Thursday, December 27, 2012

Bullets For My Valentines (11-15)

by: Dylan Kyle

[Chad’s POV]

Kanina cheerful pa si AJ pero ngayon, heto kami sa tricycle at iyak ng iyak siya. Kahit wala akong idea kung ano ang nangyari, I am doing my best to comfort him.

I don’t know kung ano ang nangyari, namalayan ko na lang na tumatakbo siya at umiiyak. Hindi ko naman siya pwedeng iwanan lang basta-basta kaya I am dong my best to make him smile again.

“Oi smile ka na jan.” sabi ko sa kanya.


“Hindi ko kaya. Huhuhu.” Umiiyak pa rin siya.

Hindi ko kayang makita ang mukha ni AJ na ganito, pugto ang mata at punong-puno ng luha ang kanyang mukha. Pinahid ko ang luha niya.

Pinakalma ko siya ng kaunti at ng maging kalmado na siya saka ako nag usisat kung ano ba talaga ang nangyari.


“Ano ba ang nangyari?” tanong ko sa kanya.

Agad naman siyang sumagot.

“Nakita ko kasi na kahalikan niya si Aldred.” Sabi niya sa akin na medyo may halong galit.

“Aysus. Talandi talaga niyang lalaking yan. Grabe na siya, hindi pa ba sapat yung mga ginawa niya dati? Kalian ba yan titigil sa pang gugulo?”

“Akala ko okay na, mag sosorry na sana ako kay Jaysen pero eto ang ginawa niya. Ayoko na talaga.” Sabi niya sa akin.

“Baka naman na mis-interpret mo lang at baka naman plinano talaga yun ni Aldred?”

“Narinig ko silang nag usap. Okay lang naman sa akin kung mag halikan sila eh. Ang problema, parang wala lang sa kanya yun. Ni hindi man lang niya ako pinigilan o hinabol man lang. baka hindi niya ako totoong mahal.”

“Tahan na. marami pa naman jan. take your time. Hayaan mo baka sa mga darting na araw lumapit siya sayo at mag sorry.”

“Hindi na… okay na… hindi na mangyayari yun…” sabi niya.

“Bakit?”

“Aalis ako. Pupunta ako kila lola. Doon na muna ako magbabakasyon. I think, kung sakali na maging payak yung isip ko, I am planning na doon na ako mag aral ulit.”

“Bakit naman? Bakasyon ayos pa eh. Pero mag aral doon? Sobra naman ata yun.”

“Nakatanggap ako ng invitation of scholarship doon eh. Open pa rin siya sa akin.”

“Pero may 2nd term pa tayo ah.”

“Credited naman lahat ng units na kinuha ko.”

“Please wag ka na lumipat.” Pakiusap ko.

“Titignan ko lang naman yung school eh. Pati okay naman. Di naman sigurado yun.”

“Basta pag lumipat ka magkakalimutan na tayo bahala ka.”

“Wag ka naman ganyan.”

“Umayos ka kasi.”

“Promise I will be back…”

“Promise mo na hindi mo ako iiwan.”

“Sige na po promise na.”

Niyakap ko siya. I don’t want to lose him. I have give up kay Jaysen para sa kanya. At isa pa may nagugustuhan naman akong iba.

Okay na sa akin na sa kanya si Jaysen. At least silang dalawa nag mamahalan.

Hinatid ko siya sa bahay nila. Sabi ko smile na siya. Nagtanong si tita kung ano ang nangyari at sinabi ko na lang na hayaan nila na si AJ na ang magpaliwanag sa kanila. Total I have no right na pang himasukan yun.

“Balik na ako doon AJ ha. Smile na jan.”

“Yup.”

“Sabihan mo ako kung tutuloy ka sa bakasyon mo ha.”

“Baka bukas na ako aalis.”

“Ang bilis ata.”

“Kahapon ko pa dapat gagawin ito. di ko na sana itutuloy kaso nga nangyari to. Papasalubungan naman kita eh.”

“Ikaw ang gusto kong pasalubong. Yang sarili mo. Mas gusto kong nandito ka para sa akin.”

“Yeah ang sweet ng best friend ko. Hayaan mo dadamihan ko pasalubong ko sayo.”

“Sira ka talaga. Sige na. bye na. good night.”

“Ingat ka ha. Pasabihan na lang sa kanila na sorry bigla akong nag walk out.”

“Okay. Tita alis na po ako.” Tumango na lang si tita.

On my way sa tambayan, iniisip ko na kung ano ang gagawin ko. Tumawag ako kay Mark.

“Mark, pre, anjan pa ba si Jaysen?”

“Oo bakit? Kamusta pala si AJ?”

“He is fine naman. Sabihin mo kay Jaysen mag uusap kami. Wag siya aalis.”

Mag tutuos tayo Jaysen. Akala mo jan, dapat mapigilan mo siya. Nagmadali ako na bumalik doon. Mag u-umaga na rin naman. 12 na ng haring gabi at heto ako binabagtas ang kalsada.

Since wala ng gaanong sasakyan, nakarating ako doon ng around 15 minutes. Agad kong sinugod si Jaysen at hinila siya. Nakita ko ang pagkataranta niya.

“Hoy ikaw, nagparaya na nga ako para sa kanya pero heto ka sinayang mo pag kakataon?”

“Sino ba may kasalanan nito? Hindi ba ikaw? Kung hindi lang niya inisip na nanjan ka sana kami na ngayon. Sana akin na siya ngayon.”

Dahil na rin sa tama ng alak kaya siya nagkakaganyan.

“Oo na ako na may kasalanan, pero heto ako oh nag paraya. Kahit matagal na kitang gusto at hindi mo man lang ako pinapansin. Tutal crush lang naman kita eh. Pero si AJ mahal ka niya. Tagusan pa.”

“Gago ako eh. Sa lahat pa ng makikita niya iyon pa.”

“Gago ka nga. Ni hindi mo siya hinabol? Ni hindi mo nga siya pinigilan eh.”

“Nabigla lang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko eh.”

“Dapat nag control ka sa kalandian niyang si Aldred. Maninira yan ng buhay eh. Isa yang salot na dapat pukasain.”

Nabigla ako sa sinabi ko. Hindi ko namalayan na nakikinig pala siya sa aking likuran.

“Nahiya naman ako sayo.” Sabi niya.

“Mahiya ka naman talaga. Isang pokpok na kung kani kanino nagpapadali.”

Nakita ko ang inis sa mukha niya.

“Wag kang mag matapang jan na akala mo malinis ka. Ng dahil sayo nasira ang buhay ko. Hiniwalayan ako ng taong mahal ko.”

“Mahina ka kasi eh. Ni hindi mo nga alam ang buong kwento eh.”

“Sapat na ang nakita ko. Okay  na sana yung sa akin eh pero pati ang best friend ko, gagawan mo pa ng ganito.”

“Pakialam mo ba. Mangialam ka ng buhay mo at hindi ang buhay ko.”

“Umalis ka na sa harapan ko. Nag iinit lang ang ulo ko.”

“Sana matauhan ka na. sana lang.” sabi niya.

Nakita ko naming nakatulala lang si Jaysen sa isang tabi.

“Hoy lalaki, wala ka man lang bang gagawin para pigilan si AJ?”

“Meron kaso hindi ko alam.”

“Alam mo gwapo ka na, sayang lang wala kang matinong pag iisip. Suyuin mo kaya siya.” Suggestion ko sa kanya.

“Tanggapin kaya niya ako?”

“Oo naman. Mahal ka niyon. Maniwala ka.”

“Pero pinagtabuyan niya ako kanina.”

“May kalokohan ka kasing ginawa.”

“Sabihin mo nga sa akin, mahal na mahal ba niya ako?”

“Oo mahal ka niya. Nagtanong ka pa.”

“Okay na kami sayo?”

“Oo nga. Unli?” Nakita kong ngumiti siya.

“Alagaan mo best friend ko ha.”

“oo naman.” Mahaba haba kaming oras na nag kwentuhan. Hindi ko namalayan na mag aalas singko na pala.

“Ang swerte mo sa best friend ko.”

“Oo. Talaga.”

“Ingatan mo siya. Marupok yun. Nasaktan na yun dati.”

“Yes Boss.” Bigla na lang nag ring ang cellphone ko.

“Oh natawag si AJ, quiet ka muna.”

“Pasabi mahal na mahal ko siya.”

“Ikaw ang magsabi.” At nagtawanan kami. Sinagot ko yung phone.

“Hello AJ. Oh napatawag ka. Hindi ka ba natutlog?” tanong ko.

“Nag impake kasi ako. Nasabi ko na rin kila mama yung nangyari.”

“Teka ngayon ka na aalis?”

 “Oo weh. Need na. urgent talaga.”

“Bakit biglaan. Hindi ba pwedeng mamaya na lang?”

“Mas gusto kong umalis na. baka abutan pa niya ako.”

“Grabe ka. Sige ingat ka. Hindi ba pwedeng magpakita ka muna sa akin?”

“Babalik din ako. Wag OA ha? Sige bye bye. Tumawag lang ako para mag paalam.”

“Okay. Ingat sa byahe.”

Nakita kong nagtataka ang mukha ni Jaysen. Nagtatanong ang mga mata at hindi makapag salita dahil hindi niya alm kung ano ang itatanong niya.

“Eto na ang sinasabi ko sayo. Kung pinigilan mo siya.”

“Ba…ba… bakit saan siya pupunta?”

“Naku aalis na siya. At hindi na babalik pa dito.” Pagsisinungaling ko.

“My God. Pupuntahan ko siya ngayon.”

“Bilisan mo lang at baka hindi mo na siya abutan.”

Agad naman siyang nagtatakbo at sumakay sa kotse niya. Pinagharurot niya ito. natawa ako bigla.

Pero kinabahan kasi baka kung ano ang mangyari doon eh lasing pa naman yun. Ibalik mo dito ng best friend ko. Nagtitiwala ako sayo Jaysen.

[Jaysen’s POV]

Pinaharurot ko ang sasakyan ko. Ayaw kong mawala ulit sa akin si AJ.

Nagkamali ako sa hindi paglalaban ng nararamdaman ako.naging duwag ako at nagpalugmok sa pag iinom ng alak.

Ang tanga-tanga ko at hindi ko hinabol siya noong nasaktan ko siya. Hindi ko na hahayaan pa na umalis siya ulit at mawala siya sa aking tabi. Mahal kita AJ, mahal na mahal.

Ilang sandal lang din ay nakarating na ako sa tapat ng bahay nila AJ. Agad akong nag doorbell at lumabas bigla ang mama ni AJ.

“Ma, anjan pa ba si AJ?” tanong ko sa kanya.

“Naku anak, kaalis lang niya. Nag mamadali siya eh.”

 “Saan ho ba siya papunta?”

“Sa mga lola niya. Pero baka maabutan mo pa siya sa terminal ng bus.”

“Salamat po ma.”

“Ingatan mo anak ko ha.”

“Opo ma. Pangako ko sa inyo ibabalik ko siya dito.”

Agad akong nagmadali na pumunta ng bus terminal. Tinatawagan ko si AJ pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ganyan ba talaga kalaki ang galit mo sa akin AJ. Please naman.

“Lord ayaw ko ng mawala si AJ sa akin. Please po. Pero talaga atang sinusubok ako ng pagkakataon. Traffic pa nga. My God, bakit ngayon pa. please let this traffic go away.” 

Nag red stop light pa nga. Pambihira naman oh. Ayt. Grabe. Hope na maabuta ko siya. Please wag ninyo muna siya paalisin. Di nagtagal at umusad na ang mga sasakyan. Nagging maluwag ang daan.

Dahil lang sa stop light kaya nag ta-traffic dito sa parting to. Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil  ilang metro na lang at nasa bus station na ako.

After 20 minutes nakarating na ako sa bus terminal station. Alas sais na ng umaga noon. Medyo madilim-dilim pa din.

Pawisan na ako at nanlalagkit. Pero hindi ko inintindi ito. agad kong hinanap ang kinaroroonan niya. Medyo maraming tao ang naroroon.

Ngayon lang ako napagawi dito pero nadadaanan ko lang siya minsan. Agad akong nagtanong tanong sa mga naroroon. Please give me a sign Lord.

Please give me sign kung nasaaan si AJ. Gagawin ko ang lahat para wag lang siyang mawala sa akin.

[AJ’s POV]

NApakarami atang tao ngayon dito. Nakakatamad tuloy umalis pero kailangan. Wala pa akong tulog at halata pa rin ang pamumugto ng mata ko.

Hindi na ako nag paalam sa iba kong mga kaklase at kabarkada, biglaan din kasi eh. Naalala ko tuloy ang sabi sa akin ni mama.

(Flashback)

“Alam mo anak, mahirap pigilan ang puso. Kung mahal mo, ipaglaban mo.”

“Pero ma, pano kung hindi dapat?”

“Paanong hindi dapat?”

“Paano kung hindi dapat maging kami ng isang tao?”

“Alam mo anak, hindi naman kina-kailngang maging kayo ng isang tao para lang masabing mahal mo siya eh.”

“Pero ma, anong gagawin ko ngayon? Mahal ko siya pero nasasaktan ako. Natatakot ako na baka matulad lang ito dati.”

“Ang nakaraan ay nakaraan na. pati natututo naman tayo sa ating mga pagkakamali. Wag kang matakot mag mahal ulit.”

“Salamat po ma. Maraming-maraming salamat.” Niyakap niya ako ng mahigpit.

(End of Flashback)

Tumutulo ang luha ko, sana pagbalik ko okay na ako. Sana I’m a better person at hindi tulad ng dati na parang tanga lang. maya maya narinig kong nag page.

“Calling the attention of Mr. Arwin Jake Montederamos, please proceed to the front desk  right now. Again, calling the attention of Mr. Arwin Jake Montederamos, please proceed to the front desk right now. Thank you.”

Nagulat ako ng bigla akong pinapage.

Grabe, special mention pa ako. Iniwan ko ang upuan ko doon at dinala ang mga bagahe ko.

Daig ko pa ang isang taon na magbabakasyon kila lola.

“Ate saan po yung front desk area po.” Tanong ko sa may cashier.

“Sir, dun po yun sa may tabi ng Siomai House.”

“Ah okay salamat po.”

Agad kong tinahak yung lugar na iyon. Nagulat na lang ako sa taong naroroon. Bigla akong napatigil sa paglalakad ko. Ilang meto lang ang layo ko sa kanya.

Agad siya napatingin sa kinaroroonan ko.

Anong ginagawa niya dito?

Bakit siya naririto?

Agad akong tumalikod sa kanya at nagtatakbo papalayo. Ngunit, sadya siyang mabilis at naabutan niya ako. Nahablot niya ang kamay ko at gad niya akong napigilan.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“Ano pa nga ba? Edi para pigilan kita.”

“Paano mo naman nasisiguro na mapipigilan mo ako?”

“Alam ng puso ko.”

“Wag mo akong daanin sa ganyan.”

“Bakit baka mahulog ka?”

“Hindi, kasi nakakasuka. Hindi bagay. Bitawan mo nga ako.”

Nagpumilit ako na bitawan niya ta para naman  tong tanga at binitawan nga ako.

“Aray ko. Bakit mo ako binitawan?”

“Sabi mo bitawan kita.”

“Dahan dahan naman siyempre.”

“Aynaku tara na nga.” Sabi niya.

“Ayoko nga.”

“Dali na pakipot ka pa.”

“Che.”

“Aysus. Halika na nga. Sorry na. mahal naman kita eh. Mahal na mahal. Sorry dun sa nakita mo.”

“Ewan ko sayo. Aalis na ako magbabaksayon pa ako.”

“Edi sasama ako.”

“Aynaku ewan ko siya. At isa pa lasing ka.”

 “Kung lasing ako bakit ako nandito”

“Basta iwan mo na ako.”

“Alam mo ba, akala ko dati malas ako? Akala ko pinag sakluban ako ng langit at pinagtripan ako ng mundo?”

“Oh bakit naman?”

“Kasi iniwan ako ng taong mahal ko noon. Pero ngayon, sa inaakala kong kamalasan ko noon, napangiti na lang ako ng tumingin ako sayo. Bakit kamo? Kasi kahit gaano ako kamalas noon…. Bawing bawi naman ng dahil sayo.”

Na-touch ako dun sa sinabi niya. Napaiyak ako. Agad ko siyang niyakap at hinalikan. Hindi ko inintidni kung gaano kadami ang tao na naroroon.

“Sorry kung pinagtabuyan kita noon. Sorry kung mas pinili ko ang isipin ang iba kesa sayo.”

“Shhh. Tapos nay un. Sorry is enough. Kalimutan na natin ang nakaraan at mag simula tayo ng bagong kinabukasan. I love you AJ.”

“I love you too Jaysen.”

“Promise ko hindi ko gagawin sayo ang ginawa ng ex mo. Mamahalin kita ng todo-todo. Maging buhay ko man ang kapalit.”

“Salamat ha.” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Sa pag-ibig, di mahalaga ang nakraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang tanging nagpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan.” Ang sinabi ko sa kanya.

“Well said ng taong mahal ko.”

“Ako pa.”

“So officially I’m yours na. At ikaw akin ka na. wala ka ng magagwa dahil akin ka na.” sabi niya.

“Makaakin ka wagas ah.”

“Basta akin ka lang.”

“Ikaw din akin ka lang.” hinalikan niya agad ako.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[Chad’s POV]

Masaya na ako ngayon dahil okay na ulit si AJ at Jaysen.

Dalawang lingo na sila at going stronger naman.

Buti pa best friend ko okay na ang love life samantaang ako wala pa. haixt.

Kasi naman ang taong gusto ko, hanggang ngayon trapped pa rin sa kanyang past.

Mag meet nga kami bukas eh, sana lang eh maging maayos ang lahat. Well I think I should not expect sa kanya.

Masasaktan lang din ata ako sa kanya.

Right now katext ko siya.

Crush ko lang ba talaga tong taong ito. pero bakit ganun, may iba akong nararamdaman sa taong ito?

May kakaiba sa kanya na hindi ko malaman kung ano.

Parang may pagkatao niyana nahihiwagaan ako.

He is like a rosary to me, full of mystery.

Di nga niya sinasabi pangalan ng ex niya eh.

Masikreto talaga tong taong to kahit kalian.

Bumisita ako sa bahay nila AJ at nadatnan ko ang magsyota na magkayakap sa salas habang nanonood ng TV.

“Kainit-initang panahon nagyayakapan kayo jan.” bungad ko sa kanilang dalawa.

“Oh anjan ka pala.” Sabi ni Jaysen.

“Hindi wala ako dito. Nasa bahay ako. Recording lang to.” Pambara ko.

“Ano barado ka pala bhie kay best friend eh.”

”Naku ganyan lang yan kasi naiinggit.”

“Kapal mo ah. May date ako bukas no.”

“Naks naman. Sino ba yan ha?” tanong sa akin ni AJ.

“Yung kachat ko sa fb. Mag meet na kami bukas. Yung kinukwento kong gwapo.”

“Gwapo ba talaga. Baka naman gangster yan ha.”

“Aysus. Inggit ka lang kasi tong jowa mo eh di gwapo.”

“Oy sinong di gwapo ha? Tong mukhang ito, pinagpala to.” Sabi ni Jaysen.

“Pinagpala sa kapangitan.”

“Yaan mo na siya bhie, wala lang magawa yan. Basta para sa akin, ikaw ang pinakagwapo sa lahat.”

“Naman. Ako pa, gwapo lahi naming no.”

“Pero hindi ka nabahagian ng lahi ninyo.” Pagbara ko.

“Wew na lang. ikaw talaga.” At  nagtawanan kami.

“hindi ko pa yan nakikita sa fb ah.” Sabi ni AJ sa akin.

“Paano ba naman ibinibigay ko yung link ikaw naman tong ayaw pa tignan.”

“Wala kasi akong panahon para mag fb nf mag fb.”

“Aysus. Pero panahon sa boy friend mo meron.”

“Dapat lang na meron.” Sabi niya sa akin.

“Anong reaction ni tito kay Jaysen?”

“Ayun, tinakot ni papa. Pero joke lang yun. Nag dinner kami last week kasma si Jaysen at tinerror agad ito ni papa. Para ngang nasa hot seat ito eh.”

“Naku ikaw kolokoy, wag mong sasakta ang best friend ko. Maraming susugod sayo.”

“Aysus. Ako pa. good boy ako no.”

“Wag kang magkakamali na mangaliwa. Kundi lagot ka sa akin”

“Opo boss promise yan. Hindi ako mangangaliwa.” Bigla naming nag kiss ang dalawa.

Well it turn outna okay na ang lahat. Kalamado na ang lahat at okay na okay na sila.

Hope that they will have a better life.

Natulog ako ng maaga sa di ko malamang kadahilanan. Maaga naman akong nagising kinabukasan.

Ano ako excited para mamaya?

Para akong bata na kung saan kapag excited ka sa mangyayari bukas ay maagang magigising.

Naghanda ako ng agahan ko at nakasabay kong kumain si mama.

Si papa naman, hanggang ngayon may sama ng loob sa akin. Casual lang kami mag usap at hindi na tulad dati na mahaba haba kung mag usap.

Okay naman kami ni mama.

Medyo tanggap kasi ni mama kungano ako samantalang si papa naman eh naghihimutok pa rin hanggang ngayon.

1pm ang usapan naming dalawa ni Arkin. Magkikita kami sa may SM *******. Nag text ako sa kanya.

“On the way na ako. Pasensiya medyo malelate ako. May traffic kasi eh.” Sabi ko na lang.

“Okay lang. paalis lang din ako ng bahay. Siguro mauuna ka pa.”

12:30 na noong time nay un. Mahigit isang oras pa naman mula sa amin yun. Pagdating naman sa may **** eh maluwag na yung daan kaya mga 20 minutes na lang bago ako makarating sa SM. Nagtext siya sa akin.

“5 minutes na lang andito na ako.” Sabi niya sa text.

“malapit na di ako. San tayo mag kita pala?”

“Uhm. Ikaw bahala.”

“Ah eh. Tapat na lang ng gonuts donuts?”

“Uhm. SIge sige. Okay okay. Ingat sa byahe.”

“Ikaw din.”

Medyo nadama ko na ang kaba. Gwapo ba talaga to sa personal? Kasi may mga tao na gwapo lang talaga sa picture eh. Nacurious talaga ako sa pagkatao nito.

Sabi niya sa akin, first time daw niyang makipag meet up. Pinilit ko kasi talaga siya. Dala-dala ko pa nga yung sabi kong pasalubong ko sa kanya.

“Dito na ako.” Text niya sa akin.

“Im 5 minutes away na lang. wait mo na ako. Order ka na jan. ako na bahala.” Sagot ko.

“Intayin na kita. Nakakahiya order ako for two mamaya eh sabihin matakaw ako.”

“Matakaw ka naman talaga ah.”

“Hindi ah. Tss”

“SIge lapit na ako.” At ayun, after 5 minutes nakarating na din ako.

Dama ko ang init kaya bago ako pumasok ay nagpahid muna ako ng aking pawis. Nakakhiya naman na humarap sa kanya na pawisan.

Siyempre mamaya sabihin nun ang baho-baho ko. Nag ayos na muna ako then yun punta na ako. May nakita akong lalaking nakatayo sa may tapat ng gonuts donuts. Nag text na muna ako sa kanya.

“Dito na rin ako. Ano suot mo?” nagreply siya.

“Damit.”

“Hehe. Funny. Seriously.”

“Wag na. lapitan na lang kita. Mamaya mabigla ka sa kagwapuhan ko.”

“Aysus. Talaga lang ha. Siguraduhin mong matutulala ako sayo ha.”

“Naman.”

Maya maya nag hintay ako kung lalapit sa akin yung lalaking nakalikod.

Hindi nga ako nagkamali siya nga yun.

Yeah ang tangkad niya ha. Infairness gwapo nga, nakakapantulala ang itsura.

“Ayan ha. Natulala ka na. sabi sayo eh.” Sabi niya sa akin.

“Ikaw ba talaga yan?”

“Oo naman. Ikaw talaga.”

“Gwapo mo ah.” Nakakapanggigil tuloy.

“Sabi ko sayo eh.”

“Sus. Mayabang.” “

Hindi naman sinasabi ko lang yung katotohanan.”

“Sige na. kain na tayo.”

“San mo ba gusto?”

“Kahit saan na.”

“Sige.” Dinala niya ako sa may Greenwich.

“Favorite mo pizza?” tanong ko.

“Yup. Dito sa fastfood na to lagi kami napunta ng ex ko. Kaya ayon.”

“Ow. Kaya pala. Di pa rin makapag move on?”

“Hahaha. Maya na lang tayo kwentuhan order muna tayo.”

Nagtatalo pa kami kung sino ang manlilibre. Sabi nga niya siya na eh pero nag pumilit talaga ako at sinabi ko na ako na. wala naman siyang nagawa. Nag hanap na siya ng vacant at nakahanap naman siya.

Mga 10 minutes pa ata bago mabigay yung order naming. Umupo na ako sa table na napili niya. Tumingin ako sa mata niya, yeah.

Nagkatitigan kami at yun, feeling ko babagsak ako sa kinauupuan ko.

“Natulala ka na talaga sa kagwapuhan ko.” Hindi na ako nakasagot pa.

[James’ POV]

“Natulala ka na jan sa kagwapuhan ko.” Sabi ko sa kanya.

Napansin ko kasi na nakatulala na siya sa akin.

“Wala lang. na amaze lang ako sa itsura mo.”

“Oh mamaya magkagusto ka na niyan sa akin.”

“Porket gwapo gusto na agad?”

“Oh common, ganyan na mga tao ngayon.”

“Di ka din mayabang no?”

“Joke lang. mamaya sabihin mo ang yabang-yabang ko na.”

“Hindi naman, pero malapit na.”

“Ayt. Joke lang. wagas eh.”

“Hahaha. Teka nga pala, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin siya makalimutan?” tanong niya sa akin.

“Pre, alam mo, hindi ako makakamove on hanggang sa hindi ko siya nakikita at hindi ko naririnig mismo sa harapan ko na hindi na niya ako mahal. At isa pa, hindi rin naman ako papaya na hindi siya mabalik sa akin.”

“Woooh. Ang dakilang martir. Pero may sira din ulo nung ex mo no, kasi naman iniwan ka niya.”

“Hindi niya ako iniwan. Ako ang may dahilan kung bakit siya nawala sa akin.”

“Pero ano ba ang nangyari talaga?”

“Mahabang kwento eh.”

“Sige na simulan mo na.”

“Okay sabi mo eh.”

Nagsimula na akong mag kwento. Kwento ng nakaraan. Ang pag balik ng nakalipas at nasayang na oras.

(Flashback)

Valentines day noon. May date sana kami kaso nga lang nagkaproblema kami kasi nag kaconflict yung schedule niya.

Sabi ko naman sa kanya na tumakas na lang muna siya. I

mportante kasi yung date nay un sa akin eh.

First time namin nun na mag cecelebrate ng Valentines day together eh.

Dahil sa pag tatampo ko, nagkayayaan na lang kaming magkakabarkada noon na mag inuman na lang. nagtampo ako ng sobra noon sa kanya.

Hindi ko sinasagot yung tawag niya or text. Nababsa ko na lang mga text niya tapos binababa ang phone ko.

“Dhie, asan ka na?” “Dhie nag woworry na ako sayo.” “Dhie, please sagutin mo text at twag ko.” “Dhie sorry nap o. Please lang oh.” “Dhie I love you.” “Dhie, babawi na ako sayo.” “Dhie please lang.” “Dhie.”

Paulit-ulit mga text niya sa akin. Naka 25 missed calls siya sa akin. Dahil nairita ako, pinatay ko phone ko.

“Pare, grabe hinahanap ka na ng boyfriend mo.”

“Hayaan mo siya.”

“Sus. Grabeng pagtatampo yan ah.”

“Hinahanap ka niya sa amin.”

“Wag kayong maingay. Hayaan. Hayaan.. hayaan ninyo siya.” Sabi ko.

“Pre, pag usapan ninyo yan hindi yang nilulunod mo sarili mo sa paglalsing.”

“Minsan… mim…minsan na nga lan….lang ako humingi ng pa..pabor..hindi pa rin niya pagbibigyan?”

“Pre, kaya nga pag usapan ninyo eh.”

“Pabayaan ninyo ako.”

Ang laki talaga ng galit ko noon. Hanggang sa malasing na ako at halos lahat ng kaibigan ko.

“Pare, dito na ako mag overnight ha.” Sabi ko.

“Ikaw bahala pre. Basta uuwi na ako ha.”

Mula sa anim, dalawa na lang kaming natira. Ang nakasama ko pa naman ay close friend ng boyfriend ko.

“Oy ikaw. Baka naman sinumbong mo ako a kanya.”

“Hindi… hahah.. ngayon nga lang kita masososlo eh.”

Hindi ko inintindi ang sinabi niya dahil sa medyo malakas na ang tama ko. Alam ko pa naman ang ginagawa ko. Naramdaman ko na lang na gumagala na yung kamay niya sa binti ko.

“Pre, ano ginagawa mo.” Tanong ko.

“Pre…. Kung wala yung syota mo, ako na lang muna substitute.”

Binulong niya sa akin sabay halik sa pisngi ko. Itinulak ko siya ng bahagya at pati ako na out of balance.

“Pre, te..teka lang…. ano ba… ano ba yang ginagawa mo?”

“Dali na. isa pa, galit ka naman sa syota mo ah.”

“Gago, boyfriend ko yun hindi syota.”

“Iisa lang yun.”

“Gago, itigil mo nga yan.”

Dahil sa lakas ng tama, nararamdaman kong nahihilo na ako. Inalalayan niya ako.

“Teka lang pare…. May gusto ….may gusto ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.

“Obvious ba?” bigla na lang niya hinawakan ang mukha ko at siniil ng halik.

Dahil sa hinang hina na ako, hindi ko na magawa pa na pigilan pa siya. Pag dilat ko ng mukha, mukha ng boyfriend ko ang nakita ko.

Akala ko siya hindi pala.

Gumanti paman din ako ng halik at nahiga na kami sa may lupa noon ng may marinig akong sigaw.

“Walang hiya kayo!” pareho kami noong napatayo.

Nakita kong nagsisigaw at umiiiyak ang boyfriend ko.

“Mga hayop kayo. Akala ko hindi mo ako lolokohin.” Sabi niya sa akin.

“Teka. Nagkakamali ka ng iniisip mo.”

“Tanga ba ako ha? Sa tingin mo tanga ako na maniniwala sa yo?”

“Pero mali yang nakita mo.”

“Hindi ako bulag. May mga mata ako at 20-20 ang vision ko.” Nakita kong umiiyak siya.

“Porket hindi lang tayo nakapag date ganyan ka na. humanap ka na ng kapalit ko at ang malala pa, sa kaibigan ko pa. mga walang hiya kayo.”

Nakita ko ang pang gagalaiti niya. Nanlalabo na ang paningin ko. Umiikot na rin ang paligid ko.

“Teka…” bigla akong bumagsak sa lupa.

“Break na tayo. Manloloko ka.”

Bigla siyang umalis at iniwan ako. Humahabol pa namana ako sa kanya pero unti-unti na akong nahilo at nawalan ng malay.

(End of Flashback)

“Ang saklap naman pala eh.” Sabi ni Chad sa akin.

“Yeah. Gusto kong mag explain sa kanya. Katangahan ang ginwa kong pang isnob sa kanya. Bakit kasi umabot pa sa ganun?”

“Haixt. Oh ano ang nangyari sa inyo nung kaibigan niya?”

(Flashback)

Kinabukasan, pagkadilat ko ng mga mata ko, naninabago ako sa kung saan ako naroroon.

Pagbangon ko, nakita ko na wala na akong saplot. Katabi ko siya na gayun din, wala na ring saplot na tulad ko.

Sinamantala niya na tulog ako at yun nga, may nangyari daw sa amin. Pinipilit niya ako na maging kami pero hindi ko siya pinapansin.

May gusto siya sa akin noon pa at balak niya akong agawin sa boyfriend ko.

“Hindi mo ba ako titigilan?”

“Hindi kita titigilan hangga’t hindi nagiging tayo.”

“Ayokong makita kita. Baka masapak lang kita. Kasalanan mo lahat ng ito.”

“Okay na aakuin ko na. pero hindi naman kayo bagay eh. Tayo ang bagay.”

“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.:”

“Mahal kita.”

“Pero hindi kita mahal.”

Nagbanta siya sa akin. Sisiraan daw niya ako. Gagawin daw niya ang lahat para lang mapasakanya ako.

Hindi ko naman pinansin ito at ipinagpatuloy lang ang araw-araw.

Hindi ako pinapansin ng boyfriend ko, iniiwasn niya ako at ayaw makausap. Ilang araw din siyang absent.

Nalaman ko na lumala an gang asthma niya at nag alala ako ng sobra.

Binantaan ako ng best friend niya na lumayo ako sa kaniya at wag na wag kong lalapitan ito.

kinakamusta ko naman siya sa kanila at nalaman ko na naospital daw ito. nahirapan daw siyang huminga ng dahil sa kaiiyak.

Sinisi ko ang sarili ko sa ganun. Sabi ko sarili ko na gusto ko siyang makita at makusap pero walang mahanap na tiyempo.

Hanggang sa magtagal ng magtagal at hindi na kami nakapag usap.

Ngunit isang balita ang gumulantang sa buhay naming na labis naming kinabahala.

(End of Flashback)

“Mala teleserye pala ang buhay mo ah.”

“Hindi naman.”

“Pero ang landi nung kaibigan ng ex mo ha. Naalala ko tuloy yung malanding katropa naming. Haixt. Sarap sapakin eh.”

“Chillax.”

“Pero swerte nun. Nakaisa siya sayo.”

“Ahahahah. Di ko nga naramadaman yung sarap kasi tulog ako.”

“Gago. Talaga gusto mo pang maramdaman ah.”

“Joke lang.” biglang tumunog ang cellphone niya.

“Wait lang natawag ang best friend ko.”

“Sige lang.”

“Hello. Oh bakit?” narinig ko na sabi nito.

“Oo okay naman ako. Wag kang mag alala safe ako. Para kang tanga talaga. Oo na. sige papasalubungan kita pati yang jowangot mo. Sige sige. Ha?” biglang nagbago ekspresyon ng mukha niya.

 “Hala ka. Mahiya nga kayo. Aabalahin ninyo pa to. Wag na.” nakita kong nagtataas na siya ng boses.

“Okay sige tatanungin ko muna.” Bigla siyang humarap sa akin.

“Gusto ka daw makausap.”

“Okay lang. akina.” Inabot ko yung phone.

Nakita ko nakalagay doon ay AJ.

“Hello…”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

“Hello.” Sabi sa kabilang linya.

Magsasalita na sana ako ng agawin ni Jaysen ang phone ko.

“Hello din. Oy ingatan mo pre yung best friend ng bhie ko ha. Asahan ko yan ha.”

Parang timang talaga tong si Jaysen. Sinususot niya talaga si Chad.

Pagnalaman yan nako lagot ito.

Pero parang pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya.

Parang narinig ko na siya dati. Saan kaya at kanino kaya?

Mga tanong na bumabagabag sa akin. Binaba ni Jaysen ang phone.

“Adik mo talaga.” Sabi ko.

“Adik sayo.”

“Ang corny.”

“Pero gusto mo naman.”

“Oo na.”

“Alam mo kapag ikaw sad, andito lang ako sa tabi mo.”

“Alam ko.”

“Kapag may kaaway ka, aawayin ko di sila at wala akong pakialam kung gaano pa sila kadami.”

“Wow ha mag papakabrave ka ng para sa akin.”

“Oo naman. Kasi you are special to me at ayaw kong masaktan ka, kasi mahal kita eh.”

“Yan ang gusto ko sayo eh lalo mo akong pinapain-love.”

“Ayokong mag fade love mo sa akin.”

“Ako din naman eh.”

Bigla na lang sumingit sa eksena naming si mama.

“Hoy kayong dalawa mamaya na kayo mag kornihan diyan. Kain na muna kayo ng meryenda.”

“Ma naman eh. Bigla bigla na lang.”

“Ganun talaga anak.”

“Ma, pwede bang si bhie ko na lang meryendahin ko?” panlokong tanong ni Jaysen.

“Hoy kayo ha. Saka na yan. Kapag may trabaho na kayo. Paparami agad kayo.”

“Joke lang yun ma.” Sabi nito.

Tinawag din ni mama si ate at si bunso. Yung iba kong kapatid kasi nas school pa.

“Kain tayo ate Arianna.” Sabi ni Jaysen.

“Naku buti ka pa inaalok ako. Etong boyfriend mo hindi man lang ako inaalok.” Tukoy sa akin ni ate.

“Naku ate, matakaw ka kasi.”

“Aba nasabat ka na.”

“Sus. Masama?”

“Talk to my hand.”

“Talk to my nails.” Ganyan kami ni ate mag barahan.

“Bhie oh. Ah.” Sinubuan ko siya ng bilo-bilo o ginataan.

“Ahm.” Sabay kiss sa akin.

“Ma oh ang sweet nila oh. Dito pa sila naglalandian.” Sabi ni ate.

“Waaah. Inggit ka ate. Gurang ka na kasi kaya hindi ka na dinadalaw ng boylet mo.”

“Grabe ka. Wala ka talagang galang sa akin.”

“Meron naman.”

“Saan?”

“Sa pagtawag ko ng ate sayo.”

“Bastusan. Che.” Tapos tawanan.

Naalala ko lang bigla si Khail. Kamusta na kaya siya.

Ni hindi ako nakapag paalam sa kanya.

Siguro nagtanim yun ng galit sa akin.

Gusto ko siyang ampunin dahil parang mag ama na turingan naming dalawa.

Nakakalungkot lang kung sakaling may umampon na sa kanya. Kung gayon man, sana lang ay maayos na ang kalagayan nito. Sana ay okay naman sila doon.

Gusto kong bumisita doon one day para naman makamusta ko siya. Siguro malaki na ang pinagbago noon. Pero hope ko lang na sana ay nasa maganda siyang pangangalaga.

“Bhie, mukhang may malalim kang iniisip ah?” tanong sa akin ni Jaysen.

“Naalala ko lang anak ko.” Sabi ko.

“May… may anak ka na?” gulat na tanong niya.

“Not typically anak, anak-anakan ko yun. Makapag react to wagas.”

“Akala ko may anak ka na eh. Este anak na tayo eh.”

“Haahha. Anak talaga natin ha. Ikaw talaga.”

“Kelan ba tayo gagawa ng baby natin ha?” yumakap siya sa akin at hinimas ang tiyan ko.

“Oi. Bakit tiyan ko hinawakan mo?”

“Siyempre, ikaw ang carrier ng anak ko. Kaya dapat di kita pinapagod. Ano gusto ng bhie ko?”

“Aysus. Adik mo. Mga balak mo sa akin ha. Nakow. Mamaya mabaligtad ang mundo, ikaw ang maging carrier eh.”

“Eh kung kaya mo lang ba eh. Kung makakaubra ka sa akin.” Kinindatan niya ako.

“Sira ka talaga.”

“Matagal na. matagal na akong sirang-sira sa pagmamahal sayo.”

“Corny mo bhie. Kain ka na nga jan.”

Corny no? bhie tawagan namin. Siya umisip noon ha at hindi ako. Hindi ko alam kung ano ang naisipan niyan at ayan yung sinabi niya.

Okay na rin naman keas naman kung anu-ano pa mga naisip niya. Honey bunch, tart, hay naku daming alam nito. Parang babae at lalaki lang kami pag ganun.

Hahahaha. Kamusta na kaya si Chad doon. I know naman gustong-gusto niya yung guy nay un. Hoping na makilala ko yun soon.

[James’ POV]

“Ano sabi sao ng best friend ko?” tanong sa akin ni Chad.

“Yung boyfriend niya nakausap ko eh.”

“Ah. Ganun ba. Oh ano daw sabi?”

“Ingatan daw kita.”

“Adik talaga nung mga yun.”

“Hahaha. Ayos lang. teka legal ba silang dalawa?”

“Sinong dalawa?”

“Yung best friend mo at boyfriend niya?”

“Ah. Oo legal sila sa side ng best friend ko. Kaso yung sa jowa niya hindi eh. Marino tatay niyon kaya hirap silang aminin.”

“Ah buti di nagalit tatay ng best friend mo?”

“No, he was proud sa anak niya. Di ko alam buong istorya but gawa siguro yun nung sa ex ng best friend ko. Ayon. Dahil sa kanya naging okay ang lahat. Okay naman sa family niya ang lahat. Tanggap nila kung ano ang katauhan ng best friend ko.”

“Good to hear.”

“Ikaw ba?” tanong ko sa kanya.

“Alam nila kung ano ako pero hindi nila tanggap.”

“Sorry to hear that.”

“What about you?”

“I think naman okay na sa kanila. Dahil din ito sa ex ko.”

“Ah ganun ba. Alam mo dami ninyong common ng best friend ko.”

“Ah ganun ba. Hahaha. Baka destiny. Hope na makilala ko na best friend mo.”

“Baka mamaya siya ex mo ha. Joke lang. yaan mo mag seset ako ng date para magkakilala kayo.”

“Hahaha. Analayo at imposible naman na maging ex ko best friend mo.”

“Hahaha. Just assuming. Hahahah.”

“Kain na nga lang tayo.”

Marami pa kaming napag kwentuhan. Masaya kausap si Chad. I learned many things from him.

I like him, as friend at hanggang dun na muna. Siyempre wala munang makakapalit sa one and only love ko.

Inabot kami ng alas-siete ng gabi.

Yah, ganyan kami katagal nag usap.

Nanood din kami ng movie.

Ako naman ang nag treat sa kanya.

Naglaro din kami sa quantum.

Doon kami laging naglalaro ng mahal ko eh.

Bawat pinupuntahan naming ni Chad, it only reminds me of him.

Kamusta na kaya siya?

Gusto ko na siyang makasama.

I know nandito lang siya kasi nakita ko siya, pero di pa rin ako sigurado.

Gusto kong makapanigurado na siya nga yung nakita ko bago ako mag conclude. Nagpasya na kaming umuwi.

“So paano ba yan, bye bye na.” sabi ko.

“I had a great time. I enjoy it.”

“Yup ako din.”

“Sige una na ako.”

“okay ingat ka ha.”

“Okay bye bye.”

I have my car. Ayaw niyang mag pahatid sa akin.

Kaya ayon namasahe na lang siya.

Dumeretso na ako pauwi.

Namili muna ako ng pasalubong sa baby ko.

Siguradong kanina pa yun nag mamaktol kakahintay sa akin.

Favorite niya yung binili ko, brownies ng brownies unlimited.

Yun ang lagi nilang kinakain ni Arwin pag nag gagala kami.

Para nga kaming one great and happy family noon.

Sana pwede lang balikan ang kahapon.

Pag uwi ko agad sumalubong sa akin ang baby ko.

“Daddy!!!” sigaw sa akin ni Khail.

“Baby ko…” salubong ko naman.

“Bakit ngayon ka lang? kanina pa ko naghihintay sayo.”

“Pasensiya na baby ha, medyo dami lang ginawa kanina.” Palusot ko.

“Naku nanlalaki yang daddy mo.” Sabat ni mama.

“Ma naman.”

“I hate you. Si daddy Arwin lang daddy ko… bad ka pinagpalit mo na siya.”

“Naku anak ang daddy mo lang ang nag iisa sa puso ko at walang makakapalit doon.”

“Promise?”

“oo naman.”

“Okay. Sige po. Pasalubong ko?”

“Kiss ko muna?”

“Mwuah.” Inilabas ko yung brownies at tuwang tuwa siya sad ala ko.

“Alam kong favorite mo yan kaya iyan binili ko.”

“Salamat daddy.”

Masaya na ako kapag nakikita ko siyang masayan. Sobrang happy ako kasi siya ang nag papaalala sa akin na nanjan lang si Arwin sa tabi ko.

Mga 9 pm na ng makatulog si Khail. Nag usap naman kami ni mama sa may terrace namin.

“Kamusta ang lakad mo?” tanong sa akin ni mama.

“It’s fine. Nag enjoy naman ako. I had a great time.”

“Mahal mo pa rin ba siya?”

“ma naman. Tinatanog pa ba yan. Oo naman. Mahal na mahal ko siya.”

“Siguro matutuwa ka sa ibabalita ko.”

“ano yun ma?”

“Andito lang din sa kinaroroonan natin si Arwin. Nag patanong na ako at dito nga sila malapit lang din dito lumipat sila Arwin. Di ko lang alam kung saan pero alam ko dito nga.”

Sobra akong nabuhayan ng loob ng mabalitaan ko at marinig ko it okay mama. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Thank you mama. Pinasaya mo ako. Sigurado na akong nandito siya. Nakita ko siya noong isang araw.” Sabi ko.

“Para sayo anak. At isa pa, gusto ko din humingi ng tawad sa kanya.”

“Pinatawad ka nun ma. Ikaw pa.”

“Basta.”

Hindi ako makatulog sa kakaisip na ilang milya lang pala ang layo niya sa akin.

Baka nga ilang metro lang eh.

Malapit na kitang makita. Gustong-gusto na kitang makita.

Pag nakita kita yayakapin agad kita ng sobrang higpit.

Gagawin ko ang lahat to get you back ang win your heart again.

Pinapangako ko hindi na kita papaiyakin.

Hindi na kita sasaktan.

Niyakap ko ng mahigpit si Khail.

“Khail anak, mahahnap ko na ang daddy mo. Magkakasama na tayong tatlo.” Sabi ko sa kanya habang tulog siya.

Natulog din ako matapos ang ilang sandali.

Namalayan ko na lang na nakapikit na ang mata ko at nakatulog na ako.

[Chad’s POV]

That was the most unforgettable day ever.

Grabe ang gwapo niya.

Nakakatulala ang kagwapuhan niya.

Ang swerte ko kapag naging akin siya.

Sana akin na lang siya.

Promise ko aalagaan ko puso niya.

Nakakainlove mga ginawa niya sa akin.

Nanjan yung nag offer siya na ihatid ako, nanjan din yung pahiran niya yung dumi sa mukha ko at ilibre pa niya ako sa movie.

Habang papauwi ako nakatulala ako sa kawalan.

Napapangiti ako pag naaalala ko iyon.

Sobrang saya ko talaga ngayon.

Wala ng makakapantay pa dito. Siguro meron pala, if ever namaging kami.

Pagdating ko ng bahay, agad kong tinawagan si AJ.

“Oh napatawag ka.” Dinig kong sabi niya sa kabilang linya.

“Kinikilig ako.” Sabi ko.

“Ang landi ah. I think you like him.”

“Yeah a lot. Grabe ang gwapo niya sobra,. Nakakanganga ang kagwapuhan niya.”

“Aysus. Mamaya mas gwapo pa ako jan ha.”

“Siguro pangalawa ka lang.”

“Grabe ka ha. Best friend ba kita?” “

"Oo naman. Pero talagang ang gwapo niya eh. Naka mesmerize.”

“oh mukhang gwapo nga. Base sa kinikilos mo eh daig mo pa ang kinder kung kiligin”

“Sira. Pero he captures my heart.” Parang baliw na ako nag papaumikot-ikot sa kama.

“Sira ka, capture agad eh kakikilala ninyo lang.PBB teens?!”

“Aysus. Ganyun talaga. Gusto nga kayong makita eh.”

“Soon makikilala ko din yan.”

“naku pag nakita mo ito baka hiwalayan mo yang asungot mong boyfriend.”

“Adik mo talaga ikaw. Naku.”

“Oy narinig ko yon.” Sabat ng isa.

“Hoy bakit nanjan ka pa?” tanong ko kay Jaysen.

“Gagawa kami ng bhie ko ng isang happy family. Bakit ba?”

“Hoy best friend ikaw ay mag ingat jan ha.”

“Adik ninyo. Kayng dalawa talaga pagbubuhulin ko. Mga pinagsasabi ninyo eh.”

“Ay siya siya good night na.”

“Okay good night din.”

Natulog ako na ang nasa isip ko ay nkalutang kay Arkin.

Hope to see him again someday.

Alam ko mag kikita ulit kami. At alam kong magiging kami.

Gagamitan ko siya ng gayuma para maakit lang siya. Hahaha.

See you sa dream land. At unti-unti nakaulog ako.

[Jaysen’s POV]

Makikitulog ako ngayon sa bahay ng pinakamamahal ko.

First time to kaya dapat memorable. Yan ang nasa isip ko.

Bago matulog sila mama, pumasok muna siya sa kwarto ni AJ at may sinabi.

“Kayong dalawa, alam kong kayo na. saka na kayo gumawa ng apo ko ha. Behave.” Paalala nito.

“Ma, si Jaysen pagsabihan ninyo.”

“Oh bakit ako?” “

Aba, ako kaya kong mag control, eh ikaw ba?”

“Oo naman.”

“Talaga?”

“Oo kaya.” Nag hubad siya ng damit.

“So ma kaya pala niya eh.”

Napalunok ako bigla ng mag hubad siya ng damit.

Grabe tinetesting talaga ako nitong mokong na to.

“Oy ikaw, talagang inaakit mo si Jaysen.”

“Ma, pagsabihan ninyo nga yang si AJ.” Sumbong ko.

“Aysus. Ang banas kaya.”

“Sus. Pwede namang mag electric fan.”

“Bakit ba?”

“Sige na tutulog na ako. May tiwala ako sa inyong dalawa ha.”

“Opo ma.” Sinarado na nito ang pinto.

Agad akong sumampa sa kama at humiga. Inaakit mo ako AJ ha, ngayon, tignan natin galing mo.

Hinubad ko ang damit ko.

“Bhie tulog na tayo.” Sabi ko.

“O bakit ka nagtanggal ng damit?”

“Wala lang. tara na.” nakita kong napatitig siya.

“Si…sige…”

“Mukhang may flag ceremony ka ngayon ah?” pang asar ko sa kanya.

“Wala ah. Talagang ganyan na yan.” Bigla ko siyang hinila at inihiga.

“Ows. Talaga lang ha.”

Nilagay ko ang daliri ng kamay ko sa bibig niya. Pinasadahan ko ng daliri ang ilong niya. Ni hindi siya makagalaw at ramdam ko na medyo kinakabahan siya.

“Ang cute mo.” Sabi ko.

“Gwapo ako.” Sabi niya.

Tumalikod siya sa akin.

 Agad naman siyang nanlaban.

Oh akala ko ba kaya niya pero gumanti siya. Naging mapusok ang palitan namin ng halik.

Agad ko itong itinigil.

“Di ka rin pala makakatiis.”

“Sino kaya sa atin ha?”

“Aysus. Tara tulog na tayo. Behave na muna tayo…” sabi ko.

Natulog na kami. Magkayakap kami sa kama niya.

“I love you AJ.”

Sabi ko. Tumingin naman siya sa akin. Niyakap niya ako at binulungan ako.

“I love you too Jaysen.”

Masaya ako na kayakap ko siya ngayon.

Kahit na alam kong hindi magtatagal ito.

hangga’t hindi ko pa nasasabi kay papa ang lahat, hindi magiging okay ang lahat.

Pero paano ko sasabihin ito?

alam kong di niya kami matatanggap. Hay buhay.

Pinag masdan ko ang mukha ng mahal ko. Ang amo talaga nitong matulog. Pero pag nagising na eh daig pa nito ang leon sa bangis at sungit.

Ginala ko ang mata ko pababa ng katawan niya.

Napadako ang mga mata ko sa tattoo na nasa likod niya.

May letrang “J” ang nakatatak dito.

Napangiti ako ng maisip ko na para sa “Jaysen” yun pero naalala ko, baka naman sa ex niya.

bigla akong nagselos.

Nakadama ako ng inggit.

Hihigitan ko pa ang pagmamahal na ibinigay sa kanya ng ex niya.

gagawin ko ang lahat mahigitan ko pa ang ginawa ng ex niya.

ipapakita ko na tama ang ginawa niyang pagpili sa akin.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

2nd term na naming. Haixt. Eto na ang critical sa lahat ng critical.

Grabe ang mga load ko ngayon, tatlong math kaagad. 2 science pa. waaah sabog ang utak ko. Pero kaya yan, ako pa.

Dalawang lingo pa lang ang nakakaraan ng mag 2nd term na.

Medyo di pa mabigat ang mga subjects.

Break naming ngayon at nasa cafeteria ako at nakikipagdaldalan sa mga classmates ko.

Bigla na lang may tumaklob ng mata ko at humalik sa pisngi ko.

“Ayt Jaysen.” Sabi ko.

“Ang galing ah.” Sabi niya.

“Alangan naman ikaw lang ang gagawa niyan eh.”

“Hahaha. Malamang. Pag may ibang gumawa niyan lagot sila sa akin.”

Bigla niyang inabot sa akin ang isang pirasong kitkat.

“Thanks. Love you.”

“Love you too.” Sabi niya.

“Tara na tol. Nilalanggam na kayo jan eh.” Sabi ni Steve.

“Inggit ka lang pre…”

“Di ah.”

“Kita tayo mamaya uwian. Intayin kita ha.”

“Yes.”

Agad namang nagtilian mga classmates ko.

“Grabe ang swerte mo ha.”

“Irit talaga ng malakas?”

“Kasi naman nakakakilig eh.”

“Swerte mo talaga. Manatakin mo natuhog mo si Jaysen. Ang gwapo gwapo niya grabe. Super.” Sabi nung isa.

“Kayo talaga.”

Sobrang kinikilig talaga sila kapag nag papasweet sa akin si Jaysen.

Kala mo hihilahin adrenaline nila kapag makikita nila ito. ang lakas makairit eh.

My class turn out well.

Okay naman lahat. Last class namin ay English.

Bago matapos ang class namin ay nagsabi na ang prof namin na magkakaroon daw kami ng research paper.

“Ayt naman si Sir. Research paper pa.” reklamo ng isa kong kabarkada.

“Yaan mo na.” sabi ko.

“Palibhasa sisiw lang yun sayo eh.”

“Hindi naman. Sadyang pinagtiyiyagaan ko lang yun.”

“By the way class groupings naman siya. Kaso yung group na yun compose of two members. Kaya by partner lang.” sabi nito.

Matutuwa na sana ang classmates ko kaso nga lang biglang napurnada pa. kanya-kanya ng hatak sila.

Since lima kami, ako nawalan ng partner.

Well it turns out na ako lang ang walang partner.

“Okay class lahat ba may partner na?”

“Sir ako wala pa po.” Sabi ko.

"Naku wag ka na..... kaya mo na yan mag isa." sabi nung kabarkada ko.

"Shut up.. bahala ka jan.. walang tanungan ah..." biro ko.

"Sir Ihanap na ninyo... yung magaling ah..." biglang sabat

at nagtawanan sila.

“Sino pa walang partner jan?”

Then suddenly may nag raise ng hand sa may likod. I saw a pretty girl. Maganda siya, at parang may kamukha siya.

“Ah okay. Mr. Montederamos at Ms. Pangilinan, kayo ang magpartner.”

Pinuntahan ko agad siya at nakipag kilala.

“Hello. I’m Arwin Jake Montederamos.” Pakilala ko.

“So, you are Arwin. I’m Princess Ericka Pangilinan”

“Nice to meet you.”

“Same too. So ikaw pala yung laging kinukwento ng kuya ko saakin.”

“Ha? Ah eh. Sino ba yung kuya mo?” then suddenly the bell rung.

“Ayt nag bell na. sige see you around.” Nauna na akong tumayo.

Nagmadali kasi bigla mga kabarkada ko.

Sabi ko naman wait lang pero masyado silang atat.

Oo nga pala si Jaysen.

Hinanap ng mata ko si Jaysen.

 Pagkakita ko nandun na yung apat. Aba nauna pa sa akin.

“Well.” Sabi ni Jaysen.

“Oh?” sabi ko naman.

“So tara na?”

“Okay sige.” He hold my hands ang start to  walk pero bigla siyang tumigil.

“Bakit?”

“Oi sis.” Sigaw nito sa babae.

Napatingin ako sa kung saan siya tumingin.

Kumaway yung babae kaya nalaman ko na siya yung sinasabihan ni jaysen.

My eyes get big habang papalapit yung girl. So siya yung kapatid niya.

“Hello ulit.” Bati niya sa akin.

“So magkapatid kayo?” gulat kong tanong.

“Yeah. Again I’m Princess Ericka Pangilinan. You can call me Princess. Well I guess you’re my kuya’s honey babe?”

“Well mag kaklase kayo sis?”

“Oo naman. Mag kapartner pa nga kami sa research paper eh”

“Wow. Ang galing naman. So meron na pala akong dahilan or palusot para makapunta sayo bhie ko.”

“Aysus. Ginamit mo pa talaga to ha.”

“So bale sis, yaan mo, kapag need mo mag overnight sa kanila, ako na lang mag substitute sayo.”sabi ni Jaysen.

“Alam mo para kang timang.” Sabi ko.

“Diba sis papayag ka naman?”

“Adik mo kuya. Sumbong kita jan kay kuya at papa eh.” Sabi nito.

“Subukan mo lang at di ka makakatungtong sa bahay.”

“Weh?”

“So Princess, nice to meet you.”

“We need to talk. Dami nating dapat pag kwentuhan.”

Bigla niya akong hinila. Nabitawan ko tuloy ang kamay ni Jaysen. Napakamot na lang siya ng ulo niya.

Mabilis kaming nagkasundo ni Princess.

Grabe dami kong nalaman kay Jaysen ng dahil sa kanya. Siguro pag uwi nila kagulo na to.

“Alam mo ba yang si Kuya, di yan tutulog ng di ka namin pinag uusapan. Nahuli ko pa nga yan hinahalikan picture mo eh…” pambubuko ni Princess.

“Oi tigil na nga yan. Na-humiliated na ako sa ginagawa mo.”

“Kuya ayaw mo nun? Nalalaman niya ka-sweetan mo?” tawa lang ako ng tawa.

“Well good naman na ikaw ang nagging bf niyang kulugo kong kuya. Boto ako sayo kasi sobra mong bait. Marami akong narinig all over the campus about sayo. Grabe ka ha. Ikaw na matalino.”

“Adik. Masipag lang talaga mag aral.”

“Hawaan mo ako ha.”

“Naku bhie, kailngan mong mahawaan yan ng sipag. Pagkakatamad niyan sobra eh.”

“Kuya naman. Mas masipag naman ako sa bahay no.”

“Aysus. Parang di naman. Utos ka ng ng utos sa akin.”

“At least kaya kong magluto ng masarap.”

“well. Lahat ng bagay napag aaralan.”

“Naku bhie ikaw ha, mamaya tatamad-tamad ka sa bahay ninyo?”

“Hindi ah. Masipag ako no. kaya nga ganito katawan ng mahal mo eh.”

“Aysus.”

Tawanan lang kami ng tawanan.

Kwela siya at nakasundo na agad ng barkada.

Siguro pag nandito si Chad eh makakasundo din nito yun.

May klase pa kasi si Chad kaya wala pa siya dito.

“So kuya, uuna na ako ha. Baka kasi hinahanap na ako ni papa. Uwi ka na din pagkatapos mong ihatid yang bhie mo.”

“Okay bunso sige sige. Ingat ka ha diretso bahay hindi diretso sa bahay ng boy friend.”

“Wala akong boyfriend no.”

“Talaga lang ha.”

“Sige bye bye. Toodles.”

“Okay.” Ilang sandali lang, nawala na sa aming paningin si Princess.

“Ang saya kasama ng kapatid mo ah.”

“Mana lang sa kuya.”

“Ikaw ha. May pahalik-halik ka pa sa picture ko ha.”

“Eh hanggang picture lang ako nun eh.”

“Aysus. Kahit nga hindi tayo hinahalik halikan mo ako.”

“Well. At least natikman mo labi ko noon. Ang swerte mo ha.”

“Kapal mo din ah.”

“Aysus. Talaga lang ha.”

“oo. Ako na nag sasabi sayo.”

“Sus. Ewan lang din.”

Bigla na lang niya ako hinatak at hinila paharap sa kanya. Nakasandal na ako ngayon sa may kotse niya.

“I love you bhie.” Sabi niya.

“Alam mo may sabigla ka talaga ha.”

“Eh love kita eh.” Lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

“Oy grabe ka, dito talaga?”

“Saan mo ba gusto?”

“PDA to no.” sabi ko.

Hinila niya ako sa kotse at saka hinalikan.

“Ayan hindi na nila makikita.”

“Kahit kalian talaga para kang timang.”

“Buang na nga ako eh.”

“Oo baliw ka na talaga.”

“Tara na iuuwi na kita. Mamaya magalit pa si papa at hindi kita inuwi sa bahay ninyo.”

“Hahaha. Lagot ka talaga pag hindi mo ako inuwi.”

“Di ko naman kailngan na itanan ka pa eh.”

“Hahaha. Sana dumating yung time na legal na tayo both side.”

“Yup darating din yun. At pag nangyari yun, papakasalan kita.”

“I love you Jaysen.”

“I love you to AJ akin ka lang ha.”

“Oo sayo lang ako.”

Araw-araw niya akong hinahatid pauwi.

Sobrang close na nga niya sa family ko eh.

Sana nga lang hindi na mag end yung ganitong mga sandal.

Tuwing gabi, nagkakusap kami sa phone.

Hindi siya nagsasawa na  kausapin ako.

“Oi ikaw nagkakausap na tayo sa school, pati sa phone pa ba? Mamaya mag sawa ka sa akin ha? Babatukan talaga kita.”

“hinding-hindi ako magsasawa sayo. Baka nga ikaw jan nag sasawa sa akin eh.”

“Aysus, hindi rin.”

“Alam mo. Mahal kita.” Sabi niya.

“Lalo mo akong pinapakilig eh. Mas mahal kita.”

“Wag mo akong iiwan ha.” Sabi niya

“Alam mo para kang timang. Di kita iiwan no?”

“Paano kung bumalik ang ex mo at bawiin ka niya sa akin?” tanong niya.

Nagulat na lang ako dahil hindi ko expected na itatanong niya sa akin iyon.

“Bakit mo naman naitanong iyan?”

“Wala naman. Basta sagutin mo ako.”

“Bakit papayag ka ba na makuha niya ulit ako?”

“Hindi.”

“Eh yun naman pala eh.”

“Pero natatakot ako na mawala ka sa sakin.”

“Ano ka ba, hindi kita iiwan. Sayo na ako. Kahit na deep inside eh may sakit pa din”

“Bhie, alam kong may parte sa puso mo ang mahal mo pa rin siya, pero gagawin ko lahat, gagawin ko ang makakaya ko para palitan siya sa puso mo.”

Medyo naluluha ako sa sinabi niya. How I wish I can hug him sa oras na ito. he made me  cry sa mga sinasabi niya.

He is a nice person and he deserve my love so passionately.

I will do my best para matugunan ang pagmamahal niya sa akin.

“bakit hindi ka na nag salita jan?” tanong niya sa akin.

“Eh ikaw eh, pinapaiyak mo ako.”

“hala ka, adik mo, wag kang umiyak jan.”

“I love you.”

“I love you too.”

“Mahal na mahal kita ha.”

“Mahal na mahal din kita.”

“Good night bhie.”

“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss ko.”

“Mwahugs…”

“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.

“Sinduin na kita.”

“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”

“Good night din bhie. I love you.” At binaba niya ang phone.

I will never do a stupid things during our relationship.

Gagawin ko ang lahat para maging loyal kami sa isa’t-isa.

Pilit ko ng ibabaon ang pag mamahal ko kay James.

It’s time to move on. And besides, mga bata pa naman kami.

Let us enjoy our company. I’m sure naman na pag tanda naming eh makakayanin na naming ito. magagwa na naming ipaglaban ang bawat isa.

Nakita ko na hanggang ngayon suot-suot ko pa rin ang singsing na ibinigay niya.

“James, sana kung nasaan ka man, maging tahimik na buhay mo. Sana wag mo na akong guluhin pa, sana hindi nakita makitang muli, masakit lang, babalik lang ang mga ginawa mo sa akin.” Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko magawang itapon o itago ang singsing na ito sa hindi ko malamang dahilan. Bakit kaya? Ano bang meron dito at nanghihinayang ako na alisin ito sa aking kamay.

Sinipat ko naman ang tattoo sa aking likuran. Ilang buwan na ang nakakalipas ng mag patattoo ako.

“James, sana di ko na lang tinanggap ang pagmamahal mo, ayos sana ang buhay ko ngayon. Magiging okay sana ako ngayon.”

Napapaluha na lang ako pag naaalala ko siya.

Mahal ko pa ba siya?

Sa kabila ng ginawa niya sa akin, mapapatwad ko pa ba siya?

Sunud-sunod na tanong na pumasok sa aking isispan.

Hindi ko na mapigilan ang umiyak ng umiyak.

Halos mapahagulgol na ako sa ginawa kong pagbabalik-tanaw.

Bakit ba nangyari pa sa akin iyon?

Bakit kailangan pa na maging ganoon ang buhay ko?

Pineste lang nito ang buhay ko.

Ilang sandali, naramdaman ko ang paninikip ng aking puso.

Unti-unti sumakit ang dibdib ko at tuluyan na akong napahiga sa sahig.

Pilit kong hinahabol ang hininga ko pero hindi ko na magawa.

Katangahan ko kasi eh, iyak pa ako ng iyak.

Hinanap ng aking mga kamay ang aking gamut.

Gumagapang na ako papunta sa aking lamesa pero hindi ko na mahagilap ito.

“Mmmm…mmm…aaa….ma….mA…MAAAA!” pilit na hininga kong sigaw.

Di kalakasan eto pero sapat para marinig ako sa kabilang kwarto. Wala pa ring dumadating kaya nawalan ako ng pag asa.

Pinilit kong tumayo pero walang lakas ang dumidikit sa akin.

Nasagi ko ang lamesa kaya nahulog ang mga gamit ko.

Nadagaanan ako ng bag ko na siyang dahilan kung bakit tuluyan na akong nahiga sa sahig.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari. 

Namalayan ko na lang na nawalan na ako ng malay.

Nagdilim ang panaginip ko at naramdaman ko na may bumuhat sa akin.

 Wala na akong malay pero ramdam ko kung ano ang nangyayari.

Di ko alam kung sa ilang minuto na lilipas, may maramdaman pa kaya ako.

Madilim, natatakot ako, ako lang mag isa.

Wala akong makita kahit ano.

Naiyak ako at para bang bata na walang mapuntahan o nakukugaw ng landas.

Ano ba ang gagawin ko?

Ano ba ang kailngan kong gawin?

Gusto kong makaalis sa lugar na iyon. Jaysen, tulangan mo ako. Nagsimula akong magsisigaw.

“Ma…. Pa…. Jaysen… tulungan ninyo ako… Natatakot ako. Somebody, I need help….”

Sigaw ko habang umiiyak ako.

Maya-maya, naramdaman kong nahihirapan akong gumalaw.

Unti-unti na palang bumibigat ang aking katawan.

Para bang may humihila sa akin pababa.

Buhay nga naman, eto na ba ang katapusan ko?

Eto nab a ang huling hibla ng buhay ko.

Dati naman nakaligtas ako sa kamatayan ah?

Pero ngayon ba?

Makaligtas pa kaya ako?”

[Jaysen’s POV]

“I love you.”

“I love you too.”

“Mahal na mahal kita ha.”

“Mahal na mahal din kita.”

“Good night bhie.”

“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss ko.”

“Mwahugs…”

“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.

“Sunduin na kita.”

“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”

“Good night din bhie. I love you.”

At binaba ko na yung phone ko.

Hindi talaga ako magsasawa na kausapin ang mahal ko.

Kahit anong mangyari, siya at ako lang. kung bumalik man yung hilaw niyang ex, gagawin ko ang lahat para maging okay kami.

Nahirapan akong maging kami, kaya gagawin ko ang lahat para hindi kami mag hiwalay.

Jaysen at AJ lang pang habang buhay.

Mahimbing na ang pagkakatulog ko noon, nanaginip pa nga ako na kasama ko si AJ eh.

Namamsayal kami noon at ready na ready kami sa suot namin.

Kasama naming mga kabarkada naming.

Nagsasaya kami, parang walang problema, pero bigla na lang may dumukot kay AJ.

May mga taong nakaitim ang pilit siyang kinukuha.

Hinabol ko sila pero wala akong magawa.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko noon.

Hinahabol ko sila, sigaw ako ng sigaw at hindi pa rin sila tumitigil kahit anong gawin kong pamamakaawa wala pa rin.

Maya maya bigla na lang akong nabulabog ng sunod-sunod na tawag.

Tinignan ko ang orasan, mag aala-una pa lang ng gabi.

Ang aga naman. Aya bumalik ako sa pagtulog.

Pero hindi nakuntento ito at tuawag ulit. Dahil sa kakulitan, sinagot ko na yung tawag.

“Hello.” Medyo garalgal kong boses na sabi.

“Hello, si Chad to.”

“Grabe ang aga pa neto. Bakit ba?” medyo inis kong sabi.

“Si AJ…” sabi nito.

Bigla akong nagising sa sinabi niya.

“Anong meron kay AJ? Ano? Anong nangyari kay AJ?”

“Andito kami sa ospital, sinugod namin siya. Pumunta ka dito sa ******* *********** *****.” Sabi sa akin ni Chad.

“Ok sige sige papunta na ako. Kamusta ang kalagayan niya?”

“Under observation pa siya. Nasa loob pa rin siya eh.”

Medyo may pag aalala tinig ni Chad.

Binaba ko na ang phone at agad akong nagasuot ng damit.

Agad kong kinuha ang susi ng kotse at umalis ng bahay.

Please, AJ, hang on.

Wag kang bibitiw.

Kailangan kita, kailangan kita.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[Jaysen’s POV]

Nagmadali akong umalis ng bahay.

Kakaibang takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon sa loob ng aking katawan.

Tingin ako ng tingin sa rosary na nakasabit doon sa may unahan ng aking sasakyan.

“God, wag ninyo siyang pabayaan. Pagalingin ninyo siya. Please po.”

Paiyak na ako ng mga sandaling yun.

Nanghihina ang mga tuhod o habang binabagtas ko ang daan.

Naalala ko pa ang masayang paguusap naming yun kani-kanina lang.

Punong-puno pa siya ng sigla at parang walang anumang dinadaing.

(Flashback)

“I love you.”

“I love you too.”

“Mahal na mahal kita ha.”

“Mahal na mahal din kita.”

“Good night bhie.”

“Good night din. Isang mwah mwah. Nga jan. kiss ko.”

“Mwahugs…”

“Sige kita na lang tayo bukas.” Sabi ko.

“Sunduin na kita.”

“Okay sige sige. Salamat. Good night bhie ko.”

“Good night din bhie. I love you.”

(End of Flashback)

Hindi ko na namalayan ang oras.

 Namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng hospital na pinagdalhan kay AJ.

Agad akong naghanap ng taong kilala ko.

Mula sa malayo nahagilap ng paningin ko ang mama ni AJ kaya humahangos ako na pumunta doon.

Dali-dali kong binagtas ang kinaroroonan ko.

Habang papalapit ako, mabibigat ang hakbang ko ng makita ko kung gaano nahihirapan ang kalooban ni mama.

Umiiyak siya at inaalo naman ito ni papa.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak.

Naiisip ko ang mga posibleng mangyari.

Pero Jaysen, kailngan mong tatagan ang sarili mo.

Magpalakas ka para sa kanya.

Harapin mo siya at ikaw ang magbigay sa kanya ng dahlan para mabuhay.

Napansin nila mama at papa na nakaupo ako doon sa sahig.

Agad akong tumayo at tumakbong lumapit sa mga it.

“Kamusta po si AJ?” tanong ko.

“Malubha daw, masyado daw natagalan bago siya nalagayn ng oxygen. Matagal-tagal kasi bago siya madala dito sa hospital.” Sabi ni mama.

“Ano po bang nangyari?”

“Nakita na lang namin na nakabulagta siya sa sahig. May asthma kasi siya. Akala namin ayos na siya. Hindi siya nakahinga sa di namin malamang kadahilanan. Pero umaasa kami na magiging ayos ang lahat.” Sabi ni papa.

“Gaano na po katagal ang asthma niya?”

“Mula pa noong bata siya nagkaroon ng asthma. Kasalanan ito ng walang puso niyang teacher. Kung hindi lang sana siya binilad sa arawan, hindi siya magkakaganyan. Kung sana lang talaga. Isinususmpa ko yung babaeng yon.” Sabi ni mama.

“Shhh. Tama na tapos na yun. Lets pray para sa pag galing ni AJ.” Sabi ni papa.

“Si Chad po ba?”

“Ayun, lumabas muna siya para bumili. Nagpabili kasi kami sa kanya.” Sagot ni papa.

“Ah ganun po ba?”

Nanahimik ako sandali at pinagmasdan ang pintuan kung saan siya naroroon. Gusto kong pumasok pero hindi pwede.

Nanalangin ako n asana maging okay ang lahat.

“Please AJ… don’t give up…” bulong ko sa sarili ko.

Mayamaya naramadaman kong may humawak sa likod ko.

“Wag kang masyadong mag-alala. He will be fine. Tatagan mo loob mo.”

Ngumiti na lang ako.

“Salamat po. Alam kong kaya niya. matapang siya at hindi basta-basta sumusuko.” Sabi ko.

“Matapang yang anak ko. Hindi ata basta-basta namamatay ang masamang damo.”

“Well. He is a moss afterall. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang mag alala.”

“Yeah. He always do that to us. Mula pa noog nagbreak sila ng ex niya. pinag alala niya kami noong nag lasas siya sa pulso.”

I was shocked back then. Ganun ba niya kamahal ang ex niya kaya niya nagawang magpakamatay.

Hindi ko hahayaan na gawin niya ulit yun.

Umupo ako sa tabi ni mama. Hinihintay na lang naming ang doctor.

Ilang sandali lang ay dumating na si Chad. May mga dala tong pagkain at inumin.

“Tita, tito, Jaysen oh.”

Bigay niya sa amin.

Hindi ko na kinuha yung inalok niya dahil wala akong balak kumain.

Wala akong gana na kainin yun dahil nag aalala pa rin ako.

Umupo sa tabi ko si Chad.

“He will be fine, I’m sure for that.” Sabi nito.

“Thanks for calling me.” Pasasalamat ko.

“Yeah. It’s nothing. You have the right to know.”

“Hope he will be okay.” Sabi ko.

Matapos naming maghintay ng ilan pang minuto, biglang lumabas ang doctor sa kwarto kung saan naroroon ang mahal ko. Lahat kami nag madali na pumunta sa doctor.

“Doc kamusta anak ko?”

“Ayos lang ba siya?”

“Gaano po ba katagal?”

“Pwede na ba namin siya makita?” Sunod-sunod naiming tanong sa dctor.

“Easy lang kayo ha. He is fine right now. Advice ko lang na wag na wag ninyo lang ulit siya hayaang ma stress. Okay na ulit ang pag hinga niya. yun nga lang medyo may irregularities akong nakita kaya pag aaralan ko muna. But overall, he’s okay na. he’s safe.” Nung sinabi ng doctor na He’s safe saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Napatulo ang luha ko ng biglang ilabas si AJ at inilipat sa isang prvate room.

“He should rest. After 4 days, mag prescription na ako kung ano ang bawal at kung ano ang dapat.” Sabi ng doctor.

“Kailan po siya magigising?” tanong ni papa.

“Uhm. Di ko lang sure pero baka 2 to 3 days.”

“Doc salamat po ha.”

“Your son Is a competent. Ayaw niya magpatalo sa kamatayan.” Napangiti naman kaming lahat.

“I will go now. Sabi ng doctor.

Naiwan ako sa ospital dahil umuwi silang tatlo. Si mama at papa kasi kumuha ng damit ni AJ. Hinawakan ko ang kamay ni AJ at hinalikan ito.

“Pinakaba mo ako doon.” Sabi ko.

“Dapat hindi mo na ulit gawin yun. Ikamamatay ko eh. Nag alala ako ng sobra. Sana wag mo ng ulitin yun. Please lang.” sabi ko. Heto na naman ako, umiiyak sa harapan niya.

“AJ… mahal na maha kita. Hindi ko kaya ang mawala ka. Hindi ko kakayanin kung malalaman ko na mawawala ka sa piling ko.” Niyakap ko ang kamay niya.

“Gumising ka na ha, dahil ibubuhos ko ang pagmamahal ko sayo. Ipinapangako ko iyan sayo.”

Ilang sandal lang at nakatulog ako sa tabihan ng mahal ko. Nahimbing ako at siya ang paaginip ko. Kayganda ng aking panaginip.

[Chad’s POV]

It’s been 2 days since nung nadala si AJ sa hospital.

Hanggang ngayon tulog pa rin siya.

Nakakainis ka AJ. Kailan ka ba gigising?

Ano ba kasi ang pinag gagawa mo at ganyan ang nangyari sayo?

Pag nagising ka, lagot ka sa akin. Habang nasa school ako, lumulutang ang isip ko. Araw-araw akong dumadaan sa kanya.

Binibisita ko. Mamaya bibisita na rin ako. Bukas ang ikatlong araw niya don at dapat magising na siya. Magdadala ako ng mga paborito niyang pagkain.

“Chad, pagnagising si AJ pasabi na bilisan niyang magpagaling ha. Hinihintay namin siya.” Sabi ng kaibigan naming.

“Chad, sabihin mo din na kailangan maging malakas na siya dahil mag lalaro pa kami.” Sabi naman ng isa.

“Well Chad sabihin mo sa kanya ililibre namin siya kapag nagising na siya.”

Marami talaga ang nagmamahal sa kanya. Well AJ is the most lovable person at all.

He is very nice, sweet, thoughtful at marami pang iba. He is a perfect husband wanna be.

Kaya sa mga babae jan, dapat siya na ang piliin ninyo. Kaso nga lang, lalaki na ang gusto niya. kasalanan to ng ex niya eh. Hahaha.

Bago ako pumunta sa hospital, dumaan na muna ako sa church.

“Lord, eto lumalapit na naman ako say o. gisisngin nap o ninyo si AJ. Please lang po. Lahat po gagawin ko gisingin lang po ninyo siya. Wag na po sanag umulit ito.” matapos ito dumeretso na ako sa hospital.

Naabutan ko doon si Jaysen na nakahiga sa tabi ni AJ.

Hindi pumapasok sa school si JAysen. Nasa tabi lang si ni AJ lagi.

Gusto niya na siya ang unang sasalubungin ni AJ pagnagising siya. Si tito at tita naman nakaiga doon sa may couch.

“Good aftie po to, tita.” Biglang nagising si Jaysen ng marinig ako. Ngumiti lang ako sa kanya.

“Kamusta po si AJ?” tanong ko sa kanila.

“Okay naman siya. Kaso di pa nagigising. Stable na ang lagay niya sabi ng doctor. Sa makalawa pa naming malalman ang resulta ng tests niya.” Umupo ako sa may sofa ng kwarto.

“Pinapasabi na nga ng mga classmates naming at classmates niya na magpagaling daw siya at sana gumising na siya. Miss na miss na daw nila siya. He was very love by others. Napakadaming nagmamahal sa kanya at nagpapahalaga. Nakakinggit talaga yang mokong nay an.” Sabi ko sa kanila. Ngumiti lang sila at nakita ko na nalungkot ang mga mata.

“Jaysen, dapat pumasok ka na sa school.” Ang sabi ko.

“Ayaw ko. Dito lang ako.” Sabi niya.

Mahal na mahal talaga niya si AJ. Walang duda yun.

Nagkwentuhan kami ng ilang minuto hanggang sa mramddaman naming ang unti-unting pagmulat ni AJ.

Buti naman at nagising na siya lahat kami napaluha sa pag gising niya. pinakaba niya kami talaga.

[AJ’s POV]

Madilim ang nakikita ko. Heto na naman ako at nanaginip.

Kalian ba matatapos ang lahat ng ito? may naririnig akong boses.

Familiar siya sa akin. Kay… kay Jaysen ito. sigro nasa tabi ko lang siya ngayon.

Ilang araw na ba akong natutulog?

Bakit hanggang ngayon hindi ko maidilat ang mga mata ko?

 Bakit ba nahihirapan akong imulat ito? pero parang naranasn ko na ito. naranasan ko na ang ganitong feeling.

Ang feeling na kung saan ako unang umibig at nasaktan. At nandito ako sa kalagayan kong ito dahil sa iisang lalaki.

Bakit ba hanggang ngayon naguguilt pa rin akong mahal ko pa rin siya?

Bakit ba hindi ko siya makalimutan at naririto lang siya sa puso ko? Maraming katanungan ang naglalro sa isip ko.

Mga bagay na kung saan humahanap ng sagot. Naalala ko tuloy ang nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat.

(Flashback)

Pagkauwi ko ng bahay, agad akong pinatawag nila mama at papa. Depressed na depressed pa ako noong lagay na iyon. I’m fragile sa inaasta ko. Hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag doon.

Wala akong ideya. It’s been a week ng maghiwalay kami ni James. Hindi ko siya pinapansin.

Wala akong pakialam sa kanya. Ang nasa isip ko lang ay, niloko niya ako. Ilang beses na siyang nagpunta dito sa bahay at humingi ng tawad pero tikom ang bibig ko at ayaw ko siyang pansinin.

Hanggang sa dumating na ako sa kwarto nila mama at papa.

Agad lumapit sa aki si papa at isang suntok ang nagpatumba sa akin.

Agad namang umagos ang dugo sa aking bibig. Agad akong ilapitan ni mama at sinipat.

“Ano ka ba naman pa? bakit kailngan pang may suntok?” sabi ni mama.

“Gago yang anak mo. Ikinakahiya ko. Sa lahat pa, pagiging bakla pa ang pinasok mo. Puta ka.” Sabi ni papa.

Agad akong nagtaka. Pero paano? Paano niya nalaman?

“Akala mo ba hindi naming malalaman? Ha? Nalaman na namin na meron kayong relasyon ni James. Kaya pala lagi siya naririto? Walanghiya ka, wala kang utang na loob.” Sabi ni papa.

Hindi pa rin ako sumasagot.

Nakatingin ako sa sahig noon.

Ayaw kong sumagot dahil baka masagot ko lang siya.

Pero pag pinilit niya ako at nawalan ako ng temper, baka masagot ko na siya.

“Nakakadiri ka…. Bakit pa kayo nag eexist?” sabi nito.

Nasasaktan na ako sa sinasabi niya.

Bakit kami nag eexist?

What is that fucking question?

Ano ba tingin niya sa amin? Isang anyo ng buhay na hindi dapat nag eexist?

Sakit ba kami at parang diring diri siya?

“Gago ka gago ka. Naiinis ako sayo. Pinagkatiwalaan kita. Pero heto ginawa mo binigo mo ako. Ano ba ang nakita mo sa kanya ha? Ano?” tanong nito.

Pilit niya akong dinuduro.

Sinasaktan niya ako.

Si mama humaharang pero hinigit siya ni papa.

“Bakit nasarapan ka ba sa kanya sa kama? Ha? Ilang beses kayong nag sex dito sa  pamamhay ko? Mga baboy kayo. Wala kang utang na loob!”

Hindi ko na kaya ang manahimik habang sinasabi niya ang mga bagay na masasakit sa akin.

Nanggigigil na ako ng mga oras na iyon.

“Oo pa. nasarapan ako sa kandungan niya. Fuck. Sobrang sarap. Feeling ko nasalangit ako. At kung ilang beses? Apat, lima, walo, sampu baka nga bente pang beses eh. Oo paulit-ulit. Nagpapaka alipin ako sa kamunduhang ginagawa namin. Masarap eh nag enjoy ako. Grabe sulit na sulit.” Sabi ko na may panggigigil na boses.

Agad nya akong sinugod at hinampas sa may pader. Agad akong lumaban at itinulak siya papaayo sa akin.

“Sige pa, patayin na niyo ako. Sige na. palibhasa wala kayong pakialam sa akin. Wala kayong inintindi kundi ang pangalan ninyo. Alam ba ninyo na nasaktan ako? Hindi ba ninyo alam na nagmahal lang ako? Ikaw ba pa, naranasan mo naman ang magmahal diba? Pero bakit hindi mo ako maintindihan?” natigilan si papa. Maiiyak naman si mama sa tabi nito. Pilit pinipigilan sa papa.

“Pa, kung ikinakahiya mo ako sa lahat ng tao dahil dito, pwes dapat lang na ikahiya ko rin kayo. You don’t deserve me right? Well, di ko rin kailngan na maging anak ninyo para sainyo.”

“Bullshit this life.” Sabi ko.

Nagugulat sula sa lumalabs sa bibig ko.

“Mga walang kwenta kayo. Damn bastard shit this life.” Sabi ko.

Pinag susutok ko ang pader.

“Sa ngayon… ang sakit sakit…. Sinaktan na niya ako pero eto sinasaktan na naman ninyo ako. Alam ba ninyo na wala na kami? Great di ba? pero alam ba ninyo na halos mamatay ako kakatago ng nararamdaman ko? Para akong bulkan na sasabog any moment.”

 "Masakit pa... ma.... eto oh... ang hapdi.... oo bakla ako.. sige ayon ang tingin ninyo... isang sakit ba tingin ninyo sa amin? Better get off.... baka mahawaan kayo... pero eto ang sasabihin ko... hindi na ako mahihiyang gawin ang gusto ko kasi buong buhay ko..... kayo na lang ang nasusunod..."

Ang nasabi ko. Pagkatapos kong sabihin yun lumabas na ako ng pinto. Pero tumigil ako bahagya.

“Hayaan po ninyo, wala na kaong maririnig mula sa akin.” Sabi ko at agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko.

Ilang oras akong nagiiyak doon.

Alam kong alam na rin ng iba ang nangyayari. Ayoko na atang mabuhay.

Ayoko na. suko na ako. Gusto ko ng mamatay.

Nakita ko ang gunting sa ibabaw ng lamesa.

Dati sinsasabi kong tanga ang magpakamtay, pero ngayon naiintindihan ko na. ang feeling na dapat mo ng gawin.

“James… mahal na mahal kita.. pero sinaktan mo ako…” luha lang ako ng luha.

Ipinikit ko ang aking mata.

Alas kwatro na ng umaga.

Kumuha ako ng gunting, tinitigan ito at ang sumunod na nangyari.... dugo ang tumulo imbis na luha....

Eto na ba ang katapusan ko? Agad akong bumulagta sa sahig at nawalan ng malay. Ayoko ng mabuhay. Nawalan na ako ng dahilan para mabuhay.

(End of Flashback)

Unti-unti naaninag ko ang liwanag. Mukhang gigising na nga ako ah. Agad kong minulat ang mata ko. Sinipat ang paligid.

Sa tingin ko nasa hospital ako ngayon. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang mukha ni Jaysen.

Nakatingin sa akin. Ngumiti ako at agad niya akong niyakap.

Narinig kong lumuluha sila ng sobrang dami.

Ngumiti ang ako sa kanila, I’m back.

Nagising ako sa isang bangungot ng nakaraan.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com




No comments:

Post a Comment