by: White_Pal
Part 17: "The Decision"
I opened my eyes. Bumungad sa akin ang
maaliwalas na kalangitan. Tumayo ako, inikot ko ang aking mga mata. I saw
colorful flowers scattered around the grass. The grass is green and thick. Ang
ginhawa sa pakiramdam ng lugar. I was astonished.
I’ve been here before… I know this
place… I know. I thought.
I saw a light from the sky, two people
coming down, it was approaching me.
“Gab…” His voice echoed through the
whole place, it gave me chills to my spine. I recognized that voice.
“Bebe Gab…” The woman said. Her sweet
voice echoed through the whole place, it also gave my spine a chills like the
other voice. I know that voice, the best friend I’ve ever had, the closest girl
to my heart next to my Mother.
Unti-unti silang papalapit sa akin.
Nakita kong naka-puti silang dalawa at ang buong katawan nila’y kasing liwanag
ng araw. I felt an incredible bliss in my heart.
“Kuya Erick… Ate Ely…” A gush of tears
clouded my eyes. I gave them a smile.
Napailing ako.
“Hindi ko maintindihan… N-naguguluhan
ako…”
“Gab, naalala mo ba ang sinabi ko sa
iyo noon apat na taon na ang nakakalipas?”
“Titingalain ka ng lahat at ang mga
bituin ay luluhod sa paanan mo.” Sabay na sabi ni ko at ni Kuya.
“That’s right… and it happened right?”
Tumango ako.
“Pero sinunod mo ba ang bilin ko sa
iyo?”
“Hindi po…” Sabi ko sabay yuko.
“Hindi ka dapat nabulag sa galit. Kung
nakita mo lang ng masmaaga ang liwanag edi sana’y hindi hahantong ang lahat sa
ganito. Hindi mapapanganib ang anim na buhay. Buhay mo, ni Jared, Ace, Steph,
Ella at ng anak niyo. Now… I’m afraid that someone must made a sacrifice. At
isa dito ay malapit sa iyo.” Napatingin ako sa kanya, bakas sa aking mukha ang
takot at pag-aalala. My whole body was cloaked by fear.
“K-kuya… Wag kang mag-salita ng
ganyan… Nagbago naman ako Kuya.” Endless teardrops started to fell. Lumapit si
Ely sa akin at yinakap ako. I felt a warm feeling from her, para siyang buhay,
naalala kong ganito siya sa akin kapag pinapatahan niya ako dahil may-umaaway
sa akin.
“Bebe Gab… Wag ka ng umiyak.
Nagbibigay lang naman ng posibilidad ang Kuya Erick mo.” Sabi niya habang
hinihimas ang aking likuran.
Kumalas ako sa kanyang pagyakap at
nginitian siya.
“Ely… I mean, Ate Aaliyah, sorry sa
lahat ng mga nagawa ko. Sana lang nagkasama tayo ng masmatagal bilang
magkapatid.”
Binigyan niya ako ng isang ngiti at
hinawakan niya ako sa aking pisngi.
“Anong sabi ko sa iyo? Di ba? Lagi mo
akong kasama, dyan sa mga mata mo. I didn’t leave you, and never will I do.
Hihintayin ko ang panahong mayayakap kita ulit Bebe Gab. Sa panahong iyon,
magkakasama-sama tayong lahat, makakapag-bonding, at makakapag-saya.”
Lalo akong napahagulgol sa sinabi
niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
“Gab.” Pag tawag sa akin ni Kuya
Erick. Lumingon ako sa kanya.
“We have to go now…”
“Why?” Bakas ang panginginig sa aking
boses.
“Our mission is done Gab. But you…”
Sabay turo sa akin.
“You still have to do something.” Sabi
niya habang si Ely ay tumatango. Napayuko ako, ramdam ko ang kalungkutan sa
buong pagkatao ko.
“Pero kagaya ng sabi ng Ate mo, we
won’t leave you, we will always be here guiding you. Lagi mo lang tatandaan,
mahal na mahal ka ng Kuya. Mahal na mahal ka ng Ate mo. Mahal na mahal ka
namin.”
“Mahal na mahal ko rin kayo.” Sabi ko
sabay hagulgol. Muli akong yinakap ni Ely habang si Kuya Erick naman ay lumapit
at nakisali sa yakapan namin Ely. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ang
mamaalam. Kahit alam kong hindi naman ito panghabang-buhay ay nalulungkot pa
rin ako dahil matatagalan pa bago ko sila ulit makita, mayakap, at makasama.
Kagaya ni Ely, ramdam ko ang mainit na dampi ni Kuya sa akin. Para talaga silang
buhay.
“We love you Gab.” Ely said.
“Kagaya ng sabi ko noon, Live for me…
Live for us… Take care… My brother.” Sabi ni Kuya.
Seconds after, a blast of light
clouded the whole place.
Dinilat ko ang aking mga mata. I saw a
bright light, medyo blurred ito.
Patay na ba ako?
Ilang sandali pa'y unti-unting luminaw
ang aking paningin. Inikot ko ang aking mata. Nakita ko ang kulay cream na sala
sa aking kanan, sa aking kaliwa ay isang kulay brown na pinto na medyo may
kalayuan sa akin. Hindi ko matandaan kung bakit ako napadpad sa kwartong ito.
Pumikit ako, pilit kong inisip ang nangyari bago ako mapadpad dito. Ilang
sandali pa'y muli kong naalala ang eksena sa dating clubhouse ni Ely. Bigla
kong naramdaman ang bilis nang tibok ng aking puso, it's like a thousand horses
are running inside my heart. Parang sasabog ito sa sobrang bilis. My hands are
trembling, ramdam ko ang panlalamig ng aking mga kamay. Naalala ko ang
lahat-lahat at kung papaano ito nag-umpisa at natapos.
Akmang kikilos na ako'y bigla kong
naramdaman ang bigat ng aking katawan, sobrang bigat ito, naramdaman ko rin ang
kirot ng sugat sa aking tagiliran. Naisip ko si Ella, Ace at Jared. Kailangan
kong malaman ang nangyari sa kanila. Susubukan ko sana ulit tumayo ngunit
biglang bumukas ang kulay brown na pinto. Linuwa nito si ang aking mga
magulang.
"Gabriel anak!" Sigaw ni
Mama sabay takbo at yakap sa akin. Lumapit din sa akin si Papa at yinakap ako.
I saw tears fell from their red puffy eyes.
"Mama, Papa, nasaan po si Ella?
si Ace? at si Jared po?" Sunud-sunod kong tanong. Imbis na sagutin ang
aking tanong ay tumingin lang ito kay Papa. Nakita kong tumango ang aking ama.
Yumuko si Mama at muling binaling ang mata sa akin.
"Nabali ang kaliwang braso ni Ace
at puno ng pasa ang binti nito, pero okay na siya. Kailangan niya ng
mahaba-habang theraphy para tuluyang gumaling. Si Ella naman ay ligtas ng
nakapanganak. Lalaki ang anak niyo." Nakangiting sabi nito.
Isang matamis na ngiti ang aking
binigay. Hindi ko mawari kung gaano ako kasaya sa oras na iyon. Gusto kong
magtatatalon at magsisisigaw dahil ligtas ang dalawa sa pinakamahalahang tao sa
buhay ko. Dagdag pa na isa na akong ganap na ama. Ngunit hindi pa rin ako
matahimik. Muli tinanong ko kung kamusta si Jared. Ngunit hindi nila ito sinagot,
bagkus ay inalalayan nila ako papunta sa kwarto ni Ella.
Pagkabukas ng kwarto'y bumungad sa
akin si Ella, nakahiga siya kama. I saw her smiled. I felt my heart racing. A
gush of tears clouded my eyes. as I've felt an incredible bliss that cloaked my
whole body. My heart is pounding. Ilang sandali pa'y pumatak ang aking luha,
dahan-dahan akong lumapit sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"Thank God Gab you're safe!"
She said, endless tears fell down from her eyes.
"Salamat din at ligtas kayo
Ella." I hugged her so tight. Tears fell down from my eyes.
Nandoon din si Tita Jade at si Tito
Angelo na unti-unti nang nakaka-recover. Muli'y tumingin ako kay Ella.
"Ella nasaan ang anak
natin?" Pautal-utal kong sabi. I felt an immeasurable happiness.
Hindi pa man siya nakakasagot ay
bumukas ang pinto at linuwa nito ang nurse, tulak-tulak nito ang isang baby
crib. I froze for a moment when I saw the baby crib. I felt my chest got heavy
as if someone is pushing it so hard. Ramdam ko rin ang bigat at hirap ng
paghinga. Nang makalapit sa akin ang baby crib ay nakita ko ang isang bata. I
felt so weak, my hands started trembling. I felt shivers in my spine. Hindi ako
makapaniwala sa aking nakita. I felt an immeasurable happiness. Endless tears
fell down from my eyes.
Yumuko ako at hinaplos ang ulo ng
bata. I smiled. Tumingin ako sa nurse at tumango ito senyales na pupwede kong
kuhanin ang bata. Kinuha ko ito at binalot sa aking braso.
I felt euphoria. My heart skiped a
beat or two. The moment I saw my child's face, I felt an overwhelming and
electrifying elation that cloaked my whole body. I looked into his eyes, his
nose, his lips, his chin, everything is so perfect. He's an angel from the
heaven.
"Anong pangalan ang gusto mo
Gab?" Tanong sa akin ni Ella.
Tumingin ako sa kanya at pagkatapos ay
tumingin ako sa aming anak. Naisip ko ang pangalan ngaking pamangkin na anak ni
Jared at ni Ely. Gabriel Earl, pinagsamang pangalan namin ni Jared. Ngumiti ako.
"Ella... Pwede bang Erick Jared
ang ipangalan sa kanya?" Sabi ko habang nakangiti. Pinagsamang pangalan ni
Jared at kuya Erick. Erick, dahil naging parte ng buhay ko ang pangalan na iyon
at nabuo ang bata noong mga panahong naging Erick ako.
"As you wish." Ella said.
I looked at my angel, my son, and gave
him a kiss in the forehead.
I opened the door at nakita ko si Ace.
Agad kong napansin ang nangingitim na pasa sa kanyang binti habang ang kaliwang
braso naman nito ay balot na balot ng benda.
"Gab!" He said with a big
smile on his face. Pinilit niyang kumilos ngunit agad akong lumapit sa kanya at
hinawakan siya sa balikat.
"Huwag ka ngang kumilos babatukan
kita!" Tono kong naiinis.
"Nag-alala lang ako sa iyo, they
told me you're badly wounded. Sobrang nag-alala lang ako."
"Ikaw ang badly wounded Ace hindi
ako, at ako ang dapat mag-alala."
Isang matamis na ngiti lang ang sagot niya.
He pinched my nose with his tight hand. I smiled.
"Bakit ka ba nandoon? Nadamay ka
pa tuloy." Naiinis kong tono.
"Noong pumasok ka sa kwarto ko,
gising ako nun, kinutuban ako ng masama. Alam kong meron kang hindi magandang
gagawin. Hinabilin ko si Gabriel Earl kay Inday at sinundan kita. Habang
sinusundan ko ang sasakyan mo, Jared called me at sinabi niya sa aking ang
pagpapaalam mo sa kanya. Sinabi ko rin sa kanya ang ginawa mo at sinabi kong
sinusundan na kita ngayon. At doon, sumunod si Jared sa atin kasama niya si Sir
Luis. Nang lapitan mo si Ella sa parking lot ay doon pa lang dumating si Jared
dala-dala ang kanyang sasakyan. Bumaba ako at nag-plano kami kung anong gagawin
upang mailigtas ka at si Ella. Okay na sana ang lahat ngunit biglang sumabog
ang clubhouse na pinasukan mo. We're devastated, akala nami'y wala ka na."
Tumigil siya sa pagkukwento at huminga ng malalim. Pumikit siya at muli'y
nagpakawala ng isang buntong hininga.
"Ace, I think you should
rest." Umiling siya at muli'y nag-umpisang magsalita.
"Ayun na nga... when we saw the
explotion, we left with no choice kundi umaksyon, mapilit si Jared at bumaba
siya ng burol para iligtas si Ella. I called naman the police, nataranta na ako
Gab. Ang Papa mo naman ay pumasok sa loob ng sasakyan ni Jared, hindi ko alam
kugn anong pinaplano niya but I saw his tears fell down. Then noong pagkababa
ko ng phone ay nakita kita sa malayo, I saw Jared hiding sa isang poste. Nang
makita ko na natanggal mo na ang kadenang nakapulupot kay Ella'y biglang lumitaw
sa isang madilim na parte ang isang kotse, ruaragasa ito papunta sa iyo, ngunit
naging mailap si Jared, nailigtas niya kayo ni Ella at siya ang nabangga ng
kotse ni Steph. Nataranta na ako, lalo na nung makita ko na nag-u-turn ang
kotse ni Steph at handang tumbukin ka. Agad kong Pinaandar ang sasakyan ko,
wala na ako sa katinuan nun Gab. All I want is to save you, even if it means of
sacrificing my life."
Tahimik. Hindi ko alam ang magiging
reaksyon ko. Masyadong magulo ang isip ko sa mga nangyari. Tumingin ako sa
kanya at muli'y nabalot ng luha ang aking mga mata. My chest got heavy, I was so touched. Kahit
kailan hindi ako hinayaang mapahamak ni Ace, mula sa nasusunog na building, sa
pagkidnap sa akin ni Bianca at ngayon kay Steph. Hindi sapat ang salita para
pasalamat siya, hindi ko alam kung papaano ko matutumbasan iyon. A blissful
tears fell from my eyes.
Mula sa hindi mawaring kasiyahan ay
ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa isang tao... si Jared. Tumingin ako kay Ace.
Lumunok ako at huminga gn malalim.
"Ace... kamusta si Jared?"
Hindi siya nakapag-salita. Pumikit
siya at yumuko.
"Hindi na ako magugulat kung ayaw
nilang sabihin sa iyo."
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang
sabihin. Hindi ako mapakali, hindi matahimik ang kalooban ko. Ramdam ko ng
panginginig ng aking mga kamay. I was so scared of what he will say, pero
sana'y maayos naman ito.
"Ace please? Lahat sila ayaw
magsalita, Ace... Please tell me, hindi ko na kaya Ace, nababaliw na ako
kakaisip. Nasaan si Jared?" Muli'y bumagsak ang luha mula sa aking mga
mata.
Hindi siya agad nakapag-salita, pansin
ko sa kanyang mga mata ang awa para sa akin. Nagbigay siya ng isang buntong na
hininga, pagkatapos ay tumingin ng diretso sa aking mga mata.
"Nasa ICU siya Gab. He's... he's
in coma." Sabay yuko at pumikit. Alam kong ayaw niya akong makitang
mag-break down.
I felt a sudden pang of loneliness as
my chest slowly got heavy with an incredible heartbeat, it's like it was going
to explode. Parang paulit-ulit na nag-eecho sa aking tenga ang sinabi ni Ace.
My whole body was cloaked in darkness and despair. Every part of me was
shattered into thousands of pieces. Napansin ko na lang na nakahandusay na ako
sa sahig habang walang humpay ang aking pag-iyak. Kapag naiisip ko si Jared,
ang mahal ko, ang buhay ko sa situasyon na iyon ay para na akong paulit-ulit na
pinapatay. It was too much for me to bear. Along with endless tears, I
screamed, it echoed through the whole place. It hurts like hell, it was
incomparable. Walang-wala ito sa mga sakit at paghihirap na naranasan ko noon.
Unti-unti'y kinain na ako ng kadiliman.
Nang buksan ko ang aking mga mata'y
nakita kong nakapalibot sa akin si Mama, Papa, Enso, at si Gabriel Earl.
Kinamusta nila ako at sinabi nilang nawalan ako nang malay sa kwarto ni Ace.
Ngunit imbis na sagutin ang kanilang tanong ay iba ang tinugon ko.
"I want to see Jared."
"Pero Gab." Sabi ni Mama.
"Gusto ko siyang makita... Parang
awa niyo na." I burst into tears. Muli kong naramdaman ang bigat ng aking
kalooban. Ramdam ko ang muling pag-usbong ng sakit na kanina ko naramdaman bago
ako mawalan ng malay. Wala na silang nagawa kundi pagbigyan ako. Inalalayan
nila ako papunta sa ICU kung saan nandoon si Jared.
The moment I saw Jared, lying on the
bed, inside the ICU, I felt my world torn apart, muling nabalot ng luha ang
aking mga mata. Inexplain din sa akin ni Papa ang kalagayan ni Jared, sabi ng
doctor ay sobrang liit na lang ng pag-asang gumaling ito. The moment I've heard
those words, endless tears started to fell from my eyes to my cheeks.
Dahan-dahan kong inangat ang nanginginig na kanan kong kamay at dinampi ito sa
salamin ng ICU. It's like I fell from an endless and hopeless pit. Para akong
paulit-ulit na pinapatay sa nakitang kalagayan ni Jared. I closed my eyes,
ngunit nakikita ko pa rin ang itsura ni Jared na nakahiga sa ICU sa aking isip.
Naisip ko na hindi naman siya dapat ang nandoon kung hindi ako. Kung hindi
dahil sa akin, kung hindi dahil sa pagmamahal niya sa akin ay hindi siya dapat
ang nakahiga dyan. Nasa ganoon akong pag-iyak nang maramdaman ko ang pag-himas
ni Mama sa aking likod. Hinawakan naman ni Gabriel Earl ang aking kamay.
"Tito Gab, sabi ni Papa sa akin
bago ka niya iligtas na kung ano man daw ang mangyari ay wag kang malulungkot.
Kasi ayaw ka niyang makitang umiiyak." Inosenteng sabi ni Ge.
Napatingin ako sa bata, patuloy pa rin
ang walang humpay na pagdaloy ng aking luha.
"Sinabi niya rin na gusto niyang
alagaan kita gaya ng pag-aalaga niya sa iyo noon. Mahal na mahal ka rin daw ni
Papa, at ikaw daw ang isa ko pang Papa." Sabi niya sabay ngiti. Napangiti
ako sa sinabi ng bata, lumuhod ako at binigyan ito ng isang napakahigpit na
yakap. Mixed emotions is what I felt. A thousand arrows piercing my heart and
at the same time, an incredible bliss that slowly cloaking the anguish in my
heart. Pumikit ako at unti-unti'y nawala ang imahe ni Jared na naa ICU.
Napalitan ito ng masaya niyang mukha, pakiramdam ko rin ay nabuhay siya sa
katauhan ni Gabriel Earl na ngayon ay yakap-yakap ko at yakap-yakap ko rin.
Ilang araw na ang nakakalipas at wala
pa ring malay si Jared, kahit sinabi ng doktor na maliit ang tsansang magisign
pa ito'y hindi pa rin kami tumitigil na manalangin at maniwalang gagalign siya.
Lalo na ako, I will take every opportunity para gumalign siya. As long as
there's hope, pang hahawakan ko ito, hindi ako bibitaw, hindi ako susuko.
Kinagabihan, nagpapahinga na ang lahat maliban kay sa akin at kay Enso, hindi
kami dalawin ng antok.
"Bakit gising ka pa?"
"Hinihintay kitang makatulog
Kuya."
"At bakit naman?"
"Kabilin-bilinan ng Mama at Papa
mo na bantayan ka hanggang sa makatulog ka."
"Si Ella at Ace kamusta?"
Tinutok ko ang aking mga mata sa kisame.
"Ayun, nagpapahinga na rin. Wag
mo silang alalahanin Kuya di ba lalabas na si Ella bukas at si Ace naman ay
bumubuti na ang kalagayan. Nakita mo naman di ba?"
"Oo... Pero alam mo naman di
ba?"
"Sa kanila ka ba nag-aalala? O
kay Kuya Jared?" Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang pagtaas ng kilay
nito habang naka-pout ang lips sa left side.
"Bakla ka...." Tono ko na
nang-iinis.
"Just admit it. Si Kuya Jared ang
naiisip mo."
"O ano naman?"
"Edi puntahan mo siya. Pumasok ka
sa loob, kausapin mo siya."
"Ano ba kasing kalagayan niya
Enso? Why don't you tell me?"
"We've already told you."
"Sinabi niyo lang na maiit ang
tsansa niyang gumaling. But you never say any details kung ano ba talaga ang
kalagayan niya."
"Kuya sa kalagayan mo ngayon,
mabuting iyon na lang ang alam mo. Sasabihin namin sa iyo kapag magaling ka
na."
"Enso, naiirita na ako. Ano
ba!?!?!"
"Puntahan mo na lang siya Kuya
dahil wala kang mapipiga sa akin. I'm not the right person na magsabi sa iyo ng
tinatanong mo."
I sighed. I felt the sudden rapid
heartbeat in my heart, it's like it was going to explode any minute now. Ramdam
ko ang panlalata at panghihina ng buo kong katawan. Parang hindi ko pa kayang
lumapit kay Jared ngayon. Pero naisip ko rin, kung hindi ngayon, kailan? Kapag
tuluyan nang nawala ang pag-asang gumaling siya? Kapag wala nang pagkakataon? I
gave a deep sigh. Napalunok ako, kasama kong linunok ang takot na aking
nararamdaman. I stood up from my bed, inalalayan ako ni Enso. He gave me a
quizzical look. I nodded as a sign of agreement in his suggestion.
Nang makarating kami sa harap ng ICU
ay bumitaw ako kay Enso. Nagpaiwan siya sa labas samantalang ako nama'y pumasok
sa loob kung saan nakahiga si Jared.
Hindi ko mawari ang aking nararamdaman
sa aking nakita. Patuloy pa rin ang walang-humpay na sakit na nararamdaman ko
sa aking puso. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang mga makina at tubong
nakakabit kay Jared. Kung tutuusin, para na siyang patay sa kalagayan niyang
iyon. Tanging makina na lang ang bumubuhay sa kanya. Parang unti-unti na akong
nawawalan ng pag-asa kapag nakikita ko siya sa kalagayang iyon.
Umupo ako sa upuang katabi ng kanyang
kama.
"Kamusta ka na?" Tanong ko
sa kanya habang tinititigan ang kanyang mukha. Pansin ko ang kawalang buhay
nito.
"Alam mo ba miss na miss ka na
namin? Lalo na ako... Miss na miss na kita... Miss na miss na kita Jared."
A gush of tears clouded my eyes. I noticed my hands are trembling as I
approached my right hand his left arms.
"Wag kang susuko ha? Kasi ako
hindi susuko. Wag mo kaming iiwan." Ang tanging nasabi ko na lang kasabay
ang pagtulo ng aking luha. Sa pagkakataong ito'y hindi ko na napigilang
humagulgol.
Tinitigan ko ang kanyang anyo.
Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Wala ni isa sa parte ng kanyang katawan
ang gumagalaw. Para akong nakikipag-usap sa isang taong walang buhay.
Linapit ko ang aking bibig sa kanyang
tenga, patuloy pa rin ang walang katapusang luha na tumutulo sa aking mata.
"Just always remember... We won't
give up, I won't give up. And..." Bakas sa aking boses ang panginginig.
"...I love you Jared. At habang
nabubuhay ako'y patuloy kitang mamahalin. Sa bawat oras, sa bawat paghinga ko,
sa bawat pintig ng aking puso, patuloy pa rin kitang mamahalin kahit anong
mangyari. At di ako magsasawang sabihing mahal kita... I love you Jared."
I hold his arms so tight as if it was the last. Sa pagkakataong ito'y
naramdaman ko ang pagsabog ng aking emosyon, the anguish and despair, it's
unmeasurable.
"I love you Jared..."
Pag-ulit ko sa katagang iyon. Wala pang dalawang segundo'y narinig ko ang isang
maingay na tunog mula sa makinang nakakabit kay Jared. Bigla akong nakaramdam
ng matinding kaba. Napaangat ako ng aking ulo at nakita kong wala ng pintig ng
puso si Jared. I was devastated, I felt my world fell apart. I screamed his name
that echoed through the whole place. Nakita ko sa labas si Enso, tumakbo ito,
alam kong tatawag siya ng doktor. I pushed the button above his bed. Wala pang
sampung segundo'y biglang dumating ang doktor at mga nurse upang sagipin ang
aking pinakamamahal. Hinila ako ni Enso palabas ng ICU, habang ako nama'y patuloy na pinagmamasdang i-revive si Jared.
Wala akong magawa kundi magsisisigaw
at humagulgol. This was the darkest moment of my life. If there's a hell in
this world, ito na iyon, ito na ang pinakakinatatakutan ko na mangyari, ang
mawala ang taogn pinakamamahal ko. I felt so powerless. Wala akong magawa kung
hindi panuorin ang eksena sa loob ng ICU. Seconds after, naisip ko ang isang
nilalang na pwede kong malapitan.
"Enso, gisingin mo sila Mama at
Papa, kasama sila Tito Angelo at Tita Jade." Agad na tumakbo si Enso
samantalang ako nama'y pilit na naglakad papunta sa aking pupuntahan. Bumaba
ako ng isang palapag na hagdan at buong lakas akong naglakad papunta sa chapel.
Alam kong dito ako dapat sumaklolo, nandito ang huli kong pag-asa.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong
naglakad palapit sa altar, nahihirapan ma'y pinilit kong makalapit dito,
patuloy pa rin ang walang humpay kong pagtangis. Nang makarating ako sa gitna'y
napaluhod ako. Hindi ko napigilang sumigaw, bakas sa aking boses ang hirap at
pagkapaos.
"Lord... Nakiki-usap ako...
Iligtas niyo si Jared... Iligtas niyo siya diyos ko..." Pautal-utal kong
sabi habang ume-echo sa buong chapel ang aking boses. Napayuko ako. I failed, I
did nothing to save him. Nanginginig ang buo kong katawan, ramdam ko nag
pagbalot ng kadiliman sa buo kong pagkatao, kalungkutang unti-unting pumapatay
sa buhay kong laman. I screamed, I was so wasted. Ilang sandali pa'y biglang
pumasok sa aking ala-ala ang mga eksena kung saan magkasama kami ni Jared, ang
storya naming dalawa ay unti-unting naungkat sa aking isip. Nasa ganoon akong
pag-iisip nang biglang pumasok sa aking isip ang isang bagay, isang bagay na
maaaring magpabago sa aking buhay. Inangat ko ang aking ulo at nasambit ko ang
bagay na iyon.
"Kung kinakailangan pong lumayo
ako para mabuhay siya, gagawin ko po. Kung gusto niyo po, h-hindi na po ako
magpapakita sa kanya kahit kailan. Gagawin ko po ito kapalit ang bagong buhay
para sa kanya. Nakikiusap po ako, wag niyo pong kunin siyang kukunin panginoon,
wag niyo pong kukunin si Jared... Buhayin niyo po siya... Kapalit ang paglayo
ko." I said that echoed through the place. Bakas sa aking boses ang sakit
at pagdadalamhati. Tanging naisip ko na lang ng mga oras na iyon ay mabuhay si
Jared.
Lumipas ang ilang segundo at patuloy
pa rin ang pagdaloy ng aking luha. Ilang sandali pa'y may tumawag sa akign
pangalan. Lumingon ako. Nakita ko si Enso.
"Kuya Gab! Si Kuya Jared!"
Sigaw niya habang humihingal. I saw his eyes, it was so bright.
Binuksan ko ang aking mga mata. Nakita
ko ang liwanag.
Patay na ba ako? I thought.
Ilang sandali pa’y naaninag kong may
mga tao sa aking paligid. Unti-unting luminaw ang aking paningin at namukaan ko
ang mga taong ito. Si Papa, Mama, ang kapatid kong si Angel na may dala-dalang
sanggol, at ang anak kong si Gabriel Earl. Napansin ko rin si Tito Luis at Tita
Tess na mga magulang ni Gab. Nakita ko rin si Enso at si Ace na nasa di
kalayuan.
“Welcome back Jared!” They said. I
gave them a smile.
“Kamusta ang pakiramdam mo Anak?”
Tanong ni Mama, bakas sa kanyang mukha ang sobrang galak.
“Okay naman Ma… Malakas kaya ako.”
Pagyayabang ko.
“Weh? Echusera ka Kuya Jared! Eh
muntik ka na kayang madedo.” Sabat ni Enso na kinatawa ko.
“Kuya na-miss ka namin.”Sabi ni Angel.
Binigyan ko ito ng isang ngiti.
“Wow! Pamangkin ko ba iyan?” Gulat na
gulat kong tanong sa kanya.
“Yup. Gusto mo makita?” Sabay lapit sa
akin at iniabot ang bata.
“Ang cute-cute naman! Manang mana sa
Papa niya. Tingnan niyo yung mata oh… Gab na Gab!” Tuwang-tuwa kong sabi.
Pansin ko ang pasimpleng ngiti ni Angel at ang pagiging seryoso ng mukha ng mga
tao sa paligid. Kinutuban ako ng masama.
“Teka… Nasaan ngapala si Gab?”
Tahimik... Para silang naputulan ng
dila at hindi makapagsalita. Lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib.
“Where’s Gab?” Bakas sa aking boses
ang pagseryoso nito. Ilang Segundo ang nakalipas ay lumapit sa akin si Ella at
binigay ang isang sulat. Nakita ko ang pangalan ko sa envelop na iyon. Pansin
ko ang panginginig ng aking kamay habang binubuksan ang envelop na iyon, alam
kong merong hindi tama… Alam kong may mali. Pagkabukas ng envelop ay binasa ko
ang laman nito… Isang sulat.
Dear Jared,
Siguro ngayon nagtataka ka kung nasaan
ako at bakit wala ako sa tabi mo… Pero bago iyon, una, gusto kong magpasalamat…
Salamat sa lahat, sa pagiging pinakamalapit na tao sa buhay ko, sa pag-aalaga
sa akin, sa pagmamahal, salamat sa lahat-lahat Jared. Ikaw ang pinakamahalagang
tao sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng rason at pag-asa na mabuhay sa
magulong mundo na ginagalawan natin. Ikaw ang nagturo sa akin na i-appreciate
ang sarili ko kung sino ako… At higit sa lahat, sa iyo ko natutunan ang totoong
pagmamahal, ang pagmamahal na handang magsakripisyo, pagmamahal at pagtanggap
sa isang taong punung-puno ng imperfections…at pagmamahal na walang hinihinging
kapalit. Lahat iyon sa iyo ko natutunan at habang buhay kong dadalhin ang lahat
ng iyon.
Jared… I’m sorry, kailangan kong
lumayo… I made a deal. Nangako ako sa nasa itaas na lalayuan kita kapalit ang
bagong buhay na ibibigay niya para sa iyo. Nangako ako sa kanya na hindi na
muling magpapakita pa ulit sa iyo… Pero… Kagaya ng sabi ko sa kanya, kung
sakaling meron tayong “Right time”, kung dumating ang panahong magkita tayo
muli at mahal pa rin natin ang isa’t-isa, ibig sabihin noon ay siguro nga, tayo
talaga ang para sa isa’t isa at talagang ginusto ng diyos na ituloy natin ang
naudlot nating pagmamahalan... But Jared please, don’t try to find me. I don’t
want to break my promise. Basta lagi mo lang tatandaan, mahal na mahal na mahal
kita.
Love,
Gabriel
P.S. Kayo na bahala ni Ella sa anak ko
ha? Alagaan niyo siya, sa kanya mo ibaling ang pagmamahal mo sa akin.
Napansin ko na lang ang basa kong
mukha. Endless tears fell down from my eyes. My teeth are gnashing as well as
my hands are trembling as a sign of the incredible pain and sorrow in my heart.
Ella hugged me tightly as I whimper the sound of my misery.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment