Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (12): Book 2

by: White_Pal

Part 12: "Revelations and the Engagement..."

Bumungad sa akin ang isang taong nakahiga sa kama. Nababalot ng putting gasa ang mata nito. Nakabalot din ng tela ang ulo niya. Pero alam ko sa itsura niyang iyan ay may mabigat siyang karamdamang dinadala. Hindi ko alam, naguguluhan ako sa nakikita ko.

“Ely?” ang nanginginig na sabi ko.


“Hi Gab…” ang sabi niya sabay bigay ng isang pilit na ngiti, bakas sa boses ang hirap.

Tumakbo ako palapit sa aking kaibigan at yinakap ito. Kinapa rin niya ang braso ko para haplusin ito.

“Jared, anong ibig sabihin nito? Bakit nakabalot yung mata ni Ely? Bakit ganyan ang lagay niya? Bakit Jared?” ang sunud-sunod kong tanong.

Imbis na sagutin ang tanong ko’y yumuko lang siya’t napahilig sa may pader ng kwartong iyon.

“Ely… Ano ibig sabihin nito? Ely wag mong sabihing…”

“Oo Gab, ako ang donor mo. Binigay ko sa iyo ang mga mata ko.”

Hindi ako nakapag-salita, nakaramdam ako ng pangingilabot sa natuklasan ko, dagdag pa dito ang matinding pagka-awa sa kaibigan ko. Napaluhod ako kasabay nito ang paghagulgol ko. Lumapit din sa akin si Jared para yakapin ako’t himasin ang likod ko. Pansin ko din na sumunod pala sa amin si Ella na lumapit kay Ely.

“Bakit Ely? Bakit! Bakit mo iyon ginawa?” ang sigaw ko habang humahagulgol.

“Kasi Gab… ang laki ng pagkaka-sala ko sa iyo. Nang dahil sa akin kaya ka nabulag sa galit, nang dahil sa akin nabuo ang plano mong paghihiganti. Nang dahil sa akin ay kailangan mong pahirapan si Jared at itakwil ang mga magulang mo. Gab, nakunsensya ako… Hindi ko dapat hinalikan si Jared noon… Kung hindi ko ginawa iyon ay hindi ka magkakaganyan. Eto ang paraan ko para makabawi sa iyo. Kasi Gab mahal kita… mahal kita hindi lang dahil kaibigan kita kundi dahil… dahil kapatid kita.” Ang sabi niya pagkatapos ay tuluyan na siyang humagulgol.

Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa ulo ko nang marinig ko ang kanyang rebelasyon. Parang mawawalan ako ng hininga ng oras na iyon, parang unti-unting gumuho ang mundo ko. All this time, siya pala ang nawawala kong kapatid. Dumating din sa puntong nagalit ako ng todo-todo sa kanya to the point na pati siya, muntik ko ng paghigantihan.

“Ely bakit!!! Bakit ka naman ganyan Ely? Bakit hindi mo sinabi sa akin? BAKIT?” ang sigaw ko habang si Jared naman ay yakap-yakap ako para pigilan sa aking pagwawala.

“Ayokong ipaalam sa iyo Gab. Kasi… kasi ayokong mag-alala ka pa, ayokong mag-alala pa kayo sa kalagayan ko…” ang humahagulgol na rin niyang sabi.

Napatigil ako’t tinitigan siya.

“Anong kalagayan Ely?” ang nanginginig na sabi ko.

“Gab… kaya ako umuwi ay para makuha ni Jared ang right sa anak namin. At ang dahilan kung bakit gusto akong pakasalan ni Jared ay...” ang humihikbi niyang sabi, bakas sa boses at sa itsurang hirap na hirap na ito.

Hindi ko maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig, naguguluhan ako, parang nag-clash lahat sa utak ko ang mga natutuklasan ko.

“Ay ano?” ang nanginginig kong sabi.

“Gab… I’m dying…” ang mahina niyang tugon.

Sa narinig ko, wala na akong nagawa kung hindi umiyak at magsisisigaw. Hindi ko rin sinasadyang masuntok ang pader ng kwartong iyon na gawa sa kahoy. Ngayon na nagsink in sa akin ang lahat, ngayon ko na unti-unting nabuo ang puzzle sa kanyang pagbabalik kasama na rito ang planong pagpapakasal nila ni Jared.

Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa aking pag-iyak. Napansin ko na lang na naka-upo ako sa labas ng kwartong iyon, tulala, balisa, wala sa sarili. Napansin ko rin na biglang ihinilig ni Jared ang ulo ko sa balikat niya, muli ay hindi ko napigilang humagulgol at magtanong…

“Diyos ko bakit naman po ganito? Bakit kailangan maging ganito ang lahat? Bakit ganito ang nangyayari sa pamilya ko? Ang tagal ng panahong hinanap ng mga magulang ko ang kapatid ko, pero ngayon… bakit naman po ganito? Bakit kailangan magsakripisyo ng kapatid ko? Bakit kailangan niyang mawala ng maaga?” ang sabi ko sa diyos.

“Iiyak mo lang Gab… Nandito lang ako…” ang bulong sa akin ni Jared.

Dahil dito’y napahawak ako sa kanyang kamay habang nakahilig pa rin ang ulo ko.

“Kasi naman… bakit ganito? Bakit kailangan maging ganito?”

“Gab, kagaya nga ng lagi kong sinasabi sa iyo… Lahat ng bagay may dahilan. May mabuting dahilan ang diyos kung bakit nangyayari ito... Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako palagi… Hindi kita iiwan.” Ang malambing niyang sabi.

Sa totoo lang, na-touch ako kay Jared, kasi ba naman, after all nandito pa rin siya sa tabi ko. Hindi siya bumitiw kahit kalian.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa posisyon naming iyon.

Alas-kwatro na ng hapon ng magising ako. Bumungad sa akin ang isang malaki ngunit simple na may pagka-romantic na kwarto. Napansin kong nakahiga ako sa king-size bed na gawa sa kahoy, may mga putting tela pa na nakasabit sa apat na gilid ng kama. Tumayo ako’t tinungo ang salamin na sa kwartong iyon, hugis oblong ito at medyo mataas sa akin. Nakita ko ang pamumugto ng mata ko. Napabuntong hininga ako, naisip ko ang nangyari kanina. Muli ay hindi ko napigilang umiyak.

Nasa ganoon akong pag-iyak ng biglang…

“Gising na pala ang sleeping beauty.” Ang sabi ng lalaki na nasa may balcony.

Lumingon ako’t nakita ko si Jared, nakatayo sa balcony ng kwartong iyon. Pinuntahan ko doon at yinakap.

“Oh! Iyak ka na naman!” ang sabi niya sabay himas sa likuran ko.

“Hindi nuh! Gusto ko lang magpasalamat.”

“Wala kang dapat ipagpasalamat Gab.”

Tumingin ako sa kanyang mga mata, nakita ko na nahihirapan din siya sa nangyayari, hindi lang niya pinapakita. Naisip ko, sana ganyan ako din ako katatag.

“Jared… gusto ko pakasalan mo si Ely.” Ang mahina kong sabi.

Biglang nanlaki ang mata ni loko.

“Sure ka ba dyan Gab?”

“Oo… Gusto ko ituloy niyo yung kasal niyo.”

Tumahimik siya, at ilang sandali pa’y…

“Sa totoo lang Gab, iniisip namin kung itutuloy ba namin ang kasal o hindi… Dahil iniisip ka namin, yung kalagayan mo, alam kasi naming nasa recovery ka pa rin eh.”

Napangiti ako’t kasabay nito ang aking pag-iling.

“Okay lang. Para sa bata at para kay Ely. Jared, ito lang yung tanging paraan para mapasalamatan ko siya.”

Nakita kong ngumiti si Jared at pagkatapos ay binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

“Salamat Gab.” ang mahina niyang sabi sa akin.

Dahil sa sinabi ko, tuloy ang kasal ni Ely at Jared at nakatakda itong gawin sa lalong madaling panahon. Sinabi rin sa akin ni Jared na bilang na bilang na ang oras ni Ely kaya kailangan ng madaliin ang lahat. Pamilya ko at pamilya lang ni Jared ang dadalo sa kasal, gusto kasi ni Ely na simple lang ito’t talagang kami-kami lang ang dadalo.

Isang araw bago ang kasal, dumating ang isang taong matagal kong hinahanap kasama ang mga kasambahay namin. Pagharap na pagharap niya’y binigyan ko siya ng isang napaka-higpit na yakap.

“Namiss kita ah.”

“Mas na-miss kita Gab.” Ang mahinahon niyang sabi.

“Ace, san ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang?”

Imbis na sagutin ang tanong ko’y binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti.

“Gab… tapos na ang lahat.” Ang simpleng sagot niya.

“Ha!?!? Anong… anong tapos na ang lahat?”

“Nakakulong na si Steph.”

Tuwang-tuwa ako sa aking narinig, gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil sa wakas ay nakakulong na ang taong naging sanhi ng lahat ng problema ko. Para akong nabunutan ng isang malaking tinik na nakatusok sa puso ko sa balitang hatid niya.

“Papaanong nangyari Ace? Papaano siya nakulong?”

“Sa tulong ni Jared.”

Muli ay natahimik ako, naisip ko na may ginawa na naman para sa akin si Jared, at syempre kinilig ako.

“Papaano nangyari Ace? Ikwento mo!” ang pangungulit ko na na-eexcite.

Natawa naman siya sa reaksyon ko, halata kasing tuwang-tuwa ako sa nangyari.

“Noong panahong comatose ka, ipinasa ni Sir Angelo ang shares nito kay Jared. Ibinigay ko rin ang 50% ng shares ko kay Jared para mas mahigitan nito ang shares ni Steph na nakuha niya kay Bianca… at ang desisyon ng board? Nagwagi si Jared ngunit pagkatapos na pagkatapos ng meeting ay sinurpresa namin si Steph sa isa pa naming plano, dumating ang nanay ni Steph sa kumpanya. Binulalas nito ang lahat-lahat ng kahayupang ginawa ng kanyang anak. Si Miss Synthia ang lumapit sa amin Gab, hindi niya nakayanan ang kanyang kunsensya. Kasama niayng dumating ang mga pulis para dakipin si Steph.” ang sabi ni Ace.

“Malaking tulong ang testamentong binigay ng nanay ni Steph sa kaso, kabilang sa kanyang ibinunyag ay ang pagsagasa niya sa iyo na muntik mo ng ikamatay. Sinabi rin ng ina nito ang ginawa sa iyo ni Steph apat na taon na ang nakakaraan kung saan walang awa ka niyang pinagbababaril at hinayaang mahulog sa bangin. Inamin din ng ina niya na silang dalawa ang mastermind sa pagsunog at pagpapasabog sa kumpanya ng Papa mo. Lastly, sinabi niya na si Steph ang may kagagawan ng sunog sa bahay niyo na kinapahamak ng Papa mo. Tumestigo rin si Ella sa ginawa sa kanya at sa anak niya…Nakumbinsi rin namin ni Jared na magsalita ang mga dating tauhan ni Steph tungkol sa nalalaman nila, at kinumpirma ng mga ito ang pahayag ng kanyang ina.” Ang mahabang paliwanag pa nito.

“Anong hatol sa kanya Ace?”

“Life imprisonment.”

Alam kong masaya ako dahil sa wakas ay nabigyan na rin ng hustisya ang lahat-lahat ng ginawa niya sa akin. Dapat Masaya ako sa naging desisyon ng korte, ngunit hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding awa para kay Steph. Yun bang, kahit ganoon yung ginawa niya, kahit sobra-sobra ang pagpapahirap niya sa buhay ko’y hindi ko magawang magalit sa kanya tulad ng dati. Ang tanging nararamdaman ko lang ay awa. Awa dahil sinira niya ang buhay niya, awa dahil kailangan niyang pagbayaran habang buhay sa kulungan ang mga kasalanan niya.

“Ang tahimik mo.” Puna sa akin ni Ace.

“Wala lang, naaawa kasi ako sa kanya Ace.”

“Ano ka ba Gab, she deserves it!”

“I know, pero ewan ko. Kasi Ace… I want to end the hatred. Para talagang tapos na ang lahat.”

Hindi nagsalita si Ace bagkus ay yinakap ako nito.

“It’s over Gab, there’s nothing to worry.”

Naikwento rin sa akin ni Ace na naibalik ang perang ninakaw ni Bianca sa amin four years ago. Nabanggit din ni Ace na nagkaroon ng malaking damage sa mukha ni Steph gawa ng last confrontation naming sa Ospital. Hindi na ako nakasuhan ni Steph gawa ng sinubukan talaga nilang madaliin ang kaso para makulong na ito.

Kinagabihan habang sabay-sabay kaming naghapunan sa isang malaking kubo malapit tabing dagat. Napuno ng masasayang kwentuhan at tawanan ang hapag-kainan. Lalo na’t nandyan si Inday at Enso na humihirit ng mga nakakatawang linya nila.

“Alam niyo ba nabwiset ako kanina!” ang maingay na entra ni Inday.

“Bakit teh?” ang tanong ni Enso.

“Kasi kanina naka-higa ako dyan sa buhangin, sunbating ba?” ang sabi ni Inday.

Bigla kaming nagtawanan ng sabihin niyang “sunbating” as in walang “H”.

“Inday, sunbathhhhing!” ang sabi ni kokoy na tinatalsikan pa ng laway si inday ng i-pronounce ang “H”.

“Sunbathing! Kuha mo? Hindi sunbating! Boba!” dagdag pa ni kokoy.

“Whatever kokie ko! Talsik mo lumalaway! Anyway, tapos may dalawang lalaki na tingin ng tingin at tawa ng tawa sa akin. Ngumiti lang ako at sabay sabing… Ganda ko ba? Para akong sirena ano? Tapos tumawa sila sabay sabi ba namang… Oo sirenang lantutay! Sirenang mukhang pukeng panis! At nagtatakbo ang mga walang-hiya! Kabwiset!” ang naiiritang sabi ni Inday.

Tawa kami ng tawa sa kinwuento ni Inday. Pansin kong pigil tawa si Jared, Ace, Papa at Tito Angelo samantalang kami nila Mama, Tita Jade, Ella, Ely at ibang kasambahay ay go lang sa pagtawa.

“Hay naku! Na-stress din ako kanina teh!” biglang sabat ni Enso.

“Bakla! Bakit ka naman na-stress?” si Inday

“Na-stress kaya ako dyan sa lintek na lechon na yan!” ang tukoy ni Enso sa lechong nasa lamesa.

“Ano naman meron sa lechon teh?” tanong ni Inday.

“Naku! Noong in-order ko yan kanina, nabwiset ako sa nagbabantay. Sabihin ba namang nasira raw yung panluto nila ng lechon!”

“Kalerkey!”

“I know right? Tapos sabi ba naman sa akin nung manong doon na tauhan na raw nila ang nagpapa-ikot nung lechon. Ang sabi ko naman… So ano gusto niyong gawin ko? Tulungan ko? Tulungan ko siyang paikutin yung puking-inang lechon na yan!?!?” ang pagpuputak ni Enso.

Tawanan naman kami sa sinabi ng baklang bata. Pansin kong hindi na rin napigilan ni Papa, Tito Angelo, Ace at Jared na humagalpak sa tawa.

Ilang sandali’y kinindatan ako ni Jared at pagkatapos ay nagpaalam sa amin na lalabas upang magpahangin. Makalipas ang limang minuto’y may nag-text sa akin, si Jared.

“Samahan mo naman ako. Dito lang ako sa batong inuupuan natin dati kapag sunset at sunrise.”

Tumayo ako’t nagpaalam na magpapahangin lang sandali. Kita ko naman na napangiti si Ella.

“Goodluck sa date!” ang sigaw ni Inday sa akin.

Agad namang tinampal ni Aling Minda si Inday.

“Aray naman Aling Minds!” ang sigaw ni Inday

“Ang ingay-ingay mo madinig ka ni Ma’am Ely!” ang mahinang sabat ni Aling Nelly at kurot pa dito.

“Aling Nelly, wag ka namang mangurot!”

“Anyway! Ella, kamusta ang chikahan niyo dyan ni Ely?” Ang biglang sabat ni Ace. Sabay senyas sa akin na umalis na.

Dali-dali naman akong umalis. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero parang pinagplanuhan nilang lahat ito. Sa totoo lang ay parang nakukunsensya ako dahil parang pinagtataksilan ko ang kapatid ko.

Binaybay ko ang madilim na beach, ramdam ko ang lamig ng hangin at tanging alon lang na nagmumula sa dagat ang naririnig ko. Medyo madilim ang buong kapaligiran, medyo nakakatakot ngunit dire-diretso pa rin akong naglakad.

Nang makarating ako sa harap ng malaking bato’y may biglang tumakip ng mga mata ko. Pumalag ako at nagsisisigaw ngunit...

“Ssshhh… Ako lang ito.”

Kilala ko ang boses na iyon, bigla akong napangiti. Tinanggal niya ang kamay niyang nakatakip sa mata ko’t iniharap ako sa kanya. Suot-suot niya ang putting pants at color blue na polo, dagdag pa dito na nakabukas ang lahat ng botones kaya naman kitang-kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.

“Ikaw naman kasi eh!” ang sabi kong naiinis.

Ngunit imbis na sumagot ay bigla niya akong hinalikan, isang mapusok na halik. Lumaban ako, sumabay ako sa sayaw ng aming labi kasama ang aming dila. Bigla niyang inilapit ang katawan ko sa kanya. Naradaman ko ang kuryenteng bumabalot sa kanyang katawan at ang init nito na pumapaso sa aking balat. Naramdaman ko na lang ang paglikot ng kanyang kamay at ganoon rin ang sa akin. Ilang sandali pa’y bumalik ako sa katinuan at pwersang inilayo ang sarili ko sa kanya.

“Jared… Hindi tama.”

“Anong hindi tama? Mali bang mahalin kita?”

“Hindi tama kasi ikakasal ka na.”

“Para lang iyon sa anak namin, pero Gab ikaw ang mahal ko. Alam mo yan.”

“Jared don’t be selfish! Masasaktan si Ely! Masasaktan ang kapatid ko! Jared, ikaw na rin ang may sabing bilang na bilang na ang oras niya.”

“I know, pero gusto kong ipadama sa iyo na mahal kita Gab. Ayoko ring nahihirapan ka.”

“Jared, okay lang ako. Sige na, bumalik na tayo doon.” Ang sabi ko sabay talikod

“Wait!” bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“I want to show you something.” Ang malambing niyang sabi sabay hatak sa akin.

Wala na akong magawa kung hindi sumunod. Ngayon ko napatunayang kahinaan ko talaga ang lalaking ito. Haayyy.

Dinala niya ako sa isang sulok ng isla, mapuno ang lugar na iyon at medyo madilim ngunit hindi pa rin ito nalalayo sa tabing-dagat. Bumungad sa akin ang isang maliit na bonfire at isang tent. Umupo kami sa labas noon at nag-umpisang mag-usap. Napag-usapan namin ang tungkol sa mga buhay-buhay, sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang siyang tumahimik at ganoon din ako. Napuno ng katahimikan ang buong lugar, tanging hampas lang ng dagat at wagayway ng mga dahon ang aming naririnig.

“Tahimik mo…” ang pagbasag ko ng katahimikan.

“Wala lang… Iniisip ko lang kung tama ba ang gagawin ko bukas.” Tukoy niya sa kasal.

“Jared… Napag-usapan na natin ito di ba?”

“Alam ko, pero kasi di ba? Marriage is a choice. Nagpapakasal ang isang tao dahil gusto nitong maging masaya, at ang dahilan ng pagpapakasal ay dahil sa mahal mo ang taong pakakasalan mo. Other reasons than that is not necessary.” Ang matigas at diretso niyang sabi.

Hindi na ako umimik, alam kong may punto siya. Ilang sandali pa’y hinawakan niya ang aking kamay.

“Gab… Ikaw ang gusto kong pakasalan.”

Nanlaki ang mata ko sa nadinig, bigla akong napatingin sa kanya gawa ng hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin iyon.

“Jared!” ang pasigaw kong sabi.

“Gab, Mahal mo ba ako?”

“Jared, tigilan natin ito ok?” ang sabi kong naiirita na.

“Mahal mo ba ako!?!?” ang sigaw niya.

“Oo mahal kita pero…”

Hindi ko natapos ang sasabihin ko gawa ng bigla niya akong hinalikan. Madiin niyang hinawakan ang aking braso’t inilock ito para hindi ako makapalag. Hindi ko namalayang lumalaban na rin ako sa halik na iyon. Ilang sandali pa’y kumalas siya’t marahang kinuha ang kamay ko.

“Gab... will you marry me?” ang seryoso niyang tanong.

“Jared ano ba!” ang sabi ko sabay talikod ngunit hinatak niya ang braso ko.

“Mahal mo ba ako?”

“Ano ba namang tanong yan Jared!”

“Oo o hindi lang.”

“Mahal kita!”

“So… will you marry me?”

“Ehh kasi.”

“Kung mahal mo ako, pakakasalan mo ako.” Ang sabi niyang bakas sa boses ang pagkairita.

“Oo na! Mahal kita!”

“Para ka namang napilitan eh.”

“Mahal naman kita pero hindi naman kasi tayo pupwedeng ikasal. Lalo na si Ely---“

“Wag mo siyang isipin.” Ang maiksing tugon nito.

Pagkasabi niya ng katagang iyon ay napansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa. Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box.

“Buksan mo.”

Hindi ko maipaliwanag ang excitement ng mga oras na iyon, nanginginig kong binuksan ang box at laking gulat ko sa aking nakita, ang singising naming dalawa.

“Papaano napunta sa iyo ang singsing ko?”

“Noong maaksidente ka, binigay sa akin ng nurse yan.”

“Gab, mula noong una tayong magkakilala minahal na kita, noon pa mang mga bata pa tayo alam kong mahal na kita, mahal na mahal. Kaya ako naging isang Jared Earl Cruz dahil sa iyo, ikaw ang naging inspirasyon ko, you made me a better person. Mahal kita Gab at walang ibang bagay dito sa mundo ang kayang humigit doon. Lahat ipagpapalit ko, makasama ka lang. Gab. ikaw lang ang minahal ko ng ganito, at alam kong kahit ilang libong beses man tayong magkahiwalay, ikaw at ikaw lang din ang mamahal nito.” Sabay turo sa puso niya.
Pagkasabi niya noon ay tumayo siya’t inalalayan din niya akong tumayo. Hinugot niya rin ang kanyang cellphone at pinatugtog ang isang kantang malapit sa aming dalawa.

“Will you marry me?”

Muli ay tumaas ang kilay ko.

“Mahal mo ba ako?” ang pasigaw niyang tanong.

“Oo nga!”

“Oh! Edi umpisahan na natin.”

“Ha?”

“Wag kang mag-maang maangan Gab alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin.” ang sabi niya sabay ngiting pilyo.

Hindi ko alam pero biglang may pumasok na kahalayan sa utak ko.

“Uuuyyy… namumula siya oh. Iba ang gusto niya.” Ang pang-aalaska ni gago.

“Tigilan mo ako!”

"Malibog ka!"


"Hoy Jared, sino kaya sa atin ang masmalibog aber? Sino kaya ang madaling..."


"Ano?"


"Wala!"


"Madaling tigasan..." ang pabulong kong sabi.


"Ano iyon?"

"Wala!!!" ang depensa ko.

Kinuha niya ang kamay ko ‘t isinuot ang singsing dito, at ganoon din ang ginawa ko.

“Engage na tayo!” ang masayang sabi niya.

“Ha?” ang maang-maangan kong tugon.

“Ayaw mo?”

“Eh… Gusto!” ang sabi kong kinikilig.

“Ayun naman pala eh.” Ang ngiti-ngiting sabi nito at pagkatapos ay yinakap ako.

Nauwi ang yakapan na iyon sa pagsayaw naming dalawa. Hindi namin namalayang sinasabayan na pala namin ang background music na paulit-ulit na nagpi-play. Ilang sandali pa’y hinarap niya ang mukha ko sa kanya at marahan nitong hinalikan ang labi ko. Mula sa simpleng halik ay nauwi ito sa isang mapusok at maalab na halik. Tanging bonfire, mga puno, at malalaking bato sa paligid ang naging saksi sa aming paghahalikan.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment