by: White_Pal
Part 10: "Realization.."
Tiningnan ko siya at pagkatapos ay
tiningnan niya ako.
“Wala kuya.. H-hindi ko alam..”
“Sige.. Hindi muna uuwi ang kuya mo
ha?? Hahanapin namin si Gab.. Hindi kami titigil.” Ang sabi ni Jared.
“Sige kuya.. mag-ingat kayo..” ang
sabi na lang niya sabay patay ng phone.
“Salamat Ella..” ang sabi ko.
Pagkasabi ko ng salitang iyon ay
umikot ang paningin ko at kasabay nito ang pagkawala ng malay ko.
---------------------------------------------
Nagising ako sa sinag ng araw na
dumampi sa mukha ko. Pagdilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang isang
kwarto.
“Takte ang sakit ng ulo ko.. Nasaan ba
ako??” ang sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at inikot ang kwarto.
Nakita ko ang mga pamilyar na gamit doon. Ang bag, sapatos, mga damit..
“Teka.. Kay Jared itong mga ito ahh.”
Ang sabi ko sa sarili ko.
Bigla naman akong kinabahan dahil
malamang nakita na ako ni Jared. At alam niyang nagpaka-lasing ako kagabi.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng
kwarto upang tumakas at umalis. Sinarado ko ang pinto at inikot ko ang mga mata
upang mahanap ang labasan ngunit..
“Gising ka na pala..” ang sabi ng
isang babae.
Liningon ko ang pinanggalingan ng
boses at nakita ko si Ella. Parang galling siya sa pag-iyak gawa ng namumula
ang mata niya.
“Ahh ehh.. Oo..”
“K-kamusta tulog mo??” ang sabi niya
na parang kinakabahan.
“Ok lang..”
“Sige.. Upo ka.. K-kumain ka muna..”
ang sabi niya sabay diretso sa kusina.
Umupo ako at inihanda niya ang
makakain.
Habang kumakain..
“Ikaw ba nagluto nito??”
Hindi siya kumibo.. Nakatingin lang ng
diretso sa pagkain.
“Woi!!”
“O-ohh!!” ang gulat niyang sabi.
“Ikaw ba nagluto nito??”
“Ahh.. Oo..” ang sagot niya na parang
kinakabahan.
“Ang sarap ha.. Marunong ka pala
magluto parehas kayo ng kuya mo..” Ang natutuwa kong sabi.
Ngumiti lang siya pero bakas sa mata
na merong malalim na iniisip.
Nasa ganoon akong pagkain ng..
“G-Gab..”
“Yes??”
“May naaalala ka ba kagabi??” ang
tanong niya na kinakabahan.
Nag-isip ako.. at habang nag-iisip ako
ay napansin kong ibang damit ang suot ko.
“Ang natatandaan ko lang ay yung
nasukahan kita. At woi!! Kanino namang damit ito at parang ang laki naman
ata..”
“Ahh.. Kay kuya yan.. Medyo malaki
lang pero bagay sa iyo ohh..” ang sabi niya.
Natuwa naman ako. Pero bigla din akong
napaisip.
“Teka.. sinong nagpalit ng..”
“Ako.. Syempre, alangan namang hayaan
na lang kitang matulog ng may suka di ba??” ang biro nito.
Ngumiti lang ako at ganun din siya.
“Gab..”
“Yes?”
“D-Dapat h-hindi ka na
nagpakalasing..”
Muli ay inisip ko ang dahilan ng
pagpapakalasing ko.. At naalala ko ang nangyari sa kumpanya. At dahil dito,
parang nakaramdam nanaman ako ng depression.
“Wag mo ng isipin Gab.. Dahil kagabi,
naayos na nila Kuya at ni Ace ang problema..”
Para naman akong nabuhayan ng loob.
“Ginawan ng kwento ni Ace.. Sinabi na
photoshoot lang ang lahat at trip-trip lang yung pagka-sweet ninyo sa bay walk
noon at mag-best friend lang kayo. Si Kuya naman, sinabi na meron kayong
importanteng appointment sa paris ng tatlong linggo.”
Kahit sinabi ni Ella na ok na ang
lahat, hindi pa rin ako kumbinsido. Dahil alam ko, gagamitin ito ng taong
gusting magpabagsak sa akin.. at si Steph yun.
“Gab.. wala ka ba talaga natatandaan
kagabi??” ang sabi niya na naiiyak.
“Wala.. Ano bang meron Ella??”
Napabuntong hininga na lang siya.
Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti at sabay sabing..
“Kahit anong mangyari.. Gab, Ipangako
mo.. Na hindi mo bibitiwan ang kuya ko.. Hindi mo siya iiwan at siya lang ang
mamahalin mo..” ang naiiyak na sabi ni Ella.
“Ano bang sinasabi mo Ella?
Magpapakasal na si Kuya kay Ely. Hindi naman pupwede iyon. Isa pa, best friend
mo si Ely at ganun din ako. Hindi pwede ang iniisip mo Ella.”
“BASTA IPANGAKO MO!!” ang sigaw niya
kasabay ang pagtulo ng luha niya.
Nagulat ako sa pagsigaw niyang iyon.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.
“Ella..”
“Gab please.. Sa tagal nating
magkaibigan, ngayon lang ako hihingi ng pabor sa iyo.. Wag mong bitiwan ang
kuya ko.. Kailangan ka niya Gab.. Please..” ang umiiyak na niyang sabi.
Hindi ako kumibo.. Inisip ko ang
situasyon naming lahat.. Naisip ko din ang kasal at ang anak ni Jared at Ely..
“Mangako ka Gab.. Please??” ang sabi
pa ulit ni Ella.
Nakatignin pa rin ako sa kanya, pilit
iniisip ang dahilan ng pabor na hinihingi niya.
“Gab.. Maiintindihan mo din ang
sinasabi ko.. Sa takdang panahon..”
“Diretsuhin mo nga ako Ella..” ang
seryoso kong sabi.
Naging seryoso din ang mukha niya.
“Meron ka bang alam na hindi ko
alam??”
Hindi siya kumibo.
“Meron ka bang alam na HINDI NAMIN
ALAM??” ang pagdiin ko.
“Wala.. Gusto ko lang na lagi kang
nandyan kay Kuya..”
Napailing ako sa sagot niya. Alam ko
may tinatago siya sa akin.
“Basta Gab.. Wag kang bibitiw sa kuya
ko.. Kahit ano pang pagsubok ang dumating, kahit ano pang delubyo yan, wag mong
iiwan ang kuya ko. Kailangan ka niya at ikaw ang mahal niya.” ang sabi niya
habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Hindi na ako kumibo. Hindi ko na lang
din tinanong ang bagay na gusto kong malaman dahil kilala ko si Ella, hindi
niya talaga sasabihin iyon.
Pagkatapos noon ay nag-ayos ako,
hiniram ko muna ang damit ni Jared, nagpaalam kay Ella at lumabas ng
condominium. Sa totoo lang, wala akong planong pumasok ng opisina dahil alam
kong sasalubong sa akin ang maiinit na mata ng mga tao kasama ang pambabatikos
nila. Sa ngayon hindi ko pa sila kayang harapin. Hindi ko alam kung saan ako
dadalhin ng paa ko hanggang sa maisip ko ang isang lugar na hindi ko pa
nabibisita simula ng umuwi ako galling US. Isang lugar na malapit sa puso ko.
Sumakay ako ng Jeep patungo sa lugar na iyon.
…..
Malamig, madilim, at walang tao. Nasa
labas ako ng aking bahay. Bahay na kinalakihan ko at dating tinitirhan ko at ng
mga magulang ko. Dito din sa bahay na ito nabuo ang pagkakaibigan namin nila
Jared, Ella, at Ely.
Papaalis na sana ako ngunit parang
merong napakalakas na pwersang tumatawag sa akin na pasukin ko ang dati kong
bahay. Dahil dito, tinangka kong pasukin ito. Umakyat ako sa pader at ng
makaayat sa taas ay timuntong ako sa sanga ng puno na katabi ng pader at
pagkatapos ay ibinagsak ko ang aking paa sa bakuran. Pinakiramdaman ko ang
paligid, malamig, madilim, at patay na lugar. Isang lugar na napakaraming ala-ala
sa akin. Naglakad ako patungo sa Main door ng bubuksan ko na ito ay napansin
kong nakakandado ito.
Gusto ko na talagang umalis dahil
hindi naman ako makakapasok ngunit meron talagang napakalakas na pwersang
nagnanais na pasukin ang dati kong bahay. Napagdesisyonan kong magpunta sa
backdoor at doon pasukin ang bahay. Nand makarating ako ay nadatnan kong hindi
nakakandado ang pintuan at ng kabigin ko ito ay hindi din naka-lock sa loob.
“Hindi kaya may nakatira na dito? O di
kaya ay may pumapasok?”
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang
kusina, puno ng alikabok ang lamesa at mga gamit. Tumungo ako sa Dinning area,
nakabalot ng puting tela ang lamesa’t upuan, ganoon din sa sala. Nakita ko ang
hagdan patungong 2nd floor. Parang may boses sa utak ko na nagsasabing akyatin
ko ito, hindi ko alam kung ano pero sinunod ko iyon. Pag-akyat ko sa taas ay
dumiretso ako sa aking kwarto.
Pagbukas ng pinto ay nakita ko ang
kama ko. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang upuan, cabinet, at ilan sa
mga gamit ko. Nang buksan ko ang cabinet ay lumantad sa akin ang ilan sa mga
dati kong damit. Napangiti ako. Nang lingunin ko ang isang parte ng kwarto ay
nakita ko ang isang basag na salamin. Bigla kong naalala na binasag ko ito sa
apmamagitan ng litrato naming ni Jared tatlong taon na ang nakakaraan. Napansin
kong pinagdikit-dikit ang mga piraso ng nabasag na salamin at namangha ako
dahil nabuo ito, iyon nga lang ay litaw ang crack na nandito.
Tiningnan kong mabuti ang salamin at nakita kong may mga dugo ito.
“Malamang dugo ito ng nag-ayos ng
salamin, pero sino kaya? Si Mama ba o si Papa?”
Tinitigan ko ang sarili ko sasalamin,
nakita ko ang isang lalaki. Isang lalaking naghahanap ng kapayapaan at
kalayaan. Isang lalaking unti-unting nagbabayad sa kanyang mga nagawang kasalanan.
“This is it.. It’s pay back time Gab..
You’re about to face the consequences of your actions. Lahat ng nagawa mo kay
Steph at kay Jared.” Ang bigla kong nasabi kasabay ang pagtulo ng aking luha.
“Ang kumpanya, ang kasal ni Jared at
Ely, at ang unti-unting pagbagsak at pagkasira mo..”
“Hindi naman dapat naging ganito ang
lahat ehh.. Kung nakinig ka lang sa kung anong sinasabi ng kunsensya mo.. ng
puso mo..” ang sabi ko kasabay ang pag-hagulgol ko.
Matagal-tagal din akong humahagulgol
ng..
“You are more than what you have
become..” ang sabi ng boses na nanggagaling sa likuran ko.
Itinaas ko ang aking ulo at nakita ko
sa salamin ang Kuya Erick.
“K-kuya??”
“Kung nung umpisa pa lang, hindi ka
nagpadala sa emosyon mo.. Kung nakinig ka lang Gab.. Hindi mangyayari ang lahat
ng ito.. Walang gulo sa kumpanya, walang kasal si Jared at Ely, at wala ang mga
pambabatikos sa iyo..”
“Kuya kasi..”
“Kasi ano? Nang dahil sa galit mo kaya
nangyayari ang lahat ng ito.. Ito ang kabayaran ng lahat..”
Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako
ng kawalang pag-asa. Yumuko ako at nagpatuloy sa pag-iyak.
“Pero hindi pa huli ang lahat bunso..
Hindi pa..”
Muli ay tumingin ako sa kanya.
“Anong dapat kong gawin??”
“Do what you think is right. Malaki ka
na at alam mo kung ano ang tama at mali. Higit sa lahat, sundin mo kung ano ang
sinasabi niyan.” Sabay turo sa dibdib ko.
“There’s still hope Gab..” at kasabay
nito ay yinakap niya ako.
“Thank you kuya..”
“Hangga’t kailangan mo ako, nandito
ako. Hindi kita iiwan..”
Nagising akong nakahiga sa tapat ng
salamin. Panaginip lang pala ang lahat at nakatulog ako sa pag-iyak ko.
Nang tingnan ko ang oras ay nakita
kong alas dose na ng tanghali. I also check my phone and I receive one text
message from Ace.
“Gab, at 1pm may meeting ang board at
sana.. Magpunta ka..”
Muli ay tumingin ako sa salamin. At
nabuo ang isang desisyon.
Mabilis akong lumabas ng bahay at
sumakay ng taxi papunta sa AL-UR Inc building.
This time, naka-casual ako, hindi
naka-formal attire. Wala akong pakielam kung ano isipin nila basta i-eexpress
ko ang sarili ko sa paraang alam ko at eto yun. Sa pagkakataong ito, hindi si
Erick ang makikita nila.. Kundi si Gabriel, pero nandoon ang tapang ng isang
Erick Uriel Alvarez.
Pagpasok ko ng building ay bumungad sa
akin ang tingin ng mga tao, ngunit wala akong pakielam dito. Dumiretso ako sa
Elevator. Ganoon din ang ginawa ko, dire-diretso papuntang meeting room.
Pagpasok ko ng kwarto ay bumungad sa
akin ang nag-aalalab na tingin ng board ngunit wala akong pakielam. Nakita kong
nandoon din si Ace.
“Here’s Mr. Erick Alvarez..” ang
nasabi na lang ni Ace. Siguro ay napansin niya ang suot ko.
Nagpunta ako sa harapan at umupo.
“So Mr. Alvarez.. Is there anything
that you want to say about the issues the company is facing?”
Tiningnan ko sila, isang matulis na
tingin.
“Let’s make this straight shall we?
Ano ang purpose ng meeting na ito??” ang diretsong tanong ko sa kanila.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng
buong board. Ngunit merong isang matapang na diniretso ako.
“Ano ba ang namamagitan sa inyo ng
trainee mo? Kumakalat na ang tsismis at usap-usapan sa inyong dalawa. Kahit na
naglabas na ng statement si Mr. Ace at ang trainee mo.”
Tiningnan ko siya at sabay sigaw ng..
“WALA KANG PAKIELAM SA KUNG ANO ANG RELASYON
KO KAY JARED. WALANG SINUMAN SA KUMPANYANG ITO ANG MAY PAKIELAM SA PRIBADONG
BUHAY KO!!! NANDITO KAYO PARA MAGTRABAHO, HINDI MAG-TSISMIS NG BUHAY NG IBANG
TAO!!!” ang sigaw kong umalingaw-ngaw sa buong kwarto.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay yumuko
ang lahat ng tao sa loob ng meeting room.
“So… Is there any other concern? Kung
wala na, aalis na ako. I’m a busy person.”
“You’re going to work wearing those
clothes?” ang sabi pa ulit ng board member na nambatikos sa akin kanina.
Pa-sarkastiko akong ngumiti sabay
sabing..
“What you’re seeing now is me.. THE
REAL ME. Ikaw? Bakit ka nagtatago dyan sa suot mo? Bakit hindi mo ibulalas ang
mabaho mong pagkatao? Alam ko namang gusto mong makuha ang shares ko sa company
at patalsikin ako dito di ba?”
“That’s very unprofessional!!” ang
sigaw niya.
“IKAW ANG UNPROFESSIONAL! Ultimong
buhay ko pinapakielaman MO or should I say, NINYO! Kung ganyan din lang ang
gagawin ninyo, sana naging press at writer na lang kayo, yung mga taong walang
ginawa kundi sirain at pagtsismisan ang buhay ng artista. Hindi kayo nababagay
dito!”
Muli ay natahimik sila.
“So.. Is there any other concern?” ang
seryoso kong sabi.
At lahat sila ay umiling.
“Ok.. Dismiss.”
At agad na nagsilabasan ang buong
board members. Naiwan ako at si Ace.
“Gab..” ang nasabi na lang niya.
“Ace, kamusta ang problema ng
kumpanya?”
“Medyo maganda na ang lagay Gab..
Thanks to Jared.”
“Ha?” ang bigla kong nasabi.
“Nabawi niya ang mga investors na
nag-back out.”
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Ay
sus! Hehe.
“Ehh ang board? Ano ang lagay nila
noong wala ako? I mean ano ang mga pinagsasabi nila?”
“Gab.. Some of them want to replace
you as the Chairman of this company. ANg gusto nilang ipalit ay yung isang
board member na..”
“Na nangengeelam sa buhay ko?” ang
pag-butt in ko.
“Oo..”
“Wag nila akong subukan Ace.”
“But Gab.. There’s more.”
“I had a feeling that some board
members ay kaalyado ni Steph.”
“Biglang nanlaki ang mata ko sa aking
nadinig.”
“Papaano mo nasabi?”
“Kahapon pagkatapos ng board meeting,
umalis ka remember? After noon pumasok ako dito sa meeting room. Nakita kong
may naiwang cellphone at may tumatawag. I answer it at bumungad sa akin ang
isang pamilyar na boses.. malakas ang kutob kong si Steph iyon.”
“Ano ang sabi?”
“Ang sabi lang ay… ‘Kamusta ang mga
galamay ko?’ yan ang bungad ng nasa kabilang linya. Then after that, one member
of the board came back and get the phone.”
Napailing na lang ako sa aking
nadinig.
“Sige Ace.. Gusto kong paimbestigahan
ISA-ISA ANG MGA MEMBERS NG BOARD. Ayokong merong ahas sa kumpanyang ito.”
Napagkwentuhan din namin ni Ace ang
tungkol sa issue sa amin ni Jared at kung papaanong damge control ang ginawa
nila. It seems everything is going to be ok except na ayun nga, yung sa ilang
board member na maaaring kaalyado ni Steph.
Dumaan ang ilang buwan at medyo naging
maayos na din ang lahat. Back to normal. Tuwing Sabado at Biyernes na lang
nagpupunta s Jared ng kumpanya gawa ng nagpapatuloy na siya sa last year niya
sa college. Pinag-paplanuhan na din ni Jared at Ely ang nalalapit nilang kasal
that is 2 months from now.. Haayy..
Isang araw..
Sinamahan ko si Enso papuntang
hospital, ilang araw na rin kasing linalagnat ang bata. Papalabas na sana kami
ng Ospital ng makasalubong ko si Ella. Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mata,
hindi ko alam kung bakit.
“Ella.. Anong ginagawa mo dito?”
“Ah Ehh.. Kasi.. Ahh..”
“Oh here you are Miss Cruz.” Ang sabi
ng isang doktora.
“Siya ba??” ang turo sa akin ng
doktora.
“Ahh Doc tara na po, Gab sige na
nagmamadali ako ehh. M-may bibisitahin
akong kaibigan.” Ang sabi niya sabay hatak sa kamay ng doktora at nagmamadaling
umalis.
Hindi ko alam pero kung anong
nangyayari kay Ella pero malakas ang kutob kong may tinatago siya sa akin.
Papaalis na ang sasakyan namin ni Enso
ng..
“Kuya, pupwede bang bumalik ako sa
loob?? Bibili lang akong tubig.. Nauuhaw na kasi ako ehh..”
“Ahh sige.. Bilisan mo lang ha..”
Dumaan ang lima, sampu, ay hindi pa
bumabalik si Enso. Ilang sandal pa ay nakita ko ang bata, tumatakbong duguan.
Bumaba ako at sinalubong siya..
“Kuya Gab!!!” ang sigaw niya.
“Naku! ANo bang nangyari sa iyo??
Bakit puro dugo??”
“Kuya.. Si.. Si.. Si ate Ella,
n-nakita kong tinulak ni Steph sa may hagdanan tapos ayun na.. May kumalat na
dugo.. Kuya, palagay ko buntis si Ate Ella..”
Para akong nabuhusan ng malamig na
tubig sa aking nadinig. Si Ella.. BUNTIS?? Papaanong nangyari?? Sino ang ama??
Dali-dali kaming bumalik ni Enso ng
Ospital, nasa ganoon kaming pagtakbo ng makasalubong ko si Steph. Kita ko ang
paglaki ng kanyang mata ng makita niya ako.
“Anong ginawa mo kay Ella Steph??”
“Ooohh.. So here comes the father to
the rescue..”
“Father!?!?!” ang gulat na gulat kong
tanong sa kanya.
“Aaaayyyy!! Hindi mo alam??? Aaaaww…
Mamamatay na lang ang anak niya, hindi pa nalalaman na may anak pala siya.
Hahahahaaha!!” at tumawa siya ng malakas.
“Anong sinasabi mo Steph?” ang matigas
kong tanong dito.
“Ikaw ang ama ng dinadala ni Ella..”
ang diretsong sabi nito sa akin.
Parang may isang napakalakas na bomba
ang sumabog sa ulo ko. Naalala ko na, ang panahon na nalasing ako, malamang..
may nangyari sa amin ni Ella.
“Kawawa naman ang bastardong bata,
hindi man lang kinilala ng kanyang ama. Ngayon.. Patay na ang hampaslupa mong
anak!!” ang sigaw niya.
Dahil sa mga katagang binitiwan ni
Steph ay hindi ko napigilan lapitan siya at bitiwan ang isang napakalakas na
sapak sa kanyang mukha. Tumalsik siya pintuang nasa likuran ng kinatatayuan
niya. Bumagsak si Steph sa may lamesa sa loob ng kwartong iyon at pagkatapos ay
pinaulanan ko ng suntok ang kanyang mukha. Inawat naman ako ng mga Staff na
nandoon, ngunit sadyang mas matimbang ang galit na nadarama ko. Nang pwersahan
nila akong nailayo kay Steph ay..
“Tangina kang hayup ha!!” ang bulyaw
niya sa akin. Kita ang pagdudugo ng mukha niya.
“Mas hayup ka!! Pati anak ko idadamay
mo pa!! Ha!!!” ang sigaw ko dito
“Alam mo, bagay lang naman yun sa anak
mo ehh. Dahil bastardo siya! Hampaslupa! Peste! Basura! Dapat dyan mamatay!!”
ang sigaw niya.
Dahil sa mga masasakit na salitang
iyon ay siniko ko ang mga umaawat sa akin at pwersa akong kumawala. Lumapit ako
kay Steph at pagkatapos ay hinablot ang kanyang buhok at sinubsob siya sa
cabinet na nadoon na may mga lamang bote ng gamot o kung anu pa man.
“Tangina ka!! Putangina kang hayup
ka!!! Bakit Anak ko pa?? AKO NA LANG SANA PINATAY MO!!!” ang umiiyak kong sabi
habang paulit-ulit siyang inuuntog sa cabinet na iyon.
Alam kong nasasaktan na siya
ngunit wala akong pakielam dahil walang
kasing sakit ang ginawa niya, pati buhay ng anak ko malalagay sa panganib.
Ilang sandal ay dumating ang security
at inawat ako. Ngunit bago pa man ako makalayo ay nasipa ko ng dalawang beses
ang likuran ni Steph. Naiwang nakahandusay sa lapag si Steph.
“Kakasuhan kitang hayup ka! MAKUKULONG
KA SA GINAWA MO SA ANAK KO!!” ang sigaw ko sa kanya sabay alis.
Pagdating sa room ni Ella ay
sumalubong sa akin ang doctor.
“Kayo po ba ang ama ng bata?”
“O-opo..” ang sabi ko.
“Ligtas na ang bata.. Nagtamo ng ilang
gasgas sa binti at braso ang misis niyo, kailangan lang niya magpahinga.” At
umalis ang doctor.
“Uumm.. Enso, labas ka muna sandal..
Please?”
Tumango siya at lumabas.
Tiningnan ko si Ella, nakatingin ito
sa may bintana. Umupo ako sa tabi niya.
“Ella, bakit hindi mo sinabi sa akin?”
At lumingon siya sa akin.
“Dahil ayokong panagutan mo ako..”
“Pero..”
“Ssshhhhh!!! Hindi ako papayag Gab..”
“Pero papaano ang bata? Ella, hindi ko
hahayaang lumaki ang anak natin ng walang ama..”
“Gab, please.. Nakikiusap ako sa iyo..
Ginusto ko ito, kaya dapat pagbayaran ko. Wala kang kasalanan sa nangyari Gab,
ako ang nagsamantala sa iyo noong mga oras na iyon.” Ang sabi niya kasabay ang
pagtulo ng luha nito.
“Ella..”
“Gab kikilalanin ka pa ring Ama ng
bata.. Basta ayoko lang na panagutan mo ako..”
“Ella naman ehh..”
“Gab kailangan ka ng kuya ko!!” ang
sigaw niya.
Hindi na ako nakakibo. Katahimikan ang
bumalot sa buong kwarto. Ilang sandal pa ay..
“Gab.. Please..”
“Alam na ba ito ng kuya mo?” ang
pag-divert ko ng topic.
“Hindi pa.. Dalawang buwan pa lang ang
bata Gab.. Kaya hindi pa niya nahahalata..”
“Ano na lang sasabihin ng kuya mo
kapag nalaman niya ito?”
“Akong bahala.. Basta Gab please..”
ang sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
“Ok.. Pero Ella. Kung ako ang
masusunod..”
“Ssshhh.. Walang kasal na magaganap..”
“Bakit ba kasi??”
“Ayokong matulad tayo sa mga magulang
natin..”
“Bakit? I think naging maayos naman
ang lahat ahh..”
“Ayokong maging kagaya ng mga magulang
natin Gab. Ayokong mga anak lang natin ang nagiging dahilan ng pagsasama
natin..”
Tumingin ako sa kanya mata sa mata.
“What do you mean?”
“Isa sa naging dahilan ng madalas na
pag-aaway ni Papa at Mama ay dahil sa nakaraan ni Papa at Tito Luis. Ayoko ng
ganoon Gab, gusto ko kung magkakaasawa ako, yun ay mamahalin ako..”
“Kaya ko naman Ella ehh..”
“NANG AKO LANG. WALANG IBA, WALANG
IBANG LALAKI O BABAE GAB..”
Bigla akong natahimik.
“Kaya mo ba yun?? Kaya mo bang alisin
ng tuluyan si Kuya sa puso’t isip mo? To think na magkapatid kami?? Na sa
tuwing titingin ka sa akin ay nakikita mo si Kuya?? Gab I know, it will take
forever to do that... At ayokong mahirapan ka..”
Ngumiti lang ako sa sinabi niya.
“Salamat Ella.. Alam mo, kahit ikaw na
yung nahihirapan, iniisip mo pa rin yung kapakanan namin ehh..”
“Dahil mahal ko kayo Gab.. I want a
better life for us.. At alam ko, ito ang tama.. para sa akin at para sa inyo ni
Kuya..”
Nginitian ko na lang siya. Hindi ko
talaga makuha ang punto ni Ella. Alam naman niyang ikakasal na si Jared kay Ely
pero eto si Ella, pinagpipilitang wag kong bitiwan si Jared, hindi ko alam kung
bakit. Pero.. Ewan!
Bigla kong naitanong kung papaano sila
nagkaharap ni Steph, kinuwento ni Ella na nasampal pala niya si Steph gawa ng
pinagsalitaan daw nito ng hindi maganda ang anak naming pati na ako. At dahil
sa sampal na iyo ay gumanti daw si Steph ng sampal na siya namang ikinahulog ni
Ella sa hagdan. Sinabi ko din na magsasampa ako ng demanda laban kay Steph,
hindi lang sa ginawa niya sa anak naming kundi pati na rin sa ginawa niya sa
kumpanya.
Pagkadating ni Jared ay agad na akong
umalis gawa ng mayroon pa akong kailangang daluhan na meeting. Alam kong
mag-uusap ang magkapatid tungkol dito at malalaman na ni Jared ang lahat.
Papunta na kaming sasakyan ni Enso ng
may biglang..
“Kuya!!!” ang sigaw at turo ni Enso sa
Rumaragasang kotse.
Mabilis kong tinulak palayo si Enso
ngunit kasunod nito ang pagbangga ng kotse sa akin. Tumama ang katawan ko sa
hood ng kotse at nauntog naman ang ulo ko sa windshield nito.
Iyon ang huli kong natandaan..
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment