Thursday, December 27, 2012

Love Me Like I Am (14): Book 1

by: White_Pal

Part 14: "The BIG Change.."

Ang Sakit! Sobrang sakit ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Parang sinaksak ng maraming beses ang puso ko, gusto kong magwala, gusto kong sumigaw, gusto ko silang awayin, ngunit umalis ako at tumakbo sa kwarto ko dahil hindi ko kinaya ang nakita ko. Para akong mababaliw, para akong mamamatay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. At dahil iyon sa kalandian nila. Ang taong mahal na mahal ko, kahalikan ang babaeng tinuring ko nang parang kapatid, SOBRANG SAKIT!
AKO: “T*nginaaa!!! Grrrhhhaaaahh!!!” at sabay hampas at bato sa mga gamit na nasa lamesa ko.


Pumunta ako sa kama ko habang sinasabi ko ang mga katagang…
AKO: “Bakit ba lahat na lang kayo sinasaktan ako??? Wala ba akong karapatang maging Masaya?? Wala ba akong karapatang magmahal?? P**ANG*NA!!” kasabay nito ang pag-hampas ko sa mga unan at pagbato nito kung saan-saan.
Maya-maya kinuha ko sa tabi ng kama ang litrato namin ni Kuya. Masaya kami roon, walang problema, at mahal na mahal ang isa’t-isa. Pero iba na ngayon…
Nang humarap ako sa salamin, nakita ko ang isang lalaking luhaan, isang lalaki na puro sakit lang ang nararamdaman, sakit na nakakalason at sakit na walang katapusan. Sa loob ng labing anim na taon, ngayon ko lang nakita ang lalaking ito na nasa salamin. Ang lalaking nawalan na ng pag-asa na may magmamahal ng buo sa kanya.
AKO: “Aaaaaaarrrgghhh!!!” ang malakas kong sigaw sabay bato ng litratong hawak ko sa salamin.
Nabasag ang salamin, kasabay ng pagkabasag nito ang litrato namin ni Kuya.
Wala pang isang minuto nang..
Tok! Tok! Tok!
KUYA JARED: “Tol, Ok ka lang ba?? Ano yung nabasag dyan??”
Pilit kong kinalma ang sarili ko at sumagot ng..
AKO: “O-o-ok lang ako, n-n-nasangi ko lang, y-yung salamin.” ang nanginginig na sabi ko.
KUYA JARED: “Tol, buksan mo yung pinto. Gusto ko makita kung ok ka lang.”
AKO: “M-mamaya na naliligo ako.” Ang mabilis na pagsisinungaling ko.
KUYA JARED: “Ano naman? Dali na buksan mo na please.” Ang pagmamakaawa niya.
AKO: “MAMAYA NA NGA EHH!!” ang malakas na sigaw ko.
KUYA JARED: “Bakit ka sumisigaw?? Ano bang problema??”
AKO: “Wala!! Walang problema!! Mamaya na!!”
KUYA JARED: “Gab, alam kong may problema, BUKSAN MO ITONG PINTO PAG-USAPAN NATIN.” Ang malakas na rin niyang sabi.
AKO: “Utang na loob iwan mo muna ako mag-isa.” Ang nadulas kong sabi. PATAY!! Alam na nga nya. Hayy Gab, umaariba nanaman ang pagiging Transparent mo, TSK!
Nadinig ko na umalis si Kuya. Ngunit alam ko na kukuha siya ng susi para buksan ang pinto, kaya mabilis kong inayos ang mga nagkalat na gamit, pwera lang ang nabasag na salamin. Kinuha ko ang tuwalya ko at binasa ang ulo para kunwari ay kakalabas ko lang ng banyo.
Wala pang limang minuto ay bumukas na nga ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko ang mga mata ni Jared na nakatingin sa akin, nakikiusap. Habang ako naman ay pinupunasan ang buhok ko.
KUYA JARED: “Ano bang problema Tol?”
AKO: “I--- Wala nga!!” ang pagpupumilit ko.
At tumingin siya sa may salamin, nakita niya na basag ito kasama ang litrato naming dalawa. Kinuha niya ang litrato namin at..
KUYA JARED: “Bakit mo binasag ito?” ang seryoso niyang tanong.
AKO: “Bakit ko babasagin yan? Sabi ko nga sa iyon, nasanggi ko nga.” Ang pagpapaliwanag ko.
KUYA JARED: “Paano mo nasanggi? Eh nasa may tabi ito ng kama mo, paano ito napunta dyan?”
AKO: “Ang kulit mo!!!” ang nasabi ko na lang.
KUYA JARED: “Gab.. Galit ka ba sa akin?” ang sabi niya na parang naiiyak na.
AKO: “Bakit ako magagalit sa iyo??” ang pa-inosente kong sagot. Ngunit halata pa rin sa boses ko ang galit.
KUYA JARED: “Hindi eh.. alam ko, Galit ka.. Ano bang problema.” Sabay hawak sa balikat ko.
AKO: “Walang Problema..”
Grabe, ang oras na iyon, sobrang nakaka-tense. Malapit ng sumabog ang dibdib ko sa sama ng loob.
KUYA JARED: “Please lang Gab, sabihin mo.. Ayusin natin ito..”
AKO: “Wala nga ok? WALA NGA!!” ang sigaw ko.
KUYA JARED: “Meron alam ko! MERON, Ayusin natin ito please..”
Sa pagkakataong iyon, hindi ko na kinaya ang sakit at galit na nararamdaman ko.
AKO: “Gusto mong malaman ha?? GUSTO MONG MALAMAN KUNG ANO ANG PROBLEMA HA??? IKAW!!!!” ang bulyaw ko sa kanya.
KUYA JARED: “Anong ako?? Ano bang ginawa ko??” ang pagtatanong niya na parang wala siyang alam.
AKO: “Anong ginawa mo? Bakit ka nakikipaghalikan kay Ely ha!!!”
Sa nadinig nyang iyon, hindi niya nagawang kumibo o magsalita bagkus, may luhang tumulo sa mga mata nya.
AKO: “Oh!! Ba’t di ka makasagot?? Di ba, naglalandian kayo?? Diba MAHAL NA MAHAL MO SYA? Di ba Naglalaplapan kayo???” ang pagsisigaw ko.
KUYA JARED: “Gab, makinig ka muna sa akin please.” Ang pagmamakaawa nya.
AKO: “Anong pa ang pakikinggan ko?? ANG KASINUNGALINGAN MO?? Hindi na.. Pagod na pagod na ako sa mga panloloko, pang-gagago at pananakit nyo sa akin. TAMA NA!!”
KUYA JARED: “Hindi Gab, ikaw ang mahal ko.. IKAW LANG! Makinig ka naman kasi ehh..” Sabay yakap sa akin ng mahigpit.
Ngunit dahil sa tindi ng galit ko, natulak ko siya ng malakas at kasabay nito ang malakas na suntok sa kanyang mukha.
AKO: “T*ng**a mo!! MANLOLOKO!!” sabay takbo palabas ng kwarto.
Ngunit sumunod sa akin si Jared. Pero bago pa man sya makapagsalita at hawakan ako ay..
AKO: “Lumayo ka sa akin!!” ang bulyaw ko.
KUYA JARED: “Pleeeease, pakinggan mo naman ako..”
AKO: “Pakinggan ha! Ok!! T*ngina mo!! ETO NA ANG SINGSING MO!!” sabay bato sa kanya nung “Friendship Ring” na nakasuot sa kamay ko.
KUYA JARED: “Tinatapos mo na ba bang pagkakaibigan natin?? Ganoon na lang ba yun ha??” ang umiiyak niyang sabi.
Bago pa man ako makasagot ay dumating sina Tito Angelo, Tita Jade, si Mama, at si Papa. Dumating din si Ely at Ella.
KUYA JARED: “Gab, tinatapos mo na ba??” ang tanong niya ulit.
Imbis na sagutin ang tanong niya ay iba ang nasabi ko..
AKO: “Jared Please lang, just.. just.. GO AWAY!!! Wag mo muna ako kausapin. Layuan mo muna ako. UTANG NA LOOB!!!” at tumakbo ako papunta sa 3rd floor ng bahay kung saan merong balcony doon at umiyak.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iyak noon ng..
TERESA MONTENEGRO (MAMA KO..): “Gab anak, ano ba nangyari sa inyo ni Kuya Jared mo? Ano bang problema?”
AKO: “Wala yun Ma.. Misunderstanding lang..”
MAMA: “Anak, kung ano man iyon, sana ay magkabati na kayo ng kuya mo.. Di ba Best friend nga kayo?”
AKO: “Dati yun ma.. ewan ko kung mababalik pa iyon dahil sa nangyari..”
MAMA: “Anak, wag ganyan.. matuto kang magpatawad anak.. tingnan mo ang Papa mo, pinatawad ang Tito Angelo mo.”
AKO: “Ma! Iba ang sitwasyon nun.. Yung kay Tito, hindi nya kasalanan ang nangyari.. Pero ito?? KASALANAN NI JARED MA!! KASALANAN NIYA!!” ang napalakas kong sabi..
MAMA: “Wag ganyan anak..”
AKO: “Kasi naman bakit ganoon? Lahat sila, sinasaktan ako?? Lahat sila linoloko ako.. Masama ba akong tao ma? Ano bang nagawa ko para pagtaksilan ako ng lahat ng tao?”
MAMA: “Anak wag mong sabihin yan anak, hindi ka masamang tao.. Napaka-buti mong anak sa amin ng Papa mo.. Anak, lahat ng bagay may dahilan.. tahan na Anak..” at yinakap niya ako habang hinihimas ang likod ko.
At umiyak ako ng umiyak sa mama ko. Alam ko, nahihirapan na din sya sa lahat ng pinagdaanan ko. Sa pagkakataong ito, parang hindi na nya alam ang gagawin niya para maibsan ang bigat ng nararamdaman ko dahil mismong mga mahahalagang tao sa buhay ko ay sinaktan ako.
Maya-maya..
MAMA: “Anak, nakalimutan ko ibigay yung regalo ko sa iyo..”
AKO: “Regalo? Ano pong okasyon?”
MAMA: “Di ba Gumraduate ka ng Highschool kagabi? At dahil doon, ibibigay ko sa iyo ito..”
At iniabot nya ang isang napakagandang kwintas.
AKO: “Wow ma!! Ang ganda!!” sabay kuha dito.
AKO(ulit): “Pero di ba galing pa ito kay Lolo at bigay pa niya ito sa iyo?”
MAMA: “Sa iyo na yan anak, kasi nakita ko na bagay sa iyo ang kwintas at mas may karapatan ka dyan dahil napaka-buti mong anak at napaka-buti mong tao.”
AKO: “Salamat ma..” sabay yakap dito.
Pagkatapos ng tagpong iyon, nagpunta ako sa kwarto at sinuot ang kwintas na binigay ni Mama sa akin. Ang kwintas ay parang isang Amulet, bilog na bilog ang hugis nito. Sa pinaka inner core ng amulet ay merong parang kung anung Lion ang naka-embed dito, kapag binaligtad mo ang kwintas, ay merong naka-embed na letter “A” sa gitna, sabi ni mama “A” dahil Alvarez na siyang apelyido niya noong dalaga pa siya. Sa ikalawang core naman ay kulay ginto ito at merong anim na diamond ang naka-embed din, habang ang outer core ng amulet ay kulay silver lang.
“Ang Ganda!” ang sabi ko sa isip ko.
=======Paglalahad ni Ella=======
Pagkatapos namin masaksihan ang pag-aaway ni Jared at Gab ay umakyat si Gab sa itaas na sinundan naman ni tita. Naiwang nakatulala si Kuya at linapitan siya ni Papa, Mama at Tito Luis (papa ni Gab). Habang si Ely naman ay nagmamadaling umalis ngunit sinundan ko siya.
ELLA: “Ely!!!” ang malakas niyang sabi.
ELY: “What??”
ELLA: “Anong klase kang kaibigan ha??”
ELY: “Bakit?? Ano bang ginawa ko?? Masama bang magmahal Ella ha??”
ELLA: “Ely, kaibigan natin is Gab. Bakit mo siya ginanun?? Tingnan mo ang ginawa mo!! Sinira mo ang pagkakaibigan nila ni Kuya..”
ELY: “Ella, si Jared ang humalik sa akin at sinabi niyang mahal niya ako..”
ELLA: “Talaga lang ha!?? Siya ba ang humalik sa iyo?? Eh kitang-kita ko ang katotohanan ehh..”
=====FLASH BACK=====
KUYA JARED: “Ely, Mahal din kita.. P--“ at di nya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan mo siya. Alam ko iyon!!
Nakita ko rin na hinawakan mo ang likod niya at pinilit na magkadikit pa ang katawan ninyo.
Maya-maya ng nakakuha ng bwelo si Kuya ay tinulak ka niya palayo..
KUYA JARED: “ANO KA BA ELY!! Noon pa man alam mo na yan. Mahal kita PERO BILANG ISANG KAIBIGAN LANG. Alam mo rin na isa lang ang laman nito (turo sa utak) at nito (turo sa puso) yun ay walang iba kundi si Gab.”
ELY: “Jared, please give me a chance.. Impossibleng mahal mo si Gab dahil parang magkapatid lang kayo.. Jared please making ka, nalilito ka lang ok??”
KUYA JARED: “Ely hindi ako nalilito dahil ngayon pa lang, sigurado na ako Si Gab lang ang sinisigaw nito(turo sa puso) si Gab lang ang mamahalin ko at gusto kong makasama HABANG BUHAY..”
ELLA: “Kuya.. Sorry to interrupt you but I think You need to talk to Gab..”
KUYA JARED: “Oh nandyan ka pala! Bakit??”
ELLA: “Kasi parang nakita ko siya kanina nakatingin sa inyo at..”
KUYA JARED: “At ano??”
ELLA: “Alam mo na.. Isa pa, pakinggan mo.. Nagsisisigaw na siya sa taas, alam ko kuya umiiyak siya.”
At dali-daling umalis si Kuya para puntahan si Gab..
=======PRESENT TIME (Paglalahad pa rin ni Ella)=======
ELY: “So anong gagawin mo ha?? Sasabihin mo kay Gab?? Edi sabihin mo!! Para namang maniniwala siya.”
ELLA: “Ganyan ka ba talaga Ely ha?? Grabe ka naman!! Sariling kaibigan mo inahas mo!!! Para kang walang pinag-kaiba kay Steph ahh.. Napaka-SELFISH MO!! Anong klase kang kaibigan!?!?”
ELY: “Hoy Angel Rose Martinez Cruz a.k.a. Angela Martinez, wag na wag mong kukwestyunin ang pagiging isang kaibigan ko dahil simula’t sapul pa lang alam mo na kung anong klaseng kaibigan ako!! Alam mo ano ako, at kung paano ko kayo pinagtatanggol!!”
ELLA: “Oo nga pero bakit ka naman ganun?? Bakit ganyan yung ginagawa mo ngayon??”
ELY: “Lahat kaya kong ibigay sa kaibigan Ella. Lahat kaya kong isakripisyo! Pero ibang usapan ang pag-ibig.”
ELLA: “Pag-ibig?? Pag-ibig!?!?? Ely, mahal ko si Gab! Alam mo yan!! Mahal na mahal ko si Gab pero nagsakripisyo ako para sa ikaliligaya nya!! Hinayaan ko sila ni Kuya na magmahalan. Sana ganun ka rin naman Ely, hayaan mo ng maging masaya yung dalawa..”
ELY: “Sorry Ella, pero yan ang hindi ko maipapangako..”
ELLA: “Ewan ko Ely.. Pero eto lang ang masasabi ko sa iyo.. HINDI LAHAT NG BAGAY GUSTO NATIN AY PARA SA ATIN, AT HINDI LAHAT NG HILINGIN NATIN AY IBIBIGAY SA ATIN.. Tandaan mo yan!!”
Nang-aalis na ako ay may nadinig kami ni Ely na parang ingay nanaman sa taas. Kaya naman umakyat ako para tingnan iyon at napansin ko na si Ely ay sumunod sa akin.
=======Paglalahad ni Jared=======
Pagkatapos ng pag-tatalo namin ni Gab ay kinausap ako ni Tito Luis(Papa ni Gab) kasama ang papa ko at ang mama ko.
LUIS MONTENEGRO (papa ni Gab): “Jared ano bang nangyari??”
JARED: “Wala po tito, konting hindi pagkaka-unawaan lang.”
ANGELO CRUZ (papa ni ko(Jared)): “Anak, kung ano man yung away ninyo ni Gab sana ayusin ninyo..” ang nasabi na lang niya.
LUIS MONTENEGRO: “Jared, meron akong tatanungin sa iyo at sana ay sagutin mo ito ng totoo.”
JARED: “Ano po iyon??”
LUIS MONTENEGRO: “May relasyon ba kayo ng anak ko??”
Parang isang bombong sumabog sa ulo ko ang mga katagang sinabi ni tito. Nagtataka ako, paano niya nalaman iyon?? Tiningnan ko si Mama at nakita ko ang pagka-gulat sa kanyang mga mata. Nang tiningnan ko naman si Papa ay ganun din ito.
JARED: “B-b-bakit niyo naman po natanong iyan?”
LUIS MONTENEGRO: “Sagutin mo ang TANONG KO JARED!! MAY RELASYON BA KAYO NI GAB??” ang pagtaas ng tono ng boses nya.
ANGEL CRUZ: “Luis, huminahon ka..”
LUIS MONTENEGRO: “PAANO AKO MAGIGING MAHINAHON KUNG UMAGANG-UMAGA AY GANITO ANG MATATANGGAP KO!?!?!?!” at sabay binagsak niya ang mga papel na naglalaman ng litrato namin ni Gab na kumalat sa campus kung saan nakunan kaming sweet, nagsusubuan ng pagkain, magka-yakap at yung nakaw na halik ko sa kanya ay nandoon din.
JARED: “Opo.. Kami po ng anak niyo at Mahal na Mahal ko po siya!”
LUIS MONTENEGRO: “H*yup ka!!” sabay sapak sa akin.
ANGELO CRUZ: “Luis tama na!!” at inawat ni papa si tito.
Kita ko naman na napatakip na lang ng kamay si Mama sa bibig. Hindi na din niya alam ang sasabihin.
LUIS MONTENEGRO: “Pinag-katiwalaan kita Jared, tapos malalaman ko na.. na.. (hindi na natapos ang sasabihin) Ano na lang sa palagay mo ang iisipin ng ibang tao ha??”
JARED: “Mahal ko po ang anak niyo! At kahit ano pang sabihin ng ibang tao ay wala na akong pakielam pa doon, basta mahal ko si Gab at alam ko na siya lang ang laman nito(turo sa utak) at kayang mahalin nito!(sabay turo sa puso).”
LUIS MONTENEGRO: “Walangh*ya ka!!”
ANGELO CRUZ: “Tol, tama na..” ang sabi ni papa habang inaawat ito.
LUIS MONTENEGRO: “Paanong tama na!?!?! Gusto mo bang magaya sa pagkakamali natin ang mga anak natin?? Kailangan ngayon pa lang TAPUSIN NA NILA YAN!!” ang pagwawala ni Tito.
Nagulat ako sa sinabi ni Tito.. Pagkakamali nila dati??? Anong pagkakamali?? Ibig bang sabihin nito nagkaroon sila ng relasyon?? Kagaya ba kami ng mga tatay namin??
LUIS MONTENEGRO: “Jade, tawagin mo si Gab!!” ang utos niya sa mama ko.
At agad namang umalis si Mama para tawagin si Gab.
=======Paglalahad ni Gab (original narration)=======
Habang tinitingnan ko sa salamin ng kwarto ko ang bigay na kwintas ni Mama.
Tok!! Tok!! Tok!!
Pagkabukas ko ng pinto.
AKO: “Oh Tita! M-m-may kailangan po ba kayo?”
JADE CRUZ: “Gab halika, pinapatawag ka ng papa mo.” Ang sabi niya habang may lumuluha.
Nang hawakan ako ni Tita ay nanlalamig ang kamay nito. Nakasalubong din namin si Mama at hinatak din siya ni Tita.
Nang makarating kami ay bumungad sa akin ang..
LUIS MONTENEGRO: “Bitiwan mo ako!!” sabay tulak kay Tito Angelo.
Pagkalapit sa akin ni Papa ay bumagsak ang kamao niya sa mukha ko na siya namang ikinabagsak ko.
LUIS MONTENEGRO: “P*tangina mo!! Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito!!”
ANGELO CRUZ: “Luis Tama na!!” at inawat siya ni Tito.
TERESA MONTENEGRO: “Papa naman!! Ano bang kasalanan ng bata!!” sabay alalay sa akin
LUIS MONTENEGRO: “Anong kasalanan!?!? Tingnan mo yan! (sabay turo sa mga litrato (yung mga litratong kumalat sa campus) na nasa lamesa). Yang malandi mong anak gumawa ng eskandalo at nakipagrelasyon pa kay Jared!! Hindi ba kasalanan iyon?? Hindi ba kahihiyan yan??”
ANGELO CRUZ: “Luis, hindi nila kasalanan iyon!! Kagaya natin noon, nagmahal lang ang mga anak natin..”
LUIS MONTENEGRO: “T*angin*ng pagmamahal yan!! Alam mo ba ng dahil diyan sa pagmamahal na sinasabi mo, kahit kalian hindi ako natanggap ng ama ng asawa ko?? Dahil diyan sa pagmamahal natin na iyan kinuha ang kakambal ni Gab? Kinuha dahil sa galit sa akin at sa asawa ko!! Kinuha dahil hindi niya matanggap na ang anak niya ay napunta sa isang bisexual. Kinuha ang anak namin Luis!!” at humagulgol na si Papa at yinakap naman siya ni Tito.
Natulala naman ako sa mga nadinig ko. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon pala ng relasyon ang ama namin ni Jared. Nagulat din ako sa rebelasyon na kaya pala kami nagkahiwalay ng kapatid or should I say, kakambal ko ay dahil sa kinuha pala ito ng Lolo ko sa amin at yun ay dahil sa galit niya kay Papa.
Biglang tumayo si Papa at..
LUIS MONTENEGRO: “Sa ayaw at sa gusto niyo, MAGHIWALAY KAYONG DALAWA!! TAPUSIN NIYO ANG KALOKOHANG YAN!!” ang sigaw niya.
ANGELO CRUZ: “Luis..”
Kita ko naman sa mata ni Tito Angelo na nakiki-usap ito na parang sinasabi niya na “Hayaan mo ng maging masaya ang mga bata, kung hindi man naging tayo sa huli, sana ay ipag-paubaya mo na lang iyon sa mga anak natin..”
AKO: “Pa, Hindi mo na kailangang sabihin yan..”
At napatingin naman silang lahat sa akin, si Tita, Tito, Mama, Papa, at Jared.
AKO: “Dahil wala na kami ni Kuya.. Kanina lang..”
KUYA JARED: “Tol, ano ba yang sinasabi mo.” ang sabi niya sabay hawak sa braso ko.
AKO: “Bitiwan mo nga ako!! At LUMAYO KA SA AKIN!!” ang sigaw ko sa kanya at sabay labas ng kwarto.
Pagkalabas ko ay nakita ko sina Ella at Ely na nasa may pintuan pala at alam ko na alam nila ang lahat ng nangyari. Kita ko sa reaksyon ni Ella ang pagmamaka-awa na parang sinasabi niya na “Please Gab makinig ka”, samantalang si Ely naman ay hindi makatingin ng diretso sa akin, alam ko hiyang-hiya siya sa ginawa niya. Nang umalis ako ay binangga ko ang balikat ni Ely at dire-diretso ako umalis papunta sa kwarto ko.
Hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong hinawakan ni Jared sa braso ko.
KUYA JARED: “Ganun na lang yun Gab?? Hindi mo man lang ako pakikinggan??”
AKO: “Ano pa bang pakikinggan ko ha?? Ayaw ko ng making sa mga taong nanloloko lang sa akin!!” sabay kalas sa pagkakahawak niya.
KUYA JARED: “Gab please makinig ka.. Hindi ko kagustuhan yung nangyari, bigla akong hinalikan ni Ely..”
AKO: “At ano? Hindi ka naman pumalag dahil gusting-gusto mo ha??”
KUYA JARED: “HINDI!! HINDI KO GUSTO OK!!?? HINATAK NIYA AKO, PILIT AKONG YINAKAP AT PINAGDIKIT ANG MGA KATAWAN NAMIN, HINDI AKO NAKAKILOS GAB!! KASI NAGULAT AKO! HINDI KO ALAM NA MAGAGAWA NIYA IYON!! MANIWALA KA!! IKAW LANG ANG MAHAL KO!!”
AKO: “Ako lang ang MAHAL MO?? AKO?? EHH ANO YUNG NADINIG KO HA??”
KUYA JARED: “Iba ang ibig sabihin nun, BILANG ISANG KAIBIGAN LANG ANG PAGMAMAHAL KO KAY ELY.. YUN ANG TOTOO..”
AKO: “SO anong ine-expect mo ha?? Ang maniwala diyan sa kasinungalingan mo?? Lokohin mo yang mukha mo!!”
Nang papa-alis na ako ay hinawakan ako ni Jared sa braso.
KUYA JARED: “Gab, Mahal kita..” ang sabi niya habang tumutulo na ang kanyang luha.
Ngunit isang sapak sa mukha lang ang ginanti ko sa kanya. Kitang-kita ko sa likuran ni Kuya ang pagkatulala at pagkagulat ni Ely at Ella.
AKO: “Alam mo ngayon nasabi ko sa sarili ko na sana, MAMATAY NA LANG AKO!! Para matapos na ang lahat ng problema ko!! Wala namang nagmamahal at nakakintindi sa akin ehh.. Sana MAMATAY NA LANG AKO!!!” ang sigaw ko.
Sa pagkadinig sa sinabi ko ay biglang tumayo si Jared at yinakap ako kasabay noon ang pagsabi niya ng..
KUYA JARED: “Wag mong sabihin yan Gab.. Wag mong sabihin yan..”
Ngunit pinilit kong makawala sa kanyang bisig at tinulak siya palayo.
Pagkadating ko ng kwarto ko ay tuluyan na akong humagulgol. Linabas ko ang lahat ng sama ng loob at hinanakit ko. Aaminin ko, gustong maniwala puso ko sa sinabi ni Jared, pero sinasabi ng utak ko kung ano ang nakita ko kanina, at yun ang totoo.
Maya-maya ay bumukas ang pintuan at linuwa nito si Ella.
ELLA: “Gab, Pwede ba tayong mag-usap??”
AKO: “Kung tungkol sa Kuya mong magaling, WAG NA!.. Ayaw ko siya pag-usapan..”
ELLA: “Gab, totoo lahat ng sinabi ni Kuya.. Nandoon ako nung nangyari ang lahat ng iyon. Nakita din kita, ngunit umalis ka kaagad kaya hindi mo nadinig ang kasunod na sinabi niya. Mahal niya si Ely BILANG ISANG KAIBIGAN LANG. At totoo yung sinabi niya na ikaw lang Gab. IKAW LANG ANG MAMAHALIN NIYA..”
AKO: “Ella please.. Tama na.. Gusto ko na lang magpahinga..”
ELLA: “Ok.. Lagi mong tandaan Gab, nandito lang ako, hindi ako mawawala. Pero sana ganun ka rin, hindi rin sana mawala yung Gabriel na nakilala namin at minahal namin ng Kuya ko.”
At pagkatapos noon ay yinakap ko siya at agad din siyang umalis.
Sa totoo lang si Ella lang ang taong kahit kalian ay hindi ako sinaktan. Si Ella lang yung taong masasabi kong mahal talaga ako. Ewan ko, alam ko naman na mahal ako ni Jared ehh pero talagang naguguluhan ako sa ngayon.
Maya-maya ay pinagpatuloy ko ang paglalabas ng sama ng loob, umiyak ulit ako ng umiyak.
Naalala ko ang sinabi ni Jared kanina bago ko siya suntukin..
“Gab, Mahal kita!!” ang sabi niya kanina.
“M-m-mahal n-na M-ma-hal din kita J-j-jared.. SOBRA!! Kaya lang hindi na pwede eh.. Andyan si Ely, babae siya, siya ang bagay sa iyo.. Siya ang makakapag-bigay sa iyo ng normal na buhay, normal na pamilya, at kaya ka niyang bigyan ng anak..” ang nasabi ko habang humahagulgol.
Sa buong araw ay hindi ako lumabas ng kwarto, hindi na rin ako kumain ng almusal at tanghalian. Nagkulong lang ako doon at umiyak buong araw. Kinagabihan ay nakaramdam ako ng gutom ay pasimple akong lumabas ng kwarto at kumuha ng pagkain sa refrigerator.
Kinabukasan pagkagising ko ay nadinig ko na umuwi na sina Tito, Tita, Ella, Ely, at Jared. Nadinig ko na ayaw pa daw umuwi ni Kuya hangga’t hindi kami nagkaka-ayos ngunit pinakiusapan siya ni Mama na bigyan ako ng time.
Maya-maya nag-alarm ang cellphone ko at nakita ko sa reminder na dadalawin ko si Enso sa ampunan. Naalala ko nanaman si Jared, supposedly kasi dadalawin NAMIN si Enso, pero eto ako, haharapin ang bata na mag-isa.
Nang makarating na ako sa orphanage..
ENSO: “Kuya Gab!! Kamusta??”
AKO: “Ok lang..”
ENSO: “Wehhh.. Maniwala!!”
AKO: “Bakit? Mukha ba akong hindi ok??”
ENSO: “Oo!! Kasi may nagpunta dito at sinabi niya na mahal na mahal ka daw niya at wag ka na daw iiyak..”
AKO: “Hoy bata ka!! Wag mo nga ako pinaglololoko ha!!”
ENSO: “Hindi nga!! Meron nga kuya! Eto pa nga ohh may pinapabigay siya..”
Binuksan ko ang bagay na iyon at tumambad sa akin ang isang pamilyar na singsing.
“Singsing namin ni Jared!!” ang sigaw ko sa isip ko.
At nakita ko na kasama ng singsing ay isang sulat.
“Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong sabihin para maniwala ka. Gab, mahal na mahal kita. Ibinabalik ko sa iyo ang singsing mo, sana suotin mo ito. Kahit yun lang muna Gab kahit yun lang. Hihintayin ko yung araw na babalik ka sa akin at sasabihin mong mahal mo pa rin ako.. Dahil ako?? Ngayon pa lang sasabihin ko sa iyo na IKAW LANG ANG MAMAHALIN KO..”
~ Forever Yours, Jared
Muli ay humagulgol ako sa sulat niya, umiyak, sinisisi ang sarili kung bakit ba hindi ko magawang pakinggan ang paliwanag niya gayong sinasabi ng puso ko na totoong mahal niya ako.
ENSO: “Kuya.. Wag ka ng umiyak!! Mahal ka naman ni Kuya Jared ehh..”
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nadinig ko.
AKO: “Hoy!! Sino naman ang sabi sa iyo niyan??” sabay punas ng luha.
ENSO: “Si Kuya Jared!! Pinapasabi niya na Mahal na mahal ka daw niya.. At tsaka obvious naman sa inyo ehh na mahal niyo ang isa’t-isa..”
AKO: “Ikaw talagang bata ka napaka-malisyoso mo!!”
ENSO: “Chos!!! Di yun pagiging malisyoso Kuya, pagsasabi ng totoo yun!! Chaaarr!!”
AKO: “Hoy!! San mo natututunan yang word na ‘Chos’ at ‘Char’ na yan ha??”
ENSO: “Nadinig ko kay Ate Ely noong dating nagpunta sila dito kasama niyo.”
Ngapala, sinama ngapala namin ni Jared si Ely at Ella dito para ipakilala kay Enso. Haaayy.. Naalala ko nanaman si Ely.. Tsk!! Bakit ba lahat na lang ng iwas ko ay may nagpapaalala sa nangyari? Haayy..
AKO: “Nako!! Bata ka tigilan mo nga yang mga salitang yan!!”
ENSO: “Hay nako kuya keribels lang yan.. hehehe..”
AKO: “WHAT THE!?!?!!?”
ENSO: “Hahahahaha!!! Peace!!!”
Hindi pa ako nakakapagsalita ng biglang may nag-text. Si Papa!! At pinapapunta ako sa office niya ngayon din.
AKO: “Uuummm Enso, aalis na ako ha?? Dadalawin na lang kita ulit.. Pinapatawag kasi ako ni Papa ehh.. At tigilan mo yang mga salitang yan!!”
ENSO: “Sama ako kuya!!”
AKO: “Hindi pwede!!”
ENSO: “Sige na kuya itakas mo ako!!” sabay ngiti.
AKO: “Hala ka!! Sige kung makakatakas ka!! Sige na alis na ako..” at tumayo ako at nagpaalam.
Habang naglalakad ako sa labas at gilid ng Orphanage,
ENSO: “Kuya!!” ang tahimik na sabi niya habang bumababa sa pader ng orphanage.
AKO: “Hoy!! Bata ka anong ginagawa mo dyan!! At papaano ka nakatakas?”
ENSO: “Basta kuya!! Hindi nila alam na kaya kong umakyat sa mga pader, at nagkataong may puno pang katabi sa inakyatan ko edi nagawan ko ng paraan!! Hahaha!!” ang sabi niya habang bumababa.
AKO: “Ikaw talaga ha!! Bumalik ka nga doon at baka mahulog ka pa dyan!!”
ENSO: “Hindi na kuya kering-keri ko ito!! Ayan!! Nakababa na ako ohh!!”
AKO: “Bumalik ka doon!! ISA!!”
ENSO: “Dalawa, Tatlo, Apat!!!” ang pang-iinis pa niya.
AKO: “Hindi ka babalik ha??” ang pananakot ko naman.
ENSO: “Ehhh kuya sige na sama mo na ako!! Kahit ngayon lang!!”
AKO: “Nako sige na nga!!” ang nasabi ko na lang gawa ng nagmamadali ako.
Nang makarating na ako sa Opisina..
ENSO: “Wow!!! Pag-aari ninyo ang kumpanyang ito kuya?? Ang laki naman!!”
AKO: “Hoy bata ka wag kang magulo ha! Hanggang sa labas ka lang ng Office ni papa ha??”
Habang kinakausap ko ng ganun si Enso ay bigla namang bumangga ako sa isang lalaki at nahulog ang folder na hawak niya.
AKO at ?????: “Sorry.. Ako na..” ang magkasabay na sabi namin kasabay ang dampot namin ng folder.
Dahil nga sabay naming dinampot ang nahulog niyang folder ay nahawakan niya ang kamay ko. At dahil doon ay nagkatinginan kami ng mata sa mata.
“Sh*t!! ang gwapo naman ng lalaking ito!! Makinis ang balat, matangos ang ilong, at P*tcha ang ganda din ng mata!! Wait!! Kung i-cocompare kay Jared ay angat pa rin ang mahal ko ng kaunti lalo na sa mata, angat talaga si Jared.” ang sabi ko sa isip ko. Wait nga Gab!! Bakit ka ba nag-cocompare ha?? Naku!!
Naalala ko tuloy yung unang beses na nagkita kami ni Jared, halos parehas din ang eksena at parang naging slow motion ang lahat. Ang pinagkaiba lang ay.. Parang may kulang?? Parang walang magic??
ENSO: “Ehem!! Hellerr.. May tao po dito!!” ang sabi niya ng mapansing nagkatitigan kami.
AKO: “Ahhh.. Ehh.. Sorry..” ang sabi ko sa lalaki.
????: “Sorry din..” at ngumiti siya sabay alis.
Habang naghihintay ng Elevator..
ENSO: “Si Kuya Gab ohh!! Ang lagkit ng titig!! Hahahaha!!”
AKO: “Pweehh!! Magtigil ka nga!!”
Maya-maya habang naghihintay ng Elevator ay may tumabi sa akin na isang lalaki at yun ay walang iba kundi ang lalaki kanina.
ENSO: “Waaaaahhhh!!!!!! Aaaaayyyiiiieeehhhh!!” ang napasigaw niyang sabi.
AKO: “Hoy! Skandalosa kang bata ka!! Mahiya ka naman ang dami-daming tao!!”
ENSO: “Ehh kuya kinikilig ako ehh!! It reminds me of You and Ku---“ hindi niya natapos ang sasabhin gawa ng biglang naging malungkot ang mukha ko. Alam ko na kasi kung sino ang taong dapat ay babanggitin niya.
ENSO: “Sorry po..”
AKO: “Ok lang..” sabay pahid ng luha na malapit ng tumulo.
Nang bumukas na ang elevator ay nauna ang batang makulit at sumunod naman ako, kaya lang nagkasabay nanaman kami ng poging lalaki kaya nagkabanggaan kami.
AKO at ????: “Sorry..” ang magaksabay naming sabi.
AKO: “Una ka na..”
????: “Ikaw na mauna..”
AKO: “Ikaw na..”
????: “Ikaw na nga ehh..”
At maya-maya ay nakita kong nakangiting aso ang batang si Enso sa amin na parang kinikilig na ewan.
AKO: “Ako na..” ang nasabi ko na lang para matapos na.
Pumasok ako at sumunod siya. Tahimik lang kaming dalawa nung lalaki sa loob ng elevator, samantalang si Enso naman ay paminsan-minsang ay sumisipol, kinakalampag ang paa at kung anu-ano pa man na parang pinapahiwatig niya na “Ano ba kayong dalawa? Mag-usap nga kayo Kinikilig ako ehh!!” Hahahaha!!
Nang bumukas ang elevator ay nauna ako este, kami pala nung poging lalaki. In short, nagkasabay I mean nagkabunguan nanaman kami (Ayieh!) ngunit pinauna ko na siya. Bago umalis ang lalaki ay humarap ito at mukhang may itatanong ata kaya lang ang pilyong si Enso ay bigla ba naman akong tinulak at dahil doon ay parehas kami bumagsak nung lalaki.
Bumagsak ako sa dibdib ng poging lalaki at nagkatitigan kami. Ewan ko kung nananadya ang pagkakataon dahil pagkabagsak na pagkabagsak ko sa kanya ay biglang tumugtog ang isang nakakalokong kanta.
“My heart says we've got something real
Can I trust the way I feel
Cuz, my hearts been fooled before
Am I just seeing what I want to see
or is it true could you really be
Someone to have and hold
with all my heart and soul
I need to know before I fall in love
someone who'll stay around
through all my up's and down's
Please tell me now before I fall in love
I'm at the point of no return
So afraid of getting burned
but I wanna take a chance
Oh, please give me a reason to believe
say you're the one
that you'll always be
Someone to have and hold
with all my heart and soul
I need to know before I fall in love
Someone who'll stay around
through all my up's and down's
Please tell me now before I fall in love
It's been so hard for me
to give my heart away
but I'd give my everything
Someone to have and hold
with all my heart and soul
I need to know before I fall in love
Someone who'll stay around
through all my up's and down's
Please tell me now before I fall in love
Before I fall in love..”
Habang umaandar ang kanta ay naramdaman kong gumapang ang kanan niyang kamay sa likod ko. Honestly ay nakuryente ako! Pagkatapos noon ay kaliwa niyang kamay ay napunta sa mukha ko at hinaplos ito papunta sa leeg ko. Magkaharap ang mukha naming dalawa ng oras na iyon at naramdaman kong unti-unting papalapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa oras na iyon, parang nag-fade ang mukha niya at napalitan ng mukha ni Jared. Ewan ko! Pero si Jared ang nakikita ko sa oras na iyon. Alam ko it sounds weird pero kahit sa sandaling iyon naramdaman ko na parang napunan niya ang pagmamahal na hinahap ko kay Jared.
Nang malapit ng magkadikit ang mga labi namin ay biglang..
ENSO: “Aaaayyyiiieeee!!! SHOCKS!! Ang Cheesy niyo aahh!! Wahahahaaha!! Kinikilig ako, sige gorabells lang!! At kukuha ako ng popcorn!! Sine? Sine?? Hahahaha!!”
Agad naman akong tumayo at humingi ng paumanhin.
AKO: “Sorry..”
????: “Ok lang..” ngumiti lang siya at dire-diretso ng umalis. “Sh*t!!! May dimples DIN ang loko!!” Naalala ko nanaman si Jared sa dimples niya.. Haayy..
At binalikan ko ang loko-lokong bata..
AKO: “Ikaw talagang bata ka ha!! Bakit mo ako tinulak??”
ENSO: “Ehh wala lang.. Malay ko ban a babagsak ka pala sa kanya..”
AKO: “Nako kung alam ko lang, SINADYA MO IYON!!”
ENSO: “Charushh!! Hindi ko sinadya yun kuya!! Ikaw ang may kasalanan nun kasi iakw ang na-out of balance!!”
AKO: “Nako! Sige mamaya na natin pag-usapan yan at kanina pa naghihintay si Papa..”
Pagpasok ko ng opisina ay kinamusta lang ako ni Papa gawa nga ng dalawang araw na akong nasa kwarto lang at hindi masyado kumakain. Pero hindi na niya binaggit ang tungkol kay Kuya Jared.
Nang papaalis na kami, nasa 1st floor kami noon ng..
ENSO: “Kuya, tara ikot muna tayo..”
AKO: “Hoy ano ba!!” ang sita ko sa kanya.
At nagtatatakbo ang bata hanggang sa napansin ko na “Personnel’s Only” ang room na pinasukan niya. Siyempre, sinundan ko na siya dun nuh at baka kung ano pa gawin ng makulit na bata.
Nang makapasok na ako ay parang bodega ito.
AKO: “Enso.. Lumabas ka na dyan at iuuwi na kita!!” ang sigaw ko..
Dineretso ko ang daan ng bodega at nakita ko na nakabukas ang Main door doon. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang isa pang hagdan. Bumaba ako na bakasakaling nandoon si Enso. Pagkababa ko ay isa pa ulit na pintuan at pagbukas ko nito ay amoy gasoline agad ang naamoy ko at meron akong nadinig na boses.
“Opo Ma’am.. I-pa-planta ko pa lang po..” ang sabi ng lalaking nakatalikod na naka-sumbrero na sa palagay ko ay hindi personnel.
Agad namang may humatak sa akin at tinago ako. At si Enso iyon.
AKO: “Hoy! Ano bang ginagawa mo dito at dito ka pa pumasok ha??”
ENSO: “Kasi kuya, kanina noong pagkababa natin ng elevator, napansin ko ang mukahng skwater na lalaking iyan tapos may dala-dala siyang.. yung cart na malaki yung pang-bodega.. yung utility cart ba tawag dun? Basta yun tapos nakatakip siya na itim pero noong hinangin yung takip nung dala-dala niya, nasilip ko yung laman.. FLAMABLE KUYA!!”
AKO: “Oh ano naman kugn Flamable? Magugulat sana ako kung sa Office rooms dinala yan di ba??”
ENSO: “Hindi mo ba na gets kuya?? Opisina tapos magdadala ka ng gasolina o anything that is Flamable??”
AKO: “Ang wild ng imagination mo..”
ENSO: “Makinig na lang tayo.. tapos sinabi pa na “I-paplanta daw.. Ano yun??”
Nanahimik na lang ako kasi, may point nga naman siya..
Maya-maya..
“Ma’am ok na po.. Plantsadong-plantsado na po ma’am.” At pinatay ang cellphone.
At sunod niyang ginawa ay nagsindi ng posporo at sinindihan ang mga telang nandoon at mabilis itong nagliyab gawa na rin siguro ng binuhusan niya ng gasoline ito.
Agad namang tumakbo si Enso, alam kong hihingi siya ng tulong, tumakbo din ako ngunit..
“Hoy!! Anong ginagawa mo dito???” ang tawag sa akin ng lalaki.
Nakita ko naman na lumingon si Enso, ngunit hindi siya nakikita ng lalaki gawa ng may nakaharang na pader sa kanya. Sinenyasan ko siyang tumakbo at umalis.
Nang maka-alis na si Enso ay naramdaman ko na lang na may biglang humampas sa may likod ng ulo ko. Naaalala ko, kinaladkad nya ako at dinala sa isang kwarto at sinarado iyon, kahit tinamaan ako sa ulo ay hindi ako nawalan ng malay dahil hindi naman ako napuruhan.
Tumayo ako tinangkang buksan ang pinto ngunit nakita kong hinarangan niya ng malaking tangke ng gas ang pinto kaya hindi ito bubukas.
AKO: “Palabasin mo ako dito!!! Ano bang gusto mo?? Bakit mo ito ginagawa??”
“Sorry Pero napag-utusan lang ako.. At dahil may alam ka at nakita mo na ako, hindi ko hahayaang mabuhay ka.” ang sabi ng lalaki.
“At isa pa, salamat ngapala dito ha??(sabay pakita sa singsing ko I mean namin ni Kuya Jared) Mukha kasing mamahalin ehh..” at sabay umalis.
AKO: “Aaaaaaaarrrrgggghhhhh!!!!”
Maya-maya pinilit kong sipain ang pintuan ngunit bigo ako.
Nang ikutin ko ang mata sa loob ng kwartong pinagkulungan sa akin ay nakita ko ang mga Stove na naka-bukas. Parang sinadya talaga na sunugin ang building ng kumpanya namin.
“Uuurrrggghhh!! Sino ba ang may gawa nito??” ang pagsisigaw ko.
Sinubukan kong patayin ang stove ngunit bigo ako. Wala na akong magawa kundi bumalik sa pinto at sipain ng sipain ito ngunit ganun pa rin, bigo pa rin ako. Sa mga oras na iyon, punong-puno na ng usok ang buong kwarto, nadungaw ko rin sa labas ang mabilis na pagkalat ng apoy.
Sa huli, umupo na lang ako sa tabi ng pinto, umiyak at nawalan na ng pag-asang maka-alis pa sa kwartong iyon.
“Bakit naman po Ganito?? Buong buhay ko sinaktan ako ng lahat ng tao, tapos sa huli, mamamatay pa rin akong mag-isa??” ang sabi ko habang humahagulgol habang umuubo gawa ng usok na bumabalot sa buong silid.
“Kayo na pong bahala sa akin.. Ipagpapasa inyo ko na lang ang lahat..” ang dasal ko..
Ilang sandal pa ay nawalan na ako ng malay.
=======Paglalahad ni Jared (SA LABAS NG NASUSUNOG NA BUILDING)=======
Nangmabalitaan namin sa TV na nasusunog ang building na pag-aari ni Tito Luis (Papa ni Gab) ay agad kaming nagpunta nila Tita (mama ni Gab), Ella, Ely, Papa, at Mama. Nang lalapit na kami ay..
BUMBERO: “Bawal pong pumasok sa loob..”
ANGELO CRUZ (Papa ko): “Manong naman, yung Best Friend ko nasa loob ng Building!”
BUMBERO: “Bawal po talaga..”
At singbilis ng kidlat, tumakbo si Tito sa loob ng building upang sagipin si Papa.
JARED at ELLA: “Papa!!!!!!” ang malakas na sigaw namin.
Dahil sa ginawa ni Papa ay napilitan na din akog pumasok sa loob.
Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa fire exit stairs at nadatnan namin ni Papa si Tito doon na walang malay. Binuhat namin siya ni Papa palabas at nagawa naman namin.
Habang papalabas ay nakita ko sa desk ng guard ang ID ni Gab.
Bigla naman akong kinabahan sa nakita ko.. “Ibig sabihin ba nito na nasa loob si Gab!?!?” sana mali ang hinala ko.
TERESA MONTENEGRO (Mama ni Gab): “Salamat sa diyos!! Ligtas na ang asawa ko.. ang maluha-luhang sabi ni tita.
LUIS MONTENEGRO: “Gab.. Si Gab.. nasa.. loob siya b-b-b-ago mag-umpisa yung sunog.”
ELLA: “Hindi pa ba nakaka-alis tito??”
JARED: “Malamang hindi pa.. Nakita ko ito sa desk ng Guard..” at pinakita ko ang ID ni Gab sa kanila..
TERESA MONTENEGRO: “Diyos ko ang anak ko!!”
JARED: “Wait lang po tita, babalik po ako sa loob..” akmang tatakbo na ako ay..
BOOM!!!! Isang malakas na pag-sabog na dumurog at nagwasak sa buong gusali..
MAMA: “Annaaaakk!!! Huhuhuhuhuhuhuhu!!!!” ang malakas na iyak ni tita.
JARED: “GAAAAAAAAAAABBBBBB!!!!!” ang malakas na sigaw ko ng pagbuhos ng aking luha
ELY: “Bebe.. Gab..” ang nasabi ni Ely habang umiiyak na rin..
ELLA: “Gabriel!! Huhuhuhuhu…” ang paghagulgol ni Ella.
……………………………
……………………
……………
Cementeryo.. Isang tahimik na lugar, isang mapayapang lugar..
Nasa harap ako ng gintong kabaong ni Gabriel noon ng magsalita ako sa harap ng maraming tao, bago tuluyang ibaba ang kanyang kabaong sa ilalim lupa..
“Isang linggo na ang nakakaraan.. Isang linggo mula ng masunog at sumabog ang gusali na tumapos sa buhay ng.. ng.. pinaka-importanteng tao sa buhay ko... Isang linggo na ang nakakaraan ng bawiin siya sa akin, ang best friend ko, ang mahal ko, ang buhay ko..
Naalala ko pa noong una kaming magkakilala, linigtas niya ako noon nung may umagaw nung singsing ko, actually “Friendship Ring” nga namin yun ehh.. Doon nag-umpisa ang pagkakaibigan namin.. Sa kanya ko natutunan na lumaban at maging matapang..
Alam niyo ba, Mahal na mahal ko ang taong ito.. (pinahid ko ang luha ko..), sa totoo nga ehh Idol ko sya.. kasi, nasa kanya na ang lahat ehh.. Cute, maganda boses, talented, matapang, malambing, mapagmahal na anak, mapagmahal na kaibigan, at.. at.. (hindi ko na mapigilan ang paghagulgol..) at... L-Lagi siyang nagsasakripisyo, para sa iba.. tinitiis ang mga sinasabi sa kanya ng ibang tao.. h-hanggang sa h-huli.. na-n.. (hindi ko na mapigil ang paghagulgol..) nam-ma.. namatay siyang, nasasaktan..”
Humarap ako sa kabaong at sinabing..
“Tol, I’m s-so S-sorry sa nagawa-wa ko.. Pero man-n-niwala ka.. Totoo ang lahat ng s-sinabi ko.. Kahit kailan.. Hindi kita linoko... Gab, i-ikaw lang ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.. h-hindi ko na kayang maghanap pa ng tao na kagaya mo dahil nag-iisa ka sa puso ko.. M-mahal na Mah-hal kita Gab.. at hinding-hindi m-magbabago yun k-kahit kailan..” ang humahagulgol kong sabi habang nakayakap sa kabaong niya.
At yinakap ako ni Ella at Ely para pakalmahin at ilayo sa kabaong. Ngunit hindi ako pumayag na ilayo nila ako dahil gusto kong kantahan si Gab habang binababa ang kabaong niya.
“Pa'no ang puso kong ito
Ngayong lumisan ka sa buhay ko
Kung kailan sumikat ang araw at
Lumigaya ang aking mundo
Pa'no nang mga bukas ko
Ngayong wala ka na sa piling ko
Paano ang mga pangarap
Mga pangako sa bawat isa
San'y ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali, kahit isang saglit
Mayakap ka
Puso ko'y biglang naulila
Iyong iniwanan na nag-iisa
San'y ika'y muling makita ko
Damhin ang tibok ng puso mo
Sana'y yakapin mo ako muli
Kahit sandali, kahit isang saglit
Mayakap ka
Mayakap ka..”
Kahit humahagulgol na ako at hindi makahinga, pinipilit ko pa ring kantahin at tapusin ang kantang iyon para sa kanya.
Nang makauwi na ang lahat, nagpaiwan ako sa puntod niya.
JARED: “Bakit ganito ang nangyari Gab? Bakit? Bakit ka nawala sa akin? Bakit ka kinuha sa akin? Paano na ako mabubuhay kung wala ka? Paano ako mabubuhay kung patay na ang buhay ko? Kasi Gab.. Ikaw ang buhay ko ehh.. Ikaw lang ang mamahalin ko.. Ikaw lang..”
Ella: “Kuya.. Kuya, hindi lang ikaw ang nalulungkot..”
JARED: “Hindi Angel ehh.. hindi mo naiintindihan..”
ELLA: “Naiintindihan ko.. mahal ko din si Gab.. kaya nasasaktan din ako.. Pero alam mo kuya? Ang swerte swerte mo.. Kasi ikaw ang minahal ni Gab..”
Hindi ako kumibo..
ELLA: “Kuya, Please, wag kang magkaganyan.. palagay mo ba Masaya si Gab na nakikita kang ganyan? Kuya, maraming nagmamahal sa iyo.. nandito ako, si Ely, si Papa, si Mama.. Kuya, alam ko na mananatili sa puso mo si Gab, pero isipin mo rin ang mga taong nag-aalala sa iyo kuya.. kuya marami kaming nagmamahal sa iyo.. wag mo namang pabayaan ang sarili mo kasi nasasaktan din kami ehh.. Hindi lang ikaw ang nahihirapan, kami din nahihirapan na..” ang umiiyak na niyang sabi.
JARED: “Sorry Ella” at tuluyan na kaming humagulgol.
Maya-maya ay dinukot niya sa bulsa ang isang pamilyar na singsing at nakilala ko ito. “Ang singsing namin ni Gab!!”
JARED: “Ella, please, ilayo mo iyan sa akin.. Hindi ko kayang tingnan iyan dahil sa tuwing tinitingnan ko ang singsing na iyan ay naaalala ko lang ang bangkay ni Gab..”
Suot-suot daw kasi ni Gab ang singsing na iyon ng linabas siya galing sa building. Kahit sa huling sandali, kahit binawian na siya ng buhay ay suot-suot niya ang singsing namin, ang singsing na sumisimbolo sa pagmamahalan namin.
ELLA: “Kuya, suotin mo na ito.. Alam mo, kapag sinuot mo ito, hinding-hindi na kayo magkakahiwalay pa ni Gab.” Sabay ngiti.
Ngumiti na din ako at natuwa sa sinabi niya kaya sinuot ko na rin ito. Ngayon, ang singsing namin ay muling naging-iisa at ito’y nakasuot sa aking mga kamay. Alam ko, lagi ko ng kasama si Gab, lagi ko ng kasama ang mahal ko.
=======Paglalahad ni Gab (original narration)=======
Kahit malayo ako sa kinatatayuan nila, kitang-kita ko ang pag-iyak ni Angela at ni Kuya Jared. Alam ko, nagluluksa ang dalawang taong minahal ako dahil sa pagkawala ko.. Pero.. Pero DAPAT KONG GAWIN ITO.. DAPAT HINDI NILA MALAMAN NA BUHAY PA AKO..
=====FLASH BACK=====
Nang minulat ko ang aking mga mata ay kulay putting kisame ang tumambad sa akin.
“Nasa langit na ba ako??” ang tanong ko sa sarili ko.
Ngunit may biglang nagsalita.
“Are you ok??” ang tanong ng isang lalaki sa akin.
Nang ibinaling ko ang tingin ko sa pinaggalingan ng boses ay parang pamilyar ang mukha nito. Nang titigan ko ang mukha niya ay naalala ko na siya yung gwapong lalaki na nakabangga ko bago kami sumakay ng Elevator. Siya din yung lalaking nakasabay namin sa Elevator at siya din yung lalaking Nagbalik ng kilig sa katawan ko.. KILIG!?!?! Hala ka!! Mali! Erase!! Hahaha!
AKO: “A-a-asan ako?? Anong nangyari??”
????: “Ahh.. Natagpuan ka namin sa na walang malay sa sa loob ng isang kwarto sa may basement ng building.”
AKO: “Ibig sabihin ikaw nagligtas sa akin?”
At tumango lang siya..
AKO: “Ahh.. Salamat.. Uumm.. papaano mo ako natagpuan doon??”
????: “Papalabas na ako noon ng nasusunog na building ng biglang lumapit sa akin ang isang bata na may tao daw sa basement. Aminin ko, noong una aalis na sana ako pero napaka-kulit ng batang iyon.”
AKO: “Ahh.. Si Enso.. Teka!! Nasaan si Enso??”
????: “Ayan siya ohh.” Sabay turo sa may upuan.
Kita ko naman ang bata na himbing na himbing sa pagkakatulog.
AKO: “Salamat ha??”
????: “Walang ano man.. Ako ngapala si Ace..”
AKO: “Ahh.. Salamat Ace.. Ako naman si Gab.. Ehh teka paano mo naman nalaman na nandoon ako sa loob at nakakulong?”
ACE: “Pagbaba namin ng bodega ay nakasalubong namin ang isang lalaki na nagmamadaling umalis ngunit biglang sumigaw si Enso na yung lalaking yun daw ang may gawa ng sunog. At dahil na din sa nadinig ng lalaki ang sinabi ng bata ay nanlaban ito ngunit kinaya ko naman.”
AKO: “Buti hindi kayo napahamak..”
ACE: “Hindi.. Nang tatayo siya mula sa pagkabagsak ay bigla siyang nabagsakan ng nagliliyab na bakal at malamang, patay na iyon.”
“Naisip ko tuloy na nandoon sa lalaking iyon ang singsing ko. Ang kalahati ng singsing namin ni Kuya pero.. Hayy!! Bahala na!!’
AKO: “Uuumm.. Paano tayo nakalabas doon??”
ACE: “Ayun na nga.. Nakita namin na merong isang pintuan doon kung saan merong nakaharang na malaking tangke ng gas. Tinanggal ko ito at ng binuksan namin ang pinto ay natagpuan ka naming walang malay. Binuhat kita at ayun lumabas tayo sa may likurang pinto ng gusali. Hindi na kasi madadaanan yung Main Entrance gawa ng punong-puno na ng apoy ito.”
AKO: “Ahhh.. Ehh ano daw sabi ng doctor sa kalagayan ko?”
ACE: “Hindi naman daw masyadong malala yung nangyari sa iyo, mabuti na lang daw at nailabas ka namin agad doon at nadala ka namin agad dito. Bukas na bukas din ay pwede ka ng lumabas.”
AKO: “Ahh.. Ok..” ang nasagot ko na lang.
ACE: “Sige ha. Balikan na lang kita bukas dito.. May dapat kasi akong asikasuhin ehh Importanteng-importante.”
AKO: “Sige..”
Nang maka-alis na siya ay binuksan ko ang remote ng TV at laking gulat ko sa balita.
REPORTER: “Maraming nasawi sa naganap na sunog kaninang hapon sa ********* Inc corporations building. Sa una ay nasusunog lang ang nasabing gusali ngunit bigla itong sumabog at nawasak ito ng buo. Sa ngayon ay hindi pa alam kung ilan ang nasawi sa trahedyang ito. Pinaghihinalaang kasama sa nasawi ang anak ng may-ari ng kummpanya.”
Kinilabutan ako sa nadinig kong balita. Ibig bang sabihin nito ay patay na ako sa pagkakaalam nila?? Pero paano nangyari iyon??
Maya-maya ay napansing kong nagising na si Enso at kinwento ko sa kanya ang nabalitaan ko.
ENSO: “Kuya dapat bukas ay magpakita ka sa kanila para malaman nilang ok ka at buhay ka.”
AKO: “Ewan ko.. Kasi sa totoo lang, gusto kong magpakalayo. Gusto kong Lumayo sa lahat..”
ENSO: “Pero kuya papaano naman yung mga taong nagmamahal sa iyo?? Yung mga nag-aalala sa iyo??”
AKO: “Wala ng nagmamahal sa akin.. At ok na rin ito na magmukha akong patay sa kanila tutal, wala naman ang halaga sa kanila ehh. Lagi na lang nila akong linoloko, piangkakaisahan, at sinasaktan.”
ENSO: “Kuya Naman!! Sige!! Ako mismo ang pupunta doon at sasabihin ko na buhay ka pa..”
AKO: “Subukan mo lang!!! At magkalimutan na tayo..”
ENSO: “Kuya naman ehh..”
AKO: “Basta wag ka na lang mangielam sa mga plano ko ok??”
Kinagabihan, nasa ospital pa rin ako at naghihintay ng balita sa TV. Maya-maya.
REPORTER: “Kadarating lang na balita, Sa ngayon ay 18 na ang natagpuang bangkay sa nasunog na gusali ng ******** Inc corporations at kasama sa nasawi ang 16 na gulang na anak ng may-ari ng kumpanya na ayaw pangalanan ng pamilya. Nakita sa bangkay ng biktma ang isang bagay na nagpatunay na siya nga ito. Ang kanyang mga labi ay ilalagay sa ******* Chapel.”
Dahil sa nadinig ko ay agad akogn tumayo at..
ENSO: “Kuya san ka pupunta??”
AKO: “Kailangan kong umalis at lumayo sa lugar na ito at ikaw naman bata ka, kailangan mo ng bumalik sa orphanage..”
ENSO: “Ahh ganun?? Edi kung babalik ako sasabihin ko sa kanila na buhay ka pa.”
AKO: “So ano gusto mong palabasin ha?? Sasama ka?”
ENSO: “Corrected by!!!! At kugn hindi mo ako isasama, ibubuking kita!! Hhmmpphh!!”
“Waaaahhhh!!! Nanakot pa ang bata!!” ang sigaw ko sa isip ko.
AKO: “Nako naman, Sige na!!”
ENSO: “Ehh teka paano si Kuya Ace??”
AKO: “Edi mag-iiwan na lang ako ng sulat dito, sabihin ko na kailangan ko ng umuwi at hinahanap na ako.. Ganun.. At magpapasalamat na lang din..”
At ganun na nga tumakas kami ni Enso ng ospital.
Maaring hindi makatwiran ang gagawin ko, pero.. nararapat na rin ito, para sa pamilya ko at para sa sarili ko. Pinangako ko rin sa sarili ko na sa pagbabalik ko, MANANAGOT ANG LAHAT NG MAY KASALANAN SA NANGYARI SA PAMILYA KO KASAMA ANG MGA TAONG NANAKIT AT UMALIPUSTA SA AKIN.
=====PRESENT TIME=====
Galing Cementeryo ay naglalakad kami ni Enso.. papuntang.. HINDI KO ALAM.. Dahil wala kaming pupuntahang iba.. ang alam ng lahat ay patay na ako. Kaya eto ako.. sa bago kong buhay..
Kung nagtataka kayo kung papaano kami naka-survive ni Enso ng isang lingo, ay meron akong baong pera sa wallet ko at yun ang pinambibili namin ng pagkain. Natutulog naman kami sa mga tabi-tabi lang. Siguro ay sasabihin niyong t*nga ako pero para sa akin ay ito ang makabubuti, ang lumayo.
Habang naglalakad,
AKO: “Nako!! Mauubos na yung pera ko.. Haayy.. Paano kaya ito??”
ENSO: “Edi ibenta natin yang kwintas mo! Sigurado ako milyones yan.” Ang tukoy nya sa kwintas na bigay sa akin ni Mama.
AKO: “Hoy! Baliw kang bata ka! (sabay batok.) Hindi Pwede! HINDI PWEDE!! Nangako ako na kahit anong mangyari, hinding-hindi ko ito ibenta, o isasangla.” Ang pagsisigaw ko.
ENSO: “Sige hindi na po! Hehe.. Ayy! may naisip akong Gimmick para kumita ng Pera!!” sabay ngiti.
AKO: “Ano naman yan?”

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


gabbysjourneyofheart.blogspot.com

1 comment:

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete