Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (17): Book 1

by: White_Pal

Part 17: "Greed and Hatred.."

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko na parang bang bumigat ang buong katawan ko at hindi talaga ako makakilos, para akong naging bato. Kitang-kita ko naman na ang pagkagulat pa rin sa mukha ni Steph. Ilang sandali ay..

STEPH: “ Bianca!!! BIANCA!!!” ang pagsisigaw nito sabay takbo palabas.

Dahil sa nadinig ko ay nagmamadali akong pumasok sa lihim na laguasn at dumiretso sa kwarto ko para magtago. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Bianca kapag sinabi ni Steph na nakita niya ako doon.


Kinagabihan ay nagpunta si Aling Minda, Aling Nelly at Totoy sa kwarto ko.

AKO: “Nakita po ako ni Steph sa bodega.”

ALING NELLY: “Alam namin anak. At naikwento sa amin ni Totoy kung sino si Steph sa iyo.”

TOTOY: “Bakit ba kasi nandoon yung babaneg iyon? Di ba bawal ang bisita doon?”

ALING NELLY: “Noong tinanong ko si Bianca kung bakit niya hinayaang pumasok ang pinsan niya ay sinabi nito na binigyan niya daw ito ng permiso doon. May hahanapin daw na kung ano. Hindi ko na lang tinanong kay Bianca kung ano ito dahil alam ko naman na puputakan ako ng babaeng iyon.”

AKO: “Naniwala po ba si Bianca sa sinabi ni Steph?”

ALING NELLY: “Hindi ko alam anak..”

AKO: “Paano na ito??”

ALING NELLY: “Ate Minda bakit ang tahimik mo dyan?”

ALING MINDA: “Hindi ko alam pero masama ang kutob ko. Palagay ko ay naikwento ni Bianca si Gab kay Steph. Dahil nga di ba? Sa lahat ng nangyari dito sa bahay ay, alam naman natin kung ano ang mga pinagagawa ni Bianca. At alam na din natin na simula’t sapul pa lang ay alam ni Bianca kung sino si Gabriel gawa nga ng ninakaw nito ang kwintas. Ang masamang kutob ko ay.. May related kay Gabriel kung bakit naghahalungkat si Steph doon, hindi ko alam kung ano.”

AKO: “Ano pong gagawin natin?”

ALING MINDA: “Basta, dito ka lang muna anak. Basta magbabantay kami sa labas at babalitaan ka na lang namin.”

Hindi ako nakatulog sa gabing iyon. Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko. Una, anong hinahanap ni Steph sa bodega ng mga Alvarez?? Pangalawa, kung naikwento nga ako ni Bianca kay Steph at nakita pa niya ako, malamang ay na-figure out na ni Steph na buhay pa ako, at si Bianca naman ay na-figure out na nasa loob pa rin ako ng Mansion. Ewan ko pero nararamdaman ko na may masamang mangyayari.

Kina-umagahan, dumating si Aling Minda kasama si Totoy para dalhan ako ng agahan.

TOTOY: “Gab!! Umagang-umaga kinausap kami ni Bianca.” Ang sabi niya habang linalatag ang pagkain ko sa mesa.

AKO: “Bakit daw? Ano sabi??”

TOTOY: “Pinapapaamin niya kami kung tinatago daw ba namin ikaw dito sa mansion. Syempre mag-dedeny kami. Tinakot pa niya kami at binigyan ng dalawang araw para daw sabihin kung nasaan ka nagtatago, or else malilintikan ang mga pamilya namin.”

Hindi na ako makakibo. Talaga bang desperado siya na mahanap ako? Bakit? Anong gagawin niya? Papalayasin niya ako? Iapapatapon? O ipapapatay? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nag-isip ako kung paano ko sila matutulungan. At para hindi na mapahamak ang pamilya nila ay..

AKO: “Lalabas na ako.. Magpapakita na ako kay Bianca. Tutal, yun naman ang gusto niya ehh.” Kasabay noon ang pagtayo ko at papunta sa may pinto.

Ngunit hinarangan ako ni Aling Minda at Totoy.

AKO: “Aling Minda, Totoy, hayaan niyo na po ako. Ako naman ang gusto niya eh. Ayokong madamay pa kayo nang dahil sa akin. Ayaw kong mahirapan kayo at ang mga pamilya niyo dahil sa akin.”

ALING MINDA: “Anak, kapag nagpakita ka kay Bianca, masasayang ang lahat ng effort natin. Lahat ng ginawa natin. Anak ikaw lang ang pag-asa namin, kapag nagpakita ka kay Bianca, ano sa palagay mo gagawin niya? Hindi mo kilala si Bianca, mapanganib siyang tao Gabriel, kilala ko siya at gagawin niya ang lahat makuha lang ang pera at ari-arian ni Don Raphael. Gabriel, ikaw lang ang pag-asa namin. Kung susuko ka ngayon, ano mangyayari sa iyo? Ipapatapon? Ipapakulong? O ipapapatay?. Anak hindi mo ba natatandaan ang banta ni Bianca? Kapag nakuha niya ang lahat-lahat ng pag-aari ni Don Raphael, papalayasin niya kami dito. Gusto mo ba yun?”

Hindi ako nakakibo sa nadinig ko. Tama naman si Aling Minda, ako lang ang pag-asa nila. Ako lang ang may kakayahan na palayasin si Bianca dito. Kailangan lang talaga naming maghintay ng tamang oras para doon.

AKO: “Hindi ko po kasi alam kung hanggang kalian ako magtatago eh, at baka.. madamay na ang mga pamilya niyo.”

ALING MINDA: “Anak, wag mong isipin iyon. Walang mapipiga sa amin si Bianca. Basta pagdating na pagdating ni Sir Ace ay haharapin nating lahat si Bianca.”

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng biglang nagkaroon ng ‘breaking news’ sa TV. Meron naman kasing TV sa loob ng guest room na iyon. Pati PC ay meron din so pwede ka mag-internet o di kaya ay mag-facebook. Hehehe.

REPORTER: “Isang sunog kaninang madaling araw ang naganap sa tahanan ng mga Montenegro sa ******** City. Unang palapag lang ng bahay ang nasunog at buti na lang at naagapan ng bumbero ang mabilis na pagkalat ng apoy. Ligtas na bagama’t nasunog ang kaliwang braso ni Luis Montenegro na siyang may bahay at may-ari ng ********** Inc. Ang mga Montenegro ang may ari ng *********** Inc na nasunog at sumabog ilang buwan na ang nakakaraan kung saan, matatandaan na namatay ang kaisa-isang anak at tagapag-mana ng kumpanya. Sa ngayon ay inaalam pa ng autoridad kung ano ang dahilan ng sunog.”

Para akong nabagsakan ng bomba sa nadinig. Nasunog ang 1st floor ng bahay namin at nasunog pa ang kaliwang braso ni Papa. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Kita ko naman na napatakip si Aling Minda ng kamay sa nadinig na balita at si Totoy naman ay hindi na rin makakibo.

AKO: “Ang sunog sa building, ang pagsabog, ang sunog sa bahay namin. Isa lang ang may gawa niyan.”

ALING MINDA: “Paano mo nasabi anak?”

At kinwento ko kay Aling Minda ang lahat ng nangyari sa Nasusunog na building at kung paano ako nakatakas doon. Kasama sa kinwento ko ang lalaking nakita namin ni Enso na inutusan na sunugin ang kumpanya namin.

AKO: “Kaya po ang hinala ko ay isa lang nag may kagagawan niyan. At kung sino man siya ay malaki ang galit niya kay Papa at sa kumpanya.”

ALING MINDA: “Sino ba sa palagay mo anak? May kilala ka bang kaaway ng Papa mo?”

AKO: “Wala po Aling Minda. Hindi ko alam at wala akong Ideya kung sino ang may pakana ng lahat.

Hindi ako mapakali sa oras na iyon, iniisip ko si Papa at si Mama. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari ito sa pamilya namin gayong wala naman kaming inaapakan na tao. Iniisip ko din kung ano ang atraso ni Papa sa may gawa ng pagsunog.

“Sana hindi sila pabayaan ni Tito Angelo.” Ang nasabi ko na lang.

Mayaman kasi si Tito Angelo(Papa ni Jared) at alam ko, tutulungan sila nito. Labis akong nag-aalala sa Papa ko dahil nga nagtamo siya ng sunog sa kaliwang braso, alam ko minsan hindi kami nagkakaintindihan ni Papa pero siyempre Papa ko pa rin siya at nag-aalala pa rin ako.

Kinagabihan, habang nandoon si Totoy sa kwarto ko ay biglang may sumipa sa pintuan(HINDI yung secret. Yung talagang pinto.) at bumukas ito. Kita ko naman ang mga taong naka-suot ng itim at naka-takip ang buong mukha ng mga ito na tanging mata lang nila ang makikita mo.

Nang dadamputin na nila ako ay nanlaban si Totoy pero sinunggaban nila ito nawalan ng malay. Nang lalapit sila sa akin ay..

AKO: “Sasama ako sa inyo.. Hindi ako manlalaban..” Ang nasabi ko na lang.

Sumama ako sa kanila at habang naglalakad sa hallway ng mansion ay piniringan nila ako. Sa mga oras na iyon, handa na ako sa kung ano man ang gawin nila. Alam ko si Bianca ang may pakana nito, at alam ko ginagawa niya ito dahil gusto niya ako mawala sa mundo at mapasakanya ang lahat ng pag-aari ni Lolo. Pero hindi ko alam kung paano niya ako natunton doon.

Maya-maya habang naglalakad kami ay madinig ko ang pag-bukas ng Main Door ng mansion at pagkatapos nito ay sinakay nila ako sa isang sasakyan. May 30 minutos din siguro ang byahe namin. Noong makababa na ay pinasok nila ako sa isang lugar at pagkatapos ay tinalian ang kanang-kamay ko. Naramdaman ko na bakal na kadena ang tinali dito. Nakatayo ako noon katabi ang isang poste at naka-tali ang kanang kamay. Hindi nila tinalian ang kaliwa kong kamay, ewan ko kung bakit.

Ilang Sandali pa ay tinanggal na ang piring ko sa mata at bumungad sa akin ang isang malaking abandonadong warehouse na merong naka-imbak na drums, sako, kahoy. at kung anu-ano pa na hindi ko na alam.

Hindi ako nagsasalita, tahimik lang akong naka-upo sa gilid ng posting binagtalian nila sa kanan kong kamay. Maya-maya ay lumitaw si Bianca na naka-ngiting parang demonyo na ang suot-suot ay dark pants na may black jacket with matching black boots.

“Clap! Clap! Clap!” ang dahan-dahan niyang pagpalakpak habang tinitingnan ako.

BIANCA: “Ang galing mong magtago, Gabriel ALVAREZ Montenegro. Talagang gusto mong makuha ang kayamanan ni Lolo noh? Aaayyy Mali!! Ang kayamanan ng Lolo mo pala.” Sabay sarcastikong ngiti.

AKO: “Sino kaya ang numero unong uhaw na uhaw sa pera? Gold digger, at gahaman sa kapangyarihan? Di ba ikaw?”

BIANCA: “Wow!! Ang tapang mo na ngayon ahh!!” ang sabi niya sabay batok sa akin.

AKO: “Bakit ako matatakot sa iyo ha? Diyos ka ba para katakutan? Tao ka lang.. MAMAMATAY KA RIN! NADINIG MO? ILULUBOG KA RIN SA ILALIM NG LUPA, AT KAKAININ DIN NG MGA UOD ANG KATAWAN MO!”

At kasabay nito ang isang malakas na sampal sa mukha ko.

BIANCA: “Pwes kung mamamatay ako, MAUUNA KA!! At least, kung mamamatay ako naranasan ko ang yaman at kapangyarihan. Unlike you! Mamamatay ka na lang na ganyan! Squatter, palamunin, at isang CLOWN!” ang sigaw niya.

“Clown!?!?!?” ang sigaw ko sa isip ko. Ibig sabihin tama ang hinala ko na kinwento ni Steph sa kanya ang tungkol sa akin. Ang lahat-lahat sa akin.

AKO: “Sabi na nga ba eh. Nagsama ang dalawang anak ni Satanas. Two birds of the same feather..” hindi ko natapos dahil.

BIANCA: “Flock together!!! Ano?”

AKO: “Hindi, MAKE A PERFECT FEATHER DUSTER!!! Bagay sa inyo kumain ng Alikabok kasi ugali niyo alikabok din.” Ang pang-iinis ko sa kanya.

BIANCA: “H*yup ka!!” at kasabay nito ang sipa sa mukha’t ulo ko.

????: “Tama na po!!! Ang sigaw ng lalaking nasa di kalayuan na hindi ko maaninag kung sino dahil na rin madilim.

BIANCA: “Hoy wala kang pakielam ha!!! Pasalamat ka at hindi ko tinuluyan yung naghihingalo mong kapatid!” Ang sabi ni Bianca sa lalaking iyon.

BIANCA (ulit): “Ngapala Gab, baka nagtataka ka kung papaano kita natunton sa lungga mo.. Paano?? Dahil merong isang kumanta..” at minwestra niya na lumapit ang lalaking iyon.

Laking gulat ko na si Kokoy ang lalaking ito. Kita ko naman na hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

KOKOY: “Gab, sorry.. sorry talaga.. Nag-aagaw buhay ang kapatid ko at pinagbantaan ni Bianca na papatayin niya ito kasama ang nanay at tatay ko. Gab sana maintindihan mo..” ang pagmamakaawa niya.

AKO: “Naiintindihan kita..” sabay ngiti.

At pagkatapos noon ay pinunasan ni Kokoy ang dugong dumadaloy sa ulo ko na gawa ng pagsipa sa akin ni Bianca.

BIANCA: “Sandali lang ha, kukuha lang ako ng makakain ang GANDA KASI NG PALABAS DITO EHH.. Ahahahaha!!!” ang tawa niya ng malakas.

AKO: “Napaka-ha**p mo talaga Bianca, pati pamilya ng mga inosenteng tao dinamay mo!!” ang sigaw ko.

BIANCA: “Talaga! Kung yun lang ang paraan para mapakanta sila kung nasaan ang AMO nila ay gagawin ko.” Ang pag-emphasize pa niya sa salitang Amo.

BIANCA (ulit): “Ngapala Gab, siguro namimiss mo na ang bago mong Boyfriend na si Ace ano?? Ahahahaha!!” ang tawa niya na parang demonyo.

Nagulat naman ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. Oo aminin ko, meron kamig sweet moments ni Ace pero hindi kami, yun bang parang MU lang.

BIANCA: “Siguro nagtataka ka kung papaano ko nalaman nuh? Hahaha. Likas talaga sa iyo ang pagiging malandi Clown ka. Nalaman ko, kasi dalawang beses ko kayong nahuli na sweet. Ang isa ay habang naglalaba ka ay sinamahan ka niya tapos ay nagbasaan pa kayo with matching malansang biruan at titigan pa. Ang isa naman ay bago siya umalis, nakita ko ang paghalik niya sa pisngi mo. Sweet di ba?? Ahahahaha!!” ang tawa ulit nito.

BIANCA (ulit): “Ngayon Gab, kung umaasa ka na ililigtas ka ni Ace, HA!! diyan ka nagkakamali. Dahil supposedly, isang linggo nakakaraan ay pauwi na dapat siya, at alam ko na dala-dala niya ang ebidensya na ikaw ang apo ni Don Raphael.. May ginawa lang naman ako.” Sabay ngiting demonyo.

Tila kinabahan naman ako sa nadinig ko. Wag naman sanang may mangyaring masama kay Ace.

BIANCA: “ALam mo kung ano ang ginawa ko Gab? PINA-AMBUSH KO SIYA, PINAPATAY KO! Hahahahahahaha!!!” ang tawa niya ulit.

Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa ulo ko, hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Dahil lang sa pera at kapangyarihan ay papatay siya ng tao. Ang dami ng naapektuhan ang mga kasambahay, ang pamilya nila. Si Lolo, si Ace, at lahat ng ito ay dahil sa kasakiman ni Bianca.

AKO: “Hay*p ka talaga!! Wala kang AWA!!! WALA KANG PUSO!!” ang pagsisigaw ko sa kanya.

BIANCA: “Talaga! Dapat noon mo pa nalaman iyon! AHahahahaha!!” ang tawa pa nito.

Nasa ganoong pagtawa si Bianca ng bumulong sa akin si Kokoy.

KOKOY: “Gab, ligtas si Ace at paparating na sila.. wag kang mag-alala.” Ang bulong niya.

AKO: “Paano mo nasabi?” ang mahinang tanong ko.

KOKOY: “Tsaka na namin ipapaliwanag, heto, senyasan kita kung kelan mo dapat kalagin yan.” Sabay hulog ng isang bagay sa lapag.

Nang kinuha ko iyon ay nakita ko na susi pala ito. Pinulot ko ito gamit ang kaliwa kong kamay at tinago ito sa aking palad.

Umalis si Kokoy at nagpunta sa kaninang pwesto niya na medyo malayo sa akin.

BIANCA: “Bukas na bukas din ay pipirmahan ng Bobong matanda ang mga document na nagsasaad na pinapasa na niya sa akin ang lahat-lahat ng kanyang mga ari-arian. Hmph! Siguro ay naramdaman niyang hindi na siya magtatagal. Well, sa ginawa niya ay lalong hindi na siya magtatagal dahil kapag napirmahan niya na iyon, ay ako mismo ang papatay sa kanya. Hahahahaahaha!!” ang tawa ulit nito.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya kahit na puro galit ang nararamdaman ko. Ang iniisip ko na lang ay kailangan ko talagang makatakas dito, kailangan dumating na sila Ace. Ilang sandali pa ay napansin ko na merong tao sa likod ni Bianca at nang aninagin ko ito ay nakita ko si Ace.

Bigla akong nabuhayan ng loob at sinenyasan niya ako, napick up ko naman ang ibig niyang sabihin. SInenyasan ko rin siya tanda na handa na ako. At ilang sandali pa ay sumenyas siya sa likuran niya at pagkatapos noon ay nadinig namin ang sunod-sunod na putukan.

Sa pagkadinig ko ng mga putok ng baril ay agad ko namang linabas ang susi na bigay ni Kokoy at kinalagan ang sarili ko. Nang makatakas na ako ay kita ko naman si Kokoy na tumakbo. Nakita ko na lang na pinulot ni Bianca ang baril at tinutok sa akin, ngunit biglang dumating si Enso at pilit na inagaw ang baril. Agad naman akong lumapit upang tulungan ang bata. Bago pa man ako makalapit ay sinipa ni Bianca sa katawan si Enso at dahil doon ay napahiga ang bata. Tinutukan niya ng baril ang bata ngunit agad ko namang sinipa ang baril sa kanyang kamay at tumilapon ito malayo sa amin. Hinablot ko ang buhok ni Bianca at itinulak ko siya sa drum na malapit sa amin. Bumagsak siya kasama ang drum. Kita ko naman na nakatayo na si Enso at pagkatapos ay hinatak ko siya para magtago mula sa gitna ng Barilan.

Hindi mabilang ang pagputok ng mga baril sa lugar na iyon, sunod-sunod na parang wala ng katapusan. Maya-maya ay dinungaw ko ang gitna ng warehouse at kita ko naman si Ace at Bianca na tinutukan ng baril ang isa’t-isa.

BIANCA: “Buhay ka pa rin palang lalaki ka.”

ACE: “Oo naman.. Nakalimutan mo ba Bianca na nag-aral ako ng martial arts?” ang sagot nito.

Oo ngapala, champion ng taekwondo at karate si Ace. Dagdag pa na magaling din siya sa baril.

BIANCA: “Alam mo bagay talaga kayong dalawa eh. Parehas na SAMPID!”

ACE: “Ikaw ang sampid Bianca, ikaw ang palamunin, ikaw ang nakikisawsaw at nakikisabit kung kani-kanino. Gold digger nga eh di ba sabi ni Gab?” sabay ngiti.

BIANCA: “Wal*ng hiya ka!!” at kita ko naman na ipuputok na ni Bianca ang baril

Ngunit inunahan siya ni Ace na sunud-sunod na nagpaputok ng Baril. Kita ko naman ang pagtama ng bala sa buong katawan ni Bianca. Nakakilos pa ito pero hirap na hirap na.

Nasa ganoon akong panonood ng biglang may nagtakip ng kamay sa bibig ko. Nanlaban ako ngunit tinutukan niya ng baril ang leeg ko at sinabing.

“Subukan mo lang at papatayin talaga kita.” Ang sabi niya.

Nagulat naman ako na boses babae ito at parang pamilyar ang kanyang tinig.

Nakita ko naman na lalapit sana si Enso para pakawalan ako ngunit.

“Sige!!! SUBUKAN MONG LUMAPIT. At pasasabugin ko ang ulo nito.” ang sigaw ng babae.

Nakatutok sa leeg ko ang baril habang naka-pulupot sa katawan ko ang braso niya. Bago mawala sa paningin ko si Enso ay pinutukan niya ito ng baril at dahil doon ay bumagsak ang bata, hindi ko alam kung saan siya tinamaan.

AKO: “Enss—“ hindi ko natapos dahil

?????: “Sige mag-ingay ka at isusunod ko si Ace!” ang pananakot niya sabay tutok sa kinatatayuan ni Ace.

Dumaan kami sa likod na parte ng warehouse kung saan kami langang nandoon. Pinapasok niya ako sa kotse at pina-upo sa may tabi ng driver’s seat at pagkatapos noon ay pinaandar niya ang kotse.

Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito gawa ng naka-takip din ang mukha niya na tanging mata lang ang makikita dito. Ang suot niya ay naka-itim na pants, may black boots at black jacket. Sa loob ng black jacket ay merong parang blouse na kulay red. Samahan pa ng violet scarf na naka-pulupot sa kanyang leeg.

AKO: “Sino ka ba?? Ano bang gusto mo sa akin??” ang tanong ko sa kanya.

????: “MANAHIMIK KA!!!” ang sigaw niya sabay tutok sa akin ng baril.

Ilang sandali pa ay bumaba kami sa isang lugar na puro damuhan at may bangin sa di kalayuan.

????: “DOON!!” ang utos nito na tumayo ako sa may gilid ng bangin.

AKO: “Bakit mo ito ginagawa?? Ano bang kasalanan ko??”

????: “DOON SABI EHH!!” ang sigaw niya.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Tumayo ako sa gilid ng bangin, madilim ang buong paligid dahil madaling araw na ata ng mga oras na iyon. Tanging ilaw lang ng kanyang sasakyan ang nagbibigay liwanag sa lugar.

AKO: “Sino ka ba?? Ano bang kasalanan ko??” ang tanong ko sa kanya na naiiyak na.

Nakatutok pa rin ang baril niya sa akin ng tinanggal niya ang naka-takip sa kanyang mukha at bumungad sa akin ang mukha ni Steph.

AKO: “STEPH!!!” Ang gulat kong sabi.

STEPH: “SURPRISE!!” ang sabi niay sabay ngiti ng demonyo.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, bakit ito ginagawa ni Steph? Alam ko na hindi talaga kami nagkakaintindihan ni Steph noon pa man pero hindi ko akalain na aabot ang lahat sa ganito. Ano ba ang malaking kasalanan ko sa kanya?

AKO: “Steph, bakti mo ba ito ginagawa?? Ano bang kasalanan ko??”

STEPH: “Kasalanan?? Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo.” Ang sagot niyang mataray.

AKO: “Steph.. please.. pag-usapan natin ito.”

STEPH: “Pag-usapan? Sabihin mo nga Gabriel, paano natin pag-uusapan ang ginawa ng AMA MO SA AMA KO?? HA!!” ang sigaw niya.

AKO: “Hindi ko alam ang sinasabi mo, A-a-ano bang nagawa ni Papa??”

STEPH: “Alam mo ba ng dahil sa gahaman mong ama ay NAGPAKAMATAY ANG DADDY KO!!?!? HA!!!!” ang sigaw niya ulit

STEPH (ulit): “MAGNANAKAW ANG AMA MO GAB, MAGNANAKAW SIYA!!” at kasabay noon ang pagputok ng kanyang baril na tumama sa braso ko.

Sobrang sakit ng braso ko ng mga oras na iyon. Kasabay ng sakit ay ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng dugo dito.

AKO: “Steph, please.. wag mong gawin ito..”

STEPH: “Alam mo ba Gab, kung sino ang nagpasunog ng building niyo? Kung sino ang nagpasabog nito? At kung sino ang sumunog sa bahay niyo?? Ako lang naman.” Sabay ngiting demonyo.

Hindi ako makapaniwala sa rebelasyon na binunyag ni Steph. Hindi ko alam na kaya pala niyang gawin ang lahat ng iyon.

AKO: “Steph, bakit mo iyon ginawa??”

STEPH: “BAKIT KO GINAWA?? Nagpakamatay ang Daddy ko dahil sa H*yup mong tatay!!! Noong una, akala ko competition lang, yun pala malalaman ko na nag-uupisang malugi ang kumpanya namin dahil sa ha*up mong ama!! At hindi lang iyan, gusto pa niyang bilhin ang kumpanya namin dahil lugi na daw ito. Ano siya sinuswerte?? Well, binigyan ko nga ng leksyon, pero swerte niya at dalawang beses na siyang nakaligtas sa paen ko.”

STEPH (ulit): “Naisip ko nga ngayon ehh.. Gusto kong ipadama sa Ama mo kung paano mawalan ng mahalagang tao sa buhay. At ipapadama ko sa kanya iyon sa pamamagitan mo!!” ang sigaw niya at kasabay noon ang pagtulo ng luha niya na kanina pa niya pinipigil.

AKO: “Steph, please itigil mo na ito...”

STEPH: “Paano ko ititigil eh ang dami mo ng atraso sa aking hay*p ka ha!! Yung sa Graduation, ng dahil sa iyo ay nawalan ako ng award!! Sinira mo ang magandang imahe ko!! Sinira mo ang magandang pagtingin sa akin ng mga tao!! SINIRA MO ANG KINABUKASAN KO!!! HAAAA!!!” at kasabay nito ang muling pagputok ng baril niya.

Tumama ang bala sa binti ko at dahil doon ay napaluhod ako sa sobrnag sakit.

STEPH: “AYAN!!! LUMUHOD KA!! LUMUHOD KA SA REYNA!! HAhahahaha!!!” pagkatapos noon ay dinuraan niya ang muka ko at tumawa siya ng parang demonyo.

AKO: "Steph.. Please.." ang pagmakakaawa ko.

STEPH: "Ang ganda mong pagmasdan Gab. Yun bang unti-unti kang namamatay sa sakit. Namamatay ng walang kalaban-laban! Hahaha!!

AKO: "Please.. tama na.."

STEPH: “Ay meron ka pa palang isang atraso pa sa akin animal ka. ANG PINAKA-MATINDING ATRASO MO SA AKING INUTIL KA.. SI JARED..”

AKO: “Steph..” ang nasabi ko na lang gawa ng hinang-hina na ako at nahihilo na ako sa mga oras na iyon.

STEPH: “Inagaw mo ang attention niya na dapat ay sa akin, inagaw mo siya!! LINANDI MO!! AT DAHIL DIYAN, HINDING-HINDI KITA MAPAPATAWAD!!!”

AKO: “Please Steph.. Maawa ka.. MAAWA KA..” ang paghagulgol ko na.

STEPH: “Wala sa bokabularyo ko ang awa Gabriel.. Lalo na sa iyo!! SINIRA MO ANG MGA PLANO KO!! SINIRA MO ANG KINABUKASAN KO!! SINIRA MO ANG BUHAY KO!! HUMARANG KA SA LAHAT NG INTERES KO!! AT NGAYON HINDI KO HAHAYAANG MABUHAY KA PA!!!”

AKO: “Please Steph, nagmamakaawa ako... Wag.. parang awa mo na..” ang patuloy ko pa ring pag-hagulgol.

STEPH: “Wag kang mag-alala Gab, Magiging masaya sa Piling ko si Jared. HE'LL BE COMPLETELY HAPPY. At ikaw, mamamatay ka bilang isang Gabriel, piangtatawanan, at pinandidirihan ng lahat.” Sabay ngiti.

AKO: “S-s-s-steph...”

STEPH: “Goodbye Clown.. GOODBYE GAB!!” at kasabay nito ang pagputok niya ng baril.

Sa pagputok na iyon ay tumilapon ako sa napaka-lalim na bangin at nagpagulong-gulong. Sa bawat pag-gulong ko ay unti-unting pumasok sa isip ko ang mga eksena ng nakaraan..

====FLASH BACK====

STEPH: “You’re just Clown, you’re no one.. And YOU’LL DIE LIKE THAT!!”

……

BIANCA: "L*che ka!! Lumayas ka!!! LUMAYAS KA!!! Alam mo, doon ka naman nababagay sa pianggalingan mo eh. Sa kalsada!! Dahil squatter ka!! Amoy kubeta!! Basura!! Kanal!! Imbornal!!!"

……

ALING MINDA: “Ikaw.. Ang tunay na Alvarez..”

……

ENSO: “Kuya pinagbilin ka sa akin ni Kuya Jared!!”

……

ELY: “Hay nako Keribels lang yan Bebe Gab!!”

……

ELLA: “Ang hiling ko lang, sana kahit anong mangyari, manatili pa rin ang pagkakaibigan natin at sana, hindi ka magbago. Ikaw pa rin ang Gab na kilala ko at kilala namin.”

……

ACE: “Mahal kita Gab at maghihintay ako..”

……

PAPA: “Tapusin niyo ang relasyon niyo!! TAPUSIN NIYO ANG KALOKOHANG IYAN!!”

……

MAMA: “Wag mong sabihin yan anak, hindi ka masamang tao.. Napaka-buti mong anak sa amin ng Papa mo.. Lahat ng bagay may dahilan.. tahan na Anak..”

……

JARED: “I LOVE YOU GAB.. IKAW AT IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO!!”

=====PRSENT TIME=====

At pagkatapos noon ay nawalan ako ng malay.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

No comments:

Post a Comment