dahil alam
ni Aling Minda ang nagawa ko sa mga magulang ko, siguro ay nasabi ito ni Ace sa
kanya.
“Alam mo Gabriel, sa totoo lang… wala
na akong tiwala sa iyo. Kasi hindi na ikaw ang mabait na batang nakilala ko.”
“Aling Minda.. Ako pa rin po ito si
Gab.” Ang naiiyak na sabi ko sa kanya sabay lapit dito.
“Ang Gabriel na kilala ko ay
punung-puno ng pagmamahal, puno ng positibong pananaw at pag-iisip. Ang Gabriel
na kilala ko ay marunong makipag-kapwa tao, at marunong umintindi sa
nararamdaman ng iba.. Ang Gabriel na kilala ko ay mapag-kumbaba, hindi
mapag-mataas.”
Tiningnan niya ako at sabay sabing..
“Pero ikaw..”
“Masyado ka naging mapagmataas. Hindi
ka na marunong makipag-kapwa tao, hindi mo man lang naisip na meron ding mga
pakiramdam yung mga taong nasasaktan mo, kahit ba sabihin mong nasaktan ka din
nila, sana naisip mong may mga pakiramdam din sila. Yung kay Steph, sinira mo
ang kabuhayan nila Gabriel, hindi ka tumigil hangga’t hindi ito sumasadsad sa
lupa. Puro paghihiganti na lang ang nasa-isip mo anak.. Wala na bang puwang ang
Awa.. at Pagmamahal sa iyo?? Ano bang
nangyari sa iyo??” ang medyo matigas na sabi ni Aling Minda.
Natahimik ako sa mga katagang
binitiwan ni Aling Minda, parang kutsilyong paulit-ulit na sumasaksak samga
puso ko ang salitang iyon. Tama siya, nagbago na ako. Ibang-iba na ako.
“Tuluyan na bang nawala ang Gabriel na
punung-puno ng pagmamahal? Kasi sa nakikita ko… Wala na ehh… Wala ka ng tiwala
doon.. Parang wala na lang sa iyo yun.. Puro Galit.. Puro paghihiganti na lang
ang natira sa iyo.”
“Aling Minda.. H-h-hindi po totoo
yan..” ang sabi ko.
Tumayo si Aling Minda at umalis
papunta sa kwarto nila. Bago pa man siya tuluyang makaalis ay..
“Anak.. Sana lang, hindi dumating ang
araw.. na kinatatakutan ko para sa iyo.. Ang araw na.. na magigising ka na
lang.. wala na ang lahat sa iyo..” at tuluyan siyang umalis.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko na
kanina ko pa pinipigil, umakyat ako ng kwarto at nadatnan kong wala doon si
Ace. Hindi ko namalayan, humarap ako sa salamin, tiningnan ko ang sarili ko.
Nakita ko sa salamin ang isang
lalaki.. Isang lalaking… Hindi ko kilala… Oo ang ganda ng ayos ng lalaking ito,
wala kang maipipintas sa panlabas niyang kaanyuan, pero ng tingnan ko mabuti
ito.. nakita ko ang matinding poot na nasa loob niya.. Poot na unti-unting
kumakain at pumapatay sa dati niyang pagkatao.
“You know what? You’re much better 3
years ago.. Kasi.. Kahit ganoon yung taong yun, kahit medyo madungis siya,
kahit madaming kapintasan sa kaniya… mahal na mahal siya ng mga taong nasa
paligid niya.. ng mga taong mahal niya.. Ngayon?? Wala.. Lahat.. Galit sa iyo..
Lahat.. kinamumuhian ka..” ang sabi ko habang nakaharap sa salamin at tuluyan
na akong Humagulgol.
Unti-unting nag-flash back sa isip ko
ang mga nagawa kong mali simula ng umuwi ako galing US.
Muli ay tumingin ako sa salamin at
sabay sabi ng..
“Ako si Gabriel… Gabriel Alvarez
Montenegro ang pangalan ko… Mabuting tao ako.. Mapagmahal… Maunawain…
Mapagpasensya… Mapagkumbaba…. At hindi
marunong manakit ng iba..” ang sabi ko habang umiiyak na parang bata. Parang
noon kapag inaapi ako.
Pero ng muli kong maisip ang mga
nagawa kong mali ay..
“Mabuting tao pa ba ako??
Mapagpakumbaba pa ba ako?? Mapagpasensya pa ba ako?? Nauunawaan ko pa ba ang
nararamdaman ng ibang tao o sarili ko na lang nag iniisip ko?? May natitira pa
bang pagmamahal dito o puro galit at poot na lang???” at lalo pang lumakas ang
pag-iyak ko.
Hindi ko namalayan at kinuha ko ang
Flower vase na nasa tabi ko at binato iyon sa salamin. Nabasag ito at kasabay
noon ay nag pagluhod ko sa kinatatayuan ko.
Muli ay tiningnan ko ang salamin,
naalala ko ang eksenang ito 3 taon na nag nakakaraan. Iyon ay nung panahon na
akala ko ay napagtaksilan ako ni Jared dahil kay Ely.
“Diyos ko ano bang nangyari sa akin??”
ang naitanong ko sa sarili ko.
“Diyos ko.. Patawarin niyo po ako..
Sana po maintindihan ninyo.. H-h-hindi po ako masmaang tao.. Hindi po ako
masamang tao..” ang humahagulgol kong sabi.
“Nagagawa ko lang naman po ang lahat
dahil… dahil sa mga pang-aalipusta nila sa akin.. sa pagtraydor ng mga
mahahalagang tao sa buhay ko.. Diyos ko sana po maintindihan ninyo..
Minsan po.. naiisip ko.. tama ba ang
ginagawa ko?? Pero sa tuwing naiisip ko ang mga kahayupan nila sa akin..
naiisip kong.. tama ang ginagawa ko.. dahil lahat ng utang ay binabayaran..”
“Pero bakit ganito?? Ang
lungkot-lungkot ko.. Ang bigat-bigat ng dibdib ko..” at patuloy pa rin akong
umiiyak.
Nasa ganoon akong pag-iyak ng
napatingin ako sa bintana, kasabay nito ay nakakita ako ng wishing star.
Naalala ko ang isang pangyayari sa buhay ko kung saan nakakita din ako ng
ganoon, yun ay ng makilala ko si Jared. Nag-wish ako na sana ay magbago ang
buhay ko at nangyari nga, sobrang daming pagbabago ang naganap.
Pumikit ako at muli ay humiling..
“Sana.. Sana.. Sana mawala na ang
galit na nandito sa Puso ko.. Sana bumalik na ang dating ako.. Sana magising na
ako sa katotohanan.. Sana mamulat na ang mga mata ko sa liwanag.. Sana matapos
na ang lahat ng Poot.. Lahat ng paghihiganti.. Sana matapos na..” ang nasabi
ko.
Pagdilat ko ng mga mata ko ay muli
tumingin ako sa salamin.. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Ilang sandali pa ay may nadinig akong
bumabato ng bintana. Tumayo ako at binuksan ang bintana upang dungawin ang
taong bumabato nito. Nang dungawin ko ang taong iyon ay laking gulat kong si
Jared ito. May dala-dalang sasakyan at may hawak-hawak na parang mega-phone.
Dagdag pa dito na merong bag sa may paanan niya.
“Gab! Halika, bumaba ka..”
“Bakit?? Gabing-gabi na ahh. At bakit
ka ba bato ng bato diyan, pwede mo naman akong tawagan.” Ang sabi ko kasabay ng
pagpunas ko ng luha.
“Hello.. Gabby.. Check your phone,
kanina pa ako tumatawag. O baka naman hindi mo talaga sinasagot?”
Nang tingnan ko ang cellphone ko ay
laking gulat kong nakita ay 31 missed calls mula sa kaniya.
“Sira ulo ka naman kasi ehh..
Gabing-gabi na nambubulabog ka pa.” ang sabi ko.
“Sige na.. Baba ka na dito please?”
ang sabi niya sabay pagpapa-cute.
“Hindi!! Ayoko!!! Umuwi ka na Mr.
Cruz.” Ang sabi ko dito.
“Sige ka, paaandarin ko ito para
mabulabog ang lahat.” Ang tukoy niya sa hawak-hawak niyang parang ginagamit sa
sirena ng bumbero.
“Hoy. Subukan mo lang. At isa pa,
papaano ka ngapala nakapasok yang sasakyan mo dito ha?? Tresspassing ka ahh.”
Ang sabi ko sa kaniya.
“Mamaya ko na ipapaliwanag kung
papaano ako nakalusot sa ‘TIGHT SECURITY’ ng palasyo mo.” Ang pag-emphasize
niya sa salitang ‘Tight Security’.
“Ayoko!!” ang sabi ko.
“Sige.. Sa akin na lang itong mga
ito..” ang sabi niya sabay labas ng isang damit sa bag na nasa paa niya.
“Putcha!!! Akin yan aahh!!” ang sigaw
ko.
“Oo sa iyo ito.. Pati eto ohh..” ang
sabi niya kasabay ng pagbukas niya ng bag at lumitaw ang sandamakmak na mga
damit ko.
“What the--!!!”
“Hahahahaha!! Bleeehhh!!” ang
pang-iinis pa niya.
“Humanda ka sa akin Jared Earl Cruz
pagbaba ko.” Ang banta ko sa kanya kasabay ng pagmamadaling bumaba.
Habang bumababa..
“Papaano siya nakapasok dito?? At ang
malaking tanong ay.. papaano niya nakuha ang mga gamit ko??” ang tanong ko sa
sarili ko.
Nang makarating na ako sa kinatatayuan
niya, kita ko naman na wala na ang mga gamit doon at kita ko din na nakasakay
na siya sa may Driver’s seat.
“Hoy Baliw ka!! Bumaba ka dyan at
ilabas mo ang mga gamit ko!”
“Sige.. Sa Isang kondisyon..”
“Ano?”
“Sumakay ka..”
“Ayoko!!”
“Edi sige..” ang sabi niya sabay
paandar ng sasakyan.
“Hoy!! Pakshet ka akin na ang mga
damit ko!!” ang sigaw ko sa kaniya habang hinahabol ang sasakyan niya.
At hininto niya ang sasakyan, nang
maabutan ko siya ay..
“Ang lakas talaga ng topak mo ano?”
ang sabi ko sabay batok sa kaniya.
“Sakay ka muna.” Ang sabi niya sabay
ngiting nakaka-gago.
“Uuuggghh!!! Ayoko!!”
“Edi sige.. Akin na lang ito.” Ang
sabi niya.
Akmang paaandarin na naman niya ang
sasakyan ay..
“Sige na!! Sige na!! Sasakay na ako!!
Leche naman ohh..”
“Ayan!! Yiihhhiiieee!!” ang sabi niya na
parang na-eexcite.
Nang bubuksan ko na ang pintuan ng
sasakyan niya sa may bandang likuran ay..
“Oooopppssss!!! Hindi diyan.. Dito.”
ang sabi niya sabay turo sa tabi ng driver’s seat. Sa tabi niya.
“Uuuuggghhh!!!!” ang sabi ko kasabay
ng pagdadabog.
Nagpunta ako sa harap at binuksan ang
pinto nito.
“Oh ayan na.” ang sabi ko.
“Sakay.” ang sabi niya.
“Ayaw..” ang pagmamatigas ko.
“Edi sige..” ang sabi niya tangkang
paaandarin nanaman ang sasakyan.
“Oo na!! Eto na!! SIGE NA!!! ANAK NG
PUTCHA NAMAN OHH!!” ang sigaw ko.
“Hahaha!! Ang Cute mo talaga kapag
naiinis. Kaya gustong-gusto kitang bwisitin ehh..” ang sabi niyang natutuwa pa
habang sumasakay ako.
“O nakasakay na ako.”
“Isara mo!” ang sabi niya.
Nang isara ko ang pinto ay tumingin
ako sa kanya, kita ko naman ang Abot tenga niyang ngiti.
“HHHEEEEEEEE!!” ang sigaw ko dito.
“CHHHEEEEEEE!!” ang sigaw naman niya,
with matching arte-arte ng pag-pronounce ng ‘che!’
“Yack!! Di bagay sa iyo!”
“Nye! Nye! Nye!” ang pang-iinis niya.
Ginagaya niya kasi ako noon kapag naiinis ganyan ang reaksyon ko.
“Oh.. Ang gamit ko, asan na.”
Ngunit imbis na ibigay ang mga gamit
ko ay bigla niyang pinaandar ang sasakyan, papuntang exit ng Mansion ko.
“Hhhhhoooyyyy!! Talaga palang ang
lakas ng topak mo ehh ano??” ang pagsisigaw ko.
“Hahahaha!! Ngayon wala ka ng kawala.”
Sabi niya sabay ngiting pilyo. Hhhmmm..
“Oh well.. Tingnan natin kung
makakalabas ka ng Gate ko at ng Compound namin.” Ang pagyayabang ko.
Pero laking gulat ko ng nasa may Gate
na kami ng Bahay ko. Pagtapat ng sasakyan sa Gate ay binuksan ito ng security
at sumigaw pa ng.. “Enjoy Sir!!”
“What the heck!?!?” ang sigaw ko.
“Hahahahaha!!”
Nang makarating kami sa Gate ng
compound ay ganun din, pinalabas si Jared ng walang kahirap-hirap, walang
sabi-sabi.
“Paano nangyari iyon??” ang tanong ko.
“Alo pa!!”
“For God’s Sake Jared, this si
Kidnapping.”
“For God’s Sake Jared, this si
Kidnapping.” ang pag-gaya niya sa akin.
“I’m serious, kakasuhan kita!!
Kidnapping at.. pagnanakaw!!” ang sigaw ko dito.”
“Sige.. Edi kasama sa kaso si Enso.”
“Ha!?!?” ang gulat na gulat kong sabi.
“Si Enso ang nagpapasok sa akin sa
Palasyo mo. Si Enso din ang nag-empake ng mga gamit mo.”
“So kakuntsaba mo pala ang bata.”
“Hindi na bata yun, damulag na iyon.”
Ang sabi ni Jared.
“Whatever. Saan mo ba kasi ako
dadalhin??”
“Sa Langit.” Ang sabi niya sabay
ngiting nakaka-gago.
“Pota naman ehh!! Saan nga!!” ang
pagsisigaw ko.
At tawa siya ng tawa sa reaksyon ko.
“Sige tumawa ka pa..”
“Ang sarap mo kasing inisin.”
“SAAN NGA TAYO PUPUNTA!?!?” ang sigaw
ko na dito.
“Basta.. Magugustuhan mo ang lugar na
ito.”
“Ayoko! I-uwi mo n ako.” Ang sabi ko.
At hininto niya ang sasakyan..
Paghinto ng sasakyan ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko sabay sabi ng..
“Gab.. Please?? Hayaan mong makasama
kita ng ilang araw.. Please, kahit ngayon lang…” ang pagmamakaawa nito.
Kita ko ang pagka-seryoso ng kanyang
mukha, naisip ko din nab aka eto na ang umpisa ng pagbabagong hiniling ko
kani-kanina lang kaya..
“O sige na!!”
“Yes!! Thank you Gabby ko!!” ang sabi
niya sabay kiss sa pisngi ko.
Sa totoo lang, nakaramdam ako ng
kuryente doon. In short, kinilig ako. Haayy..
Ilang sandali pa ay napansin kong
tumigil kami sa isang lugar na hindi ko ine-expect.
“Wait.. Bakit tayo nandito?” ang
tanong ko.
“Anong nandito?” ang tanong niya.
“SA AIRPORT!!!!” ang sigaw ko sa
kanya.
Kita ko naman na tawang-tawa siya sa
naging reaksyon ko.
“Basta, may pupuntahan tayo.” Ang sabi
niya sabay kindat.
“Saan??”
“Basta.. Sama ka na lang sa akin.”
At ayun na nga, pumasok kami sa
Airport, dala-dala ang mga gamit namin. Pansin ko na napakalaking Bag ang
inihanda ni Jared para sa aming dalawa. Nagulat din ako ng inilabas ni Jared
ang Passport ko.
“What the heck!?!? Nasa iyo yan?”
“Oo, pinahanda ko kay Enso.”
Habang nag-hihintay ng flight, kita ko
na meron siyang inilabas na dalawang plane ticket at agad din niyang binalik
ito sa bag.
“Jared, san mo ba talaga ako dadalhin
ha?” ang medyo naiirita ko ng sabi.
“Basta.. Gusto ko, malalaman mo na
lang kapag nandoon ka na.” sabay ngiti.
“Eh papaano ba yan, pwede kong makita
yan sa ticket ko.”
“Nope! I’ll hold your ticket.”
“Edi itatanong ko sa Flight attendant
or kahit sinong Staff.”
Tiningnan niya ako at sabay sabi ng..
“Kapag ginawa mo yan, hindi mo
malalaman ang kasagutan sa tanong mo.” Ang pananakot niya.
“At ano naman yan ha? Wala naman akong
tinatanong sa iyo ahh.”
“Di ba gusto mong malaman ang ama ng
anak ni Ely?” ang diretsong sabi niya.
Para akong naging istatwa sa nadinig
ko, iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
“P-pwede ko naman tanungin mismo yank
ay Ely.”
“Kapag ginawa mo yan.. OR!! Kapag
tinanong mo kahit kanino dito kung saan tayo pupunta, ibig sabihin hindi mo ako
mahal.. Ibig sabihin.. wala na talaga Gab..” ang sabi niya.
Ewan ko kung bakit niya sinabi
iyon.Pero sa totoo lang ay natakot ako. Dahil ang totoo niyan ay mahal na mahal
ko siya. Kaya naman sumunod na lang ako, nagpasak ako ng earphone at nakinig na
lang ng kanta. Pero naisip ko din na malalaman ko yan kapag nag-board ang
plane.
“Hay!! Ewan!!” ang sabi ko sa isip ko.
Makalipas ang ilang oras ay..
“Gab, tara..” at hinatak niya ako
papunta sa isang Gate.
Dire-diretso kami papasok ng eroplano.
Sa bungad nito ay binate kami ng mga flight attendant.
“Good Evening Mr. Erick Alvarez and
Mr. Jared Cruz.” Ang bati sa amin.
Nagulat ako dahil kilala ko ang mga
flight attendant na iyon, iyon ay ang mga nag-seserve sa akin kapag nagpupunta
ako sa iba’t-ibang bansa sa private plane ko. At mas nagulat nang makapasok ako
sa loob ng eroplano, dahil……
“Jared.. Is this.. WAIT!!! Eto yung
Private plane ko ahh.” Ang gulat na gulat kong sabi.
“That’s right! Eto din yung sinakyan
mo pauwi galing US di ba?” ang sabi niya.
Tiningnan ko siya bakas sa mukha ko
ang pagkagulat sabay sabing..
“Papaano mo nalaman yan?? At papaano
mo nalaman na may private plane ako?? Papaano mo din nakuha ito para sa atin??”
ang hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Imbis na sumagot ay tuimingin siya sa
mga mata ko kasabay ang paghawak sa kamay ko. Hinawakan naman ng isa pa niyang
kamay ang mukha ko sabay sabing..
“Kung mahal mo ang isang tao, kahit
mahirap, kahit impossible, lahat gagawin mo para mapaligaya siya.” Ang sabi niya
sabay ngiti.
Ako naman ay kilig na kilig, iniwas ko
ang tingin ko sa kanya at dinako sa bintana.
“Uuuyyy… Nag-bublush ang Gabby ko.”
Ang pang-aalaska pa niya.
“Baliw!” sabay batok dito.
“Papaano nga nangyari ito??” ang medyo
malakas kong tanong sa kaniya.
“Habang ginagawa ko ang office work
ko, nag-reresearch ako about sa company mo.. At sa iyo. Natuklasan kong hindi
lang basta mga Hotel ang negosyo niyo, ang kumpanya niyo ay nagmamay-ari din ng
isang sikat na Mall. Dagdag pa dito ang kinagulat ko, may-ari din kayo ng isang
Airline. Nabanggit din ni Enso sa akin na eto daw ang sinakyan niyo papuntang
US at eto din ang sinakyan mo pauwi. Nakuha ko naman ito dahil din kay Enso,
kilala siya dito so hindi naging mahirap ang lahat.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Hindi na lang ako nakakibo. Syempre,
na-touch ako sa ginawa niya, ibang klaseng surprise ito ha! Hehehe. Habang nasa
byahe, excited na ako malaman kung saan ba talaga kami pupunta. Hindi ko
tinanong sa mga flight attendant kung saan ang destination namin gawa ng.. ayun
na nga, meron akong gustong malaman. At.. Mahal ko naman kasi siya ehh..
Ahihihi!!!
Wala kaming ginawa sa eroplano kundi
magkwentuhan, magkulitan, maglaro sa laptop niya, at kung anu-ano pa. Magkatabi
din kami… natulog.. Hehehe. Uuuyyy. Wag malisyoso, mabait kami. Hehehe.
Kinabukasan, matapos ang ilang oras na
byahe, sinabihan kami ng isa sa flight attendant na dumungaw sa bintana dahil
mag-lalanding na kami sa aming destinasyon.
Bago ako dumungaw ay..
“Jared, ok lang ba?”
“Ang ano?”
“Ang.. dungawin ko.. kasi kapag
dinungaw ko ito, malalaman ko na kung nasaan tayo.”
“Uuuuyyy.. Mahal nga niya ako!
Hehehe.” Ang sabi niya sabay ngiting nakaka-gago na labas ang dimples. Shit!
“Hoy Mr. Cruz!! Wag kang Assuming!!”
“Hahahaha!! Eto naman Joke lang..” ang
sabi niya na ngiting-ngiti.
“Pero totoo naman.” Ang bulong pa
nito.
“Ano!?!” ang pasigaw kong tanong sa
kaniya.
“Wala!! Sige na tingnan mo na.”
Nang dungawin ko ang bintana ay laking
gulat ko sa aking nakita. Bumungad sa akin ang World’s Famous Eiffel Tower.
Nakaramdam ako ng sobrang excitement dahil this time, kasama ko ang taong mahal
ko. Haayyy.. Exiciting di ba?
“We’re… we’re… in.. the.. Most
beautiful City in the world!?!?!” Ang gulat na gulat na sabi ko.
“Meron pa.” Ang sabi niya sabay ngiti.
Tumingin ako sa kanya bakas pa rin sa
mukha ang pagkagulat.
“Ano naman?” ang tanong ko dito.
“Paris is also called the CITY OF
LOVE.” Sabay ngiting nakaka-gago.
Aaminin ko, medyo kinilig ako sa
sinabi niyang iyon. Pero kahit ganoon ay hindi ko pinahalata ito, tumingin ako
sa malayo at sabay sabing..
“I know..” ang sabi ko na lang.
“Yeah, but this time, hindi ka lang
basta nasa City Of Love.”
“At bakit??” ang medyo mataray kong
tanong dito.
“Dahil mararamdaman mo ang pagmamahal
dito.” Sabay ngiting nakakagago at kurot sa pisngi ko.
“Aaaarrrraaayyyy koo!! Putcha ka
masakit!” ang sigaw ko.
“Nye! Nye! Nye!” ang pang-aasar niya
sabay dila pa.
“Sarap mo talagang bwisitin.” Ang
dagdag pa niya.
“Ewan ko sa iyo.”
Ganyan kami magkulitan ni Jared, yun
bang.. Parang kami dati 3 years ago.
Nang makababa na kami ng Eroplano ay..
“O saan tayo ngayon? At nasaan na ang
mga gamit natin?”
“Pina-diretso ko na yung mga gamit sa
tutuluyan natin.”
“At saan naman iyon?”
“Basta.. O tara na.”
“Saan tayo?”
“We’re on Paris, and we’re having our
adventure.”
Sa loob ng labing apat (14) araw ay
inikot namin ang iba’t-ibang lugar sa Paris. Napadpad din kami sa katabing mga
bansa nito gaya ng Spain at Germany. Naging masaya ang bakasyon namin, nawala
ang lahat ng iniisip at inaalala ko. Nakalimutan ko ang mga problema ko, pati
na rin ang galit sa puso ko. Ngapala, tumuloy kami sa bahay ko dito sa Paris,
doon kami nanirahan sa loob ng 14 araw.
Huling araw na namin noon at nasa
tuktok kami ng Eiffel Tower.
“Papaano ba yan, uuwi na tayo bukas.”
Ang sabi niya.
“I know.” Ang sabi ko.
“Sa 14 days na nandito tayo, Nag-enjoy
ka ba Gab?”
“Of course.. At mas nag-enjoy ako
dahil..”
“Dahil ano?” ang tanong niya.
“Dahil..”
“Dahil?? Dahil??” ang sabi niya habang
nakangiti.
“Dahil kasama kita.” Ang hindi ko
napigilang sabihin sa kaniya.
Kita ko naman na napangiti siya sa
sinabi ko.
“Paki-ulit nga!” ang sabi nito.
“Ayoko!”
“Hehehe. Pero mas masaya ako dahil
kasama ko ang pinakamahalaga at pinakamahal kong tao.” Ang sabi niya sabay
ngiti na labas ang dimples.
Hindi na lang ako kumibo, imbis ay
tinuon sa malayo ang tingin ko.
“Gab.. I want to give you something.”
Ang sabi niya.
“Ano iyon?”
Iniabot niya ang kamay niya at
binuksan ito.
“It’s.. It’s..” ang sabi ko.
“It’s our ring.” Ang sabi niya.
Kinuha niya ang kamay ko at sinuot
ito.
“Jared.. Why are you doing this?”
“Kasi alam ko.. Alam kong bumalik ka
na.. Alam kong ikaw na ulit si Gab. Ikaw na ulit ang taong minahal at mamahalin
ko habang buhay.”
“Jared..”
“Gab.. Please answer my question.
Mahal mo pa rin ba ako?” ang diretsong tanong niya.
Napatulala ako sa kanya sa mga oras na
iyon, hindi ko akalaing didiretsuhin niya ako ng ganoong tanong.
“Jared please..” ang nasabi ko na
lang.
“Just answer my question Gab. Hanggang
ngayon mahal mo pa rin ba ako?”
Hindi makapagsalita.
“I..” ang sabi ko.
“Gab.. Look at me.. Tingnan mo ako sa
mata.. Sabihin mo kung mahal mo pa rin ba ako.”
Tiningnan ko siya sa mata, sa napakagandang niyang mata.
“Buhay na buhay talaga ang mga mata
niya, ang amo-amo, at.. nag-sspark.” Ang sabi ko sa sarili ko.
“Oo Jared.. Hanggang ngayon.. Mahal na
mahal pa rin kita.” Ang naiiyak kong sabi sa kaniya.
Nakita ko ang napakatamis niyang
ngiti, hindi ko pa nakita ang ngiting ito kahit dati. Hinalikan niya ako sa
noo, at pagkatapos ay yinakap niya ako ng mahigpit.
“I love you too Gab.. I love you so
much.. Ang tagal-tagal kong hinintay na sabihin mo ulit ito sa akin.. tatlong
taon Gab.. Tatlong taon akong nangulila sa pagmamahal mo, kahit akala ko ay
wala ka na, umasa pa rin akong isang araw ay babalik ka at sasabihin ang mga
katagang iyan.”
“Kahit kailan Jared.. Kahit kailan
hindi nagbago ang nararamdaman ko. Sa kabila ng poot, sa kabila ng galit, hindi
nawala ang pagmamahal ko sa iyo at kahit kailan, hindi na mawawala ito.”
At tuluyan na akong umiyak.
Naramdaman ko din ang luha niya na
tumulo sa ulo. Kumalas kami sa pagkakayakap at pagkatapos ay hinalikan niya ako
sa labi. Makalipas ang tatlong taon, muli kong natikman ang halik ni Jared, mas
maalab, mas nakakakuryente, mas masarap.
Pagkatapos ng halik na iyon ay
tumingin kami sa labas, napakalawak, kitang-kita ang buong Paris sa lugar na
iyon. Nasa ganoon akong pagtingin ng bigla niya akong yinakap.
“Jared.. Gaano mo ako kamahal?” ang
bigla kong naitanong.
“Tingnan mo ang nasa harapan mo, ang
lawak niyan di ba? Pero hindi mo pwedeng ikumpara yan sa nakikita mo ngayon.
Because my love for you is boundless, limitless, endless.” Ang sabi niya sabay
halik sa noo ko.
Ngumiti lang ako at hinawakan ang
braso niya.
“I love you too Jared. No matter how
much hatred that I had in my heart, My love for you will always be enough for
me to overcome that hatred.”
Pagkasabi ko noon ay naramdamaan kong
mas naging mahigpit ang yakap niya sa akin.
“I’m so sorry.. Dahil sa akin..
Nagkaganyan ka.. I’m so sorry Gab.”
“Don’t say that may kasalanan din ako..”
“Hindi.. ako talaga eh.” Ang
pagpupumilit niya.
“Sssshhh… Tapos na iyon. Ang
importante ay ngayon. I Love you Jar-jar.”
At natawa naman siya sa tawag ko sa
kanya.
“Wow! Jar-jar! Namiss ko yun ah.
Hehehe.”
“Naman!”
“Hehehehe. I Love you too Gabby ko.
Basta lagi mong tatandaan…” at napahinto siya.
“Ano?” ang tanong ko.
“Lagi mong tatandaan.. Kung gaano kita
ka-mahal. Kahit anong mangyari, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko.”
At muli ay binigyan ko siya ng isang
halik.
……….
……….
……….
Sa kwarto ng bahay ko, naka-ayos na
kami at matutulog na ng..
“Gab..”
“Yes?”
“May sasabihin ako sa iyo…”
“Ano?”
Napabuntong hininga siya at pagktpos
ay tumingin sa akin.
“Yung batang dala ni Ely..”
Nakaramdam ako ng matinding kaba at
takot sa mga katagang iyon. Hindi na ako nakapag salita dahil parang alam ko na
ang sasabihin niya.
“A-anak ko siya Gab. He’s my son.” Ang
malungkot niyang sabi.
Dahil sa sinabi niya nabalot ng
katahimikan ang buong kwarto. Ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan.
“I’m so sorry Gab.. N-n-noong mga
panahon ng pangungulila ko sa iyo, ay.. m-may nangyari sa amin ni Ely. Kung
matatandaan mo sa pool di ba? nasabi ko na yan.” Ang sabi niya kasabay ang
pagtulo ng luha nito.
Tiningnan ko lang siya, hindi pa rin
ako makakibo.
“Nangyari yun bago.. bago siya umalis
papuntang states. At inamin niya sa akin na kaya siya nagpuntang states ay para
itago ang bata at wag ng sabihin sa akin.. kaso….” Hindi niya natapos dahil.
“Sshhh.. Jared.. tanggap ko… Tanggap
ko.. Wag ka ng umiyak please..” ang pang-aamo ko sa kanya.
Para siyang batang inagawan ng
lollipop sa itsura niya. Ako naman ay parang kuya niya na inaamo siya.
“Gab.. Hindi lang iyon ehh..”
“Ano??”
Hindi siya agad nakakibo.. Ilang
sandali pa ay..
“Kailangan kong pakasalan si Ely..”
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment