by: White_Pal
Part 18: "The True Heir and The
Promise"
Paraiso…
Ito ang masasabi ko sa lugar na
kinaroroonan ko ngayon, walang inaalala, walang problema, walang hirap, walang
sakit.. Teka! Patay na ba ako?? Ang bigla kong natanong sa sarili ko.
Naka-upo ako noon sa gitna ng
napaka-gandang lugar na iyon ng may madinig akong mga tao na tumatawag sa
akin..
“Anak, miss na miss na kita.. Sana
nandito ka, kasama namin ng Papa mo.. Alam ko anak na impossible na ito.. Pero
umaasa pa rin ako na buhay ka, at ok ka.. Anak mahal na mahal kita..” ang sabi
ng boses na nadidinig ko.
“Si Mama!” ang sigaw ko sa isip ko.
“Gab, sana buhay ka at kapiling ni
Kuya.. Gab, hirap na hirap na ang kuya ko. Bakit ba kasi umalis ka? Bakti mo ba
kami iniwan? Ako? At si kuya?? Bakit Gab?? Kung alam mo lang Gab, sobra-sobra
na ang paghihirap ng Kuya Jared ko..” ang sabi ng isa pang boses na nadinig ko.
“Ella!!” ang sigaw ko ulit sa sarili
ko.
“Gab... Gumising ka na.. Kailangan ka
ni Enso, kailangan ka ni Lolo, at kailangan kita. Mahal kita Gab, wag mo akong
iwan gaya ng pag-iwan sa akin ng magulang at girlfriend ko. Gab, please wake
up.” Ang sabi naman ng isa pang boses.
“Ace!!” ang sabi ko ulit sa sarili ko.
Ilang sandali pa ay may lalaking
tumatawag sa akin. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng boses ay nakita ko ang
taong pinaka-mamahal ko. Si Jared.
JARED: “Gab!!” ang sigaw niya habang
tumatakbo papalapit sa akin.
Nang makalapit siya sa akin ay
agad-agad niya akong yinakap.
JARED: “Gab, miss na miss na miss na
kita.. Wag mo na akong iwan please.. Mahal na mahal kita.. isama mo na ako
Gab..” ang sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.
AKO: “Jared.. Mahal din kita.. Pero –“
hindi ko natapos dahil..
JARED: “Gab please, take me with you..
magsama na tayo..” ang sabi niya habang umiiyak.
Hindi pa ako nakakasagot ng
unti-unting lumayo ang kinatatayuan ko sa kinatatayuan ni Jared. Tumakbo siya
ng tumakbo ngunit kahit anong pilit niyang habulin ako ay hindi niya magawa.
JARED: “Gab!! Wag mo akong iwan
please..” ang humahagulgol niyang sabi.
Wala akong magawa kundi umiyak na lang
din habang papalayo ako ng papalayo kay Jared. Awang-awa ako sa itsura niya.
Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal, kahit sa sandaling
pagkakataon lang ngunit pinagkait pa rin sa amin ito.
Nakaluhod ako noon, umiiyak ng......
“Gab..”
Isang tinig na umalingawngaw sa buong
paligid ang narinig ko. Nakakapanindigbalahibo ang boses niya, at hindi lang
iyon, kaboses ko pa!
“Gab..” ang sabi niya sabay hawak sa
balikat ko.
Nang lingunin ko siya ay laking gulat
ko na nakita ko ang sarili kong mukha sa kanya. Naka-puti siya at ang buong
katawan niya ay kasing liwanag ng araw. Parehas kami ng mukha, pero di hamak na
napaka-gwapo at napakalinis tingnan ng lalaking ito kumpara sa akin na alam ko
naman na hindi.
AKO: “Sino ka? B-b-bakit --“ hindi ko
natapos dahil..
????: “Ako ang pinagkaitan ng buhay,
at ikaw ay biniyayaan naman ng buhay.” Ang katagang sinabi niya.
AKO: “A-a-ano?? Hindi ko maintindihan.
Sino ka ba?” ang naguguluhan kong tanong.
????: “Hindi ko man lang nasilayan ang
ganda ng mundo, hindi ko man lang naranasan ang yakap ng isang ina, at hindi ko
man lang naramdaman ang mahalin. Pero ikaw, napaka-swerte mo dahil naranasan mo
yun Gab.”
AKO: “Hindi kita maintindihan..”
????: “Ako si Erick Anthony Alvarez
Montenegro. Kapatid at kakambal mo..”
Hindi ako makapaniwala sa nadinig ko.
Ibig sabihin siya ang namatay kong kakambal.
ERICK: “Gab, hindi ko hahayaang
matulad ka sa akin. Gab, kailangan mong mabuhay, para kila Mama, kay Papa, at
sa kapatid natin. Kailangan mo siya mahanap Gab..”
AKO: “P-p-pero.. Ayaw ko na.. Pagod na
pagod na akong mabuhay. Puro paghihirap, pang-aalipusta, at sakit ang pinaranas
sa akin ng mundo. Gusto ko ng magpahinga. Kasama mo Kuya..” ang naiiyak kong
sabi.
ERICK: “Bunso, Nandito lang ako lagi,
nandito lang si kuya. Hindi kita pababayaan, at hindi ako mawawala dyan.” Sabay
turo sa puso ko.
AKO: “Kasi naman ehh.. Bakit naman
ganun?? Lahat na lang sila sinaktan ako, lahat..” at tuluyan na akong humagulgol.
ERICK: “Gab, sa kabila ng sakit, sa
kabila ng paghihirap, sa kabila ng pagdurusa, ay may magandang bukas na
naghihintay. At isa pa, meron ding mga taong nagmamahal sa iyo. Nandito ako, si
Mama, si Papa, si Ella, si Ace, at si Jared. Kaya Gab, mabuhay ka.. Wag mong
hayaang magaya ka sa akin. Lumaban ka.. Mabuhay ka, para sa akin..”
AKO: “Pero kuya—“
ERICK: “Titingalain ka ng lahat! Kahit
ang mga bituin ay luluhod sa paanan mo. Magbabago na ang buhay mo. Yan ang
pangako ko sa iyo..”
AKO: “Naguguluhan ako.. Anong ibig
mong sabihin??”
ERICK: “Basta, kahit ano man ang
mangyaring pagbabago sa buhay mo, wag mong hayaang makulong ka ng galit. Wag
mong hayaang mawala ang pagmamahal dyan sa puso mo. Wag mong hayaang patayin ng
galit ang sarili mo.”
AKO: “Kuya—“ ang umiiyak ko pa ring
sabi.
ERICK: “Basta Gab, Mahal na mahal
kita.. at hinding-hindi kita iiwan kahit kalian.” At kasabay nito ang isang
napaka-higpit na yakap mula sa kanya na ginantihan ko rin ng yakap.
----------
----------
Nang minulat ko ang mata ko ay kulay
puti lang ang nakikita ko. Pumikit ulit ako at unti-unting luminaw ang paningin
ko. Inikot ko ang mga mata ko at nakita ko si Ace na mahimbing na natutulog sa
tabi ko at hawak-hawak pa nito ang kamay ko.
ENSO: “Si Kuya Gab!! Si Kuya Gab!!”
ang sigaw ni Enso na nasa di kalayuan.
Agad namang nagising si Ace at..
ACE: “Gab!! Gising ka na!!” at
pagkatapos noon ay may pinindot siya na button sa ulunan ko. Siguro ay tumawag
siya ng doctor.
Pagkatapos niya pindutin ay button ay
umupuo siya ulit sa tabi ko at hinawakan ang aking mukha.
ACE: “Grabe Gab.. Na Miss kita ahh..”
AKO: “Uhm.. Ace, ano ba nangyari??”
Bago pa man siya nakasagot ay dumating
ang doctor at nurse, may mga ginawa sila sa akin na hindi ko na alam. Hehehe.
Basta ang sabi ng Doctor ay pahinga na lang daw ako at makakalabas na ako ng
Ospital. Nang makalabas na ang Doctor at ang Nurse ay..
AKO: “Ace, ano ngapala yugn sinasabi
mo kanina? Ano ba yung nangyari??”
ACE: “Pagkatapos ng paghaharap namin
ni Bianca ay hinanap ko kayo ni Enso. Nakita ko lang na nakahiga si Enso at
duguan ang kanang balikat niya. Sinabi din niya na may dumukot sa iyo pero di
niya alam kung sino.”
Bigla namang pumasok sa isip ko ang
huling eksena bago ako mawalan ng malay. Ang tangkang pagpatay sa akin ni
Steph.
AKO: “Si Steph..”
ACE: “Steph?? Yung pinsan ni Bianca?”
AKO: “Oo siya nga..”
ACE: “Bakit naman niya ginawa yun?”
At kinwento ko kay Ace ang lahat ng
sinabi sa akin ni Steph at kung paano niya tinangkang wakasan ang buhay ko.
Nalaman ko na dead on arrival pala ako noong dinala sa ospital, at nairevive
lang daw ako after 45 minutes. Di raw nila akalain na magbabalik pa ang pintig
ng puso ko. Sa pag-uusap din namin ay nalaman na kinwento din sa kanya ng mga
kasambahay kung sino si Steph sa buhay ko. Nalaman ko din ang mapait na
katapusan ni Bianca, tadtad ng bala ang buong katawan niya. Nalaman ko din na
kaya pala nila ako natunton ay dahil noong nakatali ako, noong pinunasan ni
Kokoy ang dugo sa ulo ko na kagagawan ni Bianca, ay mabilis na kinabitan niya
pala ng Device ang kwintas ko. Ang maliit na device na ito ay para malaman ni
Ace kung nasaan ako naroroon. At dahil dito ay nasundan nila ako doon sa bangin
na hinulugan ko.
Sa gitna ng pag-uusap namin ay naalala
ko si Lolo.
AKO: “Ace, kamusta si Lolo?”
Hindi naman agad nakapag-salita si Ace
imbis ay isang tingin lang ang ginawa niya sa akin.
AKO: “Si Lolo Ace. Please, gusto ko
malaman kung ano nangyari kay Lolo.” Ang pangungulit ko.
ACE: “Gab, tsaka na kapag magaling na
magaling ka na..”
ENSO: “Kuya Ace, kailangan ng malaman
ni Kuya Gab ang katotohanan..”
Tumingin naman si Ace kay Enso at..
AKO: “Anong dapat kong malaman Enso??”
ACE: “Hayy.. Sige.. Gab.. Gusto ka ng
makausap ni Lolo sa madaling panahon. Si Lolo, bilang na ang oras niya Gab.
Critical na ang kalagayan niya. Ayoko muna sanang ipaalam ito gawa ng nasa
recovery stage ka pa at baka makasama pa ito sa iyo.”
AKO: “ANO!?!?! P-p-paanong??”
ACE: “Nang malaman niya ang
katotohanan ay inatake ito sa puso. Sabi ng doctor ay tanging heart transplant
na lang ang paraan para gumaling siya. Ang sabi naman ni Lolo ay gusto ka nyang
makausap at makita sa huling sandali.”
AKO: “Gaano na ba ako katagal
naka-ratay dito?” ang tanong ko.
ACE: “Mag-iisang buwan na Gab..”
AKO: “Ace.. Gusto kong makita si Lolo.
Ngayon na..”
ACE: “Pero Gab..”
AKO: “Ace.. Please..”
At dahil doon ay sinamahan at
inalalayan ako ni Ace at Enso patungo sa kwarto ni Lolo. Bago kami umalis ay
may tinawagan si Ace at sinabihang pumunta sa Ospital. Hindi ko alam kung sino
ito.
Nang makarating na kami sa kwarto ay
nakita ko si Lolo. Dahan-dahang tumingin ito sa may pintuan kung nasaan kami
at..
LOLO: “Gab.. Apo??” ang sabi niya.
Bakat sa boses at mukha ni Lolo ang
matinding hirap.
AKO: “Lolo..” ang sabi ko sabay yakap
sa kanya.
LOLO: “A-ang t-tagal-tagal kitang
hinanap apo. K-k-kayo ng m-mama mo. G-gusto kong humingi ng t-tawad sa
lahat-lahat ng nagawa kong k-kasalanan sa iyo, s-sa kapatid mo, at s-sa Mama
mo.”
AKO: “Lolo, tapos na po yun..”
LOLO: “N-nang dahil sa akin ay
nagkahiwalay kayo ng kapatid mo.. At lumayas ang apo ko.. L-l-lumayas si
Aliyah..” ang sabi niya.
“Aliyah??” ang sigaw ko sa isip ko.
Yun ba ang pangalan ng nawawalang kapatid ko?
AKO: “Hahanapin natin siya Lolo..
Hahanapin natin si Ate Aliyah. Basta sa ngayon, magpagaling po kayo ha?” sabay
pilit na ngiti.
LOLO: “Matanda na ako.. N-nararamdaman
ko.. H-h-hindi na ako magtatagal..” ang
AKO: “Hindi Lolo.. Hindi.. Hindi po
pwede yan.. Ipangako niyo po sa akin na magpapagaling kayo. Ok po??” sabay
pilit na ngiti at pahid ng luha.
Ngunit imbis na sumagot ay ngumiti
lang siya.
LOLO: “Ace.. tinawagan mo na ba??”
ACE: “Opo Lolo.. Papunta na..” ang
sabi nito.
Hindi ko alam kung sino ang taong
sinasabi nila. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang
lalaki na may hawak na documento.
LOLO: “Attorney..” ang sabi lang nito.
ATTY: “Don Raphael, ito na po ang mga
papeles na pinahanda mo sa akin. Ang kailangan lang po ay ang inyong pirma.”
Humugot ng ballpen ang abogado at
binigay kay Lolo upang pirmahan ang documento na dala-dala niya.
Nang matapos ng pirmahan ni Lolo ay..
AKO: “Attorney, a-a-ano po yang mga
yan??” ang tanong ko.
ATTY: “Ang Documentong ito ay
nagsasabi na pinapasa ng Lolo mo ang lahat ng kanyang ari-arian, mga lupain,
mga bahay, at pati na rin ang pamamahala ng kanyang kumpanya, sa loob at labas
ng bansa, sa apo nitong si Gabriel Alvarez Montenegro. Sa inyo po.”
Hindi ako makapaniwala sa mga nadinig
ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natuwa sa mga nadinig ko, marahil ay
senyales ito na hindi na nga magtatagal si Lolo.
AKO: “Lolo, b-bakit naman po??” ang
sabi ko na naiiyak na.
LOLO: “Gab, apo. Hindi na ako
magtatagal. N-n-nararamdaman ko, ilang sandali na lang ay..” ang sabi niya na
hirap na hirap na.
AKO: “Lolo Please, wag ka pong
magsalita ng ganyan.”
LOLO: “Ace..” ang tawag nito.
ACE: “Po??”
LOLO: “Ikaw na bahala sa Apo ko.
Tulungan mo siya pagpapatakbo ng kumpanya Ace. Ikaw lang ang aasahan niya.”
ACE: “Opo Lolo..”
LOLO: “Mahal na mahal kita Apo.. Mag-iingat
ka lagi.. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. P-p-pakisabi sa anak ko.. na..
mahal na mahal ko siya.. n-na p-pinagsisisihan ko ang mga kasalanan ko..” ang
pa-utal-utal niyang sabi.
Ilang sandali pa ay pumikit si lolo at
kasabay nito ang pagtunong at pagdiretso ng Life monitor na senyales na wala na
siya.
AKO: “LOLO!!!” ang sigaw ko sabay ang
pagyakap ko dito.
Bigla namang bumukas ang pinto at
dumating ang mga doctor at nurse para i-revive si Lolo. Hinatak naman ako
palayo ni Ace, kita ko rin ang pagdaloy ng luha niya.
DOCTOR: “Time of Death 9:08pm”
At tuluyan na akong nagsisisigaw at
nag-iiiyak sa nadinig ko.
……………………………
……………………
……………
Isang linggo ang nakalipas ng iwan
kami ni Lolo. Sa akin iniwan lahat-lahat ng kanyang properties kasama na rin
ang pera sa bank account niya. Kaya lang, hindi ko magagalaw ang mga ito
hangga’t hindi pa ako 18 gulang, 16 pa lang kasi ako ng mga panahong iyon. Sa
ngayon, si Kuya Ace muna ang namamahala ng kumpanya gawa ng hindi ko pa kaya at
pinag-paplanuhan namin na pumunta akong amerika upang doon mag-aral.
Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako sa
amerika gawa ng naisip ko din sila mama, papa, at kuya Jared.
“Babalik ako sa bahay. Baka sa
pagbalik ko, doon makakuha ako ng sagot kung tutuloy ako sa states o hindi. At
isa pa, gusto ko makita si Jared. Nasa kanya ang sagot kung aalis ako o hindi.”
Ang sabi ko sa sarili ko.
Kasama si Ace at Enso, nagpunta ako sa
bahay namin karga-karga ng isang magarang sasakyan. Dinungaw ko ang bahay ko.
AKO: “Nandito na ako.. Ang totoong
bahay ko.. ang bahay na kinalakihan ko..” ang nasabi ko kay Enso.
ENSO: “Sige na kuya pasok ka na!
Sigurado ako matutuwa silang makita ka.” Sabay ngiti.
Bumaba ako ng sasakyan at ng papasok
na ako sa gate ay hindi ko inaasahan ang nakita ko. Si Ely, kahalikan nanaman
si Kuya Jared. Sa kanilang paghahalikan ay napansin ko ang luhang dumadaloy kay
Jared, hindi ko alam kung ano iyon at wala na akong pakielam. Tumalikod ako at
dumiretso sa sasakyan.
AKO: “Manong, tara na po..” ang utos
ko sa kanya.
ACE: “Anong nangyari??” ang tanong
nito.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ay ang
pagdaloy ng ulan. Kasabay ng pagdaloy ng ulan ay ang pagpatak ng luha ko.
ENSO: “Kuya ok ka lang ba??”
Sa tanong niyang iyon ay hindi ko
napigilang humagulgol. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ang taong mahal
ko na may kahalikan nanamang iba. At yung tao na yun pa rin ang kahalikan niya.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang lagi niyang sinasabi sa akin na ako lang
daw ang mamahalin niya, na ako lang ang laman ng puso niya, kasi iba ang
nakikita ko. Mahal niya si Ely.
AKO: “Manong, Sa may ********
Cementery po tayo.” ang utos ko.
Pagdating sa Cementeryo ay bumaba ako
sa sakyan ng walang payong. Naglakad ako sa gitna ng cementeryo, hindi alintana
ang malakas na buhos ng ulan idamay pa ang hagupit ng hangin.
ENSO: “Kuya!! Payong!!” ang
tumatakbong sabi ng bata habang may dala-dalang payong.
Hindi ko siya pinansin imbis ay
naglakad ako sa pupuntahan ko. Ang puntod ko.
Pagkaharap ko sa lapida ay tiningnan
ko ang nakalagay.. Pangalan ko, araw ng pagsilang, at araw ng kamatayan. Ang
araw ng kamatayan ko ayon sa lapida ay ang araw na nasunog at sumabog ang
building ng kumpanya namin kung saan inakala ng lahat na patay na ako.
ENSO: “Kuya..” ang nasabi niya lang
habang hawak-hawak ang payong.
Basang-basa akong nakatayo sa harap ng
sarili kong lapida sa gitna ng malakas na ulan.
AKO: “Sunog, Pagsabog, at Bala.. Hindi
ko alam kung bakit nabuhay pa ako.. Hindi ko alam, kung may mararamdaman pa
ako.. Hindi ko alam kung sino pa ba ako.. Hindi ko alam kung may pagmamahal pa
dito sa puso ko.. Hindi ko alam kung bakit poot, at galit ang nararamdaman
ko!!!”
ENSO: “Kuya..”
AKO: “Poot sa iyo Ely, sa pagtatraydor
mo sa akin, akala ko kaibigan kita, pero inahas mo ang pinakamamahal ko.
Mang-aagaw ka.. TRAYDOR KA!” ang sabi ko kasabay ang pagpatak ng luha ko.
AKO: “Galit sa iyo Jared, linoko mo
ako.. Pina-asa mo ako.. Sinabi mo na ako lang ang mamahalin mo, pero yun pala..
yun pala..” at hindi ko na napigilang humagulgol at lumuhod sa sariling puntod.
ENSO: “Kuya please..”
AKO: “At sa iyo Steph, sa lahat-lahat
ng kahayupang ginawa mo sa akin, buong buhay ko, wala kang ginawa kundi apakan
ang pagkatao ko, ipahiya at pagmukhaing tanga sa harap ng maraming tao. Sinira
mo ang buhay ko.. Sinira mo ang pamilya ko.. Sinira mo ako.. PINATAY MO AKO!!”
ang sigaw ko.
Kasabay ng pagsigaw ko ay isang
malakas na kulog ang nadinig namin na para bang ang panahon ay nakikiisa sa
lungkot at galit na nadarama ko.
AKO: “Ipaparanas ko sa inyo, ang lahat
ng sakit, lahat ng paghihirap, at lahat-lahat ng galit na nasa puso ko!
Maghihiganti ako, babalikan ko kayo; Ely, Jared, Steph.. Ipaparanas ko sa inyo
ang lahat ng pinaranas niyo sa akin, sisirain ko ang kinabukasan niyo,
wawasakin ko ang buhay niyo! Lalo ka na Steph, magbabayad ka sa ginawa mo sa
akin at sa pamilya ko.. Babawiin ko ang dangal at dignidad na kinuha mo sa
akin!! Sinusumpa ko, magbabayad kayong lahat!! MAGBABAYAD KAYO!!!” ang sabi ko
habang gigil na gigil na hawak sa damo na nasa puntod ko.
Galit...
Ito lang ang tanging emosyon na
nadarama ko sa oras na iyon. Lalong lumakas ang hangin, ulan, at kidlat
pagkatapos ko bitiwan ang mga katagang sinabi ko. Isang pangako, isang sumpa,
pangako ng pagbabalik kaakibat ang sumpa ng paghihirap nila.
Hindi na nakakibo si Enso, at ganun
din si Ace. Nakatingin lang sila, hindi alam ang gagawin para mapawi ang
lahat-lahat ng nararamdaman ko.
Maya-maya ng maging mahinahon na ako.
ACE: “Gab, tara na..” ang mahinahon
niyang sabi.
AKO: “Hindi ako si Gab..” ang sabi ko.
ACE: “Ano bang sinasabi mo? Halika
na..” ang sabi niya sabay hawak sa braso ko.
AKO: “PATAY NA SI GAB!!!” ang sigaw ko
sa kanya.
Nagulat siya sa naging reaksyon ko.
Para bang nakakita siya ng ibang tao.
ENSO: “Kuya, tama na..” ang sabi nito.
AKO: “Simula ngayon, hindi na ako si
Gabriel, patay na si Gabriel.” Ang matigas kong sabi at pagkatapos ay naglakad
ako papuntang sasakyan.
Limang araw ang nakaraan at handa na
kaming umalis ni Ace at Enso. Patungong Amerika. Hindi ko alam kung hanggang
kalian kami doon. Pero kagaya ng isinumpa ko, babalik ako.
Pinaubaya namin sa kina Aling Minda,
Aling Nelly, Totoy, Kokoy, at Inday ang pangangalaga ng mansion habang wala
kami.
3:00pm, paalis na kami ng mall. Namili
kasi kami ng mga bagay na dadalhin namin. Around 9pm kasi ang flight namin at
dapat around 5pm nasa airport na kami.
Nasa labas kami ng mall hinihintay ang
limusin namin na i-pick up kami patungong airport. Kasama si Enso at Ace noon
ng..
ENSO: “Kuya Gab sa may left side mo!!
Si Kuya Jared nakatingin sa iyo!!” ang sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin
ko o ano ang gagawin ko.
Bigla kong sinenyasan si Ace na takpan
si Enso para hindi siya makita ni Jared, at isipin ni Jared na guni-guni niya
lang na nakita ako. Nakita ko naman na unti-unting papalapit si Jared sa
kinatatayuan ko. Bago pa man siya makalapit ay dumating ang limusin namin,
supposedly merong bodyguard na magbubukas sa akin at kina Ace ngnuit dahil nga
nakita ko si Jared na papalapit sa amin ay ako na ang nagbukas ng pintuan, gawa
nga ng ayaw ko na maabutan ako ni Jared sa kinatatayuan ko. Ayaw ko siyang
makausap at ayaw ko na maisip niya na ako yun.
Pagkapasok ko ay agad namang nakapasok
si Ace at Enso. Agad kogn inutusan ang driver na paandarin na ang sasakyan at
umalis.
Nang maka-andar ang sasakyan ay
nakalampag ni Jared ang pwetan ng Limusin. Dinig ko rin ang pagsigaw niya.
JARED: “Gab!!!” ang sigaw nito.
Umandar ang limusin palayo sa mall at
sa kanya. Ngunit nang lingunin ko ang likuran ng sasakyan ay nakita ko siya,
tumatakbo at sinisgaw ang pangalan ko.
Hindi ko alam pero may dulot na awa
ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Sabi ng isip ko ay wag siyang pansinin
at iwan siya. Sabi naman ng puso ko ay bumaba ako at puntahan siya yakapin,
halikan, at sabihing mahal na mahal ko siya sa kabila ng galit na nadarama ko.
ENSO: “Kuya.. Balikan mo siya.. mahal
ka ni Kuya Jared..” ang sabi nito.
Hindi ko pinansin ang sinabi ng bata.
Tiningnan ko naman si Ace at tumango ito senyales na ok lang sa kanya kung
bababa ako at balikan si Jared.
Sa huli mas nangibabaw ang galit. Sa
pagbilis ng andar ng sasakyan ay unti-unti siyang naiwan nito. Nakita ko na
lang siya na naluhod sa gitna ng highway, umiiyak at sinisigaw ang pangalan ko.
“Tama ang desisyon mo. Tama lang na
iwan mo siya, sinaktan ka niya, at nararapat lang iyon sa kanya.” sabi ko sa
sarili ko.
Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay
ang pagdaloy ng luha ko.
“Babalik ako, at sa pagbabalik ko,
tutuparin ko ang pinangako ko.. Paghihiganti..”
“Simula ngayon, hindi na ako magiging
mahina, simula ngayon, hindi na ako maaawa. Simula ngayon, titingalain ako ng
lahat. Hindi na ako si Gabriel, dahil patay na si Gabriel. Ako na si Erick..”
-----Wakas-----
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment