by: White_Pal
Part 5: "Torn Between Two
Lovers.."
“GAB!!” ang sigaw ng lalaki sa likod.
Nang lingunin ko ito ay bumungad sa
akin si Ace, at kita ko ang galit sa mukha niya. Pansin ko din na nasa likuran
niya si Enso.
Wala pang tatlong segundo ng tawagin
ako ni Ace ay lumapit ito at hinatak ang isa kong kamay palayo kay Jared.
“Umuwi na tayo..” ang matigas na sabi
ni Ace.
Ngunit hinatak naman ni Jared ang
kamay ko na kanina pa niya hawak-hawak.
“Gab.. Mag-usap tayo please.. kahit
sandali lang.” ang nagmamakaawang sabi ni Jared.
Pagkatapos sabihin ni Jared ang mga
katagang iyon ay biglang tumingin ng masama si Ace dito.
“Shit!! Baka magkaroon ng gulo dito!!
Anong gagawin ko!?!?!” ang sigaw ko sa sarili ko.
…..
Patuloy pa rin ang matulis na titig ni
Ace kay Jared na para bang kakainin niya ng buhay ito. Nakakatakot,
nakakapangilabot, kailangan mapigilan ko kung ano man ang gulong pupwedeng
mangyari.
“Please?” ang pagmamakaawa ni Jared sa
akin.
“I SAID LET’S GO HOME!” ang biglang
sigaw ni Ace sabay hatak sa akin.
“Ace, bitiwan mo ako!! Nasasaktan ako
ano ba!!!” ang sigaw ko dito.
Napakahigpit ng hawak niya sa kamay
ko, parang mababali na ito sa sobrang higpit.
“BITIWAN MO NGA AKO SABI EHH!! ANO
BA!?!?” Ang malakas na sigaw ko sabay pwersahang kalas ng braso ko sa kamay
niya.
Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni
Ace. Tinitigan ko siya, yung parang tingin niya kanina kay Jared. Alam ko
kasing kapag galit na ako, ay wala ng magagawa si Ace kundi sumunod sa gusto
ko. Ngunit iba sa pagkakataong ito.
“Umuwi na tayo..” Ang mahinahon ngunit
matigas na sabi nito sabay muling hawak sa braso ko.
“Ano ba!!” ang sigaw ko ulit dito.
“Sir mawalang galang na po, pero di mo
ba nakikita? Nasasaktan na si Gab. Wag mo siyang pilitin kung ayaw niyang
sumama sa iyo.” Ang biglang singit ni Jared.
Muli ay tiningnan ni Ace ng masama si
Jared at sabay sabing..
“Ikaw wag kang mangengeelam ha!!
Boyfriend ko ito!! Wala kang karapatan!!” ang sigaw ni Ace dito sabay tulak sa
dibdib ni Jared palayo sa amin.
“Alam ko, pero WALA KANG KARAPATANG
SAKTAN SIYA!!” ang sigaw ni Jared kay Ace sabay papasugod dito.
“Jared please umuwi ka na..” ang sabi
ko sabay harang ko dito upang pigilan ang pagsugod niya kay Ace.
“Bakit ikaw ha? Hindi mo ba siya
sinaktan noon HA!?! HINDI BA GINAGO MO SIYA DATI HA!!??” ang sigaw ni Ace.
“Hindi ko siya sinaktan.. Alam ng
diyos na kahit kailan, hindi ko magagawang saktan ang taong pinakamamahal ko.
Unlike you!!”
“Ikaw—“ ang hindi natapos na sabi ni
Ace kay Jared dahil.
“Ace ano ba tama na!!” ang sigaw ko.
“Hep! Hep! Hep! People drama is over!!
Tama na yan!!” ang biglang singit ni Enso na pumagitna sa aming tatlo.
“Kuya Ace awat na, tama na yan umuwi
na tayo.” ang sabi ni Enso sabay akbay kay Ace at hatak palayo
“Gab let’s go..” ang mahinahon na sabi
ni Ace habang hawak pa din ang kamay ko.
Kahit alam kong nandoon si Ace,
nakahawak at nakatingin sa akin ay kay Jared pa rin ako nakatingin. Kita ko ang
pagmamakaawa ng mata niya na huwag akong umalis. Pero anong magagawa ko di ba?.
Bago naming tuluyang lisanin ang pool
area ay liningon ko ulit si Jared, kita ko pa rin na nakatingin siya sa akin.
Ramdam ang tension na namamagitan sa
amin ni Ace habang kami’y nasa sasakyan. Wala ni isang salita ang madidinig sa
aming labi. Sa totoo lang, galit ako sa kanya dahil una, pinapunta niya ang
maingay na si Enso na naging sanhi ng pagkasira ng plano ko kay Jared sa araw
na ito. Pangalawa, susugod siya at aawayin si Jared gayong wala naming
ginagawang masama yung tao sa kanya, ano ba ito? Nagseselos? Pangatlo, sa
dami-dami ng lugar na mag-eeskandalo ay sa may pool area pa ng hotel ko. Buti
na lang at walang guest ng hotel ang nandoon kundi naku!
Pagpasok sa pintuan ng bahay ay
hinarap ko agad si Ace.
“Ace mag-usap nga tayo..” ang matigas
kong sabi.
Ngunit dire-diretso lang siyang
umakyat ng staircase na para bang walang nadinig.
“Ace ano ba!!”
Wala pa rin siyang response.
“ACE ANO BA MAG-USAP TAYO!!” ang sigaw
ko sa kanya sabay hatak ng braso nito ngunit tinabig niya ito at dire-diretso
papuntang kwarto.
Bago pa man siya makarating sa pintuan
ng aming kwarto ay nagmadali ako at hinarangan ko ito upang hindi siya
makapasok sa loob.
“Ace mag-usap tayo!” ang matigas kong
sabi.
“Umalis ka diyan!!” ang sigaw niya.
“Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi
mo ako kinakausap.”
“Alis sabi ehh!” ang sigaw niya sabay
hawak sa braso ko at hinatak ako palayo sa pintuan.
Bago pa man niya ako mailayo sa
pintuan ay hindi ko sinasadyang masampal ng malakas si Ace.
“Ace.. Sorry.. Hindi ko sinasadyan,
ikaw naman kasi ehh..”
“Ako pa ngayon ha!?!? Ako pa!!!”
“Eh kasi naman ikaw ehh..”
“Anong ako Gab? Hindi mo ako masisisi
kung bakit ako nagkakaganito, ikaw kaya Makita mong may kahalikang iba ang
mahal mo, ang boyfriend mo, hindi ka ba magagalit ha!?!?”
Para akong naging bato sa nadinig ko.
Ibig sabihin, nasaksihan pala ni Ace ang lahat ng nangyari sa pool area.
“Ace, nakita mo naman di ba?? Hinatak
niya ako!! Pinwersa niya ako!!”
“Pinwersa ka nga niya.. Nasarapan ka
naman!! Bakit? Masmasarap ba yung halik niya kesa sa halik ko ha?? Ay! Bakit ko
pa ba tinatanong yan, eh kitang-kita naman ng dalawa kong mata ang sagot.”
“Ace..”
“Alam mo Gab, tanggap ko naman eh.
Tanggap ko na hindi ako ang mahal mo, na Hanggang Ngayon, siya pa rin ang mahal
mo, siya pa rin ang laman ng puso mo. Pero sana naman Gab naisip mo na merong
isang taong nagmamahal sa iyo, na may boyfriend kang masasaktan kapag.. kapag
nakita niyang may kahalikan na iba ang mahal niya. Sana naman Gab naisip mo
ako..” ang sabi ni Ace kasabay ang pagtulo ng luha nito.
“Ace kung alam mo lang, kapag kasama
ko si Jared ikaw ang iniisip ko.. Ikaw ang inaalala ko.. Iniisip ko na kapag
ginawa ko ito, na kapag ginawa ko yung ganyan, masasaktan ka. Ace ayaw kitang
masaktan, lahat ginagawa ko Ace maniwala ka..”
“Gab, papaano ako maniniwala kung iba
ang nakikita ko sa sinasabi mo? Kanina sa pool nakita ko kayong naghahalikan,
kahapon ng gabi nahuli ko kayo sa cubicle ni Jared na magkalapit ang mukha
ninyo at ang kamay niya nakahawak pa sa mukha mo. Sabihin mo nga Gab, papaano
ako maniniwala??”
Napatigil naman ako sa nadinig ko,
ibig sabihin ay umakyat pala siya kagabi sa office ko para sunduin ako kaya
lang nakita niya kami ni Jared sa ganoong posisyon at binigyan na niya ng
malisya ito.
“U-umakyat ka?? N-nakita mo yung--”
“Oo at nakita ko. Pero bumaba ako agad
dahil ayaw kong makita ang paglalaplapan ninyo!” ang pasigaw niyang sabi.
Dahil sa sinabi niya, sa pagkakataong
ito hindi na sampal ang nagawa k okay Ace kundi suntok sa kanyang mukha. Kita
ko naman na paparating si Enso at ang mga kasambahay naming sila Aling Minda,
Aling Nelly, Inday, Kokoy at Totoy. Lumapit ang iba kay Ace upang alalayan ito
at ang iba naman ay sa akin upang awatin ako.
“Ganyan ba ang tingin mo sa akin Ace
ha?? Sa tatlong taon nating magkasama ganyan ang pagkakakilala mo sa akin?” ang
galit na galit na tanong ko dito.
Hindi nakasagot si Ace sa mga nasabi
ko. Para siyang naging istatwa sa mga oras na iyon.
“Kuya Gab tama na..” ang sabi ni Enso.
“At ikaw!! Umamin ka nga ha, pinapunta
ka ba ng lalaking ito para bantayan ang kilos ko? Nagpunta ka ba para ibuking
ako kay Jared? HA!!!” ang sigaw ko.
“K-k-kuya Gab.. kasi..”
“SUMAGOT KA!!” ang mas malakas na
sigaw ko.
“Oo.. Pinapunta ako ni Kuya Ace para
doon kasi—“ hindi niya natapos dahil.
“Now I know..” ang sabi ko at
pagkatapos ay tinumbok ko ang pintuan ng kwarto at binuksan ito.
Bago ko pa man maisara ang pinto ay
pinigilan ito ni Ace sabay sabing.
“Gab.. I’m Sorry.. I’m just afraid to
lose you..” ang sabi ni Ace.
“LUMAYAS KA SA HARAPAN KO!!!” ang
bulyaw ko dito sabay bagsak ng pintuan.
Pagkasarado ko ng pintuan ay tuluyan
ng bumigay ang sarili ko. Hindi ko na napigilang humagugol, humagugol sa
sobrang sobrang sama ng loob. Sa totoo lang, pakiramdam ko ay para akong
tinraydor, pakiramdam ko para akong pinagkaisahan, parang hindi nila ako
kilala, lalo na si Ace. Para bang sa tatlong taon naming magkasama ay ganun
pala ang tingin niya sa akin. Nakakainis, nakakagigil sa inis.
Sa gabing iyon, hindi ako nakatulog ng
maayos, natapos ang araw na hindi kami nagkakabati ni Ace at ganun din si Enso.
“Bahala kayo sa buhay niyo!” ang sigaw
ko sa sarili ko.
....
Kinabukasan..
“Sir, eto na po yung report and
analysis na pinapagawa niyo.” Ang sabi ni Jared
“Is this about the meeting yesterday?”
“Yes Sir.”
“Ok.. Go to my secretary, she will
give you the instruction. Then, report back to me Friday next week.” ang sabi
ko dito.
Kita ko ang pagtataka sa kanya mukha.
Ang alam niya kasi ay laging sa akin siya mag-rereport. Well, sinadya ko na
this time ay hindi sa akin dahil na din sa nangyari kagabi. Ayokong mag-away
kami ni Ace nang dahil sa kanya.
“Sir b-bakit po—“
“I don’t have to explain Mr. Cruz.
Siguro naman ay enough na ang nangyari kagabi para malaman mo kung ang
dahilan.” Ang sabi ko sabay ngiti.
Pagkasabi ko noon ay tahimik siyang
umalis ng kwarto. Alam ko nalungkot siya sa nangyari, pero ito ang nararapat.
Kung sa bagay di ba? Sa umpisa pa lang, eto na talaga ang plano ko.. Ang
pahirapan siya..
“Mabuti na rin ito” ang sabi ko sa
isip ko.
Pagkalabas na pagkalabas ni Jared
biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
“Halu! Ser Erick!” ang sigaw ni Inday.
“I-inday?? A-anong ginagawa mo dito?”
ang tanong ko sa kanya.
“The questionnaire is, ikaw! I mean,
You! Ser Gab! What are you doing here?” ang tanong ni Inday sa akin.
Pagkasabi niya noon ayy..
“Arrayy!!” ang sabi ni Inday (may
kumurot sa kanya.)
“Palpak ka nanaman!! Bobita ka talaga
kahit kailan!” ang sabi ng lalaki sa may labas ng pintuan.
“Ehh kasi naman ehh.. You! You! You
put me in my place, You put me in my situation! You put me in troubleness..”
ang sabi ni Inday.
Sa totoo lang ay natatawa ako sa
pagsasalita ni Inday, ang trying hard kasi eh.
Ilang sandali pa ay pumasok ang
lalaking nasa likuran ng pintuan at laking gulat ko na si Kokoy pala ito.
Pagkatapos noon ay mas lalo pa akong nagulat dahil ang sunod na linuwa ng pinto
ay sina Totoy, Aling Nelly, Aling Minda, at Enso.
“A-a-anong ginagawa—“ hindi ko natapos
dahil..
“I” ang sabi ni Kokoy sabay taas ng
isang Papel na may nakalagay na “I”
“M” ang sabi ni Inday na ganun din ang
ginawa.
“S” si Totoy.
“O” si Aling Minda
“R” si Aling Nelly
“R” si Enso
Pagkatapos ng linya ni Enso ay linuwa
naman ng pintuan si Ace. May hawak-hawak na flower basket. Sa gitna ng flower
basket ay merong stick na naka-tusok dito at sa stick na iyon ay may nakadikit
na letter “Y”.
Dahan-dahang lumapit si Ace sa
kina-uupuan ko samantalang ako naman ay biglang napatayo.
“Gab, I’m sorry.. I’m so sorry.. Sana
mapatawad mo ako.”
“Ace..” ang nasabi ko na lang.
“Gab, I love you.. Yun ang dahilan
kung bakit ko nagawa iyon, ayokong mawala ka sa akin Gab.. Hindi ko kaya.. ”
ang sabi niya sabay yakap sa akin.
At yinakap ko rin siya senyales ng
aking pagpapatawad.
“Promise.. I won’t do that again” ang
sabi nito.
Sobra akong na-touch sa ginawa niya,
at talagang pinapunta pa niya ang mga kasambahay namin para lang kumbinsihin
akong patawarin siya. Sa totoo lang, mahal ko naman talaga si Ace eh, pero
sadyang may masmatimbang na nasa puso ko. Sa araw ding iyon, bumalik ang dating
samahan namin ni Ace.
Kay Jared naman, dumaan ang mga araw
ng hindi ko siya nakakausap. Minsan ay nagkakasalubong kami ngunit hindi ko
siya pinapansin, hindi ko tinitingnan, parang hindi ko kilala ang nakikita ko.
Samantalang siya naman ay madalas kong nahuhuling nakatingin sa akin o di kaya
ay pinagmamasdan ako. Syempre deadma lang ako, busy-busyhan ba?
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.
Isang araw, pauwi na ako noon at papasok ng elevator. Akmang sasarado na ang
elevator ay kita kong dali-daling pumasok si Jared dito.
“Sh*t! Bakit ba sumabay pa akong
mokong na ito? Tsk!” ang sabi ko sa isip ko.
Sa loob ng elevator, tanging kaluskos
lang nito ang madidinig, hanggang sa..
“Ehem.” Ang sabi ni Jared.
…..
“Uuumm.. Pauwi ka na?” ang tanong
nito.
…..
…..
“Hello! Pauwi ka nab a?” ang muling
tanong nito.
“Ha!?! A-Ako ba?” ang maang-maangan
kong tanong.
“Ay hindi! Ako! Ako! Pauwi na ba ako?”
ang pamimilosopo ng mokong.
“Aba’t g*gu ito ahh!!” ang sabi ko sa
isip ko.
“Ay hindi!! Papunta pa lang, papasok
pa lang ako! Kita mong Ground floor yung pinindot ko di ba? Papasok pa lang
ako!! Ang aga ko nga para buaks ehh.” Ang pamimilosopo ko rin.
Natawa naman siya sa pamimilosopo ko.
Sh*t! ang cute niya talaga kapag tumatawa, idagdag pa yung dimples niya potek!!
Ilang sandali pa ay biglang tumigil
ang elevator. Kasama ang pagkurap-kurap ng ilaw dito.
“What the?!!?” ang bigla kong nasabi
sabay tingin sa kanya.
Kita ko naman na natigilan siya sa
pagtawa-tawa. Naging seryoso ang mukha niya kasabay nito ang pamumula ng
kanyang mukha.
“Anong nangyari?” ang nasabi ko na
lang sabay pagpipindot ng switch sa ground floor.
“Sir, I think na-stuck po tayo..” ang
sabi ni Jared.
“Ha!?!?” gulat na gulat na sigaw ko.
Bigla namang napangiti si Jared sa
nasabi niya at sa naging reaksyon ko.
“Oh.. Tawa tawa ka pa diyan!?!? Kita
mong nakulong na nga tayo dito, pangiti-ngiti ka pa.” ang sabi ko sa kanya.
“Bakit masama?”
“Oo masama dahil wala namang
nakakatawa.”
“Ehh kung sa natatawa ako ehh. Anong
pake mo!?!?” ang pabiro niyang sabi.
“Hoy, Mr Cruz baka nakakalimutan mo,
boss mo pa rin ako!”
“Gab or should I say Sir Erick! Office
hours is over. And it means na hindi na kita boss sa oras na ito.”
“But still, hindi ka pa rin
nakakapag-sign out di ba? Hindi mo pa nai-swipe yung ID mo sa ground floor.”
ang sabi ko sabay taas ng kilay.
“Oo na lang..” ang sabi niya.
Tahimik.. Ilang sandali pa ay bigla
niyang pinitik ang tenga ko.
“Arrayy!!” ang sigaw ko dito.
“Hahahaha!!” ang tawa naman niya.
“Ano namang trip mong g*go ka ha!?!”
ang sabi ko sa kanya.
“Ang cute-cute mo talaga kapag
naiinis” ang sabi niya.
“So kaya mo ako pinepeste ganun?”
“Naman!” ang sabi niya.
“Suman!” ang sabi ko.
“Palaman” ang sabi niya.
Bigla naman akong natigilan gawa ng
alam ko na ang kasunod noon ay may pagka-green. Pauso kasi ito ni Enso noong
nag-dinner kami.
“Oh, bakit hindi mo ituloy” ang sabi
niya.
“Wala.. Ayoko lang.. Angal?” ang
pagtataray ko.
“Hay nako hanggang ngayon pa-demure ka
pa din..” ang sabi niya.
“Siyempre..” ang sabi ko.
“Kaya nga Hanggang Ngayon Mahal na
Mahal pa din kita eh” ang banat niya sabay ngiti na nakaka-gago.
Napatitig ako sa kanya, ramdam ko ang
kilig na bumalot sa buong katawan ko, para akong hihimatayin sa sobrang kilig.
Siyempre naman nuh! Sino ba namang hindi kikiligin ng todo-todo dun lalo na’t
isang napakagwapong prinsipe ang magsasabi nun di ba? Ay..wait nga.. Sinabi ko
bang “napakagwapong prinsipe?” MALI!! ERASE!
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang
kanang kamay niya sa pisngi ko. Gumapang ito papunta sa batok ko. Ramdam ko
namang binalot ng kaliwa niyang kamay ang likuran ko.
“Sh*t! Hindi na tama ito ahh.. Gab ano
ba?? Bakit ba ayaw mong kumalas?” ang sabi ko sa isip ko.
Unti-unti, papalapit ng papalapit ang
aming mukha. Pumikit ako senyales ng pagpaparaya sa kanyang halik. Pagpikit ko,
may isang pangyayari sa aming dalawa ang aking naalala.
===FLASH BACK===
“Jared..”
“Yes?”
“Papaano kung may magawa ka at magalit
ako sa iyo? Anong gagawin mo?”
“Bakit ka naman magagalit sa akin?”
ang tanong nito.
“Wala.. Basta halimbawa lang..” ang
pangungulit ko.
“Edi hindi ako susuko hangga’t hindi
mo ako napapatawad..”
“Ehh papaano kung sobra sobra akong
nagalit sa iyo, yun bang abot langit ang galit ko.”
Hinawakan niya ang kamay ko at
sinabing..
“Gagawin ko ang lahat, mapatawad mo
lang ako..”
“Ganun?”
“Oo.. kahit ikamatay ko pa..”
“Hala ka! Wag ka ngang ganyan!” ang
gulat kong sabi.
“I’m serious Gab, walang kwenta ang
buhay ko kung wala ka.. At mas walang kwenta ang buhay ko kapag nagalit at
lumayo ka sa akin.. Mas gugustuhing kong mamatay na lang ako..”
Hindi naman ako nakakibo sa sinabi
niya, siyempre touch ako sa sinabi niya.
“Ehh papaano kung ikaw naman ang
magalit sa akin?” ang tanong ko dito.
“Hindi-hindi mangyayari yun..” ang
sagot niya
“Weh? Talaga?”
“Oo naman.. Kahit patayin mo pa ako
Gab, hinding-hindi ako magagalit sa iyo.”
“Bakit naman? Papatayin na nga kita
ehh.”
“Kasi Mahal kita, at kahit ano pa man
ang gawin mo, patuloy pa rin kitang mamahalin..” ang sabi niya.
At ilang sandali ay naglapat ang aming
labi. Sa totoo lang hindi ko na lang pinansin iyon, para kasi siyang tanga
ehh..
===KASALUKUYAN===
Konting-konti na lang at maglalapat na
ang aming mga labi ng biglang umandar ang elevator.
Kasabay ng pag-andar ng elevator ay
pagbalik ng aking katinuan, ang paglayo ko sa kanya.
“Sorry..” ang sabi lang niya.
Hindi ko sinagot ang paumanhin niya.
Yumuko na lang ako, nananalangin na sana ay tuluyan ng makababa ang elevator
para hindi na ako matukso pa sa kanya.
Pagbukas ng elevator ay dali-dali
akong naglakad, palabas ng building.
Sa gabing iyon, hindi ko nanaman
nagawang makatulog ng maayos. Papaano ba naman di ba? The more na iwasan ko
siya, the more na napapalapit kami sa isa’t-isa. The more na pahirapan ko siya,
the more na nahuhulog muli ang loob ko sa kanya.
“Nakakainis naman!” ang sigaw ko sa
isip ko.
Nasa ganoon akong pag-iisip ng..
“Mahal, bakit gising ka pa?” ang
tanong ni Ace.
“Ahh.. Wala, may iniisip lang ako..”
ang dahilan ko.
“Ahh. Matulog ka na mahal.” Ang sabi
niya sabay yakap sa akin.
Nginitian ko lang siya sa sinabi niya.
Ilang sandali ay nakatulog na rin si Ace.
Tinititigan ko ang mahimbing na
pagtulog ni Ace, at the same time iniisip ang kalagayan naming tatlo nila
Jared.
“Ayaw kong masaktan ka Ace.. Kasi
mahal kita eh.. Pero mas mahal ko siya ehh” ang sabi ko sa isip ko kasabay ang
pagtulo ng luha ko.
“Lord, tulungan niyo naman po ako..
Nahihirapan na ako..” at tuluyan na akong umiyak.
…..
Kinabukasan, araw ng pagrereport sa
akin ni Jared.
Tok! Tok! Tok!
“Come in!” ang sabi ko.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng
kwarto ko at linatag sa desk ko isang folder. Pagbukas ko ng folder, imbis na
report niya ang bubungad sa akin ay isang maliit na papel ang nandoon kasama
ang reports niya na may nakalagay na…
“Sorry if I caused you pain.. Sorry
kung nasaktan ka noon.. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo, kahit kailan hindi
kita magagawang saktan. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, wala akong ginawa
kundi mahalin ka.. ang paulit-ulit kang mahalin.. I miss you so much Gab..”
Pagkabasa ko ng note niya ay..
“Uumm bumalik ka na lang bukas. Tapos
na ang trabaho mo ngayong araw.” Ang nasabi ko na lang.
“Ok..” ang sabi niya.
Paalis na sana siya ng..
“Uuumm.. busy ka ba?” ang tanong nito.
“Bakit?” ang tanong ko dito.
“Uumm.. Yayain sana kita lumabas eh.
Pwede ka ba?” ang tanong nito.
“Ha???” ang bigla kong nasabi.
At napangiti naman ang mokong sa
reaksyon ko.
“Ang sabi ko, Pwede ba tayo lumabas?
Yung gumala ba?”
Sa totoo lang, I didn’t expect na
iimbitahan niya ako.
“Please? Kahit ngayon lang?” ang sabi
niya ulit.
“Hhhmmm..”
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment