Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (02): Book 2

by: White_Pal

Part 2: "The Trainee"

“Gab..” ang sabi ng boses na umaalingawngaw sa buong lugar.

“Gab..” ang sabi pa nito ulit.

Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang balikat ko at kasabay nito ang paglingon ko.

“Kuya!!??” ang sabi ko ng makita ko ang Kuya Erick ko.

“Gab, wag mong baguhin ang sarili mo, Wag mo hayaang makulong ka ng galit. Wag mo hayaang kainin ka ng galit na nandyaan sa puso mo.” Ang sabi niya sa akin.


“Pero kuya, yun lang ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga taong naging dahilan kung bakit ako naging ganito.” Ang dahilan ko sa kanya.

“Kay Steph at kay Ely, malamang oo. Pero kay Jared, galit ba talaga? Puro galit ba ang naramdaman mo noong makita mo siya?” ang tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita, parang pinasakan ng semento ang lalamunan ko. Alam ko na tama si kuya, hindi puro galit ang nararamdaman ko kay Jared, dahil ramdam ko pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya.

“Search the answer in your heart. Sundin mo ang sinasabi ng puso mo gab, wag mong hintaying may masirang buhay dahil sa galit mo. Wag mong hintaying may magsakripisyo para lang matigil ang galit sa puso mo at sa puso ni Steph. Wag Gab.. Wag..”

“Hindi kita maintindihan kuya..” ang sabi ko.

“Muli mong papasukin sa puso mo ang pag-unawa at pagmamahal. Yun lang ang susi Gab. Understanding and Love... Love... Love... Love... Love...” ang paulit-ulit at dahan-dahan niyang sabi.

.......................

.......................

.......................

“Kuya!!!” ang sigaw ko kasabay ng pagbangon at pagdilat ng mga mata ko.

Isang panaginip. Muli ay nagpakita sa panaginip ko ang kuya Erick. Malinaw ang gusto niyang iparating, pero paano ko magagawa ang gusto niya kung napakatindi ng galit sa puso ko? Paano ko ititigil ang mga plano ko kung nababalot ng galit ang puso ko? Paano ko gagawin ang gusto niya kung wala ng lugar ang pag-unawa’t pagmamahal sa puso ko? Ang hirap! Sobrang hirap! Sa lahat-lahat ng naranasan ko, paano pa ako makakaramdam ng pag-unawa at pagmamahal, kung ako mismo ay hindi nakaranas noon sa ibang tao?

“Mahal, ok ka lang ba? What’s wrong?” ang tanong ni Ace.

Gising pala siya.

“Wala naman mahal.. Ok lang ako..” ang sagot ko.

“Sure?”

“Yeah.. Teka nga, bakit gising ka pa?” ang tanong ko dito.

“Kakagising ko lang. At tsaka 5am na po.”

“Ahh ganun ba?”

“At tsaka, tinititigan kita eh.” Ang sabi nito sabay ngiti.

“Nako! Itulog mo na lang yan. Maaga pa.”

“Ayoko.”

“Matulog na nga!” ang sigaw ko dito.

“Matutulog ako sa isang kondisyon.” Ang sabi niya.

“Ano?” ang tanong ko.

“Yung hinihiling ko sa iyo.” Ang sabi niya sabay ngiti.

Alam ko ang hinihingi niyang iyon. Siyam na buwan na kaming mag-on pero di ko kayang ibigay iyon at hindi ko kayang gawin dahil si Jared pa rin ang laman ng puso ko.

“Ace..” ang nasabi ko.

“Ok lang mahal. Maghihintay ako. Maghihintay ako sa araw na maangkin ko ng buo ang puso mo.” Ang sabi nito.

Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam ni Ace na hanggang ngayon ay si Jared pa rin ang laman ng puso ko.

“Salamat mahal. Salamat sa pag-unawa.” Ang sabi ko.

At hinalikan niya ako.

.......................

“Ser here is your morning fod!” ang sabi ni Inday.

“It’s food Inday. Not FOD!” ang biglang sabat ni Kokoy.

“Whatever Kokoy my dearestnesssesss..” sabay kindat nito.

“Aaayyyiiieee!!!!” ang sabi naming lahat.

“Yuck!!” ang sabi ni Kokoy.

“Pansin ko lang Inday, napapadalas ata ang English mo.” Ang sabi ni Ace.

“Of course Ser, it’s because the cause is you and Ser Gab, the two of you go in Stetz so it’s possibility that the two us I mean the two of you only know Inglish salita!” ang sabi nito.

At natawa naman kaming lahat.

“Inday, wag ka na nga magpaka-trying hard mag English ha! Sakit sa tenga eh. At isa pa, it’s “possible” not “possibility”, and it’s “English language” not “Inglish salita”. Yung grammar mo inday naku! Ewan ko kung ano sasabihin ko dyan.” Ang sabi ni Kokoy.

“Hey kokoy! Stop irritating myself! I’m having hard time in your saying.” Ang sagot ulit ni Inday.

At muli ay nagtawanan kami, siguro naman ay alam ninyo ang pinagtatawanan namin di ba? Hehehe. Ganito kami sa bahay simula ng umuwi ako galing sa states para mag-aral. Napag-desisyunan kong dito na lang sa pinas tapusin ang pag-aaral ko dahil... Dahil, parte ng plano ko.

Ngapala, gusto ko na kilalanin niyo ako bilang Erick. Erick Uriel Alvarez, dating si Gabriel Alvarez Montenegro. 19 years old na ako ngayon, may tangkad na 5’8 at medium built ang katawan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano idedescribe ang bagong sarili ko, kayo na lang po humusga.

Nang matapos ang agahan ay umakyat na kami ni Ace para mag-ayos. Unang araw ko sa kumpanya noon bilang Chairman at major stockholder nito. Habang nag-aayos..

“Mahal, Gab..” ang sabi ni Ace.

“Ace, remember my name is Erick. Baka madulas ka.”

“Nasa bahay naman tayo. Tsaka tayong dalawa lang naman nandito. At alam ko kung kailan ka tatawaging Erick.” Ang sabi nito.

Hindi ako kumibo.

“Gab.. Umamin ka nga, sinadya mo ba ang nangyari sa kagabi?”

“Anong nangyari?”

“Yung sa party. Yung ginawa mo kay Steph?”

“Oo.. Sinadya ko yun. Sinadya kong bwisitin siya para matrigger and demonyong nagtatago sa ilalim ng balat niya.”

“Gab, sa ginawa ko naging obvious ka kila Jared at Ella. Hindi lang yan, balitang-balita sa buong kumpanya ang nangyari.”

“Well, edi maganda. Pahiya ang Gaga. At isa pa, kitang-kita na siya ang nag-skandalo hindi ako, kaya siya ang masama. Regarding naman kay Jared at Ella, sinadya ko rin na marealize nila na ako si Gab. Lalo na si Jared.”

“Bakit naman?” ang tanong nito.

“It’s part of my plan Ace. Gusto ko makita ni Jared kung anong klaseng tao na ang ginago niya noon. Gusto kong makita niya kung ano ang ginawa niya sa akin, kung papaano ako nagbago dahil sa kalandian niya. Di ba ang saya? Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at paghihirap ng kalooban niya. Gusto kong sisihin niya ang sarili niya na siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito. Gusto kong maramdaman niya ang sakit na naranasan ko noon, sobrang sakit hanggang sa mabaliw siya.” Ang sabi ko sabay ngiti.

Hindi na nakakibo si Ace. Alam ko na tutol siya sa mga plano ko. Katunayan, nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo dahil dito eh. Pero sadyang matigas ako, at wala na siyang magawa.

“Alam mo Gab. Nakikita ko, mahal ka nung tao, bigyan mo naman sana ng chance na magpaliwanag.”

“Mahal!?!? Mahal ba ang sasaktan? Mahal ba ang gagaguhin? Mahal bang matatawag yun Ace! Ha!!” ang sigaw ko.

Sa sigaw ko ay natahimik kaming dalawa. Ilang sandali ay binasag ko ang katahimikan.

“I’m sorry..”

“It’s ok Gab.”

Tok! Tok!

“Pasok.” Ang sabi ko.

Pagbukas ng pinto ay linuwa nito si Enso.

“Kuya Gab! Kuya Ace! Pwede bang sumama sa inyo?”

15 years old na si Enso ngayon. Kasama ko si Enso sa States at namalagi kami doon ng tatlong taon. Si Ace naman ay umuuwi ng pinas buwan-buwan gawa ng siya ang naghahandle ng kumpanya.

“Nako Enso, wag na! Baka kumalembang ka pang bata ka dun!” ang sabi ko.

“Hay nako kuya Gab! Keribels lang yan!! Go na go lang!!”

“Nako!! Tapos makikita nanaman kita kalandian ang isang cute.” Ang sabi ko.

“Huy Kuya Gab hindi ahh!!” ang pag-dedeny niya.

“Anong hindi! Nako! Kabata-bata lumalandi na.” ang sabi ko.

“Bakit Kuya Gab? Di ba 14 years old ka nung nag-umpisa kang lumandi?” ang sabi nito sabay ngiti.

“Hoy! Hindi ako lumandi. Siya ang lumandi sa akin!” ang sabi ko tukoy kay.. kilala niyo na.

“Pero nagpalandi ka naman? Naakit ka naman sa mala-diyos niyang ka-gwapuhan? Di Baaaa??” ang sabi ni Enso ulit.

“Pwe!! Manahimik ka nga! Basta!! Hindi ka sasama!!”

“Mahal, pasamahin mo na yung bata.” Ang sabi ni Ace.

“Ace hindi na bata yan. Damulag na yan at tsaka..”

“At tsaka ano?” ang tanong ni Ace.

“Mamaya Hhhmm!! Remember the plan?” Ang bulong ko kay Ace.

“Ok.. Enso! Tsaka ka na lang sumama.” Ang sabi ni Ace sabay ngiti.

“Eeehhh!!” ang reklamo nito.

“Sige na! Wag ng matigas ang ulo.” Ang sabi ni Ace.

----------

Sa Kumpanya..

“Good Morning Sir!”

“Good Morning.” Ang sagot ko.

“Good Morning Chairman!”

“Good Morning.” Ang sagot ko.

Ganyan ang bati sa akin ng mga empleyado sa kumpanya.

Kinahapunan, nagpunta ako sa ******* Hotel na pagmamaya-ari ko para isagawa ang UNANG PLANO KO. At ang hotel na ito, ay walang iba kundi ang Hotel na lagi naming pinupuntahan ni Jared para tumambay sa rooftop nito. At oo, tama ang nabasa niyo, pagmamay-ari ko na ang hotel na iyon, na-mana ko rin kay Lolo.

Sa hotel..

Malayo pa lang ay nakita ko na si Jared. Nang lumingon siya sa akin ay kita ko naman ang pagkagulat niya. Nang magkatapat na kami.

“Ikaw!!” ang gulat na gulat na sabi ni Jared.

“Yes it’s me.” Ang sagot ko sabay ngiti.

“Sabi ni Papa A-a-akala ko-“

“Akala, akala.. Maraming namamatay sa maling akala Mr. Cruz.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Uumm.. Erick, this is Jared siya ang Anak ni..”

“Angelo Cruz, one of my business partners. At alam ko din na, nandito siya for training.” Ang sabat ko.

At natahimik naman silang dalawa parehas.

“Uuummm.. Jared, I think I forgot to mention that Erick is also the owner of this hotel.” Ang biglang sabat ni Ace.

“Pagmamay-ari mo rin ito??” ang gulat na gulat na tanong ni Jared.

“Yes.. Sa katunayan, Erick owns several companies inside and outside the country.” Ang sabat ulit ni Ace.

“Siya ang business partner ni Papa, so ibig sabihin ay sa kanya? Sa kanya ako mag-ttrain?” ang naguguluhang tanong ni Jared.

“Exactly.” Ang sabi ni Ace

Hindi naman nakakibo si Jared sa nadinig. Dahil utos ni Tito Angelo na mag-training ang anak niya sa ka-business partner nito, na walang iba kundi ako. Ibig sabihin ay lagi ko ng makakasama si Jared sa mga lakad ko.

“Ace, I guess mag-ququit ang trainee..” Ang sabi ko.

“NO! I won’t Quit.” Ang biglang sabi ni Jared.

Pagkadinig ko nun ay tiningnan ko siya at..

“Ok..” ang sabi ko sabay ngiti.

“And I won’t stop hanggang sa matauhan ka Gab. I won’t stop until you realize how much I Lo--“ hindi niya natapos dahil..

“Ok Ace he’s on the game.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“And one more thing Mr. Cruz, don’t ever call me Gab because I’m not Gab! At isa pa, wag mong idadamay ang personal mong buhay sa trabaho. Nagkakaintinidhan ba tayo Mr. Cruz?” ang sabi ko sabay taas ng kilay.

Imbis na sumagot ay tingin ang ganti niya. Isang matulis na tingin mula ulo hanggang paa.

“DO YOU UNDERSTAND!!!” ang sigaw ko sa kanya.

At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at sinabing..

“Yes SIR!” ang matigas niyang sabi sabay talikod at umalis.

“Good..” ang sabi ko.

At tumalikod ako. Habang naglalakad ako, nasabi ko sa sarili ko na.. “The Game is On!”

-------

Palubog na ang araw ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit ko naisipang magpunta sa rooftop ng hotel. Siguro ay gusto ko lang maalala ang nakaraan, ang lugar kung saan lagi kaming nagpupunta ni Jared.

Pagkabukas ko ng pinto ng roof top ay nakita ko si Jared. Kahit nakatalikod ang mokong ay alam ko na siya ito.

Dahil nga galit pa rin ako sa kanya at gusto kong pahirapan ang kalooban niya, may naisip akong gawin.

“This place is prohibited.” Ang sigaw ko sa kanya.

Nang lingunin niya ang kinatatayuan ko ay kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha.

“Prohibited?” ang sabi niya na may halong pagtataka.

“You heard it right Mr. Cruz, this area of the hotel is Prohibited.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Sir, apat na taon na po akong bumibisita dito and sabi po ni manong, yung nagbabantay dito na ok lang daw, open naman ang lugar na ito kahit kanino eversince eh.” Ang dahilan niya.

“Bakit? Si manong na yan ba ang may ari ng hotel?” ang mataray kong sagot.

“Pero Sir!” ang giit niya

“I’m the owner of this hotel therefore, I’m the one who will tell you whether this place is prohibited or not.” Ang sabi ko sabay ngiti.

“Gab.. I mean.. Sir Erick, please. Wag niyo naman pong gawin ito. Napakahalaga ng lugar na ito sa akin. Ito ang lugar na lagi naming pinupuntahan ni..” ang sabi niya sabay tingin sa akin.

“Nino??”

“Namin ni Gab. Ang pinaka-mahalagang tao sa buhay ko.”

“Ganun? Ang drama mo naman Mr. Cruz. So ano ito? Luneta? Manila Bay? Hindi isang cheap na park o kung ano pa mang tambayan ng mga Lovers ang hotel ko. At isa pa, nasaan na ba ang Gab na yan ha!?” ang mataray na sabi ko sa kanya.

Hindi siya sumagot imbis ay matulis na tingin ang ginawa niya sa akin. Pansin ko din ang luhang namumuo sa gilid ng mata niya.

“What’s with the Tiger Look Mr. Cruz?” ang sabi ko sa kanya.

Hindi pa rin siya kumibo. Patuloy pa rin ang matulis na tingin niya sa akin.

“Alam mo Mr. Cruz, ang drama-drama mo. Pwede ka na sa Best Actor award. May paluha-luha effect ka pang nalalaman ahh. Mag-artista ka na lang kaya.” pang-iinsulto ko pa sa kanya.

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay kita ko ang pagpatak ng luha niya.

“Ganyan ka na ba talaga ngayon?” ang sabi niya habang dumadaloy ang luha nito.

“WOW! Palakpakan!! Woooo!! And the Best Actor Award goes to… dugudugudugudugudugdug!!! Mr. Jared Earl Cruz!! WOOOOO!!!” Ang sabi ko sabay palakpak.

Mabilis siyang naglakad papunta sa pintuan, palabas ng roof deck. Nang magkatapat kami ay binangga niya ang balikat ko. Hindi ko na lang pinansin ito dahil alam ko ang nararamdaman niya. Bago siya lumabas ay lumingon siya sa akin. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng luha niya.

“Hindi ako titigil Gab. Habang humihinga ako, habang pumipintig ang puso ko, habang nabubuhay ako, hindi ako titigil at walang pwedeng makapigil sa pagmamahal ko sa iyo. Hindi ako titigil hanggang magising ka, hindi ako titigil hanggang sa bumalik ang dating Gab. Ang GAB NA MAHAL KO!!” Ang lumuluha niyang sabi sabay talikod at umalis.

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ramdam ko pa rin ang galit, pero at the same time ramdam ko rin ang pagmamahal para sa kanya. At nararamdaman ko na mahal niya din ako. Pero.. Hindi ko alam!! Naguguluhan na talaga ako!

Ilang sandali ay hindi ko na napigilang lumuha, humagulgol.

“Ano Ba!!! Bakit ka ba ganyan!?!?! Bakit mo ba linilinlang ang puso’t isip ko!! Bakit!!!” ang sigaw ko.

“Hindi.. Hindi kita mahal.. Galit ako sa iyo Jared.. GALIT AKO SA IYO!!” ang sigaw ko pa ulit.

Nasa ganoon akong pag-iyak ng nmay nag-text. Si Ace! At ang message niya ay..

“Gab.. Bumaba ka ngayon din, merong naghahanap sa iyo sa telepono.. MAMA MO DAW.”

Hindi ako nakakibo.. Hindi ako nakapagsalita.. Para akong naging istatwa sa nabasa ko.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment