by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
Agad nila akong niyakap lahat.
Tuwang tuwa ako sa nakita kong
pagsalubong nila sa akin.
Agad akong hinalikan ni Jaysen at
gumanti ako. Ang lambot ng labi niya. pilit niyang pinapasok ang bibig ko.
Ano ba naman tong si Jaysen, sa harap
pa ng mga magulang ko? He bit my lower lip. Pilyo talaga ito.
“Sa harap talaga nila mama at papa?”
tanong ko.
Isang piltyong ngiti lang ang sinagot
niya. agad kong niyakap ulit si mama at papa.
“Akala ko hindi na ako magigising..
akala ko mawawala na ako. Sorry at pinag alala ko kayo. Sorry po mma at papa.”
Umiiyak na ako.
“Anak… ayos lang yun.. ang mahalaga
ngayon okay ka na…” sabi ni mama.
“Please anak.. stay with us ha. Live
for us…”
Naiiyak naman ako sa sinasabi nila
mama at papa.
Niyakap ko sila ng sobrang higpit na
para bang wala ng bukas.
“Ma.. I promise….Pa… mabubuhay
ako….kayo talaga. Hindi namamatay agad ang isang masamang damo.” Sabi ko.
Agad naman akong binatukan ni Chad,
well ano pa ba at niyakap ko din siya.
“Best friend pinakaba mo kami doon.
Marami na ang nag aabang sa pagbabalik mo sa school. Kaya bumalik ka na. at isa
pa ano ba ang nangyari sa iyo?” ngumiti lang ako.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa
harap ni Jaysen na iniisip ko si James ng mga oras na iyon.
“Well. May iniisip kasi ako nun. Then
suddenly, nahirapan ako bigla huminga. At unti-unti ng nawalan ako ng malay.”
Ang pagkwento ko.
“Well you should be careful next time.
Dapat hindi na mangyari sayo to…” sabi ni Chad.
“Yang bf mo kasi di na pumasok for
you…” dagdag nito.
“Huh? bakit naman bhie ikaw talaga.”
Tanong ko.
“Eh kasi gusto ko ako un among
makikita eh. At isa pa, gusto ko sa tabi mo lang ako.” Sabi niya.
“Your so sweet. Ikaw talaga.” Yumakap
ulit sa kanay at hinlikan ko siya.
“May reward ako sayo pag medyo
magaling na ako..” tapos kinindatan ko siya.
Binulong ko lang sa kanya iyon. Nakita
ko naming namula siya at nag blush.
“Oh bakit ka namumula Jaysen?” tanong
ni Chad.
“Ah eh.. wala wala…”
“Oi best friend ano ang sinabi mo
diyan?”
“Wala ah. Ikaw talaga napaka tsismoso
mo.”
"Hindi ah. Ewan ko sayo.”
“Teka nagugutom ako.” Sabi ko. At
ikinuha ako ni Jaysen ng pagkain.
Wow, sinusubuan niya ako.
Ang sweet naman niya. todo kwentuhan
naman kami sa nangyari sa labas noong wala ako.
Madami-dami na pala akong dapat
habulin na lessons.
Si Chad talaga bangkang-bangka sa
kwentuhan. Di talaga papatalo kahit kailan.
Ang ingay niya at ang lakas ng boses.
Ang dami niyang biniling foods para sa
akin. Yeah.
He is sweet talaga. Mag gagabi na ng
nagpasyang umuwi si Chad.
“Sige uwi na ako ha. Dami pa akong
gagawin eh. Magpagaling ka panget.” Sabi niya sa akin.
“Nahiya ako sa kagwapuhan mo ah.” Sabi
ko.
“Ako pa.” sabi niya.
“Che alis na.” sabi ko.
“Bhie. Bukas pumasok ka na ha.” Sabi
ko.
“Pwede bang sa makalawa na lang?” sabi
niya.
“Hindi, dapat bukas pumasok ka na.
baka nagtataka na yung papa mo.”
“Hindi yan. Ikaw talaga.”
“Oi ikaw pumasok ka. Magagalit ako
sayo sige ka.”
“Opo boss.” Nagtawanan sila papa.
“Anak, wag mo namng i-under tong si
Jaysen.” Sabi ni papa.
“Hindi naman pa.” dipensa ko.
Nagkwentuhan pa kami ni Jaysen ng
ilang oras.
Sweet talaga niya kahit kalian haixt.
Bigla ko na naman naisip yung kanina.
Yung bangungot ng nakaraan.
“Bhie tutulog na ako.” Sabi ko sa
kanya.
“Okay sige sige. Good night sweet
dreams. I love you” sabi niya.
“I love you too.” Sabi ko. Bigla siya
humiga doon sa may sofa.
“Bhie. Gusto ko tabi tayo.” Sabi ko.
Tumingin siya kila mama at papa na
humihingi ng permiso.
Agad akong yumakap sa kanya. Na miss
ko siya.
Kala ko kasi mawawala na ako. Niyakap
din niya ako ng mahigpit.
Feeling ko kapag kasama ko siya safe
ako.
Ako na lang ata ang gising noon at
pilit kong naalala ang dati...
Maya maya, unti-unti akong nakatulog.
Sa aking pagtulog, muli nanariwa ang nakaraan.
(Flashback)
Nasaan ako? Bakit puti ang nakikita
ko.
Matapos ang ilang araw na
pagkakatulog, eto ako, narito sa hospital. Nakita ko ang kamay ko na may
bendang nakalagay.
Well, buhay pa nga ako. Malas naman.
Yan ang nasaisip ko.
Bakit ba hindi pa ako natuluyan?
Walang nagbabantay sa akin, well di na
dapat ako nag eexpect.
Siguro after nito iiwanan na lang nila
ako kay lola. Mas mabuti pa nga. Sabi ko sa isip ko.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Nag lakad-lakad at nahagilap ng aking
mga mata ag isang chapel sa loob ng simbahan.
Agad akong lumuhod at nagdasal.
Ilang minuto lang ay may dumating na
isang lalaki.
Matangkad siya at matipuno. Mga nasa
20’s na ang edad.
Well siguro patient din siya tulad ko.
May bracket ang kamay niya. naaksidente siguro siya.
Nakatulala ako. Iniisip ko pa rin ang
nangyari.
Unti unti lumuha ako.
Hindi ko napigilan ang magsalita kahit
na nadiyan siya.
Mukha naman kasing mabait siya.
Gwapo siya at mukhang well built ang
katawan. Nang titigan ko ang mata niya, nakita kong malungkot ito at para bang
walang buhay.
Nagsimula akong magsalita. Oo,
nagsalita kahit di ko siya kilala.
“Kapag nabasag ang puso, ang tunog
hindi malakas tulad ng isang pagsabog. Pwede kasing hina ng nalaglag na dahon.
Ang masakit nga lang doon, ikaw lang ang nakarinig...... Minsan hirap din pala
magpahalaga ng isang tao. Yun tipong lagi kang nandiyan para sa kanya, kasama sa
gitna ng gera, karamay sa mga problema... ngunit isang araw.... magigising ka
na lang..... iniwan ka na pala niya...”
Mukhang napansin niya na siya ang
kinakausap ko kaya nagsalita siya.
“Tol, may problema ba?” tanong niya sa
akin.
“Pagpasensiyahan mo na ako kuya,
emosyonal lang ako.” Sagot ko.
“Tol... dapat di ka ang laslas...”
sabi nito.
“Masakit eh.... yun tipong di kayo
pwede ng mahal mo... yung iniwan ka niya dahil sa mga taong nasa paligid mo...
di kayo tanggap ng lipunan at ng mga tao....at higit sa lahat yung lokohin ka
niya… ang sakit sakit.” sabi ko na napapaluha na ako.
Mukhang may nabuong konklusyon sa isip
niya dahil medyo may iniisip siya.
“Tol... wag ka ma-offend ha.. pero
bisexual ka ba?”
“Sa totoo.... oo... ikaw din di ba?”
tanong ko.
“Hahahah... yup... pano mo
nasabi?”
“Ramdam ko eh... pati alam kong
naiintindihan mo ako...”
Ngumiti siya at muling nagsalita.
"Lam ko yang nararamdaman mo...
alam mo, hirap pag nawala ang mahal mo... nakaklungkot, masakit, nakaka-miss...
bakit kaya ganoon? Pagkatapos ng saya, dadating din yung time na iiwan ka niya,
dun pa sa part na sobrang mahal mo na siya...”
“Sa una... akala ko wala-wala lang...
pero nung nagtagal.... nahulog ako ng sobra.... mahal ko siya... sobra......
itinago namin ang lahat tungkol sa amin.... pero.... yun nga lang... wala
eh...”
“Alam mo... darating yung point na
magasasama din kayo. Kung kayo, kayo talag kung hindi, well.... sorry try
again....” sabi niya.
Natawa naman ako doon.
“Yan.... ngumingiti ka naman pala eh”
sabi niya.
“Salamat at may nakakusap ako tulad
mo.”
“Ako nga din eh... kaya wag ng sad...
nababawasan kagwapuhan mo eh..”
“Naku bola agad ha...”
“Totoo naman eh.. hahah..” sabi niya.
“Well.... sabi nga nila, ang pag ibig
daw parang crispy pata..... masarap pero deadly...”
“Hahahah... may point ka.... haha..
pero minsan ang pag ibig parang tinapakang ipis..... akala mo patay na... yun
pala buhay pa.....” sagot niya
“Well... yeah right.... sabi ko nga
minsan kasalanan ito ng puso ko eh... Teka sa movie na I do tong mga lines
nayan ah...” nagtawanan kami.
“Hay nako.... wag mong sisihin ang
puso mo.... batukan kita eh.... sabi nga ni Bob Ong.... Kung nagmahal ka ng
taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan
para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at
ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo,
mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga
sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo
kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo....”
“You are an amazing man....” hangang
hanga na sabi ko.
“Nope... di naman... pero somehow...
nakaligtas nga ako sa kamatayan ng katawan ko... ewan ko nga lang kung ang puso
ko makaligtas pa ulit...” sabi niya.
“Bakit.... may problema ba?”
“Kasi yung mahal ko... hanggang ngayon
di pa niya ako dinadalaw...di ko alam kung anong nangyari sa kanya... ayokong
isipin na iniwan niya ako.....”
“Siguro naman hindi... you are an
amazing guy.” Sabi niya.
“Nakak-flatter naman... pero iaaccept
ko... hahah...”
Nagkwentuhan kami at marami akong
nalamn tungkol sa kanya.
Nag kwento din ako about sa akin.
Ilang minuto din kaming nag kwentuhan.
Hanggang sa marinig ko na ang boses ng mama niya.
“Nicko, Nicko.... ” sabi ng mama niya.
“Tol, sige alis na ako ha. Ingat ka
lagi. Well cheer up ha.” Sabi niya.
“Yup.” Sabi ko sabay ngiti.
Umalis na siya.
Well, hope na makita ko siya ulit.
Nakakahanga talaga si kuya.
Well ang galing niya at nahandle niya
ang sitwasyon na tulad na ganun.
Bumalik na ako noon sa kwarto ko.
Naasalubong ko si Ate noon.
Halata na sobra siyang nag aalala.
Kasi naman wala akong paalam na
lumabas ako ng kwarto eh.
Niyakap niya agad ako.
“Bunso akala ko saan ka na pumunta.”
Isang ngiti lang ang sinagot ko sa
kanya.
Pagpasok ko nakita ko si mama na
napapluha na.
Hindi ako sanay na nakikita ako ni
mama na ganito.
Parang walang buhay at walang sigla.
Mula bata pa si mama na ang ka-close
ko. niyakap niya ako.
“Saan ka nagpunta anak?”
“Dyan lang po sa gilid-gilid.” Sabi
ko.
Naramdaman ko na sumakit yung wrist
ko.
Hinawakan ko ito. umupo ako sa kama ko
at saka humiga.
“Bakit mo nagawa yun? Tanong niya sa
akin. Ang tinutukoy siguro ni mama eh iyong pag lalaslas ko.
“Di ko na kaya.” Mapait kong sagot.
“Pero hindi na dapat umabot pa sa
ganun anak. Nag alala kami ng sobra.” Sabi ni mama.
“Ma, hindi ninyo ba nakita yung ginawa
ni papa. Halos patayin na niya ako noon. Tapos hindi ko pa uunahan ang
kamatayan?” sabi ko.
“Ano ka ba? Maswerte ka at may buhay
ka pa.” sabi ni ate.
“Di ninyo ako maiintindihan.” Sabi ko.
“Bakit ka ba nakipagrelasyon sa kapwa
mo lalaki? May girlfriend ka naman dati ah?” tanong ni mama na para bang
disappointed pa rin.
“Ma, dahil mahal ko siya. That’s it.”
Sabi ko.
“Nagkakamali ka lang ata anak. Lalaki
ka at hindi bakla.”
“Ma,anuman ako, eto ako. Tanggap ko na
ang sarili ko.” Sabi ko.
“Pero anak.”
“Pero ma.”
“Sana magbago pa ang isip mo.”
“Hindi na magbabago ang isip ko.”
“Bakit ba ang tigas na ng ulo mo?”
“Dahil ito sa inyo ni papa.”
“Bakit naman?”
“Pinatigas ninyo ang puso ko.”
“Pero anak.”
“Pero ma, please.. eto na ako. Wala na
kayong magagwa. Kung hindi ninyo ako tatanggapin ayos lang. naiintindihan ko
ang kalagayn ng mga taong tulad ko. Mahirap tanggapin sa lipunan ang mga tulad
naming. Pero nasa modern world na tayo. Accept the fact na eto na ako ngayon.”
Sabi ko.
Si ate naman nakikinig lang. alam kong
gusto niya akong pagalitan.
“Tanong ko lang ma, tatanggapin ninyo
ba ako?” tanong ko.
Di ko alam kung dapat ko bang itanong
iyan.
Kung kaya ko bang marinig ang isasagot
sa akin ni mama.
Hindi siya sumagot.
“So, alam ko na ang sagot… well…. Aala
ko sa pelikula ko lang to mapapanood… akala ko sa mga binabasa ko lang ito
mababasa, pero yung feeling na nireject ka ng sarili mong magulang… pamilya..
ang sakit… ang sakit sakit…. Shit.” Ang sabi ko.
Niyakap ako ni ate.
“Ate.. alagaan mo sila mama ha…”
binatukan niya ako.
“Hindi ako papayag na paalisin ka nila
sa bahay. Tanggap kita kung sino ka man. Kung mahirapan man sila na tanggapin
ka, well tutulungan kita. Ipakita mo sa kanila na katanggap-tanggap ka.” Sabi
ni ate.
Bigla akong napaluha sa sinabi niya.
oo hindi kami magkasundo ni ate pero di ko akalain na siya pa ang magsasabi sa
akin ng ganito.
“tanga ka kasi.” Sabi ni ate.
Napangiti lang ako.
“Kung magpapakamatay ka, dapat yung
talagang matutuluyan ka. Para naman mag sink in sa utak mo na sinayang mo lang
ang buhay mo sa walang kwentang bagay. Dapat nakikipag laban ka hindi yung
susuko ka lang. dapat maging strong ka kapatid.” Sabi nito. doon ako nabuhayan
ng loob sa mga salita ni ate.
“Alam mo ang mga bagay-bagay ay pinag
hihirapan. Alam mo dapat kung kalian mo dapat ipaglaban ang gusto mo.”
“Ate salamat ha. Maraming salamat.”
“Ipaglaban mo na ganyan ka. Di ka man
nila tanggap ako, naririto tanggap na tanggap ka.” Sabay halik sa aking noo.
(End of Flashback)
Umaga na pala. Nagising ako sa sikat
ng araw.
Sila mama at papa ayun nagkakape.
Samatalang si Jaysen katabi ko pa rin.
Nakita ko naman si ate na nakaharp sa
may TV at nanonood.
Hala si ate pala nandito.
Bumangon ako ng bahagyan kaya nagising
si Jaysen.
“Good morning bhie.” Sabi niya sa akin
sabay yakap at halik.
“Good morning din bhie.” Sagot ko.
“Oh ang sweet nung dalawa.” Sabi ni
ate.
“Inggit ka.” Sabi ko.
“Kapal mo meron din ako.” Sabi nito.
“Oh buti at natauhan ka na” sabi ulit
ni ate.
“Well ganun talaga.”
“Kamusta na ang malandi kong kapatid?”
“Eto buhay.”
“Pansin ko nga.”
“Malamang nakakusap mo pa ako eh.”
“Pilosopo.” Sabi nito.
“kAin na tayo.” Sabi ko. At nag
almusal na kami.
Maaga kong pinapasok si Jaysen. Ayaw
pa nga niya eh kaso di talaga pwede.
“Ikaw ha mag behave ka. You should
focus sa studies hindi sa kung anumang bagay.”
“Opo loves ko.” Sabi nito.
“Kapag nalaman kong naglandi sa school
lagot ka sa akin.” Sabi ko.
“Bro, trustworthy yang si Jaysen. Ikaw
lang yung hindi.” Sabi ni ate.
“Shut up big ugly sister.” Sabi ko.
“Shut up.” Sabi naman niya.
bago siya umalis request siya ng
request ng kiss.
Di na talaga nagsawa.
Namumula na nga labi ko kakahalik niya
sa akin.
Paano ba naman paboritong kagatin ang
labi ko?
Masarap ba talaga ang labi ko at ganun
na lang siyang manggigil.
Well siguro nga, kasi si James halos
ayaw ng pakawalan ang labi ko.
Tumawa na lang ako.
Nagkwentuhan kami ni ate ng biglang
dumating ang doctor ko.
“Good morning doc.” Sabi ko. Ngumiti
naman siya sa akin.
“Kamusta ang pasyente ko?”
“Nabobored na po ako dito.” Sabi ko.
“kamusta po pala ang result ng tests?”
tanong ni papa.
“I have good news and bad news…” sabi
ni doc.
“The good news is, bukas pwede ka na
lumabas ng hospital…” sabi nito.
“Well that’s great” sabi ni mama.
“And what the bad news doc?” tanong ni
ate.
“The bad news is….” Nakita ko ang
pagiging seryoso ng mukha ni doc.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
“Ayokong biglain kayo pero kailngan
maalarm ko na kayo.” Sabi ni doc.
Nakita ko naparang tutulo na ang luha
ni mama. Well ako din naman eh ramdam ko grabe.
“Doc. Ano ba talaga nangyayari?”
tanong ni mama.
“He is fragile, Mr. and Mrs.
Montederamos. Your son have a weak heart. Fragile na ang heart niya.” Halos
mabingi ako sa narinig ko.
Did I hear it right?
Tama nga ba lahat ng narinig ko.
Para akong nasabugan ng bomba.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Nakatulala ako ngayon at nag isip kung
ano ang gagawin ko?
Mamatay na ba ako?
“Doc, baka naman ho nagkakamali lang
kayo? Ulitin ninyo yung test. Baka naman nagkapalit lang ng files. Baka naman..
doc! Handa kaming magbayad.” pag hihisterical ni mama.
Inaalalayan na siya ni papa.
Bakas sa mukha ni papa ang labis na
pagkakalungkot.
Umiiyak na si mama at ng dumako ako sa
kinaroroonan ni ate, nakita ko na nakatakip ang bibig niya at dumadaloy na rin
ang kanyang luha.
Di ko mapigilan ang lumuha sa
nangyari.
Noong una hindi pa siya hikbi, pero ng
magtagal, sunod-sunod na ang aking pagluha.
Niyakap ako ni mama ng mahigpit.
“Anak… anak…. Gagawin ko ang lahat..
gagawin naming ang lahat…” niyakap ko lang si mama habang naiyak.
“Well Mr. and Mrs. Montederamos, di
namin kayo minamadali, surgical pa lang naman ang need sa kanya at hindi naman
required ang heart transplant. Ia-assure lang natin na magiging okay ang lagay
ng puso niya. I think medications will help. Kaya pa siguro siyang gamutin sa
medication but you should be careful with your heart” sabi ni Doc.
“Gawin ninyo ang lahat. Handa akong
kumayod para lang gumaling ang anak ko.” Sabi ni papa.
“Malaking halaga po ang gugugulin po
natin sa surgical ni AJ. At isa pa, as long as okay siya, hindi po natin
mamadaliin ang pagschedule ng heart surgery. Yun lang po eh kung hindi na po
ulit magkakaroon ng ganyan si AJ.” Sabi ni Doc.
“Doc, ma…. Ma… mamatay na ba ako?”
tanong ko bigla.
“You are strong…. Di ka pa mamatay…
you need lang to undergo surgery.”
“Pero natatakot ako.”
“Yun nga lang. you need to be agree.
Hindi natin pwedeng i-pursue ang surgery kung ayaw ng patient.”
“Sige doc, pag uusapn muna namin to.
Salamat doc.” Sabi ni papa.
“Sige I’ll be heading. Pagaling ang
pasyente ko ha.” At umalis na si doc
Pagkaalis ni doc, lahat kami tahimik.
Si mama, wala pa ring tigil ang pag
iyak.
Si ate naman nakatingin sa malayo
samantalang si papa lumapit sa akin at agad akong niyakap.
“You will be okay… I’m sure you will
be ok.”
“Pa natatakot ako… baka hindi na ako
magising…” sabi ko.
“Isipin mo lang kami…”
“Pero hindi pa ako handa.”
“Pero anak…”
“Pa, yaan muna natin si AJ. Nabibigla
lang siya.” Nakita ko si mama na pugto ang mata.
“Ma, pa, ate… kung maari po sana, wala
pong makakaalam ng tungkol dito… nagmamakaawa po ako.” Sabi ko.
“Pero..”
“Ayoko na kinakaawaan ako. Ayokong
nalulungkot at nagaalala sila sa akin.” Sabi ko.
“Paano si Jaysen?”
“Ayokong malaman niya.”
“Pero karapatan niya.”
“Karapatan ko din na manatiling sa
atin lang to.” Sabi ko.
Sa totoo lang pinanghihinaan ako ng
loob.
Hindi kami ganoon kayaman para sa
surgical na to.
Isang average family lang kami.
At isa pa, gusto ko munang mapag isa.
Gusto ko na maging maayos muna ang
lahat sa akin.
Gusto kong mag isip isip.
Iniwan nila muna akong mag isa.
Ano ba tong buhay ko, parang nagiging
patapon na?
Hindi ba pwedeng puro saya na lang?
bakit sa lahat ng tao ako pa. ganun ba
talaga ako makasalanan para maging ganito ang buhay ko?
Haixt.
Bakit ba nagkakaganito pa ang buhay
ko?
Masaya na ako sa piling ni Jaysen
kahit na may natitira pag pagmamahal sa puso ko para kay James, pero ginagawa
ko naman ang lahat para awala yun eh.
In fact natututunan ko na siyang
makalimutan.
Wag na nga lamang siya magpapakita sa
akin.
Hinagilap ko ang phone ko at tinawagan
si Rizza.
Well siya lang ang masasandalan ko
now. Pag sinabi ko kasi kay Chad to, mag aalala din siya.
At isa pa, mas maganda kung magiging
okay ako sa paningin nila. Yung masiglang AJ ang haharap sa kanila.
Tumunog ang phone at hinihintay ko na
lang na sagutin siya.
Medyo matagal sagutin ha. And ayun,
sinagot na niya.
“Hello, Cebu Pacific 123, what can I
help you.” Napangiti ako sa sinabi niya. mukhang may tama na naman ito sa ulo.
“Para kang timang. Magpapabook ako
papuntang China.”
“Hahahah. Adik mo lang. mag Philippine
airlines ka kaya.”
“Che. Haixt. Thanks for making me
smile ha.”
“Your very very very welcome dear. Oh
may problema?”
“Paano mo nahulaan?”
“Wala lang. I know lang. naramadaman
ko?”
“Madam Auring ikaw ba yan?”
“Well kung di mo sasabihin bahala ka.”
“Teka teka. Bat ba ang init ng ulo mo.
Meron ka no?”
“Wala ah. Kakatapos ko lang last week.
Wew. So ano?” tanong niya.
“Papuntang China na ako.” Sabi ko.
“Well. Pasalubong ko ha.”
“Tae. Makinig ka muna. Baka Mama-China
na ako.”
Bigla siyang natahimik sa kabilang
linya.
“Hoy. Ano?” sabi ko.
“I hate you. Wag kang magsalita ng
ganyan. Babatukan kita eh.”
“Seryoso ako.” Sabay tawa
“Ewan ko sayo.”
“Hindi pa naman daw malala kaso baka
mategok na ako.”
Unti-unti lumuluha na rin ako.
Naaapektuhan na ng pag iyak ko yung
pagsasalita ko.
Narinig kong humihikbi na siya.
I know deep in my heart she is the one
na katangi-tangi na pinaka best sa best sa best friend ko.
“Wag ka ng malungkot may paraan pa
naman.”
“Tae ka. Pinapaiyak mo ako. Ano bang
sakit mo?” naiyak pa rin siya.
“Mahina daw ang puso ko. I think
medications will do, ayokong mag under sa surgical operation.”
“Pero.”
“Ayoko. Ayoko talaga. Handa ako mag
undergo sa medications pero hanggang doon na lang.”
“Ang tigas mo talaga.”
“Matagal na akong matigas.”
“I mean yung ulo mo.”
“Pareho ba?”
“Manyak mo. Ewan ko sayo pilosopo.”
“Joke lang. I am trying to make things
ease.”
“Gusto kitang puntahan jan.”
“Sa bakasyon na. dito ka magbakasyon
sa bahay namin. Ako bahala sayo.”
“Well plano ko talaga yan ha. ihanap
mo ako ng boys jan ah. Ung gwapo.”
“May naisip na ako kung sino.”
“MAg titiwala ba ako sa taste mo?”
“Well akala mo lang. ang gwapo kaya ng
bf ko.”
“HAAAAAAA?!!!!” nakakabingi ang sigaw
niya.
“Takte ang sakit sa phone ha.”
“Teka may bago kang bf?”
“Oo.”
“Paano na si.. ano.. si..”
“Ayoko ng marinig pangalan niya. ayoko
na siyang makita.”
“Pero…”
“Wala ng pero pero.”
“Ay ewan ko sayo. Baka rebound lang
yan ha.”
“Hindi naman. Mahal ko naman yung
tao.”
“Gwapo ba?”
“See for your self.”
“Ay ganun sige sige. Naexcite tuloy ako.”
“Nga pala.”
“Ano yun?”
“Wag mong ipag sasabi yung sinabi ko
sayo ha.”
“Bakit?”
“Basta. Sayo ko lang sinabi sayo.
Pamilya ko at ikaw lang ang nakakaalam nito.”
“Okay maasahan mo ako.”
“Sige na at baka naiistorbo na kita.”
“Buti naman at naramdaman mo.”
“Bruha ka.”
“Ganda kong bruha ha infairness.”
“Wag kang feelingera.”
“Ganda ko namang feelingera.”
“Ewan ko sa yo.”
“Ewan ko din sayo.”
“Sige na ba-bye baka maabutan pa ako
nila mama, pagalitan pa ako kasi gumamit na agad ako ng phone.”
“Sige babussh..” at pinatay ko na yung
tawag.
Muli nanahimik ako.
Nakapagdesison na ako na hindi ako mag
uundergo sa surgery.
May phobia na ako jan. naalala ko kasi
nung bata pa ako, sa pinsan ko.
May heart disease din siya pero ayun
nga, namatay yung pinsan ko kasi di siya nakapag survive. Haixt.
Ako na kaya ang susunod?
Muli nanakit ang dibdib ko. Nahirapan
akong makahinga.
Lagi na lang bang ganito ako.
Kapag masyadong emotional sasakit ang
dibidb?
Pilit kong inaabot yung emergency
button pero di ko maabot.
Hanggang sa masagi ko yung baso at
nahulog sa sahig ng lamesa.
Nag bigay to ng ingay na agad naming
nakakuha ng atensiyon nila mama.
Agad silang pumasok at nakita ang
kalagayan ko.
“Anak…” sigaw ni mama.
“Tumwag ka ng nurse anak…” sigaw nito
kay ate.
Nag histerical naman silang tatlo.
Hindi nila alam ang gagawin.
“Anak. Hang on. Wag ka munang
bibigayh.” Sabi ni mama.
“Tu… tu… tubii…tubiig..” sabi ko.
Kumuha agad si papa ng tubig.
Uminom ako agad.
Unti unti nagging okay na ang
pakiramdam ko pero nandun pa rin ang kaunting pag hagilap ko ng hangin.
Dumating din agad ang nurse kasama ang
doctor ko.
Tinignan nila yung mga records ko.
Si doc naman eh tinignan ang heartbeat
ko.
May pinainom sila sa akin. After ilang
minutes ay nagging okay na ako.
“He’s okay.” Sabi ni doc.
“Salamat naman sa Diyos.” Sabi ni
mama.
“Well ikaw iho wag pasaway. Pag
sinabing magpahinga, dapat magpahinga.” Ngumiti lang ako.
“Well Mr. and Mrs. Montederamos,
makaklabas na siya mamaya. Pero kaya pa naman kahit hanggang bukas kasi yung
bill ninyo sa hospital eh hanggang bukas pa. kaya pwede pa siyang mag stay
dito. Mas maganda siguro kung mamonitor muna siya. Pero kung gusto na ninyo
umuwi eh okay lang. He should take medicines na ipre-prescribe ko. Dapat
tuloy-tuloy.” Mahabang sabi ni Doc.
“Sige dito muna kami. Bukas na kami
uuwi. Pakibigay na lang sa akin yung mga gamut doc. Ako na ang bahalang
bumili.” Sabi ni papa. Umalis na si Doc.
“Ma… mag tatake na ako ng medications
ko. Pero ayokong mag pasurgery.”
Nung hapon, umuwi si ate para alagaan
yung mga kapatid ko na naiwan sa bahay.
Hinihintay ko na lang na dumalaw si
Jaysen.
Dadaan daw siya dito eh after ng
class.
Sabi ko kila mama, sa may garden lang
ako ng hospital.
Well masarap tumambay dun. Maaliwasn,
madaming uri ng halaman.
Punong-puno pa ng mga paru-paro at ng
mga ibon.
Ilang minuto na lang at darating na si
Jaysen.
Naisip ko na naman ang mukha niya. ang
amo kasi ng mukha niya.
ang swerte ko at nagkaroon ako ng
boyfriend na tulad niya.
Habang nasa ganun akong sitwasyon,
hindi ko maintindihan kung bakit sumingit muli ang mga pangyayari ng nakaraan.
Kung aano ba ako tinanggap nila mama
at papa.
(Flashback)
Isang buwan akong tiniis nila mama at
papa na hindi kibuin.
Ayos lang sa akin yun kasi
naiintindihan ko sila.
Pero malapit na akong mag graduate at
feeling ko si ate na talaga ang aakyat sa akin sa stage.
Feeling ko kasi eh wala silang balak
pumuta sa graduation ko.
Well ginawa ko ang lahat para maabot
ko ang pagiging Valedictorian.
Oo nag strive ako.
Habang nasa klase, iniwasan ko ang mga
distractions.
Ilang beses akong kinakausap ni James
pero hindi ko siya iniimikan.
Wala akong pakialam sa kanya.
Kung alam lang niya ang ginawa niya.
pero nagtataka lang ako kung sino ang nagpakalat ng lahat ng tungkol sa amin.
Pero feeling ko may idea na ako.
Ayoko lang talaga manisi ng iba.
Yaan mo na nangyari na ang lahat.
Tuwing linggo tuloy-tuloy pa rin ako
sa pag punta sa ampunan.
Si Khail lang ang lagi kong nakakusap.
Well, sabi niya gusto daw niya ng
magulang na tatawagin kaya pumayag naman kami ni James na maging magulang niya.
“Daddy… wag ka na sad.” Sabi nito.
“Wag ka mag alala, I will be okay.”
“Pero daddy… ayokong sad ka…”
“Salamat… pa kiss nga sa baby ko…”
Tinuro niya yung pisngi niya at kiniss ko.
Siya lang talaga ang kaisaisang
nakakintindi sa akin kahit na bata pa lang siya. Nag laro kami ng naglaro.
Gusto ko ngang ampunin si Khail kaso
wala na akong magagawa.
Wala akong pera at isa pa may issue pa
ako kila mama. Haixt.
Sana lang matapos na ito at promise ko
babalikan ko itong si Khail.
“Baby…. Ako lang magiging daddy mo
ha.. wala ng iba…” sabi ko.
“Opo.. kayo lang dalawa ni Daddy James
magiging magulang ko…” Ngumiti lang ako.
“Gusto kitang ampunin kaya hintayin mo
ako ha…”
“Opo. Hindi ako magpapaampon sa iba.
Alin lang sa inyo ni Daddy James ako sasama. Wag ka pong mag alala.”
“Baby…” narinig kong sabi nung nasa
likuran namin. Narinig ko ang boses ni James.
“Arwin…. Usap tayo..”
“Baby… dun ka muna ha. Usap lang kami
ng daddy mo…” sabi niya kay Khail. Agad namang umalis si Khail at nakipaglaro
sa iba.
“James… ayoko na. tigilan mo na ako.”
“Pero mahal kita.”
“Pero sinaktan mo ako.”
“Hindi ko sinasadya.”
“Pero ginawa mo.”
“Lasing ako nun.”
“Kahit lasing ka man o hindi, matanda
ka na. alam mo yung ginagawa mo.”
“Pero…”
“Please.. ayoko na… magulo na ang
buhay ko. Muntik na nga akong mamatay at kamuhian at ipagtabuyan ng pamilya ko
kaya please lang…”
“handa kitang ipag laban.”
“Wala ring pupuntahan ito… ipaglalaban
mo ako? Paano ha? Pag sinaktan mo ulit ako?”
“Pero tapos nay un… forgive me…”
“Ewan ko sayo.. please lang leave me
alone….”
Umalis na ako doon at nag paalam kay
Khail.
Iniwan ko si James doon na nag iisa.
Masakit pa rin ang ginawa niya sa
akin.
Dalawang araw bago mag graduation
kinausap ko si ate.
“Ate, mag handa ka ng isusuot mo ha…
presentable ka dapat…”
“Tange sila mama kaya sasama sayo.”
“Mukhang hindi naman.”
“Aysus. Magiging okay din ang lahat.”
“Payakap nga ate.”
“Ayoko nga kadiri ha”
“Dali na.” bigla ko siyang niyakap at
umiyak sa kanya.
Hinaplos naman niya yung ulo ko at
pilit pinapakalma.
“Ate ano pa ba ang kulang? Ginawa ko
na ang lahat para maging mabuting anak. Ginawa ko gusto nila. Nag karoon ako ng
varsity at isa pa scholarship. Naging Valedictorian na ako pero wala pa rin. Sa
isang pagkakamali pinakita nila na hindi na nila ako anak. Ano bang gagawin ko
ate? Ano pa? gusto ko lang naman na maintindihan nila na ako ito. ako pa rin to
kahit na bisexual ako.” Umiiyak ako ng sobra sobra.
“Pssshhht. Tahan na. mahirap lang
talagang tanggapin na ang kapatid ko na pinaglalawayan ng mga babe, ganda ng
katawan, matalino, talented at mana sa ate niya na mabait ay ganyan. Intindihin
mo na lang sila mama. Nagaadopt pa sila.”
“Pero ate hanggang kailan? Hanggang
kalian pa ako mag dudusa ng ganito?”
“Matuto kang mag hintay, matatanggap
ka din nila promise.”
“Sorry anak.”
Nabigla kami sa nagsalita sa likod
namin. Agad akong napabalikwas ng tayo.
“Ma… pa…” sabi ko habang nagpupunas ng
luha. Agad akong niyakap ni mama.
“Anak sorry.. sorry kasi hindi ka
namin naintindi. Mahirap lang talaga ang paniwalaan ang lahat. Oo nasakal ka
namin anak dahil ang gusto lang naming ay ang maging mabuti ang lahat. Maging
maayos ang buhay mo. Hindi naming naisip na kami pala ang unti-unting sumisira
ng buhay mo.” Sabi ni mama. Napaluha nanaman ako sa sinabi ni mama.
“Ma… sorry po kasi ganito ako. Sorry
po at binigo ko kayo sorry kasi nag failed ako.. sorry po.. sorry…” agad naming
lumapit si papa sa amin.
“Pa…” Niyakap niya ako ng sobrang higpit.
“Sorry anak. Sorry kasi hindi kita
inintindi. Hindi ko kaya ang mawala ka. Lalo na nung nagtangka kang mag
pakamatay. Pasensiya ka na. sorry kung ganito ang ginawa ko sa buhay mo….
Patawarin mo ako anak.”
“Pa… sorry din po…. Sana po mapatawad
ninyo ako sa nagging buhay ko ngayon…” Pinahid namin ang mga luha namin saka
nagharap ulit.
“Anak.. matagal tagal naming pinag
isipan to. Anak, tinatanggap ka namin kung ano ka. Handa na kaming yakapin ang
bagong Arwin na nakagisnan naming. Sana maging malapit na ang loob natin sa
isa’t-isa.” sabi ni papa.
Doon ako lalong napaluha. Agad ko
silang niyakap at dumaloy na naman ang isang eksena na hindi ko makkalimutan sa
buong buhay ko.
(End of Flashback)
Isang kamay ang tumakip saaking mata
kaya bumalik ang lahat sa realidad. Si Jaysen ata to eh.
“Mahal ko..sino ako?” tapos sabay
tawa.
“Sino pa ba… si Jaysen ko…”
“Tama…” tapos inalis niya yung kamay
niya at humarap ako sa kanya.
Agad niya akong siniil ng halik.
Ang bilis talaga nito kahit kalian.
He bit my lower lip.
Pilyo talaga to.
Aba’t pilit niyang pinapasok ang bibig
ko.
Itinulak ko siya ng bahagya na siyang
dahilan ng kanyang pagkakahiwalay sa akin.
“Ang bad mo.” Sabi ko.
“Hehehe. Namiss lang kita.”
“Muntik na yun.” Sabi ko.
“Muntik ka ng bumigay sa mga halik
ko?”
“Hahaha. Adik mo kasi. Tigil ka na
nga.”
“Oh kalian ka daw lalabas?”
“Bukas daw eh.”
“Susunduin kita…”
“May pasok ka diba?”
“Wala. Nga pala inihiram kita ng notes
sa mga classmates mo.”
“Salamat bhie ko. I love you bebe
ko..” sabi ko.
“I love you too.”
Paakyat na kami sana noon ng biglang
tumunog ang phone ni Jaysen.
“Po… bakit po?” nakita ko ang pag iba
ng ekspresyon ni Jaysen.
“Sige po uwi na po ako after 20
minutes… sige po.. ok po…” nakita ko na nakakunot na noo ni Jaysen.
“Problem?” tanong ko.
“Wala. Si papa lang yun. Tara na.”
sumunod naman ako sa kanya.
Inalalayan lang niya ako.
Well okay nanaman ako.
Feeling better.
Bawal lang daw talaga ako mastress.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
Feeling better na ako. Ilang linggo na
rin ako mula ng makalabas ako ng hospital. Normal naman ang lahat at walang
pinagkaiba sa iang araw.
Nakasunod naman ako sa mga lessons na
dapat kong habulin.
Everything is fine. Haixt buhay.
Ilang araw na din akong kampante na
magaling na ako.
Medyo hindi na kasi ako nahihirapan na
huminga.
Pag nastress lang talaga ako, doon na
nag uumpisa.
Pauwi na kami noon at hinahanap ko si
Jaysen.
Maya maya namataan ko na siya na
papalapit sa akin.
“Bhie kanina pa kita hinahanap ah.”
“Pasensiya na. ui di kita mahahatid
ngayon, biglaan kasing nagpaprcatice si coach eh. Sorry ha.”
“Ayos lang. Ingat ka pag uwi ah. I
love you.”
“Opo.”
Si Chad naman ang hinagilap ko.
Well ayun nakita ko at parang
problemado.
“Oh Mr. Mendoza, problema?”
“Haixt ang dami ko pang kailngang
tapusin. Kasakit sa ulo. Baka hindi na muna ako makasabay ha.”
“Ah ganun ba. Sige sige. Ingat ka na
lang.”
“Sige babye.”
Nakisabay na lang ako sa mga
classmates ko.
Well ayun, ang init ng panahon. Pero
mahangin naman.
Kaso balita ko eto daw yung malakas
mag paitim.
Ayt naman. Well kwentuhan kami ng
kwentuhan.
Tawanan lang ng tawanan. Parang walang
katapusan.
Hanggang sa makasakay kami ng jeep.
“Oi AJ, ang sweet ninyo ni Jaysen
kanina ah.” Sabi nung isa.
“Adik ninyo.”
“Ayiiieh.. kinikilig siya.” Ngumiti
lang ako.
“Ikaw na ang swerte.” Sabi nung isa.
“Ganun talaga mga mababait.”
“Aysus parang di naman.”
“Weh.. oo kaya.” Pakikipag talo ko.
Matapos ang ilang diskusyon, tumigil
ang jeep para mag sakay ng mga pasahero.
Well ayun, kasya pa naman kahit papano
kaya ayun.
Pero eto, naranasan ninyo na ba yung
time na kung saan siksikan na eh nagpapasakay pa din garbe.
Diretso lang ang tingin ko sa daan.
Medyo pagod kaya ayun low energy.
Tapos hindi ko pa kasabay yung si
Jaysen. Haixt.
I miss him na. Mayamaya bigla ba naman
nagtawanan ung apat kong kasama.
“Oh bakit?” tanong ko sa kanila.
“Ang emo mo. Hindi bagay sa yo.
namimiss mo lang si papa Jaysen.”
“Oy hindi ah. Pagod lang ako.”
“Sus sumbong kita dun kasi di mo pala
nammimiss yun.”
“Ewan ko sa inyo. Basta pagod ako. Yun
na yun.” Sagot ko.
“Palusot mo. Yaan mo sasabihin namin
sa kanya na miss na miss mo na siya.”
“Alam na niya yun.” Sabi ko at nagtawanan
kaming lima.
Mayamaya nakaisip ako ng joke para
hindi naman ako pag kaisahan ng mga ito.
“Oy mga kolokoy, ano sa chinese ang
nasaan si mama?” tila napaisip sila apat.
“Uhm. Teka naku, grabe ano ba yun?”
“Paano ang best friend tourism kaya
kung anu-ano ang alam.”
“Basta sagutin na lang ninyo.” Sabi
ko.
“Aysus ang hirap.”
“Reklamador ninyo eh.”
“Oh sirit na.”
“Edi Siomai Mami.” Sabi ko. At hindi
nila napigilan ang mapatawa.
Grabe para silang mga tanga kakatawa.
Parang kaming lima lang ang tao doon
ah. Tawa lang sila ng tawa.
“Benta..” sabi nung isa.
“Naman talaga. Ako pa.”
“Oh ano pang alam mo?”
“Eh ano naman sa Chinese ang tito
nasaan si tita? At vice versa?” napaisip ulit ang apat.
“Grabe ang daming alam ha.”
“Sumagot na nga lang kayo.”
“Okay okay.”
“Oh ano na?”
“Nagmamadali?”
“Dali na.”
“Oh sirit na.”
“Eh di Tsong si Tsang o kaya Tsang si
Tsong.”
At bumulwak ang tawa nilang apat.
Parang wala ng bukas ang daritang pa sa kakatwa.
“Oi tama na. aba hindi makagetover.”
“Eh ikaw naman kasi eh bentang benta.”
“Kasalanan ko pa ngayon?”
“Oo.”
“Sus.”
Biglang nagbulungan yung dalawang
babae nakasama namin.
At ano na naman kaya ang
pinagbubulungan nitong mga ito.
“Oi.” Sabi nila.
“Bakit?”
“May gwapo.” Sabi nung katabi ko na
babae.
Tinuro nila yung lalaki na nasa dulo.
Nakatingin ito sa akin at nakangiti ng
pagkalakai-laki.
Sinuri ko ang mukha niya at parang
namumukhaan ko ang taong ito.
Hindi ko maintindihan kung bakit nung
makilala at maaninag ang mukha niya, tumibok ng napakalakas ang dibdib ko.
Grabe, nawala ang mga ngiti ko at
napalitan ng isang blangkong expression.
“Type ka ata pre.” Sabi ng kasama
naming lalaki.
Kung alam ninyo lang kung sino ito
magugulat kayo. Sabi ko sa sarili ko.
“Ang gwapo niya.. swerte mo ah… ikaw
na ang gifted…”
Hindi ako makapag salita sa sobrang
gulat.
Ano ang ginagawa niya dito?
[Chad’s POV]
Grabe sakit sa ulo talaga. Haixt.
Bwisit naman kasi ang professor namin
sa English eh. Paano ba naman daming pinapagawa. Haixt.
Namro-mroblema tuloy ako. Maya maya
nag text si Arkin.
“Ei pauwi na me.” Sabi niya. Buti na
lang at nagtext siya kaya eto at nakangiti ako.
“Ingat ka.” At inintay ko na lang siya
mag reply.
“Oi bakit ka nakangiti?” tanong sa
akin ni Janno.
“Wala.”
“Ei may nabasa ka lang sa text mo
ngumiti ka na jan.”
“Wala nga. Malisyoso ka lang talaga.”
Sabi ko.
“Ei share naman jan.” sabi ni Shane.
“Isa ka pa.”
“Taray ni ate oh.” Sabi ni July.
“Hindi kaya.” Dipensa ko.
“Bat ka nag bu-blush?”
“Hindi ah.”
“Oo kaya.”
“Wag ninyo akong pagtripan.”
“Sige na nga. Back to work na.”
“Okay.” Sabay sabay na sabi.
Yes at last, after 20 minutes ay
natapos na din kami.
After nun pumunta muna kami sa gym
para mag pahinga.
Di namin aakalain na may practice pala
ngayon.
Nakita ko agad si Jaysen.
Nung makita niya ako kinawayan niya
agad ako.
Well, he is a great athlete.
Wow ha, ang gwapo niya sa jersy niya.
Tapos kumikintab pa yung pawis niya.
ang sarap punasan.
Ang landi ko. Lagot ako sa best friend
ko.
Then yung mukha niya, ang amo amo.
Tapos yung bandang ano, alam na. bigla
akong napatigil sa mga iniisip ko.
Shit, bakit ko sinasabi to.
Bakit ko iniisip yan?
Sinampal ko ang mukha ko at
nagsitinginan sila sa akin.
“Ah ehh.. may lamok..” palusot ko. At
yun binalik nila yung tingin nila sa nag practice.
Grabe ang galing niya mag basketball.
Kaya hindi kataka taka kung kinuha
siyang varsity.
Ang swerte talaga ni best friend.
Kapag tumitingin si Jaysen sa akin,
ngumingiti siya.
Hindi ko alam pero parang namumula na
ako.
Adik talaga yun. Haixt.
Ang cute at gwapo talaga niya.
the best si best friend.
Hope magkaroon din ako ng ganun na boy
friend.
Ang sweet kasi ni Jaysen kay AJ at
talagang pinapakita niya na mahal na mahal niya ito.
Ako kaya, kalian ako makakatagpo ng
ganito. Haixt.
Hope sana na magkaroon din ako ng
ganun.
Ang tagal ng pagkakatitig ko kay
Jaysen.
Pinanood ko siya kung paano siya mag
laro.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganun
na lang makadikit ang tingin ko sa kanya.
Kahit na nag uusap kami ng mga ka
grupo ko, di ko pa ring maiwasn ang titigan siya.
After 30 minutes ay natapos na rin
sila.
Nag dadaldalan pa rin sila. Haixt naku
sila talaga.
After 10 minutes nag desisiyon na
kaming umuwi.
Sa time na ito eh nakangiti na ako at
hindi na nabobore.
Haixt buhay nga naman.
Palabas n asana kami ng gym ng bigla
kong makabangga ang isang tao.
“Aray..” napatumba ako dahil sa laki
nito. Ang tigas pa ng katawan. Parang pader ah.
“Pre sorry… oi Chad ikaw pala yan.”
Sabi niya. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siya sa akin.
Inabot niya ang kamay ko at iniabot ko
naman ito. nung tinayo na niya ako, biglaan to kaya napasubsub na naman ako sa
kanya.
Napahawak ako sa dibdib niya. bakit
ganun, ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng bigla akong napahawak sa kanya?
Ano ba ang nangyayari sa akin?
“Ui, okay ka lang ba?” tanong sa akin
ni July.
“Ah eh…” bumitaw na ako at lumayo kay
Jaysen.
“Oo.”
“Pauwi ka na ba?” tanong ni Jaysen.
“Yep.”
“Ah sabay na tayo.” Sabi nito.
Tinignan ko naman ang mga itsura ng babae kong
kagrupo, parang mga timang sila eh.
Nang makasakay kami ng jeep nag
kwentuhan kami ni Jaysen.
“Akala ko kasabay mo si AJ pauwi?”
“Ah hindi eh. Kasi nag practice kami.”
Sagot niya.
“Ah. Naku dapat hindi mo iniiwan na
lang ng ganun best friend ko mamaya may makita yung iba sige ka.”
“No way. Ako lang mahal nun. Di yun
titingin sa iba.” Confident na sabi niya.
“Kelan ba monthsary ninyo?”
“Sa makalawa na eh.”
“Ice-celebrate ninyo ba?”
“Para sa akin oo dapat.”
“Ano balak mo?”
“Mag date kaming dalawa.”
“Saan?”
“Basta. Hahaha. Ako na bahala. Pati
wala naman na pasok kinabukasan kaya pwede kaming gabihin.”
“Ah okay. Swerte ni best friend.”
“bakit naman?”
“Kasi mahal na mahal mo sya. Oi ikaw wag mong lolokohin ha.”
“Oo naman.” Bigla siyang lumingon sa
may driver at inaabot ang bayad.
“Kuya bayad po dalawa po yan, dalawang
***** **** po.” Sabi nito.
“Oi ako na mag babayad.” Sabi ko.
“Wala naibayad ko na. pati minsan lang
to.”
“Salamat”
“Di ka na pala nag papasundo sa driver
ninyo?”
“Hindi na eh. Kasi sabi ko gagabihin
ako. Kaya ayun.”
“Ah okay.”
“Ikaw ba?”
“Sira kasi wheels eh kaya ayun.”
“Ah kaya pala.” Ngumiti naman siya ng
kay tamis.
Jaysen wag ka ngang ganyan.
Nagpapacute ka ata sa akin eh. Takte.
Pilit ko man tanggalin ko sa isip ko
yung mukha niya hindi ko magawa.
Akala ko nawala na yung pagkagusto ko
sa kanya pero nandun pa rin pala.
Akala ko natanggal na, pero hindi na
dapat ako nagkakagusto dito.
Kawawa naman ang best friend ko.
Ayokong pagtaksilan ang best friend
ko.
Nang makababa na kami, nakita ko bigla
si Arkin na nakaupo sa may Mini Stop at nakatulala. Bakas sa kanya na umiyak
siya.
Ano kaya ang ginagawa niya dito?
Napaisip ako at naalala ko na
papuntang dito rin pala ang bahay nila.
Pero bakit sya umiyak?
Ano kaya ang nangyari?
“Ui Jaysen, una ka na?”
“Bakit?”
“May kakausapin lang kasi ako.”
“Sama na ako.”
“Wag na. daanan mo na lang si best
friend.”
“Okay. Teka may bibilhin lang ako sa
Jollibee.” Sabi niya.
“Okay.” Nag hiwalay na kami. Katabi
kasi ng ministop yung Jollibee sa amin kaya ayun.
Dumeretso ako kay Arkin at pinuntahan
siya.
Nakatulala pa rin siya at halos walang
imik ng bigla akong nagsalita.
“Arkin.” Hindi pa rin siya gumagalaw.
“Arkin… Arkin…” di pa rin.
Hinawakan ko na siya kaya nagulat siya
sa ginawa ko.
“Oi.” Sabi niya.
“Problema?”
“Wala naman.” Sabi niya.
“Bat ka ganyan?”
“Wala to.”
“Weh.”
“Oo nga.”
“Di ako naniniwala.”
“Wala nga eh.”
“Aysus. Kung wala, bakit parang ugaga
ka jan? may problema ka eh.”
“Ah eh…”
“Wag ka ng mahiya. I-share mo na sa
akin. Promise ko naman na hindi ko ipagkakalat. You can lean on my shoulders
now.”
“Talaga?”
“oo naman.”
“Salamt bro.”
“So ano nga problema?”
“Hindi naman siya problema eh.”
“So ano nga?”
“Nakita ko na yung hinahanap ko.”
“Yung ex mo?”
“Oo.”
“Oh ano ang nangyari?”
“Nakasabay ko siya sa jeep kanina
pauwi.”
“Tapos?”
“Sobrang saya ko kasi nakita ko na
siya pero mali pala ako.”
“Bakit?”
“Nung nagkausap kami halos ipag
tabuyan niya ako. Galit nag alit pa rin siya sa akin.”
Ikinuwento niya ang lahat lahat sa akin.
Nakikita ko na maluha-luha na siya.
Piipigilan lang niya.
Nararamdaman ko na mahal na mahal pa
rin niya yung ex niya.
Di naman siya nagkakaganyan kung wala
lang eh.
Ramdam ko kung paano niya gustong
maibalik ang taong mahal niya.
Napaka tanga naman nung taong yun,
ayaw pa niyang balikan siya.
Di ba niya malaman na mahal na mahal
siya nito at gusto niya itong balikan.
Pinagsisishan na nito ang nagawa iya
pero hindi pa rin niya ito mapatawad.
“Ang sarap suntukin ng lalaking yun.
Kung makita ko lang siya, dadapo talaga kamao ko dun.” Sabi ko.
“Hindi ko din naman siya masisisi eh.”
“Pero kahit na.”
“Di pa rin ako titigil…”
“Tanga ka ba? Bakit ayaw mo ba siyang
tigilan?” medyo tumaas na ang boses ko.
“tanga na kung tanga pero mahal ko
siya. Ganyan ka kapag nagmamahal ka, nagpapakamanhid ka. Nagpapkatanga ka.”
“Pero.”
“Oo ganyan yun. Kung naransan mo ng
magmhal sana ganun rin ang naramdaman mo.”
“Oo nagpakatanga ako dati. Pero wala
na yun ngayon dahil niloko lang ako. Pinagpustahan lang nila ako. Pero may
panahon para tanggalin ang pagka tanga.”
“Pero.”
“Wala ng pero-pero. Gumising ka nga sa
katotohanan.”
“Mahal ko pa rin siya.”
“Move on.”
“Ang gusto ko lang naman ay
maliwanagan siya eh.”
“Pero di na tama yan.” Napaisip siya
bigla.
“Alam mo. Kahit naman magkaliwanagan
kayo, ano magiging diperensiya. Galit pa rin siya sayo. At malay mo may
boyfriend na siya.”
“Pero suot niya yung binigay kong
necklace, sing sing at bracelet.” Sabi niya.
“Dun lang ba nasusukat yun?”
“Alam ko na mahal pa rin niya ako.”
“Pero paano…”
“Hindi. Mahal pa rin niya ako. Hindi
ako titigil hanggang sa marinig ko mula sa bibig niya na hindi na niya ako
mahal.” Ang sabi niya. ako naman ang napatigil.
“Ang swerte naman nung lalaking yun.”
Hindi siya nagsalita.
“Mantakin mo mahal na mahal mo siya at
hand among gawin ang lahat para sa kanya.”
“Ganyan talaga pag nagmamahal.”
“Hehehe. Siguro nga.” Biglang tumunog
yung phone niya.
“Oh hello baby.” Sabi niya. Baby?
What?
“yup. Pauwi na si daddy. Oo, may
kwento ako sayo mamaya ha. May good news ako. Pasabi sa lola mo take her vitamins
tapos kain na kayo jan ha?”
Teka may anak na to. Pero… pero.
Sayang naman. Nasaan na yung asawa nito? Este yung nanay ng anak nila?
“Okay. Sige dadaan ako sa Jollibee.”
“Okay okay. Sige sige. Bye I love you
baby. Kiss muna sa daddy.” Ang sweet namang daddy nito.
“Sige alis na ako ah.hinahanap na ako
ng babay kio eh. Sige bye.” Sabi niya.
Hindi na ako nakapag tanong pa. grabe
may anak na siya. Pero ang bata pa niya. sigurado akong gwapo or maganda yung
anak niya.
[James’ POV]
Kasasakay ko pa lang ng jeep.
Grabe nakakapagod talaga.
Ang dami pang kailangan i-submit next
week.
Buti na lang at marami pag time.
Nakakastressed talaga.
Bale lilipat na naman ako next year at
credited lahat ng units ko kaya no need na kung ano pa yung gawin.
Maya maya nakarinig ako ng ingay
galing sa mga nakasakay well ang saya-saya nila.
Pero nakuha ng isa ang atensyon ko.
Pamilyar ang boses niya sa akin.
Hinagilap ko kung kanino nanggaling ang boses
nito.
Maya maya nakita ko ang mukha ng
nagsasalita.
Bakas sa mukha niya ang labis na
kasiyahan.
Bumilis ang tibok ng puso ko at natuwa
ako sa nakita ko.
Sa wakas muli, nakita ko na siya.
Nakita ko ang labis na pagkasaya niya.
yung saya na binawi ko dahil sa ginawa ko.
Tinitigan ko ang mukha at naalala ko
pa rin yung dati.
Naalala ko na mahal ko pa rin siya
hanggang ngayon.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[James’ POV]
Nagulat ako ng makita ko si Arwin na
nakasakay sa jeep na sinasakyan ko.
Lumundag ang puso ko ng makita ko
siya. Oo sobra.
Namiss ko siya.
Gusto ko siyang yakapin ng sobra.
Gusto ko siyang makausap.
Kitang kita ko ang mga ngiti niya na
naibigay ko sa kanya dati na kung saan ako din ang bumawi.
Ngayong nakita na kita hidi ko
hahayaan na mawala pa siya.
Tinitigan ko siya ng matagal.
Hinihintay ko siyang mapatingin sa
kinaroroonan ko.
Ano kaya ang magiging reaction niya sa
malalaman niya na kasabay ng jeep na sinasakyan niya ako?
Magiging masaya kaya siya?
Mahal pa kaya niya ako?
O baka....
Baka kinakamuhian niya ako?
Nakita kong bumulong ang katabi niya
at saka pa lang humarap sa akin si Arwin.
Kitang kita ko ang panlalaki ng mata
niya.
Oo nagulat siya.
Ngumiti ako pero kabaligtaran ang
ginawad niya sa akin.
Ang mga ngiti na inilalabas ng labi
niya kanina, ngayon ay unti-unti ng nawawala.
Nakita ko ang unti-unting pag lingid
ng luha niya.
Hala ka naluluha na ang mahal ko.
Kasalanan ko to.
Anong gagawin ko?
Bababa na ba ako?
“Oi bye na mga pre.” Sabi nung isa
niyang kasama.
Unti-unti naubos ang kasama niya.
Hanggang sa jeep ay matira na lang
kaming dalawa.
Pinagbibigyan talaga kami ng tadhana
ng pagkakataon.
Nakita kong nakakuyom ang mga kamay
niya.
Oo galit siya sa akin ramdam ko yun
dahil sa ipinapakita niya.
Tumabi ako sa kanya pero hindi niya
ako iniimikan.
“A-Ar-Arwin.” Tawag ko.
Hindi niya ako inimikan.
Hinawakan ko siya sa balikat pero
itinaboy niya ako.
“Si-Sino ka ba?” sabi niya.
Di ko mapigilang yakapin siya at
halikan sa pisngi.
Sobra ko siyang namiss. Grabe,
naluluha na ako.
Unti-unti kong naramdaman na tumulo na
ang luha ko.
Pero sa isang iglap lang ay nawala yun
ng itulak niya ako.
“James please leave me alone.” Sabi
niya.
“Usap tayo.”
“Wala tayong dapat pag usapan”
“Pero.”
“Please lang leave me alone.” Sabi
niya.
“Pero.”
“wala ng pero pero.”
“Maha…” di ko natuloy ang sinasabi ko.
“Pl-please nagmamakaawa ako..
t-tigilan mo ako...” narinig ko ang panginginig ng boses niya. umiiyak siya.
“Here me out.”
“I said wag mo akong kausapin.”
Nakuha na namin ang atensiyon ng
driver.
Malapit na akong bumaba, isang kanto
na lang. argggg.
Pero di ako baba hanggang di kami nag
uusap.
Dumaan ang ilang minuto na panunuyo ko
pero wala pa rin.
Hanggang sa dumating na ako sa
bababaan ko.
“Manong para po…” sabi niya.
“Manong bayad po.” Sabi ko at bumaba
na din ako.
So pareho pala kami ng babaan.
“Bakit mo ba ako sinusundan?” tanong
niya.
“Dito rin ako bababa.”
“Anong ginagawa mo dito?” bigla siyang
tumigil at humarap sa akin.
“Dito na ako nakatira, nag aaral.”
Pinag masdan ko siya.
Malaki ang pinagbago niya. sa buhok,
katawan at pananamit.
Pareho din kami ng school na papasukan
ko next school year. Nakita ko kasi yung lace niya.
“Bakit sa lahat pa ng tao na
makakasabay ko ikaw pa?” sabi niya na lumuluha na.
Pinahid ko ang luha niya pero tinapik
niya ang kamay ko.
“Arwin.. sorry sa nagawa ko. Let me
explain. Please. Matagal akong nag tiis. Na mi-miss na kita. Mahal na mahal
kita Arwin. Hindi ka ba nagtataka na kaya tayo pinag tagpo para magpaliwanag sa
isa’t-isa?”
“Wala akong paliwanag na didinggin.”
“Mali lahat ng iniisip mo. Lasing ako
noon at…” hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko.
“Lasing? Ha lasing? Gasgas na yan.
Malaki ka na. alam mo na ang ginagawa mo.”
“Pero…”
“Wala ng pero pero.”
Nag walk out siya pero nahawakan ko
kamay niya.
Nakaramdam ako ng kuryente.
I miss the day when we held hands in
public.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao.
“Please pabayaan mo na ako. Please
lang…” sabi niya.
“Pakinggan mo kasi ako.”
Bigla niya akong sinuntok sa harap ng
madaming tao.
Nagulat ako sa ginawa niya. nanuntok
na siya?
Marami na nga nagbago sa kanya.
Napahawak na lang ako sa mukha ko.
“Oo na James talo na ako. Please lang
pabayaan mo na ako. Masaya na ako ngayon. Please lang… pabayaan mo na ako..
gusto ko na ng tahimik na buhay…. Okay na ako eh. Ginugulo mo lang ang buhay
ko….” Sabi niya na napaupo na sa lupa.
Nakakahiya na kasi pinagtitinginan na
kami ng tao.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Na miss ko siya oo sobra.
I wish I could hug him ng mahabang
oras.
Agad siyang kumawala at itinulak ako.
Tumayo naman ako at maging siya.
Pinahid ko ang luha ko at siya rin
nagpahid ng mga luha niya.
“Arwin maniwala ka naman na mahal
kita. Hindi kita niloko. For God sake alam niya na labis kitang minahal.”
“Kung mahal mo nga ako, diba dapat
hindi mo ako sinaktan?”
“Hindi naman kita sinaktan. Just a
misunderstanding lang ang lahat.”
“Gago ka ba? Nandun ako at kitang kita
ko ang ginawa ninyo, ngayon sasabihin mo misunderstanding?”
“Pero hindi yun ang totoong nangyari?”
“James Arkin Ramos, Valedictorian
itong niloko mo. Hindi ako tanga at mangmang para hindi maintindihan ang mga
pinag gagawa mo. NILOKO MO AKO!”
Naawa ako sa itsura ni Arwin ngayon.
Mali nga ang nagawa ko, pero hindi
naman talaga yun ang nangyari.
Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?
Bakit ba kahit sandali ayaw man lang
niya making?
“James tama na. please lang.
nagmamakaawa na ako sayo.. gusto mo lumuhod pa ako sayo? Heto” bigla siyang
lumuhod sa harap ko.
Pinatayo ko naman sia.
“Tumayo ka nga jan” sabi ko.
“Please.. wag mo na akong sundan.”
Tumakbo siya agad at sa isang iglap
nawala na naman ang pag asa ko na mag kakaayos kami.
Pumuta muna ako sa may ministop para
mag pahinga.
Umiiyak ang aking mga mata sa mga
nangyayari.
Bakit ba ganito ang life. Haixt.
Umorder ako ng isang kariman. Yeah.
Haixt.
Alam kong magkikita pa kami. Masaya na
akong malaman na okay siya ngayon.
Tandang tanada ko noon ang mga
nangyari, matapos ang lahat ng nangyari.
Kahit anong lapit ko sa ospital noon,
siyang taboy naman niya sa akin. Haixt.
Miss na miss na kita sobra.
Sana bumalik na ang dating Arwin.
Sana pakinggan na niya ang mga
paliwanag ko.
Nagtagal ako doon at umabot ng mahigit
isang oras.
Di ko nalaman ang oras dahil sa sobra
kong pag iisip sa nangyari noon.
Bigla bigla, napansin kong lumapit sa
akin si Chad.
Ikinagulat ko naman ito.
Ano kaya ang ginagawa niya dito?
“Oi.” Bati ko.
“Problema?” tanong niya.
“Wala naman.”
“Bat ka ganyan?”
“Wala to.”
“Weh.”
“Oo nga.”
“Di ako naniniwala.”
“Wala nga eh.”
“Aysus. Kung wala, bakit parang ugaga
ka jan? may problema ka eh.”
“Ah eh…”
“Wag ka ng mahiya. I-share mo na sa
akin. Promise ko naman na hindi ko ipagkakalat. You can lean on my shoulders
now.”
“Talaga?”
“oo naman.”
“Salamt bro.”
“So ano nga problema?”
“Hindi naman siya problema eh.”
“So ano nga?”
“Nakita ko na yung hinahanap ko.”
“Yung ex mo?”
“Oo.”
“Oh ano ang nangyari?”
“Nakasabay ko siya sa jeep kanina
pauwi.”
“Tapos?”
“Sobrang saya ko kasi nakita ko na
siya pero mali pala ako.”
“Bakit?”
“Nung nagkausap kami halos ipag
tabuyan niya ako. Galit nag alit pa rin siya sa akin.” Ikinuwento ko ang lahat
lahat sa kanya.
“Ang sarap suntukin ng lalaking yun.
Kung makita ko lang siya, dadapo talaga kamao ko dun.” Sabi niya bigla sa akin.
“Hindi ko din naman siya masisisi eh.”
“Pero kahit na.”
“Di pa rin ako titigil…”
“Tanga ka ba? Bakit ayaw mo ba siyang
tigilan?” medyo tumaas na ang boses niya. Grabe ha sabihan ba naman akong
tanga.
“tanga na kung tanga pero mahal ko
siya. Ganyan ka kapag nagmamahal ka, nagpapakamanhid ka. Nagpapkatanga ka.”
“Pero.”
“Oo ganyan yun. Kung naransan mo ng
magmhal sana ganun rin ang naramdaman mo.”
“Oo nagpakatanga ako dati. Pero ala
nay un ngayon dahil niloko lang ako. Pinagpustahan lang niala ako. Pero may
oras para tanggalin ang pagka tanga.”
“Pero.”
“Wala ng pero-pero. Gumising ka nga sa
katotohanan.”
“Mahal ko pa rin siya.”
“Move on.”
“Ang gusto ko lang naman ay
maliwanagan siya eh.”
“Pero din a tama yan.” Napaisip ako
bigla.
“Alam mo. Kahit naman magkaliwanagan
kayo, ano magiging diperensiya. Galit pa rin siya sayo. At malay mo may
boyfriend na siya.”
“Pero suot niya yung binigay kong
necklace, sing sing at bracelet.” Sabi ko.
“Dun lang ba nasusukat yun?”
“Alam ko na mahal pa rin niya ako.”
“Pero paano…”
“Hindi. Mahal pa rin niya ako. Hindi
ako titigil hanggang sa marinig ko mula sa bibig niya na hindi na niya ako
mahal.”
“Ang swerte naman nung lalaking yun.”
Hindi ako nagsalita.
“Mantakin mo mahal na mahal mo siya at
handa mong gawin ang lahat para sa kanya.”
“Ganyan talaga pag nagmamahal.”
“Hehehe. Siguro nga.” Biglang tumunog
yung phone ko.
“Oh hello baby.” Sagot ko sa phone.
“Pauwi ka na ba?” tanong sa akin ni Khail
“yup. Pauwi na si daddy. Oo, may
kwento ako sayo mamaya ha. May good news ako. Pasabi sa lola mo take her
vitamins tapos kain na kayo jan ha?”
“Pasalubong ko ah Fries at burger.”
Cute na request niya. napangiti tuloy ako.
“Okay. Sige dadaan ako sa Jollibee.”
“Ingat ka daddy.”
“Okay okay. Sige sige. Bye I love you
baby. Kiss muna sa daddy.”
“Mwah.” at ibinaba ko na yung phone.
“Sige alis na ako ah. hinahanap na ako
ng baby ko eh. Sige bye.” Sabi ko.
Ngumiti na lamang siya. Nakita kong
sumakay na ng jeep si Chad.
Kumaway pa ako sa kanya.
O-order na ako ng may makabangga akong
tao.
“Pre sorry ah.” Sabi niya.
“Ayos lang kasalanan ko naman.” Sabi
ko.
“Sige sige…” pinulot niya mga nalaglag
at umalis na. umorder na ako dun sa request ng baby ko.
I’m sure matutuwa siya sa pasalubong
at sa good news na sasabihin ko.
Hindi naman siya good na good news
pero at least magandang balita.
Matapos kong umorder, nagmadali na
akong umuwi.
Habang nasa jeep ako, hindi ko pa rin
mapigilan ang isipin ang nangyari kanina.
Kung alam lang talaga niya ang tunay
na nangyari. Kung malalaman lang sana niya. haixt.
Buhay nga naman.
Pasasaan at malalaman din niya ito.
Nakaupo ako noon sa jeep ng muli kong
maalala ang tunay na nangyari.
Kung saan nagsimulang mawala sa akin
ang pinakamamahal ko.
(Flashback)
February 14 noong araw na iyon.
Valentines day at araw ng mga puso.
Nag prepare ako para i-surprise siya.
Special sa akin yung araw na ito.
bumili ako noon ng chocolate.
Flowers sana kaso medyo obvious na
kung ganun.
Nag sulat na lang ako ng letter.
Mamaya ko na lang siya bibigyan ng
flowers after ng date namin.
Im in love with him.
Wag ninyong itanong kung bakit kasi hindi
ko rin alam.
Basta siya ang tinitibok ng puso ko at
wala ng iba pa.
I’m so inspired sa kanya. Napaamo niya
ang isang tigasin at pasaway na tulad ko.
He is an amazing guy and I love him
all over again.
Yeah hindi ako magsasawang sabihin
yun.
Ano ba ang akala nila sa akin. Well
ako ang tipo ng lalaki na hindi basta basta naiinlove.
He is the only one na minahal ko ng
ganito.
First love ko siya sa totoo lang at
first love never dies.
Hindi ako nagkaroon ng girlfrieng
dahil mapili ako. Yeah.
Ako na ang suplado at mataas ang
standard perohindi ko aakalain na sa isang Arwin Jake Montederamos lang ako
luluhod at hihingin ang kanyang kamay para maging kami.
Isang aso’t pusa kami kung mag away
noon pero ngayon daig pa naming ang mag asawa kung maglambingan. I love him so
much talaga.
Paulit-ulit na no? sadyang mahal ko
lang talaga siya.
The moment na naging kami, ayun yung
pinakamasaya ko.
We had an unexpected day noon at yun
na nga, we became one at we became partners.
Una akong pumasok sa school.
Waiting for him.
Dahil ako pa lang ang nasa room, may
ginawa na ako sa upuan niya. naglagay na ako ng sulat doon.
Then ilang minuto lang din ay dumating
na siya.
Kasama niya si Rizza at iba pa naming
kaibigan na nakakaalam sa relasyon naming dalawa.
Agad kong hinigit si Arwin at niyakap.
“O ang agang pa-valentines yan pre
ah.” Sabi ni Joseph. Ngumiti lang ako at saka ibinaling ang atensiyon kay
Arwin.
“Love, date tayo mamaya ha. Happy
valentines day.” Sabi ko. Hinawakan niya ang mukha ko at pinisil ang ilong ko.
“Sige love… I love you.” Pabulong
niya.
“Ano hindi ko marinig?” pabiro ko.
“Demanding ka ah.”
“Dali na. wala namang makakarinig.”
Sabi ko.
“I love you. Sabi ko.” Sabi niya. di
ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko siya.
Well grabe di talaga ako nakatiis.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila sa upuan niya. kinuha ko yung bag niya at
binitbit ito. kailangan maging sweet ako sa kanya.
Buong maghapon sobrang sweet ko sa
kanya.
Patago nga lang. ang cute ng dimples
niya. nakakainlove lalo.
Pag walang nakatingin bigla ko na lang
hahawakan ang kamay niya siya naman sasandal sa balikat ko.
Happy ako ngayon.
First time kong makikipag date sa
valentines.
Para kasi sa akin dati, walang
sentimental value ang valentines day.
Dati rati family ko lang kasama ko
pero ngayon siya na.
“I love you.” Bulong ko sa kanya
habang nag kaklase kami.
“I love you too.” Sagot niya. nagsulat
ako sa papel at inilagay ko ang
“Mahal na mahal kita. Arwin Jake
Montederamos-Ramos.” Nakangiti akong ibinigay sa kanay ito. nakita ko ang
ekspresyon ng mukha niya. napangiti siya ng sobra.
“Sweet mo ngayon… nakakapanibago.”
“Minsan lang akong ganito sulitin mo
na.” isinulat ko.
“Sana lang lagi kang ganyan. Wag mo
akong iiwan.”
“Oo ikaw pa. mahal kita eh.”
“Salamat. I love you.Happy Valentines
my dear.”
“Same to you. I love you.”
Then the bell rung. Yes eto na, mag
dadate na kami. Masayang-masaya na ako. Paalis na kami ng biglang tawagin ni
Ms. Corpus si Arwin.
“Arwin, please stay. We need to talk.”
Ano ba yan naudlot pa.
“Intayin mo ako.” Sabi niya.
“oo.” Sabay kindat sa kanya. Ngumiti
siya. After 30 minutes bumalik siya. Grabe ang tagal ha.
Nagka practice siya ng speech choir.
Sabi ko naman sa kanya na tumakas na lang muna siya.
Importante kasi yung date nay un sa
akin eh.
First time namin nun na mag
cecelebrate ng Valentines day together eh.
“Sorry dhie…” sabi niya.
“Ano ba naman yan…” Umalis na agad ako
at hindi siya pinansin. Tumatawag lang siya at sumisigaw pero hindi ko siya
nillingon.
Hindi ko sinasagot yung tawag niya or
text. Nababasa ko na lang mga text niya tapos binababa ang phone ko.
“Dhie, asan ka na?” “Dhie nag woworry
na ako sayo.” “Dhie, please sagutin mo text at tawag ko.” “Dhie sorry na po.
Please lang oh.” “Dhie I love you.” “Dhie, babawi na ako sayo.” “Dhie please
lang.” “Dhie.”
Paulit-ulit mga text niya sa akin.
Naka 25 missed calls siya sa akin. Dahil nairita ako, pinatay ko phone ko.
“Pare, grabe hinahanap ka na ng
boyfriend mo.”
“Hayaan mo siya.”
“Sus. Grabeng pagtatampo yan ah.”
“Hinahanap ka niya sa amin.”
“Wag kayong maingay. Hayaan. Hayaa..
hayaan ninyo siya.” Sabi ko.
“Pre, pag usapan ninyo yan hindi yang
nilulunod mo sarili mo sa paglalasing.”
“Minsan… mim…minsan na nga lan….lang
ako humingi ng pa..pabor..hindi pa rin niya pagbibigyan?”
“Pre, kaya nga pag usapan ninyo eh.”
“Pabayaan ninyo ako.”
“Pre… ano talaga bang titiisin moyang
si Arwin? Kanina pa kami tinatawagan eh.” Tanong ni Joseph.
“Hayaan mo siya. Bahala siya.”
“Pre naman.. ayusin ninyong dalawa
yan.”
“Eh ayoko.” Tinawag ko si Cyrus.
“Alam kong kaibigan mo si Arwin pero
wag na wag kang mag susumbong kay Arwin.. lagot ka sa akin pag nag sumbong ka…”
sabi ko.
Nakakailang bote na kami ng alak. I
sa, dalawa hanggang sa maging tatlong
oras.
Lasing na kaming lahat. Bangenge.
Bale mukhang ako nga lang ang lasing
noon eh.
Nakakatayo pa sila.
“Pre uuwi na kami ah.. ikaw ba? Ihatid
ka na namin?” Tanong ni Joseph.
“Eh dito na lang ako tutulog kila
Cyrus muna. Pwede ba Cyrus?”
“Ikaw bahala….” Sabi nito. Inilalayan
niya akong tumayo.
“Sige pre…. Ingat… ingat sa… sa pag
uwi…” sabi ko.
Tae yan, nilugmok ko sarili ko sa
alak.
Nabadtrip ako kay Arwin. Haixt.
Pero alam kong mali ang inasta ko.
“Sayang lang …. La…lang ang
gi…gi…ginawa ko…para sa kanya…” sabi ko.
“Lasing ka na…” sabi ni Cyrus.
“Ako la…lashing? Sinong….sinong
lashing?” sabi ko kay Cyrus. May pinainom siya sa akin. Di ko alam kung ano.
“Bakit ka ba nag kaganyan?” naramdaman
kong hinuhubadan niya ako. Siguro papalitan ng damit.
“Kashe yang kaibigan mow…. Nag handa
ako ng shurprise…ka…kasho wala eh… hindi shumama…bastusan…. Ayoko na tuloy…”
“Gusto mo ako na lang muna ngayon date
mo?” sabi niya.
“Eh hindi…hindi ka nama…naman si Arwin
eh…”
“Isipin mo na lang.” sabi niya.
“Ayoko,…..si…si Arwin lang…” maya maya
nakaramdam ako ng hilo
.
Labis na pag kahilo. Nakaramdam din
ako ng kakaibang init.
Binabanas ako. At isa pa, I’m hard sa
hindi ko maintindihan.
Mag-isa lang si Cyrus sa bahay nila
ngayon.
Wala mga magulang niya. takte ano tong
nararamdaman ko.
Parang gusto kong mag release.
“Mainit ba?” bulong niya sa tenga ko.
“oo… ang init….. ang init…” unti unti
kong tinanggal ang suot ko.
“Gusto ko…gusto ko maligo…” sabi ko.
Naiinitan ako at isa pa gusto kong mag paraos.
Kakaiba nararmdaman ko. Hindi naman
ako nagkakganito noong umiinom ako dati. Ngayon lang. bigla niya akong
hinalikan
“Pre, te..teka lang…. ano ba… ano ba
yang ginagawa mo?”
“Dali na. isa pa, galit ka naman sa
syota mo ah.”
“Gago, boyfriend ko yun hindi syota.”
“Iisa lang yun.”
“Gago, itigil mo nga yan.”
Dahil sa lakas ng tama, nararamdaman
kong nahihilo na ako. Inalalayan niya ako.
“Teka lang pare…. May gusto ….may
gusto ka ba sa akin?” tanong ko sa kanya.
“Obvious ba?” bigla na lang niya
hinawakan ang mukha ko ulit at siniil ng halik.
Dahil sa hinang hina na ako, hindi ko
na magawa pa na pigilan pa siya.
Pag dilat ko ng mukha, mukha ng boyfriend ko
ang nakita ko.
Akala ko siya hindi pala.
Gumanti paman din ako ng halik.
“Walang hiya kayo!” pareho kami noong
napatayo. Nakita kong nagsisigaw at umiiiyak ang boyfriend ko.
“Mga hayop kayo. Akala ko matitino
kayo, hindi pala. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo pero heto ang aabutan
ko?” Sabi niya sa akin.
“Teka. Nagkakmali ka ng iniisip mo.”
“Tanga ba ako ha? Sa tingin mo tanga
ako na maniniwala say o?”
“Pero mali yang nakita mo.”
“Hindi ako bulag. May mga mata ako at
20-20 ang vision ko.”
Nakita kong umiiyak siya.
“Porket hindi lang tayo nakapag date
ganyan ka na. humanap ka na ng kapalit ko at ang malala pa, sa kaibigan ko pa.
mga walang hiya kayo.”
Nakita ko ang pang gagalaiti niya.
Nanlalabo na ang paningin ko. Umiikot na rin ang paligid ko.
“Teka…” bigla akong bumagsak sa lupa.
“Break na tayo. Manloloko ka.”
Bigla siyang umalis at iniwan ako.
Humahabol pa naman ako sa kanya pero
unti-unti na akong nahilo at nawalan ng malay.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[James’ POV]
Kinabukasan, pagkadilat ko ng mga mata
ko, naninabago ako sa kung saan ako naroroon.
Pagbangon ko, nakita ko na wala na
akong saplot.
Katabi ko siya na gayun din, wala na
ring saplot na tulad ko.
Sinamantala niya na tulog ako at yun
nga, may nangyari daw sa amin.
Pinipilit niya ako na maging kami pero
hindi ko siya pinapansin.
May gusto siya sa akin noon pa at
balak niya akong agawin sa boyfriend ko.
“Ano ba?!” pagalit niyang sabi.
“Gago ka anong ginawa mo sa akin?”
“Mas gago ka. Matapos mong gamitin
katawan ko ganyan ang sasabihin mo.”
“Damn you… ahhrdggggg….” Sabi ko.
“Alam kong nag enjoy ka naman. Sarap
nga eh.” Pang asar niya habang pinupunasan niya ang dugo sa labi niya.
“Taena ka. Anong pinainom mo sa akin
kagabi?”
“Ah wala yun… pampasarap lang ng
pangkama… sarap ng lindol kagabi the best ka pala ha…” sabi niya.
“Tarantado ka. Takte….di ko alam kung
bakit nangyari ito… aghhh..” sinuntok ko yung pader.“Hindi mo ba ako
titigilan?”
“Hindi kita titigilan hangga’t hindi
nagiging tayo.”
“Please ayokong makita kita. Baka
masapak lang kita. Kasalanan mo lahat ng ito.”
“Okay na aakuin ko na. pero hindi
naman kayo bagay eh. Tayo ang bagay.”
“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo.:”
“Mahal kita.”
“Pero hindi kita mahal.”
Nagbanta siya sa akin.
Sisiraan daw niya ako.
Gagawin daw niya ang lahat para lang
mapasakanya ako.
Hindi ko naman pinansin ito at
ipinagpatuloy lang ang araw-araw.
Feeling ko may balak talaga siya.
Feeling ko hindi niya ako mahal kundi
gusto lang niya mag higanti.
Nalaman ko kasi na nagbreak sila ng
boyfriend niya at may lumalabas na issue na dahil yun kay AJ.
Di ko natanong si AJ sa issue na yun
pero may hinala lang ako.
Hindi ako pinapansin ng boyfriend ko,
iniiwasn niya ako at ayaw makausap.
Kapag nagkikita kami siya ang umiiwas.
isang araw di ko na natiis at
nilapitan ko siya at lumuhod sa harapn niya kahit maraming tao ang nakatingin.
"James please.. tigilan mo na
to..."
"Sorry na please...."
"Walang magagawa ang sorry
mo..."
"Mahal kita.."
"Kung mahal mo ako.. pabayaan mo
na ako..."
"Handa na kitang ipaglaban..
please.... bear with me..."
"As if totoo yan... niloko mo na
ako dati... maniniwala pa ba ako?"
"Maniwala ka... alam mo naman na
mahal kita diba?"
"Kung di mo ako titigilan.... di
na ako papasok.... lilipat ako ng school..."
Umalais na siya at di na muli akong
kinausap.
Ilang araw din siyang absent.
Nalaman ko na lumala ang asthma niya
at nag alala ako ng sobra.
Binantaan ako ng best friend niya na
lumayo ako sa kaniya at wag na wag kong lalapitan ito.
kinakamusta ko naman siya sa kanila at
nalaman ko na naospital daw ito.
nahirapan daw siyang huminga ng dahil
sa kaiiyak yun ang sabi sa akin pero nalaman ko din ang katotohanan.
Sinisi ko ang sarili ko sa ganun.
Sabi ko sarili ko na gusto ko siyang
makita at makusap pero walang mahanap na tiyempo.
Hanggang sa magtagal ng magtagal at
hindi na kami nakapag usap.
Ngunit isang balita ang gumulantang sa
buhay naming na labis naming kinabahala.
(End of Flashback)
[AJ’s POV]
Umiiyak ang puso ko ngayon.
Bakit ba kailngan ko pang makitang
muli si James?
Bakit sa lahat ng tao na makaksabay ko
siya pa?
Siya na sinira ang buhay ko. Siya na
sinira ang pag-ibig ko sa kanya.
Siya na walang ginawa kundi ang
patayin ang ako.
How dare him explain to me?
Kitang kita ko ang nangyari.
Hindi ako bulag noong araw na iyon.
Malinaw ang mata ko na nahuli ko
silang magkahalikan.
Ganun pa ang igaganti niya sa akin.
Ganun ba kalaki ang nagawa kong
kasalanan kung kaya’t ayun ang ginawa niya?
Umiiyak ako ngayon at muling
nanumbalik ang nakaraan.
Ang nakaraan na puno ng kirot at
sakit.
(Flashback)
“Nasaan ba si james? Please..
nagmamakaawa ako...” sabi ko kay Joseph.
“Nandun siya kila Cyrus.. ayusin na
niyo yung rpoblema ninyo.”
“Okay salamat...”
Agad akong pumunta kila Cyrus.
Nagmadali ako ng sobra.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako
doon.
Pero nagulantang ang mundo ko ng
maabutan ko ang pangyayaring iyon.
Nakita ko na magkadikit ang labi
nilang dalawa.
Parang pinunit ang puso ko ng makita
ko iyon.
“Walang hiya kayo!” pareho sila noong
napatayo.
“Mga hayop kayo. Akala ko matitino
kayo, hindi pala. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo pero heto ang aabutan
ko?”
“Teka. Nagkakmali ka ng iniisip mo.”
“Tanga ba ako ha? Sa tingin mo tanga
ako na maniniwala say o?”
“Pero mali yang nakita mo.”
“Hindi ako bulag. May mga mata ako at
20-20 ang vision ko.”
"Porket hindi lang tayo nakapag
date ganyan ka na. humanap ka na ng kapalit ko at ang malala pa, sa kaibigan ko
pa. mga walang hiya kayo.”
“Teka…”
“Break na tayo. Manloloko ka.”
Agad akong tumakbo.
Pinagtitinginan ako ng mga tao.
Iyak lang kasi ako ng iyak.
Paano ko ba to pipigilan?
Niloko ako ng mahal ko at eto pa.
ano bang kasalanan ang ginawa ko sa
kanya?
Hindi naman ganun kalaki yun ah.
Buong gabi hindi ako mapakali sa
kakahanap sa kanya.
Tapos heto.
Kaya siguro niya pinatay yung phone
niya. pinag sisishian ko na nagging kami.
Akala ko magiging okay kami pero hindi
pala.
Akala ko naman na hindi siya tulad ng
iba.
Natakot akong magmahal noon dahil sa
karanasan ng mga kaibigan ko.
Eto pala yun. Eto pala ang nangyari.
Grabe naman sila.
Ang sakit.
Ang sakit ng naramdaman ko.
Nanggagalaiti ako ngayon sag alit.
Iniiyak ko siya ng buong magdamag.
Hindi ako nakakin at ni hindi
lumalabas ng kwarto.
Depression comes to my life.
(End of Flashback)
Nakauwi na akong lahat at ahat pero
yun pa rin ang nasa isip ko.
Sobrang laki ng epekto niyon sa akin.
Nakatulala kong pumasok sa bahay.
Agad akong dumeretso sa kwarto ko at
inihiga ang katawan ko.
As usual iiiyak ko na naman ito.
bakit ba hindi ko maialis na hindi
maapektohan? Matagal na naming nangyari yun eh.
Sana may kapangyarihan akong burahin
ang lahat lahat.
Ayoko na nito.
Parang unti-unti binibiyak nito at
puso ko.
Para bang any moment eh mamatay na ako
sa sakit.
Ang hirap maging heart broken. Sobra.
Sana naman matauhan na si James.
Sana tanggalin na niya ang sarili niya
sa puso ko.
Iyak ang ako ng iyak ng walang
katapusan.
Narinig ko na lang na kumakatok sa
pintuan ko si mama.
“Anak okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam
mo?”
“Okay lang po ako.. pagod lang po..”
sabi ko.
“bakit ganyan ang boses mo? Umiiyak ka
ba?”
“Hindi po ma.. okay lang
ako..papahinga lang ako…”
“Okay… kung kakain ka baba ka lang
ha…”
“Opo ma…” at umalis na si mama.
[James’ POV]
Nakauwi na ako sa bahay pero arang
lutang pa rin ako.
Pinilit kong ipakita na okay ako pero
yun nga lang di ko maitago.
Agd kong hinagilap si Khail.
“Baby… andito na si Daddy.” Sabi ko.
Nakarinig agad akong ng mga yabag na
tila nagmamadali.
“Daddyyyy…” rinig ko na sigaw nito. Na
miss siguro ako nito.
“Oh baby…. Kamusta?”
“Okay naman po… ang dami ko pong star
sa school…”
“Wow naman… mana sa daddy Arwin niya
ang galing at talino…” sabi ko.
“Pasalubong ko?” sabay pacute.
“So nag pacute ka pa talaga. Eto na
po. tanan…” sabi ko.
“Yehey…” at tumakbo papuntang kusina
si Khail. Nag kiss naman ako kay mama ng makita ko ito.
“Oh bakit ngayon ka lang…”
“Nakita ko si Arwin.” Alam kong
nagulat siya at agad naman siyang nag tanong.
“Oh kamusta? Nag kayos na ba kayo?”
“Hindi ma… Malabo pa sa ngayon…”
“Pero ano ang nangyari?”
“Tulad ng dati galit nag alit pa rin
siya sa akin. Kinasusuklaman niya ako… pero hindi ako titigil…”
“Ipapaalam mo ba kay Khail ito?”
“Opo pero di ko sasabihin ang lahat
lahat.” Agad kong pinuntahan si Khail.
“May nakalimutan ka baby.” Sabi ko.
Agad niya akong kiniss at niyakap.
“Naks alam ng anak ko ang kailangan
niyang gawin…”
“Daddy gusto mo fries?”
“Subuan mo ako….”
“Say ahhh…”
“Ahhh…” ang cute talaga ng baby ko.
Nakakwala ng pagod si Khail nawala
bigla ang kalungkutan ko panadalian noong makita ko siya.
He is the only one na nag reremind sa
akin about sa amin ni Arwin.
“Baby… may sasabihin si daddy sayo.”
“Ano po yun?”
“Nakita ko na daddy Arwin mo.”
“talaga po? Tara po puntahan po natin
siya. Gusto ko po siyang makita.”
“Baby.. di pa pwede eh… kasi medyo may
problema…”
“Ano po yun?”
“Uhm basta sa amin na muna yun… bata
ka pa kaya di pa pwede…”
“Pero…”
“Makikita mo din naman si Daddy Arwin
mo eh… yaan mo.”
“Excited na po ako daddy.”
“Yaan mo hahanap ako ng paraan…”
“Pag nakita ko na siya daddy di ko na
siya hahayaang umalis.” Napangiti na lang ako sa sinabi ng bata.
“Yaan mo baby… babalik ang daddy mo.”
Ako ang nagpatulog sa kanya.
Well he gain a lot of weight.
Ang bigat na niya. medyo nagkalaman na
siya.
Gusto ko pag nakita siya ni Arwin di
niya ako i-blame nab aka hindi ko inaasikaso ang anak namin.
Arwin, nasaan ka na kaya ngayon?
Saan ka kaya nakatira?
Unti-unti na kitang maabot.
Mag kakasama na ulit tayo.
Gagawin ko ang lahat para maging tayo
ulit.
Mag papakababa ako para sayo.
Lahat gagawin at titiisin ko.
Sorry Arwin sa mga nagawa ko.
Hindi ko alam kung paano mo ako
mapapatawad pero hindi ako susuko.
Ibabalik ko yung dating tayo.
[Jaysen’s POV]
Nag door bell ako sa harap ng bahay
nila AJ.
May binili akong pasalubong para sa
bhie ko. Bumungad sa akin si mama.
“Good evening mama.” Bati ko sa mama
ni AJ.
“Good evening din.”
“Si AJ po?”
“Nasa taas. Teka may itatanong lang
ako sayo ha?”
“Ano po yon?”
“Nag away ba kayong dalawa?”
“Ho? Nako hindi po. Bakit po?”
“Mukhang may problema eh.”
“Maayos naman po kaming nag kausap
kanina pauwi.”
“Hindi ko maintindihan eh. Pag uwi
niya tahimik lang siya tapos dumeretso sa kwarto.”
“Pwede ko po ba siyang puntahan?”
“Sige. Kausapin mo.”
“Sige po.” Agad naman akong nag
medaling umakyat sa hagdanan at pinuntahan siya.
Kumatok ako ng ilang beses.
“Sino yan?” tanong niya.
“Bhie… si Jaysen ito…” ilang sandali
lang ay nagbukas ang pinto at iniluwa si AJ.
Nakita ko na pugto ang mata niya.
agad niya akong niyakap.
Agad naman akong pumasok sa loob ng
kwarto niya at nilock ang pinto.
“Bhie anong problema?”
“Dito ka lang… pwede bang dito ka
muna?” sabi niya. humiga kami sa kama at niyakap ko siya.
“Tahan na. bawal sayo ang masyadong
umiyak tahan ka na jan.”
“Bhie.. wag mo akong iiwan.. ipangako
mo yan.. wag na wag mo akong iwan…”
“Bhie ano ka ba.. oo naman hindi kita
iiwan…”
“Mahal na mahal kita…”
“Mahal na mahal din kita…”
“Natatakot ako na baka iwan mo din
ako..”
“hindi, wag ka mag alala.”
Nanatili kami sa ganong posisyon.
Nangamba ako sa ikinikilos niya. ano
ba ang nangyayari sa kanya.
“Bhie.. mag tapat ka nga sa akin.
Anong nangyari sayo?” hindi siya nakapagsalita. Hindi siya makasagot agad.
Hinintay ko na lang na sumagot siya
kesa naman pangunahan ko siya.
“Nakita ko siya.” Sabi niya.
“Sino? Sino ang nakita mo?”
“Si James… yung ex ko… di ko aakalain
na makikita ko siya dito.”
“Shhh… tahan na…” napansin kong
lumuluha siya.
Parang may kirot sa puso ko na
nagsasabing mahal pa rin siguro ni Aj yung ex niya.
Nag seselos ako.
Parang natatapakan ang pagkatao ko.
Wala akong gaanong alam sa ex niya.
Hindi siya nag kwento sa akin.
Ayaw na lang niyang mahalungkat ang iba pa.
may nabanggit siya sa akin dati pero kakaunti
lang iyon.
“Ano ba ang nangyari?” tanong ko.
“Humihingi siya ng tawad sa akin.
Akala ba niya ganun lang kadali yun? Nasaktan niya ako ng sobra.”
“Tahan na. ayokong nasasaktan ka ng
ganyan. Ayokong nakikita ka na ganyan ang itsura mo.” Sabi ko sa kanya. Niyakap
ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.
“Bhie.. pwede ba na dito muna ikaw?”
tanong niya.
“Oo ba. Sige po dito na muna ako.”
“Salamat bhie…”
“Wait lang.” kinuha ko yung phone ko
at tinawagan si princess.
“bunso, di muna ako makakauwi ngayom
ha. Pasabi na lang kila manang na wag na akong hintayin….” Sabi ko.
“Asan ka ba?”
“Andito kila AJ.”
“Ah okay. I kamusta mo na lang ako
ha.”
“Sige.”
“Bye.” At binaba ko na yung phone.
Buti na lang at wala si papa.
Monthly kasi ang uwian nila papa
minsan nga eh yearly or quarterly.
“Bhie, kumain ka naba?” taong ko.
“Hindi pa.” nag pahid siya ng luha
niya.
“Kunin ko lang binili ko sayo ha.”
“Sige. Bihis lang ako.” Bumaba ako ng
bahay nila.
“Ma, okay na po. medyo pagod lang
yun.” Sabi ko.
“Mabuti naman. Teka aalis ka naba?”
“Uhm dito na muna po ako. Kasi si AJ
ayaw akong paalisin eh.”
“Sige. May damit ka bang baon
pamalit?”
“May shorts naman po ako dito. Okay na
po yun.”
“Okay.”
“Nga po pala, nagugutom na po si AJ.”
Sabi ko.
“Heto pinag handa ko na. ikaw din
kasama na jan.” sabi ni mama.
“Okay po. I-akyat ko na po ah.”
“Okay sige.” Nakasalubong ko bigla si
papa.
“gandang gabi po pa.” Bati ko.
“oh anjan ka pala. Si AJ ba kamusta?”
“Ayos na po. sige po dalhan ko na po
siya ng pagkain.
“Naku bine-baby mo anak ko baka mamaya
maspoiled yan.”
“Sweet lang po talaga ako. Hahaha.” At
iniakayat ko na yung pagakin.
Pagkapasok ko ng kwarto, hindi ko
nahagilap si AJ.
Kaya pumasok ako doon sa palitan ng
damit niya.
“Bh…” hindi ko natuloy yung sasabihin.
Nakita ko si AJ na nag pupunas ng
buhok niya. naligo siguro to.
Naka boxer lang siya.
Di ko mapigilan ang mapakagat labi sa
nakita ko.
He’s so sexy.
My flesh gone through hard.
Di ko mapigilan ang titigan at
pagnasaan ang mahal ko.
Erase erase erase.
Ano ba tong naiisip ko?
Napansin niya ako kaya binato niya ako
ng towel.
“Hoy wag kang manilip!” sabi niya.
nilapitan ko siya at niyakap.
“Paninilip bay un? Natural na sa mag
asawa yung makita katawan ng isa’t-isa.”
“Mag asawa ka pang nalalman jan. yung
pagkain?”
“Andun na po sa kama.”
“Good. Tara na. bihis ka na.” sabi
niya sa akin.
“Okay sige.”
Kahit na bagong ligo ako pagkatapos
nung practice namin, hindi ko mapigilan ang pag pawisan dahil sa nakita ko.
I can’t resist him.
Ang lakas ng sex appeal ng mahal ko.
Nagpalit na ako ng damit.
Grabe, ayaw pa ring humupa ng tension
sa pagitan ng binti ko.
Hinga lang ako ng malalim.
Mahirap na pag hindi makapag pigil.
Nag shorts na lang ako.
Basang basa kasi ng pawis yung jersy
ko.
Isinuot ko na ulit yung tshirt na suot
ko, well eto na lang.
baka kasi pag pareho kaming hubad sa
pang itaas eh mag way through out na.
Pag labas ko ng damitan niya eh ayun
na siya, bukas ang TV at kumakain na.
“Bhie, subuan mo nga ako.” Sabi ko.
“Kiss ko muna?” Kiniss ko siya sa lips
at yun sinubuan niya ako.
Humiga ako sa lap niya. humarap din
ako sa TV. Hinaplos lang niya yung buhok ko.
“Mahal na mahal kita…” sabi ko.
“Ang sweet naman.” Hinawakan niya ang
kamay ko at hinalikan niya ako sa lips.
“Bhie ah. Nakakadami ka na.” sabi ko.
“Ayaw mo ba?”
“Gusto.”
“Aysus. Nagsasawa ka na eh.”
“Hindi ah…” Ngumiti lang ulit siya.
Ang gwapo niya talaga kaa agad kong
hinawakan ang pisngi niya at kinurot.
Binaba niya yung kinakain niya pati
ang tray sa may baba at nakipag harutan sa akin.
May nadanggil siya sa akin kaya siya
napatigil.
“Oi… bakit nag flag ceremony ka
ngayon? Gabing gabi na ah?” Napangiti naman ako at lumapit sa kanya.
“Oi wag kang lumapit dito sa akin.”
Sabi niya. bigla ko siyang niyakap.
“Hala ka… wag… wag mong itutuloy yang
binabalak mo ha.”
“I can’t help it… pinaalala mo pa kasi
eh…”
“pero…”
“wala ng pero pero… tayo na naman
diba? Kaya’t pwede na nating gawin?” nag isip siya pero ginulat ko siya ng
bigla ko na lang siyang kinulong sa aking mga bisig.
“Hmmm…” naririnig ko sa kanya.
Pilit kong pinapasok ang bibig niya.
gumagala na rin ang mga kamay ko sa parte ng kanyang katawan.
I can’t help it any more.
Bumaba ang halik ko sa kanyang leeg.
Napahawak na lang sa may kama.
“Bhie… uhmmm…. Stop…..” sabi niya.
alam kong may dalang init ang ginagawa ko sa kanya.
“I can’t… I want to do it now…”
hanggang sa bumaba ng bumaba ang halik ko.
Napapaigtad siya at ramdam ko ang unti
unting pakabuhay ng laman niya. bumalik ako sa labi niya at hinalikan siya.
Gumanti na siya ng halik at yumapos sa
akin.
Mukhang wala na siyang magagwa.
First time ko to kung sakali.
I’m curious about it and I can’ help
it anymore.
We kissed thouroughly.
I didn’t imagine that I will
definitely doing it.
I’m became aggressive from that
moment.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment