Thursday, December 27, 2012

Bullets For My Valentines (41-45)

by: Dylan Kyle

[Chad’s POV]

Gabi-gabi akong nababagabag sa nararamdaman ko.

Feeling ko sasabog na ako.

Pakiramdam ko kapag hindi ko inilabas to mawawalan ako ng bait.

Bakit ba sa lahat ng tao, si Arkin pa yung hindi ko makalimutan. Aaminin ko mahal na mahal ko siya.

Nakukuntento ako na tignan ang pictures niya.

Pero ewan ko.


Ganito na lang ba ako lagi?

Pictures na lang ba ang kakausapin ko para lang masabi ko yung nararamdaman ko.

Sabi ko sa sarili ko na hindi ako makikipag contact sa kanya ng isang buwan.

Mahabang panahon para makapag isip.

Gusto kong linawin ang lahat sa nararamdaman ko.

Ayaw ko naman na maging false feeling ko lang to. Yung infatuation. Haixt.

Pero di mawala sa isip ko yung nangyari nung Valentines.

Nakita ko kasi na sumakay sa kotse ni Arkin si AJ.

Di ko nga alam kung ano bang meron sa kanila?

Pero di naman ako dapat mag isip ng kung anu-ano.

Simula pala nung enconunter namin nung nag gala kaming tatlo, iniwasan ko na si AJ. Iba na kasi yung feeling ko sa kanya.

Minsan kasi masasama na yung naiisip ko. Mali na ginagawa ko kaya dapat one of these days eh I will make up to him. Na babackstub ko na siya.

Napapdalas na yung pagpasok ko sa ospital at nabahala na ako.

Nagkaksakit ako at laging sumasakit yung ulo.

Feeling ko talaga may mali kaya nagpaconsult na ako.

Sila mama na rin lang naman yung nag insist.

Good new din kasi medyo nagiging okay na din kami.

Unti-unti nalilinawan na sila kung ano ako.

At masaya ako.

Time will heal the wounds of the past.

Kaya umaasa pa rin ako at hinding-hindi ako mawawalan ng pag asa.

After ilang araw, tapos na yung pagiging first year ko at yun summer naman.

Mag take ako ng advance courses. Haixt.

Need kong makausap si Arkin because I miss him so badly and it’s killing me.

After kong makausap si Arkin, si AJ naman.

Buo na yung decision ko, I will make confess to him.

Tinawagan ko siya.

It’s been a long time nung huli ko siyang nakatext or nakatawagan. Kapag nag mimiss call siya minsan naiisip ko na sagutin pero yung mind ko na rin lang ang umututol.

Sure na naman ako sa nararamdaman ko, mahal ko si Arkin at kung ako pa ang kailngang manligaw gagawin ko.

“Hello...” sabi ko.

“Napatawag ka...” sabi ni James

“Need natin mag usap... please...”

“Para saan?”

“Wala lang.. basta.. gig tayo mamayang gabi.”

“Okay sige... may sasabihin din naman ko eh....”

“Ah okay sige.. kita tayo mamaya....”

“Sunduin mo ako dito...”

“Wow... okay sige.. kita na lang....”

Medyo kinakabahan ako.

What if he will say no?

Handa na ba ako?

Ano kaya yung sasabihin niya?

Ganun din kaya ang nararmdaman niya.

Sana nga.. sana lang talaga.

[James’ POV]

“Ei... gwapo... may gagawin ka mamayang gabi?” tanong ko kay Arwin.

“Meron eh.. may kailngan akong tapusin na mga papers.. bakit?”

“Aww sayang.. nag yaya kasi si Chad eh.. eh ayun di ko matanggihan gawa ng matagal tagal ko ng di nakakausap at nakikita kaya ayun.. sayang naman.”

“Enjoy na lang kayo...” sabi niya.

“May sasabihin sana ako sa kanya eh.”

“Ano yun?”

“Yung sa atin?”

“Pero..”

“I think it’s time naman eh..”

“Kinakabahan ako...”

“trust me.. it will be okay...”

“Pero...”

“Just trust me okay... yaan mo ako ang bahala... kaya ko to.... don’t worry.”

“Okay.. ingat...wag papakalasing ah...”

“Di ko alam kung matutpad ko yan.. haha.”

“Wag kang pasaway...”

“Okay boss.”

“I love you...”

“I love you too...”

“uwi ng maaga ah.”

“Bakit hihintayin mo ba ako?”

“Hindi... baka hanapin ka kasi ni baby kinabukasan...”

“Aw.... akala ko naman gagawa tayo ng baby...”

“Sira ka talaga.”

“Hindi mo nga ako pinagbigyan nung Valentines.. garbe ka.. kiss lang at yakap... amp.”

“Hoy Mr. Ramos baka gusto mong batukan kita.. baka gusto mong sapakin kita... kung anu-ano ang iniisp mo.”

“Adik mo... amp.. sige na nga hindi na.”

“Hahaha.. mag laway ka sa akin.”

“Your so mean.”

“Hahah sige na... ingat ka na lang mamaya ah... wag kang kung saan saan lumilingon ah.”

“Opo... kaw lang ang lilingunin ko no matter what...”

“Korny mo.”

“Di mo ako masisisi.”

“Okay sige na.. bye.”

“Bye..” at binaba ko na yung phone.

Well, di ko alam kung paanong nangyari na ang lahat ng ito.

Sa isang iglap lang kami na agad. Hahaha. Joke.

Siyempre kailangan kong magpa good shot kay papa.

Hanggang ngayon nililigawan ko siya, pero feeling ko nga kami na eh. Feelinglang anman.

He loves me and I love him.

Yun nga lang, kailngan ligawan ko siya. Medyo bad shot pa ako sa papa niya. I remember nung nag punta ako sa kanila.

(Flashback)

“Oh anong ginagawa nung lalaking yan dito?” sabi ni tito.

“Pa naman.”

“Good evening po.”

“Nung bagong taon eh okay na okay ka sa kanya tapos biglang ganito.”

“Anak.. iba yun.. nanliligaw siya diba? O paghirpan niya.” Sabi ni tito.

“Okay lang Arwin.”

“Ei sabi ko AJ na lang...”

“Sanay ako eh.”

“Akyat ka muna... uusap lang kami nito.” Seryosong sabi ni tito. Kinabahan naman ako bigla.

Bumulong sa akin si AJ bago umakyat sa taas. “Good luck.”

“Oh... nung humarap ka dito dati eh kaibigan ka lang niya... nga pala... ex ka ng anak ko.”

“Sorry po.”

“Usapang lalaki... ano balak mo sa anak ko?”

“Mahal ko po ang anak ninyo.. liligawan ko po siya kung kinakailangan.”

“Sa akin lang ayos lang.. pero bata pa kayo para seryosohin ang lahat.... lam mo ayaw kong nasasaktan ang anak ko.... hindi ko naman nirerequired na ligawan mo siya eh.. ang sa akin lang ipakita mo na inaalagaan ko siya.. sa tuwing nakikita kong nasasaktan yan para akong mamatay.... ayokong maulit yung dati....”

“Mahal ko po ang anak ninyo.... aaminin ko po na nasaktan ko po ang naak ninyo dati.. pinag sisihan ko po iyon.... pero ngayon gagawin ko po ang lahat para lang mapatunayan na mahal ko po ang anak ninyo.”

“Nung nasaktan siya kay Jaysen, hindi na ako umimik. Ayoko na lang makadagdag. Nangako din siya na hindi niya sasaktan yung anak ko.. ang sa akin lang... wag kang mangako.. mas maganda kung gagawin mo na lang... mga bata pa kayo at baka marami pa kayong makita.. wag kayong mag madali...”

“Tama po kayo.... salamat po.. hayaan po ninyo hindi ko po siya mamadaliin.”

“Anak.. concern lang ako sa inyo ha... lumapit na lang kayo sa akin kapag handa na kayo... at pag dumatin na yung panahon na iyon... ibigay ko ang pag sang ayon ko sa inyong dalawa..... alagaan mo anak ko... nag maakaaawa ako bilang ama niya... hindi ko matiis na nakikita ang anak ko na nasasaktan... tinanggap ko siya ng buong-buo at nagkamali na ako noon.. ayaw ko ng malagay sa panganib ang anak ko.”

“Opo.... gagawin ko po ang laaht ng sinabi po ninyo.. hayaan po ninyo na ipakita ko kay Arwin ang pag mamahal ko.”

“Sundin ninyo lang ang sinasabi ko ha... bata pa naman kayo eh.. sige na.. puntahan mo na si AJ.”

(End of Flashback)

Yeah. Kaya ayon.

Tama naman si papa.

Oo papa talaga, feeling close talaga eh. Yeah. Natulog na muna ako kasi inaantok ako. Katatapos lang ng klase ko kaninang umaga.

Mga 8pm ako nag ayos. Mga 9:30 kasi ang usapan namin. Kaya ayon. Nag paalam naman ako kay Baby ko bago ako umalis.

[Chad’s POV]

Yeah, andito na kami ngayon ni Arkin.

12 midnight na at medyo madami dami na akong naiinom pero di pa naman ako lasing.

Simple man ng porma ni Arkin, napapalutang naman nito yung kagwapuhan niya.

“Ano lasing ka na?” tanong niya.

“Di pa ah.”

“Sus... di daw.. pulang pula ka na oh...”

“Di pa ah...”

Eto na.. kailangan ko ng iopen to.

“Ma...may... may sa.. sasabihin ako..”

Napatingin siya sa akin. “Ako din.”

“Ikaw na muna...”

“Hindi... kaw na muna...”

“Eh kasi... kasi...”

Nakatingin lang siya sa akin.

Don’t stare me like that.

Baka mabigla ako at mahalikan kita.

Nakakmagnet mga titig mo.

“Gwapo mo...” ang nasabi ko. Crap ano bang sinasabi ko.

“Alam ko yon.. matagal na...”

Waah. Di ko masabi. Ayt.

“Di ko alam kung paano ko sasabihin.”

“Ano ba yun? Dali na...”

“Ang hirap eh.. di ko alam kung paano ko ipapakita.. kung paano ko sasabihin sa harapan mo...”

“Itext mo na lang sa akin.”

“Your a jerk.. adik mo...”

“Sabihin mo na kasi...”

“Ah.. damn it... I can do this...”

“Yeah you can do that....” lumapit siya sa aking mukha.

Great.. now I am freezing. I know na kung ano ang gagawin ko. It’s now or never.

A second after my thought, I realize that my lips and his lips touch. I kissed him pero agad naan siyang nagbawi.

“Wha-whats that?”

“Di ko masabi kaya ginagawa ko na lang... pinapakita ko...”

“You like me?”

“Nope... I mean... more than that..”

“You’re kidding...”

“No I’m not.. I’m serious...”

“Stop joking.”

“No Im not...” hinalikan ko ulit siya pero tinulak niya ako. Tumayo siya at lumabas.

“Wait.. Arkin.”

Hinabol ko siya hanggang sa labas hanggang sa makarating kami sa parking lot at mahabol ko siya.

“I am serious... I like you a lot... i love you....”

“Pero how?”

“I don’t know.. I just felt it...”

“Isang kabaliwan yan.”

“Pakshet... bakit ba ayaw mong maniwala?”

“Hindi sa hindi ako naniniwala.. just that... itigil mo na yan.. mas okay yun...”

“tanga ka... taena mo... ititigil? Mahal kita... nag confess ako sayo tapos ititigil ko? Gago ka ba?”

“Hindi na pwede... kung alam ko lang na eto gagawin mo hindi na sana ako nakipagkita sayo..”

“Ouch.. masakit....”

“Ayokong maging harsh sayo pero hindi na pwede... mahal ko ang ex ko...”

“Ex... ex pa rin... tatanga tanga ka talaga... hindi mo ba ititigil yang kabaliwan sa ex mo? Hindi ka ba mag momove on?”

“Hindi ko kailangang mag move on... okay na kami ng ex ko...”

“kaya pala...”

“Sorry...”

“You don’t have to be sorry.”

“Ayaw lang kitang masaktan...”

“Pero nasaktan na ako...”

“Salamat kung minahal mo ako pero ibaling mo na yan sa iba..”

“Hindi madaling gawin yun... alam kong alam mo na hindi basta basta nababling yung pagmamahal...”

“Pero..”

“Hindi... mahal kita at handa akong makipag agawan.... hindi ako papayag na mapunta ka sa gagong laaking yun.”

“Stop that.”

“No.. totoo naman eh.. ni hindi niya nakita lahat ng importansiya mo... hahayaan ba kitang mapunta sa kanya.”

“Just shut up... hindi mo alam ang buong kwento...”

“No you shut up.... di ako titigil.... hindi ako papayag.... mahal kita.... at ayoko ng maagawan pa ng iba..” lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi siya nakagalaw.

“Ako na nag sasabi, tigil mo na tong kahibangan mo...” sabi niya.

“Kahibangan na pala to... hahha... great....”

Di ko mapigilan ang sarili kong mapaluha. Masakit, sobra. Ang sakit-sakit. Ouch. Eto ang feeling ng pagka-reject. Ang sakit pala, sobra.

All out na nalaman ko lahat ng feeling. Great. What a shit life? Mahal ko tong taong to at handa akong makipaglaban.

“Hayaan mo akong patunayan ang sarili ko.. hayaan mo na mahalin ka... hayaan mo ako na mapakita ko na mas karapat dapat ako sayo.” Yumakap ulit ako sa kanya.

“Iuuwi na kita.. need mong magpahinga.” Hinila niya ako sa sasakyan niya at umalis na kami.

After 30 minutes nakauwi na kami.

“Hey.. good night.” Sabi ko.

“Same to you...”

“Wala sanang magbago..”

“Don’t know...”

“Please... di ko alam gagawin ko....”

“Yeah.. I will try...”

“Di ko kayang mabuhay pag wala ka.”

“Nabuhay ka na dati ng wala ako.”

“Dati yun... eh dumating ka sa buhay ko...”

“Korny.”

“Sige na.”

At umalis na siya. Umakyat ako sa kwarto ko at inihiga ang katawan. Doon ko ibinuhos ang nadaramang sakit. Binato ko ang unan ko sa pader at saka humagulgol.

Eto ang sakit ng dulot ng pagmamahal. Taena, eto na ang sinasabi ko eh. Gaguhan na pag ibig.

Maya maya naramdaman ko na sumasakit yung ulo ko. Arrrgh. Sang sakit. Ahhhh.... parang minamartilyo ang ulo ko. Lumakad ako ng kaunti para tawagin sila mama, pero tanging nadanggil ko na lang yung mga figurine sa kwarto.

[AJ’s POV]

Nagising ako sa sunod-sunod na tawag sa phone ko. Sino ba to. Kakatulog ko lang ng mga 12 pm tapos eto. Sino ba to. Pagkatingin ko si James.

“Ei... wazup.” Sabi ko.

“Baba ka.”

“Bakit?”

“Andito ako sa tapat ng bahay ninyo...”

“Yeah okay sige.”

Ano bang nasa isipan nito at nandito tong llaking ito. Angsuot ako ng t-shirt at saka bumaba ako. Nakita ko sya na nakasandal sa may kotse niya. Agad siyang lumapit at niyakap ako.

“Ei... Mr. Pogi, alam mo ba na nagising mo ako.. amp.”

“Sorry love ko.... miss lang kita...”

“Akala ko ba magkasama kayo ni Chad.”

Hinila niya ako at pumunta kami sa kotse niya. Naksandal lang kami sa likuran nito. Di siya sumagot sa tanong ko.

“may nangyari ba?”

“Wala naman.”

“Ei.. yung totoo?”

“Wala naman talaga eh.”

“Tumingin ka nga sa akin.”

Tumitig siya sa akin. Pero hinalikan niya ako bigla. Ang lakas talaga nitong lalaking ito.

“Ei... ano ba... adik to... Nasa labas tayo”

“Hahaha.... I love you... Pasok tayo... dali...”

“Mukha kang timang... I love you too.” At hinila ko ang mukha niya at hinalikan siya. Hahah. It’s my time.

“Yung totoo... may nangyari diba?” tanong ko.

“May problema eh.”

“Bakit? Ano prblema?”

“Si Chad.”

“Hala ka.. anong ginawa mo se best friend ko?”

“Wala akong ginagawa sa best friend mo... it’s just that... argggh.”

“Alam na ba niya?”

“Hindi pa.”

“So what’s the problem?”

“Magiging complicated ang lahat between the three of us.”

“Why?”

“Nag confess siya sa akin... mahal daw niya ako..”

Napatunga nga na lang ako sa nalaman ko. Ewan ko pero arang nablangko ang isip ko. Mahal ng best friend ko yung taong mahal ko din.

Ano na ang gagawin namin? Paano ang mangyayari ngayon? Mag aagawan ba kami ulit sa lalaki? Pero? Paano to?

“Di ko alam kung ano ang gagawin ko kaya sinabi ko na itigil niya kahibangang yun.”

“Bakit ngayon pa nangyari to? Why do history repeat itself?”

“Nangyari na to dati?”

“yeah... me and him.. nagkagusto sa iisang lalaki.. pero nagpaubaya siya.. crush niya lang naman nun si Jaysen eh.. pero ngayon.. tahasan na niyang sinabi na mahal ka niya.... bakit sa lahat ng tao si Chad pa.”

“Don’t think too much.”

“Mahal kita James at di ako papayag na mawala ka sa akin...”

“The same din naman ako. Let’s talk it tomorrow. Good night love ko.”

“Dito ka na kaya matulog. I insist. Gabi na oh.”

“Woot. Yes naman. Okay na okay. Kahit walang tulugan.” Sabay kindat.

“Hey. Your pervert.”

“Ouch....”

“Joke lang.”

“Sige na. Tara na nga.”

Then may tumawag. Si tita, mommy ni Chad. Kinabahan ako bigla.

“Hello Tita.”

“andito kami sa hospital ngayon... si Chad... sinugod namin.”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

“Salamat at dumating ka... si Chad ang mismong nagsabi na tawagan ka eh.” Sabi ni tita.

“Ano po bang nangyari. Matagal na kasing nagkakaganyan si chad. Dati rati naman konting pahinga lang pero ngayon hindi ko na maintindihan. Natatakot na nga ako para sa kanya eh. Sabi ko dati na magpatingin na sya eh.”

“Edi ba po nasugod na siya dati? Ano daw po ang tingin sa kanya.”

“Ang sabi ng doctor may nakita daw silang irregularities. Pero binigyan nila kami ng gamot at alam ko tinake naman yu lahat ni Chad pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit.”

“Ganun po ba. Hope maging okay na siya.”

Ng harapin ko  si James, di ko maiwasan ang malungkot din. Nakatulala kasi siya eh at para bang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari.

“Psst... cheer up...” sabi ko.

“Yeah.” Sagot naman niya

“Oh ano yang sinisimangot mo?”

“wala.”

“Ei naman.”

“halika nga....” niyakap ko siya.

“Wala kang kasalanan okay.... cheer up.. chin up....”

“I love you...”

“I love you too...”

Ilang saglit dumating yung doctor.

“Doc kamusta ang anak ko?”

“Well Mrs. Mendoza, may nakita kaming bukol sa may  ulo niya. I-observe pa amin kung ano ito. Pero he’s fine. He need rest at tamang medications.”

“ganun po ba. Sige po. Take care of my son.” Sabi ni tito.

Agad naman kaming pumasok ng madala na si Chad sa loob ng private room. Payapang payapa yung pagpapahinga niya.

“Tita, una na po kami.. dalaw na lang po kami mamaya po after ng class. Pasabi na lang po kay Chad na dumalaw kami.”

“Sige anak, salamat sa pagbisita”

“Sige po.” Pamamaalam namin.

Hinatid ako ni James sa bahay namin. Pero ganun pa rin siya tulala.

“Hey, sabi ko ngumiti ka na...”

“Sorry... di ko lang maiwasan.”

“May class ka ba?” tanong ko.

“Yep.. maya pang 1pm. Ikaw ba?”

“Meron. 10 am pa.”

“Tulog ka na...”

“Yeah.. ikaw din matulog na ah. Diretso bahay ah.”

“Opo....”

“I love you..”

“I love you too.”

At umalis siya. Inihiga ko naman ang sarili ko sa kama at hindi mapigilan ang mag isip. Haixt.

Paano kaya mababago ng sitwasyong ito ang kalagayan namin ni Chad?

Ano kaya ang magiging reaction ni Chad kung sakaling mangyari na malaman niya ang lahat?

Hay ang gulo.

Itutulog ko muna ito kasi hindi ako makakapag isip ng ayos.

After ng class namin dumeretso na ako sa ospital at bumili ako ng favorite ni Chad. Pag kadating ko doon, nandun yung kuya niya. Well, unang beses ko pa lang makikita yung kuya niya sa personal.

Tangkad grabe. Gwapo at maputi. Pero mas maputi ako. Hahaha. Pagdating ko pinaalis niya yung kuya niya.

“bakit mo naman pinaalis ang kuya mo?” sabi ko.

“Wala lang. Pati para may privacy tayo. Bakit type mo?”

“Hindi ah. Ganda sanang background.” Ang nasabi ko.

“Landi.”

“Oh kamusta ka na?”

“Okay lang naman.”

“Parang di naman.”

“Ewan.. masakit eh...”

“Alin jan?”

“Eto” sabay hawak sa ulo niya. “At tsaka eto.” Sabay hawak sa puso niya

“Wag mo na nga munang intindihin yung puso mo.. intindihin mo muna yung sarili mo.” Ang nasabi ko.

Napansin ko na umiiyak siya. Naawa ako, ano bang gagawin ko? Paano na to ngayong kumplikado na ang lahat.

“Masakit eh.. sobra.... aaminin ko.. mahal ko si Arkin... masakit yung ginawa niyang pag tanggi sa akin... pero kahit ganun, hindi ako nawawalan ng pagasa.”

“Ano ba yung sinabi niya?”

“Dahil sa lintik na ex yan.. sino ba yung lalaking yun ha AJ? Sino ba yun? Gusto ko siyang makita at makaharap... gusto kong ipakita sa kanya na mas okay ako kaysa sa kanya..na mas karapat dapat ako... dahil wala siyang kwenta.”

Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

Mantakin mo natatagalan ko lahat ng panlalait sa akin ni Chad, pero dapat kong intindihin siya.

Alam ko, hindi ko pa maaaring aminin sa kanya ang lahat. Lalo pang magkakagulo pag nagkataon.

“Kumalma ka lang walang mangyayari kung gagawin mo lang eh magalit ng magalit.. magpahinga ka na...”

“Ganun ba talaga ako ka-walang kwenta?”

“Wag ka ngang magsalita ng ganyan.”

“Bakit ganun? Wala ba talagang magkakagusto sa akin?”

“Sabi ng itigil mo yan eh!” Nag taas na ako ng boses.

“Bakit? May magagawa ka ba? Nung una akong nagmahal ginago ako, pinagpustahan ako. Nagmahal ulit ako pero pinagtaksilan ako. Ngayon naman.. nagmahal na naman ako sa maling tao.. dun pa sa taong baliw na baliw hanggang ngayon sa gagong ex niya na wala namang kwenta... sabihin mo sa akin AJ.... ano bang kasalanan ko at nagkakaganito ako? May karapatan ka bang pagtaasan ako ng boses at pagsabihan ako na tumigil?!”

“Ang sa akin lang magpahinga ka... hindi mo ba naiisip na bata ka pa at marami ka pang magagawa... maraming tao jan... hindi lang si Arkin.... wag mong paikutin ang sarili mo kay Arkin.”

“Madaling sabihin yan sa iyo kasi maraming nagkakagusto sayo.. marami akong kakilala na nagsasabing gusto ka nila... gusto ka nilang makilala... gusto ka nilang ligawan..... naiinggit ako.. sobra.. sabi ko sa sarili ko.. bakit ikaw marami nag kakagusto.. sa akin wala... panget ba ako? Masama ba akong tao?”

Di ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Natigilan siya at hindi makapag salita.

“Ganyan na ba kababa ang tingin mo sa sarili mo? Hindi ko ineexpect na yang pagkaiinggit mo ang gagawin mong dahilan para pagtakpan ang sarili mo... Hindi sa itsura makikita yan.. sa ugali... at isa pa, ano bang dapat ikaninggit mo sa akin? Yung mga gustong manligaw sa akin? Yung mga gustong magpakilala sa akin? Aanhin ko ang bilang Chad? Ha Chad? Aanhin ko?! Gumising ka nga. Wag kang hunghang!”

“Nahihirapan lang ako...” patuloy siyang umiiyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit. “Nandito lang ako para sayo... nandito lang ako...”

“Salamat... wag kang mawawala.. please... nagmamakaawa ako... ikaw na lang ang meron ako..”

“oo.. pagaling ka.. at kapag magaling ka na... tutulungan kitang bumangon...”

“Ang korny pero salamat... I owe you one..”

“May sasabihin sana ako sayo pero hindi pa pwede.. saka na kapag okay ka na.. aalis na ako ha...”

“Okay sige.... sure... ingat ka...”

“Yeah.... pagaling ka... dapat bukas wala ka na dito sa ospital...”

“Yan ang di ko alam.”

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti siya. Pansin ko na parang may bumabagabag sa kanya.

Yun lang ang hindi ko alam. Pagkatapos ng ilang sandali, umalis na ako at nagpaalam.

Dumeretso ako sa bahay nila James. Siguro pauwi palang yun ngayon. Dumaan muna ako sa SM para bumili ng brownies, pasalubong para kay baby ko. Pagkatapos noon ay dumeretso na ako kila James.

Nakita ko agad si Khail na nagsasagot ng assignments niya. Agad naman niya akong sinalubong.

“How’s your school baby?”

“Okay lang po. Akin po ba to daddy?” tanong niya sa hawak kong brownies.

“Yes baby... hahaha.. ikaw talaga... sa iyo yang pasalubong”

“Yehey...”

“Asan daddy mo?”

“Padating na po yun ngayon...”

“Ah okay.. sige jan ka muna ah.. punta lang ako kay mommy...”

Dumeretso ako sa kusina. Naghahanda kasi si mommy ng dinner nila. Nagtext na naman ako na pupunta ako doon at doon na daw ako mag dinner.

“Oh ma tulungan ko na kayo jan..”

“Anjan ka na pala...”

“Opo, tulungan ko na po kayo.”

Tinulungan ko si mommy na mag ayos. Maya maya din naman dadating na si James kaya sabay sabay na kaming kakain.

Matapos kong tulungan si mommy, bumalik ako sa pwesto ni Khail at sabay namin hinintay si James. Maya maya dumating na din naman ito.

“I’m home.” Sabi ni James.

“Hello.” Bati ko.

Niyakap niya ako saka hinalikan. “Yey. Dito ka matutulog?” tanong niya.

“Bahala na... bakit?”

“Wala naman... natanong lang po... tara kain na tayo... gutom na ako...” sabi niya 

“kiss ng daddy?” sabi kay Khail. Agad naman itong lumapit kay James at humalik.

Mukha talaga silang magtatay. Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain. I missed those times, at ngayon, susubukan kong ibalik yung times na nawala noon.

Pero labis kong ikinababahala yung kay Chad. Paano na lang pag nalaman niya na okay na kami ni James, at malaman niya na ako yung ex ni James?

Matapos naminh kumain, kaming dalawa ni James yung naghugas ng plato. Ako ang taga sabon at siya ang taga banlaw.

Nag decide na ako na mag stay ako for tonight. We need to talk seriously.

Nauna akong umakyat at nagpalit ng damit. Humiram muna ako ng mga damit kay James.

Maya-maya sumunod na siya. Pinatulog na muna niya si Khail bago siya pumunta ng kwarto.

“Mag shower ka na.” Sabi ko.

“Uhmmm.. ang bango ng asawa ko ah.”

“Asawa ka jan.. sige na lakad na.. amoy pawis ka...” pagbiro ko.

“Mabango pawis ko.”

“Parang di naman.”

“Sige... wait for me.. wag kang matutulog... I’ll be right back...”

Nagshower siya habang ako naman eh naiwan na nag-iisip. After 5 minutes natapos siya at nagbihis, saka humiga sa tabi ko.

“May problema ba?” tanong niya sa akin sabay yakap.

“Ewan ko... nangangamba ako kay Chad.”

Pansin ko na nahimik siya at hindi nagsalita. Kinilig ako noong hawakan niya yung kamay ko. Ewan ba? O//_//O

“Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.”

“Malala ba kalagayan niya?”

“Hindi ko alam eh.. pero ang pinapangamba ko eh yung sarili niya. Nung nagkausap kami masyado siyang down na down.”

“ano bang gagawin ko?”

“Wala naman tayong magagawa....”

“Pero...”

“Alam ko... pero wag kang mag alala... magiging maayos din ang lahat...”

“Sana nga. Wag mo akong iiwan.”

“Bakit mo naman sinasabi yan?”

“Baka kasi bigla mo na lang akong iwasan...”

“Hindi ko gagawin yan.. mahal kita eh.”

“Mahal din kita...”

“Halika nga dito... hay naku.. di pa natin pwedeng sabihin kay Chad na tayo.”

“Alam ko.. haixt.... mahal na mahal kita.”

“Oo at tandaan mo na mahal na mahal kita... hangga’t hindi ko sinasabi na hindi ma kita mahal, paniwalaan mo na na mahal kita... tandaan mo yan ha... maniwala ka sa akin.. wag sa nakikita mo, naririnig mo.. sundin mo ang puso mo.”

“Opo....I love you...”

“I love you too.”

“Bakit kasi ang daming nagkakagusto sayo?” tanong ko.

“Ang gwapo ng asawa mo eh.”

“Ang yabang. Pero taob ka naman sa akin.”

“Oo na. Wala na naman akong magagawa kasi ang isang James Arkin Ramos ay nahulog sa patibong ni Arwin Jake Montederamos.”

“Kinikilig ako.” Sabi ko.

“Hahaha. Natawa naman ako doon. Kinikilig ka pa rin pala sa akin.”

“OO naman. Kaw talaga. Lalo na nung hinawakan mo yung kamay ko. Grabe. Heavy.”

“Hahaha. Kiss ko nga.”

“Tse tigil nga. Mga palusot mo.”

“Hahaha. Sige hug na lang... pero mamaya more than that na.”

“Tumigil ka nga. Batukan kita eh.”



[Chad’s POV]


Mabuti at okay na ako. Nakalabas na ako ng ospital. Pasalamat na lang ako.

Mukhang makakasama ko pa ang ospital sa mga darating na panahon. Di ko man inaasahan pero kailngan kong intindihin.

Lahat naman kami nagulat sa resulta ng sakit ko. Di ko inaasahan na ganun na kalala yung lagay ko.

Kung iisipin ko eh yung sakit ng ulo na nararamdaman ko, yun na pala ang hudyat na may malala akong sakit.

Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam nito.

Nung dumating si AJ noon sa ospital, sobrang depressed na ako.

Bago pa siya dumating alam ko na yung resulta.

Natauhan naman ako sa sampal niya, pero di naman yun yung magse-set aside na makuha ko si James.

Obsessed na kung obsessed, mahal ko siya eh.

Kailangan kong magpatulong kay AJ.

Siya ang nakakakilala kay Arkin ng husto.

Ang tanging gagawin ko na lang ay ang ipakita na karapat-dapat ako sa kanya.

After namin malaman ang resulta, naging okay na ang pamilya ko.

Kinakausap na ulit ako ni papa at okay na kami nila mama.

Blessing na rin siguro to.

Pinatawad na nila ako sa lahat ng nagawa ko.

Ganito naman talaga eh, maging sa teleserye, kapag mamatay yung anak nila, wala silang choice kundi ang mahalin at tanggapin ako.

Nagpapahinga na ako ngayon.

Malapit na rin lang din ang finals namin.

Wala akong update kay Arkin. Di siya nagpaparamdam sa akin. Iniiwasn niya siguro ako.

Nasa kwarto ako noon ng biglang bumisita si Aldred sa akin.

Himala ata at binisita niya ako.

Nakakapagtaka, ano ang ginagawa niya dito? Nakalimutan ba niyang galit ako sa kanya. Haixt.

“Gawa mo dito?”

“Binibisita ka.”

“di ko kailangan bisita mo.”

“Wag kang magtaray... nag aalala lang ako sayo...”

“Salamat...”

“Don’t be so cold like that.. mag best friend tayo  kaya di mo maalis sa akin to.”

“We used to be... yun yung term.. at tsaka matagal na yun.. bago mo pa lokohin sarili mong best friend.”

“Ikaw din naman ah.”

“Anong gusto mong ipamukha sa akin?”

“Parehas lang tayo. Inahas ang jowa ng best friend niya.”

“Hindi ako katulad mo.”

“Maybe. Pero if you know yung nangyari...”

“Bakit meron pa ba akong hindi alam?”

“Don’t mind it. I just want to visit you, hoping that you are alright...”

Nakonsiyensya ako. Ang harsh ko masyado.

“Don’t go.. sorry.” Sabi ko. Napatigil siya at umupo ulit.

“Siguro... it’s time to have reconcilation.”

Nakita ko na napatulo ang luha niya sa sa sinabi ko.

“Hey don’t cry..” sabi ko.

“Natutuwa lang ako...”

“Sorry sa lahat ng mga nagawa ko.. sorry kung harsh akong magsalita sayo...”

“It’s okay.. kasalanan ko naman ang lahat.”

“Bakit naman kasi sa lahat ikaw pa? Alam mo gustong-gusto kitang patayin... grabe.”

Nanhimik siya.

“oh nanahimik ka.”

“May dapat kang malaman...”

“Ano?”

“Yung nangyari talaga.”

“You don’t need to explain.. at saka isa pa.. sa lagay kong ito dapat nagpapatawad na ako ng mga may kasalanan sa akin.”

“Pero iba to.. dapat mo lang malaman to.”

“Sige makikinig ako.”

“Di ko naman gusto yung nangyari... wala akong intensiyon na gawin sa iyo yun, pero para sayo ginawa ko. Nagawa ko na ipagamit ang sarili ko para di ka iwan nung ex mo.”

“Di kita maintindihan.”

“Kung natatandaan mo noon, sinasabi ko sayo noon na may ibang lalaki yang hayop mong ex, pero sabi mo na ayaw mong maniwala.”

“Yeah I remember, di ako naniwala kasi mahal ko siya.”

“Yun ang malaki mong pagkakamali. Di mo ako pinaniwalaan.”

“Yeah.. siguro nga.. pero anong connect...”

“Nung time na yun, desperado ako na patunayan sayo na may iba siya. Pero nabigo ako. Para hindi ka masaktan,  kinausap ko siya. Ako na mismo ang nagmalasakit na kausapin siya tungkol sa mga nakita ko.”

“Kaya ba nagawa mo yun.. sinet up mo ang lahat?”

“Hindi...”

“Pero ano?”

(Flashback)

“Bakit ako makikinig sayo?” sabi nung boyfriend ni Chad.

“Best friend ko yung pinag uusapan natin. Ayokong masaktan siya. Gago ka.”

“Pakiaalam ko ba sayo?”

“Nagmamakaawa na ako, lahat gagawin ko itigil mo lang panlolokong ginagawa mo. Ayokong masaktan si Chad, ayokong nagpapakatanga siya sa isang gagong lalaki.”

“Napakayabang mo naman magsalita.”

“Bakit? Totoo naman sinasabi ko ah. Isa kang lalaking walang ginawa kundi ang makipag harot sa kung kani-kanino. Malandi ka! Sobrang landi mo!”

“Mag ingat ka sa sinasabi mo.”

 “Mag ingat ka din sa ginagawa mo! Baka akala mo, kaya kitang ipapatay...” ang nasabi ko na lang.

“Wew takot ako sobra....”

“Gago ka talaga. Ano? Ano na?!”

“Sabi mo gagawin mo lahat diba?”

“Oo.”

“Papayag ako.. sa isang kundisyon..”

“Ano?”

“Ikaw, gagawin kitang pampalipas oras. Gwapo ka naman, malakas ang dating, hiwalayan mo boy friend mo at ikaw ang magiging kapalit sa mga kalandian ko.”

“Hindi ako papayag! Hayop ka!”

“Well, tapos na pag uusap natin..”

“Napaka sama mo! gago ka! Ang baboy mo!”

“Sabihin mo na lahat ng gusto mo. Kung payag ka na, itext mo ako. Saya pa naman paglaruan ng best friend mo.”

“Walang hiya ka!”

Tumayo ako at sinuntok ko siya.

“Ganyan ang gusto ko.. palaban.”

(End of Flashback)

Kinuwento sa akin lahat ni Aldred ang lahat.

Halos mapatulala na lang ako sa sinabi niya.

Totoo ba to?

Pero, paanong?

Ibig sabihin sinisi ko siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa?

“Pumayag ka sa sinabi niya?”

“Oo. Pumayag ako, matapos niyang guluhin kami ni Rommy, sinakyan ko na yung gusto niya.”

“Pero di mo na dapat hinayaan na gawin yun.”

“Ganyan ka kaimportante sa akin...”

“Pero..”

“Tapos na yun. Don’t worry.. I won’t blame you...”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Napakasama ko palang best friend. Sobra.

Di ko man lang naisip lahat ng mga pinag gagawa ko. Sinisi ko siya sa lahat ng kasalanang ginawa ng hayop kong ex.

“May ipagtatapat din ako sayo..” sabi ko.

“Ano yun?”

“Tungkol sa kalagayan ko.”

“Bakit? Ano bang problema mo? Ano ba tingin sayo?”

“Kasi.... pero ipangako mo na muna na wala kang pagsasabihan.”

“Oo, teka kinakabahan ako..”

“Kasi...”

“Ano?”

“Di ko alam kung magtatagal pa ako...”

“Huh?”

“May sakit ako..”

“Malala ba?”

“Oo...”

“Teka.. ano bang sakit mo? Hindi ba maagapan yan?”

“May tumor ako sa utak.”

At tuluyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[James’ POV]

April na at tapos na din ang isang taon ng pag aaral. Magpapasama ako kay mama mamaya, pupunta kasi ako sa school nila AJ at mag e-enroll.

Open na yung enrollment nila nung September pa. Inunti-unti ko na nga eh.

“Daddy.. pupunta tayo school ni daddy?”

“yep....”

“Sabihin mo kay daddy ah.. attend siya sa recognition namin...”

“Oo.. nasabi ko na baby...”

“yehey...”

Ang talino nitong batang ito. Nagmana ata kay Arwin Jake. “Tara na?”

“Opo...”

“Tawagin mo na lola mo.”

“Okay po.”

9 am kami umalis ng bahay. Sana hindi ganoon kadami ang nag e-enroll. Ngayon yung kuhanan ng FGR nila AJ kaya magkikita kami. Tinext ko na nga siya na ngayon ako mag eenroll.

“Ei.. andito na kami..” sabi ko kay AJ sa kabilang phone.

“Ah.Aandito pa ako sa may taas, diretso ka na malapit na ako. Nakapila lang ako..”

“Okay sige sige....” tapos binaba ko na yung phone.

“baby tara na.. hahabol na lang daw daddy mo.”

“Okay po.”

Dalawa na lang naman ang gagawin ko,  ID picture at mag pass nung ibang requiremnts at magbabayad. Inuna ko muna yung pagbabayad tapos dumeretso sa may ID picture station. After nun tinapos ko na yung gagawin. Natapos naman ako before mag 10.

Nagtext si AJ sa akin. “Saan ka na?”

“Katatapos lang.”

“Nandito ako sa caft... san ko kayo pupuntahan?”

“Sa may tapat ng bookstore...”

“Okay sige...”

Naghintay na lang kami nila mama doon. Maya-maya dumating na din si AJ at kasama niya mga katropa ata niya.

Agad naman na sumalubong si Khail sa daddy niya.

“Oh andito pala ang baby ko.” Bati ni AJ.

“Daddy... labas tayo... dali na..” yaya ni Khail.

Nakita ko yung itsura ng mga kaibigan niya. Lahat sila nagtatanong siguro kung bakit daddy yung tawag ni Khail.

“Anak mo? My God AJ di mo sinabi. Ang cute ng batang ito oh, sana sinabi mo. Di mo man lang kami pinag ninang....”

“Adik ninyo! Ahahaha. Yup, baby ko nga pala... si Khail.”

“Ah. Hello baby, ako tita Angel mo..”

“Hello po...”

“Ang cute. Sino nanay niya?”

“Anak namin.” sabat ko.

Lahat naman sila lalong nagulat. Eto oh >>>>>>>>>>>>>> O.O

“Wow... amazing...” ang nasabi nila.

“May nabuo pala kayong dalawa.”

“Hoy adik ninyo! mga iniisip ninyo...” sabi ni AJ.

“Tara na.” Sabi ko.

“Yeah. Tara na baby... hahah.” Sabi ni AJ.

Pagtalikod ko, ikinagulat ko ang nakita ko. Halos di ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Para akong nakakita ng isang multo na tinatakasan ko.

[AJ’s POV]

“Yeah. Tara na baby... hahaha.” Sabi ko Khail.

Sa pagtalikod ko papuntang parking area, nagulat ako sa isang taong nakatayo sa aming harapan. Halos di ako makahinga. Pigil hiinga ko siyang hinarap.

“Ch-Chad...” ang nautal ko.

“Hello.” Bati niya.

Paano na to, mukhang malalagot na ako nito. Naabutan niya kaming magkakasama. Kasama ko si Kahil. Kailangan mailayo ko dito si Khail.

“Ka-kanina ka pa ba jan?” tanong ni James.

“Hindi kadarating ko lang. Natanaw ko kayo kaya pinuntahan ko kayo.” Sagot ni Chad.

“Ah ganun ba.. ah eh... nakuha mo na FGR mo?” tanong ko.

“Kukunin ko pa lang.”

“Ah ganun ba. Ingat ka po.” Sabi ko.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya kay James.

“Ah eh. Nag enroll ako.” Sagot ni James

“Ah... nice... makakasama din kita.” Biglang sabi nito.

“Baby...dun ka muna kay lola mo ah.” Bulong ko kay Khail.

“Pero bakit daddy?” sabi nito.

“Kamusta ka baby? Haha. Tanda mo ba ako? Ako si Tito Chad mo?”

“Opo.” Sabi ni Khail.

“Oh anong problem?” tanong ni Chad.

Grabe, pawisan na ako dito. Tagtulo na ang pawis ko dahil sa kaba. Please Khail don’t speak too much.

“Aalis po kami nila daddy eh.. gusto ko na pong umalis...” sabi ni Khail

“Ah ganun ba? Aalis na naman kayo eh.. diba? Pasalubong ko ah.” Sabi ni Chad.

Biglang tumakbo si Khail kay James. Walang magawa si James. Tumingin na lang siya sa akin.

“Daddy.. tara na po... gutom na ako.... dali na...” yaya ni Khail.

Tinignan ko ang reaksyon ni Chad. Nakita ko na naguguluhan siya.

“Di-diba eto ang daddy mo baby?” sabi ni Chad.

“Namimiss niya lang daddy niyang isa...” palusot ko.

“Opo.. dalawa po silang daddy ko.” Ang sabi ni Khail.

Para akong mahihimatay sa kinatatayuan ko. Feeling ko gusto ko na lang na mag disappear sa kinalalagyan ko.

“Diba ang daddy mo eh yung ex ng daddy mo?” tanong ni Chad.

“Daddy ano po yung ex? Diba kayo ni daddy Arwin yung mag asawa...” sabi ni Khail

Nakita kong tumayo si Chad at tinitigan ako. Nakakita ako ng mga namumuong luha.

“Ch-Chad.. mag... magpapaliwanag ako..” ang nauutal kong sabi.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso.

“wag mo akong hawakan!”

Nakita ko ang panlilisik ng kanyang mga mata. At ang sunod ko ng namalayan ay yung pagtakbo niya palayo. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinalalgyan.

“AJ...” tawag ni James.

“Una na kayo sa sasakyan. Kakausapin ko lang si Chad.” Ang sabi ko.

“Pabayaan mo muna siya.”

“Hindi, una na kayo.”

Agad akong tumakbo at sinundan si Chad. Di ko alam kung anong sasabihin ko, kung papaano ko ipapaliwanag ang lahat lahat.

Naabutan ng mata ko si Chad na nakaupo sa may parking lot na malapit sa White Snacks.

Nang maramdaman niya na naroroon ako, agad siyang tumayo at sinuntok ako sa mukha. Hinawakan ng kamay ko ang mukha ko saka siya hinarap.

“Sorry.... sorry Chad...”

“Sorry? Sorry lang masasabi mo? Taena mo. Nag mukha akong tanga. Akala ko kaibigan kita, hindi pala. Daig ko pa ang sinaksak nang patalikod. Gago ka!”

“kaibigan mo naman ako eh. Hindi ko lang nasabi agad na...na ex ko si James.”

“Ah.. James nga naman... hindi Arkin.... Hindi rin Jethro...ang galing.. ang galing mo... walang hiya ka!” Sabi niya.

“Ilang beses kong gustong sabihin sayo, pero hindi ako makakuha ng bwelo. Maraming beses kong kinuha ang atensiyon mo kung maalala mo, pero mailap yung pagkakataon.”

“Wag mong idahilan yan. Alam mo ba? Alam mo ba na ngayon nagdurusa ako? Ngayon nagluluksa ang puso ko dahil sa hindi ako ang pinili ni Arkin este James? Nagbabalak pa akong magpatulong sayo pero ikaw pala...ikaw pala ang karibal ko!”

“Makinig ka! Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko sinasadya na mahalin ulit si James.”

“Alam mo kung ano ang mali mo? Niloko mo ako,  pinaikot mo ako!”

“Hindi totoo yan! Pinigilan na kita dati pero di ka nakinig.”

“Sige ako na may kasalanan! AKO NA! Aakuin ko na na ako ang may kasalanan. Nahiya naman ako sayo!”

“Wag tayo mag usap dito. Nakakahiya, maraming tao.” Sabi ko.

“Bakit natatakot ka? Nahihiya ka? Na niloko mo ang sarili mong best friend?”

“Hindi kita niloko at alam mo yan.”

Susuntukin sana ako muli ni Chad pero napigilan siya ni James.

“Tumigil ka na!” sigaw ni James.

“Ang sweet pinagtatanggol ang mahal niya. Perfect lovers. Perfect. Perfect manloloko.” Sabi nito.

“Itigil mo na to Chad....”

“Ikaw!  Kaya pala,  kaya pala ayaw mo sa akin. Kasi dahil sa lalaking yan! Lahat na lang! Lahat na lang!”

“Nag usap na tayo noon. Hindi ka pa rin nakinig sa akin.”

“Mahal kita Arkin! Mahal kita!”

“Pero mahal ko si Arwin.. si AJ....”

“Lagi mo na lang inaagaw sa akin ang lahat! Yung kay Jaysen.. ngayon si Arkin...” bulyaw niya sa akin.

“Wala akong inaagaw... wala!”

“nahiya naman ako sa kainosentahan mo... ayos lang sana kay Jaysen eh... crush ko lang siya.. pero pag mahal ko na ang labanan... jan tayo magkakatalo.. pasensiyahan na...”

“Please.... makinig ka sa akin.. mag usap tayo nga ayos...” sabi ko.

“Hindi pa ba ayos to? Broadcast na broadcast pa nga eh....”

“Please...”

“tama na AJ. Sawang sawa na ako sa anino mo... lagi na lang ikaw.. ikaw ikaw....”

“Pero.”

“Lagi na lang na makikipag kumputensiya ako.”

“Wala namang dapat i-kumpitensiya eh..”

“Meron.. kaya pala noong nasa ospital ako.. ang lakas ng loob mo na kumbinsihin ako... ang kapal ng mukha mo..”

“Ginawa ko yun para sayo..”

“Selfish ka... aminin mo yun... wala kang kwenta!”

Agad siya tumakbo palayo habang ako naman ay pinapanood siya habang unti-unting nawawala sa aking paningin.

Naiwan ako na umiiyak. Hindi ko aakalain na ganito ang magiging tagpo namin. Maraming tao ang nakatingin sa amin at nagbubulungan.

“AJ tara na.” Yaya sa akin ni James.

“Pero... si Chad...”

“Hayaan mo muna siya.. nabigla lang yun.. mag kakaayos din kayo.”

Tumayo na ako at umalis na. Habang nasa byahe kami, nakalutang yung isip ko. Hindi ko alam kung paano kami magkakabati.

Bukas kakausapin ko siya. Nag punta kami sa mall pero ang isip ko lutang pa rin. Hindi ko kasi maiwasang isipin yun.

“AJ... kain ka na.. hindi mo pa ginagalaw pagkain mo.”

“Di ako gutom.”

“Daddy.. may problema ka po ba?”

“Baby.. okay lang ako.. medyo masama lang pakiramdam ko.”

“Anak... kain ka na.. wag mo na munang isipin yun.. alam ko magiging okay din ang lahat.” Sabi ni mommy.

“Salamat po...”

“Hayaan mo.. makikipag usap ako sa kanya.... aayusin ko ang lahat....”

“Sasama ako.”

“Sa ngayon hayaan muna natin siya... palipasin muna natin yung sakit na nararamdaman niya.”

“Sana maging okay na ang lahat.”

“Kaya kumain ka na.”

“Sige.”

Hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Yung mga mata niya, nakita ko ang pagluluksa, galit at pighati.

Naawa ako sa best friend ko. Sarili kong best friend kaagaw ko. Daig ko pa na binaril si Chad ng patalikod. Paano ba maayos ang gulong ito?

[Chad’s POV]

Habang tumatakbo ako palayo, kasabay nito ang pag durog ng puso ko. Hindi ko inaakala na ang sarili kong best friend ang makakagawa sa akin ng ganito.

Walang hiya siya, ni hindi niya ako inalala. Sa lahat ng tao bakit siya pa. Nakakainis, gusto ko siyang paulanan ng bala. Nanggigigil ako.

Habang nagpapakasaya siya sa piling ni Jaysen, hindi ko alam na meron pala silang nakaraan ni Arkin. Pinaglaruan ba ako ni AJ? Pero bakit?

Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Sa lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko, si AJ ang di ko inaasahan na gagawa sa akin nito.

Hindi ko macontact si Aldred kaya si Jaysen ang tinawagan ko.

“Hello Jaysen.. pwede ka ba mamayang gabi? Please.. I need someone to talk.. please...”

“Okay sige, saan ba?”

“Punta ka na lang sa bahay namin.”

“Okay sige, ayos ka lang ba?”

“Im doom. Sige bye na”

At binaba ko yung phone. Nagmadali akong pumunta sa bahay para magkulong sa kwarto. Kailngan kong ilabas ito.

After 30 minutes ng byahe, nakarating din ako sa abhay. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ko ang isang bote ng alak. Si papa lang ang umiinom noon at ngayon ko lang titikman.

Kumuha din ako ng yelo at baso. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa laak para kahit sa sandaling panahon, maiahon ko ang sarili ko sa mga problema.

Tagay dito, tagay diyan. After kong maubos ang isang bote ng alak, kumuha ako sa baba. Well, medyo nagugustuhan na ata ng katawan ko ang alak. Nasanay na siguro.

“Sir.. tama na po yan..”

“Wag mo kong pakialaman! Wag kang magsusumbong kila mama ha.. humanda ka sa akin..”

Agad akong umakyat at nakasalubong ko si Kuya.

“Kung magpapakamatay ka, wag yan mas mahihirapan ka. Ayan ang hagdan magpakahulog ka. Kung magpapakamatay ka na lang din lang ay aga-agahan mo na. Mura pa ang lupa ngayon.”

“Wag kang makialam.. hindi mo alam pinagdaraanan ko.”

“Oo hindi nga.. pero alam mo ba pinagdaraanan nila mama para sayo? Sinasayang mo buhay mo, alam mong mamatay ka pag ginawa mo yan pero yan ka pa rin...”

“Hayaan mo ako kuya! Gusto kong mawala problema ko.”

“Ang alak, panandalian lang yan. Pag nahulasan ka, yang problema mo nanjan pa rin.”

“Kahit saglit lang kuya. Pag bigyan ninyo ako, kahit sandali lang. Gusto kong maramdaman na wala akong sakit, na wala akong problema.”

“Wag masyadong marami, please. Para yang tuko eh, hindi aalis hanggat hindi tinatanggal. Mahirap pag kumapit sa balat kasi mahirap alisin.. ang problema mo isipin mo lamok lang yan.. isang palo lang.. patay na...”

Ngumiti lang ako at pumasok sa kwarto. May point si kuya, pero kailngan ko to. Mas makakagaan sa dinadala ko ito.

Isang oras din at dumating na si Jaysen. Dumeretso siya sa kwarto ko. At pag kadating niya agad niya akong sinermonan.

“Hoy.. anong arte to?”

“Oi! Anjan ka na pala...”

“Ano bang pinag gagawa mo dito? Amoy alak ah.”

“Tara! tagay tagay lang...”

Pinulot niya mga nagkalat doon.

“Ano bang nangyayari sayo? Daig mo pa depress na depress ah.”

“If only you know..”

Lumapit siya sa akin at hinila ako. “Tumayo ka diyan.”

“Ei ano ba?!”

“Maligo ka doon.”

“Pabayaan mo ako..”

“Ang arte nito, dali na.”

Hinila ko siya at hinalikan. Alam kong nagulat siya pero talagang hinalikan ko siya. Naramdaman ko na unti-unti rin siyang bumibigay.

Hinarap ko siya at tumayo. Hinila sa may kama at naghubad ng damit. Pero natigilan siya at saka tumayo.

“Ano bang ginagawa mo?”

“Wala na naman kayo ni AJ diba? Kaya pwede na natin gawin to.”

“Kahit na.... best friend mo siya..”

“Don’t you dare say na best friend ko siya.”

“May problema ba?”

“Maghubad ka. Let’s make love.”

“Tigilan mo nga to!”

“Niloko niya ako! Niloko niya tayo!”

“Di kita maintindihan.”

“Nakilala ko na yung ex niya!  Kilala ko na!”

“Kilala ko din siya... yun na nga diba? Kinuwento ko na sayo dati.”

“Gago ka bakit hindi mo sinabi?”

“Gusto ko sa kanya mismo nagmula.”

“Niloko mo din ako.”

“Hindi kita niloko...”

“Ang sakit.”

“Alam ko.”

“Bakit siya pa?”

“Hindi ka niya niloko. Alam ko kung gaano niya sinubukang sabihin sayo..”

“Wag mo siyang ipagtanggol!”

“Hindi ko siya ipinagtatanggol... sinasabi ko lang yung totoo.”

“Whatever.”

“Kaya itigil mo na yang pagmumukmok.”

“Mahal ko si James kaya hindi ako papayag na maagaw siya sa akin ng ex mo.”

“Mahal ko din naman si AJ ah. Pero nag paraya ako.”

“ganun na lang ba lagi? Ni hindi ko ba siya ipaglalaban?”

“Alam mo, tama na ipaglaban mo ang mahal mo.. pero pumili ka ng oras.”

“Oras?”

“hindi sa lahat ng pagkakataon lalaban ka... kailangan alam mo kung kailan gagawa ng taktika...strategy kumbaga. Kung susugod ka ba o susuko.”

“Hindi ako susuko...”

“Wag kang magpakatanga! Wag mong saktan ang sarili mo.”

“Bakit ikaw? Ikaw din naman ah!”

“At least ako lumulugar ako. Nag paraya ako, bakit? Kasi mahal ko siya. Hindi ka mahal ni James kaya wag kang umasta na inagawan ka ni AJ!”

“Oo hindi niya ako mahal, pero kaya kong patunayan na kaya niya akong mahalin...”

“Kung mahal mo siya dapat alam mo kung saan siya liligaya!”

“Hindi ako duwag na katulad mo, sumuko na lang basta.”

“Duwag? Paano naging duwag yun? Mas duwag pa ang tao kapag nagpakatigas siya ng ulo.. hindi pagkaduwag yun.. pagmamahal yun...”

“Kung hahaba pa ang buhay ko ayos pa eh.. pero ngayon..mabibilang mo na lang.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“May sakit ako, maaaring mamatay na ako. Kaya kung sinasabi mong magparaya ako, hindi ko magagawa iyon.”

Nakita kong napamaang siya sa sa sinasasabi ko.

“Totoo yun.. kaya hindi mo ako masisisi kung sakaling ipaglaban ko siya... dahil sa paningin man ng iba, mahal ko si Arkin.. mahal na mahal.. kaya kahit sino pang Hudas ang tumutol at humarang sa akin.. wala ng makakpigil pa. Kahit ikaw pa, sila mama, kuya... wala. Walang sinuman!”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

“Ei... tama na yang pagmumukmok mo, hindi ako sanay.” sabi sa akin ni James.

“Pero...”

“Ayan na naman yang pero pero mo  kung yayaman lang tayo sa kape-pero mo, matagal na tayong mayaman.”

“Corny mo.”

“Smile na kasi, halika nga.”

“Iba na kasi tong nararamdaman ko, feeling ko maling pangyayari tong nangyayari sa aming dalawa.”

“Don’t think too much...”

“Salamat ah...”

“Para saan?”

“Kasi mahal mo ako, pangalawa nanjan ka para sa akinat pang hulikasi mahal mo ako.”

“Sus, pareho lang naman yung one at three eh..”

“Shhh....” Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Mahal na mahal kita AJ... mahal na mahal....”

“I love you too... How I wish this time will last forever...”

“How I wish... we could be together?”

“How i wish mag propose sa akin yung isa jan...”

“How I wish tanggapin niya proposal ko..”

“How I wish hindi lang siya how I wish ng how I wish..” sabay tawa.

“Sus.. makapag parinig ka wagas...” sabi niya,.

“Pakasal na tayo...” biro ko.

“Seryoso?”

“Ayaw mo ata eh... hmmmpft..”

“Adik mo. Gusto ko siyempre. Saka na yan, di pa pwede...”

“Hmpft ewan... daming reasons.” Pinipigilan ko ang tawa ko.

“Hay naku... adik mo.... di pa nga pwede eh..”

“Sa iba na lang ako magpapakasal.”

“Edi magpakasal ka sa iba... as if may magpapakasal sayo ngayon..”

“Ang harsh mo.. sinasaktan mo ako..”

“Just kidding my wifey...”

“Wifey? Ang corny ah... babae lang?”

“Hindi ba?”

“Amp... tae mo... pakain ko sayo tong kamay ko eh.”

“Iba na lang...”

“Ang green mo.”

“Wala pa akong sinasabi...”

“Alam ko tinutumpok ng isip mo.”

“Weh...”

“Oo.. alam ko na detalye niyan..”

“So kung alam mo na pala let’s start?”

“Start saan?”

“Sabi mo alam mo na nilalaman nito... so without any asking let’s start...”

“Your so pervert..” sabi ko.

“Pumapayag ka na sabihin mo sa akin yang mga yan?”

“Alam mong nagbibiro ako..”

“Ang harsh mo sa akin grabe...”

“Sorry.”

“No!”

“Pa-hard to get.. babae?”

“Hmpft.”

“Now what? Ngayon ikaw ang nagdra-drama jan?”

“Para maranasan mo.”

“Oo na.. sige na... tulog na tayo..”

“Matulog ka mag isa mo.”

“Okay sige.. good night...”

“Grabe Arwin Jake Montederamos! Di ka makaintinid ng lambing.”

“Alam mo sanay na ako jan...”

“Ouch.”

“Hahahaha. Yeah alam kong nagpapalambing ka kaya nga sabi ko tulog na tayo eh...”

“Lambing at tulog.. anong connection?”

“Ayaw mo nun mayayakap mo ako.. makakakiss ka pa...”

“Ay ewan.. gawa na lang tayo ng baby for a change...”

“Baby? Lagi na lang.. bawat matutulog tayong magkatabi yan sinisingit mo.. saka na kapag kasal na tayo...” sabi ko.

“Ah.. now I know kung bakit gusto mong magpakasal tayo.. dapat sinabi mo agad para right now nakapag pakasal na tayo.”

“Hoy green minded ka lang kaya ayan naiisip mo..”

“Alam mo ba mula ng magkaayos tayo di man lang ako naka third base sayo... hanggang kiss lang sa lips nagagwa ko.”

“Mas maganda pag naeexcite ka... saka na natin gawin yun.”

“Ilang taon pa ba ang titiisin ko?”

“Teka ano bang habol mo sa akin ha? Yun ba?”

“Hindi ah... “

“Yun naman pala eh kaya behave okay?”

“Akala ko kasi kasama na yan sa package.. amp.”

“Pa-package package ka pa jan... tulog na tayo okay?”

“yeah.. bahala ka jan...”

“Taray mo eh...”

“Mahal mo naman,.”

“Sobrang mahal ko nga.”

“Hahah.. kilig ako.”

“Babae lang?”

“Shut up.” Sabi niya.

At natulog kami. Lagi na lang ganito kami. Well sanayan lang and I’m happy. Happy na okay na okay kami.

He had a busy day after that night. Ako naman I spent my day in our house. Bakasyon na kasi eh. Haixt.

Saan ba magandang magbakasyon? Makapag bakasyon kaya doon sa amin. Yayain ko si James once.

Pero I know na gusto niya munang makapag bakasyon dito. For a change. I was sleeping in my bed when suddenly my phone begun to rung.

“Hello.” Sabi ko.

“Hey... nandito ako sa labas ng bahay ninyo?” sabi sa kabilang linya.

“Sino ba to?” hbang kukusot kusot ng mata ko.

“Si Jaysen to.”

Tinignan ko yung phone, si Jaysen nga.

“Ah okay. Wait.... baba ako.”

“Okay.” Then end call. Ano kaya ginagawa niya dito?

Nag suot ako ng tshirt at bumaba. Sila mama naman busy sa kakapanood ng TV. Di nila siguro namalayan si Jaysen.

“Hey.. gawa mo dito?” bati ko.

“Sorry naistorbo ko tulog mo.”

“Ayos lang.. ano sa atin?”

“Wala bang kamustahan?”

“Sorry.. bangag pa ako ngayon..”

“Sama ka sa akin dali..”

“saan?”

“Basta...”

“Wait bihis lang ako..”

“wag na...”

“Ei naman.”

“Sige na.. bilisan mo ah... paalam ka na din..”

“Kdot.”

Nagmadali akong magbihis at nagpaalm na din. Sabi ko na hindi ko alam kung anong oras ako uuwi. Bumaba na ako at yun umalis na kami.

Pumunta kami dati sa paborito niyang punatahan. Dito din nangyari yung maraming memories sa aming dalawa.

“Naalala mo?” tanong niya.

“Yeah...” sabay ngiti.

“Sayang.. haixt.”

“Wag mong sabihing sayang.. kaw talaga.”

“Eh kasi naman eh.. haixt...”

“Sus.. kamusta kayo ni Bianca?” tanong ko.

“Okay naman... bakit mo natanong?”

“Well, I think both of you fits well. Bagay kayo.”

“Hey.. stop that..”

“Totoo naman eh.”

“Eh kayo ni James?”

“Ayos naman, doing well.”

“Buti naman. mahal ka niya talaga no? Akalain mo.”

“Oo nga eh.. haixt...”

“Nabalitaan ko nga pala yung nangyari sa inyo ni Chad.”

Natahimik ako. Ewan kung bakit.

“Sorry for that.” Sabi niya.

“Okay lang.”

“Okay lang kung ayaw mong pag usapan.”

“Ayos lang.. need ko na namang harapin to..”

“Di ko lang lubos maisip na mangyayari ito.”

“Wala eh.. kahit naman pigilan ko ang paglabas ng katotohanan... wala ring magyayari..”

“Pero... may dapat kang malaman...”

“Ano yun?”

“May kasalanan kasi ako nun eh.. nung tayo pa...”

“Tagal na nun ah...”

“Pero.. nakokonsiyensiya na ako...”

“Malala ba?”

“Medyo..”

“Masasaktan ako?”

“Baka.”

“Wait.... hinga lang ako....” I deeply inhale and exhale. Mukhang seryoso to.

“Sorry... sorry at nangyari yun,... sorry kasi nagawa ko yun...”

“Ano ba yun? Kinakabahan ako masyado.. wag mo akong masydaong iintense.. masama sa akin..”

“Kasi... kasi... habang tayo noon.”

“Ano?”

“May nangyari sa amin ni Chad noon...” at Boom, para akong nasabugan ng bomba.

Daig ko pa yung naputukan na paputok... natumbahan ng building. May anngyari sa kanila ni Chad dati? Ibig sabihin niloko niya ako? How could he?

“Bakit?” di ko mapigilan ang luha ko.

“Lasing ako at di ko maalala yung mga pinag gagawa ko...alam ko kasalanan ko.. sorry.”

Lumuhod siya sa harapan ko at umiyak. Di ko na mapigilan ang sarili ko na umiyak din.

“Sorry.. sorry...” sabi niya

“Masakit.. akala ko loyal ka, faithful,  pero may ginawa ka behind my back!... ang sama mo.” Di ko mapigilang sabihin.

“Di kita pipigilan na magalit sa akin. Kung susuntukin mo ako suntukin mona ako.. lahat tatanggapin ko...”

“Hindi ako ganun.. yun lang nasaktan ako.. pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo.”

“Sorry talaga...”

“Pero di naman dapat ako mag kimkim ng galit...”

“Pero okay lang.. tatanggapin ko lahat...”

“Tumayo ka na jan...”

“Sorry.”

“Gago ka... bakit mo ginawa yun? Sa best friend ko pa.. nakakinis ka! sobra...”

“Suntukin mo ako.. dali.” Di ko na pinigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya.

“Okay na rin naman ako sooner or later.”

“Pero sana magkaayos kayo ni Chad.”

“bahala na.”

“Please...”

“Bakit mahal mo na ba siya?”

“Hindi yun.. ang sa akin lang sayang ang friendship ninyo..”

“Bahala na.” Ang sabi ko.

“Hay naku... pero... sorry... very sorry...”

“Stop it.... please... ayoko lang maalala... baka masapak pa kita...”

“Okay... sabi mo.”

“Uwi na tayo.... nag mood swing ako.”

“As you wish...”

“Please... iwasan mo ng makipag flirt sa iba....”

“Sorry...”

“Sayang kasi...”

“Oo na.. iuuwi na kita...”

“Tara....”

Umuwi na nga kami. Pero bago ako makapasok ng bahay, siya namang labas ni James at tiyak kong kagulo na anamn ito.

“Mag... magkasama... kayong dalawa?” tanong niya na halatang nagulat siya.

“Di na kita nasabihan.... wala akong dalang cellphone eh.. sorry.”

Hinila niya yung kamay ko papasok.

“Teka.”

“Hey... ano ba?”

“Better get off....” sabi niya.

“James ano ba?”

“Nakakainis ka!”

“Jaysen alis ka na.” Sabi ko.

“Umalis ka na.. baka mabugbog pa kita...”

“Wag na wag mong sasaktan si AJ... lagot ka sa akin.. tandaan mo.. nakabantay ang mga mata ko...”

“Di na kayo pre.... wag kang mag inarte...” sabi ni James.

“Stop it...” sabi ko na lang.

At umalis na si Jaysen. Agad namang pumasok si James ng bahay. Umakyat siya sa kwarto ko at humiga sa kama.

Sinundan ko lang siya ng walang sabi-sabi. Nagtataka ang mga mata nila mama at alam nila na may problema.

“Hoy!” sabi ko.

“Hoy ka din...”

“Sorry na.”

“Flirt....” nagulat ako sa sinabi niya.

“Ouch.... sobra ka.”

“totoo naman ah. Amp.”

“Flirt talaga.. yan tingin mo sa akin ha? Grabe ka! I hate you.”

“But I love you.”

“Nasaktan ako sa sinabi mo.”

“Hey.. ako ang galit dito.. wag mong ibahin ang usapan.”

“I really hate you... sabihan akong flirt.... damn it.”

“Nakakainis ka eh.. sobra....”

“Wala kaming ginawa ni Jaysen na masama.. nag usap lang kami.. yun lang...”

“Pero nag seselos ako.”

“Don’t, wala kang dapat ipag ka selos...”

“Natatakot lang ako...”

“Adik mo lang...”

“Eh bakit ba... nagselos na ako.. amp.”

“Sorry...”

“Hmpft...”

“Sorry na. Ano luluhod ako?”

Di niya ako pinansin kaya lumuhod ako. “Hey... stand up.”

“Patawarin mo na ako..”

“Oo na... di na kailangan lumuhod.. kiss na lang...”

“Sus.... daming alam...”

“Sorry din...”

“Okay lang yun. Alam kong nabigla ka lang...”

“Wag ka na ngang lumapit kay Jaysen.”

“Magkaibigan lang naman kami eh..”

“Kahit na.. please...”

“Aysus...”

“Dali na..”

“Alam mo.... okay lang sa akin.. pero... mahirap sa kanya....”

“Okay.... papayag ako.. one condition...”

“Ano?”

“Baby...”

“Hoy tantanan mo ako...”

“Okay... stay away from him.”

“Daming arte...”

“Ewan.”

“Uwi ka na nga...”

“Di na ako magpapakita sayo...”

“Di ka makakatiis...”

“So what?”

“Ingat!”

“Kdot.”

“I love you...”

“I love you too.”

At umalis na siya. Hay naku minsan ang childish niya, pero masaya ako sa piling niya. Sana nga lang wala ng dumating na problema sa aming dalawa.

Nahihirapan na kasi ako na lagi na lang may problemang nakaabang sa amin. Haixt.

Kinabukasan nagpa-check up ako. Hinahanap ko yung lalagyan ng gamot ko kahapon pero hindi ko makita. Haixt. Kaya lagot na naman ako.

After kong mag pa-check up, di ko inaasahan na makikita ko si Chad. Halos di ako makapag salita ng akita siya.

Nakaramdam ako ng galit dahil sa naramdaman ko. Please Lord, give me strength na mag pigil, baka makapanakit ako.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[Chad’s POV]

Nag unwind na muna ako. Super kaka-stress ang nangyari. Di ko lubos maisip hanggang ngayon na ang sarili kong best friend ang magiging karibal ko kay Arkin. Sa lahat ng tao siya pa.

Hindi ako magpaparaya tulad ng ginawa ko kay Jaysen. Si Jaysen, crush ko lang nun, gusto, pero si Arkin, mahal ko siya.

Kakatapos ko lang mamili ng mga gamit at kalalabas ko lang ng mall. Paakyat na sana ako ng over pass ng bigla kong nakasalubong si AJ. What a coinsidence?

Nagkatitigan lang kami. Pero nagungusap ang mga mata namin. Agad akong tumalikod at sinenyasan siya na sumunod sa akin. Kung di ko siya mapapayag ngayon, mag kakagulo na kaming dalawa.

“Kamusta?” tanong ko.

“Ayos lang.” Matabang na sagot niya.

“Ayos ah.”

“Ano bang kailngan mo?”

“May kailangan tayong pag usapan.”

“Oh ano?”

“Nung isang araw atat na ata kang humingi ng tawad sa akin pero ngayon.... anong nangyari?” sabi ko na may sarkastong pananalita.

“Noon kasi akala ko totoo ka.... hindi pala.”

“Eh gago ka pala eh...”

“Mas gago ka... wag mong ubusin ang panahon ko sa pakikipag usap sa isang taong walang ka-kwenta kwenta.”

“Eh anong tingin mo sa sarili mo ha? Isang taong matatawag na totoo?”

“At least ako, kailan man hindi kailangang mag makaawa sa pag-ibig.”

“May gusto ka bang sabihin?! Ang yabang mo ah!”

“Sabihin  mo na ang gusto mong sabihin. Ayokong sayangin ang oras ko na nakikipag usap sa walang kwentang tulad mo!”

“Nahiya ako bigla sayo.”

“Mahiya ka talaga.” Sabi niya

“Mang aagaw ka!” sigaw ko.

“Kahit kailan wala akong inaagaw sayo.” Sabi ko.

“Ahas ka.”

“Ang gwapo kong ahas.”

“Nahiya naman ako sa balat mo.”

“Tigilan mo ako. Ano pa ba ang kailangan mo?”

“Ibalik mo sa akin ang mahal ko!”

“Bakit ko ibabalik, bakit na sakin ba?”

“Hindi ako bulag.. kayo na nga diba?”

“Oo nasa akin siya. Pero hindi kami. Hindi kailangang maging kami para lang masabing mahal namin ang isa’t-isa.”

“Tatanga-tanga ka kahit kailan.”

“Mas tanga ka...”

“Kahit kailan talaga mga linta kayong best friends.”

“Hindi ako linta. Loser ka lang.”

“Ibalik mo siya sa akin dahil akin siya.”

“hindi siya sa iyo!”

“At hindi rin siya sa iyo!”

“Akin siya dati!”

“Dati yun at hindi ngayon.”

“Ano pa ba ang gusto mong palabasin? Wag mong lokohin ang sarili mo dahil alam mo na mahal niya ako.”

“Mamahalin niya rin ako.. nandiyan ka lang kaya hindi niya ako magawang mahalin!”

“Hindi ka niya mahal at ako ang mahal niya!”

“Kapal ng mukha mo. Dukha.”

“Angkinin mo na yang yaman mo. Nahiya naman ako sa yaman mo.”

“Akala ko kaibigan kita.”

“Akala ko din kaibigan kita pero pati bf ko ikinama mo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin alam niya. Sa totoo lang dapat mahiya ako sa ginawa ko. Ganito na ba talaga ako kadesperado.

“Ginusto niya rin yun.”

“Wala akong pakialam.”

“Malandi ka.”

Hindi ko mapigilang sampalin siya.

“Kung mahal mo siya piliin mo kung saan siya liligaya. Wag kang selfish.”

“Mamatay ka na sana... para nasa sa akin na si Arkin.... lahat naman ibinigay ko sayo... lahat-lahat... eto lang ang hinihingi ko.. hindi mo pa ba ako mapag bigayan.” Umiiyak na ako sa harapan niya.

Alam kong nakatawag na kami ng pansin sa mga tao rito. Nakakahiya man pero di ko na akilngang itanggi pa.

“Hindi isang bagay si James na maaring pag agawan! Ako ang mahal niya at hindi ikaw! Wag kang magpakababa Chad, alam kong alam mo kung ano ang tama at mali...”

“Mahal ko siya AJ... mahal!”

“Mas mahal ko siya.... baka infatuation lang yang nararamdaman mo.”

“nagmamakaawa ako.. ibigay mo na siya sa akin... please... please...”  lumuhod na ako sa harapan niya.

“Chad bestfriend kita pero sa bagay na to, dapat matauhan ka kung ano ang tama at mali!”

“Mali na kung mali, pero mahal ko siya. AJ mahal ko siya! Naiintindihan mo ba yun? Bestfriend naman kita diba? Sabi mo lahat gagawin mo... lahat ibibigay mo! Eto na yun oh. Akin na si Arkin. Akin na siya. Akin lang siya!”

“Hindi ko maibibigay ang gusto mo..”

“Kung hindi ka makuha sa santong dasalan, dadaanin kita sa santong paspasan!” Tumayo na ako at inayos ang sarili.

“Tandaan mo AJ... itong panahon na ito.... kontrabida na kung kontrabida.... pero gagawa ako ng paraan..... paraan para mapunta sa akin si Arkin... kung kailngang makipag agawan ako sayo gagawin ko.... hindi ako susuko...”

At umalis na ako. Nakakahiya sa maraming tao. Naawa na ako sa sarili ko. Hindi ako papayag na mag patalao.

Napahiya ko na ang sarili ko sa harap ng maraming tao kaya hindi ako papayag na mapunta lang sa walang kwentang tao si Arkin.

[Jaysen’s POV]

Pamilyar sa akin ang gamot na iniinom ni AJ. Parang nakita ko na to dati. Dati pa lang may kutob na ako sa gamot na ito. Lagi pa ngang iniiwas sa akin ni AJ yung gamot na yun.

Nahulog niya ito noong lumabas kami noong isang araw. Ano ba talaga ang sakit ni AJ?

Nakakapag taka lang kasi na asthma lang yung sakit niya gayong halos mamatay na siya kapag ipinapasok sa ospital.

Papunta na sana ako sa ospital ng madatann ko si Bianca na nasa baba ng bahay. Ang kulit nito sobra.

Pero atleast bumabawi siya. Tama naman si AJ eh. Dapat bigyan ko ng chance si Bianca. Lahat naman ng tao nagkakamali.

“Kailngan mo?” pagsusungit ko.

“Yayayain sana kitang mag gala.”

“May pupuntahan ako.”

“Sama ako.”

“Wag na..”

“Sasama ako.”

“Makulit ka eh...”

“Ganun talaga.”

“Sige na.. tara na.”

“yehey.”

‘Para kang bata.”

“Di ah.”

“Oo kaya.”

“Che.”

“Tara na”

“Saan ka ba pupunta?”

“ospital?”

“Oh bakit? Anong meron?”

Kinuwento ko sa aknaya ang lahat-lahat. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mga mukha.

“Wag naman sana an malala yan.”

“Think positive lang.”

“Tara na nga...”

Pumunta na kami sa ospital at pinatingin namin yung gamot. 30 minutes kaming naghintay bago pa kami makasalang sa doctor.

“Good aftrenoon po doc.” Sang bati ko.

“Good aternoon din.. ano ang sa atin?”

“Doc... I want to know if saan po ginagamit yung gamot na to?”

Nakita ko ang pagkaseryoso ng mukha ni Doc.

“Anong problema doc?”

“Saan mo to nakuha?”

“Sa ex ko po.. yan po ang gamot niya eh...”

“Di ko alam kung ano ang magiging reaction niyo.. pero yung gamot nato... isa lang ang pinag gagamitan eh..”

“Ano po yun doc?” tanong ni Bianca.

“Sa puso.... kapag may sakit sa puso... eto ang gamot...”

Halos hindi ako makapag salita sa narinig ko? Paanong? Paanong anngyari to? Sakit? Sakit sa puso? Ngunit bakit ni hindi man lang itong sinabi sa akin ni AJ? Bakit niya inilihim ito.

“Doc.... baka naman po nagkakamali kayo?”

“Hindi... sigurado ako.... sa tingin ko malla na ang sakit ng ex mo iho....”

“Pero... pero... ang alam ko sa asthma lang to..”

“Hindi iho...”

Halos tumulo ang luha ko sa nangyari. Hindi ko lubos maisip namay sakit siya ng ganon. Nakagawa ako ng kasalanan sa kanya gayong nanganganib pala ang buhay niya.

[James’ POV]

Humiga agad ako sa kama ko nang makarating ako ng bahay. Kagagaling ko lang ulit sa bahay nila Arwin. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi siya makita.

Maya maya pumasok si Khail at sinakyan ang tyan ko.

“Amp.” Ang nasabi ko.

“Daddy... daddy.... uuwi daw dito si tito...” sabi nito.

“Ano?” tanong ko.

“Si Tito Martin uuwi dito.... sabi ni lola... yehey... si tito tangkad uuwi na dito...” masayang sabi nito.

Agad akong bumangon at tinawag si mama.

“Ma.... ma!!!”

“Oh bakit?”

“Uuwi daw dito si kuya?”

“Oo anak... magbabakasyon daw muna siya dito.. at isa pa... may aasikasuhin siya dito... may bagong partner ang kuya mo sa business natin kaya siya pupunta dito.. dual purpose...”

“Pero ma... bakit ngayon ninyo lang sinabi?”

“Bukas pa naman siya uuwi dito...”

“Pag hotelin nalang ninyo siya...”

“Anak... dapat mag kaayos na kayo ng kuya mo...”

“Okay naman kami ma.. di lang kami magkasundo...”

“Naku anak.. wag ka ng pasaway....”

“Ma naman eh.. please...”

“paano kayo magkakaayos kung hindi kayo magsasama sa i-isang bubong...”

“Ma naman.... ayoko lang makita yung lokong yon... napakayabang...”

“Sus.. pareho naman ata kayo...”

“Ma naman.. hindi ah.... mayabang yun.. pero mas gwapo ako....”

“Sus.. nagbuhat ng sariling bangko...”

“Hay naku ma.. oo na. Sige na.. payag na ako...”

“Papuntahin mo si Arwin dito bukas.... mag hahanda ako....”

“Okay... po..”

“Oh cheer up na...”

“Sige po...”

Umakyat na ako sa kwarto at humiga ulit. Tumawag ako kay AJ. Haixt.

“Oh napatawag ka....”

“Wala lang...”

“Weh...”

“May gagawin ka ba bukas?”

“Meron..”

“Ano?”

“basta...

“Baka makipag date ka na naman...”

“Ewan.... sige good night...”

“Joke lang naman...”

“Problema mo?”

“Wala nga... pinapapunta ka pala ni mama dito.”

“Bakit?”

“Maghahanda siya.. dadating si...”

“Si?”

“Si kuya...”

“Ah.. kaya pala ganyan ka.. dadating ang kuya mo....”

“Hindi ah..”

“Okay.. what time?”

“Mga tanghali siguro....”

“After lunch?”

“Yeah...”

“Baka naman mga dinner pa...”

“Basta itext na lang kita bukas...”

“Okay....”

“San ka ba talaga pupunta?”

“Basta nga...”

“Okay.. good night.. antok na ako...”

“Okay.. I love you.. mwah...”

“I love you too...”

At binaba ko na yung phone. Natulog na ako. Haixt. Good luck bukas.

[AJ’s POV]

Nakakahiya talaga, sobrang nakakahiya talaga yung nangyari. Haixt. Pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa SM.

Bibili sana muna ako ng brownies bago ako pumunta sa bahay nila James. Darating daw kasi yung kuya niya kaya nagpasya akong dumaan dito.

Kakatapos lang din lang naman ng check up ko kaya okay na ako.

Bawat lugar na lang aat na puntahan ko sa lob ng SM eh pinagtitinginan ako ng mga tao. Nakakhiya sobra. Haixt.

Nakita ko yung stand ng Bibingkinitan kaya bumili na rin ako ng 2 box. Favorite kasi yun ni mommy.

Ang brownies naman ay para kay Khail at para kay James, siyempre ako ang pasalubong niya.

Naglakad-lakad ako sa loob ng mall. Haixt. Nakatingin lang ako sa baba at nakatulala. Wala ako sa sarili dahil sa nangyari.

Nakakahiya talaga. Daig ko pa ang may dumi sa mukha at pinagtatawanan ng tao. Nakakahiya talaga sobra. Hanggang sa may mabangga akong tao at muntikan ng magtaob.

Naagapan niya agad ako at nahawakan sa braso. Nakaalalay siya sa akin habang ako naman eh awkward ng itsura. Agad naman akong bumawi sa sarili at iniangat ang sarili.

“Kuya... sorry po..... sorry talaga.. di ko kayo nakita....” sabi ko.

“Ingat ka kasi...” sabi niya. Ramdam ko na medyo masungit to.

“Sorry na talaga.....” napansin ko yung natapon niyang inumin.

“hala ka... sorry... palitan ko na lang yung iniinom mo...”

“Nah.. wag na.. saka na lang...”

“Ha?”

“Ingat ka na lang.... wag masyadong kabado....” sabi niya.

“Kilala ba kita?”

“Ewan ko sayo... I’ll go now.... tapang mo din...” at saka siya umalis.

“Grabe... kakaloko yung lalaking yun... gwapo sana.. kaso.... mukhang may tama.” Sabi ko na lang sa sarili ko.

Pumunta na ako sa may bilihan ng brownies tapos makakaalis na ako. Buti na lang at di ko naapakan yung bibingka, sayang pa anamn. Wala na akong pera. Hahaha.

Paalis na rin ako ng biglang tumawag si James. Hindi talaga makahintay tong lalaking ito.

“Oh bebe ko..” sabi ko. Andami naming tawagan grabe hahah.

“San ka na?”

“papunta na po jan..”

“Sunduin na kita?”

“Wag na... Papunta na rin ako jan...”

“Miss na kita eh...” sabi niya.

“Parang kahapon lang nagkita lang tayo.. hapit masyado...”

“Haixt. Bilisan mo ah... I love you...”

“I love you too...”

Nagmadali na akong pumunta sa bahay nila. Mahigit 20 minutes ng makarating  ako sa bahay nila. Pagkabukas ko pa lang ng gate eh sinalubong na ako ni Khail. Tong batang ito talaga oo.

“Kamusta ang baby ko?”

Kiniss niya ako at saka kinuha yung pasalubong ko. “masaya ako daddy kasi nandito ka na ulit... hehehe.. akin na po tong pasalubong ah...”

“Kaw talaga.. kaya ka lumulobo... mag diet ka ah...”

Tumawa lang siya. Kasunod na lumabas si James na malapad ang ngiti. Agad siyang lumapit at niyakap ako.

Grabe kinikilig ata ako kasi napangiti ako. “Hey...” sabi ko nung hinalikan niya ako sa batok.

“I miss you...”

“Me too. I miss you. Kahit kahapon lang tayo nagkita.... hahahah.. grabe ka talaga....”

“Hinding hindi ako magsasawang makita ka...”

‘Talaga lang ha.. baka after ilang araw magsawa ka lang...”

“Tsss.... shut up...” sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

“Pasok na tayo.”

“Haixt.. dito na lang tayo.. or alis na lang tayo...”

“Ano ka ba? Adik ka lang? Teka andiyan na kuya mo no?”

“Yeah...” sabi niya sabay buntong hininga.

“Tara na nga... alam mo ikaw... haixt...”

“San ka ba galing kanina?”

“May pinuntahan lang. Bumili ng vitamins ko... heheh.”

“Yun lang pala.. dapat sinamahan na kita.”

“Kaya ko naman sarili ko at isa pa dapat tinutulungan mo si mommy dito... saan na kuya mo?” tanong ko.

First time ko pa lang siya makikita. Wala kasi akong pagkakataon na makita ang kuya niya. Napakailap kasi nitong lalaking ito.

Ewan ko kung bakit, lagi na lang busy. Hindi naman ako mausisat sa mga bagay bagay.

“So it’s you.. sabi na nga at ikaw yun... ang matapang.. palaban and.... madiskarte.. ang boyfriend ng kapatid ko....”

Narinig ko na sabi nung isang lalaki mula sa hagdanan ng bahay nila James. Tumingin ako sa kinaroroonan nung boses at tinitigan ang isang bulto ng lalaki na nakatayo doon.

Wow. Ang gwapo naman nito. Hehehe. Maputi, ayos ang porma, mukhang 21 lang sa katunayan 24 na siya. Pero isa lang nagpalaki ng mata ko, tila nakita ko na siya. May amnesia na ba ako? Saan ko ba siya nakita?

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com




No comments:

Post a Comment