[Jaysen’s POV]
Oo nagulat ako sa sarili ko ng halikan
ko si AJ.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi
na ako nakapagpigil.
Tae, nahihiya na ako.
Bakit ganun?
Dapat pinigilan ko ang sarili ko,
dapat inawat ko itong nararamdaman ko.
Dapat inayos ko ang sarili ko.
Pero sa kabila ng ito, hindi pa rin
ako nag sisisi ng lubusan.
Mantakin mo, sa wakas nahalikan ko na
siya. Ang lambot ng labi niya.
Alam mo yung feeling na gusto mo
siyang yakapin at halik halikan.
Ang sarap ng labi niya.
Ang bango ng amoy niya na nakakaadik
lang amuyin.
Yung pabango niya ay bumaon na sa
aking ilong.
Sobrang saya ko ngayong araw. Pero ang
katumbas naman nito, ano kaya ang naramdaman niya nung ginawa ko sa kanya iyon?
Nagalit kaya siya?
Nadismaya?
O nagustuhan niya?
Abot-tenga ang ngiti ko pag kauwi ko
sa bahay.
Dumeretso agad ako sa kwarto ko at
humiga sa malambot kong kama.
Di mawala wala sa isip ko yung
nangyari kanina.
Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag
nahalikan niya yung taong gusto niya este yung taong mahal niya?
Bastusang puso kasi ito eh, bakit ba
kasi siya pa ang tinibok? Haixt.
Arwin Jake Montederamos, mahal na
mahal kita.
Sana mapasaakin ka na. sana mahalin mo
na ako.
Sana mahal mo ako. Sana pag umamin
ako, pareho tayo ng nararamdaman.
Kapag nakamit ko na ang matamis mong
oo, sisiguraduhin kong ipaparamdam ko ang pagmamahal ko.
AJ, mahal kita mahal na mahal. Hindi
na kita maialis sa puso ko.
Dahil sa hindi matahimik ang puso ko
sa kakatibok sa kanya, napagpasyahan kong mag facebook muna.
Nakita kong online siya. Bakit kaya
gising pa tong mahal ko? Nag status muna ako.
“Yeah. It is the most memorable day
ever. Sulit talaga…” and I’ve got a like from him. Ako nag kusang i-chat siya.
“Bakit gising ka pa?” tanong ko.
“Ah eh. Wala naman. Di makatulog. Ikaw
ba?” sagot niya.
“Hindi din ako makatulog eh. Ayaw
akong patulugin ng puso ko.” Ang nasabi ko.
Bakit ganito na lang ang confidence
ko, handa na ba akong tanggapin na kailangan ko na siyang aminin sa kanya?
Pero hindi na muna. Kailngan patunayan
ko na muna na mahal ko siya. Desidido na ako na sa mga susunod na araw ay
aayusin ko na ang lahat. Magtatapat ako sa kanya.
“Aysus. Sino naman yan?”
“Ah eh secret na muna…” come on ikaw
yun adik ka ba? Ikaw nga hinalikan ko eh.
“Naku mamaya magalit yun sa akin. Kasi
nag date pa tayo kanina.”
“Ah eh. Hindi yun magagalit. I know
naman na maiintindihan niya yun.”
“So meron ka na palang dinedate, bakit
kailngan mo pa akong i-date?”
“May rason ako kung bakit at isa pa
balang-araw maiintindihan mo iyon.”
“Ewan lang din. Amp. Sama mo talaga.
Meron ka na palang ka relasyon nilalandi mo pa ako.” Sabi niya.
“Ang panget naman ng term, nilalandi.
Alam mo hindi ikaw pang landian lang, pang minamahal ka.”
“Talaga lang ha.”
“Oo naman. At isa pa, hindi bagay sayo
yung sinasaktan. Dapat pinapakita sayo na mahal ka.”
“Hindi ko alam. Bahala na. sige tulog
na ako.” Sabi niya bigla.
May nasabi ba akong masama? Hala ka, mamaya
may nabanggit akong sensitibo sa kanya.
“Okay ka lang ba? Sorry medyo ang dami
kong nasabi.” Sabi ko.
“Adik. Wala yun. Mood swing lang. okay
ako. Sus ikaw talaga. Tulog na ako mr.cool guy. Sige po. :*” ang sinabi niya.
Yeh, hindi na ako magtataka kung
minahal ko siya. Ipinapakita kasi niya na dapat ko siyang mahalin.
He is humble, he is sweet and everyone
deserves his heart and he deserve to be loved.
I know marami pa akong hindi alam sa
buhay niya at handa akong kilalanin siya. Jaysen loves you Arwin Jake. J loves
A.
Maaga akong nagising kinabukasan. Pupunta
ako sa bahay nila. Siyempre para manligaw.
Nagsuot lang ako ng simpleng jogging
pants at sando na puti. Then I wear jacket. Todo pa gwapo ako siyempre.
Nagpabango pa nga ako eh.
Pagbaba ko, naabutan ko na kumakain ng
breakfast sila papa.
“Jaysen, tara na dito, kakain na.”
“Uhm. Sige po.” Umupo na ako sa tabi
ni Princess.
“Saan ka pupunta?” tanong ni papa.
“Ah sa kabarkada ko lang po.”
“Ah. Anong oras ka uuwi?”
“Di ko po alam.”
“Kamusta pala finals ninyo?”
“Ayos naman po.”
“Hoping that you will having a good
grades.”
“Opo.”
“Sige. Next month I will have an
appointment to your Ninong, gusto ka niya Makita. Hoping you are available on
that day.”
“Sige po titignan ko po.”
“Sige alis na ako. Kayo na bahala
dito.”
“Kuya, cess, alis na ako ha.” Sabi ko.
“Naku kuya, sino naman yang bago mong
nililigawan?” sabi ni Princess.
“Wala pa naman. Pinopormahan lang.
kilala mo yun.”
“aysus. Magiimbistiga ako.”
“Kaw bahala. Hahaha. Sige alis na ako
mga utol.”
At umalis na nga ako. Ilang minuto
pagkatapos kong magbyahe ay nakarating na ako sa bahay nila AJ.
Hindi na ako nagdala ng sasakyan.
Ayoko naman na isipin niya na hindi
ako mabubuhay ng wala ang karangyaan.
Siyempre sincere ako na ipakita na
mahal ko siya.
Nakailang doorbell ako bago bumukas
ang pinto at sinalubong ako ng mama ni AJ.
“Good morning po tita.” Sabi ko.
“Oh ang aga mo naman ngayon? May
usapan ba kayo ni AJ?”
“Uhm wala po. Hahah anjan po ba siya.”
“Pasok ka muna. Ayun tulog pa rin nasa
taas. Gisingin mo nga.”
“Sige po.”
Agad akong pumasok sa kwarto niya at
handing bulabugin ang pagkakhimbing niyang pagkakatulog.
Agad kong nakita ang maamong mukha ni
AJ. Kahit tulog ang gwapo pa rin niya.
Para siyang anghel na nasa langit. ang
ganda ng hugis ng mukha niya. Sarap titigan.
Nakita kong muli ang kanyang mga labi
at pinagmasdan ito. balang araw, mapapasaakin din ang mga labing yan ng hindi
na ako nagnanakaw ng halik sa kanya.
Natawa ako sa pwesto niya sa
pagkakatulog, para siyang bata.
Ang likot matulog. Tapos nakaboxer at
sando lang siya matulog.
Ngayon ko lang siya actually nakita na
ganyan siya.
What more pa kung kami na, baka iba na
ang Makita ko?
Natatawa ako sa sarili ko dahil sa mga
iniisip ko. Para lang akong tanga na nag iisip ng kung anu-ano.
Nakaisip ako ng paraan para gisingin
siya.
Nakita ko yung ilong niya at pinisil
ko ito. agad naman siyang nagising at nagulat ng Makita ako.
Para siyang nakakita ng multo at
napabalikwas sa pagkakahiga. Sobrang nagulat siya dahil naroroon ako.
“Teka anong ginagawa mo dito?” tanong
niya.
“Bakit masama ba?”
“Hindi naman. Pero bakit nga? Ang
aga-aga pa eh.”
“Naku napakakunat mo talaga. Tanghali
na po kaya. Alas otso na oh. Grabe ka.”
“Aysus. Ganun na din yun. Teka sagutin
mo tanong ko.”
“Wala lang. napabisita lang masama
ba?”
“Ay naku ewan ko sayo.”
“Sige na maligo ka na. ng mahimasmasan
ang pagkakaflag ceremony mo jan.” natawa ako sa sinabi ko.
“Manyak ka talaga. Lumabas ka nga
dito.” Binato niya ako ng unan.
“Hahaha. I like it ha.” Tinawanan ko
lang siya.
Pagbaba ko, nakibalita agad si tita.
“Oh kamusta ang gwapong prinsepe?
Nagising mo ba?” tanong ni tita.
“Naku opo. Akala ko tulog mantika
hindi naman pala. Makapag boxer at sando kung matulog wagas eh.” “
"Naku masanay ka na jan. minsan
nga naka brief lang yan matulog. Hahahah. Mas kumportable kasi yan sa ganyang
set up. Malaki naman kasi ang natitipid naming sa kuryente sa batang yan.
Mantakin mo nakakatiis yang di gumamit ng aircon at electric fan. Gagamit lang
yan ng aircon pag talagang mainit. Tanda ko nga nakaabot yan ng isang taon na
hindi gumagamit ng fan o kaya air conditioner.”
“Wow. Nakakahanga talaga. Matipid
talaga siya tita no?”
“Naku oo, alam mo ba pati baon niyan
tinitipid niyan? Nag titiis yan minsan na hindi kumain kapag may pinag iipunan.
Ni hindi pa nga yan humngi ng baon sa amin kasi iniintay niya na kami ang
magbigay sa kanya.”
“Napakaswerte naman pala ninyo kay
AJ.”
“Naku oo sobra. Ang swerte din ng
mapapangasawa niya.” Biglang baling sa akin. Ngumiti lang si Tita ng
nakakaloko.
“Sana ako na yun…” pabiro kong sinabi.
“Bakit hindi?”
“Payag kayo tita?!”
“Dipende.”
“Paano ko ba makukuha ang loob ng
maganda at sexy na nasa harapan ko ngayon?”
“ay bolero ka ha. Pero I like it. Sexy
at maganda. Pasado ka agad sa akin.”
“Wow naman.” At nagkatawanan kami.
Nag kwentuhan kami ni tita ng biglang
sumingit sa pag uusap naming si AJ.
“Ma, anong ginagawa niyan dito?” tanong nito.
“Don’t be harsh anak. Ano ka ba? Ang
sweet-sweet naman niyang si Jaysen at isa pa I kinda like him.” Sabi ni tita.
“Naku ma, inabala niyan pagtulog ko
ha. Kasi naman ma agang-aga ginigisng ako.”
“Ayaw mo nun ginigising ka ng prince
charming mo?”
“Ma naman eh.” Sabi ni AJ.
“Aysus. Ayos pagtulog mo ha.” Sabi ko.
“Ayt nakakahiya talaga nakita mo ako
kung pano matulog.”
“Ayos lang ang cute nga eh
nakakainlove.”
“Wait teka. Mag ingat ka sa sinasabi
mo. Mamaya mainlove ka talaga sa akin.” Sabi ni AJ.
“Why not?”
“Naku wag ka. Mahihirapan ka sa akin
boy.”
“Eh ano ngayon?”
“Ewan bahala ka nga.” Nakita kong
natigilan siya noong nagging seryoso ang tingin ko sa kanya.
“Let the love begin… let the love come
shinning in…” kanta ni tita.
“Naku iho, itawag mo na sa akin ay
mama ha. Wag kang mahihiya.” Sabi ni tita.
“Ma naman.”
“Bakit? Sa tingin ko naman magiging
son in law ko siya.” Pagbibiro ni tita.
“It’s a pleasure po na tawagin ang
magandang babae na nasa harapan ko na mama.” Sabi ko.
“Bolero.” Singit ni AJ.
“Hoy AJ bakit hindi ba totoo?” sabi ni tita.
“Parang di naman.” Sabi ni AJ.
“Hoy sa akin ka nag mana kaya ka gwapo
ngayon pasalamat ka sa lahi ko.”
“Well ma, baka kay papa.”
“Naku.” Natawa ako sa bangayan nilang
dalawa. Sobrang close talaga nila.
Naalala ko bigla si mama. Okay na
siguro siya kung nasaan siya.
Yung feeling na namimiss mo siya.
Mga yakap niya at mga halik.
Yung tipo ban a pag sapit ng umaga
yakap-yakap mo siya. Bigla kong niyakap si Tita.
“Payakap tita ha. Este mama.”
“Sure thing. Nakakakilig naman
niyayakap ako ng gwapitong ito.”
“Naman tita.”
“Naku ma, landi ah.”
“Inggit ka lang anak.” “
"Well hindi ah.” Lumapit bigla
ako kay AJ at niyakap siya.
“Oy bigla siyang naiinggit oh.” Ang
sarap talagang yakapin niya.
“Oy wag kang manantsing sumbong kita
jan kay papa.”
“Minsan lang naman ito eh.”
“Hep hep alis jan. saka di naman kita
boy friend no.” kumawala siya sa pagkakayakap ko.
Di ko maiwasn ang mainlove lalo sa
kanya.
Hay AJ kung masasabi ko lang sayo na
mahal na mahal kita. Gutso na kitang mayakap ng matagal.
Yun bang handa ka na magpayakap sa
akin, makipag hawaka ng kamay at kung anu-ano na nga eh pa.
lalo mong pinapadama sa akin na mahal
kita sa bawat pagkatao mo.
Masaya sa bahay nila AJ.
Sila tita ay masayahin din
nakakabonding ko din yung kapatid niya.
Sobrang kukulit pero nakkatuwang
kasama.
Dami kong nalaman kay AJ.
Nakaktuwa ang pamilya niya. Na miss ko
tuloy yung dati.
Kung paano kami mag saya nila papa at
mama.
Masaya kami noon at hindi magulo ang
pamilya.
Pero simula ng mawala si mama, doon na
nagbago ang lahat.
Naging matigas na bato si papa.
Ang dating pamilya naming na Masaya,
nahiwa na ng bubog ng kahapon.
Masarap magluto si tita.
The best ang menudo niya.
Favorite ko kasi talaga yun sobra.
Lalo na pag si mama ang nag luluto,
wow the best.
Di ko maiwasan ang di isipin si mama.
Sana nasa tabi ko rin siya ngayon I’m
sure Masaya din siya.
Siyempre di ako dumayo dun para lang
tumambay, nandun ako para manligaw ng palihim.
Yeah parang mga kalalakihan lang nung
dating panahon, naglilinis at kung ano pa. enjoy ako habang naglilinis kami ng
bahay nila.
Masaya ako na ginagawa ko iyon. Ilang
taon na din or dekada ng huli kong gawin yun. I think nung nabubuhay pa si mama
yung time nay un. Nagiging close na kami ni AJ.
Paminsan-minsan pag nagbibiruan kami, niyayakap ko siya ng
palihim. Siyempre pasimple hahaha.
Ang saya ko kapag nakikita ko siyang nakangiti.
Iba ang kabog ng dibdib ko kapag nakikita ko siyang nakasmilesa akin.
I know na siya na, siya na ang
hinahanap ko matagal na.
[AJ’s POV]
Nagulat ako ng madatnan ko sa pag
gising ko si Jaysen. Ano ba naman yan? Kakapanaginip ko lang sa kanya tapos eto
na.
God ang bait mo talaga sa akin hahaha.
Nahiya naman ako sa kanya kasi naka boxer lang ako, siyepmre pag umaga alam
ninyo na kung ano ang meron.
Nahiya ako bigla. Feeling ko talaga na kanina
pa niya ako tinititigan haixt. Pero ang ganda ng gising ko, the best.
Nag bihis agad ako. Siympre naligo na
ako agad. Yeah crush ko na siya sobra. Pero parang love ko na nga siya eh for
correction.
Pagbaba ko ng kusina, nadatnan kong
nag uusap sila ni mama. Haixt. Ang gwapo niya today sobra. Maya maya bigla niya
akong niyakap, sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Grabe ha. Iba na to. Ligawan mo lang
ako baka sagutin na kita. Joke lang. PBB teens?
Yeah I spend my day together with him.
Naalala ko tuloy nung hinalikan niya
ako.
That was the moment na hindi ako
makatulog kakaisip doon. I love you JAYSEN MARVIN PANGILINAN.
Pinauwi ko siya after naming mag
dinner. Feeling nasa bahay lang niya siya. Akalain mo ba na mag topless na lang
sa bahay.
Di ko tuloy maiwasang mailang. Yeah he
had a perfect body. Ang kinis ng kutis palibhasa mayaman. Pero the best talaga
yung labi niya. Naakit ako dun sa labi niya. Kissable kasi eh hahaha.
“O talagang pinangatawanan mo na to?
Dito ka na talaga nag lagi?”
“Yeah want to be with you.”
“Ang corny mo.”
“Kilig ka naman.”
“Di ah. Asa”
Biglang dumating si papa galling sa
trabaho. Buti na lang at nakabihis na si Jaysen nung dumatin si papa.
“Good evening po.” Bati ni Jaysen.
“Good evening din.” Sagot ni papa.
“Darling si Jaysen pala. Ano ni AJ.”
Sabi ni mama.
“Anong ano?” tanong ko.
“Boyfriend mo anak?”
“Pa naman.”
“So manliligaw mo?” hindi pa ako
nakakapag salita ng biglang sumingit si Jaysen.
“Pwede po ba?” nagtawanan sila.
“Ayie kapatid ah. Di ka nagsasabi.”
“Naku loko loko yan maniwala kayo.
Sige na nga umalis ka na.” sabi ko.
“Aysus may LQ pa.”
“Naku iho, good luck dito sa anak ko
ha.”
“Hahaha. Sige po papa, una na ako.”
Sabi ni Jaysen. Papa? Kelan pa?
“Sige anak. Ingat.”
“Teka, ihatid mo na kaya siya AJ?”
“Kaya na niya sarili niya.”
“Okay lang po ako.”
“Sige na anak ihatid mo na siya. Mag
motor na kayo. Malapit lang siya dito si diba?”
“Ma okay lang yan… walang mang ra-rape
jan.”
“Anak isa..”
“Okay po sige na po.” no choice.
Habang nasa daan kami nakayakap siya
sa akin.
“Hoy lalaki, makayakap ka jan parang
mahuhulog ka ah.”
“Minsan lang naman to. At saka masama
ba?”
“Oo naman.”
“Ang bango mo.”
“Mabango talaga ako. Pati pawis
mabango.”
“Pero mas mabango ako.”
“Sus parang di naman.”
“Amuyin mo pa.”
“Wag na. mabaho yan for sure.” Bigla
niya akong hinalikan sa batok.
“Para saan yun?”
“Para matahimik ka na. mag concentrate
ka na nga jan maaksidente pa tayo.”
“Ikaw naman kasi eh. Wag ka nga
masyado mahigpit ang yakap.”
“yes boss.” Ilang minuto lang at
nakarating na kami sa tapat ng bahay nila.
“O ingat ka ha.”
“Yeah.”
“Kita na lang bukas.”
“Ay ganun?” Bigla niya akong niyakap.
Nagulat ako bigla.
“Sige na bye na. Good night.” Nakita
ko siyang nakatitig sa akin.
“Oh bakit ka ganyan makatingin?”
Bigla niyang hinila ang mukha ko sa
mukha niya at tuluyan na ngang nag isa ang aming mga labi.
Binubuka niya ang mga labi ko gamit
ang mga labi niya. Nasa state pa rin ako ng shock sa ginagawa niya.
Lalong kumabog ang tibok ng dibdib ko.
Piling ko bibigay na ang puso ko dahil sa sobrang tuwa. Di ko alam ang gagawin
ko, ano ba taong nangyayari?
Totoo ba ito?
hinahalikan ba niya ako?
Panaginip ba ito? sunod-sunod na
tanong sa aking isip.
Biglang bumulusok ang nararamdaman ko
at hindi ko napigilan ang sarili ko lumaban na ako sa halik niya. Napakapit ako
sa likod niya at di ko na napigilan pa.
nag aalab ang mga labi namin at parang
wala kaming pakialam kung may makakita sa amin. Gabi na noon at wala ng
masyadong tao.
Siya na mismo ang kumalas. Nagtatanong
ang mga mata ko at nakita ko na lang na ngumiti siya at nag good night. Naiwan
ako doon na nagtatanong, ano na nga ba kaming dalawa?
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
[James’ POV]
Ilang buwan na noong mangyari ang
pinaka pinag sisisishan ko sa buhay.
Hawak ko na siya eh, nasa akin na
siya. Nasa piling ko na siya, pero sa isang iglap nawala na siya.
After mag karoon ng misunderstanding,
doon na nagsimula ang lahat. Mali ang nakita niya noong araw na iyon. Maling
mali.
Di ko inaasahan na mangyayari iyon sa
akin at sa kanya. I love Arwin the most.
Siya lang ang katangi-tanging nagmahal
sa akin at nagpakita kung ano ang love. He teach me how to love and how to
appreciate every thing.
Oo noong una hindi kami mag kasundo,
pero nagdaan ang araw at unti-unti nahulog ang loob ko sa kanya. Yeah I am
James Arkin Ramos, 17 years old and 5’11’’.
Ilang beses kong sinubukang balikan
siya pero siya na ang nagtataboy sa akin. Hindi ako sumuko hanggang sa mismong
siya na ang lumayo sa akin.
Nabalitaan ko na lang na lumipat na
siya ng bahay. Matapos ang iskandalo na kinasangkutan naming dalawa.
Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin
ang pagmamahal niya. Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko
siya.
Sobra ko siyang mahal. Hindi ko alam
kung maibabalik ko ba ang kahapon. Ilang beses kong hinangad na sana ngayon na
lang ang kahapon.
Ilang buwan na kami dito. Isang buwan
matapos lumipat nila Arwin ay lumipat na rin kami. Matapos ang araw na iyon,
nung mag hiwalay kami, ibang pangalan na ang ginamit ko.
James ang kadalasang nitawag nila sa
akin pero ngayon pinagpasyahan kong Arkin na lang.
Next school year mag transfer ako ng
school sa isang unibersidad na malapit din doon. Medyo nahuli kasi ako ng
enroll kasi gawa ng mga requirements nag ka-conflict kaya ayun. Pero ayon naman
sa administrators ay credited yung course na kinuha ko.
Thanks God na rin. Si mama ang gustong
ilipat ako, well sa akin okay naman ako sa school na pinapasukan ko ngayon pero
si mama lang talaga ang hindi kumbinsido.
Sa buhay ko ngayon, marami na ang
nagbago. Hindi ko makakalimutan ang malaking pagbabago na aking kinasangkutan.
Pagbabago na kung saan humubog sa akin
at nagpakilala kung sino ba talaga ako.
Maaring sumasablay ako minsan sa
panlasa ng mga tao, pero natuto akong makisama sa kanila.
Tinulungan ako ng mahal ko na
bumangon. Arwin, nasaan ka nab a ngayon.
Kung alam mo lang kung gaano kita na
mimiss ng sbra at kung gaano ko gusting ipakita na nag sisisisi na ako sa
nangyari.
Sana bumalik ka na sa akin. Sana akin
ka na lang ulit.
Ilang lingo na rin akong kinukulit ng
isang friend ko sa facebook. Yeah he is kinda cute, mabait at masiyahin.
Whenever I’m sad eh siya lang ang
nakakapagpatawa sa akin.
Sabi niya malapit lang daw kami sa
isa’t-isa pero until now hindi pa kami nagkikita.
Ayoko na muna sigurong mainvolve jan.
nakahiga ako noon sa kama ko ng biglang nag ring ang phone ko. Tawag ito galing
overseas o ibang bansa.
“Hello.” Sagot ko sa tawag.
“Oh musta na ang malungkot na pogi
jan?” sabi ng nasa kabilang linya.
Nabosesan ko agad ang nagsalita, si
Chad.
“Oh ikaw pala yan. Naks ha, yaman,
overseas call. San ka ngayon ba?”
“Uhm hindi ah. Basta secret nay un
aaahahaha. Pero nagbabakasyon ako ngayon outside the country. Oh kamusta ka
na?”
“Fine. Eto nahinga pa.”
“Don’t say that such things. Alam mo
pareha kayo ng best friend ko, laging ganyan ang linya.”
“Awww. Destiny? Ipakilala mo naman ako
sa kanya. Hahaha”
“Aysus. Lalakero. Akala ko ba may
laman na yang puso mo? Bakit naghahanap ka na agad? Nakamove on ka na ba?”
“just kidding. Nope hindi pa rin ako
nakakamove on. Grabe di ko alam kung kakayanin ko.”
“Wag ka nga pakulong sa kahapon.”
“hindi ko mapigilan.”
“Subukan mo kasi.”
“Maybe some other time.”
“hay naku. Basta you should work on
it. Gueh got to go, mahal na ang bayad ko dito.”
“Okay ingat. Pasalubong ko ha.”
“Sa isang kondisyon”
“Ano yun?”
“Makipagkita ka na sa akin.”
“Hahahah. Sus yun lang pala. Bahala
na. sige bye”
“Hahaah. Okay bye.”
Masaya ako kapag nakakausap ko si
Chad. I think he is the only one that can understand me.
Napalayo na kasi ako sa mga kabarkada
naming kaya eto na ang nagyari wala na akong masyadong nakakakwentuhan.
Habang nakahiga ako, nasagi sa aking
mata ang singsing sa aking daliri. Tanda ko pa noong isinoot niya sa kamay ko
yung singsing nay un
Pakiramdam ko sa akin siya at sa kanya
ako sa mga panahong iyon. Namimiss ko talaga siya sobra.
Namalayan ko na lang na lumuluha na
ako. Sobrang mahal ko talaga siya. Muli nanariwa ang mga pangyayari sa
nakaraan.
Mga pangyayari na lubos na nagpabago
sa akin.
(Flashback)
Di ko aakalain na magiging malapit
kami ni Arwin. Oo nagbabangayan kami dati at hindi magkasundo pero matapos ang
ilang araw na pagsasama naming hindi ko na lang namalayan na unti-unti gumagaan
na ang pakiramdam ko sa kanya. Di ko alam kung bakit pero lagi ko na lang
siyang gustong kasama.
Minsan pasimple na lang ako na nagpapasama
siya or tinatakot ko siya na hindi ako papasok ng school kapag hindi niya ako
sasamahan. Kampante ako kapag kasama ko siya. He changed me a lot since then.
Mula ng mamatay si papa, doon na
nagsimulang magbago ang tahimik kong buhay. Ilang beses akong nasangkot sa gulo
at kung anumang mga kaguluhan. Sobra akong nadepressed sa pagkawala ni papa.
Si papa kasi ang best friend ko mula
pa ng bata. Lahat ginawa niya para sa amin. Sobrang close ako sa kanya. Pero
matapos ang mga pangyayaring ito, ginago ko na ang sarili ko. Lahat ng mga
kalokohan pinag gagawa ko.
Noong una palang talaga hindi na kami
magkasundo ni Arwin. Paano ba naman nakakaasar kasi eh, satsat ng satsat. Dami
pang mga sinasabi. Talak ng talak, pero hindi ko alam na eto rin pala ang
magiging dahilan kung paano ako mapapalapit sa kanya.
Matapos akong dalhin ni mama sa isang
orphanage, naging maayos na muli ang buhay ko. Ang mga bata doon ang nagmulat
sa akin na hindi pa katapusan ng mundo. Kasama si Arwin na nagmulat sa akin
noon.
Oo galit ako sa mundo matapos mawala
ni papa, pero hindi tama iyon. Napamahal na rin sa akin si Khail. Ang cute kasi
niya at ang bait pa niya.
Nagtext ako sa kanya para lang pumasok
ako.
“Sunduin mo ako dito sa bahay.” Sabi
ko. Hinintay ko ang reply niya. Ilang minuto lang ay nagreply siya.
“Ano tingin mo sa akin service mo?”
“Hey bahala ka di ako papasok.”
“Edi wag. Pakialam ko ba.”
“Okay sige. Madedepressed na naman si
mama pag nakita niya na nagloloko ako sa pag aaral tapos hindi nagiging
effective yung favor niya sayo.”
Natagalan siya bago mag reply. Wala na
ata talaga itong balak mag reply sa akin. After 20 minutes, namalayan ko na
lang na nagriring yung phone ko.
aba tumatawag siya sa akin. Hahahah.
Sarap talagang asarin nito.
“Hello.” Sagot ko sa phone.
“Oh asan ka na andito na ako sa labas
ng bahay ninyo.”
“Wow. Hahahaha. Sige bababa na ako.”
“Haixt. Bilisan mo nga.”
“Yes boss.” Nagmadali na agad ako sa
pagbaba.
Kanina pa ako bihis. Tinatamad pa lang
talaga ako umalis ng bahay. Unexpected talaga na pupunta siya dito.
“Ma, alis na po ako.”
“sige ingat ka. Hmmm. Teka.”
“Bakit po?”
“Mukhang Masaya ka ata?”
“Si mama naman. Wala to. Ay tsaka
hindi pa po ba kayo nasanay?”
“Hindi, ngayon ko lang nakita na
nakangiti ka umagang umaga.”
“Ayt si mama. Sige alis na po ako.”
“Nga pala, sabihin mo kay Arwin na
dito siya mag hapunan mamaya ha.”
“Okay” Anong meron at maghahanda si
mama? Haixt. Napangiti agad ako ng Makita ko si Arwin na nakasimangot.
“Oy agang-aga nakasimangot.” Sabi ko.
“Pakialam mo ba?”
“Ang sungit mo pre.”
“Nakakainis ka kasi eh. Kung anu-ano
pa mga pinagsasabi para lang takutin ako.”
“Ang sarap mo kasing asarin eh.”
“Adik mo lang boi. Sige tara na
mala-late pa tayo niyan eh.”
“Sige na boss. Wait lang kunin ko lang
motor.”
“Eh wag na. mamasahe na lang tayo.”
“Gusto ko mag motor eh.”
“Wag na nga ang kulit.”
“Bakit ba yaw mo? Mas makakatipid nga
tayo eh.”
“Basta ayoko. Tara na.”
“Siguro takot ka sa motor no?”
“Hindi ah.”
“Talaga lang ha.”
“Oo na. bilisan mo na mala-late na
tayo.”
“Hahaha. Sige na boss tara na.” Sarap
talaga niyang asarin.
Ang daldal niya kahit kalian. Ni hindi
siya nauubusan ng kwento. Kaya ga pag kasama ko siya tawa na lang ako ng tawa.
Kapag naasar naman siya eh yun ang
pinaka kinatutuwaan ko.
Yung tipo ba na mag susungit siya sa
akin. Pagdating namin sa school eh naalala ko bigla yung pinapasabi ni mama sa
kanya.
“Pre, sabi ni mama doon ka daw sa bahay
mag dinner. Di ko alam kung bakit.”
“Ah ganun ba. Sige sige. Nakakahiya
naman.”
“Naku uso ba sa yo yun?”
“ang kapal mo naman. Ano ang tingin mo
sa akin makapal ang mukha?”
“ikaw nag sabi niyan hindi ako.”
“Nye. Ewan ko sayo.”
“Hahaha. Easy lang.”.
medyo mahaba ang araw ngayon. Hindi ko
alam kung bakit pero siguro dahil nakakatamd lang talaga mag aral. Matapos
angklase, sabay na kami ni Arwin na pumunta ng bahay.
Naamoy ko agad ang mabangong amoy na
nagmumula sa bahay namin.
“Wow ang bango ah.” Sigaw ko
pagkapasok ko ng bahay.
“Oh anak nandito na pala kayo. Sige
bihis ka na muna tapos kakain na tayo ng dinner.
“Gandang hapon po tita.” Bati ni
Arwin.
“Sige taas na muna ako.” Mabilisan
lang ako nag bihis at agad na akong bumaba.
“Anong meron ma at nag luto ka ng
ganito kadami?” tanong ko.
“Magcelebrate tayo kasi naman eh
nagbabago na tong bunso ko.” Sabi ni mama.
“Si mama naman. Ang babaw ha.”
“Hoy pre, matuwa ka nga. Hindi mababw
yang pagbabago mo. Tae nito.”
“Aysus. Ewan nga. Teka bakit kasama pa
yang masungit na yan?”
“Kasi siya ang tumulong sayo. Kaya
thanks to him anak.”
“Aysus parang hindi naman.”
Bigla siyang dumila sa akin. Yeah ang
sarap talaga ng luto ni mama. The best. Matagl tagal na rin ng last na mag luto
si mama ng ganito.
After naming kumain, naisip ni mama na
mag movie marathon kami nila Arwin. Kakaiba talaga tong si mama, ang dami pa
palang niluto na kung anu-ano. Food trip kami. Yeah rick, vusog na naman ako.
Matapos yung isang movie ay nagpaalam na si Arwin.
“Alis na po ako tita.” Sabi ni Arwin.
“Naku pahatid ka na kay James.”
“Wag na po okay naman po ako.”
“Dali na. Di ba James ihahatid mo
siya.”
“Di ba ma sabi niya wag na?”
“Be polite naman James ikaw talaga,
ihatid mo na siya.”
“Okay.”
Nakalimutan kong ayaw nga pala niyang
sumakay sa motor. Siguro may bad side sa kanya iyon. Malay mo balang araw
matuto na siyang mag motor.
“So tara na?” sabi ko.
“Mamamasahe na lang ako.”
“Ang kulit mo di no? diba sabi ni mama
ihatid na kita?”
“Eh nang aasar ka ba? Grabe ha sabing
takot ako sa motor eh.”
“Oh. Sorry nakalimutan ko. Tsaka
halika na nga, di na man kita isasagasa eh. Masarap mag motor try mo.”
“May phobia ako jan no. nag taob na
kami jan dati. Akala ko mamatay na ako.”
“Well, it’s time to face your fear.”
“Eh ayoko nga.”
“Dali na ang arte ay.”
“Dahan-dahan lang ha.”
“Okay.”
Ewan ko kung anong topak pumasok sa
isip ko at binilisan ko yung takbo ng motor. Kitang kita ko ang pagpikit ng
mata niya.
Napayakap tuloy siya sa akin ng
mahigpit. Tae ang dyahe, yumayakap siya sa akin.
Pero bakit ganun, ang lakas ng tibok
ng dibdib ko? Bakit? Anong meron? Ang higpit ng pagkakayakap niya.
Pero nasarapan naman ako sa yakap
niya. Not exactly nasarapan, let me say, nag enjoy ako.
Di ko alam kung bakit pero parang
babae lang siya na girlfriend ko na nakayakap sa akin. Yeah, he is one of a
kind talaga at mysterious. Nakarating na kami sa kanila at tumigil na ang
motor.
Agad siyang bumaba at ramdam ko ang
nginig sa kanyang mga kamay.
Namutawi sa kanyang mata ang
pira-pirasong luha na ilang beses niyang pinahid. Na-guilty tuloy ako.
“Sorry.”
“You’re evil. Nakakinis ka talaga.”
“Sorry na.”
“Umalis ka na nga dito. Ayoko ng
Makita mukha mo.”
“Ui sorry na…” paulit-ulit kong
sinasabi.
“Ewan sayo. Umalis ka na baka
mapabugbog pa kita.”
Bigla ko na lang siyang niyakap ng
hindi ko alam kung ano ang dahilan. Alam kong nagulat din siya sa kung ano ang
ginawa ko.
Natahimik siya bigla at ako naman ay
natulala sa ginawa ko.
Tae, ano ba tong pinasok ko?
Bakit niyakap ko siya?
Ang dyaheng tignan, pareho kaming
lalaki pero yakap-yakap ko siya. Agad naman akong kumalas ang pumunta sa motor
at umalis.
Walang imik-imik ay umalis na ako.
Lutang ang isip ko habang pabalikng bahay. Siya lang ang iniisip ko.
Di ko mapigilang mag sisi sa ginawa ko
kanina. Ang tanga-tanga mo talaga James kahit kalian.
Bukas na bukas mag sosorry ulit ako.
Mukhang magbabangayan na naman kami.
Ilang araw ding absent si Arwin.
Tinatawagn ko siya pero hindi niya
sinasagot. Nag aantay lagi ako na mag online siye pero kahit anino wala.
Pinagtanung-tanong ko kaibigan niya
pero hindi din nila alam.
Ano kaya ang nangyari sa kanya? Nag
decide ako na puntahan siya sa bahay nila. Habang papunta ako sa kanila, may
part sa ain ang nag aalinlangan.
Ano ba nangyayari sa akin?
Daig ko pa ang boy friend kung mag
alala eh.
Pagadating ko sa kanila, nag door bell
ako. Ilang saglit lang ay nag bukas ang pinto at iniluwa si Arwin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
“Bakit absent ka?” tanong ko.
“Bakit mo naman naitanong?”
“Eh tagal mo ng absent eh. Wala na
akong mautusan.”
“Wew. May inasikaso lang kami. Inaayos
yung bahay na binili ni papa. Medyo naging abala lang doon kaya ayun.”
“Lilipat na kayo ng bahay? Paano yung
schooling mo?”
“Exage? Adik mo lang, di pa naman kami
lilipat, pati isa pa, matatagalan pa yun. Baka nga gawin lang bahay-bakasyunan
yun, pinapaayos kasi ni papa.”
“Ah ganun ba, so papasok ka na bukas?”
“Excited? Meron pang lunes. Sabado
bukas.”
“Ah oo nga pala.”
“Yan kasi. Ano bang nakain mo at
sobrang clumsy mo?”
“Ako clumsy? Aba naman pre.”
“Hahaha. Joke lang. uhm, may gagawin
ka bukas?” tanong niya sa akin.
“Wala naman, bakit?”
“Labas tayo. Samahan mo ako ha.”
“Paano kung ayoko?” biro ko.
“Okay. Sige good night.” Sabiniya.
Nakakapanibago talaga siya. Ni hindi niya ako binabara.
“Yeah see you tomorrow. Good night.”
Napangiti lang siya.
“ingat sa pag uwi.” At tumango lang
ako.
(End of Flashback)
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na
ang antok. Tutulog na ako, may pasok pa ako kinabukasan. Hanggang ngayon
hindiko pa rin alam kung saan na nakatira sila Arwin.
Ayaw nilang sabihin sa akin at ayaw
nilang ipaalam. Alam kong meron silang alam ngunit ayaw lang talaga nila
sabihin. Bago ako natulog, hinaikan ko muna ang picture ni Arwin.
“I love you mahal…. I miss you a lot…”
wari’y magsasalita ang picture sa ginagawa ko.
Sana malaman mo na ikaw pa rin ang
laman nitong puso ko. Ikaw lang ang tanging nilalaman nito at sayo lang ang
space na nandiito. Habang iniisp ko ang mga bagay na ito, di ko namalyana na
unti-unti na akong nahihimbing sa pagtulog.
Masigla ako na pumasok kinabukasan. I
want to start my day happy and energetic. Dami ko na agad na kaibigan dito sa
campus.
Yan ang isa san a-gain ko noong kami
pa ni Arwin, to have a pleasing personality to all. Binansagan nga ako na Mr.
Dimples kasi bagay daw sa kagwapuhan ko it.
Well, hindi naman masyado. Hahahah.
Nasa jeep ako noon at kasabay ko ang isa sa mga classmate ko ng suddenly, one
person captures my eyes.
Totoo ba ito o nag hahallucinate lang
ako?
Kinusot ko ang aking mga mata at
nakita ko ang tao ng kahapon. Nakita ko si Arwin, ang pinakamamahal ko. Labis
akong nagalak sa nakita ko, dito pala siya lumipat sa lugar na ito.
lumukso ang puso ko dahil sa
naramdaman ko. Napangit ako ng wala sa oras. Gusto ko siyang sigawan pero
walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig.
Natulala lang ako at hindi
makapagsalita.
Namalayan ko na lang ang sarili ko na
lumuluha.
Lumuluha dahil sa kagalakan. Lumuluha
dahil sa wakas, nahanap na din kita.
At sa pagkaktaong ito, ibabalik kita
sa piling ko.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
[AJ’s POV]
Dumaan ang dalawang lingo na laging
napunta sa bahay namin si Jaysen. Now I know na sigurado na ako sa feelings ko.
Mahal ko na si Jaysen. Pero may part
pa rin na nagsasabi na wag.
Wag kasi hanggang ngayon nasa parte pa
rin ng puso ko si James. Hindi ko ata maalis siya sa puso ko.
Bakit ba hanggang ngayon dala-dala ko
ito. kalian ko kaya maalis ito?
Pero mahal ko naman si Jaysen, yun nga
lang hindi tulad ng pagmamahal ko kay James. Ang sweet niya sa akin. Di ko
maikakaila na minsan naiisip ko na baka may gusto na rin siya sa akin, pero
ewan, ayaw niyang mag salita.
Nakilala ko na ang pagkatao niya. Ang
tanga ko pala na sinusungitan ko siya dati. Mabait siya, mapag kakatiwalaan at
maasahan.
Ilang beses na nga akong tinatanong
nila mama kung ano ang lagay niya sa akin.
Tinatawanan ko na lang sila. Para
naman kasi silang mga balita na naglalagablab na mag roll sa camera.
Isang beses niyaya niya ako na
mamasyal. Di naman bago sa akin yun. Lagi na kaming umaalis ng bahay at
namamasyal.
Di ko alam kung ano ba talaga ang
lagay ng relasyon naming dalawa.
Ewan, I don’t have any concrete answer
for that. Basta ako masya pag kasama ko siya. He made me feel kung paano
ma-inlove muli although I am not that 100% repair.
Oo alam ko na mahal ko pa rin siya,
pero what if si Jaysen ang pumunan ng space dito sa puso ko. Pero, bakit ko ba
iniisip tong mga ito.
Bakit, mahal ba ako ni Jaysen? Pareho
ba kami ng nararamdaman. haixt. Arwin
Jake Montederamos, magisip-isip ka nga.
Ang ganda ng sunset, doon kami
nakapwesto sa may kita ang sunset. Dito kami madalas pumunta. Napaka
sentimental ata nito sa kanya eh.
“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.
“As always naman eh.”
“Baka mamaya nagsasawa ka na ha.”
“Hindi ah.”
“Good.”
Yeah, ang akward ng setting naming
dalawa, ang daming mag lovers dun, boys, girls at bisexual. Para tuloy kaming
mag lovers.
Nahiya ako bigla kaya nanahimik na
lang ako. Pero yung feeling na isipin nila na mag boy friend kami, labis ko
itong ikinapula.
“Pwede ka bang mahiram?” bigla niyang
sinabi.
Naguluhan ako at hindi ko maintindihan
kung ano yung sinasabi niy.
“Ano daw?”
“Sabi ko kung pwede ba kitang
hiramin?”
“Hiramin? For what?”
“Para maging lover ngayong araw.”
Nagulat ako sa sinabi niya.
Sobra talaga akong nashock na
sasabihin niya iyon.
“Adik. Talagang hiram ah.”
“Naiinggit kasi ako sa kanila.”
“Aysus.nainggit daw.”
Hindi na siya sumagot at inakbayan na
lang niya ako bigla.
Hinawakan din niya yung kamay ko na
para bang totong magkarelasyon kami. Namiis ko yung set up na ganito.
Yung tipo na magkasama kami ng mahal
ko at magakahawak kamay. Unti-unti naramdaman ko na tumutulo ang aking luha. Di
ko mapigilan na pahirin ito dahil unti-unti na itong dumadami.
“Oh bakit? May nagawa ba ako?” tanong
niya.
“Uhm wala naman, adik, may naalala
lang ako.”
“Ah ganun ba. Wag ka nga umiyak jan.”
pinahiran niya ang luha ko.
Nakita ko na naman ang mukha niyang
maamo. Hindi ko tuloy maiwasn ang mapatitig sa kanya. Inaakit niya ako gamit
ang kanyang mga mata.
Hinawakan niya ang baba ko at
hinawakan ko naman ang kamay niya.
Ilang saglit lang naramdaman ko na
lang na malapit ng mag lapat an gaming mga labi.
Please lang sana naman kung sakaling
ikaw ang mag mamahal sa akin ingatan mo ako. Sana lang ingatan mo ang puso ko.
Biglang nag ring ang phone ko.
Tumatawag si mama, ano ba yan panira ng moment.
“Hello ma.”
“Hello anak, naku umuwi ka na. may
naghihintay dito sa bahay.”
“Sino daw po?”
“Basta may naghihintay sayo.”
“Okay sige uuwi na po kami.”
“Sige ingat kayo ha.”
“Okay po.” Binaba ko na yung phone.
“Uwi na daw tayo.” Sabi ko.
“Okay sige.” Sabi niya.
Nagmadali kaming umuwi dahil sa may
bisita nga ako. Tahimik lang siya habang pauwi kami. Di ko alam kung ano ang
tumatakbo sa utak niya.
Ano nga ba ang nasa isip niya ngayon.
Ano kaya yung tinutumpok ng mga ito?
Hinatid na muna niya ako pauwi bago
siya uluyang umuwi.
Nag commute ang kami at hindi na
gumamit ng kotse.
“Ingat ka pag uwi…” sabi ko.
“Teka lang…” sabi niya bigla sa akin.
“Ano yun?”
“Uhm…. Konting panahon na lang…”
“Ang alin?”
“Konting panahon? Para san?”
“Basta” bigla na lang niya akong
niyakap.
“Sige una na ako.” Sabi niya.
“Okay. Bye ingat.”
Matapos niyang makasakay, nag madali
na akong pumasok ng bahay.
Pagpasok ko nakita ko agad si Chad na
nakatayo malapit sa may bintana at nakatingin sa akin ng matalim.
“Chad?”
Kinabahan ako biga. Nakita kaya niya?
Nakita ba niya kung ano yung ginawa ni
Jaysen kanina?
Naguluhan ako bigla sa nararamdaman
ko.
Bakit ko ba nakalimutan na nanjan nga
pala si Chad?
Bakit ko nakalimutan na may gusto din
siya kay Jaysen?
I felt bad tuloy. Sa lahat pa ng
makakbanggan ko si Chad pa. he is a good best friend to me.
Bigla nagbago ang pananaw ko,
nagdalwang isip ako kung itutuloy ko tong nararamdaman ko.
Nagtatanong ng mga tingin niya. Para
ba niyang tinatanong na,
“Anong balita? Kayo na ba?” yan ang
nasa isip ko na parang iniisip din niya.
“Kailan ka pa bumalik?” tanong ko.
“Kanina lang.”
“Ah ganun ba. Oh kamusta?” pilit kong
tinutuwid ang pag uusap naming para hindi mahalata na kinakabahan ako.
“Ayos lang ako. Ikaw, ikaw ang dapat
kong kamustahain? Kamusta kayo ni Jaysen?”
“Ano ba namang tanong yan?”
“Ano ba namang klaseng best friend
ka?” bigla niyang sinabi. Ramdam ko ang
galit niya. First time niyang magtaas ng boses.
“Chad…” hindi ko natapos ang pag
sasalita ko.
“Well, pumunta ako dito para
i-surprise ka cause I’m back, pero mukhang ako ang nasurprise. Well good Job.
Nasurprise ako.” Sabi niya.
“Teka. Mali ang iniisip mo.”
“Siguro nga mali ang iniisip ko pero
tandaan mo, tama ang nakita ko. Hindi ako bulag, hindi rin ako mangmag AJ.
Bakit? Bakit mo nagawa sa akin ito?”
“Let me explain.”
“Explain? Sige mag explain ka. Make it
reasonable kasi kung hindi, kalimutan mong mag best friend tayo.”
Natigilan ako bigla sa sinabi niya.
Hindiko mapigilan ang maaluha.
“Hindi kami okay, walang namamgitan sa
amin. Yun ang totoo.” Sabi ko.
“Pero bakit? BAkit kayo mag kasama at
niyakap ka pa niya?”
“Lumabas lang kami.”
“Ang sweet ha. Bakit hindi mo sinabi
sa akin na may mutual understanding na kayo?’
“Wala kaming mutual understanding,
wala siyang sinasabi sa akin o inaamin. Manwala ka sa akin.” Paliwanag ko.
“Ikaw ba? Gusto mo siya?” hindi ako
makasagot.
“Kahit hindi ka sumagot alam ko na.
Hindi ako makapaniwala. Bakit ikaw pa? sa lahat ng tao bakit ikaw pa ang gagawa
nito sa akin? Alam mo naman ang pinagdaanan ko dun sa isa kong best friend di
ba? akala ko iba ka, katulad ka rin pala niya.”
Namuo ang katahimikan sa paligid
naming dalawa. Hindi magawang bumuka ng bibig ko. Paano ko ba ipapaliwanag sa
kanya ang lahat?
Paano ko ba sasabihin na kaya ko
naming pigilan ang nararamdaman ko eh. Para lang sa kanya, kaya kong gawin ang
lahat.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at
umaktong papalabas. Agad ko siyang pinigilan.
“Chad saglit lang.” bigla siyang
napatigil.
“Oo gusto ko siya, actually mahal ko
na nga siya eh.” Nakita ko ang pag kuyom ng kanyang mga kamay.
“Hindi ko sinasadyang magkagusto sa
kanya. Pinigilan ko naman eh, pero hindi pa rin. Nagging selfish ako at
nakalimutan ko na nariyan ka nga pala, pero hindi ko siya inagaw sayo. Una
palang sinubukan ko na siyang iwasan pero siya ang lumalapit.”
“Edi ikaw na ang gwapo.” Sabi niya
bigla.
“Makinig ka muna.” Sabi ko.
“Okay I will.”
“Hindi ako tulad ng best friend mo na
ginawa sayo yun, alam mo namang inagawan din ako noon…” bigla siyang sumabat.
“Kaya ba nang-aagaw ka na rin ngayon?”
“Pwede ba, tanggalin mo yan sa isip
mo?”
“Hindi ko maiwasan. Baka nga di pa
kita kilala ng lubusan.”
“Ano ka ba? Magkakaganyan ka lang ba
ng dahil sa isang lalaki? Sige sayo na. wala akong balak agawin siya sayo. Mas
pipiliin ko pa ang masaktan para sayo. Ayaw kitang saktan. Mahal kita bilang
kaibigan. You show me the true friendship. I miss my best friend back then pero
ikaw ang pumuno noon. Gagawin ko ang lahat para sayo. Gagawin ko ang lahat para
maging Masaya ang best friend ko.” Sabi ko.
“Hindi ko kailangan ang limusan. Hindi
ako pulubi.”
“Don’t get me wrong please lang.”
“Shut up.” Sabi niya.
“You shut up. For once and for all,
making ka nga sa akin. Masisira lang ba ang friendship natin ng dahil lang
dito? At isa pa, ano naman kung mahal ko siya? Mahal din ba niya ako? Gusto din
ba niya ako? Ano ngayon kung pareho tayo ng mahal? Oh diba? Wala naming mag
iiba. Para lang naman tayong two friends sa teleserye na may gusto sa iisang
lalaki.” Sabi ko.
Nakita ko ang ginawa niyang pag iisip.
Siguro nag sink in na sa kanya ang mga sinabi ko.
“May point ka, pero hindi ko pa rin
magawang makalimutan na parang nag aagawan tayong dalawa.”
“hindi kita inaagawan.”
“Sorry sa makitid kong utak. Ikaw
naman kasi eh, di mo agad sinabi. Akala ko kasi na iniisahan mo na ako porket
wala lang ako dito sa Pilipinas.”
“Tuktukan kaya kita.”
“Eh naman. Kasi eh.”
“So bati na tayo?”
“Ano pa nga ba? May magagawa pa ba ako
sa drama ng best friend ko?’
“Hay naku. Ikaw talaga. Para tuloy
tayong mga nag dadrama sa teleserye.”
“Hay naku. May point ka naman kasi eh.
At isa pa, wala akong karapatang magalit. Dapat nga maintindihan kita eh.
Nagging selfish ako. Masyado kasi akong inatake ng inggit.”
“Hay naku wag kang maiinggit no.”
“Hay naku. I should be the one na
dapat magparaya.”
“Bakit naman?” tanong ko.
“Kasi you were always there for me. We
shared laughters and tears then eto, simpleng bagay di ko maibalik sayo. Ikaw
na nga ang lagging nag sasakripisyo eh.”
“Aysus. Ikaw talaga. Hindi ako papaya
na sa isang lalaki lang masisira ang friendship natin.” “Ako din. Peks man.”
“Hoy ikaw. Di ko sinasabi na layuan mo
siya ha. Sa akin kasi gusto ko lang naman siya eh pero hindi ko siya mahal.”
Sabi niya sa akin.
“Shh. Basta lalayuan ko na siya for
you. Mamaya kasi may hinder feelings ka pa jan.”
“Oy wala ha.”
“Aysus. Talaga lang. parang kanina
lang akala mo mag jowa kayong dalawa.”
“Eh kasi naman nabigla lang ako. At
isa pa, crush ko lang siya. Marami pa jan sa tabi-tabi.”
“Kaya naman pala eh. Siguro meron ka
na agad iba kaya ganyan ka.”
“Hindi ah. Nek nek mo.”
“Wushu. Kilala kita Chad.”
“Well kala mo lang yun.”
“Adik mo.”
“Pero seryoso ako, kung maging kayo
man, sabihin mo lang sa akin. Ayokong nagugulat ako tulad kanina.”
“Adik mo. Hindi na mangyayari yun.
Pipigilan ko na feelings ko.”
“pustahan tayo ano?”
“Aysus. Ewan sayo. Basta bahala na.”
“Okay sabi mo. Salamat ha.”
“Para saan?”
“Kasi you really care for me. Na lagi
mo na lang akong inuuna para sa sarili mo.”
“Walang anuman yun. Ikaw din naman
ganun para sa akin eh.”
“Best friend talaga kita.”
“Naman.”
“Sorry sa mga sinabi ko kanina ha.”
“Okay nay un. Pang teleserya nga
katarayan mo eh.”
“Oy hindi naman.”
“oo kaya, sana nirecord ko para naman
Makita mo.”
“Sapakin kita jan eh.”
“Bakit kaya na ng buto mo?”
“Well, I gain muscles.”
“lalo naman ako.”
“Yabang mo.”
“di naman.”
“Aysus.” At nagtawanan kami.
It’s happy to have your best friend on
your back. He will there to comfort you in all times.
May mga pagkakataon lang talaga na di
maiiwasan ang away, tampuhan at misunderstanding.
Mahirap sabihin ang mangyayari sa
hinaharap.
Walang permanente sa mundo, maaring
mawala ang mga bagay-bagay na ito sa ibang pagkakataon.
Alam ko kahit pinagtutulakan niya ako,
nasasaktan pa rin siya.
Ang awkward sa pakiramdam kapag ikaw Masaya samantalang
yung best friend mo nag durusa.
Noong gabing iyon, malalim ako nagisip
nun. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero kung sa tingin kong dapat,
ayun ang gagawin ko.
Hindi na ako mag hehesitate na gawin.
Buong gabi ko pinag isipan ang gagawin
ko. Buo na ang desisyon ko na layuan siya para sa friendship naming ni Chad.
I can never find another person like
Chad himself. I am blessed to have him in my life. I can have another boyfriend
but bestfriend is very hard and rare to find.
Alam ko masasaktan siya, kaya may
plano na akong gawin.
Gagawin ko ang lahat para maipadama sa
kanya na kahit sa kokoonting panahon, minahal ko siya. Susulitin ko ang araw ko
sa kanya.
Gagawin kong memorable ang lahat. Sa
kahuli-hulihang pagkakataon, gagawin kong Masaya ang araw ko.
Kahit na hindi man niya napalitan sa
puso ko si James, siya naman ang nagpadama sa akin na may tao pang dapat kong
mahalin at hindi dapat ako magpalugmok sa nakaraan.
Maaga akong nagising kinabukasan.
Actually, hindi ako masyado nakatulog. Hindi kasi ako makatulog kakaisip kung
ano ang gagawin ko. Nag handa na agad ako ng sarili ko.
Alam kong pupunta siya dito sa bahay,
kaya nag handa ako ng pagkain. Yung special kong niluluto kapag may bisita
kami. Todo pasarap ako sa niluluto ko. Matapos ko ito, nakita kong nakatingin
lang sa akin si mama.
“Para yan kay Jaysen no?” sabi nito.
“Si mama naman, siyempre para sa
akin.” Pagdedeny ko.
“Aysus. Talaga lang ha.”
“Tong si mama talaga. Oo na.”
“Oo na?”
“Maang-maangan ma?”
“Linawin mo kasi.”
“Oo para sa kanya to. Papasalamat.”
“Pasasalamat lang ba?”
“Oo naman.”
“Eh may kasama bang pagmamahal?”
“Ewan ko.”
“Ewan means yes…”
“Talaga?”
“Oo.”
“Daming alam mama.”
Umikot-ikot si mama sa may lamesa at
kung anu-ano ang tinikman.
“Anak, tapatin mo ako. Mahal mo nab a
siya?” seryosong tanong ni mama.
Tumingin lang sa kanya ako ng seryoso.
Ngumiti lang ako at alam kong alam na niya ang sagot. Ngumiti siya at
nagsalita,
“Alam ko na ang sagot.”
Kumanta-kanta pa si mama habang
papalayo. Umakyat na muna ako sa kwarto ko para mag ayos ng aking kama.
Nag ayos ako ng bathroom at nung kama
ko. Nahiga ako saglit at tinignan ang cellphone ko.
Napapangiti lang ako sa mga text na
narereceive ko. Puro mga quotes na inlove.
Ilang minuto din ang lumipas at hindi
ko namalayan na nasa may pintuan na si Jaysen.
Gaano na ba ako katagal na nakahiga
doon? Nakita ko siyang nakangiti. Ang gwapo niya sa itsura niya ngayon.
Talagang nagpapacute pa siya sa akin.
“Oh talagang nagpapacute sa akin?”
sabi ko.
“Kailangan ko pa bang mag pacute sa
yo?”
“Hindi na.” bigla akong tumakbo sa
kanya at sinungaban ng halik ang kanyang mga labi.
Alam kong labis niyang ikinabigla ito
at nagsimula na ring gumanti.
Pumasok na siya ng tuluyan ng kwarto
at isinara ang pinto.
Umabot kami sa aking kama at nahiga
kami.
Natigil ang pagsasanib ng aming labi
at nagkatitigan kami. Nagsimula na akong magsalita.
“Pwede bang maging akin ka kahit
ngayong araw lang?”
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang
mata at seryosong tingin sa akin.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
“Pwede bang akin ka kahit ngayong araw
lang?” alam kong nagulantang siya sa tanong ko.
Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga
mata.
Bigla niya akong sinunggaban ng halik.
Kakaiba ang halik na iginawad niya.
Naging mapusok ang mga kilos niya at
ako na mismo ang nagkusang huminto.
“Ang sabi ko kung pwede ka bang maging
akin ngayong araw, hindi ko naman sinabing ako ang magiging iyo.” Sabi ko.
“Ikaw kasi pinanggigigil mo ako.
Nanibago ako sayo.”
“Sagutin mo na lang kaya ang sagot
ko.”
“Nasagot ko na kaya.”
“Linawin mo kasi.”
“Oo. Kahit na hindi ko alam kung
bakit. Mamaya niyan mahal mo na ako.” Sabi niya.
Oo mahal na kita gusto ko na ngang
aminin sayo eh. Ang sabi ko sa sarili ko.
“Asa ka pa.”
“Aysus. Halata na kaya. Umamin ka na.”
edi ikaw ang umamin jan.
Naghihintay lang ako matagal na. kaso
nga lang hindi na pwede, sayang.
Niyaya ko na siyang bumaba at pinakain
ko siya.
“Oi himala ata at mabait ka sa akin.”
Sabi niya.
“Sulitin mo na yan ngayon kasi
mamimiss mo to. Back to normal na ako next time around.” Sabi ko.
“Okay sabi mo eh. Yaan mo, susulitin
ko yung pagiging sayo ko.” Sabi niya.
“Dapat lang.” sabi ko.
“Subuan mo nga ako.” Sabi niya.
“Ano ka may yaya?”
“Oh bat biglang hindi ka na sweet?”
sabi niya.
“Daig mo pa ang bata.”
“Yaan mo na. dali na. please!” sabi
niya.
“May magagawa pa ba ako? Opo na.” ayun
nga, tuwang tuwa siya habang sinusubuan ko siya.
Naabutan kami ni mama na ganun yung
ayos.
“Teka may hindi ba ako alam dito?”
tanong ni mama sa amin.
“Wala naman.” Sabi ko.
“Talaga lang ha. Daig pa ninyo kami ng
papa mo sa kasweetan ninyo. Grabe kayo.”
“ma naman eh.”
“Tita pagbigyan na ninyo kami. Ngayon
lang daw to.” Sabi nito.
Sabay yakap niya sa akin at hinalikan
ako sa pisngi. Nakita kong nagulat si mama sa ginawa niya.
“Meron talaga akong hindi alam.” Sabi
ni mama.
“Pasaway ka.” Sabi ko kay Jaysen.
Ngumiti lang siya sa akin.
“Tapusin mo na nga pagkain mo.” Sabi
ko sa kanya.
“Ang sweet mo. Sana din a matapos
ito.” narinig kong sabi niya.
“Wag kang masanay jan.” sabi ko.
“Bahala na.” sabi niya.
“Bahala ka jan.”
“Alis ba tayo?” tanong niya.
“Ikot-ikot lang siguro tayo dito sa
subdivision natin or mag stay na lang tayo sa bahay. Bahal na.” sabi ko.
“Okay boss.” Sabi niya.
Natatawa lang ako pag nakain siya.
Nagpapacute pa talaga.
Kung alam mo lang ang gagawin kong
paglayo, magawa mo pa kayang magpacute, o gagawa ka ng paraan para pigilan ako.
Hindi naman ako ipokrito kung hindi ko
aaminin na gusto ko siyang maging boy friend.
Hello, parang total package na siya.
That was the same thing I felt before with James.
I thought he was the one, pero hindi,
maling mali.he was also a total package sa akin noon.
Akala ko siya na. siya na ayaman, siya
na gwapo, siya na ang lahat.
Pero hindi pala, ang siya rin ang
nagsabing, siya rin ang taong mananakit sa akin at manloloko.
How pitiful I am?
Hinawakan ko ang kamay niya ng
mahigpit at ganun di naman siya sa akin. Parang nanghihiram lang ako ng mga
panahong yun.
Habang nanonood ako ng TV, nakasandal
ako sa balikat niya at hawak ang kamay niya.
Nakaakbay naman siya sa akin at
nanonood din ng TV.
Mamaya na siguro kami mag gagala sa
labas.
Naamoy ko ang pabango niya na talaga
namang nakakaakit amuyin.
“Sana lagi na lang tayong ganito. Ang
sarap kasi sa feeling.” Sabi niya.
Hindi ako nagsalita.
Ayokong sumagot dahil masasaktan lang
ako kapag umasa lang ako.
Tumingin na lang ako sa kanya at
humalik sa kanyang mga pisngi.
Hindi siya nakuntento at hinalikan
niya ako sa labi.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot
sa ginawa niya.
Niyakap ko siya ng mahigpit na
mahigpit.
Naalala ko lang kasi ang mapait na
kahapon.
Sobrang sariwa pa ang nakaraan.
Nakaraan na kay sakit.
Gusto ko lang sumaya.
Hindi pa rin siguro ako handa na
pumasok sa panibagong relasyon.
Bka masaktan ko lang si Jaysen kung
sakali.
Pero bakit ba ako nag iisip ng ganito,
bakit ganun na ba talaga kami? Haixt.
Feeling ko ngayon ay unofficially
yours ang drama naming dalawa, paano ba naman walang commitment.
Pero I’m happy, it’s too nice to be
happy.
Bandang hapon ng magpasya kaming maglakad-lakad
sa may subdivision namin.
Nagdala ako ng bola ng basket ball
kasi plano namin ang mag laro.
Hinamon niya ako eh, hinamon din niya
ako.
Makulit pa rin siya habang naglalakad
kami.
Niyayabangan pa nga niya ako kapag
naglalaro kami.
Paano ba naman kasi ahead siya ng
height sa akin.
Ang tangkad kaya niya. May laban ba
ako.
Nakakapang ngiti duin ang ginagawa
niya, kapag nag di-drible ako, bigla bigla na lang yan kikiss sa akin kaya
naagaw niya yung bola sa akin.
Ilang beses din niyang ginawa yun sa
akin kaya ang ginawa ko, ginaya ko siya.
Pero di ata effective kasi mas
ginaganahan pa siya. Kaya kinikiliti ko na lang siya.
Well it turn out na talo ako sa
kadayaan niya.
Hingal na hingal kami pagkatapos ng
laro namin, habang nagpapahinga kami, doon ko lang napansin ang isang pamilyar
na lalaki.
Isang lalaki na matagal na naming
nakaalitan ni Chad. Isang kontrabida sa buhay namin. Nakakaasar naman kasi
talaga eh. Sa lahat ba naman ng mga taong makakasama naming sa grupo ay siya
pa.
Napaka flirt niya sa lahat ng guys.
Lahat na ata sa kagrupo naming ay flinirt niya. Unang pasok ko pa lang sa
grupo, ako ang una niyang pinagdiskitahan.
Muntikan na nga na may mangyari sa
amin eh. Ang wild niya kasi eh. Habang malakas ang tama mo, yun yung gagawin
niyang way para makuha ka.
Best friend siya ni Chad. Actually ex
best friend. Yeah siya ang umagaw sa boyfriend ni Chad noon. I don’t think na
siya pa at nung ex ni Chad kasi recently may nababalitaan ako na nakakaflirtan
nito.
Nanonood pala siya sa amin ng hindi ko
nalalaman. I’m sure may bago na naman itong gagawin sa akin. Masama kasi ang
hangin kapag nariyan siya.
“So… Kayo na pala nitong gwapong
marino na to.” Sabi niya na may pagkasarcastics.
“Umalis ka na dito.” Sabi ko.
“Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin
ha? Na-impluwensyahan ka na ba nung kalog kong best friend?”
“Correction. EX BEST FRIEND”
paglilinaw ko.
“Well I don’t care. His loss naman eh.
At ikaw, sayang ka. I’m sure I will have a great time with you in the bed. I
think I missed the chance nun together with you. Kung hindi lang dumating yung
pakialamero na talunan nay un.” Sabi niya.
“Wala kang karapatan na sabihin yan sa
kanya.”
“At wala rin siyang karapatan na
pigilan niya ako. Oh ano ngayon kung kani-kanino ako nakikikama?” sabi niya.
“Well yan ang ginusto mo. Concern lang
siya sayo pero hindi ka nakinig. Daig mo pa GRO.” Sabi ko.
“Well. Oh ano ngayon. At isa pa, I
think naman na mag eenoy ka sa akin nung time na yung kung natuloy tayo noon.”
“Stop this nonsense talk. Go away.”
Sabi ko.
“Bakit? Ayaw mo ba akong ipakilala sa
boylet mo?”
“Go away.” Sabi ko.
“Madamot ka na pala ha. Well konting
panahon lang akong nawala ay may mga pagbabago na palang nangyari.”
“Wala kang pakialam.” Bigla akong
hinawakan ni Jaysen at pilit pinapahinahon.
“Ang sweet ha.” Bigla siyang lumapit
kay Jaysen at tinitigan mula ulo hanggang paa.
“Well let see kung magtatagal kayo.
Toodles.” Sabay talikod.
Nung medyo malayo na siya sumigaw siya
sa akin.
Nakakainis naman kasi eh. Sa lahat ng
taong makakasalubong ko sa araw na ito, siya pa. sinira niya ang araw ko.
Nag init ang tumbong ko sa kanya.
Hinawakan lang ako ni Jaysen sa balikat at niyapos bigla.
“Chill ka lang.” sabi sa akin ni Jaysen.
“hay naku. Nakakapang-init siya ng
ulo.”
“Pssshh. Behave na. okay na ha. Tigil
na.” sabi nito.
“Okay fine.”
“Tara uwi na tayo.”
“Promise mo sa akin lalayo ka sa
kanya.”
“Opo.”
“Promise?”
“Promise.” Ayun naglakad na kami
pauwi. After ng dinner, saka umuwi si Jaysen.
Natapos na rin ang isang araw na
masasayang sandali ko kasama si Jaysen. Pinagalitan pa nga ako ni mama pag uwi.
Paano ba naman, baka daw atakihin ako
ng asthma ko.
Sabi ko naman, Im fine and I think nga
na wala na akong asthma eh. Pati excersise naman yun.
Matapos kong ligpitan ang pinag kainan
namin, lumabas ako sa may terrace namin at nagpahangin. Nag isip isip kung ano
na ba ang plano ko sa buhay.
Now na tapos na ang maliligayang araw
ko sa kanya, need to move on na. Hindi alam ni Chad ang ginagawa ko. Well no
need naman eh kasi ended my craziness on
my own world.
Habang nakatingin ako sa malayo, hindi
ko namalayang si mama pala ay nasa may likuran ko na. Napabuntong hininga ako
saka siya nag salita.
“Anak. Mukhang malalim iniisip mo ah?”
tanong ni mama.
“Medyo lang po.” Sabi ko.
“Anak tapatin mo nga ako, Anong meron
sa inyo ngayon ni Jaysen?” nag isip muna ako ng isasagot ko.
Pinag iisipan ko ba kung tama ba yung
gagawin ko. Tama kaya na sabihin ko kay mama ang lahat. Matatanggap ba niya na
tama ang ginawa ko.
“Anak kilala kita. May problema ka
alam ko yan. Ina mo ako at alam ko lahat ng nararamdaman mo. Dama ko kaya kaya
mag salita ka na.gusto ko yung pawing katotohanan lang. ayaw na ayaw kong
makarinig ng kasinungalingan mula sayo.” Mahabang sabi ni mama.
“Ma, kailangan kong lumayo kay Jaysen.
Kailangan kong magparaya. Kailangan kong maging tapat at totoong kaibigan.”
Sabi ko.
“What? Pero bakit ganoon na lang ang
ginawa mo kanina? Daig ninyo pa totoong magkarelasyon ah?” gulat na sabi ni
mama.
“Gusto ko kasing ipadama sa kanya na
kami ngayong araw kahit sa maikling panahon.”
“Pero bakit?”
“Para to kay Chad ma. May gusto din
kasi si Chad sa kanya. Ang panget naman po na pareho kaming may gusto sa iisang
lalaki. At isa pa, kahit naman na sinasabi niyang okay lang sa kanya, alam kong
hindi eh.” Sabi ko. Napaisip biga si mama.
“Pero sasaktan mo lang si Jaysen.
Nagging makasarili ka sa part niya.” Sabi ni mama.
“Makasarili ma? Diba nag paraya lang
ako? Kasi bilang isang kaibigan nagpaparaya ako?” sabi ko.
“Ang pagpaparaya ay hindi katulad ng
pagiging makasarili. Oo nagparaya ka, pero nagging masarili ka sa ginawa mo
kanina. Sa tingin mo ba ikaw lang ang masasaktan sa giagawa mo? Hindi mo ba
inisip na pinaasa mo yung tao? Hindi mo naisip na mahal nung tao at masasaktan
mo siya dahil iisipin niya naginamit mo lang siya?”
“Ginamit? Pero hindi. Hindi ko siya
ginamit.”
“Anak making ka. Minsan sa pag ibig,
hindi pag iisip ang ginagamit. Pati puso.”
“Pero eto po ang sinasabi ng puso ko.”
Sabi ko.
“Anak, the heart is not always right.
Kaya nga may utak tayo para maisip natin ang gagawin natin.”
Sa sinabi ni mama, bigla akong
natahmik at napaisip. Tama si mama. Ay punto siya. Lalo tuloy akong naguluhan
sa gagawin ko.
Biglang napatulo ang luha ko.
“Anak. Kung iniisip mo na tama to,
sige ituloy mo. Pero kapag hindi, itigil mo. Sundin mo tibok ng puso mo at
sigaw ng damdamin mo.” Sabi ito ni mama.
Umalis na siya at pumasok sa bahay.
Para sa akin tama lang ang gagawin ko.
Itutuloy ko ito kahit na sabihan niya akong manggagamit.
Para to kay Chad. At isa pa, may mga
bagay-bagay pa akong dapat gawin at pag tuunan ng pansin.
Natulog ako na buo na ang desisyon ko
sa gagawin ko.
Bukas na bukas gagawin ko na ang plano
ko. Planong pagpapakamatay ng puso ko.
“Jaysen may sasabihin ako sayo.” Sabi
ko sa kanya habang nakaupo siya sa may salas.
“Ako din may sasabihin din ako.” Sabi
nito.
“Sige mauna ka na.” sabi ko.
“Okay. AJ, noong una pa lang kitang
nakita, interesado na ako sayo. I am amaze the way you are. You make me feel
very unusual. Oo AJ araw-araw iniisip kita. Lahat gusto kong gawin pansinin mo
lang ako. I think nababaliw ako kung yan ang iniisip mo. Well, nababaliw ako
sayo. Nababaliw ako sa pagkatao mo. Nababaliw ako sa pagmamahal ko sayo. AJ
mahal kita. Mahal na mahal. Kaya ngayon ko lang sinabi ito kasi gusto kitang
kilalanin. Then yung kahapon, that is the signal I’ve been waiting for. The way
you treat me so special is the most thing I like.”
Natulala ako sa sinabi niya.
Nagtatapat siya sa akin. Sana hindi na
lang. sana hindi na lang niya inamin.
“AJ you are special to me. All this
time all I want is to win you and to be my boyfriend. Handaakong ligawan ka.
Handa akong pagsilbihan ka mahalin mo lang din ako. Alam kong mahal mo ako.
Nararamadaman ko iyon. Kaya eto nagtatapat na ako sayo. Can you be my love? Can
you be my boyfriend?” sunod-sunod niyang tanong.
Natameme agad ako. How I wish I could
answer yes to him? How I wish I can say that I loved him too much.
Pero may pumipigil sa akin na wag,
paano na lang si Chad. Mag isip dapat ako kung ano ang makakabuti.
Naghihintay sa harapan ko si Jaysen ng
kasagutan. Kasaguta na alam kong abis niyang ikakasira.
Masasaktan lang siya sa sagot ko.
Dapat inunahan ko na lang siyangmagsalita. How I wish sinabi ko na sa kanya.
“Ui AJ, tinatanggap mo ba ako?
Naspeechless ka pa jan eh…”
“Hindi.” Naputol ang pagsasalita niya.
“Ano?” tanong niya.
“Hindi ako pumapayag. Dahil, dahil
hindi pwede. Umalis ka na dito. Ayoko ng makikipagkita ka pa sa akin. Hindi ako
karapat dapat sayo. Hindi dapat ako ang sinasabihan mo ng ganyan. Kay Chad ka
na lang please.” Tumutulo na ang luha ko habang sinasabi ko ito.
“Ano? Bakit? Pero di ba? Ano yung
kahapon?” nauutal niyang sinabi.
“Hindi ako ang tao para sayo. May iba
pa naman jan. Kay Chad ka na lang.” sabi ko.
“Pero hindi siya ang gusto ko.”
“Pero gusto ka niya.”
“Pero ikaw ang mahal ko.”
“Pero hindi pwede.”
“Bakit? Magsalita ka bakit hindi
pwede… dahil ba kay Chad?”
“Oo dahil sa kanya at isa pa hindi
kita mahal.” Sabi ko.
Nakita ko ang panlulumo sa kanyang
mukha.
“Hindi totoo yan. Nararamdaman kong
mahal mo ako… alam kong mahal mo ako. Sabihin mo na mahal mo ako please…
sabihin mo..” sabi nito. Lumuhod siya sa harapan ko at umiiyak.
“Umalis ka na sa harapan ko.”
Pinagtabuyan ko siya.
Lumuluha pa rin siya habang papalayo
ng bahay. Kasama niyang umalis ang puso ko na nakakabit sa kanya.
Wala na, wala na akong magagawa.
Pinaalis ko na siya sa buhay ko. May magagawa pa ba ako?
Habang nakikita ko siyang palayo,
hindi ko mapigilang humagulgol. Ilang beses ko siyang nakitang lumingon pabalik
sa akin.
Gusto ko siyang mahalin, pero hindi
pwede. Hinding-hindi pwede.
Ilang oras matapos ang encounter
naming dalawa, tumawag isa naming katropa.
“Pre, labas tayo ngayon. May party sa
may tambayan natin. Punta ka ha.” Sabi nito.
“Try ko lang pare ha. Di ko sure kung
makakapunta ako ha.”
“Okay sige sige. Bye.” Pagkababa ko ng
phine narinig kong tumunog ang door bell.
Nakita ko si Chad na nasa labas.
I am greatful at narito siya para
icomfort ako.
Yayakapin ko sana siya pero isang
suntok ang dumapo sa aking pisngi.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
“Duwag ka. Alam mo ba yun? Hanga na
sana ako sayo pero wala kang tapang para harapin ang lahat. Akala ko matapang
ka, pero duwag ka.” Sabi sa akin ni Chad matapos niya akong suntukin.
Hindi ako nakapagsalita. Tama naman
siya eh duwag ako pero di ba dapat matuwa siya dahil ginawa ko ito para sa
kanya?
“Pero ginawa ko lang ang tama.”
Pangangatwiran ko.
“Tama? Iyon ba ang tama? Mahal mo si
Jaysen at mahal ka rin niya. Tapos pakakawalan mo lang? tanga mo ang tanga-tanga
mo.” Sabi niya sa akin.
“Oo ako na ang tanga. Ako na ang
dakilang tanga. Pero ginawa ko lang ito para sayo. Kasi ayaw kong masaktan ka.”
Sabi ko.
“Gago ka ba? Di ba sinabi ko na okay
lang sa akin yun? Hindi ka ba nag iisip? Hindi ka ba nakakintindi?”
“Pero alam kong hindi…” sabi ko.
“Ano ka ba? Gusto ko lang siya pero
hindi ko siya mahal. Nagalit ako sayo noon kasi akala ko niloko mo ako. Nagalit
ako dahil nagtampo ako na hindi mo man lang akong sinasabihin. Ano ka ba mag
best friend tayo? We should give each other. Kung hindi ko lang ikaw best
friend baka nabugbog na kita.” Sabi niya.
“Pero…”
“Wala ng pero pero. Okay lang ako at
magiging Masaya ako kapag kayong dalawa ang nagkatuluyan.” Sabi nito.
“Pero paano mo to nalaman?”
“Pumunta sa akin si Jaysen na umiiyak.
Alam mo ba yun? Humihingi siya sa akin ng tulong. Sinabi niya lahat.” Sabi niya
sa akin.
“ang sama ko pala talaga. Kamusta na
siya? okay pa ba siya?” tanong ko.
“Di ko alam. Pero ang alam ko pupunta
siya mamaya sa tambayan, kaya kailangan mag usap kayong dalawa.”
“Ah ganun ba. Pero nasaktan ko siya.”
Sabi nito.
“Edi ligawan mo. Humingi ka ng tawad
sa kanya.”
Napaisip ako bigla. Gagawin ko ba?
“Alam mo AJ. Pairalin mo ngayon ang
puso mo. Alam kong mahal mo siya at mahal ka niya. Hindi ka naman niya sasaktan
eh.” Niyakap ko si Chad ng mahigpit.
“Salamat ha. Salamat at naiintindihan
mo ako. Salamat at nariyan ka para maliwanagan ako.”
“Ano ka ba. Mag best friend tayo.
Sinu-sino pa ba ang magtutulungan?”
“Salamat best friend.”
“Walang anuman. Kaya get ready na at
aalis na tayo mamaya. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakpunta dun sa
tambayan.”
“Okay okay.”
“Be ready AJ ah. Alam mo na.” sabi
niya sa ain.
“Yup I know.”
Pinahid ko ang luha ko at niyakap si
Chad. Ang swerte ko talaga sa kanya kahit kalian.
He is the best person I’ve ever met,
siyempre si Rizza naman eh set aside natin kasi she is the most amazing person
na nakilala ko.
“Nga pala, kahapon nakita ko yung ex
best friend mo si Aldred.” Sabi ko sa kanya.
Nakita ko na nag iba yung mood ng
mukha niya.
“Kakatuwa lang na pareho kayong AJ na
nickname. Pero both of you are different person. So how is he?” tanong niya.
“I think he was very ruined. Para bang
wala na sa sarili niya. Hindi na siya yung dating tao na tinutukoy mo sa akin.
He was engraved with his lust. Para bang open na open sa kanya ang sex. I think
nga ilang tao na ang nakasex niya eh.” Sabi ko na walang alinlangan.
“Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng
pagkakaganun niya eh. Pero wala na akong pakialam kasi siya ang sumira sa akin.
He played me at pinagtaksilan pa niya ako. Pati nga tayo pilit niyang pinag
aaway. I know naman na gagawa yan ng paraan masira lang ang friendship natin.”
Sabi ni Chad sa akin.
I was thinking of having friendship
dun kay Aldred. Sa tingin ko naman eh mabait yun at may rason kung bakit
nagkaganun yun.
Isa sa goal ko ay ang mapagbati ko si
Chad at si Aldred. Sayang kasi yung friendship nilang dalawa.
Nakapanghinayang lang kung mawawala
lang sa isang iglap. Ang alam ko lang kasi ay si Aldred ang nagging third party
sa affair nila.
Well mas masakit pa yung naranasan ni
Chad kaysa sa akin. Kasi sa akin just usual friend lang, pero yung kay Chad
mismong best friend pa niya yung third party.
Pero dapat din tignan yung side nung
lalaki mismo n asana nagging faithful ito at hindi nagpadala sa flirt ng isang
tao.
Malaki laki na rin ang pagbabago na
nakita ko kay Chad mula ng magkakilala kami.
Medyo tahimik siya kasi nun eh. Siya
yung tipo ng tao na hindi basta-basta nakikipag kaibigan.
Para ngang sinasala niya lahat ng
magiging kaibigan niya. He should try to learn to trust everyone.
O kaya naman dapat matuto siyang
magpatawad. I think he will learn it someday. At sana ako din, magawa ko na
sanag makapagpatawad para makawala ako sa nakaraan.
Mag aalas dos ng hapon ng umuwi si
Chad. Magkikita na lang kami sa tambayan ng around 5:30.
Overnight daw yun kaya nagpaalam na
ako kila mama at papa. Mama knows slight story of my part. Sabi ko saka ko na
lang ipapaliwanag sa kaya pag nagkaayos na kami ni Jaysen.
Todo ayos ako sa sarili ko. Ewan ko ba
kung bakit pero hindi ko mapigilan.
It was two month ago siguro ng last
kong makita ang grupo. Siguro marami-rami na rin ang mga recruit at mga bago.
Tumawag pa sa akin si Chad bago ako
nakaalis ng bahay.
“Dito pa ako sa bahay ikaw ba?” sabi
niya sa akin.
“Paalis pa lang…”
“Ah ganun ba, sige sabay na lang tayo,
pwede ba?”
“Ah okay sige sige.”
“Okay, intayin na lang kita dun sa may
kanto.”
“Okay. Alis na ako ng bahay.”
“Ako din.” At nag end na yung call.
“Ma, alis na po ako.” Pamamaalam ko.
“Okay anak. God Bless say o ha.”
“Salamat ma. Pasabi na rin pala kay
papa na aalis na po ako.”
“Okay sige.Ingat ka anak ha…”
“Okay po.”
Mga 5 minutes akong naglakad at nakita
kong naghihintay si Chad.
“So tara na?” yaya niya sa akin.
“Okay.” Sagot ko.
“Ready ka na ba?” tanong niya sa akin.
“I think so….” Sagot ko.
“You should be ready. Prepare yourself
para dun.”
“Yeah. Iniisip ko na ang gagawin ko.
Pray for me.”
“Oo naman.”
“Salamat. Sige tara na.” at umalis na
kami.
Mga 20 minutes ang byahe. 2 sakay ng
jeep at isang tricycle. Pagdating naming doon, nagulat kami kasi medyo maraming
mga tao na naroroon.
Marami ang bago ang mukha sa akin at
sa tingin ko nga 15 na lang kami doon na luma. Not really luma pero mga datihan
para sa good term naman.
“Oy AJ, buti naman at nakita na ulit
kita.” Sabi sa akin ni John.
“Busy sa studies eh. Sobrang dami ng
schedule at kailangan matapos.” Sagot ko.
“Well at least you were here na.
Welcome back.”
“Good thing to be here nga eh. Daming
bago ah.”
“Yeah recently lang sila. A month ago
lang sila nag join.”
“Yung iba dito eh nakakachat ko na rin. Kaya
pala nila ako naadd sa fb kasi gawa ng sa group natin. Now I know.”
“HAhahah. Yeah siguro nga.”
Nakakapanibago lang kasi halos lahat
sila nakatingin sa akin.
Grabe ha, para kaming artista ni Chad.
Agad hinanap ng mata ko si Jaysen.
Gusto ko na siyang makausap. I try to contact him pero hindi siya sumasagot.
Sana nga lang pumunta siya ngayon.
Sana makita ko siya.
“Chad di ko pa rin makita si Jaysen.”
Nag aalala sabi ko.
“Darating din yun. Wag kang
mag-alala.”
“Hope so.”
“Sige dun muna ako ha tulungan na
kitang mag hanap. Dito ka tapos doon naman ako.”
“Okay salamat Chad.”
“Your very welcome.”
Nagsimula na akong mag hanap. Marami
ang ngumingiti sa akin at marami pa rin ang tumiringin.
Yeah super conscious ako kapag tinitignan
ako ng tao. Feeling ko tuloy may mali sa sarili ko. Marami ang nakikipagkilala
peron hindi ko masyadong ine-entertain.
Ilang minuto na ang dumaan at hindi ko
pa rin nakikita si Jaysen. Hanggang sa may lumaoit sa aking isang lalaki.
Matangkad siya at sakto lang ang katawan. Mukhang nag gygym din siya kasi labas
ang muscles sa dibdib nito.
“Hi.” Bati nito.
“Hello.” Sabay ngit ang ginawa kong
pagsagot.
“Paul here.”
“Ahm. AJ pre.”
“You look so different from your
facebook. Mas gwapo ka pala sa personal.” Sabi nito.
“Aysus. Bolero. Pero I’ll take that as
a compliment.” Sabi ko.
“You look awesome whenever you smile.”
“Thank you.”
Ay naku, ganito talaga dito, mga
bolero opera makuha ang atensiyon mo.
“Lang taon ka na?” tanong ko.
“Ahm 17 kaw ba?”
“17 din”
“Studying?”
“Yeah.”
“ANong course?”
“Mechanical Engineering.”
“Ah. Parehas lang pala tayo.”
“Ahaha ang galing what a coincidence.”
Sabi ko.
“Yeah. I think destiny.”
Sus destiny agad. Nahalata ko na may
gusto to sa akin kasi kakaiba yung tingin niya sa akin eh. Marami-rami kaming
napag-usapan hanggang sa magtanong siya about personal life ko.
“May boyfriend ka?” tanong niya.
“Nope.”
“Ah. Nice available ka pala eh.”
“Not really. Taken na puso ko.”
“Ang swerte naman nung guy nay un.”
“Not sure. Hahahah”
“Bakit naman?”
“Basta personal matters.”
“Ah ganun ba. Uhm may experience ka na ba?”
tanong niya.
“Saan?”
“You know naman. Alam mo na yun.
Virgin?”
“Ah. Gets ko na. pasensiya medyo
solow. Nope. Hindi na.”
“Oh. Interesting pa rin.”
“Paano mo naman nasabi?”
“Basta I think. You are amazing lang
eh.”
“Di naman.”
“I think I like you.” sabi niya.
Wow ha ang bilis. Nagulat na lang ako
at nanlaki ang mata ko.
“Wow. Really? Ang bilis ah.”
“Crush kasi kita matagal na.”
“Dati ka na ba dito.”
“Yeah matagal na ako dito kaso medyo
nag lielo.”
“Ah ganun ba. Okay.” Ilang sandal lang
ay biglang dumating si Chad.
“What are you doing here?” tanong ni
Chad sa kausap ko.
“Wala lang naman. Bakit bawal ba?”
“Oo bawal lalo na sayo manloloko.”
“Ano bang kailngan mo?” tanong ni
Paul.
“Yung best friend ko kailangan ko.”
Hinila niya ako papalayo doon.
“Sino ba yun at parang ang lalim ng
galit mo?” tanong ko.
“Siya yung ex ko na nanloko sa akin.”
Nashock ako sa nalaman ko. Wow ha. Ang flirt nung ex niya. Porket gwapo lang
siya ganun na siya. Marami na siguro siyang nabiktima.
“Sorry di ko alam. Okay ka lang ba?”
“Yup.” First time ko lang makita yung
lalaki nay un.
“Wag na natin pag usapan.” Sabi niya.
“Okay. So nakita mo na ba si Jaysen?”
“Hindi pa nga eh.”
Maya maya nahagilap ng mata ko si
Jaysen.
Nakita ko siyang pumunta sa table nila
Mark.
Tinawag kaming dalawa nila at yun,
simula na ang inuman.
Magkatabi kami ni Chad noon at
paminsan minsan napapadako ang mata ko kay Jaysen.
Nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin
pero agad niya itong binabawi.
Nahuhuli ko ring tumitingin sa akin
yung bagong kilala ko lang.
kumikindat-kindat nga sa akin eh.
Nginingitian ko na lang.
“Kausapin mo na kaya yan si Jaysen.”
Bulong sa akin ni Chad.
“Naghahanap pa ako ng tiyempo eh.”
“Okay. Basta bilisan mo ha.” Hindi ko
alam kung ano ang tamang tiyempo?
Hanggang sa mag simula na ang ikot ng
bote. Nag inuman kami.
Si Jaysen ang lakas uminom.
Hindi naman siya ganun dati. Marahil
sa akin kaya siya nagkakaganyan.
“Pre, hinay hinay lang. halos tunggain
mo na buong bote ah. Mag share ka naman jan.” sabi sa kanya.
“Naku par, depressed ako ngayon. Paano
ba naman binasted ako. Itong gwapo kong ito binasted. Ginawa kong lahat, pero
basted pa rin. Buhay nga naman.”
Medyo may tama na siya. Nakita kong
nakatingin siya sa akin habang sinasabi ito.
“Pare, di ko akalain na babastedin ka
niyon. Grabe ha, sa gwapo mong yan, lahat naglalaway sayo.”
“Hoy, wag mong ganyanin yan. Minamanyak
mo yan eh.” Sigaw ng isa naming kasama.
“Manyak ka jan, nag cocomfort lang
ako.”
“Alam mo pre, ready ako, single naman
ako at ready to mingle.”
“Easy lang pre, marami pa jang iba.”
Hanggang sa mag inuman ulit kami.
Iniiwasn ko ang mapadami ang inom, pero si Jaysen, tuluyan ng nalasing.
“Alam ninyo ba, mahal ko tong taong
yun. Pero hindi niya ako mahal. Ang sakit…. Ang sakit sakit… gago tong pu…puso
ko eh. Bastusan eh… kakabwisit… bakit siya pa… bakit minahal ko pa siya….”
Nakita kong umiiyak na siya. Ngayon
lang nila nakitang umiyak ng ganun si Jaysen.
“Pare, sino ba yan? Mukhang malakas
ang tama mo sa kanya ah?”
“Oo. Mahal ko siya mahal na mahal ko
siye eh… di ba?” tumingin siya sa akin.
Lahat ng mata nila napunta sa akin.
Tumayo si Jaysen, inalalayan nila ito
pagtayo dahil pagewang gewang.
“Pare… hayaan ninyo ako…. Ka..kaya ko
to… magaling ako… kayak o ito…” pagpupumilit niya.
Lumayo siya sa amin at pumunta sa loob
ng tambayan.
Naalarma ako baka ano ang gawin noon.
“Sundan mo na siya.” Sabi sa akin ni
Chad.
Nagdalwang isip pa ako, pero di
nagtagal, namalayan ko na lang na binabagtas na ng paa ko yung daan.
“Ayusin ninyo na lovers quarrel ninyo
ha… hoping na kayo na after ng gabing ito.” sigaw sa akin ng katropa naming.
Hinanap ko siya sa loob ng tambayan.
Sa salas, sa kwarto at kusina.
Hanggang sa mapadpad ako sa cr.
nakarinig ako ng kaluskos at ilingan sa dakong ytun.
“Mukhang masarap ka ah… I wonder kung
bakit hindi nagging kayo ni AJ.” Narinig ko si Aldred.
“Masarap ka jan. teka iihi muna ako
saka kita babalikan…” sabi ni Jaysen.
“Mamaya na…” sabi ni Aldred.
“Teka lang. usap tayo mamaya iihi na
muna ako…” sabi ni Jaysen.
Nakinig lang ako sa usapan nila.
Maya-maya nagulat na lang ako sa narinig ko.
“Single ka naman diba?”
“Oo. Bakit type mo ako…”
“Pwede din…”
“Teka, wag jan.” di ko na kaya ang
naririnig ko.
Napakalandi talaga nitong si Aldred.
Nagulat ako sa nasaksihan ko. Parang gumuho ang puso ko sa nakita ko.
Magkadikit ang mga labi nilang dalawa.
Nakapasok ang kamay ni Aldred sa damit ni Jaysen.
Tumulo ang luha ko sa nakita ko.
Napansin agad ni Jaysen ang presensiya ko.
Agad niyang itinulak si Aldred at
ngumiti naman sa akin si Aldred na parang nangaasar talaga.
“Well. I think you have … a great time
here.” Sabi ko habang garalgal pa rin ang boses ko.
“Teka. Mali itong nakita mo….”
“Jaysen. Sorry sa ginawa ko ah. Sorry
nasaktan kita. I came here to say sorry and to win you back. Pero mukhang di na
kailangan.” Sabi ko habang napapaluha na ako.
“Teka lang… sorry.. mali to.. mali..
argggh.. please listen to me. Please…..” sabi nito.
“Bye na… need to go..” agad akong
tumakbo papaalis at iniwanan silang dalawa.
Agad akong umalis sa luar na iyon.
Sinundan ako ni Chad at agad kaming
sumakay sa tricycle.
Ang tanga mo kasi AJ. Pinakawalan mo
pa siya, nakuha pa tuloy siya ng iba.
Tama ba gagawin ko? Pag iisipan ko na
muna ang lahat.
Pero sa ngayon, mag momoving forward
na ba ako?
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment