by: White_Pal
Part 16: "The False One and The
True One.."
Hindi ako nakakilos sa halik niya.
Mainit ang kanyang mga labi kahit na kami’y nasa ilalim ng tubig. Langhap ko
ang mainit niyang hininga sa aking bibig. Nakukuryente ako sa bawat galaw ng
kanyang kamay na nasa mukha ko, kasama dito ang bawat galaw ng kanyang labi.
Ramdam ko ang sabay na pagpintig ng puso naming dalawa. Napaka-sarap niyang
humalik, ramdam ko ang isang pagmamahal na matagal ko ng hindi nararamdaman.
Pero alam ko sa sarili ko na isa pa rin ang sinisigaw ng puso ko, yun ay walang
iba kundi si Jared.
Nang bumalik ako sa aking katinuan
gawa ng hindi na ako makahinga sa ilalim ng tubig ay tinulak ko siya palayo.
Pagkatulak ko sa kanya ay tinulungan niya akong umahon sa swimming pool.
Nang maka-ahon na kami ay nakita ko
siyang tulala, alam ko nagulat din siya sa ginawa niya. Sa totoo lang feeling
ko nabastos ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. Hindi ko alam kung bakit
ganito ang nararamdaman ko basta feeling ko naapakan ang pride ko.
Maya-maya ay tumayo ako at
nagmamadaling umalis ngunit hinawakan niya ang kamay ko.
ACE: “Gab.. Sorry..” ang pagmamakaawa
niya.
Ngunit isang suntok lang ang ginanti
ko sa kanya at tumilapon siya sa swimming pool. Agad naman akong nagtatatakbo
palayo.
Dumaan ang mga araw at balisa pa rin
ako sa nangyari, hindi ako makapag-trabho ng maayos at hindi ko rin magawang
matulog ng mahimbing gawa ng bumabagabag sa isip ko si Ace. Hindi ko alam kung
bakit ko nararamdaman ito, hindi ko alam kung ano basta naguguluhan ako.
Isang araw habang naghuhugas ng
pinggan,
ACE: “Gab.. Can I talk to you???”
AKO: “Sir marami po akong ginagawa..”
ang nasabi ko gawa ng naiilang pa rin ako sa kanya.
ACE: “Di ba sinabi ko ng wag mo akong
tatawaging Sir?? At tsaka bakit mo ba ako iniiwasan??”
AKO: “Hindi kita iniiwasan. Marami
lang talaga akong ginagawa.”
ACE: “Gab.. please mag-usap tayo??”
ang nasabi niya sabay hawak sa braso ko.
Sa pagkadinig ko sa katagang iyon at
sa paghawak niya sa braso ko ay naalala ko ang isang taong nakikiusap din sa
akin na mag-usap kami ngunit hindi ko pinakinggan. Iyon ay walang iba kundi si
Jared. Haayyy..
Sa pagkakataong ito, parang nakikita
ko si Jared kay Ace. Naalala ko ang mukha ng taong mahal ko na nakikiusap na
pakinggan siya. Dahil nga sa naalala ko si Jared at kahit papaano ay nagsisisi
naman ako sa ginawa ko na hindi makinig sa kanya ay..
AKO: “Ok sige.. Ano ito Ace??” ang
sabi ko sabay tigil sa paghuhugas ng pinggan.
ACE: “Gab.. nung isang araw..” hindi
niya natapos dahil sumagot ako agad.
AKO: “Ayokong pag-usapan yun please..”
ACE: “Gab.. makinig ka please.. Yung
ginawa ko.. Totoo yun.. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa iyon pero isa lang
ang alam ko Gab.. You’re Special, You’re one of a kind, What you see is what
you Get.. That’s you.”
Hindi naman ako nakapagsalita dahil
may naalala ako..
=====FLASH BACK=====
Naalala ko na nakatambay kami sa may
rooftop ng Hotel na lagi naming pinupuntahan kapag wala kaming magawa.
AKO: “Nagtataka lang ako Jared.. Bakit
ako ang napili’t minahal mong mokong ka ha??? Dami namang iba diyan! Ayan nga
oh yung mga babaita mong fans nagagandarapa sa iyo. Tapos eto ka nagmahal sa
isang lalaki, at isang Gabriel Montenegro lang na Clown at pinagtatawanan ng
lahat.”
JARED: “Gab.. Hindi mo pwedeng
diktahan o sabihin sa puso mo kung sino ang mamahalin nito, dahil kagaya natin,
ang puso ay buhay, humihinga, nasasaktan, natutuwa, at nagmamahal. Kagaya din
natin, meron itong freewill. Tanging ang puso lang ang buhay dito sa lupa na
totoong nakakaintindi sa salitang “Pagmamahal”. Siya lang ang makakapagsabi
kung sino ang dapat mahalin at kung saan ito liligaya.”
AKO: “Meh ganun?? Ahahahahaha!!!”
JARED: “Oo naman!! Hehehe..”
AKO: “Pero ano ba kasi nakita mo sa
akin?? Hindi naman ako gwapo, clumsy ako, lahat na ata ng negative ay nasa akin
na ata ehh..”
JARED: “You maybe clumsy, but you’re
not ugly. Maaring sabihin mo na lahat ng negative ay nasa iyo na.. pero ito ang
sasabihin ko sa iyo.. You’re Amazing, You’re Strong, You are who you are, no
sign of pretentions, a true person. What you see is what you get.. Yun ka..”
At kasabay noon ay hinalikan niya ako
sa labi.
=====PRESENT TIME=====
AKO: “Ace..” ang nasambit ko na lang.
ACE: “Gab aaminin ko.. Hindi ko alam
ang dahilan pero mahal na kita. Oo maaring sabihin mong baliw ako dahil
nagmahal ako sa isang lalaki pero yun ang totoo. Mahal kita Gab.. Noong una pa
lang kitang Makita, I felt something special. Naalala ko ang girlfriend ko sa
iyo noon, ang charm and charisma niya, ang kakaibang hatak sa akin. Gab I love
you. But that doesn’t mean na mahalin mo rin ako. Hindi kita minamadali and I
want you to think about it. At sana, wag mo naman akong iwasan. Lagi mong
tatandaan na nandito lang ako.” At kasabay noon ang pagtalikod niya.
Ngunit..
AKO: “Ace..” ang pagtawag ko sa kanya
At pagharap niya ay yinakap ko siya.
Alam ko nagulat siya sa ginawa ko.
AKO: “Salamat.. Sa lahat.. Salamat sa
pagmamahal.. At least alam ko na meron pang taong nagbibigay importansya sa
akin. Pero Ace, hindi ko maipapangako na masusuklian ko ang pagmamahal na
iyan.”
ACE: “Ok lang Gab.. Maghihintay ako..”
Walang nagbago sa samahan namin ni
Ace. Kahit pinagtapat niya ay hindi ako lumayo o umiwas sa kanya. Wala naman
kasing dahilan para iwasan ko siya eh. Minahal niya lang ako at walang masama
doon, in fact gusto ko pa nga eh kasi kahit papaano may nagmamahal sa isang
kagaya ko. Yeeesss!!! Meh ganun?? Ahahaha!!
Kinahapunan, habang naglilinis naman
ako sa sala.
“Anak, magpahinga ka naman.” Ang sabi
ng isang tao na nasa likuran ko.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko na
ito ang Lolo ni Ace. Para akong naging bato sa nakita ko, hindi ko alam kung
bakit. Siguro ay dahil sa hinala ko na baka siya ang Lolo ko. Gusto ko siyang
kausapin at kumpirmahin sa nawawala niyang anak at kugn ito ba ang Mama ko
ngunit wala akong lakas ng loob at ayaw ko namang magpaka-feeling nuh.”
AKO: “Ahh.. Ehh.. Ok lang po ako Don
Raphael.” Sabay ngiti.
LOLO: “Natutuwa ako sa iyo bata. Kasi
all around ka eh, pwede sa kusina, sa hardin, magwalis, mag-mop, kahit ano!”
AKO: “Paano niyo naman po nalaman?”
LOLO: “Naikkwento ka sa akin ni Ace at
ng ibang kasambahay dito.”
AKO: “Ahh.. hehehe.. Ginagawa ko lang
po ang trabaho ko. At tsaka ayaw ko po maging pabigat dito.” Sabay ngiti.
LOLO: “Nako wag mong isipin yan. Alam
mo sa totoo lang, naalala ko sa iyo ang anak ko. Ganyan din, napakasipag kahit
na may mga katulong kami ay tumutulong siya sa bahay. Sa katunayan nga ehh
halos magkahawig kayo ng kulay ng mata.”
AKO: “Ay ganun po ba?” ang nasabi ko
na lang.
Tila kinabahan naman ako sa nadinig
ko. Medium light brown din kasi ang kulay ng mata ng Mama ko. Kaya lang ang
korte naman ng mata ko ay nakuha ko sa Papa ko.
LOLO: “Oo.. Pati ang ilong, ganyan na
ganyan.. Sa katunayan nga ehh magkapangalan pa kayo ng yumao kong Apo.
Gabriel..”
AKO: “Ahhh.. Ehh Ano po bang nangyari
sa Apo niyo?” ang tanong ko na lang na pagmamaang-maangan na kunwari ay walang
sinabi si Bianca tungkol dito.
LOLO: “Ayon kay Bianca, namatay daw sa
aksidente ang Apo ko, kasama ang anak ko at asawa nito. Alam mo Gab, pagkatapos
ko silang palayasin ay pinagsisihan ko ang nagawa ko. Wala naman kasing
kasalanan ang anak ko eh. Nagmahal lang siya sa isang lalaki na—“ hindi niya
natapos ang sasabihin.
AKO: “Na ano po??” ang sunod kong
tanong.
LOLO: “Wala.. Hehe..” ang tawa na lang
nito.
AKO: “Ahh.. Hehe.. Eh Don Raphael,
bakit niyo po sinasabi sa akin ito?”
LOLO: “Hindi ko nga rin alam ehh, ang
alam ko lang ay ang gaang-gaang ng loob ko sa iyo. Siguro dahil noong makita
kita ay parang nakita ko ang anak ko sa iyo. Parehas na parehas talaga ng kulay
ng Mata. Dagdag pa na kapangalan mo ang apo ko.”
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Pero malakas ang kutob ko, Lolo ko siya! Hindi ko lang alam kung paano
patutunayan ito. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang nawawala kong kwintas na
binigay sa akin ni Mama. Naisip ko na kung ipapakita ko it okay Don Raphael ay
baka masagot ang mga katanungan ko.
“Kailangan mahanap ko ang kwintas..”
ang sigaw ko sa isip ko.
Akala ko ay magtutuloy-tuloy na ang
magandang araw ko kaya lang, habang naglilinis ako sa may terrace.
“Psssstttt!!” ang tawag ng nasa likod
ko.
Alam ko namang si Bianca ito dahil
siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganun.
AKO: “Yes po??” ang tanong at lingon
ko naman dito.
BIANCA: “Anong PO!?!!? MADAM!!!” ang
sigaw naman nito sa akin sabay batok sa akin.
AKO: “Sorry Madam.” Ang nasagot ko na
lang.
BIANCA: “Hoy ikaw palamunin ka!! Ang
kapal ng mukha mong sumipsip sa Lolo ko!! Kitang-kita ko ang pagsip-sip mo sa
kanya!! Ano bang gusto mong mangyari ha?? Ang Ampunin ka niya? Kapal ng face mo
ahh. Hoy Muchacho ka wag kang ilusyonado!! Ako lang ang apo ni Lolo kaya wag kang
mag-ilusyon at umarte na parang apo ka rin niya.” Ang dire-diretsong sabi nito.
Ewan ko ba kung bakit iyon ang sinabi
niya sa akin gayong nakikipag-usap lang naman ako kay Don Raphael, masama ba
yun??”
AKO: “Madam, hindi po ako sumisip-sip,
at hindi po ako nag-iilusyon. Wala po akong ginagawang masama, si Don Raphael
ang Lumapit sa akin at kinausap ako. Alangan namang hindi ko po kausapin di ba
po? Di ba kabastusan po iyon?” ang sagot ko na lang sa kanya bilang depensa sa
sarili ko.
BIANCA: “ABa!! At sumasagot-sagot ka
na ahh!!” at sabay nito ang pag-hablot niya sa buhok ko at dinala ako sa may
hardin.
Pagkarating namin sa may hardin ay
nginudngod niya ang mukha ko sa lupa na basa pa at kaka-dilig lang. Dahil sa
ginawa niya ay napuno ng putik ang mukha’t damit ko. Hindi ako makapalag dahil
sa napaka-sakit ng pagkakahablot niya sa buhok ko. Bago niya ako ingud-ngod
doon ay nakita kong nasa di kalayuan sina Aling Nelly, Inday, Totoy, at Enso na
gulat na gulat sa kanilang nasasaksihan.
BIANCA: “Yan ang bagay sa iyo Squatter
ka!! Sampid!! Palamunin!!” ang sisigaw niya.
Pagkatapos ng pag-ngudngod niya sa mukha
ko ay nagpunta siya sa lugar na kinatatayuan nila Aling Nelly, Inday, Totoy, at
Enso.
BIANCA: “Lumayas kayo diyan!!!” ang
sigaw niya sa mga kasama kong kasambahay.
Nakita ko naman na may iniihaw silang
pagkain doon at tinangka ni Bianca na ingud-ngod ang mukha ko sa ihawan. Ngunit
pinigilan siya agad nila ALing Nelly, Totoy at Enso kaya hindi natuloy ang
balak niya..
BIANCA: “Mga P*tang*na niyong mga
squatter kayo!!! Wag niyo akong Hawakan!! BITIWAN NIYO AKO!! BITIWAN NIYO
AKO!!!” ang pagsisigaw niya kay Totoy at Enso habang pinipigilan siya.
ALING NELLY: “Ma’am Grabe naman po
kayo!!” ang sabi ni Aling Nelly habang inaalalayan ako.
BIANCA: “Wala kang pakielam impakta
ka!! Lumayas ka diyan at baka ikaw ang unahin kong ingudngod diyan!! Bitiwan
niyo ako!!!” ang pagsisigaw niya.
BIANCA (ulit): “At ikaw palamunin ka
(sabay turo sa akin), wala kang karapatang sagot-sagutin ako!! Ako ang apo
dito!! Ako ang may karapatan dito kaya wag kang mag-ilusyon!! At isa pa, wag na
wag na wag ka na ulit lalapit sa Lolo ko dahil kapag ginawa mo yan, mas matindi
pa diyang ang gagawin ko sa iyo!!” ang pagbabanta niya.
Maya-maya ay nakita kong nandoon pala
si Ace. Tinawag pala siya ni Inday na kanina ay nandoon lang.
ACE: “Bianca!!!” ang sigaw nito.
BIANCA: “What??? Ano ha??” ang sigaw
pa rin nito.
ACE: “Ano yung sinasabi mo ha?? Bakit
mo pinagbabantaan ng ganun si Gab?? Ano bang kasalanan niya ha??” ang sigaw
nito kay Bianca kasabay ng paghawak niya sa braso nito.
BIANCA: “Hoy Ampon ka bitiwan mo ako!!
Isa ka pa!! Sampid ka lang din dito kaya wala kang karapatang pagsabihan ako ng
ganyan!!! Wala kang karapatang kontrahin ako sa mga ginagawa ko dahil Ampon ka
lang!! Ampon!!! Sampid!!!” ang pagisisgaw niya.
ACE: “Bakit ba galit na galit ka kay
Gab Bianca ha?? Bakit?? At bakit ka natatakot ka na lapitan siya ni Lolo Ha??
Wala namang masma doon ahh.”
At mataray na sinagot ito ni Bianca
ng..
BIANCA: “Wala kang pakielam!!! At ayaw
kong Makita na ang mga muchachang ito ay nakikipag-usap sa Lolo ko!! Lalo na
yan!!” ang duro pa niya sa akin.
ENSO: “Wag mong dinuduro ang kuya Gab
ko!!” ang sabat naman ni Enso.
BIANCA: “Hoy batang palamunin
manahimik ka at wag mo akong sisigawan!!” sabay sampal kay Enso.
AKO: “Wag mong sasaktan ang bata” ang
sigaw ko na handa na siyang sugurin. Ngunit nasa likod ko si Aling Nelly at
pinipigilan ako.
BIANCA: “What?? Matapang ka na ha??
You’re Going to hit me?? GO AHEAD!!” ang pang-iinis pa niya sa akin.
ACE: “Tama na!!” ang sigaw nito okay
Bianca.
ACE (ulit): “Subukan mo pang saktan
sila lalong-lalo na si Gab at makakatikim ka na sa akin babae ka.”
BIANCA: “Ahh ganoon!! Sige magkampihan
kayong mga sampid!! Hindi pa tayo tapos..” ang sabi niya sa amin sabay alis.
Pagkaalis niya..
ACE: “Gab, ano ba kasi nangyari??”
ENSO: “Oo nga kuya ano ba nangyari??”
At kinwento ko sa kanila ang dahilan
ng galit sa akin ni Bianca.
TOTOY: “Yun lang?? Ang babaw naman
noon.” Ang sabi niya.
ACE: “I smell something..” ang sabi
niya sabay tingin sa akin.
ALING NELLY: “Grabe naman yun, sobrang
babaw naman noon. Sir Ace, di po ba natin pwedeng sabihin ito kay Don Raphael?”
ACE: “Wag!! Hindi muna ngayon.. May
hinala ako.. at may naisip akong paraan. Basta.” Ang sabi lang nito.
ACE: “Sige.. Aalis muna ako at may
kailangan akong imbestigahan.”
ALING NELLY: “Ano po iyon Sir??”
ACE: “Basta.. Uuumm Gab, tara usap
muna tayo.”
ENSO: “Kuya Ace, di pa po siya
nakakapagpalit.”
ACE: “Ok lang yan at tsaka mabilis
lang ito. Tara Gab.”
At sumunod naman ako.
ACE: “Gab, kahit anong mangyari wag
kang papatalo kay Bianca ok??”
AKO: “Hindi ko alam Ace. Nahihirapan
na ako. Hindi ko nga alam kung ano pa ang kaya niyang gawin ehh.”
ACE: “Basta magpakatatag ka ok??
Nandito lang ako Gab.. Hindi kita iiwan.”
AKO: “Bakit ka ba ganyan magsalita
Ace?? Aalis ka ba??”
ACE: “Oo.. Di ko alam kung kalian ako
babalik. Isang linggo? Dalawa?? Tatlo?? Isang buwan?? Hindi ko alam Gab. Basta
kailangan mapa-alis si Bianca dito, hindi siya ang tunay na Alvarez.”
AKO: “Ace..”
ACE: “Basta Gab, magpakatatag ka ok??
Babalik ako.. I promise..” at kasabay nito yakap niya sa akin.
AKO: “Ingat ka ahh.. Babalik ka ok??”
ang sabi ko sa kanya na naluluha na.
ACE: “Of course.. Love you..” sabay
halik sa pisngi ko.
Sa paghalik niya sa pisngi ko ay
parang isang kuryente ang dumapo dito. Masarap, nakakakilig. Ewan ko kung
bakit. Siguro nga mahal ko na rin si Ace pero sadyang mas matimbang pa rin si
Jared sa puso ko.
At pagkatpos noon ay ngumiti siya at
umalis. Haayyy. Ang sarap-sarap ng may taong nagmamahal sa iyo. Kung wala nga
lang Jared dito sa puso ko ay malamang, sasagutin ko na talaga si Ace.
Kinagabihan habang ako’y nakahiga at
nagpapahinga, pinaandar ko ang radio at linagay iyon sa istasyon na lagi naming
pinapakinggan ni Kuya Jared. Pagkatapos ng isang kanta ay biglang nagsalita ang
DJ.
DJ: “We received a request message
from an avid listener named Jared from ****** city and he says..”
“Request ko po yung kantang “My
Everything by 98 degrees” and “Like I Am by Rascal flatts”. Para ito sa isang
taong mahal na mahal ko. Mahal, Gabby ko.. kung nasaan ka man ngayon, sana ay
masaya ka na.. Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huli.. Hintayin mo ako
diyan. Love, Jarjar..”
DJ: “Aaaawww.. That’s sooooo sweet.
Don’t worry Jared, we will grant your request. Here comes “My Everything”.
Hindi ko napigilang lumuha sa nadinig
kong message ni Jared at talagang nag-request pa siya para lang sa akin.
“The loneliness of nights alone
the search for strength to carry on
my every hope has seemed to die
my eyes had no more tears to cry
then like the sun shining up above
you surrounded me with your endless
love
Coz all the things I couldn't see are
now so clear to me
You are my everything
Nothing your love won't bring
My life is yours alone
The only love I've ever known
Your spirit pulls me through
When nothing else will do
Every night I pray
On bended knee
That you will always be
My everything
Now all my hopes and all my dreams
are suddenly reality
you've opened up my heart to feel
a kind of love that's truly real
a guiding light that'll never fade
there's not a thing in life that I
would ever trade
for the love you give it won't let go
I hope you'll always know
You are my everything
Nothing your love won't bring
My life is yours alone
The only love I've ever known
Your spirit pulls me through
When nothing else will do
Every night I pray
On bended knee
That you will always be
My everything
You're the breath of life in me
the only one that sets me free
and you have made my soul complete
for all time (for all time)
You are my everything (you are my
everything)
Nothing your love won't bring (nothing
your love won't bring)
My life is yours alone (alone)
The only love I've ever known
Your spirit pulls me through (your
spirit pulls me through)
When nothing else will do (when
nothing else will do)
Every night I pray (I pray)
On bended knee (on my knee)
That you will always be
be my everything
chorus repeats
[almost spoken:] Every night I pray
down on bended knee
that you will always be
my everything
oh my everything”
Habang pinapakinggan ko ang kantang
iyon ay hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Naalala ko yung mga panahon na
masaya kami, walang problema, at parang amin ang mundo. Pagkatapos ng kanta ay
sinundan naman ito ng theme song namin ang “Like I Am”.
“Lying here with you
I watch you while you sleep
The dawn is closing in
With every breath you breathe
I can feel the change
The change you've made in me
But will I ever see
All the things you see in me
[Chorus]
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
When it comes to love
I may not know the rules
But there's one thing I know
My heart belongs to you, just you
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
[Bridge]
You show me you love me
With a fire that burns deep inside
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
When you say that I'm one of a kind
Baby, I don't see it but you believe
That I'm so strong and true, I promise
you
I'll try to be that kind of man
Because you love me like I am
I am
I'll never understand
I don't think I'll ever understand
Why you love me
Why you love me just like I am”
Tuluyan na akong humagulgol nang
I-play ang theme song namin.. Talagang mahal na mahal niya ako, kahit patay na
ako sa pagkakaalam niya ay ako pa rin ang mahal niya at gusto niyang makasama.
“Jared.. Hindi ko alam kung sa
pagbabalik ko ay magawa pa kitang mahalin dahil meron namang Ely na nagmamahal
sa iyo eh.. Mas bagay kayo, kayo ang nararapat sa isa’t-isa.” Ang nasabi ko na
lang.
Bigla ko rin naisip si Ace. Hindi ko
na talaga alam kung ano ang plano ko sa kanya. Sana lang ay mahigitan ng
pagmamahal ko kay Ace ang pagmamahal ko kay Jared.
Dumaan ang ilang linggo na wala akong
nakitang Ace. Sa totoo lang ay Miss na miss ko na siya. Hayy.
Isang gabi, malakas ang ulan noon
samahan pa ng kulog at malakas na hampas ng hangin, habang naglilinis ako sa
loob ng bahay..
BIANCA: “Hoy!! Bilisan mo diyan at may
ipabibili ako sa iyo.” ang sabi niya sa akin.
At lumapit naman ako.
BIANCA: “Bilin mo nga itong mga ito..
Ngayon na!!” ang utos niya sabay abot ang isang papel.
ALING MINDA: “Ay Senyorita ako na
po..” ang singit naman niya.
BIANCA: “Hindi!! Gusto ko siya ang
gumawa niyan.”
ALING MINDA: “Pero Senyorita malakas
po ang ulan.”
BIANCA: “Wala akong pakielam at wag
kang makielam ok??” ang mataray niyang sabi.
AKO: “Ok lang po ako Aling Minda. Kaya
ko po ito.”
BIANCA: “Mabuti.. Oh heto ang payong
oh gamitin mo. At wag na wag kang babalik dito ng wala ang mga iyan ha!”
At paglabas ko ng bahay ay bigla
namang sinara ni Bianca ang pintuan ewan ko kung bakit niya ginawa iyon. Nang
buksan ko ang payong ay laking gulat ko na gutay-gutay pala ang bakal o yung
kalansay ng payong na sumusuporta dito. Kaya naman kumatok ako at..
AKO: “Madam papasukin niyo po ako!
Sira po itong payong na binigay niyo ehh..”
At binuksan niya ang pinto.
BIANCA: “Wala akong pakielam!! Hindi
kita papapasukin hangga’t wala ang mga pinapabili ko.” At kasabay noon ang
pagbagsak niya ng pintuan.
Wala akong magawa kundi takbuhin ang
kahabaan ng hardin habang malakas ang ulan. Nang makalabas na ako ng Gate ay
naghanap ako ng tindahan na pwedeng pagbilhan ng mga gamit na pinapabili niya.
Inabot din siguro ako ng dalawang oras sa paghahanap ng tindahan na mabibilhan
ng mga pinapabili niya ngunit wala pa rin. Nasa daan ako noon, naglalakad
habang bumubuhos ang malakas na ulan ng..
“Bahala na.. Babalik na lang ako
doon..” ang nasabi ko na lang.
May isang oras din akong naglakad
pabalik sa mansion. Linakad ko gawa ng hindi naman ako binigyan ng pamasahe ni
Bianca. At ng makabalik na ako ay..
TOTOY: “Gab!! Anong nangyari sa iyo??”
ang tanong niya sa akin. Habang binuksan niya ang pinto.
KOKOY: “Si Bianca ba may gawa nito
Gab??”
Imbis na sagutin ang mga tanong nila
ay dire-diretso lang akong pumasok.
Pagkapasok ko sa loob ay..
ALING NELLY: “Diyos ko bata ka ano
bang nangyari sa iyo??” ang puna sa akin ni Aling Nelly gawa ng basang-basa ako
ng ulan.
ALING MINDA: “Nako!! Inutusan kasi
siya ni Bianca na bumili ng kung anu-ano. Kahit na alam ni Ma’am na masama ang
panahon.” Ang sabi ni Aling Minda kasabay ng pagbigay niya sa akin ng tuwalya
pamunas.
ENSO: “Kuya Gab, ok ka lang??”
AKO: “Ok lang ako..”
Maya-maya ay nakita namin si Bianca na
bumababa sa staircase at..
BIANCA: “Mukhang ako nanaman sinisisi
niyo sa nangyari diyan sa palamunin na yan..”
ENSO: “At bakit?? Ikaw naman talaga
may kasalanan ah..” ang sigaw ni Enso.
AKO: “Enso!!” ang sita ko.
BIANCA: “Hoy bata ka!! Baka gusto mong
makatikim nanaman ng sampal sa akin ha!?!?!” ang sabi niya habang papalapit kay
Enso.
Akmang sasampalin na niya si Enso ay..
AKO: “Bianca, wag mong kakantiin yung
bata.. Ano bang problema mo?? Bakit ba ganito ka sa amin?? Lalo na sa akin??”
ang sigaw ko sa kanya habang pinigilan ko ang pagsampal niya sa bata..
BIANCA: “Aba!! Ano?? Matapang ka na
ha??”
AKO: “Bianca, Madam, wag mo naman pong
saktan yung bata. Yun lang ang akin.”
BIANCA: “Hoy! Wala kang pakielam kung
ano ang gagawin ko!! Ako ang apo’t nagmamay-ari ng mga nakikita niyo ngayon,
ang hangin na linalanghap niyo, ang lupang inaapakan niyo, lahat yan akin!!!”
at dire-diretso ang kanyang pagsasalita.
Habang dumadakdak siya ay napansin ko
ang suot-suot niyang kwintas.
“ANG KWINTAS KO!! ANG KWINTAS NG MAMA
KO!!!” ang sigaw ko sa isip ko.
Hindi ko alam ang tawag sa suot ng
damit niya noon basta naka-itim na blouse siya at open pa ang balikat kaya
kitang-kita ko ang suot niyang kwintas. Hindi ko naman alam kung bakit niya
suot-suot iyon.
Sa nakita ko ay hindi ko napigilang
hindi siya tanungin tungkol doon.
AKO: “Ma’am, mawalang galang na ho
pero, saan niyo po nakuha ang kwintas na iyan?”
BIANCA: “Anong kwintas??” ang tanong
niya na parang kinakabahan na.
AKO: “Yan pong suot niyo.” Ang nasabi
ko.
Tumingin siya sa kwintas at pagkatapos
noon ay..
BIANCA: “Akin ito BAKIT??” ang mataray
niyang sabi.
AKO: “Bianca akin kasi yan ehh..” ang
giit ko.
BIANCA: “Anong ibig mong sabihin ha??
MAGNANAKAW AKO GANOON!?!?” ang biglang pagsigaw niya.
AKO: “Hindi naman sa ganoon Ma’am.
Pero akin kasi talaga yan ehh.. Alam ko..”
BIANCA: “Akin nga ito!! Minana ko pa
ito kay Lolo. At tsaka paano ka naman magkakaroon nito ha??? Ehh squatter kayo
ni Enso!! Mahirap pa nga kayo sa Daga!! Baka nga mas mahal pa ito kesa sa buhay
ninyong mga muchaha kayo ehh.”
AKO: “Bianca, akin talaga yan ehh..”
ang sabi ko gawa ng alam ko naman talaga na akin iyon.
BIANCA: “Ehh sira ulo ka pala talaga
ehh.. Gusto mo sa pagkakataong ito wasakin ko yang pagmumukha mo??”
AKO: “Bianca akin na yan!!” ang sabi
ko sabay hablot sa kwintas ko na suot niya.
Sa ginawa ko ay bigla niya akong
sinampal at sa sampal na iyon ay napatumba ako. Pero kahit na natumba ako ay
nakuha ko pa rin ang kwintas.
BIANCA: “Hay*p ka!! Magnanakaw!!!” ang
sigaw nito.
AKO: “Hindi ako magnanakaw Bianca,
IKAW ANG MAGNANAKAW!! NINAKAW MO ITO SA AKIN!! BIGAY SA AKIN ITO NG MAMA KO NA
MINANA PA NIYA SA TATAY NIYA, SA LOLO KO!!
Kitang-kita ko naman ang pagka-gulat
ni Aling Minda sa mga katagang binitiwan ko, ganoon din ang ibang mga
kasambahay.
BIANCA: “L*che ka!! Lumayas ka!!!
LUMAYAS KA!! Alam mo, doon ka naman nababagay sa pinanggalingan mo eh. Sa
kalsada!! Dahil squatter ka!! Amoy kubeta!! Basura!! Kanal!! Imbornal!!!” ang
pagsisigaw niya.
AKO: “Oo Squatter nga kami Bianca, sa
kalsada nga kami nakatira, mabaho nga ang tinutulugan namin ni Enso. Pero alam
namin sa sarili namin na hindi kami nang-aapak ng tao, hindi kami nanlalait,
hindi kami nananakit, at HINDI KAMI MAGNANAKAW” ang dire-diretso kong sabi sa
kanya.
At pagkatapos noon ay isang malakas na
sampal ang binitiwan sa akin ni Bianca na ikinatumba ko. Pagkatapos noon ay
hinablot ni Enso ang buhok ni Bianca upang iganti ako ngunit agad ding
nahawakan ni Bianca ang kamay ni Enso at sinampal ito na ikinatumba ng bata.
Nang makatayo ako ay bumalik sa akin si Bianca upang sampalin ulit ako ngunit
nahawakan ko ito at pinilipit ko ang kamay niya. Hinablot ko ang buhok niya at
inumpog ko ang ulo niya sa salamin na nasa pader.
Nabasag ang salamin at kita ko ang
pagdaloy ng dugo ni Bianca mula sa pumutok niyang ulo. Kasabay noon ang isang
boses mula sa may Staircase ang nadinig naming lahat.
“BIANCA!!!” ang sigaw ng taong nasa
hagdan.
Kita ko naman na si Don Raphael ito at
linapitan si Bianca at inalalayan. Sa pagkakita niya sa kalagayan ni Bianca ay
isang matulis na tingin sa akin ang kanyang ginawa.
BIANCA: “Lolo.. He’s going to kill
me!!! Papatayin niya ako!!” ang drama ng bruha.
LOLO: “W*lang hiya ka!! Pagkatapos ng
lahat ito pa ang igaganti mo sa amin!!! LUMAYAS KANG MAMATAY TAO KA!!!” ang
sigaw niya.
AKO: “M-mag papaliwanag po ako Don
Raphael. Hindi ko po sinasadya..”
LOLO: “ANO PANG IPAPALIWANAG MO???
MALINAW NA SA AKIN ANG LAHAT!!! LUMAYAS KA!!! KUNDI TATAWAG AKO NG PULIS!!!”
ang galit na galit na sigaw niya.
Sa pagkasabing iyon ni Don Raphael ay
lumapit naman ang mga kasama kong kasambahay para depensahan ako.
ALING NELLY: “Don Raphael makinig po
kayo, s-s-si Bianca po ang may kasalanan. Kung anu-ano pong masasakit na salita
ang sinabi niya kay Gabriel. Maawa po kayo sa bata, napaka-bait na bata po
nitong si Gabriel.”
INDAY: “Oo nga po.. M-m-masama po ang
ugali niyang babaeng yan, t-t-ingnan niyo po si Gab Don Raphael, basang-basa
siya, si Bianca ang may kasalanan niyan.”
KOKOY: “Don Raphael, hindi po totoo na
papatayin ni Gab si Bianca. Dinepensahan lang ni Gab ang sarili niya.
TOTOY: “O-opo.. Sa katunayan ay
n-ninakaw po ni Bianca ang kwintas ni Gab..”
ALING MINDA: “Don Raphael, matagal na
namin gustong sabihin ito. Matagal na kaming sinasaktan at inaalipusta ng
babaeng yan. Noong Makita niyo po na merong marka ng paso si Inday ay si Bianca
ang may gawa noon, dinikit niya ang plantsa kay Inday habang mainit pa ito.
Yung isang beses po na nakita niyo kami ni Nelly na naglalaba na basang-basa
ang mukha ay siya din ang may gawa noon. Nginudngod niya kami sa linalabhan
namin. Alam niyo po Don Raphael, hindi rin totoo na patay na ang anak niyo
dahil nakita ko po si Ma’am tatlong beses sa tindahan ng bulaklak, yung ika-huling
beses ay nagkamustahan pa nga kami eh..”
Nagulat naman si Don Raphael sa mga
nadinig ngunit..
LOLO: “Ayaw kong makinig sa mga
kasinugnalingan niyo!!! PALAYASIN NIYO ANG LALAKING YAN!! AT KAYONG LAHAT KAPAG
NAGSALITA PA KAYO AY PATI KAYO PALALAYASIN KO!!!” ang sigaw niya.
Wala na akong magawa kundi magpunta sa
kwarto ko at mag-empake. Pero bago pa man ako umalis ay nakita ko ang ngiting
demonyo ni Bianca na parang nang-iinis pa.
Habang nag-eempake, naalala ko ang
kabaitang pinakita sa akin ni Don Raphael, at sinira ni Bianca ang magandang
tingin sa akin ng matanda. Naalala ko rin si Ace, dahil sa pagbalik niya alam
ko walang Gab na sasalubong at yayakap sa kanya. Patuloy pa rin ako sa
pag-eempake ng gamit ng..
ALING NELLY: “Gabriel anak,
pinakiusapan namin si Don Raphael na bukas ka na lang umalis.”
INDAY: “Oo nga malakas kasi ang ulan
ehh..”
AKO: “Salamat po..”
ALING NELLY: “Salamat saan?”
AKO: “Sa lahat po. Sa lahat ng
magagandang pinakita niyo sa akin, sa pagtrato niyo sa akin bilang isang ka-pamilya
na din.”
ALING NELLY: “Nako naman Gabriel,
parang anak ka na rin namin, parang anak ko na kayo nila Totoy, Kokoy, at
Inday. At kasama na rin itong makulit na ito.” Ang tukoy niya kay Enso.
AKO: “Salamat po Aling Nelly, Aling
Minda. K-kayo na po ang bahala kay Enso ha?” ang naiiyak kong sabi.
ENSO: “Kuya Gab, sama ako sa iyo!!!”
ang pag-iiyak ng bata.
AKO: “Hindi pwede, mas makakabuting
nandito ka na lang Enso. At least di ba?? May bahay ka na, may pamilya ka na,
hindi mo na kailangan pang sumama sa paghihirap ko.”
ENSO: “Alam mo ba kuya Gab kung bakti
ayaw kita iwan?? Dahil IPINAGBILIN KA SA AKIN NI KUYA JARED!!!” ang sigaw ng
bata na umiiyak na.
Nagulat naman ako sa sinabi ng bata,
ano kayang ibig sabihin niya doon?
ENSO: “Yung huling beses na nagkita
kami ni Kuya Jared, naalala mo?? Yung huling araw ko sa orphanage, yung araw
din na umalis tayo, yung araw na nagtago tayo kuya. Yung araw na akala ng lahat
ay patay—“ at tinakpan ko ang bibig ng bata.
AKO: “Ssssshhhh!!!! Wag kang maingay Enso
please.. Nadidinig nila.” Ang bulong ko sa bata gawa ng nandoon ang mga
kasmabahay nila Ace..
TOTOY: “Nagtago??” ang gulat na tanong
ni Totoy.
AKO: “Ahhh.. eehhh.. wala..”
KOKOY: “Anong nag-tago Gab??”
AKO: “Wala iyon wala..”
ALING MINDA: “Gabriel Anak, umamin ka
nga sa amin. Sino ka ba talaga?? Noong pumasok ka dito ang pakilala mo ay wala
na kayong magulang ni Enso. Tapos ay ngayon madidinig ko sa bata na nagtatago
daw kayo.”
AKO: “Wala po yun Aling Minda.. At
kung meron man po akong nakaraan ay hindi na po mahalaga iyon.”
ALING MINDA: “Ok.. sige.. hindi na ako
magtatanong pa tungkol doon, pero, talaga bang Gabriel Cruz ang pangalan mo??
At yung kwintas, bakit naman kukunin iyon ni Bianca sa iyo??” Ang sunod-sunod
na tanong ni Aling Minda.
ENSO: “Gabriel Al—uuummmpppphhh!!” at
tinakapn ko ulit ang bunganga niya.
AKO: “Gabriel Cruz po ang pangalan ko,
yung kwintas ay bigay po sa akin iyon ng Mama ko, minana pa niya sa Tatay
niya.”
ALING MINDA: “Ibig mong sabihin sa
Lolo mo??
AKO: “Opo..”
ALING MINDA: “Patingin nga ng kwintas
anak.”
At binigay ko ang kwintas kay Aling
Minda, hindi ko alam kung bakit gulat na gulat siya sa nakita niya at
pagkatapos ay tumingin siya sa akin..
ALING NELLY: “Oh Ate Minda! Bakit ba
gulat na gulat ka dyan??”
INDAY: “Para po kayong nakakita ng
multo..” ang sabat naman ni Inday.
Imbis na sagutin ang tanong nila ay
tumayo si Aling Minda at sinarado ang pinto at linock pa ito. Bumalik siyasa
inuupuan at..
ALING MINDA: “Eto!! Eto ang kwintas na
laging suot-suot ng anak ni Don Raphael, Ito ang laging suot-suot ni Ma’am
Teresa!!” ang sabi niya.
Para naman akong nabuhusan ng malamig
na tubig sa nadinig ko. Teresa?? Pangalan iyon ng Mama ko!!
AKO: “T-t-teresa po?? Y-yung anak ni
Don Raphael??”
ALING MINDA: “Yun na nga!! Saan mo
nakuha ito Gab?? YUNG TOTOO!” ang sabi niya na kitang-kita parin sa mukha ang
pagka-gulat.
AKO: “Kagaya po ng sabi ko ay sa Mama
ko po, nakuha po niya yan sa Lolo ko. Yun po ang totoo. Sa katunayan nga ehh,
kahit gipit na gipit na kami ni Enso at kumakalab na ang sikmura namin ay hindi
ko magawang ibenta o isangla iya. Dahil sabi ni Mama, importante daw ito sa
Pamilya at pinapasa sa bawat henerasyon ng—ng—“ hindi ko tinapos.
ALING MINDA: “Ng ano anak???”
AKO: “Ng Alvarez po..” ang pag-amin
ko.
LAHAT: “ANO!?!?!?!?” ang sabay-sabay
na sabi ng lahat sa kanilang natuklasan.
ALING NELLY: “Alvarez?? Akala ko ba
Cruz ang apelyido mo?? Ano ba talaga ang pangalan mo Gab??”
AKO: “Aaminin ko na po.. Ako si
Gabriel Alvarez Montenegro, anak ni Teresa Alvarez Montenegro at Luis
Montenegro.” Ang sabi ko.
ALING MINDA: “Anak!! Gabriel!! BAKIT
HINDI MO SINABI ITO NOON PA??” at pagkatapos noon ay yinakap ako ni Aling
Minda.
AKO: “Noong kinwento niyo po ang
tungkol sa nangyari kay Don Raphael at sa anak nito ay nagdalawang-isip ako
kung sasabihin ko sa inyo ang katotohanan ng aking pagkatao. Hindi ko po kaagad
sinabi ang tungkol sa akin dahil hindi naman po ako sigurado kung ako ba talaga
ang apo ni Don Raphael at kung ang Mama ko ba ang sinasabi niyong anak ni Don
Raphael. Aaminin ko po, minsang naglilinis ako ay naghahanap ako ng ebidensya o
kahit litrato man lang ng Mama ko dito sa loob ng bahay ngunit wala akong
makita. Gusto ko po kasi makasigurado na ako talaga ang apo ni Don Raphael
ehh..”
ALING MINDA: “Ok lang anak.. Ok lang..
naiintindihan kita.”
ALING NELLY: “Ate Minda sigurado ba
tayo na si Gab nga ang nawawalang apo ni Don Raphael??”
ALING MINDA: “Siguradong sigurado ako
Nelly na si Gabriel ito, yung sanggol na dinala dito ni Ma’am Tess labing anim
na taon na ang nakakaraan. Magkapangalan sila ng anak ni Ma’am. At parehas na
parehas ang pangalan ng napangasawa ni Ma’am at ang Papa ni Gab. Walang duda na
isang Alvarez ang nasa harapan natin ngayon. Ang totoong tagapagmana ng lahat.”
Ngumiti lang ako at ang iba naman
naming kasamahan ay nakangiti na rin.
ALING MINDA: “Ang laki-laki mo na
Gabriel, parang dati lang ang liit-liit mo pa.. At ayan ang mga mata mo,
kuhang-kuha mo ang kulay ng mata ni Ma’am. Ang korte naman ng mata ay sa iyong
ama na napaka-gwapo rin.” Ang sabi niya.
At tumawa naman ang mga kasama namin.
ALING MINDA: “At ang ilong, naku!
Pinaghalong Ma’am Tess at Sir Luis!”
At ngumiti na lang ako na naiiyak na.
ALING MINDA: “Anak wag ka ng umiyak..”
sabay pahid sa luha ko.
AKO: “Wala, masaya lang po ako na
nandyaan kayo. At.. nalulungkot na rin dahil.. Kailangan kong umalis.”
ALING MINDA: “Hindi anak, Gagawan
natin ng paraan. Pagbalik na pagbalik ni Sir Ace naku! Sigurado ako na mapapalayas
na natin ang h*yup na Bianca na yan.”
INDAY: “Ehh Aling Minda sabihin na po
natin kay Don Raphael ang lahat.”
ALING MINDA: “Hindi!! Hindi siya
maniniwala. Kitang-kita naman natin na hawak sa leeg ni Bianca si Don Raphael,
kaya kahit anong paliwanag natin ay hindi siya makikinig, nabilog na ang utak
niya ng Demonyong iyon..”
TOTOY: “Ano po ngayon ang gagawin
natin??”
ALING MINDA: “Hihintayin natin si Sir
Ace.”
KOKOY: “Ehh si Gab? Paano naman po si
Gab??”
ALING MINDA: “Hindi siya aalis.. Itatago
natin siya.”
ALING NELLY: “Saan naman Ate Minda??”
ALING MINDA: “DITO.. SA LOOB NG
KWARTO..”
ALING NELLY: “ANO!?!!?!?” ang gulat na
gulat niyang sabi.
INDAY: “Hindi po ba delikado??”
KOKOY: “Oo nga!! Minsan nagpupunta din
dito yung demeonyong si Bianca di ba??””
ALING MINDA: “Hhhmm.. Ahh!! Alam ko
na!!! Sa isang Guest Room ka na lang Gab magtago.”
ENSO: “Eh Aling Minda baka naman po
makita siya ni Bianca o ni Don Raphael doon. At tsaka paano po natin siya
iaakyat doon??.”
TOTOY: “Oo nga po, oh baka naman
mahuli siya na nandoon di ba po???”
ALING MINDA: “Hindi!! Una MARAMING
GUEST ROOM DITO, MAY 30-50 GUEST ROOMS ANG BAHAY NA ITO. At yung Guest Room na
gagamitin natin ay yung..” hindi niya natapos ang sasabihin at sabay tingin kay
Aling Nelly.
ALING NELLY: “Ahh Ate Minda ang galing
mo talaga!! Alam ko na!!” ang sabi niya na naintindihan ang pahiwatig ni Aling
Minda.
At nag-apir silang dalawa.
AKO: “Ano po??”
ALING MINDA: “Idadaan ka namin sa
Basement, yung bodega, at doon merong secret na daan yun patungo sa may Guest
Room na sinasabi ko.”
ENSO: “Wow!! Secret room!!” ang sigaw
ni Enso.”
LAHAT: “SSSSSSHHHHHHH!!!!” ang sita
namin kay Enso.
At pigil kaming nagtawanan..
INDAY: “Ang tagal ko na po dito at
nalinis ko na ang lahat ng kwarto pero wala po ako nakitang ganun.”
KOKOY: “Kaya nga secret di ba Inday??”
ang pambabara niya kay Inday.
INDAY: “Kaya nga!! Oh ikaw na!! Ikaw
na maraming alam!! Ikaw na matalino!! IKAW NA!! IKAW NA TALAGA!!” ang pagibibro
niya.
At nagtawanan naman kaming lahat.
ALING NELLY: “Basta iyon yung
pinaka-kakaibang guest room dito, ang lagusan noon sa basement at sa..” at
tumignin siya kay Aling Minda pahiwatig ng pagpapaalam.
Tumango naman si Aling Minda senyales
na ok lang na malaman ng lahat.
ALING NELLY: “Sa Kabinet..”
ENSO: “KABINET???” ang sigaw ni Enso.
LAHAT: “SSSSSHHHHHH!!!”
ENSO: “Sorry po!! Hehehe..”
AKO: “Kabinet? Paano po iyon?? At
bakit po nagkaroon ng ganun dun??”
ALING MINDA: “Ahh.. Kabinet di ba
anak? Bali pagbukas mo ng Kabinet ay meron pa ulit pintuan ang loob nito, pero
hindi ito halata gawa ng dinesenyo nga na SECRET IYON EHH. At nagkaroon naman
ng ganoon dahil.. Dahil sa Mama mo Gab, siya ang nagpagawa noon at ang yumao
kong asawa ang nagdisenyo.”
AKO: “Mama ko??”
ALING MINDA: “Oo.. Doon siya dumadaan
para tumakas sa Lolo mo noon. Hehehe. Di ba nga? Tutol ang Lolo mo sa relasyon
nila ng Papa mo, at gusto lang ng Lolo mo na mapangasawa ng Mama mo ang kasosyo
ni Don Raphael na amerikano. Doon tumatakas ang mama mo, naalala ko pa dati na tinutulungan
ko pa siya sa pagtakas. Hehehe..”
AKO: “Ayos!!! Astig naman ni Mama!!
Hahaha!!”
At tawa naman kaming lahat.
ALING MINDA: “Ok.. Ganito.. Totoy,
ikaw ang magdadala ng pagkain kay Gabriel ha?? Dadaan ka sa Basement, laging
Basement ang daan. At Gabriel, wag na wag na wag kang lalabas doon ok?? Basta
kapag dumating si Sir Ace ay ilalabas natin si Gab kasama ang mga ebidensyang
nakalap ni Sir Ace. At ikaw naman anak, subukan mong maghanap ng ebidensya doon
sa basement.”
AKO: “Opo.. Ehh.. kaya po ba umalis si
Ace dahil doon?”.
ALING MINDA: “Sa katunayan ay Oo.. At
pinagbilin ka niya sa akin, dahil noon pa man, may hinala na kaming dalawa ni
Sir Ace na ikaw ang anak ni Ma’am, hindi lang namin pinaalam sa iba gawa ng
delikado nga.”
INDAY: “Ehh Aling Minda, balik po tayo
sa doon sa SECRET. Hehehe, hindi po ba alam ni Don Raphael iyon??”
ALING MINDA: “Hindi!! Ako si Ma’am at
ang asawa ko lang ang nakakaalam noon. Talagang pinasadya ni Ma’am iyon. At
hanggang ngayon hindi alam ni Don Raphael iyon. Pero ngayon, ALAM NIYO NG
LAHAT!!”
At natatawa naman kami.
KOKOY: “Nako Inday, yung mga tanong mo
parang hindi nag-iisip, kaya nga pinagawa iyon ni Ma’am di ba?? Para takasan,
alangan namang magpaalam ka sa tinatakasan mo na doon ka tatakas di ba??” ang
pambabara niya ulit kay Inday.
Natawa nanaman kami sa pambabara ni
Kokoy kay Inday.
ENSO: “Nako kuya Kokoy ha!!! Mamaya
niyan magka-developan kayo ni Ate Inday!! Diyan nag-uumpisa yan!”
LAHAT: “Aaaayyyiiieeehhhh!!”
Ganoon ang naging takbo ng usapan
namin, masaya, tawanan, na parang walang nangyari kanina. Masaya din ako dahil
sa wakas, nakumpirma ko na Lolo ko nga si Don Raphael, ang kailangan ko na lang
ay ebidensya. Hindi sapat ang kwintas at ang kwento ni Aling Minda, kailangan
ng matibay na Ebidensya.
Isa, dalawa, tatlong araw ang nagdaan
at doon ako namalagi sa Guest Room na may SECRET DOOR. Hehehe.. Si Totoy ang
nagdadala ng pagkain sa akin doon at minsan ay bumibisita din ang mga
kasambahay namin pero paisa-isa lang siyempre, alangan namang mawala sila ng
sabay-sabay di ba?? Edi nahalata na kami. Hehehe.
Akala ko tuloy-tuloy na ang ganoong
set-up kaya lang isang araw, panay ang dungaw ako sa may bintana dahil nadinig
ko na darating daw ang PINSAN ni Bianca. Hindi ko alam pero kinikilabutan ako,
hindi ko alam basta malakas ang kutob ko na merong hindi magandang mangyayari.
Nang dumungaw ako sa may bintana ay nakita ko ang isang itim na sasakyan at
bumaba dito ang isang babaeng naka-pula with matching shades and heels pa.
Hindi ko masilayan ang mukha gawa ng malayo nga siya sa akin. Kinakabahan ako
dahil hindi malabo na si Steph ito.
Maya-maya ay nadinig ko na bumukas ang
pintuan sa tabi ng kwarto ko. Dinikit ko ang tenga ko sa dingding para
pakinggan ang pinag-uusapan nila ngunit bigo ako.
Kinahapunan, pumasok si Totoy sa
kwarto ko upang dalhan ako ng miryenda.
AKO: “Toy, sino yung bisita ni
Bianca??”
TOTOY: “Ahh. Steph daw ang pangalan
ehh..”
Parang isang malaking bato ang
bumagsak sa ulo ko nang madinig ko na si Steph nga ang babaeng bisita ni
Bianca. Dahil nga doon, ay kinwento ko na kay Totoy kung sino si Steph sa buhay
ko at kung ano ang mga nangyari sa amin.
TOTOY: “Grabe naman!!! Wala siyang
pinagkaiba sa pinsan niya!!”
AKO: “Nako sinabi mo pa.. Ehh kalian
daw aalis si Steph??”
TOTOY: “Hindi ko alam ehh.. baka isang
Linggo??”
AKO: “Putek naman talaga!!” ang nasabi
ko na lang.
TOTOY: “Gab, kalma ka lang, basta wag
ka lang lalabas dito, ligtas ka.”
Pagka-alis ni Totoy ay
napag-desisyonan kong magpunta sa lihim na lagusan patungo sa bodega. Nang nasa
bodega na ako ay nag-hahalungkat ako ng mga gamit na pwedeng panlaban kay
Bianca at ebidensya na ako ang apo ni Don Raphael. Sa kalagitnaan ng aking paghahalungkat
ay bumukas ang pintuan ng bodega. Kampante naman ako na si Totoy ito o di kaya
ay kasamabahay nila Ace ngunit laking gulat ko na si Steph ang bumungad sa
akin. Kitang-kita ko ang pagka-gulat sa mga mata niya na para bang nakakita ng
Multo.
STPEH: “GAB!?!?!!” ang gulat na sabi
nito.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment