by: White_Pal
Part 13: "Reunion, Confrontation,
and Separation.."
Para akong naalipin sa isang
napaka-lakas na kapangyarihan sa mga oras na iyon. Hindi ko akalain na ang
napaka-gwapong kagaya niya, napaka-bait, napaka-caring, at taong minamahal ko
ay hahalikan ako. Sobrang init ng kanyang mga labi. Sobrang sarap na hindi mo
maipaliwanag. Alam ko sa mga oras na iyon, MALI!! Mali ang nangyari at gusto
kong itigil yun. Pero ang kontrabida kong puso ay sumisigaw na ituloy ito,
idiin, yakapin siya at angkinin sa gabing iyon.
Makalipas ang may higit sampung
minutong paghahalikan namin ay nagkaroon na ako ng lakas upang kumawala sa
kapangyarihang taglay niya. Bumitiw ako at sabay tulak sa kanya palayo.
KUYA JARED: “Ano?? Alam mo na ang
sagot ha?? Alam mo na kung sino ang mahal ko!?!?” ang medyo malakas niyang
sabi.
Hindi naman ako nakapagsalita sa
nadinig ko at ginawa niya. AKo? Mahal niya? Ano nanaman ang trip ng g*gong ito?
KUYA JARED: “Bakit hindi ka magsalita
ngayon ha??” ang sigaw niya sa akin.
AKO: “Yan ba ang pinag-iinit ng ulo mo
ha?” ang nasabi ko na lang na nahihiya pa rin.
KUYA JARED: “Oo.. kasi mahal kita
Gab.. Mahal na mahal kita..” ang seryoso ngunit medyo malambing niyang
pagkakasabi. Aayyyiiee!! Hehehe.
AKO: “Jared, alam mong hindi---“ hindi
ko natapos dahil bigla siyang nagsalita.
KUYA JARED: “Isang tanong isang sagot
Gab, MAHAL MO BA AKO? Higit sa isang kaibigan?” ang seryoso niyang tanong.
AKO: “Jared please, I don’t want---“
hindi nanaman ako natapos.
KUYA JARED: “Isang sagot lang Gab ang
gusto kong madinig. Oo o Hindi. MAHAL MO BA AKO higit pa bilang Best Friend mo?
Mahal mo ba ako HIGIT PA SA ISANG KAPATID?” ang biglang pagtaas niya ng boses.
Ngunit imbis na sagutin ang tanong
niya ay natahimik ako at biglang pumatak ang luha sa mga mata ko.
KUYA JARED: “Tangina Sagutin mo ako!!
Mahal mo ba ako o Hindi?” sabay hawak ng madiin sa mga balikat ko, kasabay ang
pagtulo ng kanyang luha.
AKO: “The Hell you Care!!! Wala na rin
namang mangyayari kung sabihin ko kung mahal kita o hindi ehh. Lalaki ka.. at
lalaki din ako Jared.. Please lang, wag mong sirain ang pagkakaibigan natin.
Ikaw ang pinakamahalagang bagay na nangyari sa buhay ko. Ayokong ang lintik na
pagmamahal na yan ang sisira nun.”
Nang akmang aalis na ako ay bigla
naman niyang hinawakan ang braso ko at..
KUYA JARED: “Isang sagot lang Gab,
Mahal mo ba ako?? Oo o Hindi..”
Awang-awa na ako sa itsura niyang
iyon. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Pero
alam kong walang kahahantungan ang lahat, dahil sa mata ng tao at mata ng
lahat; MALI ANG PAG-IIBIGAN NAMIN.
Ngunit dahil mas matimbang ang
pagmamahal ko sa kanya kesa sa takot at pangamba ko,
AKO: “Oo Jared, MAHAL NA MAHAL KITA.
Sobra!! Mahal na Mahal kita Jared, ikaw ang unang nagpatibok ng puso ko… Ikaw
ang unang taong minahal ko ng ganito.” Ang nanginginig at humahagulgol kong
sabi.
Kitang-kita ko naman ang pagbabago ng
kanyang mukha, mula sa galit ay napawi ito at naging maamo.
At pagkatapos noon ay muli niya akong
hinalikan. Mas mainit at mas nag-aalab. Ramdam kong ang halik niyang iyon ay
punung-puno ng pagmamahal.
Grabe ang araw na iyon, ang araw an
iyon ay araw ng pagkakapanalo namin sa contest. Iyon din yung araw na
pinagtapat niya sa akin ang pagmamahal niya, at sinagot ko ang pagmamahal
niyang iyon ng isang matamis na OO.
Ano pa ba ang nangyari after that? Edi
KAMI NA!! Hehehe. Although nandito pa rin ang takot sa maaaring mangyari sa
amin; ang magiging reaction ng mga tao, kaibigan, at syempre pamilya. Pero sa
mga sandaling iyon, nawala ang pangamba ko at wala na akong pakielam kung ano
pa ang maaring mangyari at isipin ng iba.
Dumaan ang araw, linggo, at buwan.
Malapit na ang Graduation namin. At teka lang ha!! Para sa mga taong iniisip
kung may nangyari na sa amin, EXCUSE ME!! VIRGIN PA RIN AKO NUH!! As in total
VIRGIN!! Pwera lang yung labi.. Hehehe. Wala pang nangyayari sa amin beyond
hugs and kiss. Kahit madalas pa kami magkatabi matulog, WALA!! PROMISE!!
Lumubog man ako ngayon. Hehe.
Anyway, isang linggo na lang bago ang
Graduation namin noon ay nagpunta kami ni Jared sa Bay Walk para tumambay at
panuorin ang paglubog ng araw.
KUYA JARED: “Napakaganda dito nuh
tol?”
AKO: “Oo Nga ehh.. Sobrang payapa ng
dagat.. at ang araw ay napakaganda..”
Tumingin ako sa kanya at nakita ko
siya na nakatitig sa akin. At sinabi niyang..
KUYA JARED: “Pero masmagandang
pagmasdan ang mukha mo.”
AKO: “Naku! Nanloko nanaman.. Topak ka
talaga..” sabay batok sa kanya.
KUYA JARED: “Hahaha!!”
AKO: “Baliw”
KUYA JARED: “Di rin..”
AKO: “Oo rin..”
KUYA JARED: “Si Gab Mahal ko!!”
AKO: “Ano yun ulit?” ang
pagmamaang-maangan kong tanong sa kanya.
KUYA JARED: “Wala.. sabi ko ang cute
mo..”
AKO: “Alam ko.. hehe..”
KUYA JARED: “Ang mahal kong si Gab!!”
ang pasigaw niyang sabi kahit may tao na naka-istambay pa doon.
AKO: “Alam ko!!!” ang banat ko na
natatawa.
At singbilis ng kidlat ay hinalikan
niya ako sa labi. Waahh!! Grabe kinikilig ako!! Nyahaha..
AKO: “Ikaw ha.. Nakakailan ka na
ngayon..” ang sabi ko sa kanya.
KUYA JARED: “Bakit? Anong masama? Eh
mahal naman talaga kita.” Sabay ngiti na nakaka-gago.
AKO: “Naku! Jared Earl Cruz, Wag mo
akong sasanayin ng ganito.. Baka mabaliw na ako at… at.. (sabay tingin sa
kanya..) baka hanap-hanapin ko..” ang umiiling kong sabi at biglang tingin sa
dagat.
At linapit niya ang mukha niya sa
mukha ko.
KUYA JARED: “Edi masanay ka.. Wala
naman akong balak na itigil ito ehh..” sabay ngiti na nakaka-akit at nakakagago.
AKO: “Naku!! Mamaya niyan magising na
lang ako, meron ka na palang iba.”
KUYA JARED: “Hindi mangyayari yun..”
AKO: “Anong hindi? Eh paano kung
dumating ang araw na mag-aasawa ka na??” ang seryoso kong tanong..
Imbis na sagutin ang tanong ko ay
tinitigan niya ako ng matagal. Siguro mahigit isang minuto ang titig niyang
iyon ng..
KUYA JARED: “Tol tandaan mo na kahit
anong mangyari, nandito ka sa puso ko. Kung dumating man ang panahon na
mag-aasawa ako, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at hinding-hindi
magbabago iyon.”
Hindi ko alam kung ano ang magiging
reaction ko sa mga sinabi niyang iyon. Oo sobrang saya ko pero at the same
time, may lungkot at takot din akong nararamdaman. Paano nga kaya kung dumating
ang oras na iyon? Ang oras na dapat siyang ikasal? Ewan ko.. Bahala na si
Batman.. Pero iniisip ko pa lang na mangyayari yun, sobrang sakit na..
AKO: “Hindi magbabago? Paano yun? Eh
may asawa ka na nga tapos mahal mo pa rin ako?” ang pagkontra ko sa sinabi
niya.
KUYA JARED: “Basta Gab.. Yun ang alam
ko. Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita... And it will never change dahil
nakaukit ka na dito sa puso ko.”
Napaluha ako sa mga binitwan niyang
salita. Yinakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi alintana sa amin kung meron
mang makakita na nagyayakapan kami dahil mahal ko yung tao at wala akong
pakielam sa iisipin nila.
Maya-maya napag-usapan naman namin ni
Kuya ang tungkol sa college.
KUYA JARED: “Hhmm.. Tol, saan ka ba
mag-aaral?”
AKO: “Sa ************”
KUYA JARED: “Teka nga!! Mahal dun
ahh.. Nakapasa ka ba?”
AKO: “I’ve received a letter from the
school, at nakapasa ako.. Bakit? Hindi mo pa ba natatanggap yung letter mo
dun?”
KUYA JARED: “Natanggap ko na.”
AKO: “Oh.. ano yung resulta?”
KUYA JARED: “Passed..”
AKO: “Oh.. Yun naman pala ehh..”
KUYA JARED: “Tol, sobrang mahal dun..
Alam mo naman na hindi kakayanin ng nanay ko ang tuition doon. Eto ngang
pag-aaral ko ngayon ehh.. Gapang na.. Paano pa kaya sa iskwelahan na yun..”
AKO: “Jared, tutulungan ka namin..”
KUYA JARED: “Huh?”
AKO: “Oo.. Kakausapin ko si Papa at
Mama na pag-aralin ka sa school na papasukan ko..”
KUYA JARED: “Gab, Wag mong gawin yan..
nakakahiya sa mga magulang mo.. Sobra-sobra na ang naitulong nila sa akin at sa
nanay ko.. Ok na ako na maka-graduate ng High School..”
AKO: “Ehh paano na ang college mo?”
KUYA JARED: “Mag-iipon muna ako bago
ako mag-college.. Hindi talaga kaya ng nanay ehh..”
AKO: “Eh Teka!! Di ba nakapasa ka
naman sa lahat ng pinag-examan mo? I-take mo yun kuya.. Sayang..”
KUYA JARED: “Wala nga kaming pera..”
AKO: “Kaya ka nga namin tutulungan
ehh..”
KUYA JARED: “Tol Please lang.. ayokong
humingi pa ng pera mula sa inyo.. Nakakahiya na.. Gusto ko sa amin ng nanay
manggaling ang ipang-aaral ko..”
Kinulit ko siya ng kinulit tungkol
doon ngunit sadyang mapilit si Kuya.. Ayaw niyang tanggapin ang tulong mula sa
amin. Well, may naisip akong paraan.. Hehe..
-------------------
Kinabukasan, Lunes noon and since
completing of requirements na lang naman ang week na iyon ay free na ang time
namin. Pero tama nga ata ang kasabihang “Expect the unexpected”. Dahil isang
malaking pasabog ang bumungad sa amin ni Kuya Jared pagpasok namin ng campus.
AKO: “Kuya, bakit parang lahat ng tao
na nakakasalubong natin ay nakatingin sa atin. At yung iba pa sa kanila masama
ang tingin sa akin.
KUYA JARED: “Di ka pa ba nasanay? Ang
gwapo ata ng kasama mo..” ang pagbibiro niya.
AKO: “Pero bakit may halong irap pa??
Ano yun?? Tapos yung iba pa sa kanila parang kakainin ako ng buhay kung
tumingin ehh..”
Hindi pa nakakasagot si Jared ng..
ELLA: “Gab!! Jared!! Buti nakita ko
kayo agad!! Halika may ipapakita ako sa inyo!!”
Dali-dali naman kaming sumunod ni
Jared. Ewan ko pero kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Hindi naman kasi kami
hahatakin ni Ella kung hindi importante ehh. Dinala kami ni Ella sa may
Bulletin Board at laking gulat ko sa nakita ko; Picture namin ni Jared na
kinuhanan kahapon kasi ang lugar ay dun sa may Bay walk at ang masaklap pa ay
picture na ang sweet-sweet namin; Magkayakap, magka-akbay, holding hands, at
ang pinaka-matindi ay ang “Steal kiss” sa akin ni Jared ay nakuhanan din.
Nakita ko rin na merong nag-vandalize ng dingsing ng school at ang mga nakasulat
ay “Gab is a bitch”, “The Slutty Gab Reveals”, “The Ewwyyy Relationship” at
kung anu-ano pa mang masasakit na salita ang nandoon.
Hindi ako nakakibo o nakapagsalita sa
nakita ko. Kitang-kita ko naman na ang mga studyanteng umuusisa doon ay nakatingin
sa amin ni Kuya at ang sama ng tingin nila sa akin.
KUYA JARED: “Sino ba ang gumawa
nito??”
ELLA: “Hindi ko alam!!”
KUYA JARED: “Alam na ba ni Ely ito?”
ELLA: “Oo at nung makita nya ay
nagulat din siya at nagtatatakbo palayo.”
KUYA JARED: “Sino ba kasi ang may gawa
nito?? At bakit parang sa mga naka-sulat dito ay si Gab pa ang pinupuntirya??”
AKO: “Isa lang naman ang may kayang
gumawa sa akin nito ehh.. At isa lang din naman ang bitter at hindi
makakatanggap ng sa amin ni Jared..”
ELLA: “Sino??”
Hindi pa ako nakakasagot ng biglang..
STEPH: “Wow!! Here comes the Slut!!
The MOST DISGUSTING, and EEWWWYY being I had encountered in my entire life!!”
ang patama niya sa akin.
MGA ALIPORES NI STEPH:
“EEEEEEEWWWWWWW!!!!!!!!!!”
Ngunit may dumating.. Ang
tagapag-tanggol namin..
ELY: “Ano bang gusto mo Steph??” ang
mataray niyang sabi.
STEPH: “Oh!! Bakit?? Wala naman akong
ginagawang masama ahh.. Yang malanding bakla na yan ang may ginagawang masama,
may ginagawang kalandian, may ginagawang kapok-pokan!!” ang dire-diretso niyang
sabi.
ELY: “Hoy Bruha ka!! Manahimik ka
ahh!! Wag na wag na wag na wag mong pagsasalitaan si Gab ng ganyan!! Ano bang
problema mo ha?? At bakit mo ginawa ito sa kanila??”
STPEH: “Aba!! Wala akong ginagawang
masama, At hindi ako ang nag-post nitong mga ito noh!! Ewan ko ba kung sino ang
may gawa niyan!! At bakit ha?? Hindi ba haliparot yang bakla na yan ha?? “ ang
pagduro niya sa akin.
ELY: “Talagang hindi ka titigil ha!!”
at maya-maya ay kinuha niya ang isang picture na pinost nila doon at nginudngod
sa mukha ni Steph!!”
STEPH: “Hay*p ka!!” ang sigaw nito
Ngunit bago pa man makaganti si Steph
ay kinuha ni Ely ang basurahan na malapit lang doon at inihagis kay Steph at sa
mga Alipores nito.
STEPH: “Tang*na mo talagang babae
ka!!!” At hinablot niya ang buhok ni Ely ngunit nanlaban si Ely.
At biglang nakigulo na din ang mga
alipores ni Steph para pagtulungan si Ely, pero ng papalpit na sila ay lumapit
si Jared at sumunod ang ibang mga studyanteng fans ni Kuya Jared! Hahahaha!!!
Ano ang nangyari?? Gulo!! Rambulan!! Riot!! At ayun ang nangyari. Kami ni Ella
ay pilit na pinapatigil ang mga studyante
Maya-maya sa kalagitnaan gulo, habang
pumapagitna kami ni Ella para pigilan ang mga studyante ay nakita kong binato
ni Steph ang isang bato at tumama ito sa ulo ko. Sa pagkakataon iyon ay
bumagsak ako at umikot ang paningin ko, naramdaman ko na lang na may kumarga sa
akin at ng lingunin ko ito ay si Kuya Jared ang taong iyon, yun na rin ang huli
kong natandaan.
“Gab.. Gab.. Gab.. Ano nararamdaman
mo??” ang tawag at tanong sa akin ng isang lalaki.
Pagdilat ng mata ko ay kaagad kong
nakita ang mukha ng taong mahal ko.
KUYA JARED: “Ok ka lang ba Gab?? May
masakit ba sa iyo??”
AKO: “M-medyo masakit lang ang ulo
ko.. Teka!! A-ano ng nangyari??”
ELLA: “Pagka-bagsak mo ay binuhat ka
ni Jared at kasabay noon ang pagdating ng Discipline Officer, Guards at
Guidance Counselor. Si Jared ay dumiretso dito sa clinic samantalang ako naman
ay sinamahan si Ely sa office. Habang nandoon ay diniin si Ely nila Steph at ng
mga alipores nito. Buti na lang ang mga supporters ni Jared ay nandoon at
sinabi na si Steph nga ang nag-umpisa ng gulo at nagvandalize pa sa Bulletin
Board ng school at school walls.”
AKO: “Ano pa nangyari Ella??”
ELY: “Dahil nga nagkakagulo na, ang
grupo ni Steph ay todo deny and since wala namang matibay na ebidensya na si
Steph nga ang may kagagawan ng lahat..”
AKO: “Ano Ella?? Anong nangyari??”
ELLA: “H-h-h-hindi pasasamahin sa
graduation at m-m-matatanggalan ng award si Ely and Steph kasama na yung mga
taong nakigulo.”
AKO: “So Kuya kasama ka doon??
M-m-mawawala yung awards and scholarship mo??”
KUYA JARED: “Oo tol..” ang malungkot
niyang sabi.
AKO: “Si Ely nasaan?”
ELLA: “Hindi ko alam ehh pagkatapos ng
pag-uusap kanina ay nagpaalam na sa akin at umuwi..”
Sa oras na iyon ay hindi ko na kinaya
ang galit na nagsusumigaw sa dibdib ko. Gustong-gusto ko ng sugurin si Steph at
awayin siya. Gusto kong ipamukha sa kanya ang lahat-lahat ng kasalanan na
nagawa niya kay Ely, kay Ella, kay Jared, at sa Akin. Sa oras na ito, hindi
matanggap ng puso ko ang hataw na si Ely at Jared ay mawawalan ng award at
hindi pa daw pasasamahin sa graduation. Kailangan ko ng tumayo para sa mga
kaibigan ko, kailangan ko na ding ipagtanggol ang sarili ko. Kailangan ko ng
lumaban.
At ayun na nga, tumayo ako sa
pagkaka-higa.
KUYA JARED: “Gab.. Mamaya ka na
tumayo..”
AKO: “Hindi kuya.. Kaya ko na.. At
m-m-may pupuntahan lang ako..” at dire-diretso ako lumabas ng clinic.
Napansin ko din na merong gasa na
nakadikit sa ulo ko senyales na merong sugat ito. Hindi ko na lang ito pinansin
at tumakbo ako palayo at hinanap si Steph.
Habang naglalakad ako ay nag-flash
back isa-isa sa isip ko ang mga eksenang nangyari sa amin. Ang mga bagay na
ginawa niya sa akin.
=====FLASH BACK=====
Habang nagrereport ako sa harap ng
klase.
STEPH: “That’s what you called a
report?? Because for me it’s a TRASH a BIG TRASH!!!”
At nagtawanan ang mga kaklase ko na
alipores niya.
=====FLASH BACK=====
STEPH: “Gab, Kinuha ko itong drinks
para sa iyo..”
AKO: “Salamat Steph..”
At tinapon niya ang Juice sa mukha
ko..
STEPH: “Hahahaha!! Kinuha ko yan para
ibuhos sa iyo!!! Ahahahaha!!!” At sabay siyang umalis palayo..
At iniwan niya akong umiiyak na
nakatayo.
=====FLASH BACK=====
Pinilit ng grupo nila Steph na ako ang
magpresent sa isang program sa school. Sinabi lang nila na meron lang daw akong
babasahin sa harap na maiksi lang. Ngunit ng mag-uumpisa na ako magsalita ay
bumagsak ang mga design sa likod ng stage at nagulat ako na merong lata ng
pintura na nandoon at tumapon sa akin.
STEPH: “All Bow down to the GREAT
CLOWN!!” ang sigaw niya.
Nagtawanan naman ang lahat ng mga tao.
Tumakbo ako sa backstage at doon
umiyak. Ngunit wala pang 1 minuto ay..
STEPH: “Pinagpawisan ka ba??” ang sabi
niya sabay bato sa akin ng maduming basahan.
STEPH (ulit): “Sorry ha.. Hindi naman
kasi namin kasalanan yung nangyari ehh.. Yung pintura na yun kasi gagamitin yun
sa susunod na mag-ppresent at ayun nga biglang tumapon naman sa iyo.. Tsk! Tsk
tsk! Kawawa ka naman..” ang sabi niya na parang inosente sa nangyari.
STEPH (ulit): “At pasensya na din ha?
Kasi isang basahan lang ang kaya kong ibigay sa iyo bilang sorry ko.. Kasi yan
lang ang level mo.. isang maruming basahan.. Ahahahaahaha!!!” sabay tawa ng
demonyo at umalis.
=====FLASH BACK=====
Naalala ko rin ang eksena noon sa
clubhouse nila Ely kung saan pinagtulungan nila ako. Eto yung araw na nakilala
ko si Kuya Jared..
STEPH: “Hhhmm.. Since you’re here na
rin naman, Why don’t you get me some food and drinks?”
AKO: “uuhhh.. Ok” ang sagot kong
tatanga-tanga.
Nang kinuha ko siya ng juice at
pagkain ay sinadya nyang banggain ako at tabigin ang mga hawak ko para bumuhos
sa akin lahat yun.
STEPH: “OH MY GOD!! Ano ba yan!! Ang
tanga-tanga mo talaga!! Buti sana kung sa iyo lang lahat yan tumapon eh pati
ako natapunan eh!! Tanga-tanga mo talagang bobo ka!! Don’t you know that my
blouse and my jewelries are more expensive THAN YOUR LIFE?? Bobo!! Wag kang
magkalat ng Ka-bobohan mo dito!!” Sabay sampal at sabunot sa akin.
Hindi pa siya nakuntento at ang iba pa
niyang mga kaibigan ehh kinuha ang mga inumin nila at binuhos lahat sa akin.
=====FLASH BACK=====
Naalala ko rin yung pag-ambush at
pambubugbog sa niya sa akin kasama ng mga alagad niya dahil sa inaagaw ko raw
si Kuya Jared sa kanya.
AKO: “Ano ang gagawin niyo sa akin???
Steph!! Itigil mo na ito!! Maawa ka!! Wala akong ginawang MASAMA!!” ang
pagmamakaawa ko..
Ngunit sumagot siya ng..
STEPH: “MAGDUSA KA!!!”
At isang malakas na halakhak na parang
demonyo ang nadinig ko kay Steph.
=====FLASH BACK=====
At kanina.. ang pagpapahiya na ginawa
niya sa akin..
STEPH: “Wow!! Here comes the Slut!!
The MOST DISGUSTING, and EEWWWYY being I had encountered in my entire life!!”
ang patama niya sa akin.
MGA ALIPORES NI STEPH:
“EEEEEEEWWWWWWW!!!!!!!!!!”
---
STEPH: “Oh!! Bakit?? Wala naman akong
ginagawang masama ahh.. Yang malanding bakla na yan ang may ginagawang masama,
may ginagawang kalandian, may ginagawang kapok-pokan!!” ang dire-diretso niyang
sabi.
=====PRESENT TIME=====
Hindi ko napigilang lumuha at
humagulgol. Ngayon nagising na ako sa katotohanan na sobra-sobra na ang mga
ginawa nilang pang-aalipusta sa akin. Sobra-sobra ng pagpapahirap ang ginawa
nila sa akin. Para akong isang laruan na pinagtatawanan nila at
pinag-kakaisahan.
“Tao ako!! Hindi ako Laruan!!” ang
sigaw ko sa isip ko.
Maya-maya nakita ko siya na naglalakad
kasama ang ilan sa mga alipores niya. Hindi ko alam pero ang lakas ng loob ko,
pinunasan ko ang luha ko, tumayo at naglakad palapit sa kanila. Habang
naglalakad ako ay nabuo ang isang plano sa isip ko at ang planong ito ang alam
kong tanging solusyon para maging tama ang mali para ma-abswelto ang walang
kasalanan na si Ely at Kuya Jared.
“Camera pala ang labanan ha.. Picture
pala ha.. Pwes mas matinding ebidensya ang gagawin ko..” ang galit na sabi ko
sa sarili ko.
Nagdala ako ng Camcorder ng araw na
iyon, kasi alam ko na mag-rerecord ng video si Ely ng kung anu-anong trip niya.
Kaya ngayon naisipan kong gamitin ito laban kay Steph. Bago ko pa man lapitan
si Steph ay siniguro kong handa na ang lahat, ang dala kong Camcorder ay nasa
loob ng bag ko at slightly naka-bukas ang zipper ng bag. Dahil nga nakabukas
ang zipper ay nakatapat ang lens nito sa kung sino man ang kausap ko.
Bago ako lumapit ay pinindot ko ang
start button at ng makalapit na ako kay Steph ay..
AKO: “Steph!!” ang seryoso kong sabi.
STEPH: “Ohh!! Anong ginagawa mo dito??
Bakit?? Lalaban ka na ha??” ang sabi niya sabay pandidilat ng mata.
AKO: “Pwede ba tayo mag-usap?? Yung
tayo lang dalawa??”
ALIPORES 1: “Bakit ayaw mong iparinig
sa amin?? Tungkol ba yan sa mga pinost namin ha??”
ALIPORES 2: “Oo nga!!”
Sa isip ko ay natuwa ako dahil doon pa
lang ay huli na sila agad.
STEPH: “Sssshhh!!! Sige na.. Mauna na
kayo, I’ll deal with this one.. Kaya ko ito.. Alam ko namang Makita lang ako
nito ay kikilabutan na siya ehh..” ang pagyayabang niya.
At umalis nga ang mga kasama niya. Ako
at si Steph lang ang natira sa lugar na iyon. Sa oras na ito, medyo kinakabahan
pa rin ako pero mas nanaig ang tapang ko na dapat harapin ko na siya.
AKO: “Steph umamin ka nga.. Ikaw ba
ang nagpost ng pictures namin sa Bulletin Board?? Ikaw din ba ang nag-vandalize
ng dingding ng school??” ang sunod-sunod kong tanong.
STEPH: “Gusto mong malaman ang totoo??
Oo ako nga.. Oh ano naman ngayon?? May angal ka ha??” ang mataray niyang sabi.
AKO: “Bakit mo ba ginawa iyon ha??”
STEPH: “Simple lang Gab.. I want
Jared!! That’s it!! And I don’t care kung mawalan ako ng awards or hindi ako
isama sa marching ng graduation, basta ang importante ay mapasa-akin si Jared
oh ano? Angal ka ha??”
AKO: “Yun lang ba Steph?? Kaya mo ba
ginawa yan dahil kay Jared ha?? Kaya mong matiis na merong mga taong
natanggalan ng awards para lang makuha ang gusto mo?? Kaya mong maatim na
merong taong matatanggalan ng scholarship dahil sa iyo?? Kaya mong masikmura na
merong taong hindi nasama sa marching dahil sa pinaggagawa niyo??” ang
dire-diretso kong sabi.
STEPH: “OO!! Kaya ko!! At kayang kong
gawin ang lahat Makuha lang ang gusto ko!! Defeat is not in my vocabulary Gab,
at hindi ko yun matatanggap lalong lalo na sa isang kagaya mo na Clown!!” ang
sigaw niya.
At pagkatapos noon ay pasimple kong
pinindot ang stop button.
“Success!!” ang sabi ko sa isip ko..
Sapat na ang ebidensyang nakahanan ko. Pero di pa tapos ang lahat..
AKO: “Clown?? Hindi ako laruan Steph..
All my life ginawa niyo akong katawa-tawa, pinahiya at pinagkaisahan sa harap
ng maraming tao.. Pero di na ako papayag ngayon na apak-apakan niyo lang ang
pagkatao ko..”
STEPH: “WOW!! So ano?? Lalaban ka na
ha?? Ha!!” at kasabay noon ang pandidilat at panlilisik ng mata niya sa akin.
AKO: “Wag mo akong pilitin Steph..”
ang sagot ko lang.
STEPH: “Ahh Ganoon!! Sige!! LUMABAN
KA!! WAG MONG PIGILIN YANG SARILI MO!!” ang sigaw niya kasabay ng pagtulak niya
sa akin na ikinabagsak ko sahig.
Ngunit malakas na ang loob ko ngayon,
tumayo ako at..
AKO: “Noon pa man, Hindi ko alam kung
bakit galit na galit ka sa akin..”
STEPH: “Hindi mo alam??? Hindi mo alam
kasi TANGA KA!! KASI BOBO KA!! KASI INUTIL KA!!” ang dirediretso niyang sigaw
sa akin at hawak ng madiin sa panga ko.
Ngunit tinabig ko ng malakas ang kamay
niya at sinabi ko..
AKO: “Hindi ako tanga Steph, hindi rin
ako bobo, at hindi rin ako inutil..”
STEPH: “So Ayan!! Linalabas mo na ang
sungay mo!! Wow!! Ano?? Kaya mo na ako ha?? Alam ko naman dati pa ehh na
naiingit ka sa akin!! Kasi lahat ng attention ng tao nasa akin, lahat ng tao
nahuhumaling sa akin, eh sa iyo?? Wala!! You’re just Clown, you’re no one.. And
YOU’LL DIE LIKE THAT!!”
STEPH (ulit): “At isa pa, sa sobrang
desperado mo ay linandi mo si Jared, hindi mo ba alam na nakikisakay lang siya
sa kalandian mo ha? Dyan sa kapok-pokan mo? Ako ang totoong gusto niya, ako ang
mahal niya, inutusan ko lang siya para landiin at saktan ka!! Tignan mo, ni
hindi ka nga niya maipagtanggol kanina di ba? Hindi nga niya mapanindigan ang
relasyon niyo! Kailangan mo pang isang Elyana para lang merong magtanggol sa
isang kagaya mo. Nako! If I know! Enjoy na enjoy ka sa pambababoy na ginagawa
sa iyo ni Jared!” ang dire-diretso niyang sabi.
Sa puntong iyon ay hindi ko na kinaya
ang mga sinabi niya. Sobra na talaga, kaya bigla kong naihampas ang librong
hawak ko ng oras na iyon na kasing kapal ng isang Encyclopedia, at ito’y tumama
sa pagmumukha ni Steph. Naihampas ko iyon sa kanan niyang mukha at pagkatapos
noon ay sa kaliwa naman niyang mukha tumama ang libro at nabitiwan ko ito.
Hindi agad nakakilos si Steph sa ginawa ko gawa ng makapal at malaking libro
ang tumama sa kanya. Hinablot ko ang buhok niya at inuntog ko siya sa pader.
Pagkatapos noon ay mabilis na sinipa ni Steph ang isang binti ko at dahil doon
ay nabitiwan ko siya. Nang gaganti ng sampal si Steph ay nahawakan ko ito at
imbis ay sinampal ko siya ng tatlong beses na magkakasunod. Sa ikatlong sampal
ko ay lumagapak siya sa semento.
AKO: “Para yan sa lahat-lahat ng
ginawa mong kasalanan sa amin!!” ang sigaw ko sa kanya habang tumutulo ang luha
ko.
At pagkatapos noon ay pinulot ko ang
librong inihampas ko sa kanya at umalis. Iniwan ko siyang naka-upo doon, tulala
at namumula ang magkabilang mukha.
Habang naglalakad ako ay swerte ko
naman at nakita ko si Kuya Jared at Ella.
ELLA: “Gab! San ka ba galing?”
AKO: “May tinuruan lang ng leksyon..
Tara, pumunta tayo sa office at may ipapakita ako sa kanila.”
KUYA JARED: “Gab, san ka nga galing??”
Habang papunta kami sa Office ay
kinwento ko sa kanila ang nangyari.
KUYA JARED: “Ginawa mo iyon tol??”
AKO: “Oo.. Kuya, hindi ko na masikmura
yung ginawa niya, hindi ko na kaya na pati ikaw, at si Ely ay dinamay niya.
Alam ko na-dedepress si Ely ngayon.”
KUYA JARED: “Gab, dapat hindi mo na
pinatulan pa iyon!!”
AKO: “Ella.. Pwede pakibigay ito doon
sa office, susunod kami ni Jared..”
ELLA: “Ok..” sabay kuha nung camcorder
at umalis.
AKO: “Jared.. Mahal mo ba ako??”
KUYA JARED: “Ano ba namang tanong iyan
Gab?? Oo mahal kita..”
AKO: “Kung mahal mo ako, bakit
pinagtatanggol mo pa yung Steph na iyon ha?? Alam mo, sa inaakto mo ngayon
parang gustong mainwala ng utak ko sa sinabi ni Steph na hindi ako ang mahal mo
kundi siya, dahil hindi mo ako magawang ipagtanggol. At sa nakikita ko, mas
kinakampihan mo pa siya kesa sa akin!” sabay patak ng luha.
KUYA JARED: “Gab, sinasabi ko lang,
don’t stoop down to her level. Hindi mo dapat siya pinatulan, alam mo nagmukha
ka lang mababa sa ginawa mo. Pina-mukha mo lang sa lahat na tama sila na tama
ang pinost nila sa bulletin at sa mga dingding ng school na.. na..”
AKO: “Na Ano?? Na desperado ako??? Na
malandi ako?? Na Bitch ako!! Na Slut ako!! Na ginagamit lang kita para makaalis
sa ‘Clown’ image ko ganun?? Yan ba ang tingin mo sa akin Jared ha??”
At bigla naman niya akong yinakap. Out
of nowhere ay biglang may tumugtog na kanta..
"You don't run with the crowd
You go your own way
You don't play after dark
You light up my day
Got your own kind of style
That sets you apart
Baby, that's why you captured my heart
I know sometimes you feel like you
don't fit in
And this world doesn't know what you
have within
When I look at you, I see something
rare
A rose that can grow anywhere (grow
anywhere)
And there's no one I know that can
compare
What makes you different, (alright)
makes you beautiful (alright)
What's there inside you, (alright)
shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll
ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you
beautiful to me
Hey, yeah yeah yeah
You got something so real
You touched me so deep (touched me so
deep)
You see material things
Don't matter to me
So come as you are
You've got nothing to prove
You've won me with all that you do
And I wanna take this chance to say to
you
What makes you different, (alright,
yeah yeah) makes you beautiful (alright)
What's there inside you, (alright)
shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll
ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you
beautiful
You don't know (you don't know) how
you touched my life (touched my life)
Oh in so many ways (so many ways) I
just can't describe
You taught me what love is supposed to
be
It's all the little things that make
you beautiful to me (so beautiful)
Oh yeah, yeah
What makes you,
What makes you different, (what makes)
makes you beautiful (to me)
What's there inside you, (there
shines) shines through to me
In your eyes I see, all the love I'll
ever need
You're all I need, oh girl
What makes you different, makes you
beautiful to me
Everything you do is beautiful (so
beautiful)
Love you give shines right through me
(shines right through to me)
Everything you do is beautiful (ooh,
ooh ooh ooh oh)
Oh, you're beautiful to me (to
me).."
KUYA JARED: “Hindi Gab.. Hindi ganun.
Hindi ka ganun alam ko yun.. Ang sinasabi ko lang sana hinayaan mo na siya..
Gab, mahal na mahal kita alam mo yan. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko..”
AKO: “Alam ko naman yun ehh..” kasabay
nun ang paghagulgol ko.
KUYA JARED: “I Love you Gab..”
AKO: “I Love you Jared..”
At kasabay noon ang isang mabilis na
smack lang. Smack lang kasi merong mga ibang taong nakatingin at nakakapansin
pero wala na akong pakielam, kahit pa picturan o videohan pa nila kami ay wala
na akong pakielam.
Pagkatapos ng smack ay nagpalakpakan
ang mga tao.
TAO 1: “Ayyyiiieehh!! Ang sweet
naman!!”
TAO 2: “Cheeessyyyyy!!!!”
TAO 3: “Parang eksena lang sa pelikula
ahh..”
TAO 4: “Ang sarap naman niyan!! Tol, I
love you na din!!” sabi ng isang lalaki sa kaibigan niyang lalaki din.
Tawa na lang kami ni Kuya sa mga
reaksyon ng mga tao. Hinarap din namin ang mga kaklase namin at natuwa naman
ako dahil sinuportahan nila kami.
Sa pagkakita ng mga nakakataas sa
school ng video ay napawalang sala si Jared and Ely. Ibinalik sa kanila ang
dapat sa kanila. At kay Steph? Ayun nagwawala na sinasabi na sinaktan ko daw
siya at kung anu-ano pa daw, pero wala ng naniniwala sa kanya. Nawalan ng award
si Steph, hindi rin siya pinasama sa marching kasama ang mga alipores na
kasabwat dito. Aaminin ko, naawa ako sa kanila pero anong magagwa ko di ba?
Kailangan nilang pagbayaran ang mga kasalanan nila.
Sa parte naman ni Ely..
AKO: “Ely ok ka lang??”
ELY: “Ok lang ako Bebe Gab ano ka ba??
Sadyang nadepress lang ako sa.. alam mo na yung sa academics.”
ELLA: “Yun ba talaga?? Oh si Jared??”
ELY: “Ano ka ba Ella?? Happy ako sa
kanila ni Bebe Gab nuh..” ang sabi niya.
Ewan ko kung bakit pero parang hindi
ako na-convince doon.
Nagdaan ang ilang araw at Graduation
na namin. Maniwala man kayo at sa hindi, Si Ella ang naging Valedictorian namin
at si Ely naman ang Salutatorian. Galing nuh? Hehehe. Si kuya naman ay humakot
ng awards sa Activities, services, at kung anu-ano pa man. Ako? Loyalty award..
Hehe.. At First Honorable Mention. Hehehe.. Galing namin nuh? Wahahahaha!!
Naging Masaya ang araw na iyon.. At
mas naging Masaya iyon dahil nga, well.. Hindi ko na makikita ang Kontrabida sa
buhay ko.. Goodbye Steph.. Haha.. Sa ngayon..
Yes.. You heard it right.. Sa ngayon
lang yan.. kasi, nadinig ko na ang papasukan niyang school ay ang school na
papasukan namin ni Ella at Ely. Naku!! Sana lang lubayan niya na ako!!
Pagkatapos ng Graduation ay nagkaroon
ng party sa aming bahay. Nandoon si Ely, Ella, Jared, at mga family na rin
nila. Nandoon ang Parents ni Ely na close sa family ko.. At nandoon ang Father
ni Ella at Mama ni Kuya Jared.
Sa kalagitnaan ng party..
ANGELO: “Pare kamusta?” ang tawag niya
sa Papa ko..
LUIS MONTENEGRO (Papa ko): “Angelo?”
ANGELO: “Tol ako nga.. Luis ako ito,
si Angelo..”
LUIS MONTENEGRO: “TOl!!!” sabay yakap
sa kanya..
LUIS MONTENEGRO (ulit): “Ang
tagal-tagal na kita pinapahanap..”
ANGELO: “Ako pinapahanap? Bakit mo ako
pinapahanap?”
LUIS MONTENEGRO: “Kasi..”
ELLA: “Magkakilala po kayo ng Papa
ko?” ang tanong niya sa Papa ko.
LUIS MONTENEGRO: “P-Papa mo??
Siya!?!?!” ang nagulat na tanong ni Papa..
ANGELO: “Di mo ba natatandaan si
Angel? Siya yung bunso ko..”
LUIS MONTENEGRO: “Angel??? Oo nga
pero..” sabay tingin sa kinauupuan ni Kuya Jared na nakatingin din sa
kinatatayuan namin.
AKO: “Ella, Daddy mo siya right?? At
magkakilala sila ni Papa?”
ELLA: “Oo nga ehh.. Hindi ko alam na
magkakilala pala sila..”
LUIS MONTENEGRO: “Angelo, M-may
dapat.. Este!! May ipapakilala ako sa iyo.. JARED!!” sabay tawag ni Papa kay
Kuya..
Nakita ko naman na nanlaki ang mata ng
kaibigan ni Papa na daddy ni Ella.
KUYA JARED: “A-a-ano po iyon?” ang
sabi ni kuya na bakat ang pagtataka sa mukha.
LUIS MONTENEGRO: “Jared anak (anak ang
tawag niya kay kuya.. hehe..), k-kilala mo ba sya?” sabay turo sa kaibigan niya
na “Angelo” daw ang pangalan.
Kitang-kita ko naman ang pagkagulat sa
mukha ni Kuya. Kasabay nito, nakita ko rin na may pagkakahawig ang mukha ni Sir
Angelo kay Kuya Jared particularly ang mata ilong, at hugis ng mukha.. Angelo?
Wait lang.. Parang natatandaan ko ang pangalan na iyon ahh..
KUYA JARED: “T-t-tay?” ang nanginginig
na sabi ni Kuya
Nakita ko ang namumuong luha sa mata
ni Kuya nun..
ANGELO CRUZ: “Jared?? A-a-anak?” may
namumuo na ring luha sa mata niya.
KUYA JARED: “Tay!!” sabay yakap niya
sa ama nito.
Nakakaiyak ang eksenang iyon. Siyam na
taon.. Siyam na taong nagkahiwalay si Kuya at ang kanyang ama. At ngayon,
makalipas ang Siyam na taon ay muli silang nagkita.
ANGELO CRUZ: “Ang tagal-tagal kitang
hinanap anak.. Hinanap ko kayo ng nanay mo.. Maniwala ka anak, pinagsisihan ko
ang nagawa ko dati, ang pag-iwan ko sa inyo ng nanay mo..”
KUYA JARED: “Wala na yun Tay.. tapos
na.. Ang mahalaga ay magkasama na tayo ngayon..”
ELLA: “K-Kuya??” ang nanginginig na
tawag niya kay Kuya Jared.
KUYA JARED: “A-Angel? Angel!!” Sabay
yakap dito..
ELLA: “Kuya.. All this time, magkasama
na pala tayo.. Ang tagal-tagal ko kayong hinanap ni nanay.”
Naiyak ako sa mga oras na iyon,
imagine!! Si Kuya Jared na Best Friend ko, at si Angela/Angel na close friend
ko rin, MAGKAPATID!! All this time magkasama sila without knowing na magkapatid
sila.
ELY: “Grabe!!! I’m Crying na..
huhuhuhuhu!! Bebe Gab, what a wonderful reunion!” ang mangiyak-ngiyak na sabi
nito.
AKO: “Oo nga ehh..” sabay punas ng
luha.
ELY: “Hay naku!! Masisira ang make-up
ko..” sabay punas ng luha at kuha sa make-up nya para mag-retouch. Nyahahaa!!
ELLA: “Baliw ka talaga Ely..” sabay
tawa..
ELY: “Naku!! Sige na.. magyakapan na
kayo dyan.. GORABELLS NA!!! At ako ay mag reretouch.. ayoko na umiyak pa.”
Tawa naman ang lahat.
Maya-maya lumapit ang isang babae. At
ang babaeng ito ay ang nanay ni Kuya Jared.
JADE MARTINEZ CRUZ (mama ni Jared):
“Angelo..”
ANGELO CRUZ: “Jade!” sabay yakap dito.
ANGELO CRUZ: “Jade, patawarin mo ako
sa mga nagawa ko.. Sa pag-iwan ko sa inyo ni Jared.”
JADE MARTINEZ CRUZ: “Tapos na yun..
wag mo ng isipin yun.. ang mahalaga ay magkakasama na tayo..”
Naging madrama din ang tagpong iyon.
Kahit nga kami ehh nadala na sa eksena. Si Papa ay nakaakbay kay Mama at
hinalikan ang ulo nito. Si Ely naman ay nakakapit sa braso ni Kuya Jared, si
Ella naman ay medyo nakayakap na sa akin.. Hehehe.. At kami naman ni Kuya na
magkatabi ay pasimpleng magkahawak ng kamay, pero binitiwan ko din kasi baka
may makakita nuh..
Maya-maya..
ELLA: “Mama..”
JADE MARTINEZ CRUZ: “Angel..” sabay
yakap dito..
Hay Grabe naman ang araw na ito!!
Graduation day, then eto.. nasa bahay namin ang reunion naman nila.. Hayy..
what a beautiful day..
Maya-maya nang matapos ang kainan,
kwentuhan at tawanan. Inaya ni Mama na dito na sa amin matulog sina Ely, Ella,
Jared, at ang mga parents nito.
11:00pm noon at tulog na ang lahat,
nasa kwarto ako noon kakagaling ng banyo dahil naligo ako, ng biglang may
tumakip sa bibig ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko ngunit
sadyang malaks siya kaysa sa akin. Maya-maya naramdaman kong yinakap niya ang
katawan ko at sinabing..
“Mahal na mahal kita..”
Sa pagkakataong iyon, alam ko na si
Jared iyon.
AKO: “Mahal na mahal din kita” sabay
haplos sa braso nito na naka-yakap sa akin.
Bigla nya akong hinarap sa kanya at
kasabay noon ay pagtukod niya ng katawan ko sa pader, habang ang dalawang kamay
niya ay nakahawak sa balikat ko. Kitang-kita ko ang maamo niyang mukha. Ang
napakagandang mata, ang napaka-kinis na balat, at ang mapupula niyang labi..
KUYA JARED: “Mahal na mahal kita Gab..
At gusto kong patunayan ito sa iyo..” at kasabay noon ay siniil niya ako ng
halik. Halik na napaka-init at punong-puno ng pagmamahal.
Hindi ako pumalag sa halik niyang
iyon, kahit sa gusto niyang mangyari. Sa oras na iyon, hinayaan kong gawin ang
gusto niyang gawin sa akin. Sa oras ding iyon ako unang nagpaubaya sa kanya..
Sa pagnanais niya na ipadama ang kanyang pagmamahal.. Ngunit sa kalagitnaan ng
aming ginagawa, tumigil siya at tiningnan ako. Nakahiga ako sa kama samantalang
siya naman ay nasa itaas at nakatukod ang dalawa niyang kamay sa braso ko.
KUYA JARED: “......” tinitigan niya
lang ako.
AKO: “........” nakatingin ako sa
kanyang mga mata.
Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng
malakas.
KUYA JARED: “Matulog na tayo.” Sabay
tanggal sa dalawa niyang kamay na nakatukod sa akin at humiga siya sa tabi ko.
AKO: “Ehh?????? Ha!!?!?! Anu daw??”
ang nasabi ko gawa ng pagtataka.
KUYA JARED: “Tol, (sabay hawak sa
pisngi ko) alam ko, hindi ka pa handa na gawin natin ito. Kaya ako na ang
magsasabi na itigil natin ito hangga’t wala pa tayo sa pinakamasarap na parte.
Hahaahaha!!” ang malakas niyang tawa.
AKO: “Ang gulo mo naman. Sabi mo gusto
mo sa akin patunayan at ipadama? Eto nga ako oh.. hindi ako pumalag..” ang sabi
ko na pigil na pigil sa pagtawa.
KUYA JARED: “In your eyes, I see na
ayaw mo pa. Na hindi ka pa handa. At ayaw kong gawin mo iyon dahil lang
pinagbibigyan mo ako, dahil mahal mo ako. Gusto ko gagawin mo iyon dahil gusto
mo at handang-handa ka nang ialay ang sarili mo sa akin.” Ang pagpapaliwanag
niya.
AKO: “Hhhmmm.. Gaano kahanda ba gusto
mo?” ang pagtatanong ko sa kanya na may halong lambing.
KUYA JARED: “One thousand percent
sure!!” ang malakas niyang sabi.
AKO: “Baliw!!”
KUYA JARED: “Hahaha!!”
At iyon na nga.. Ang sandaling dapat
pagkawala ng aking pagka-virgin ay napunta sa biruan, harutan at tawanan na
lang. Ok lang din, tama naman kasi siya; hindi pa ako handa.
KUYA JARED: “Tol, mahal na mahal
kita..” ang sabi niya habang hinahaplos ang mukha ko.
AKO: “Mahal na mahal din kita..”
At muli ay inilapat niya ang labi niya
sa labi ko. Syempre, Natapos ang gabing iyon na wala nanamang nangyari. Hehehe.
Pasensya naman sa mga nagbabasa at na-eexcite dyan noh!! Conservative ako at
hindi pa ako handa sa ganito!!
Around 6:00am na ng magising ako at
nakita ko na wala sa higaan si Kuya. Nagpalit ako ng damit at lumabas.
Pagkalabas ko, nagpunta ako sa terrace at nalanghap ko ang malamig na simoy ng
hangin. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si Kuya Jared at Ely na nasa
ibaba, nag-uusap sila.
Nang pilit kong pinapakinggan ang
pinag-uusapan nila, nadinig ko ang isang salita na mula kay Jared.
KUYA JARED: “Ely, Mahal din kita..
P--“ at mukhang di nya natapos ang sasabihin niya dahil..
Nang madinig iyon ni Ely ay bigla
niyang hinalikan si Kuya. Sa halik na iyon, hindi pumalag si Kuya na para bang
gustong-gusto niya ang ginagawa nila.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment