by: White_Pal
Part 15: "Goodbye?"
Mabilis naming narating ang ospital.
Agad akong bumaba at tumakbo papasok sa ospital hindi ko na hinintay pang
makapag-park si Jared. Nababalot pa rin ng takot at kaba ang aking dibdib,
hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang tanging naiisip ko lang ngayon ay
mailigtas si Ella at ang anak namin. Hindi ko alam kung papaano pero dapat ko
silang mailigtas sa lalong madaling panahon.
Habol hininga kong tinahak ang
reception desk.
“Nurse, nasa emergency room pa po ba
si Angelo Cruz?”
Hindi pa man nakakasagot ang nurse ay
may narinig akong tumawag sa aking pangalan. Liningon ko ito at agad kong
nakita si Ace. Lumapit siya at yinakap ako.
“Ace, si Tito Angelo?” sabay kalas sa
aming pagyayakapan.
“Nasa ICU siya ngayon Gab, ang sabi ng
doctor ay 50-50 ang lagay niya.”
Napapikit ako’t napahawak sa aking
ulo. Pakiramdam ko’y umikot ang buong paligid ko sa narinig, ramdam ko rin na
parang pinipiga ang aking puso. Napaluhod ako at nag-umpisang umiyak. Ramdam ko
ang pagyakap sa akin ni Ace, napahagulgol ako. Maya-maya’y naramdaman ko ang
himas niya sa likuran ko. Napayakap na rin ako sa kanya.
“Gab…”tawag sa akin ng isang boses na
nanggaling sa aking likuran.
Lumingon ako at nakita ko si Jared.
“Ace si Papa?” bakas sa kanyang mukha
ang pag-aalala at takot.
“Nasa ICU Jared, 50-50 raw sabi ng
doctor.” Sabi ni Ace at napayuko.
Hindi siya agad nakaimik, alam ko ang
hirap na dinadanas ngayon ni Jared, masakit… sobrang sakit. Lumapit ako at
yinakap siya. Ilang sandali pa’y naramdaman ng aking balikat ang mainit niyang
luha. Hinimas ko ang kanyang likuran senyales na nandito ako para sa kanya,
ilang sandali pa’y hindi na niya nakayanan ang hirap at sakit, siya’y
humagulgol sa aking bisig.
“Jared… Jared tama na.” sabi ko habang
patuloy pa rin sa pag-iyak.
Kumalas siya sa aking braso’t tumakbo
palayo. Akmang hahabulin ko siya’y hinawakan naman ni Ace ang aking kamay.
“Hayaan mo na muna siya Gab.”
“Si Gabriel Earl? Hindi ba nasaktan
ang bata?” tukoy ko sa anak nila ni Ely.
“Kalaro ni Inday sa playground sa
labas ng condominium nila Jared noong nangyari ang insidente.”
Tumango ako’t nakahinga ng malalim
kahit papaano nang malamang ligtas ang aking pamangkin. Muli tiningnan ko ang
paglayo ni Jared. Wala na akong nagawa kundi titigan siya palayo. I sighed, at
muli’y tumulo ang mainit kong luha mula sa aking mga mata.
Malapit nang kainin ng dilim ang araw
ngunit wala pa rin si Jared. I was so worried, hindi ako mapakali. Naka-upo ako
sa labas ng ICU, tulala, wala sa sarili, iniisip ko pa rin kung ano na ang
nangyayari kay Ella, nasaan na sila? Pinapahirapan ba sila ni Steph? Hindi ko
alam, para akong mababaliw tuwing iniisip ko ang maaaring ginagawa sa kanila ng
hayup na si Steph.
“Kuya kain ka muna.” Pagbasag ni Enso
nang aking pag-iisip. Inabot niya ang isang platong may laman na pasta at
garlic bread.
Binigyan ko siya ng isang ngiti at
umiling.
“Kuya naman eh. Hindi ka na nga kumain
ng tanghalian eh.”
“Enso I’m not hungry. Okay lang ako.
Si Gabriel Earl kamusta? Alam na ba niya?”
“Oo at iyak nang iyak kanina nang
malaman niya ang nangyari sa Lolo niya. Ngayon natutulog na siya kasama ni
Inday.” Nagpakawala ng isang buntong hininga si Enso. Napabuntong hininga rin
ako’t napapikit. Naisip ko ang aking pamangkin, masyado pa siyang bata para
madepress sa mga ganitong bagay. Una sa pagkawala ni Ely, ngayon naman sa Lolo
niya.
“Si Papa at Mama ano sabi?”
“Nasa pulis sila, iniimbestigahan ang
nangyari. Your Papa was devastated kuya.” Malungkot nitong sabi.
Napapikit ako, hindi ko alam kung
gaano kasakit para kay Papa ang nangyari kay Tito Angelo, I know he still love
him.
“Si Tita Jade?”
“Ayun, nagpapahinga, nahimatay noong
nalaman ang nangyari. Hinahanap din niya si Ate Ella, but she’s nowhere to be
found.”
Napabuntong hininga ako. Naisip ko ang
sobra-sobrang pagpapahirap ni Steph sa amin. Nang dahil sa isang tao
nagkakagulo ang lahat, dahil sa galit niya kaya may mga naghihirap na
inosenteng tao. Sobra na siya.
Nagpaalam si Enso na hahanapin si
Aling Minda. Pagtalikod na pagtalikod ni Enso ay biglang tumunog ang aking
cellphone, tiningnan ko ito at nakita kong muli ang unregistered number.
Nakaramdam na ako ng pangingilabot. Tumayo ako at naglakad palayo sa ICU.
Sinagot ko ang tawag.
“Hello.”
“Gab… Gab…” Paos na paos at halatang
hirap na hirap na sigaw ng isang babae mula sa kabilang linya. Biglang bumilis
ang tibok ng aking puso, alam ko ang boses na iyon, boses ni Ella.
“Hello Ella?” bakas sa boses ko ang
pag-aalala.
Hindi siya nakasagot, imbis ay isang
sigaw ang aking narinig, sigaw na nasasaktan, tinotorture. Hindi ko napigilang
maluha sa aking narinig. Parang paulit-ulit na sinasaksak ang aking puso.
“Steph tama na! Steph ano ba
nasasaktan si Ella!” pagmamakaawa ko habang umiiyak.
Isang tawa ang aking narinig mula sa
kabilang linya, tawa na parang demonyo.
“Kamusta Gabriel?” si Steph.
“Tangina Steph wag mong idamay si Ella
at ang anak ko!”
“Aba! Ang tapang mo pa rin ah. Tingnan
natin ang tapang mo Gabriel.” Ang sabi niya. Wala pang tatlong segundo’y muli
kong narinig ang pasisisigaw ni Ella sa kabilang linya, I know she was in
terrible pain. Napaluhod ako, ramdam ko ang magkahalong galit kay Steph at
pagkaawa kay Ella sa aking puso. I was
devastated. Hindi ko na napigilang humagulgol.
“Steph ano ba tama na! Steph!”
humahagulgol kong sigaw sa kanya.
“Sige mag-ingay ka pa at pauulanin ko
ng bala ang tiyan ni Ella. Sige! Sige pa!” sigaw niyang nanggigigil pa.
Natahimik ako, hindi ko na alam ang
aking gagawin.
“Takot ka naman pala!”
Hindi ako nakapag salita, napatakip
ako ng kamay sa aking bibig.
“Alam mo iniisip ko nga kung bubuhayin
ko pa ang babaeng ito. Knowing na dala-dala niya ang bastardo at basura mong
anak. Masmasaya nga kung mamatay na silang dalawa eh. Ay hindi! Masmaganda kung
makita ng iyong mga mata kung papaano ko patayin itong mag-ina mo.” Sabay
halakhak na parang demonyo.
Tikom na tikom ang aking kamay. My
teeth are gnashing. Gusto kong mag-sisisigaw at magmura sa sobrang poot na
aking nararamdaman. Ang poot na ginamot ni Jared at Ely mula sa aking puso ay
muling binubuhay ni Steph. Gusto kong wasakin ng buo si Steph. Gustong kong
mailigtas ang mag-ina ko ngunit hindi ko alam kung papaano.
“Ano Gabriel lalaban ka pa ha?” sigaw
pa niya ulit.
“Ako naman ang gusto mo di ba?
Pakawalan mo sila Ella… Kapalit ko.” Diretsong sabi ko.
“Tumpak! Yan ang gusto ko!” bakas sa
boses ni Steph ang pagka-excite.
“Naaalala mo ba yung dating clubhouse
na pagmamay-ari ng umampon kay Ely? Abandunadong building na iyon ngayon eh…
Ngayon Gabriel… Gusto kong mag-isa kang pumunta doon mamayang alas-dose ng
madaling araw. Subukan mo lang magdala ng pulis at makikita mo na lang na
mahuhulog itong babaeng ito mula sa rooftop ng building na iyon. Naiintindihan
mo? Ha!!!” dagdag pa ng demonyong si Steph.
“Opo…”
“Bilisan mo na at baka hindi mo na
abutan pang buhay ang mag-ina mo!” Sabay end call.
Ramdam ko pa rin ang panginginig nang
aking katawan, hindi ko magawang kumalma at huminga ng maayos. Para akong
na-paranoid. Nanginginig ang kalamnan ko mula paa pataas sa aking ulo. Muli
kong naalala ang takot na aking naramdaman noong naipit ako sa sunog ng
kumpanya ni Papa kung saan linigtas lang ako ni Ace at Enso kaya ako nabubuhay
ngayon. Naalala ko rin ang takot sa pagkakadukot sa akin ni Bianca at ang
tangkang pagpatay sa akin ni Steph apat na taon ang nakakaraan. Iba ang takot
na naramdaman ko noon at iba ngayon. Hindi ko alam pero masmatindi ngayon. Ito
na siguro ang pinakamatinding takot na aking nararamdaman, siguro ay dahil
involve na ang aking kaibigan at ang aking anak.
Napabuntong hininga ako’t nagpunta ng
banyo upang ayusin ang aking sarili. Naghilamos ako’t pinunasan ko ang aking
mukha ng panyong kong kulay blue na may shade ng black lines sa gilid nito.
Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang isang lalaking hinubog ng panahon at
pagsubok. Isang lalaking matapang at kayang harapin ang lahat ng dagok sa
kanyang buhay. I smiled. I know, it’s time na harapin ko ang pinakamatinding
pagsubok sa aking buhay. Inayos ko ang kwelyo ng aking white polo, ang kuwelyo
at sleeve nito’y may shades of black. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang
mata ng aking kapatid. Simula ng bata pa lang kami’y lagi ko na siyang kasama,
hanggang sa puntong ito, alam kong hindi niya ako iniwan. Muli ako’y
napabuntong hininga at nagbigay ng isang ngiti.
Lumabas ako ng banyo at dumiretso sa
labas ng ICU. Nakita ko si Enso. Agad ko siyang yinakap bago pa man siya
makapagsalita. Ito na ata ang pinakamahipit na yakap ang ginawa ko sa kanya.
“Kuya may problema ba?”
“Gusto ko lang magpasalamat. Kasi lagi
kang nandyan, hindi mo ako iniwan kahit kalian.” Kumalas ako at nagbigay ng
isang ngiti. He gave me a quizzical look.
“Si Aling Minda?”
Bago pa man siya makasagot ay nakita
ko na ang taong hinahanap ko papalapit sa amin. May dala-dalang box ng
pichi-pichi at supot ng siopao.
Bago pa man siya tuluyang makalapit ay
yinakap ko ito. Hindi siya naka-imik.
“Gabriel anak?”
“Gusto ko pong magpasalamat sa lahat.
Naging mabait po kayo sa amin, tinuring niyo po akong pamilya noong walang-wala
po ako. Ipaabot niyo po ang pagpapasalamat ko sa iba ha Aling minda?” Bakas sa
aking boses ang pag-crack. Pigil na pigil pa rin akong maiyak sa kanilang
harapan.
“Anong problema anak?” sabay himas sa
akin likuran na parang isang ina.
“Kayo na po ni Enso bahala dito Aling
Minda.”
“Bakit anak saan ka pupunta?” pagkalas
niya sa yakap.
“May aayusin lang po. Si Ace po
nasaan?”
“Kasama ni Gabriel Earl sa bahay.”
Ngumiti ako.
“Sige po, uuwi na lang muna ako. Pagod
na rin po kasi ako eh.”
Bago pa man sila makapagsalita’y agad
akong tumalikod at nagmamadaling umalis. Kasabay ng aking pagtalikod ay siya
ring walang patid na pagtulo ng aking luha. TIningnan ko ang oras, it was
9:21pm. I sighed.
Marahan kong binuksan ang pintuan ng
kwarto ni Ace, it was so dark and so cold. Tanging liwanag mula sa binta lang
ang nagbibigay ng katiting na liwanag sa kwarto. Nakita ko siyang nakahiga
katabi si Gabriel Earl. Lumapit ako sa kanila, pinagmasdan ko ang payapa nilang
pagtulog. Hindi ko napigilang umiyak.
Yinakap ko si Gabriel Earl at
hinalikan sa ulo. Parang pinipiga ang aking puso. Bumulong ako sa bata.
“Kung may mangyari man sa akin, sana
huwag mong pababayaan ang Papa mo ha? Alagaan mo siya para sa akin ha?” After I
utter those words, I felt an endless tears fell down from my eyes. Muli kong
tinitigan ang bata. I saw Jared. Kamukhang-kamukha niya ito. I hugged him so
tight.
Tinuon ko ang aking mga mata kay Ace.
I smiled. I hugged him and whispered.
“Thank you everything… Hindi mo lang
alam Ace… Pero mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi man sa paraang alam mo,
pero sa paraang alam ko. I will always love you. Kung wala lang si Jared, hindi
ako magdadalawang isip na ikaw ang mahalin at makasama ko habang buhay.”
Tinitigan ko ang kanyang mukha.
Napakaamo nito. I kissed his lips. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking
luha sa kanyang pisngi. Agad kong pinunasan ito at nagmadaling tumbukin ang
pinto at umalis dahil baka magising ito.
I closed the door, at doon sumabog ang
emosyong kanina ko pa pinipigil. I felt my heart is tearing apart. Sobra-sobra
ang bigat na aking nararamdaman. I was having a hard time breathing.
“Ser! What’s yer problem ser?” biglang
sigaw ng isang boses mula sa aking kanan.
Bago pa man siya makalapit ay binigyan
ko siya ng isang yakap.
“Ikaw na ang bahala kay Gabriel Earl
at sa magiging anak namin ni Ella ha?” Bakas sa aking boses ang panginginig.
Kumalas ako at binigyan siya ng isang
matamis na ngiti.
“Ser wag na kayong umiyak!” sabay
punas ng basahan na kanyang hawak sa aking mukha. Napahalakhak ako. Gaga talaga
ang babaeng ito kahit kalian.
“I won’t. Inday salamat sa lahat ha.
Sa kalokohan at kagagahan mo.” Sabay bigay ng malutong na halakhak.
“O sige na, matutulog na ako.” Ang
alibi ko sabay talikod at tumbok sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa loob ay agad kong
tinumbok ang aking cabinet. Hinawi ko ang aking mga damit at bumungad sa akin
ang vault. Binuksan ko ito’t kinuha ang isang bagay na alam kong magagamit ko
mamaya… Baril.
Agad akong dumiretso sa sasakyan,
pinaandar ito patungo sa aking destinasyon. Sa kalagitnaan ng aking byahe ay
sinubukan kong tawagan si Jared. Nagulat ako nang mag-ring ito. Ramdam ko ang
mabilis na tibok ng aking puso. Ilang sandali pa’y sinagot na niya ito.
“Hello Gab?” bakas sa kanyang boses
ang pagaralgal nito.
“Jared… Nasaan ka ngayon?”
Hindi siya sumagot. Ngumiti ako.
“Di bale… Gustuhin ko mang magkita
tayo’y hindi pupwede.”
“Gab bakit? Anong problema?” bakas sa
kanyang boses ang takot.
“Jared salamat sa lahat-lahat. Salamat
sa pagmamahal, salamat sa pagtanggap sa kung sino ako. I was weak, yet you saw
the strong person inside of me. I was in deep darkness yet you saw the real me.
I tried to be that man, and I did. Thank you Jared, because you love me like I
am.” Kasabay ang walang tigil na daloy ng aking luha.
“Gab! Gab tell me what happen? Gab
bakit ganyan ka magsalita?”
“Always remember Jared, my heart
belongs to you… Ikaw lang ang nagmamay-ari nito. Salamat… Salamat sa lahat…
Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.” Sabay end-call at patay ng
cellphone. TInabi ko ang sasakyan at hininto ito. Pinalo ko gamit ng aking mga
kamay ang manibela, hindi ko napigilang magsisisigaw at humagulgol. A thousand
arrows pierced through my heart, I felt millions of unexplainable pain. It was
unmeasurable.
Pinilit kong kumalma at huminga ng
malalim. Ilang sandali pa’y muli kong pinaandar ang sasakyan patungo sa
pinagmulan ng lahat.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment