Thursday, December 27, 2012

Bullets For My Valentines (31-35)

by: Dylan Kyle

[James’ POV]

Makaraan ang ilang buwan, nakauwi na din ako dito. Agad akong humiga sa aking kama. Namiss ko yung lugar na ito. haixt.

Tinitigan ko ang mga pader, kisame at sahig. Ang tagal na rin nung mula ako nakabalik dito. Paano to napanatili?

Kasi may mga kasamabahay kami dito. Andito si Lola Rita kasama si Kuya. Sila naiwan dito eh.

Speaking of Kuya, haixt, di pa din kami nagkakausap hanggang ngayon. Well last time kasi eh mukhang magpapatayan na kami.


Siya na kasi ang tumatayong padre de pamilya. Tinutulungan niya si mama sa mga works.

4 years ago ng mag graduate siya ng business administration.

 Siya ang CEO ng kumpanya at si mama ang president. At ako? wala pa. trainee lang. saka na pag ok ok na ako. hahha.

Naramdaman ko na lang na nagvibrate yung cellphone ko. Sino kaya tong tumatawag sa akin? Umpft.

Si Cris. Ano kayang kailngan ng mokong na to sa akin?

“Oh pre?”

“Hey balikbayan.. balita ko nandito ka na daw?”

“Bilis ng tenga mo pre ah.”

“Naman ako pa.”

“Oh kailangan mo?”

“Suplado mo lalo ah… tambay tambay tayo?”

“Saan?”

“Kahit saan. Text ko sila Mark.”

“Ah alam ko na kung kanino.”

“Oh san pre?”

“Kila Dylan na lang. hahahah. Diba diba?”

“Gago ka…. Tae mo… ok na ako ha… maayos na buhay ko.”

“Pero di ka pa rin nakakamove on.”

“Nakapag move on na ako.. issue mo naman.”

“Sus… talaga lang ha…. Kamusta na ba sila ni pareng Johan?”

“Ei sakin talaga. Text mo na lang si Dylan.”

“Woooh.. palusot mo..”

“Eh ikaw ba nakamove on na?”

“Pre paksyet ka.”

“Oh diba… here it comes, taong di pa nakakamove on.”

“Pakialam mo ba?”

“Sige text text na lang….”

“SIge.”

Badtrip talaga tong si Cris. Tinawagan ko si Dylan. (Sa mga di nakakakilala kay Dylan, bukod sa ako yon, makikita ninyo siya sa Ang best friend kong lover… yung pinaka sensored kong gawa joke… grabe nakakahiya tuloy.. yaan ninyo aayusin ko siya.. wahahaha.)

“Hello.” Sabi niya.

“Johan o Dylan?”

“Johan pre. Bakit napatawag ang supalado?”

“Pre di ako yung kakambal mo ah.. baka mapagkamalan mo ako..”

“Oi pre… di suplado kapatid ko..”

“Oi ang kapal ninyo.. magsama kayo… tatambay daw kami diyan sa inyo…”

“Maka diyan wagas.. ayoko nga.. nagawa kami ng baby ng heart ko.”

“Pre libog ninyo talaga…. Kainitang araw.. tirik na tirik ang araw eh nag lalampungan kayo..”

“Inggit ka pre.. wala ng papatol sa yo..”

“Oi kapal mo.. madami jang naglalaway sa akin…”

“Talaga lang ah… kawawa naman si Arwin.. hahah.”

“Pakyu ka pre…”

“Pre di tayo talo..”

“Gago di yun ibig sabihin ko..” tawanan sa kanta.

“Sige punta na lang kayo dito.. inuman ba?” tanong ni Johan. Maya maya may narinig akong tao sa kabilang linya.

“Heart sino yan?”

“Yung iniwanan ng jowa.”

“Grabe ka talaga di ka na naawa.”

Natawa na lang ako.

Ayokong dibdibin yun naglolokohan lang kami at pinapasaya lang nila ako.

Grabe no sobrang harsh nila. Amp.

“Hello James….” Sabi ni Dylan.

“Hello din babe… hahah.” Biro ko.

“Hahahah… Miss you babe…” ang sweet namen no? muntikan na nga akong sugudin ni Johan pag ganun eh.

“Hoy pababe babe ka pa jan.. akin na nga yan…” narinig kong pagtatalo nila.

“Seloso.” Sabi ni Dylan.

“Tawagan mo si Michael ah.. tapos si Cris nagtext na sa akin.. kakabasa ko lang.. sige sige… si Arwin ba nandito na? si Rizza eh todo text sakin… tawagan ko na rin yung babaeng yun. Text ko na rin si Angel.. contakin mo na lang si Raymart, Kian pati si Alex.”

“Tangek sige kita na lang.. meyang gabi na lang ha.. mga 7 pm.. haha… handa ninyo pool ninyo..”

“Kayo maglilinis ah..”

“Grabe bisita kami pre…”

“Walang bisi-bisita sa amin.. lahat katulong.. sige sige…”

“Salamat pre…”

First gala ko to. Hahaha.

Si baby, iiwanan ko na lang dito. Hahahha.

Papaalam ako kay mama.

Katext ko si Chad kanina. Well problemado talaga siya.

Nagulat na lang ako kasi noon nung halikan niya ako. imba talaga.

Wag nga lang mangyari na mahulog siya sa appeal ko.

Kapal ko no? ganyan ang buhay, positive lagi. Dream high. Hahah. Ayun, bumaba na ako. nagtext sa akin si Chad na may pupuntahan siya. Akya ayun. Medyo close na kami.

Lagi na nga kami nagkikita nun eh. Hahaha.

Balak ko na nga na sabihin yung tungkol sa amin ni Arwin, kaso di ko alam kung paano. Tatanungin ko muna si Arwin.

Kaso nga lang eh… di ko siya pinaoansin.

Dumidistansya na muna ako. hirap na ng gulo. Ayoko ng masasangkutan ko yung malaking gulo.

[AJ’s POV]

Mga 4pm eh pumunta kami ng park. Sabi kasi ni Rizza nandun siya. Di niya pa rin alam na nadito na ako.

Sabi niya kasi eh la naman siya gagawin. May kakausapin daw siya sa park eh.

Doon kami madalas tumambay.

May bench kasi doon. Kasama ko si Jaysen na nag lalakad. As usual pinagtitinginan kami.

Pero di kami gumagawa ng eskandalo ah.

Walang holding hands.

Nanibago kasi sila sa akin at bago sila sa mukha ni Jaysen.

As expected maraming naglalaway sa mahal ko. Aysusus.

 Mga maalandi. Hahah. Joke. I wear my favorite glasses.

Yung hindi shades ah glasses. Para intelligent look. Hahaha.

“Oi may dalawang gwapo oh.. bago ba sila dito?”

“Tange si Arwin yan.. may bago siyang kasama? Boyfriend niya siguro?”

“Gwapo nila ah.. gumuwapo si Arwin. Hahahah. Iba talaga nagagawa ng break ups..”

Grabe tong mga chismosa na to.

Kalat na kalat na  ala dito ang sa amin dati ni James. Grabe talaga. Amp.

“Bhie… pinag uusapan tayo..” sabi sa akin ni Jaysen.

“Yaan mo na.. masanay ka na mahal.. ganyan talaga dito..”

“Ah ganun ba.. hehhe… ok na pala na holding hands tayo..” bigla niyang kinuha ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya. wow ang lakas ng loob niya palibhasa eh wala kami sa balwarte niya. amp.

Mga ilang minuto lang din ay nakarating kami sa park.

Walang gaanong tao dun at sa may bench may natanawa ako. hahaha.

Si Rizza at ayun ang laki laki na naman ng buka ng bibig kakatawa.

Kasama niya si Michael, Angel, umpft si Ivan, Christine, Aya at may bago silang kasama. Susyal ah. May meeting de avance.

Kumpleto ata.

Si Dylan at Johan lang ata yung kulang.

Teka meron pa akong nakita, tama ba si James ba yung nakita ko, hindi si James Arkin ah, James, yung kakambal ni Johan.

Kailan pa siya umuwi dito?

Unti-unti akong lumapit sa kanila.

Well, matagal tagal na kaming magkakakilala kaso isang taon na silang magkakasama at magkakakilala ng mapasama ako sa grupo nila.

Dahil yun kay Cris.

Yung iba naman kamiyembro ko sa simbahan.

Dami ko din tungkulin doon. All around. Hahaha.

Ng medyo makalapit na kami,  natawa akol sa itsura ni Rizza.

Akala mo nakakita siya ng multo. Ang laki ng pagkakkanganga niya.

“Oi Rizza, isara mo yan. Pasukan ng langaw.”

“Tae mga mokong, minumulto ata ako.” sabi ni Rizza.

“tangek si Arwin yan.” Sabi ni Micahel.

“Welcome back.” Sabi ni Christine.

Ganda pa rin niya. crush ko siya dati pa. alam naman niya kaya nga tawagan naming eh crush.

Crush niya din kasi ako. pero hanggang dun lang yun.

Liligawan ko dapat siya kaso, alam na, napuranda ng dahil kay James. Hahahah.

Si Rizza eh bago din dito. Akalain mo no? hahahha.

“Arwin.. bumalik ka nga..” agad lumapit sa akin ni Rizza at hinug ako. garbe tong ababeng ito.

“Takte ka.. multo multo ka pa diyan.”

“Akalain mo kasi nannadito ka. Akala ko sa summer ka pa uuwi dito.”

“Grabe miss ko na kayo eh.”

“Well…” naputol siya sa pagsasalita ng inguso niya yung kasama ko. Hala ka nakalimutan ko na si Jaysen.

“Oh.. sorry.. nga pala.. si Jaysen…uhm.. boy…” hindi pa ako nakaktapos eh nag eksena na agad tong si Rizza.

“High I’m Yours…” natawa ako dun.

“You can call me mine if you want…. I’m beautiful, 36-24-36, I like man like you… umpft…. Gwapo… matipuno at…”

“Taken?” sabi ko bigla.

“Epal ka…” sabi niya.

“Boyfriend ko yang pinopormahan mo.”

“Oh.. siya na pala yun.. well…. Ang panget ng taste mo Jaysen.. am I right? Akalain mo.. anong pinakain sayo ng best friend ko at nagkaganyan ka sakanya?”

Nagtawanan sila. Matoka talaga tong babaeng ito. kaya nga miss na miss ko siya eh. Isa-isa na silang nagpakilala kay Jaysen.

“Grabe best… ang tindi ng sex appeal mo ah… bigyan mo naman ako.. ang hot.. ang gwapo.. ang…. Grabe.. yun nay un… hahha.”

“Wag kang maglaway jan.” sabi ni Aya.

“Well akin na lang siya best pls…” sabi ni Rizza.

“Magtigil ka nga jan..”

“Nga pala… punta kayo mamaya.” Sabi ni James, yung kakambal ni Johan.

“Kelan ka pa pala dito pre? At anong meron?”

“Matagal tagal na rin.. tatambay daw eh.. nagyaya si Cris… pagbigyan na natin ha.”

“Sige sge.” Pagsang ayon ko.

“Sabay na lang tayo Arwin mamaya.” Sabi ni Rizza.

“Bhie… pupunta tayo ah..” sabi ko.

“Sige ba.. no problem. Gusto ko rin naman makahang out friends mo..”

“Naku baka maimpluwensiyahan ka nila.”

“Hindi naman.”

“Ang sweet naman dito.. hahha… sige sige…. Kitakits mamaya…”

Nauna na yung iba samatalang naiwan naman kami nila Rizza. Nagbonding kami at todo halakhak talaga ako. maya maya nagutom si Jaysen. Siya na nag insist na bumili.

“Bhie bili lang ako ah…”

“Baka mawala ka?”

“Hindi po yan…”

“Sige ingat…”

“Ano gusto ninyo?”

“Ako ikaw…” sabi ni Rizza.

“Wag maglandi… hahahha.. fries akin.. meron jan malapit.. hahha.”

“Sige…” Pagkaalis ni Jaysen nagging seryos bigla si Rizza.

“Oi ikaw, alam na ba niya yung tungkol sa inyo ni James?”

“Hindi ko pa nasasabi.”

“Maya maya malaman pa niya.. sabihin mo na agad…”

“Oo sige na…” sagot ko.

“Pero okay ka na ba talaga.. mamaya ginagawa mo lang panakip butas siya ha..”

Hindi ako nakasagot. Natuahn ako. hindi naman siguro. Mahal ko naman si Jaysen.. yun nga lang.. mahal ko pa din si James. Aixt.

Ilang saglit lang ay bumalik na din si Jaysen. He always smile whenever he faced me.

“Best ang swerte mo kahit kelan. Aixt. Akin na lang yang bf mo.” Sabi ni Rizza.

“Maglaway ka.”

“Spell damot.”

“Che. Hahaha.”

“Nga pala.. magdala kayo ng pamalit… mag pool tayo.. hahah.”

“Sure…” sabi ni Jaysen.

“Matagal tagal na rin akong di nakakpag swimming.. mag swimming sana ako sa bahay nila lola.” Sabi ko.

“Makakapag swimming ka na din… text text na lang ah…”

“Sure.. san tayo kita?”

“Daanan mo ako sa bahay namen.”

“Ayoko nga.”

“Dali na..”

“Sige na..”

“Oh siya alis na ako…”

“Sige maglalandi ka lang naman jan sa tabi.”

“Oi hindi ah.. sobra ka.”

“Joke lang…”

“Ei…. Bukas ah… simba ka… back to singing career ka ulet..”

“Oo nga namiss ko yun eh…”

“Okay sige na.. bye..” sabi ni Rizza.

Kami naman ni Jaysen ay natira doon sa may park. Kwentuhan tungkol sa mga nakaraan ko dito. Kanina habang nag uusap kami sa may malapit sa pool nila lola, natameme ako ng tanungin niya ako about my ex. Haixt. Todo ngiti naman siya kaya nakampante ako na hindi na ulit niya tatanungin sa akin ito.

“Alam mo ban a dati rati eh wala lang ako dito. Yung tipo ban a iniisnob.. pero yung pumutok yung balita tungkol sa pagkatao ko, boom.. yun na ang simula…” sabi ko.

“May hindi ka pang sinasahgot na tanong ko.”

Natahimik ako, as in tahimik talaga. Masasabi ko na ba sa kanya ito? handa na ba talaga ako? Kaya ko bang makita sa mukha niya ang labis na pagkalungkot tungkol sa mga bagay na ito? haixt buhay nga naman.

Pero dapat gawin ko na to. Mahirap nab aka sa iba pa malaman niya. masakit sa part niya. baka lalo pang magkagulo.

“Bhie… kasi ganito yun eh… di ko alam kung paano ko siya ipapakilala sayo…. Di ko alam kung handa nab a ako….”

“Ayos lang…” sabi niya sabay tingin sa malayo. Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sa akin.

“Ayoko din naman na sa iba mo pa malaman yung sa amin… alam mo naman kung gaano ako kailang sa mga bagay na ito..”

“Naiintindihan ko… kung…”

“Si Arkin..” hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinabi agad ang pangaln ni James.

“Si Arkin ang ex ko… siya ang taong nanakit sa akin..”

Bakas sa kanya ang pagkagulat. Hindi siya nakapagreact sa sinabi ko. Tila namutawi ko sa kanyang mata ang ilang luha na namumuo. Hala ka nasaktan ko ba siya ng sobra? Amp anman eh.

“Bhie okay ka lang?”

“Uwi na tayo.. prepare na tayo para mamaya.”

“Galit ka ba?” hindi siya nagsalita. Lumuhod ako sa harapan niya.

“ANong ginagawa mo?”

“Ayaw mo akong pansinin eh..”

“Tumayo ka nga jan..”

“Ayoko..”

“Para kang bata…”

“Wag ka na kasing magalit..”

“Di mo naman maalis yun eh… all this time.. yung karibal ko eh kaharap ko… baka nga nagkikita pa kayo eh..”

“MAhal hindi naman po eh..” tumayo na ako.

“Oo na sige na hindi na.. ipangako mo na hindi kayo magkikita ng patalikod sa akin..”

“Opo…”

“I love you..”

“Ilove you too.”

“Ayokong maagaw ka niya sa akin..”

“Wag kang mag isaip ng ganyan..”

“Di mo maiaalis sa akin ang mga bagay na ganito..”

“Mahal naman eh.”

“Siya tara na…”

“Okay sige.”

Umuwi na kami. Sinabi ko na rink ay mama yung gagawin naming. Pumayag naman sila. Well uuwi din kami ng mga medaling araw. Walking distance lang naman yung sa amin ni Dylan eh.

Sabi ko kay mama na diretso na ako sa bahay naming dati. Well mas malapit yun. Sinabi ko kasi na mag swimming din kami pagkatapos.

Nasa labas kami ng bahay nila Rizza. Kadarating lang naming. Tulad ng dati, nakagawian ko na na pumasok sa bahay nila ng walang katok katok. Pinipigilan pa nga ako ni Jaysen kasi daw trespassing daw pero sabi ko sanay na sila.

“Good evening tita…” bati ko sa mama niya.

“Oh nanjan na pala kayo.. kalian pa?”

“Uhm kanina lang po..”

“Naku laki ng pinagbago mo. Ang gwapo mo na ah..”

“Lagi anman tita… hahaha.”

“Sus.. bantayan mo tong anak kong maharot ah…”

“Ma naman..” angal ni Rizza.

“Opo… gwardyado sa amin yan..”

“Ma, dapat ako ang magbabantay kay Arwin.. tignan ninyo oh may jowa na agad.”

“Oo nga ano…”

“Tita si Jaysen po pala..”

“Gandang gabi po..”

“Naku kagwapo naman… sige na baka gabihin pa kayo jan sa daan.” At umalis na nga kami.

Pagkadating naming sa bahay nila Dylan, nandun na yung iba, si Michael, Ivan, Aya, Christine at sila Dylan, James at Johan. Halos maguilat si Dylan ng makita ako.

“Oh. Ikaw na bayan? Grabe…” nanlaki ang mata niya. ganun ba talaga akalaki pinagbago ko? Matagal na naman akong gwapo. Ahahah joke lang.

“Grabe naman makapag taka wagas.”

“Ganun talaga.. huling nakita kitang gwapo na gwapo eh nung JS Prom ninyo..” well kaschool mate ko sila. Ahead sila sa amin ng 2 taon. Ang tagal na rin palang magjowa tong dalawang to. 4 years na ata.

“Grabe naman…” sagot ko.

“Ei… may bago ah..” sabi ni Johan kay Jaysen.

“Si Jaysen nga pala…” sabi ko. Nakipagkamay si JAysen sa kanila.

“Mukhang kawawa na ang manok natin ah..” sabi bigla ni Dylan. “Oo kuya…” sabi ni James na nasalikod. Siya yung kakambal ni Johan remember?

“Wag nga kayo.” Sabi ko.

“Hahaha.. wawa naman siya..” sabi ni Johan.

“Adik..”

“Oh ayan na pala siya eh..” sabi ni Dylan.

Napalingon ako. huh? Si James nandito? Naghabol ako ng tingin kung saan sila nakatingin at laking gulat ko ng masaksihan na si James ay naririto rin. Nanlaki ang mata niya.

Mukhang di niya inaasahan na pupunta ako dito at madadatnan kami lalo na si Jaysen. Hinagilap ko nman ang expression ng mukha ni Jaysen. Nginitian niya lang ako at hinawakan bigla ang aking mga kamay.

[Chad’s POV]

Isang buwan na kaming ganito ni Arkin. Yeah. He is so sweet. Pero dapat ko bang bigyan ng kahulugan yun? Inlove na ako sa kanya at confirmed nay un. Haixt naman. Buhay nga naman.

Iba na to. Maamin ko kaya to. Haixt. Ilang linggo na akong kinukulit ng text ni AJ. Di ko siya sinasagot. Di ko alam kung bakit. Isa lang talaga nakakatext ko, si Arkin lang. wala ng iba pa.

Siya lang at wala na. hahahha. Umuwi siya sa kanila, hindi sa bahay nila, dun sa dating bahay nila. Ayun ang sweet nga kasi talagang nagtext pa siya sa akin bago siya umalis. Haixt. Sasabihin ko na ba kay AJ? Siguro di na muna. Hahahah. Matapos kasi yung sinabi niya dati ayon medyo na deprived na ako. Hahaha.

Andito ako sa bahay namin. Peace and calm naman ang paligid ko. Sila mama kasi ay out of town gawa ng business. Kaya ayun. Haixt. Si mama naman nag bilin sa akin, naglagay sila ng pera dun sa atm ko. Hahahha. Di naman ako gumala ng gumala.

Nadala ako simula noong apitan ako ng mga lalaking kasamahan nung ex ko na loko loko. Haixt. These days napapansin ko na lagi akong pagos. Nahihilo at nahihirapan na gumalaw. Grabe nga eh.

Minsan nakikita ko na may pasa ako kahit di ko alam kung saan nadadanggil. Napaka-clumsy ko kasi. Haixt. Di naman masyadong malala to.

Walang magawa sa bahay kaya nagbukas ako ng computer at yun nag facebook na lang ako. magpapasko na. ano kaya ang gagawin ko ngayong pasko? Magbabakasyon ba ulit ako? uhmp? Ano kaya? Hahaha.

Nakuha ng atensyon ko ang status update ni Aldred. Sino kaya ang kaaway neto. Binasa ko lahat ng comments. Aba yung ex ko dati. Teka bakit magkaaway etong dalawang ito?

Diba sila yung dalawa na nagsama pa nga. Yung iniwan ako ng ex ko para dito? Ano ba ang gulo ah. Haixt yaan ko na nga to. Di na ako makikialam. Bahala na sila sa buhay nila. Haixt. Mag lalaro na lang ako ng Marvel Avengers Alliance… hahaha.

[James’ POV]

Kanina pa ako di makaimik dito. Haixt. Nawala yung kakulitan ko, pero etong mga napaka anghel kong mga kaibigan dinedemonyo nila ako. Grabe naman sila. Haixt. Kanina pa nila ako inaasar lalo na tong mokong na si Cris. Grabe.

“Pre, wow ah.. daig na daig ka kay Arwin. Ang sweet nila. Kung ako yun inggit na ako to the highest level.” Ngiti lang ang ginaganti ko.

“Mag salita ka naman jan.” sabi nito.

Still, wala pa rin akong imik. Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw tong mokong na si Cris.

“Guys.. may nanahimik dito oh,…” sabay turo sa akin.

Dahil sa pag kagulat at konting inis, itinulak ko siya sa pool at swak, tumba siya at nalaglag sa pool. Nagtawanan naman ang lahat maging ako napahalakhak na lang.

Tumalikod ako at naghubad ng damit. Makaligo na lang kes bugnutin pa ako ng mokong na si Cris. Maghuhubad na ako ng shorts ng biglang hatakin ako ni Cris at yun aba hulog ako sa may pool. Adik talaga ng mokong na to.

“Kwits lang pre…” sabi niya.

“Tado ka talaga.”

“Hahaha.. Wag ka na kasi mag mukmok.. sayang kagwapuhan mo.”

“Oo na… Teka wag kang ganyan.. minamanyak mo ako... alam ko gwapo ako.... kaya wag masyado makatitig.”

“Kapal mo din pre...”

“Sus.”

“Alam ko masakit… wag masydong pahalata.”

Nginitian niya ako saka lumangoy palayo sa akin. Aba matino din palang kausap to minsan. Nakita kong lumusong na din si Arwin at Jaysen. Nakita ko ang katawan ni Arwin.

Shit, bakit ganun, nakakapaglaway katawan niya. hahah. Laki ng pinagbago niya talaga grabe. Haixt buhay nga naman. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

Nakita ko na suot niya yung necklace na binigay ko. Nagtatalon sa tuwa yung puso ko. Sobra. Mahal pa niya ako at alam ko pa yun kahit di ako sure nararamdamn ko. Sa oras namabakante ka jan sa marinong yan gagawin ko lahat maokupahan lang kita.

Maya maya nakita ko yung tattoo sa likod niya. ang sa akin kasi eh nasa may dibdib. Teka, paano pag nakita yun ni Jaysen? Baka malaman niya? Pero parang di naman. Hayaan mo na. mas okay na magkaalaman na kung sakali, yun nga lang baka mapahamak si Arwin. Haixt buhay

Tawanan na lang sa loob ng pool. Sumali na din sa pag swimming sila Dylan, Johan, James at marami pang iba. Naglalaro na kaming lahat. Hahaha. Masaya ang ganito, parang walang problemang dinadala.

Lahat ng alalahanin mo natatanggal. Haixt buhay. Puro na lang ako haixt. Mayamaya nagkadikit kami ni Jaysen. Woah kinakabahan na ako. haixt.

Bakit kasi nandito pa siya, masososlo ko n asana si Arwin. Badtrip yan oh. Amp. Nakangiti lang siya sa akin kaya nginitian ko na lang din siya.

“Pre… musta?” tanong niya.

“Ayos lang naman.. nagulat nga ako nung makita kita eh.. di ko inaasahan.. welcome to our place..” sabi ko.

“Bakit pre gusto mo ba masolo ex mo? Hahahha.” Sabi niya.

Takte kinabahan ako. alam na niyang lahat? “Joke lang pre.. di ka mabiro….” Sabi niya.

“Tsk. Alam mo na pala…”

“Yeah…. Better be ready…”

“Adik lang pre…”

“Pre… better get off to my boyfriend…” sabi niya habang nakangiti.

Nanghahamon ba to. “Di mo siya pag aari pre…”

“Maging lalaki ka…”

“Alam kong kayo kaya lalayo ako.. pero pre.. sa oras na mawala sa kamay mo ang mahal ko…. Siguraduhin mo.. sa akin siya mapupunta…” sabi ko.

“Pre.. di mangyayari yan..”

“Dapat lang…”

“Hihigitan ko pag mamahal mo….” Saka siya umalis sa harapan ko.

Well, grabe intense ako doon. Di ko akalain na mangyayari to. Hihohoho. Grabe talaga. Nakita ko siya umakyat ng pool at sa sunod na nangyari ako nabigla. Nagtanggal siya ng shorts at tanging brief lang ang itinira.

Grabe, tapos tumingin siya sa akin. Aba nang hahamon siya ah. Lahat naghiyawan. Katabi ko lang si Dylan at Johan. Nagtatalo nga sila eh.

“Wooohh.. take it off.” Sabi ni Dylan.

“Oi ikaw… amp ka… takte pinag nanasaan mo siya?” pagtatampo nito.

“Sus naman.. ngayon lang ulit ako nakakita ng ibang katawan.. pagbigyan mo na..”

“Ewan ko sayo…” natatawa ako. aba nagtampuhan pa. dahil nanghahamon ang loko, heto pagbigyan natin siya.

Akala niya patitibag ako? hindi ah. Kaya umakyat ako ng kabilang pool at nagtanggal din ng shorts. Hahha.

Nagsigawan sila at lahat sila nagtawanan. Oh di ba? naghahamon pa siya wala naman siyang binatbat sa katawan ko. May narinig akog nagsigaw.

“Arwin grabe ang swerte mo.. ikaw na… ikaw na talaga.. the best ka.. ikaw na may hot papas….”

Kinindatan ko si Arwin at nakita ko na nagblush siya. Tignan natin, katawan pa lang alam kong taob na yang Jaysen nay an.

[AJ’s POV]

Lumapit sa akin si Rizza.

“Best, ikaw na talaga.. ikaw na.. ang haba ng buhok ah… tsk.. takte yan.. pinag aagawan ka ng dalawang lalaki…” inirapan ko lang siya.

Grabe naman kasi tong si Jaysen, kung anong eskandalo yung ginawa niya. nagulat na lang ako ng all of the sudden eh mag brief na lang siya sa may pool. Pasaway talaga kahit kelan.

Pero bother ako sa ginagawa niya. alam ko na may pinag huhugutan siya. Nakikipag kumpitensiya siya kay James. Kainis. Dapat bang sinabi ko sa kanya yung totoo? Haixt.

Ilang sandali matapos yung ginawa nilang dalawa, ayun at nag-iinuman na sila. Umahon naman ako at nagpalit na. ewan ko pero nawalan ako bigla ng gana. Ramdam naman yun ni Rizza.

Isang oras na lang at mag aalas dose na. bilis ng oras. Kumain na lang kami ni Rizza. Kwentuhan kasama ang iba. Nakita ko ang saya sa mga labi ni Jaysen. Mukhang nagkakasundo sila.

Ewan ko lang sa kanila ni James. Woot. Mga to talaga. Haixt. Nakaramdam ako ng konting pagbigat ng kilos. Di ko namalayan na unti-unti na rin pa la akong nanghihina. Nakita agad ako ni Rizza kaya agad niya akong nilapitan.

“Okay ka lang?” tanong niya.

“Nahihilo ako..” sagot ko.

“Dala mo gamot mo?”

“Nandun sa bag…”

“Alalayan mo ako sa kwarto.. wag tayo pahalata…..” sabi ko habang nanghihina.

Wag ngayon please. Hinawakan ko ang tapat ng dibdib ko at naramdaman ko yung irregularity ng pagtibok ng puso ko. Napahawak na lang ako sa kwintas ko.

“Riz…zzaa…” ang nasabi ko hanggang sa namalayan ko na lang na nanlabo ang paningin ko at napaupo sa sahig.

Narinig ko ang mga sigawan nila. Halos lahat sila di mapakali. Unti unti, ang malabong paningin, napalitan ng itim hanggang sa pati ang kamalayan ko nawala. Buhay ko, imba talaga.

Hanggang kailan kaya ako magiging ganito. Kung magpaopera na kaya ako pero mahal yun eh. Mahihirapan lang sila mama. Sabi naman ni doc baka kaya naman sa gamot. Haixt.

Dasal nga ang pinakamabisa kong gamot. At alam ko mabubuhay ako. kayak o to. Di pa ako handa na mamatay. Kailngan ko pang matama ang lahat ng pagkakamali kong nagawa.

Naalimpungatan na lang ako bigla bigla. Unti-unti dumilat ako at nakita ko ang putting kisame. Di naman siya ospital dahil nandun ako sa kwarto nila Dylan.

Lahat sila nakapalibot at yung iba nagulat ng magising ako. hawak ni Jaysen ang kamay ko at nasa tabi ko si Rizza. Ngumiti ako ng bahagya kay Rizza. “Bhest… tae ka..” sabi nito sabay hapas sa akin.

“Uhmmm…. Di  ahh….”

“Bhie okay ka lang ba? Nag aalala ako sayo….. ano ba kasing nangyari?”

“Wala naman…. Sa hika lang to…”

“Akala ko ba okay na yan?”

“Ewan.. nahilo ako.. pagod siguro?” hay ang panget ng palusot mo.

“Buti na lang at may dala kang gamot.”

“Wag ka na mag alala.. okay na ako..” bumangon ako pero pinigilan nila ako.

“Uwi na ako…” sabi ko. Lahat sila natigilan.

“Wag kayong mag alala.. okay na ako…”

“Okay.. ingat ka..” sabi ni Dylan.

“Salamat.. sorry talaga… need ko lang talaga mag pahinga…”

“Dito ka na kaya mag pahinga?”

“Uhm...” napaisip ako.

“Oo nga bhie.. sabay sabay naman tayo sa pag simba bukas… dito na lang muna tayo…”

“Sige na po..” pag sang ayon ko.

Unti-unti na silang lumabas at ang kahuli-hulihan kong nahagilap ay ang bulto ni James. Nakita ko na naiyak siya. Naiyak o kagagaling lang sa pag iyak. Di ko mapigilan na ma bother.

Natouch ako, sigujro dahil nag alala siya sa akin. Pero bakit ganun, ang tanga tanga ko? Nandito ako kasama si Jaysen pero si James ang nasa isip ko. Magkatabi kami ngayon ni Jaysen.

“Bhie… akala ko kung anon a ang nnagyari sayo?” buti na lang at di nagsalita tong si Rizza tungkol sa nangyari sa akin. Alam niya yung nangyari sa akin eh. Haixt.

“Okay lang ako.. sorry pinag alala kita…”

“Okay lang po yun.. ang mahalaga eh okay ka na…”

“Salamat… wag mo kong iiwan ha..” sabi ko.

“Opo… at wag mo akong ipag papalt kay Arkin..” doon ako parang nabasag na ewan.

Di ko maintindihan ang sasagot ko. Bakit ganun. Ang sama ko ba talagang tao? Dapat ba tinatapos ko na tong relasyon na to gayong may part sa puso ko na sinisigaw ang pangalan ni James?

Pero mahal ko din naman si Jaysen. Aminado ako nab aka namamangka ako sa dalawang ilog. Takte yan. Ang sama siguro ng tingin sa akin ng iba na makakabsa nito. Haixt.

“Nagseselos ka ba?” tanong ko.

Oh common sense, alangan naman. Grabe lang ah nag graduate ako with honors pero eto ako manhid.

“Yung totoo? Oo, nagseslos ako. all this way yung taong karibal ko nasa tabi ko lang pala. Di ko namamalayan nab aka naagaw ka na niya sa akin. Nag seselos ako sobra….” Sabi niya sa akin.

Umiiyak siya. Di ko talaga kinakaya kapag umiiyak sa harapan ko si Jaysen.

“Wag kang umiyak please…” sabi ko. Pinahid niya yung mga luha niya.

“Okay lang ako.. wag o akong intindihin… basata mahal na mahal kita. at hihigitan ko pa yung pagmamahal na ginawa ni Arkin sayo…” hinawakan niya kamay ko.

Sa puntong yun, natauhan ako. mahal niya ako at boyfriend niya ako. hindi dapat ako maging tanga at salawahan. Kailngan ko ng pakawalan lahat ng mga nangyari noong nakaraan.

Kailangan kong gamitin ang utak ko ngayon. Dapat ko ng iwanan si James. Kailngan ko ng tumaas at iwanan sa baba si James. Nakapag decide na ako. kailngan kong iwanan si James.

Mag uusap kami at tatapusin ko na ang lahat lahat. Napaka sayang kung hahayaan kong iwanan ko si Jaysen. Hindi ko dapat hayaan na maging ganun akong klaseng tao. Magpapaka ayos na ako. I will be matured and serious.

“Bhie.. I love you…. Tulog na tayo… wag kang aalis sa tabi ko ah.. dito ka lang…. di kita iiwanan…” ang nasabi ko at ipinikit ko ang mga mata ko.

Maganda ang gising ko kinabukasan. Nakayakap sa akin si Jaysen. Ang gwapo talaga ng mahal ko. Umaga nap ala. Sakto lang ang gising ko kasi samba kami ng mga 9 am. Pero 8 am eh mag punta na kami sa simbahan dahil may katesismo. Hahah.

Namiss ko na rin naman yung mga bata. Nag ayos kami at kumain. Masaya naman ang lahat pwera lang kay James. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. haixt, di ko alam kung bakit? Dahil ba kagabi?

Pero okay na naman ako ah. Haixt. Nung matapos kami kumain, sama sam na kaming aalis. Haixt. Pababa na ako noon nung makita ko si James. Agad siyang nagiwas pero inagapan ko naman siya.

“Okay ka lang ba?” nag nod lang siya.

“Prang di naman.” Binitawan ko na yung braso niya at ako na ang unang bumaba.

“Ikaw ang dapat kong tinatanong tungkol diyan.”

“Okay na ako.. malakas ako no..” sabay ngiti.

“Yeah.. I know… pero.. may malakas bang nahihimatay?”

“Exceptional yun..”

“Whatever..”

“Taray mo..”

“DI ah..”

“Sungit na lang..”

“Mas masungit ka..”

“Wew na lang… tara na?” sabi niya.

“Wait lang..”

“Bakit gusto mo kiss?”

“Che tumigil ka…”

“Oh ano yun?”

“Usap tayo..”

“Eto na nag uusap tayo ah..”

“Bukas… sa may ampunan… usap tayo.. masinsinan.. may sasabihin ako…”

“Pero..”

“Hihintayin kita…. kung di ka dadating ayos lang…”  ang sinabi ko  tapos umalis na ako. naghihintay na sila sa baba.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[James’ POV]

“Hihintayin kita…. kung di ka dadating ayos lang…”

Ano ba ang sasabihin niya?

Nasuspense tuloy ako.

Grabe naman to oh.

Bawat beses na magkakausap kami, treasurable na sa akin yun. Haixt.

Kanina pa kami dito sa may simbahan. 8 am pa. umattend din kami ng katesismo. Natuwa nga sila ng makita nila kami eh.

Sobra daw silang nanibago sa mga pagbabago naming.

Natutuwa naman ako habang nakikita kong nagtuturo sila.

Lalo na si Arwin. Passion niya talaga yung pagtuturo.

Pero pag nakikita kong nakabuntot si Jaysen. Ah badtrip lang. gusto kong tanggalin siya dito at patalsikin. Tsss.

Nandito ako ngayon sa may choir lobe at nakanta. Advantage ko to kay Jaysen. Magkatabi kami ni Arwin. Hahaha. He’s voice is sweet parin. Siyempre laki ng lamang ko.

May pagkakataon ako na mahawakan ang kamay ni Arwin. Hahahaha. Pero tahimik siya at para bang may iniisip na malalim.

Di ko naman siya madaldal na kasi naman eh nagmimisa. I remember noon nung bago pa maging kami.

Siya ang dahilan kung bakit ako napapunta sa simbahan ulit. Simula kasi noong namatay si papa, di na ako nakadaan sa simbahan.

Ang sagot, hindi ko alam. May pwersa sa akin na nag lalayo sa simbahan. Hay naman. Ewan ko ba. Pero dahil kay Arwin, nakapagsimba ulit ako.

Tinuruan niya ako na hindi ko dapat ilayo ang sarili ko sa Diyos.

(Flashback)

“Ayoko nga.. ang kulit mo.” Sabi ko sa kanya.

“Alam mo ang arte mo.”

“Mas maarte ka.”

“Super arte mo.”


“Takte.. ayoko nga.. wag mo akong piliting magsimba.”

“Eh paanong hindi.. nababalutan ka na kasamaan.” Sabi niya habang ngingiti ngiti.

“Oi ang kapal din ng balat mo. Kung ikukukumpara ko naman ako sayo mas mabait ako.”

“Oi alam mo sa mga sinasasbi mo mukhang nababaliw ka. Tumingin ka nga sa salamin.”

“Alam mo pag tumingin ako sa salamin yung gwapong reflection ko yung makikita ko. Tsss.”

“Sus. Nagbuhat ng sariling bangko.”

“Dami mong alam.”

“Ikaw din madaming dahilan. Nakakainis ka.”

Umalis siya.

As in nag walk out.

Grabe to iiwanan ako. di ko alam yung lugar na to.

Kaasar tong panget na to eh. Arggg.

Pero sarap asarin.

Yun nga lanag di talaga ako magsisimba. Ever.

“Oi.” Pagtawag ko.

“Oi mo mukha mo.”

“Ano ba pinuputok ng butse mo?”

“Nevermind.”

“ANo nga?”

“Di ka naman tanga no? adik to. Hmmmpft. Talk to my hand.” Galit na sabi niya.

“Sorry na boi….” Sabi niya.

“Ewan ko sayo…”

“Nata… takot lang kasi ako magsimba.”

Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Umupo naman ako dun sa may bench. Haixt.

“Sige iwanan mo na ako.” sabi ko.

Well mood swing ako.  nababadtrip na ako, aba ang haba ahaba na ng nilakad naming. Mga 30 meters na ata yun. Hahahaha. Arte ko no?

Umupo siya sa tabi ko at dumistansya na kami.

Takte yan daig pa naming ang nag LLQ. Demanding ako ahahaha.

Gusto ko kasi lambingin niya ako.

“Sorry na.. di ko naman kasi alam eh..” nag puppy eyes siya.

“Ewan sayo…” sabi ko. Pahard to get.

“Bakit ba kasi ayaw mo?”

“Hindi naman sa ayaw pero natatakot lang ako. it’s been a decade ng di ako nagsisismba. Pakiramdam ko eh galit sa akin yung Diyos. Pati nagtatampo ako nun kay God. Simula nung kinuha niya sa akin si Daddyh. Alam mo yun, humiling ako sa kanya na wag niyang kunin si daddy pero wala siya pinakinggan.”

Totoo lahat ng sinabi ko sa kanya. Ganun ako eh.

Inakbayan niya ako at tumibok si heart ng mabilis.

Takte daig ko pa bakla neto, kinikilig ba ako? hahaha.

Di ko maimagine tong supladong lalaking ito eh sa isang akbay lang eh napapabigay.

Shet lang. haixt.

Ano ba aksing gayuma ginawa nitong mokong na to at nainom ko?

“Alam mo.. di mo dapat sinisisi yng Panginoon. May mga bag lang talaga na oras na para mawala. Laat ng bagay may dahilan. At saka, di nagaglit si God. Maniwala ka.”

“Pero..”

“Trust me.” hinawakan niya yung kamay ko.

His comfort makes me very well. Napayakap na lang ako. “Galing mo panget mag salita….”

“That’s me…”

“That’s what I like about you…” sa unang pagkakaton matapos ang ilang taon, tumulo ang luha ko. Tears of joy.

“Oi tignan ninyo oh.. gwapo nung dalawa kaso bakla…” narinig kong sabi nung babae na nandun sa may park.

“Naku sayang talaga… alam na.. di mo aasahan na lalaki lahat ng gwapo..”

“Pero mukhang maskulado naman oh…”

“sus kahit na..”

“Gwapo naman… ligawan niyan ako pwede pa.. kaya pa yang gawing tunay na lalaki..” sabi nila.

Napabalikwas naman ako. Takte tong mga chismosa na to… grabe sila makapag judge. Amp lang.

(End of Flashback)

Di ko na namalayan ang pagtakbo ng misa.

Basta alam ko kinakanta na lang nila yung pangwakas na kanta. Matapos nun, di ko namalayan na wala nap ala sa tabi ko si Arwin.

Siguro nandun na siya sa boyfriend niyang sobrang puti. Mas gwapo naman ako dun kaso bakit ganun. Amp lang. haixt. Makauwi na lang ng bahay. Haixt.

Teka nag vibrate yung cellphone ko. 52 msgs. Joke lang. 20 lang. si Arwin.

“Bukas ah…. Hihint
ayin kita. :’)” well, sana magdate kami. Hahaha. Joke lang.

Yung ibang message eh GM at 5 text galing kay Chad. Oo nga pala. Kagabi pa to natawag di ko nasasagot.

Lagot na. hahaha. Kulit din kasi nitong isang to. Hahaha.

Okay na ata problema niya eh. At least he’s okay.

Makauwi na muna ng bahay. Oo nga pala, di ko nasabi na kasama ko si Khail.

[AJ’s POV]

Maya maya eh magkikita na kami ni James.

Kahapon sa misa eh ang weird niya, ang tahimik at mukhang malalim ang iniisip.

Sabi ko kay Jaysen na may pupunatahn lang ako na importante.

Sabi ko din na wag na siya sumama kasi madali lang naman yun.

Di na naman siya nag pilit kaya ayun.

Nag paalam din ako kila mama pati binilin ko si Jaysen.

After naming kumain nag ready na ako. haixt.

It’s been long ago ng di ako mapadpad dun sa ampunan. Namiss ko na din yung mga bata dun. Sila Fathers at sisters.

After kong mag ayos eh umalis na ako.

“Bhie alis na ako..”

“Bye…”

“Galit ka?”

“Hindi..” umupo ako sa tabi niya.

“Wag ka na magalit…”

“Ano ba kasi yan?”

“sa ampunan to.. saglit lang ako..”

“Ah okay.. ingat ka ah..”

“Wag ka na magalit..”

“Di ako galit nagtatampo lang.. sige na… ingat ka ah.. pasalubong..”

“Opo.” At humalik na ako sa pisngi niya.

Para sayo naman to Jaysen eh. Tatapusin ko na ang lahat. Kailngan ko ng ilabas mga bagay na nagpapasira sa pagmamahal k okay Jaysen. Mabilis lang naman yung bayhe.

Medyo malapit lang naman to.

Mga 3 sakay ng jeep. Minsan isang sakay lang kasi nilalakad ko na lang yung papunta. Hahah. Dipende sa panahon. Hahaha.

After 20 minutes eh nakarating na din ako doon.

Welcome home for me sa bahay ampunan. Haha.

“Arwin ikaw ba yan?” salubong sa akin ni sister.


“Hahaha.. Opo Sister. Ako po to.” Niyakap ko agad si Sis. Leonora.

Waaah. Nakakamiss. Halos lahat ng bata nakatingin sa akin. Nagsilapitan yung iba na mga bata.

“Mga bata naaalala mo pa ba ako?”

“Kuya Arwin?”

“Ako nga…” lahat sila sumugod sa akin.

Maya maya nahagip ng mata ko si Khail. “Daddy…” sigaw nito.

Aba nandito pala siya. Binuhat ko agad yung baby ko.

“NAndito ka pala baby ko..”

“Opo kanina pa… si daddy kasi eh….” At nakita ko mula sa likuran naming si James. Malapad ang ngiti niya. ngumiti ako sa kanya.

“Siya baby dito ka na muna… uusap lang kami ng daddy mo..”

“Okay po…” at nakipag laro na ulit siya sa mga bata.

Lumapit ako sa kanya. “Kanina ka pa dito?” tanong ko.

“Medyo..”

“Di ka naman siguro excited…”

“Hindi naman.”

“Early bird. Nakakapanibago ah.”

“tss. Dami pang satsat.”

“Di ka pa rin nagbabago.”

“Di ko kailangan magbago…” sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. oo nga naman. Haixt.

Umupo kami dun sa may playground.

“Kamusta ka na pala?” Tanong ko.

“Im not fine. Pero okay na din. Sapat lang.”

“Ang gulo ng sagot mo.”

“Awkaward kasi.”

“Paano mo naman nasabi?”

“Basta…”

“Gulo mo kahit kalian.”

“Ano ba sasabihin mo? Ano ba pag uusapan natin?” sabi niya bigla.

Naging seryoso siya. “Di ko kasi alam una kong sasabihin.” Haixt.

Kinakabahan ako grabe. “Mahal mo pa ba ako?” tanong niya bigla. Di ako nakapag salita. Shit ano ba tong tanong niya. kinabahan ako ng sobra.

“Just answer my question, mahal mo pa ba ako?”

“Ba.. bakit ko kailangan sagutin yan?”

“Haixt… as usual napaka stubborn mo.”

“Ewan ko sayo..”

“Kasi ako.. mahal pa rin kita. in fact mahal na mahal…”

Nagulat na lang ako sa pagtatapat niya. di ako umimik.

Pinakinggan ko na lang yung sinasabi niya.

“Mahal na mahal kita kahit na nasasaktan ako. ang gago ko na nagpapanggap na okay ako kahit hindi. Alam mo ba, habang nakikita kitang kasama yung ungas na yon, part of me para akong sinakluban ng langit. yung feeling na makita mo yung taong mahal mo kasama yung iba? Alam mo yun. Taena yan. Bwisit.” Sabi niya. kita ko sa mga ata niya yung namumuong mga luha.

“Pero…”

“Pero ano? Dahil sa kasalanan ko? Haixt. Gago naman kasi yung kaibigan mo.. sa lahat pa ng lalaki ako pa pag interesan. Wala akong kasalanan…”

“Wala na sa akin yun…”

“Naniniwala ka na sa akin?”

“Napatawad na kita… wag mo ng ipag pilitan.. basta okay na ako dun sa issue nay un..” natahimik siya. Haixt.

Kahit kelan talanga.

“Wag ka ng mag alala. Okay na ako… promise.”

“Pero wala akong kasalanan.” Tumutulo na yung mga luha niya.

“Wag kang umiyak.”

“Di ko mapigilan. Alam mo ba na nanghihinayang ako nung time na nagkahiwalay tayo. Alam mo yun? Hawak na kita. nasa sa akin ka na pero pinakwalan kita. How stupid I am? Dapat kasi din a lang tayo nag away.. sana kasi din a ako nakipag inuman.. sana kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin ako…”

“Mahal pa rin kita…” nakita kong nag angat ng ulo si James.

“Hanggang ngayon natatanga ako sayo.. hanggang ngayon mahal na mahal kita… alam mo ba yun ? kahit na nag mumukha akong tanga mahal pa rin kita.” lumuluha na din ako. lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“Ibig sabihin ba nito makikipag balikan ka?”

“Hindi..”

“Pero mahal mo ako… at mahal kita….”

“Pero may nagmamahal pa sa akin.”

“Di mo naman siya mahal.”

“Mahal ko siya.”

“Iba ang pag mamahal sa gusto… puso ang gamitin mo hindi yung isip mo.”

“Wag mo akong pangunahan.”

“Pero…”

“Nakikiusap ako.. layuan mo na ako.” napatulala siya sa akin nung sinabi ko iyon.

“Ayokong masaktan si Jaysen… please… wag mo na akong mahalin.. please… lumayo ka sa akin.. gusto kong makalimot…. Please…” sabi ko.

Napaluhod naman siya sa harapan koi. Niyakap niya mga binti ko.

“Nagmamakaawa ako sayo… please…. Wag mo akong palayuin.. di ko kaya… di ko mapigilang mahalin ka.. mahal na mahal kita.”

“Ayoko na.. please…”

“Mahal na mahal kita…”

“Pigilan mo..”

“Di ko magagwa yun.. ikaw ang tinitibok nitong puso ko.,. at sayo lang to titibok hanggang sa huling hininga ko.”

“James please.. nagmamakaawa ako.. wag mo na akong mahalin… lumayo ka na sa akin..” Tumayo siya.

“Hindi…. Mamahalin pa rin kita.. sige lalayo ako… pero mag hihintay ako…. mahal na mahal kita….”

“Pero masasaktan lang ako..”

“Taena naman.. anong gagawin ko ha? Tanggapin na wala ka na sa akin? Putcha naman oh. Alam mong mahal na mahal kita. wag kang tanga….” Napayuko lang ako sa sinabi niya.

“Wag ka nga manhid… mahal mo ako pero lalayuan mo ako.. magiging unfair ka lang…. habang kasama mo siya ako laman ng puso mo.”

“Kaya nga lumayo ka na eh… para mawala ka na dito oh…. Alam mo ban a wasak na wasak to at hanggang ngayon hindi pa rin tapos kumpunihin.. takte yan…. Kaya lumayo ka na nag mamakaawa ako..”

“taena yan… mahal na mahal kita…”

“Masasaktan ka lang..”

“Sanay na ako.”

“Please…”

“lalayo ako.. pero di ako titigil na mahalin ka… itatak mo yan sa bato…mahal na mahal kita….”

Di ko napigilan na yakapin siya.

Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Pinunasan niya yung mga luha ko.

“Hayaan mong mahalin kita sa paraang kaya ko… mamahalin kita kahit may mahal ka ng iba… mamahalin kita kahit na may kasama kang iba… mamahalin kita kahit na ang puso ko ang nasasaktan…. Di ako titigil… mahal na mahal kita….. please.. hayaan mo ako…. hayaan mo akong mahalin kita…”

“Pero ayaw kitang nasasaktan…”

“Salamat sa pag aalala… pero sa ginagawa mo nasasaktan na ako.. sa pagpapalayo mo sa akin.. nasasaktan na ako..”

“Mas mabuti na masaktan ka na ngayon kesa sa magtagal pa to at lalong masaktan ka ngayon…”

“basta… mamahalin kita…”

Napaangat ang mukha ko at hinawakan noiya yung baba ko. Gusto ko siyang halikan.

Gusto ko na maramdaman ko yung dati.

Inabot ko ang mga labi niya at nagtagpo ang aming mga labi.

Muli, lalong tumibok ng mabilis ang puso ko.

Kay tagal ko na tong gusting mabyari.. ang mahalikan ang mga labi ni James.

It’s so passionate. Haixt. Ang lambot ng mga labi niya at kaysarap ng kanyang mga halik. Naalala ko ang unang paghahalikan namin.

It feel so sweet. Lumalaban na rin siya ng halik. Halik ng pamamaaalam.

[Jaysen’s POV]

Di ako nakatiis na hindi siya sundan. Kasi naman eh. Haixt.

Nagtataka ako kung saan siya pupunta.

Nagpaalam lang ako na may bibilhin lang sa may bayan. Alusot k okay mama.

Nagtanong-tanong ako kung saan ang amounan na tinutukoy ni AJ kaya ayon.

Madali kong natunton yun.

Mga 30 minutes yung byahe. Agad akong pumasok at nagtanong tanong.

“Sister… nandito po ba si Arwin Jake Montederamos po?”

“AH si Arwin.. nandun sa may playground…”

“Salamat po,..” agad kong tinunton ang play ground.. di ko alam kung saan yun ah..

“Kuya.. saan po yung play ground..” tanong ko kay kuya na nag lilinis.

“Ah… diretso lang.. tapos liko ka sa kanan tapos diretso lang.. yun nay un.. sa may tapat ng CR.”

“Salamat po.”

Nagmadali naman ako na puntahan siya.

May narinig akong nag uusap. Si AJ yung isa.

Agad naman akong tumakbo at nakita ko nga si AJ.

Pero nagulat ako sa nadatnan ko.

Halos malaglag ang puso ko sa nasaksihan ko. Nakita kong naghahalikan si AJ at

yung loko loko na si Arkin.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

Isang linggo ng mula ng mapansin kong may kakaiba kay Jaysen.

Di ko alam pero kakaiba kinikilos niya.

Madalas nakatulala lang siya.

Wala akong idea kung ano nga ba yung nangyayari sa kanya.

Pag tinatanong ko naman wala siyang sinasagot.

Madalas naman nagtatalo kami sa maliit na bagay.

Nag iba na nga siya eh.

Naaalala ko minsan nung tutulog na kami. Haixt ang init ng ulo niya. naglalambing pa naman ako. grabe talaga.

Halos pagtulakan na niya ako.

“Bhie ano ba problema?” tanong ko.

“Ang kulit mo. Paulit-ulit?”

“Nagtatanong lang ako.. nag aalala.”

“Okay lang ako..”

“Mukhang hindi eh.”

“Alam mo isa pa aalis ako dito.”

Tumahimik na lang ako. haixt.

Ang gulo niya talaga.

Minsan naman sobrang lambing niya. haixt.

Namiss ko yung dating siya.

Sa amin naman ni James, isang linggo na din mula ng ma encounter ko yung sa ampunan.

Di kami nag papansinan.

Nakaschedule pala na dito sa bahay titira si Khail. Sa Tuesday siguro. Haixt.

Walang magawa sa bahay kaya nakatunganga lang ako minsan.

Swimming at yun lang.

Nag start na pala yung simbang gabi at malapit na yung pasko.

Madaling araw yung simbang gabi naming dito.

Alam ko yun naman talaga yung tradisyon. Pagsasakripisyo na sa umaga mag sisimba at gigising ng maaga. Sabi nga daw eh pag natupad mo yung 9 na araw eh matutupad yung hiling mo.

Well it’s my 4th year na makukumpleto ko yung simbang gabi.

Well natupad naman ang winish ko no. At isa pa, hindi naman hiling yung dahilan kung bakit ako nag simbang gabi.

Well kadamihan sa mga Pilipino na Romano Katoliko ay nagsisimba lang ng simbang gabi para sa kanilang pansariling kahilingan.

I find that very selfish.

Why?

Di ba nila naisip na kaya tayo nagsisimba eh dahil kay God.

Aaminin ko nung simula ganun layunin akong ganun.

Di ako nag mamalinis ah aminado ako, pero I realized na hindi dapat ganun.

Kaya ayon. Sabi ko, need kong maghanda para sa pagdating ni God. Birthday kasi niya yung inaabangan natin. Yung pagkasilang niya. at oo nga pala, ako naatasan para sa panuluyan namin sa simbahan.

Para samga di nakakaalam ng panuluyan, ang panuluyan eh ang tradisyon ng mga simbahang katolika para sa pag play kung paano ipinanganak si Jesus Christ.

Well naging angel na ako, star at ang pinakahuling role ay si Joseph. Hahaha. Pinagmamalaki ko noon nung naging Joseph ako kasi talagang dinumog yun. Hahaha.

Well ayon back to the game. December 20 na ngayon kaya nakakalimang attend na ako. hahaha. Oh diba? Well okay naman si Jaysen dito.

Ayon sa kwento ni mama eh enjoy siya pero napapansin din nila yung pagkakaiba ni Jaysen noon at ngayon. Haixt. Ano ba kasi nangyari dito sa lalaking ito. haixt. Kaya nag lakwatsa na muna ako.

Oo nga pala mga readers, nagtext sa akin yung professor ko sa Filipino. Hahaha. Mag kkachismisan kai eh. Joke. Nalaman ko na ang ibig sabihin pala sa iba ng “LAMIERDA” eh “GO TO HELL.”

Dito kasi satin eh Layas diba or magala. Ayun nagulat na lang ako. by the way dami kong commercials. To make the story short gabi na ako umuwi ng bahay.

Since ayaw akong kausapin ni Jaysen nag hanap ako ng kausap which is si Rizza. Umuwi lang ako ng mag ring ang phone ko.

“Hello.”

“Uwi ka na…” sabi ni Jaysen.

“Okay po…”

“Kumain ka na ba?”

“Opo.”

“Sabay sana tayo.. sige.. kain na ako.. intayin kita…”

“Okay po.”

“Sorry kanina.”

“Ayos lang po.”

“Sorry talaga… intayin kita ha… namiss kita.” Napangiti ako.

“Okay.” Siyempre pasuplado.

“Suplado ng mahal ko.”

“Bleh..” at binaba niya yung phone.

Maya maya nag text siya.

“I LOVE YOU! :’)” sus naglambing mahal ko.

“Bhest uwi na ako.. hinahanap na ako ng asawa ko.”

“Asawa wagas.”

“Ganun talaga… mukhang magkakaanak na kami.”

“Bastos mo bhest…. Hahaha.. ninang ako ah.”

“Kawawa anak ko kung sakali.”

“Che. Ewan sayo.”

“Sige bye.. thanks sa time..” niyapos ko siya.

“Dramatic pa eh.”

Well pag uwi ko halos lahat nasa salas.

Si Jaysen daw eh nasa itaas masama daw pakiramdam. Sus nagiinarte lang yun.

“Gabing gabi na ah.. lakwatsa ng lakwatsa.”

“Minsan lang. tulog ka na maaga ka pa bukas.,”

“Opo.” Umakyat na ako. haixt.

Pag akyat ko nakita ko si Jaysen na kahiga at may hawak na cellphone, may kausap ata.

“Oo pre… bukas na lang…. uwi na din ako jan…. oo sige sige.” Ha? Uuwi siya?

“Kita na lang tayo bukas.... damihan ninyo ah... sige sige...” sabi niya

“Sige bukas na lang… dito na bf ko… okay okay…” at binaba niya yung phone.

“Aalis ka na pala.. kailan mo balak sabihin? Kapag nakauwi ka na?” pagtatampo ko.

“Ngayon ko pa lang naman sasabihin eh.”

“Bakit biglaan?”

“May kailngan akong ayusin eh.”

Umupo ako sa kama.

Nag hubad ng pantalon.

May boxer naman ako. tapos tumayo ako at pumasok sa dressing room. Nilagay ko doon yung hinubad kong damit.

“Bhie.. sorry.” Sabi niya.

“Mapipigilan pa ba kita?”

“Hindi na eh.. sorry talaga.”

“Kaya ka ba ganyan ?” di siya sumagot.

“Silence means yes.”

“Sorry.”

“I understand.” Bigla siyang lumapit sa akin. Niyakap ako.

“Wag ka na magtampo...”

“Ewan ko.. haixt... di na kita maintindihan...”

“Ikaw din di na rin kita maintindihan...”

“Ano bang gusto mong palabasin...”

“Papahangin lang ako... pati aasikasuhin ko lang talaga yung mga bagay na yun..”

“Babalik ka naman dito no?”

“Hindi ko alam...”

“Gusto kita kasama sa Christmas eh...”

“Sususbukan ko..”

“Please... I want to be with you on Christmas....”

“Okay... sige po...”

“Teka mag hinaw lang ako ng paa at katawan. 5 minutes.”

Bumalik naman siya sa kama at nahiga.

Nag linis na ako ng katawan at unti-unti habang nag shower ako eh lumuluha ang aking mga mata.

Nasasaktan ako paunti unti.

Naninibago na ako sa kanya.

Gusto kong ibalik yung dating Jaysen na kilala ko.

Natatakot ako, baka hindi na niya ako mahal. Sana lang wag mangyaring iwanan niya ako.

Matapos kong maghinaw nagsuot na lang ako ng sando at boxer.

Malamig kasi kaya yun na lang presko pa.

Tumabi na ako sa kanya at yumakap sa kanya.

“I love you bhie…”

“Love you too.”

“Naninibago ako sayo.”

“Sorry may iniisip lang…”

“Namimiss ko na yung dati.”

“Ako din..”

“Ha?”

“Wala po… halika nga.” Lalo niya akong niyakap at hinalikan sa forehead.

“Namiss kita” sabi niya.

“Mga banat mo…”

“Seryoso ako.” itinaas niya ang mukha ko at hinalikan ako sa aking mga labi.

Well I missed his kiss, habang magkalapat ang aming mga labi, may nakapa ako sa puso ko ng awkwardness.

Bakit ko hinahayaan na maging awkward yung nararamdaman ko. Parang iba eh.

Kinukumpara ko ang halik ni James kay Jaysen na dapat hindi ko ginagawa.

Lumaban ako ng halik sa kanya.

Aalis na siya at maiiwan na naman akong mag isa.

Feeling ko ang layo niya kahit katabi ko siya.

Habang magkalapat ang labi namin di ko mapigilan ang mapaluha.

Nasasaktan ako sa set up namin.

Handa ko na nga ayusin yung sarili ko para sakanya pero wala eh. Haixt.

Bakit ganun?

Naglalakbay ang mga kamay naming sa aming katawan.

Ang aming mga labi ay tila walang pagos na inaabot ang bawat isa.

Ilang sandali lang ay wala na kaming mga saplot sa katawan.

Napakaseryoso ng mga titig niya sa akin.

Ilang buwan din mula ng mangyari sa amin ito.

Sa gabing malamig, muli naming pinag saluhan ang katawan ng bawat isa.

Pinag saluhan naming ang kasiyahan sa aming mga pakiramdam.

[Jaysen’s POV]

Tanghali na nung umalis ako sa bahay ng lola nila AJ.

Kagabi ang isa sa mga highlights sa buhay ko.

Ilang beses ng nangyari sa amin yun ni AJ pero eto ang pinakamatagal bago masundan.

Sinulit ko yung gabing iyon.

Alam ko magbabago na ang lahat pagkatapo nito.

Nag simbang gabi din kami at sabay pa.

After naming mag lunch saka ako umalis. Kahit man mabigat sa loob ko, kailngan kong umuwi.

Di ko kayang ipakita sa kanya na nasasaktan ako. mahal na mahal ko si AJ pero nasasaktan ako.

Lalo na ng makita ko silang dalawa na naghahalikan.

Di na mawala sa isip ko yung nangyari sa kanila.

Takte to nasasaktan ako ng sobra. Akala ko iba siya pero yun pa maabutan ko.

Kahit papaano nagagalit ako kay AJ, tao din naman ako at marunong magalit.

Ayaw kong ipakita sa kanya.

Nagdamdam talaga ako ng sobra.

Gusto kong suntukin si Arkin pero di pwede.

Ayaw kong gumawa ng eskandalo.

Umuwi ako para makpag isip.

Kung itutuloy ko ba o hahayaan ko na lang sa kanya.

Gusto ko siyang ipaglaban pero pinanghihinaan ako ng loob.

Matapos kasi ng mangyari un feeling ko ako ang kontrabida sa lovestory niya.

Akala ko ba patas na laban ang gusto ng mokong na si Arkin pero bakit ganun yung ginawa niya. bandang hapon na ng makuwi ako.

Dumeretso ako ng kwarto at doon inilagak ang aking katawan at umiyak.

Oo umiyak ako ng sobra.

Nasasaktan kasi ako eh.

2nd time ko ng masaktan ng ganito. Takte to.

Bakit ba ang gulo ng buhay ko?

Umiyak ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako. dahil sa pagod at sakit ng puso.

Gabi gabi na akong nasa bar. Oo.

Sila papa sa 24 pa ang uwi.

Tatlo lang kami ni kuya na nasa bahay.

Kaso umalis sila kuya ngayon kaya nag gala ako.

Well kasama ko mga kabarkada ko.

Tatlong araw na mula ng umalis ako kila AJ.

Ineenjoy ko ang buhay ko ngayon.

Flirt sa mga girls. Haixt.

Pero kahit ganun si AJ pa rin ang nasa isip ko. 23 ngayon ng gabi at malapit na ang pasko. Haixt. Imba diba?

Kasama ko mga kaibigan ko sa pagpunta ng bar.

Nagtataka nga sila kung bakit ganun na lang daw ako makipag landian sa mga babae.

Di ko na lang sila pinapansin.

By the way wala akong gamit na phone.

Bakit? Wala gusto kong mapag isa sa buhay.

Nag eenjoy ako sa bar ng mahagilap ko ang isang pamilyar na mukha. Ito yung dating tinatarayan ni AJ.

Yung dating best friend ata ni Chad.

Siya rin yung muntik ng makauna sa akin. Nilapitan ko siya.

“Hey.,” sabi ko.

Nagulat pa nga siya ng makita ako. daig pa niya na  akakita siya ng multo.

“Nandito ka na pala?”

“Yhep.”

“Oh baka magalit boyfriend mo…”

“Hindi.. wala naman siya.”

“Oh nasaan siya?”

“Nandun sa dating lugar nila.”

“Nag away kayo no?”

“Hindi”

“Sus…”

“Tara sama ka sa amin..”

“okay sige.”

Yun na nga, sumama siya sa amin.

Well, wala akong ibang ginawa kundi ang pasayahin ang sarili ko. Haixt buhay nga naman.

“hey.... kung di ka lang taken baka napikot na kita...’ sabi niya

“Ganun ba talaga ako kaattractive?”

“Yeah.. gwapo mo.. feeling ko... umpft....” naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking binti.

“Masyado ka palang mabilis ah...”

“Slight lang...” nagkagat labi siya.

“Kiss me...” ang panukso kong sabi.

Nagulat na lang ako nung hinigit niya yung ulo ko sabay halik.

Mapusok, at masarap.

Nagustuhan ko yun kaya nagtagal yun ng 5 minutes.

Naghihiyawan na yung mga tao.

“Shit.. that’s hot...” sabi ko.

“Umpft...”

Nag wink ako sa kanya at pinulupot niya ang mga kamay niya sa aking mga braso.

Need ko ng entertainment kaya nilango ko ang sarili ko sa alak.

Nilunod ko ang sarili ko sa alak. Hahah.

Sabi nga sa kanta.

Naglalaro sa usok at beer lang ang kasama… hahha.. Makanta nga yun.

Naglalaro sa usok at beer lang ang kasama… mas okay pang laging ganito.. nalilimutan ka…. Hindi ko malaman sayo.. kung ano ang drama mo…. Lagi mo nalng sinasaktan ang puso ko…. Haixt.

Lumipas ang 2 oras at langong lango na ako sa alak.

Kaming Masaya pala kausap itong si Aldred. Yeah.

I remember his name. palatawa at komedyante.

Lakas tawa ako dito.

Hanggang sa abutin na kami ng hating gabi.

[AJ’s POV]

“The number you have dial is either unattended or out of coverage area, please try your call later… toot… toot….. toot… toot…” tatlong araw na siyang ganyan.

Di ko macontact si Jaysen kaya nag aalala na ako. simula noong umalis siya parang iniiwasan niya ako.

Wala naman akong alam na may nagawa ako.

Di ko alam kung ano yun. Naguguluhan ako grabe.

“Oh anak.. ilang araw na ata yan.” Sabi ni mama.

“Kasi ma di ko macontact,.”

“Baka lowbat…”

“Lowbat tatlong araw?”

“Wag ka masyadong mag alala.”

“Di ko maiwasan.”

“Eh wala tayong magagwa eh…”

“Aalis ako ma.”

“Ha?”

“Babalik ako sa tin.”

“Kailan ka aalis?”

“Bukas ng umaga.”

“Pero bukas na ang play ninyo.”

“Babalik ako ng gabi.”

“Kaya mo ba?”

“Opo… malaki na ako ma.. nag aalala lang talaga ako ma.”

“Okay sige mag iingat ka ah…”

“Opo…”

Kinabukasan maaga ako umuwi.

Mabilis ang byahe pag ganito.

Pag kasi mga 6 am ako umalis sigurado ako na traffic ang aabutin ko.

Peak season kasi ngayon eh magpapasko na diba.

Di ko maitago ang kaba doon sa puso ko.

Di ko malaman yung gagawin ko.

Di ko nga alam kung paano ko haharapin si ya eh.

Ano ba kasi ang problema niya.

Pinigilan ko siya umalis pero di naman siya nagpapigil.

Kailangan naming maayos to.

Nag sakripisyo na ako para sa kanya at ayaw kong masayang yung ginawa kong pagsasakripisyo.

Nagpapasundo ako kay Chad pero di siya sumasagot sa mga tawag ko.

Ano bang pinag kakaabalahan nitong mokong na to.

Nagpasya na akong dumeretso sa bahay nila Jaysen.

Waah. Kapagod ang hyahe. Around 6:30 na ako nakadating.

Umalis ako ng mga 5:00 am. Haixt.

Sobrang haggard na mukha ko.

Antok pa nga ako eh. Nag cut lang ako ng simbang gabi kanina.

Last na kasi yun. Haixt.

May wish san a ako na hihilingin kay God eh. Hahaha.. pero nevermind na lang. hahha. 15 minutes lang at nakarating na ako kila Jaysen.

Pinapasok naman ako ng mga kasambahay nila eh.

Diretso na ako sa kwarto at kumatok ng kumatok.

Ilang beses pa hanggang sa marinig ko na may kumaluskos.

Naramdaman ko na lang na may bumubukas ng pinto.

Siguro magugulat siya pagdating ko.

Balak ko kasi na isurprise siya.

Bumukas ang pinto na kagigising lang niya. inilahad ko ang mga kamay ko papunta sa kanya at niyhakap siya.

“Surprise!!!” ang sabi ko.

“A... anong ginagawa mo dito?” gulat na sabi niya.

“Eh kasi... nag aalala ako sayo....”

Pumasok ako sa room niya at halos maluwa ang mga mata ko sa nasaksihan ko. Halos para akong nasabugan ng bomba.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[AJ’s POV]

Daig ko pa ang nasabugan ng masaksihan ko kung ano ang meron sa kwarto ni Jaysen.

Naka underwear lang siya at nagkalat ang mga damit sa kwarto.

Pagkatapos nito, nakita ko si Aldred sa ibabaw ng kama niya.

Labis ang naramdaman kong galit.

Na-speech less ako noong una.

Hindi ako makahanap ng bwelo para mag eskandalo doon.

Para na akong timang na nakanganga doon hangang sa magsalita si Jaysen.

“A-ano… ano ang ginagawa mo di-dito?” paiyak na sabi ko.

“An..An-anong ibig sa-sa-sabihin ni-ni-n-nito?” garalgal ang boses ko.

“Akala ko ba nasa inyo ka ba’t ka umuwi dito?” tanong ni Jaysen sa akin.

Di ko napigilan ang sarili ko na sampalin si Jaysen.

Nakita ko naman na nagising si Aldred sa pagkakasampal ko kay Jaysen.

Nakita ko na nagulat siya ng makita ako.

Halos di maipinta sa mukha niya yung pagkagulat.

Nagsimula ng tumulo ang lumuha sa aking mga mata. Tumutulo na ito hanggang sa aking baba.

“Ako pa ang nasurprise… gago ka.” Sabi ko.

“Let me...”

“Explain? Ha? Ayun ba? Gago ka. Taena mo. Ano ang tingin mo sa akin ha? Hindi ako tanga. Gago ka!”

“Hayaan mo akong magsalita!”

“Magsalita? Bakit magpapaliwanag ka at bibilugin ang ulo ko na nalasing lang kayo?! Ulol ka. Gago. Lahat na. wag mo akong madadahilanan na lasing ka kaya mo nagawa yun. Dahil kahit lasing ka may pag iisip ka pa rin. Matanda ka na para jan. GAGO KA!” pinag susuntok ko dibdib niya. pinipigilan niya ako.

“Wag ka dito mag eskandalo!” pinigilan niya ako.

Nakita ko si Aldred kaya sinugod ko siya.

Halos muntikan ko na siyang malapitan kundi lang ako pinigilan ni Jaysen.

“Noong una si Chad.. ngayon ako… Walang hiya ka.. ang kati mo sobra.. hitad ka.. malandi.. di ka pa ba nakuntento na makipag kama sa kung kani-kanino? NAPAKA GRO MO!” bwelta ko.

Nakita ko na nag angat siya ng mukha at sumugod sa akin. Sinampal niya ako.

“Hoy kung sino kang malinis… anong tingin mo sayo santa? Akala mo! Gago ka din.. kung di mo hinayaang mag isa yang boyfriend mo di sana aabot ang lahat sa ganito!” sabi nito.

“Talandi ka lang.. wala ka ng sinanto… akala mo kung sino ka… walang hiya ka. Gusto kitang pulbusin at bugbugin.” Sabi ko.

“Tama na! ano ba?!” hinigit ako ni Jaysen sa aking braso at tila natilapon ako sa sobrang lakas niya.

Sobrang nagulat ako sa ginawa niya.

Unang beses niya akong itinulak ng ganun.

Napatama ako sa cabinet niya kaya nakaramdam ako ng parang gasgas.

Akala ko gasgas lang ang natamo ko, pero unti-unti naramdaman ko na may dugong tumutulo sa mga braso ko.

Halos di matigil ang pag iyak ko.

Natameme lang ako doon sa isang tabi habang nakaupo sa sahig at pinag mamasdan ang dugo na tumutulo sa aking mga braso.

Tumingin ako kay Jaysen na parang nagulat nga sa ginawa niya.

“So-so-sorry…” sabi niya.

Tumayo ako at di na lang ininda ang sakit.

“Di ko akalain na gagawin mo yun.. mas pinag tatanggol mo pa siya… akala ko ikaw na pero hindi na… mahal kita pero binigo mo ako. wala kang kwenta!” sabi ko.

“Mas wala kang kwenta… akala ko mahal mo ako pero hindi..”

“Ang kapal mo namang sabihin sa akin yan..”

“Mas makapal ka na sabihin mo sa akin na mahal mo ako gayong may iba kang lalaki…” sabi nito na labis kong kinagulat. Ano yung pinagsasabi niya?

“Hindi ko alam yung sinsabi mo.”

“Wag kang mag maang maangan… sa totoo nga lang quits na tayo eh… nakikama ako kay Aldred samantalang ikaw naman di ko  alam kung ilang beses kang nakikama kay Arkin habang tayo pa…” nagulat ako sa sinabi niya kaya sinampal ko siya.

“How dare you… akala ko karapat dapat kitang pag sakripisyuhan pero di pala..” sabi ko.

“Sige ako na lumalabas na masama kahit na ikaw ang tunay na masama…. Akala ko mahal mo ako at hindi ka katulad ng iba pero nagkamali ako… isa kang mapag panggap.” Sabi niya sa akin.

Parang sinampal ako ng napakalakas.

Nabingi ako sa mga sinasabi niya.

Di ko inakala na ang pinagpalit ko kay James ay eto. Isang walang kwentang lalaki.

“Nagkamali ako sayo…” agad akong tumalikod at hinarap ang pinto.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Pakialaam mo ba?”

“Hindi ka man lang ba hihingi ng tawad ha? Ni hindi mo ba aayusin to? Talagang mahal mo pa yang Arkin na yan.. napaka gago ko lang na di ko agad naramdaman.” Ngal ngal niya.

“Sorry? Ha? Mag so-sorry ako sayo? Gago ka talaga kahit kailan. Wala akong ginagawang masama…. Gago ka lang talaga.” Nag simula na akong maglakad.

“Dapat pala si James na lang.. sana siya na lang ang pinili ko kaysa sa walang kwentang tulad mo..” pahabol ko.

“Kapag lumabas ka ng kwartong to wala na tayo…” lalong nadurog ang puso ko.

Walang wala na talaga. Yung taong gusto kong pag laanan ng puso at buhay ko ibang iba na. sana lang bumalik siya sa dati.

Humarap lang ako sa kanya at lumapit.

Niyakap siya ng sobra.

Hinalikan siya sa labi at ngumiti.

Pinunasan ko ang luha ko at saka lumabas ng kwarto niya.

“AJ….” Narinig kong sinabi niya.

Itinaas ko lang ang kamay ko at agad na tumakbo palabas.

“AJJJJJJJ!!!!!”  sigaw niya.

Nagtatakbo ako palabas ng bahay.

Di ko na maiwasan na ibuhos yung saloobin ko.

Iniyak ko na ng iyak ang lahat.

Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao.

Gusto ko lang ilabas ang nasa loob ko. Nagtatakbo ako ng nagtatakbo.

Hanggang sa mapadpad ako sa isang park.

Nararamdaman ko na paminsan minsa kumikirot ang puso ko.

Kaya hinanap ko yung gamot ko.

Nawala sa isip ko na naiwanan ko yung bag ko sa bahay nila Jaysen.

Hinagilap ko yung  hininga ko. Inhale exhale.

Masyado akong nakaranas ng emotional stress. Unti-unti nanghihina ako at nawawalan ng hangin na nilalanghap.

Agad kong tinawagan si Chad.

Siya lang kasi ang recently dialed ko.

Please Chad answer the phone.

Pero nakailang tawag na ako at wala pa rin.

 Nag tuloy tuloy ang iyak ko.

Di ko na mapigilan ang sarili ko. Naawa ako sa srili ko.

Daig ko ba ang pinagkaitan ng buhay.

Napakapit ako sa handle ng upuan.

Ako lang ang tao doon sa lugar na iyon at hindi ako makasigaw para makahingi ng tulong.

Nanghihina na ako at unti-unti nawawalan ng malay.

Nanlalabo ang paningin ko.

“Hahuhaahhh…” tanging nasasambit ko.

Naninikip ang dibdib ko at parang automatic na bumabagsak ang katawan ko.

Nayakap ko na alng ang sarili ko bago ko namalayan na unti0unti ng nagsasara ang takukap sa aking mata.

Bumagsak ako sa lupa at napahilata doon.

Maya maya nakakita ako ng isang bulto ng tao. Nakasalamin.

Di ko maaninag ang mukha niya.

Pero sa tingin ko siya ang tutulong sa akin.

Isang luha ang tuulo sa aking pisngi bago ako nawalan ng malay tao.

[Chad’s POV]

Haixt. Kakaantok pa pero nagising ako. maraming katok sa pinto ang gumisng sa akin. Bad trip naman oh.

“Bukas yan.”

“Kain ka na anak..” Sabi ni Manang Rosing.

“Sige po…. Baba na ako.. mag hilamos lang ako.”

“Sige…” haixt another day.

Siguro wala na sila mama.

Lagi naman.

Nag hilamos ako at dumeretso sa may banyo.

Pakanta kanta pa nga ko eh. Hahah.

Oh diba.

“Baby you light up my world like no body else.. the way that you flip your hair gets me overwhelm… but when you smile at the ground it ain’t hard to tel.. you don’t know hoho…… you don’t know your beautiful..” sabay mumog.

“gloogloogloogloo…” then hilamos naman. Tapos tuloy sa pagkanta.

“If only you saw what I can see… you’ll understand why I want you so desperately… right now I’m looking at you and I can’t believe… you don’t know hohow… you don’t know your beautiful ohh ohh ohhh… that what makes you beautiful…”

After ko mag concert I checked my phone.

Nakita ko yung mga messages.

 Wow ha ang dami tapos may 10 missed calls galing kay AJ.

12 message naman galing sa pm at ibang gm.

Ano ba yan?

Bakit kaya napatawag tong si AJ? Hummmpft.

Nakita ko yung time, waah grabe 10 am na pala.

Ang haba ng tulog ko grabe.

Then tinawagan ko agad si AJ. Ano kaya problem ni best friend. Hmmmpft tagal sumagot ah.

Maya maya may sumagot. Si tita yun ah.

“Tita bakit po?”

“Si AJ…. Yung… yung anak ko.. huhuhu..” humihikbi si tita.

“Ano pang nangyari?” kinakabahan ako sa nangyayari.

“Nasa ospital si AJ. Sinugod namin siya sa ospital.” Sabay iyak.

Agad tumulo ang luha ko.

Natameme ako ng ilang sandali.

Ano ba naman kasing nangyayari kay AJ? Minsan naiisip ko na hindi lang basta hika yan eh.

Dati nakikita ko na biglaan na sumasakit yung dibdib niya. hay naman.

Nabalik sa wisyo ang lahat ng marinig ko na bumagsak na pala yung phone ko at sa sandaling iyon nagmadali na akong nagbihis at tumakbo sa ospital.

On the way na sana ako ng maramdaman ko na medyo nahihilo ako. di ko alam kung sa gutom ba to.

Madalas na kasing umaatake na sumasakit yung ulo ko. Nanlalabo ang mata.

Siguro kaka computer to.

Naku mahirap na pag nagsalamin ako kaya dapat mag paka okey na ako. ipinahinga ko ang sarili ko sa sasakyan bago harapin yung stressed na darating.

Pagkadating ko ng ospital, naramdaman ko na lang na nanghihina ako. all of the sudden kasi. Haixt.

Dahil siguro sa puayt to. Lagi na kasi akong nagpupuyat eh.

Pero kadalasan nahihilo na ako. haixt.

Ano ba naman to? Dumeretso na lang ako sa nurse station.

“Nurse san po yung kay Mr. Arwin Jake Montederamos?” tanong ko.

“Nasa emergency room po siya eh.. kanan lang po tapos kaliwa.” Sabi nito.

“thank you po.” 

“Sir…. Okay lang po ba kayo?”

“Okay lang po bakit?”

“Namumutla po kayo…”

“Okay lang ako.. need ko talaga puntahan best friend ko..” agad na akong nagmadali kahit na tinatawag ako ng nurse.

Pagdating ko sa tapat ng ER nakita ko sila tito at tita pati na rin yung ate ni AJ. Humihingal ako na pumunta sa kanila.

Nakita ko na namumugto ang mga mata ni tita.

“Tita ano po bang nangyari kay AJ?” tanong ko.

“May tumawag na lang sa akin, Alex ang pangalan. Nakita daw niya na nakahandusay si AJ sa lapag. Tinawagan niya ako kaya nagmadali kaming pumunta dito.” Paglalahad ni tita.

“Ano po bang nangyari kay AJ?”

“Inatake at ng hika…” pagdipensa ni tita.

“Hika po? Parang ang lala naman.”

“Kasi..” sabi ni tita.

“kasi ano?”

“Basta anak…” sabi ni tito.

“Okay na po ba si AJ.”

“Inoobserbahan pa rin siya.”

“Pero ano pong lagay niya?”

“Di pa okay.” Umupo ako saglit. Medyo nahihilo pa ako.

“Okay ka lang ba?” tanong ng ate ni AJ.

“Medyo nahihilo po ako eh..”

“Anak alalayan mo siya… dalhin mo siya sa nurse..” sabi ni tito.

Agad kaming poumunta ng ate ni AJ sa may nurse pero papalapit na ng maramdaman ko ang sobrang pagkahilo.

Di ko na ata kaya.

Nahihilo na ako.

[James’ POV]

Simula ng mag usap kami ni Arwin noon sa ampunan, di ko na maiwasn na magi sip.

Itutuloy ko pa ba tong kahibangan ko sa pagmamahal sa kanya.

Kailngan ko na bang mag madali na makamove on oh mananatili na akong naka stuck sa kanya.

Di ko naman masisisi ang puso ko kung napaibig ako ni Arwin. Amhal ko lang talaga siya.

Sana lang matauhan siya at ako ang piliin niyang muli.

December 24 na at malapit na ang pasko.

Kamusta na kaya si Arwin?

Silang dalawa kaya ni Jaysen? Haixt.

Sana naman alagaan siya ni Jaysen.

Malaman ko lang talaga na saktan siya ni Jaysen humanda siya sa akin.

Nakatingin ako ngayon sa may lamesa na katabi ko.

Nandun kasi ang picture ni Arwin eh.

Ang sweet pa namin doon.

Sana ngayon na lang ang kahapon.

Sana naman manatili siya sa aking tabi hanggang ngayon.

Nag inat ako at nag galaw galaw sa kama ko. Haixt.

Maya maya bumukas yung pinto ko.

Akala ko si Khail pero nakalimutan ko na si Khail pala ay nakila Arwin.

Si mama pala yun.

“Tayo ka na jan..”

“opo…”

“Kakain na..” ngumiti lang ako kay mama.

Pabangon na ako ng madanggil ko yung lamesa sa tabi ng kama ko.

Nakita ko na bumagsak ang frame ng picture namig ni Arwin.

Inagapan ko to pero di ko na nasambot.

Rinig ko ang mga tunog ng basag ng salamin.

Inangat ko yung frame at agad akong nakaramdam ng takot.

Ang laaks ng kabog ng dibdib ko sa nangyari.

Bigla kong naisip si Arwin.

Pinulot ko yung mga basg na salamin at itinapon ito sa basurahan.

Inayos ko yung frame at picture naming at bumaba na para kumain.

Habang kumakain ako, hindi ako mapakali kaya kakaunti lang yung nakain ko.

Di ko maiwasang isipin ang nangyari.

Siguro para sa akin masyado lang ako na nadadala sa mga nangyayari.

Makikita ko naman siya mamaya eh kaya ayun.

Buong maghapon nasa bahay lang ako.

mamaya mag sisimba ulit kami para sa huling pagdiriwang ng pagsapit ng pasko.

May panuluyan din mamaya.

Si Arwin yung nag director ng buong play.Hahah.

Forte niya yun eh.

Back up lang talaga ako. haixt.

Kung di manood ng TV eh hinaharap ko yung PC.

Naghihintay ako ng text ni Chad pero wala.

Ano kayang nangyari doon?

Siguro busy lang sa Christmas eve.

Hanggang sa sumapit ang gabi eh wala akong narereceive.

Yey eto na makikita ko na ulit si Arwin. Haxit.

Maraming tao lagi pag nasapit tong Christmas eve mass.

Pinapanood din kasi nila yung buong play.

Naghihintay ako na makita si Arwin pero nagsimula na ang lahat wala pa rin siya.

Wala din yung mga kapatid at magulang niya. hinagilap ko si Khail pero wala rin eh.

 Ano kayang nangyari?

Hinintay ko na lang sila.

Busy naman lahat ng mga katekista kaya di ko magambala.

Mamaya na lang maririnig ko din si Arwin kasi siya yung mag voice over sa narrator.

Nasa homily reading sila mag peperform.

Yun naman ang nakatradisyunan. Haixt.

Naging okay naman yung simula ng misa hanggang sa dumating yung play.

Inaasahan ko na boses ni Arwin ang maririnig ko pero wala pa rin.

Buong play wala ako sa sarili. Nag aalala na talaga ko sa mga nangyayari.

Nung umupo na ang lahat para making sa homiliya eh nakita ko yung mga kamag anak nila Arwin. Nandito naman siya.

Di kaya umuwi na sila dun sa amin. Haixt.

Ang gulo akala ko ba magtatagal sila dito.

Patapos na sana yung homiliya ng may isingit si father doon sa may sermon niya.

“Ipagdasal natin mga kapatid ang isa sa mga kapanalig natin sa pananampalataya na ngayon ay nasa hospital…. Tayo po ay magsitayo..”

Ospital? Kinabahan ako. teka bakit ganito nararamdaman ko.

Palingap lingap ako sa paligid ko para mag hanap ng mga katekista pero wala eh.

Busy sila sa may unahan. Hanggang sa banggitin na yung panalangin ng bayan.

“Para sa kagalingan ni Arwin Jake Montederamos na ngayon ay nasa ospital… ipanalangin natin ang mabilis niyang paggaling.. Manalangin tayo…”

Nang marinig ko iyon ay para akong nasabugan ng bomba.

Kaya ba ganito ang pakiramdam ko?

Kaya ba wala siya. Agad akong nagmadaling lumabas at hinagilap si mama.

“Ma..” tumango lang siya.

Tumawag ako sa mama ni Arwin.

“Asan po kayo? Nalaman ko po ang nangyari. Gusto ko po siyang makita.”

Sinagot naman yun ng mama niya at nagmadali na akong pumunta doon.

[Chad’s POV]

Kanina pa ako nakarating ng bahay.

Pinagpahinga na ako nila mama.

Nakaramdam ako ng sobrang tuwa ng malaman ko na umuwi sila para sa akin.

Yeah they care for me kahit papano.

Sobra daw sila nag alala sa akin.

Sabay sabay daw kami mag cecelebrate ng Christmas. Haixt.

Pinagpahinga na lang ako para daw makabawi ng lakas.

Sabi kasi ng doctor na may irregujlarity silang nakita sa akin.

Ioobserve daw nila. Babalik ako doon in January daw para makapag observe ng ayos.

Labis akong nag aalala kay AJ.

Kamusta na kaya siya.

Hope maging okay na siya. Di ko alam kung ano ang nangyari sa kanya.

Di naman ako makagamit ng phone dahil sa pinagbawalan ako nila mama.

Magpahinga na lang daw ako. omoo na lang ako.

Aaminin ko na Masaya ako kahit papano, paano ba naman kasi eh sila mama.

Ang sarap pala na mag kasakit kasi naman inaalagaan ka ng mga magulang mo.

May benefit din pala yun. Haixt.

Nagdasal ako paar sa best friend ko at natulog.

[James’ POV]

Pagkadating ko sa may ospital sinalubong ako ni Khail kasama yung ate ni Arwin.

Okay na daw si Arwin.

Stable na naman daw yung kalagayan niya.

Habang papalapit ako sa kwarto ni Arwin, kinakabahan ako. bumibigat yung nararmdaman ko.

Hindi ko alam kung makakaya ko ba na makita si Arwin na ganyan. Haixt.

Nasa harap na kami ng pinto ng mapatigil ako.

“Daddy tara na po sa loob…” sabi ni Khail.

“Wait… yakapin mo muna si daddy.” Binuhat ko siya at niyakap ng mahigpit.

“Mahal na mahal ko yung daddy mo..”

“Opo.. mahal ka din po niya…”

“Talaga..”

“Opo… lagi ka niyang kinakamusta sa akin..”

“Sige usap tayo niyan mamaya.. puntahan n natin yung daddy mo…”

“Sige po..”

Pumasok na ako sa loob. Nandun si tita at tito.

“Good evening po…” bati ko.

“Good evening din iho..” bati ni tito.

Nahagilap ng mata ko yung kama na pinaghihigaan ni Arwin.

Agad bumagsak yung luha ko ng makita ko siya.

May mga gasgas sa katawan niya. agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay na walang dextrose.

“Sorry sinira ko kasunduan natin na lalayuan ka… sorry talaga… mahal kasi kita eh. Di ko naman kayang pigilan na mapasugod dito.. kung alam mo lang…. gumising ka na jan… aalis naman ako pag nagising ka na eh.. sana lang maging mayos ka,.. ano bang pinag gagawa mo at nagkaganyan ka. Masyado kang nagpapabaya sa sarili mo…” hinalikan ko yung kamay niya.

Oo tanga na ako kasi kinakausap ko yung walang malay. Haixt.

Si ko mapigilan ang mapiyak sa mga sinasabi ko.

“Kamusta ang simba kanina?” tanong ni tita.

“Okay naman po.. nag alay po sila ng panalangin para kay Arwin…” sagot ko.

“Doon mo lang ba nalaman?”

“Opo…”

“Ah ganun ba.” Sabi ni tita.

“Ano po ba ang nangyari?” tanong ko.

“Kaninang umaga kasi lumuwas siya dito, gusto daw kasi niyang magkaayos sila ni Jaysen…. Desidido kasi siya. Nagkakalabuan ata. Pero nagulat na lang ako ng tumawag si Alex ba yun. Isang lalaki na tumulong sa kanya.”

“nasaan na po siya ngayon?”

“Umalis na..”

“Ah ganun po ba… nakakinggit talag si Jaysen… nasa kanya na ang puso ng mahal ko…. Pero ano po ba daw ang nangyari?”

“Di niya alam eh… ang alam kasi niya eh nakita niyang nakahandusay si AJ.”

“Kailangan tanungin ko si Jaysen.. dumalaw nap o ba dito si Jaysen?”

“Naku hindi pa eh… di ko pa kinocontact.”

“Pwede po ba na wag na muna po ninyong sabihin? Ako na lang po ang pupunta.” Sabi ko.

“Sige ikaw ang bahala.. pero sana masabi mo agad.”

“Opo…”

“Nga pala… pwede ka bang pakiusapan?”

“Ano po yun?”

“Kukuha kami ng gamit ni AJ. Dito ka muna sana..pwede ba?”

“Ayos na ayos pos a akin. Sige po..”

“Sige babalik din agad kami.”

Ako, si Khail at ate ni Arwin yung natira. Haixt.

Eto ako, mag celebrate ng Christmas dito sa ospital.

Hindi ako aalis hangga’t hindi siya nagigising.

Si baby naman eh kinukwentuhan ako about sa kanya.

“Daddy alam mo ba si daddy kapag nagaglit sayo kinukuha yung teddy bear na binigay mo tapos piang kukurot..”

“Talaga baby? Ano pa ginagawa niya?”

“Kapag kinukwento ko yung mga sinasabi ninyo na mahal mo siya napapangiti siya tapos kinikilig…” napapangiti naman ako.

Alam ko deep inside mahal niya ako, napapangunahan lang talaga siya ng takot at galit.

Alam ko pinatawad na niya ako pero di naman sapat yun.

Mahal na mahal ko talaga siya.

“Mahal ko… gumising ka na jan.. di bagay sayo pag tulog ka.. alam mo ba tong baby natin binubuking ka… mahal kita promise ko yan..” sinabi ko.

“Alam mo di yan sasagot…” sabi ni ate.

“Sorry ate….”

“Mahal mo talaga siya no?”

“Oo.”

“bakit mo siya niloko?”

“Hindi naman sa niloko.. alam ko set up lang ang lahat… kung di amn set up… wala akong ginawang kasalanan.”

“Hmm… ano ba kasi ang nangyari?” inilahad ko lahat ng nangyari.

“Alam mo ikaw suplado ka eh.. lam mo yang kapatid ko pag uuwi ng bahay eh ikaw ang bukang bibig… pag nag aaway kayo nanggigigil yan pagdating ng bahay… pero yun pala mahal ka niya. yung time na muntik na siyang mamatay, doon naming narealized na mali lahat ng nagawa naming. Haixt. Oo masyado kaming naging self centered pero nasaktan siya ng sobra.”

“Nasabi nga niya sa akin.. pero ate maniwala ka.. mahal ko siya… at pinag sisishan ko lahat ng nagawa ko…”

“Naniniwala naman ako eh… haixt.. kaso di ko alam kung ano ang tinatakbo ng puso ng kapatid ko…”

“Gaano ba sila kasweet nung Jaysen na yon?”

“Sweet.. swwet na sweet.. super PDA sila sa bahay.. tapos kapag nag tatampuhan.. daig pa ang mag asawa…” grabe naiinggit ako. damn..

“Wag kang magselos jan..”

“Arggghh.. nakakinis kasi eh…”

“Pero alam mo… bukang bibig ka niya sa akin dati.. kahit na nasaktan mo daw siya eh mahal na mahal ka niya…” nung sinabi yun ni ate para akong nabuhayn ng loob.

Sadyang mali lang talaga ako sa pagiintindi sa kanya.

Ilang sandali din kaming nagkwentuhan ni ate. Haixt. Sarap kausap. Marami akong nalaman na kalokohan ni Arwin.

Tapos yung mga gamit na binigay ko eh nasa sa kanya pa daw.

How sweet naman? Amp.

Pero pag naiisip ko si Jaysen, di ko maiwasn ang magtaka.

Ano nga kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?

“Merry Christmas hilaw na bayaw.” Sabi ni ate.

“Merry Christmas din.” Sagot ko.

Humarap naman ako kay Arwin a.k.a AJ.

“Merry Christmas AJ. Sabi ni ate mas prefer mo na daw yun…. Mahal na mahal kita.. I will hold your hands until you wake up… I love you so much.” At hinalikan ko siya sa kanyang ga labi.

“Ang swerte pala sayo ni AJ.”

“Mahal ko siya eh.. nawawala pagiging astigin ko pagdating ko sa kanya.”

“Pansin ko nga.”

Inabot na ako ng umaga doon kakabantay hanggang sa makatulog ako habang hawak ang mga kamay ni AJ.

I love him so much.

Handa akong magparaya lumigaya lang siya.

Ganyan ko siya kamhal.

Magiging martir ako at isasakripisyo ko kaligayahan ko makita ko lang siyang nagmamahl muli.

[AJ’s POV]

Nagising ako ng bahagya.

Naalimpungatn sa di malamang dahilan.

Umikot ang paningin ko at nakita ko ang puting pader ng ospital.

Oo naalala ko na ang lahat, nag away kami ni Jaysen at di lang away, naghiwalay kami.

Tapos inatake na naman ako sa puso. Yun ang alam ko.

Di yun hika lang. inikot ko ulit ang mga mata ko at nakita ko si James na nakahiga sa tabi ko.

Nakaulo siya sa mga kamay ko at hawak hawak niya ito.

Napangiti na lang ako sa nakita ko.

Na-touch ako ng malaman ko na nandito siya.

Pero nandun pa rin yung sakit, sakit na dulot ng nangyari sa amin ni Jaysen.

Wala na kami, official at malinaw na naman yun. Haixt.

Sobrang sakit lang. nagsisis ako na pinagpalit ko si James para kay Jaysen.

Lesson na rin naman siguro sa akin yun.

Pero nagdurugo ap rin ang puso ko sa mga nangyari.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kaya napagalaw ako.

“Ahhh.” Naalimpungatan sila.

“Anak..” sabi ni mama.

“Anong masakit?” tanong ni papa.

 “Eto po.” Tinuro ko yung dibdib ko.

“Tatawagin ko po yung nurse.” Sabi ni James. Umalis si James.

“Swerte mo kapatid…” sabi ni ate.

“Ano na naman?”

“Basta…. Smiling face…” sabi niya.

“Anak.. ano ba naman kasi ang nangyari?” tanong ni mama.

“Long story po…”

“Pero anak.. sabihin mo na…”

“Masakit pa ma eh…”

“Saka na hon.. yaan natin mag pahinga yung anak natin..”

“Okay sige.. pero anak.. mag ingat ka na.. please.. I don’t want to have your life in risk.”

“Opo mama.”

“Pahinga ka na jan… higa ka lang…” humiga ako.

“Gusto mo ba ng makakin? Nag dala kami ng mga pagkain.. handa natin dun. “ uhm sige po… ma si James? Kailan pa?”

“Kagabi pa yan anak… mahal ka talaga ng tao..”

“Ma naman…”

“Si Jaysen ba di na pupunta dito?”

“Ayoko siya makita.. manloloko…”

“Sabi na.. Ano bang ginawa ng gagong yun sayo?” galit na sabi ni papa.

“Hon.. hinahon..”

“Pa… saka na tayo mag usap jan.. basta ayokong makita siya.

Bigla na lang pumasok si James at kasma yung nurse.

Tinignan kung okay ba ako. after nun, humiga na ulit ako.

“Ma subuan mo ako..” sabi ko. Nagpapababy lang ako.

“Ma… alam mo tamad lang yang loko na yan eh..”

“Ate naman.. ma hayaan mo nga po si ate mag subo sa akin..”

“Ma, hayaan natin na si James ang mag subo sa kanya.” Natameme tuloy ako.

“Oh di ka nakapag salita jan.. ma tara nga iwanan muna natin sila.. kailangan nilang mag usap…” sumunod naman sila mama.

Habang kumukuha ng pagkain si James tahimik lang kami.

“Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Wala lang.”

“Ayusin mo nga sagot mo.”

“Wala lang po napadalaw lang…okay na?”

“What ever.. ewan sayo…”

“Tss. Taray talaga.”

“Bakit di mo tinupad usapan natin?”

“Di mo naman ako masisisi..”

“Hay.”

“Mahal kasi kita.”

“Salamat.”

“Alam mo pakipot ka pa.. kung sinasabi mong mahal mo ulit ako at gusto mong maging tayo edi easy na lahat.”

“Wag kang feelingero.”

“Kamusta kayo ni Jaysen?”

“Ayoko siyang pag usapan.”

“Okay… ayokong pilitin ka.”

“Sinaktan din niya ako…” sabi ko.

“Gago siya.”

“Oo na lang..”

“Oh kain na baby.”

“Ahhh”

“Ang laki ng buka ng bibig ah.”

“Subuan mo na lang ako dami pang arte.”

“Ay naku,”

“Dali na..”

“Wag ka ng makikipag kita kay Jaysen.”

“Tatay ba kita para utusan ako?”

“Kahit na.”

“Kaya ko sarili ko.”

“Di ako naniniwala.”

“Malakas ako.”

“Pero nasa ospital ka ngayon..”

“masakit kasi eh…” umiiyak ako. lumapit siya sa akin.

“Mahal naman kita eh…. Tinanggihan mo lang ako..”

“Di pa ako handing mag mahal ulit…. Hindi pa ako handang masaktan ulit…”

“Aalis na ako pagkatapos nito.. susundin ko yung usapan natin…”

“Please wag mo akong lalayuan…. Kailngan kita…”

“Pero..”

“kahit ngayon lang.. ngayong pagkakataon…”

“Opo…. Dito lang ako…”

“Salamat…”

“Uuwi lang ako saglit… I Love you…” nginitian ko lang siya.

Hanggang ngayon iniiisp ko pa rin yung mga nangyari. Haixt.

After umalis ni James nagpahinga na ako.

Nood lang ako ng TV at higa. Text, bawal muna.

Maraming bawal sa akin.

pagkain at kung anu-ano pa. haix.

“Ma si Chad ba dumalaw nap o dito?”

“Yup.. kaso masama pakiramdam niya.. nag collapse siya kaya din a siya nakabalik dito..”

“How's he naman po?” “

Okay na siya.” Nag uusap kami ni mama nun ng biglang pumasok yung doctor.

“How’s my patient?”

“Okay naman po.”

“good to hear..”

“How’s my son doc?” tanong ni papa. Nakita ko agad ang pagbabago ng expression ni doc.

“Frankly, he is not okay… he is suffering too much depression.”

“Ano pong ibig sabihin ninyo doc?”

“He needs to undergo operations… di naman kailangan ng transplant or ano.. operations will do… medyo di na umeepekto yung ibang gamot niya.” nakita ko kila mama yung panlulumo.

“Doc critical po ba?”

“Slightly Mr. Montederamos…”

“Urgent po ba na kailngan maoperahan?”

“With in the year Mr. Montederamos. After nung nangyari sa kanya dito I think lumala pa yung sakit niya sa puso…. Masyado kasing pasaway tong alaga ko.” Nakita ko ang pagluha ni mama. Inalalayan siya ni papa.

“Sige po alis na ako… pagaling ka ah.. take all my prescription para maging okay ka.”

“Opo doc.”

Kailngan ko na daw magpasurgery. Haixt.

“Wag ng magpapasaaway.. avoid any depression… he should be happy.”

Happy? Paano ko pa maachieve yun kung galit ang nangingibabaw sa akin.

[James’ POV]

Agad kong pinuntahan si Jaysen.

Nagtanong tanong ako sa mga classmate nila at kabarkada.

Kailngan kong alamin kung ano yung nangyari doon.

Humanda siya sa akin. Sinira niya kasunduan naming.

Gago siya. Siya ang dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang mahal ko.

Kahit na paskong pasko wala akong pakialam.

Magkakmatayan kami. Hindi ako papaya na hindi sasapo ang suntok ko sa kanya.

Nanggagaglaiti ako sag alit sa kanya.

Nakakaasar.

Pinagpalit ako ni Arwin para sa kanya pero eto ang gagawin niya. bad trip siya grabe.

Nakakaasar talaga siya.

Nang makadating ako sa bahay nila, si Jaysen ang nagbukas ng gate para sa akin.

Nakakakita din ako ng galit sa kanyang mga mata.

Nag madali siyang buksan ang gate at agad akong sinuntok.

Agad naman akong gumanti.

Wala akong pakialam anuman ang mangyari.

Nagsuntukan lang kami ng nagsuntukan hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

“Akala ko ba di mo siya sasaktan pero ano ang ginawa mo?”

“Gago ka… akala ko din ba magiging patas ka?”

“Patas ako pre at alam mo yan.. sira ulo ka para paiyakin si AJ.”

“Wag ka ngang mag malinis.” Sabi niya.

“Hindi ako nagmamalinis.. gago.”

“Taena mo.. akala ko patas ka di pala… makikita ko na lang na naghahalikan kayo.. yun ba ang patas?”

“Anong ibig sabihin mo?” naguguluhan ako sa kanya.

“Nakita ko kayo sa may ampunan.. naghahalikan… tae ka… sobrang sakit pre…. Malaman mo na niloloko ka…”

“Nagkakamali ka sa sinasabi mo.”

“Di ako bulag pre..”

“Nagkakmali ka sa sinasabi mo… oo naghalikan kami.. pero kiss of farewell yun…. Ang laki mong gago pre.. nagbintang ka sa mali…”

“Ako pa ngayon ang mali?”

“Oo… alam mo ba. Ang swerte mo nga eh. Ang lahat ng ito lahat pala pagkakamali? Badtrip!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Alam mo ba na lumapit sa akin si AJ para lang iwasan ako… ipinagpalit niya ako para sayo.. mahal ka niya pero sinaktan mo siya. Alam kong mahal pa rin niya ako pero mas pinili niya ikaw para din a siya masktan.. pinagkatiwalaan kita pre pero anong ginawa mong gago ka? Hinayaan mong masaktan si AJ! Hinding hidi ko na siya ipagkakatiwal sayo ngayong alam ko na ang gagawin mo.. di ko inaasahan na ikaw ang magdadala sa kanya sa kapahamakan!!!”

“BAkit anong nangyari kay AJ?”

“Nandun siya sa ospital nang dahil sayo…!!!”

Itutuloy. . . . . . . . . . .


dylankylesdiary.blogspot.com



by: Dylan Kyle

[Jaysen’s POV]

“Kapag lumabas ka ng kwartong to wala na tayo…” nabigla na lang ako na lumabas yun sa aking mga bibig.

Gusto ko siyang pigilan pero nanaig yung pride sa katawan ko.

Kalokohang pride kasi, bakit ba ngayon pa yan umatake?

Napatigil siya at saka humarap sa akin. Pagkatapos nun lumapit siya sa akin.

Sabi na nga ba at hindi ako iiwan nito.

I love him so much kahit na nagkakaganito kami.

Pero magulo na ang lahat.

Paano pa magiging maayos to?

Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya tapos hinalikan niya ako.

Gumanti ako ng bahagya pero siya na rin ang nagkusa na kumalas.

Pupunasan ko sana ang mga luha niya ngunit agad siyang lumabas ng kwarto.

Doon ko narealized na mali ang ginawa ko.

Maling mali.

Ang tanga ko, bakit ba ginawa to?

Napasigaw na lang ako ng malakas, pangalan ng taong mahal ko pero pinakawalan ko.

“AJJJJJJJ!!!!”

Napahagulgol na lang ako sa sahig. Buti na lang at wala doon sila papa.

Ilang sandali nagsalita si Aldred. "Bakit di mo siya hinabol?"  tanong niya.

“Para saan pa?”

“Kung mahal mo siya… dapat di mo hinayaan na magkaganito.”

“Pero..”

“habang tulog ka… pangalan niya sinasambit mo… siya rin ang binabanggit mo…. I enjoy the whole night with you pero isa ang naenjoy ko sa lahat… Ang malaman na mahal mo siya ng totoo kahit na maling mali ang ginawa mo. Sa totoo lang gusto kitang sapakin….. at the same time naisip ko, may kasalanan din naman ako. ako ang may isip at katinuan pero pinili ko pa rin na tumabi sayo at makikama… pero wag kang mag alala... behave ako...” akala ko noon masama siya, yun tipo ba  a walang puso na i-eenjoy lang ang makipag kama sa kung kani-kanino pero dip ala.

“Bakit mo sinasabi to?” tanong ko.

“Kasi alam kong mabuting tao si AJ…. Inalagaan niya ang best friend ko at sa tingin ko naman na wala siyang gagawin na masama… di lang kayo nag kaintindihan….” Hinawakan niya ako sa pisngi.

“I like you so much…. Gwapo mo kasi…. Tapos ano pa… uhm.. alam mo na…” may binulong siya sa akin. Napangiti na lang ako.

"Nasilip ko lang yan... pero di ko ginalaw... promise."sabi pa niya

“Dapat kasi yang junjun mo tinatali mo ng di kani-kanino nakikipag laro… sorry nga pala…. Well nakasira na naman ako ng another relationship… sa impyerno na talaga ako pupulutin nito… aalis na ako Mr. Bigboy… baka maakit pa ulit ako sayo ngayong nakaunderwear ka lang…” kinuha niya ang gamit niya at umalis. Naiwan naman ako doong nga nga.


Maghapon akong nag alala.

Pinatay ko yung phone ko para walang istorbo.

Nakaramdam ako ng kaba ilang sandal din.

Di ko maintindihan.

Agad si AJ ang naisip ko.

Di ko siya malalpitan.

Nasaktan ko siya.

Hindi kaya misunderstanding ang lahat?

Yung tipong mali pala yung nakita ko.

Hay Jaysen, ang tanga mo kahit kailan.

To think of it, mukhang may hindi ako alam tungkol kay Aldred.

Bakit kaya? Amp lang. nalala ko yung nangyari sa amin ni Chad.

Kasalanan ko yun pero bakit ganun, naisipan ko pa rin na saktan si AJ. Haixt. Takte yan.

Natulog ako ng maaga.

Ayokong mag isip ng kung anu-ano, pero bakit ganun na lang ang kaba na nararamdaman ko.

Feeling ko may mali.

Gusto kong tawagan si Chad pero wala akong lakas ng loob.

Hope na maging okay ang lahat.

Tinitigan ko yung picture naming ni AJ na nakatago sa akin.

We are so sweet.

Swerte ko sa kanya.

Siya lang ang malas sa akin.

Sabi ko di ko siya sasaktan, sabi ko gagawin ko lahat.

Pero di ko rin pala mapapangatawanan ko yun.

Promise breaker pala ako. haixt.

Nakatulog ako na may bumabagabag sa aking pag iisip.

May parte sa akin na nagsasabi na parang may mali at dapat ko tong ayusin.

Kinabukasn, medyo maaga ako nagising.

Still patay pa rin ang phone ko.

Iniisip ko pa rin yung nangyari.

First time na pasko eh di ako Masaya.

Well karma na sa akin.

Maya maya bubuhayin ko na yung phone ko. Haixt.

Makagala na lang ulit mamaya.

Makapag isip isip.

Mamaya pa ang dating nila papa.

How sad?

 Ilang oras matapos ako magising eh nakarinig ako ng door bell.

Ako na ang nagbukas dahil alam kong busy sila doon sa kusina.

Nagulat ako sa nakita kong nakatayo sa gate namin.

Nagdilim ang paningin ko at unti-unti namuo ang galit sa puso ko.

Agad kong binuksan ito at sinugod si Arkin a.k.a James.

Sinuntok ko siya hanggang sa mag bunuan kami.

“Gago ka… akala ko ba magiging patas ka?!” galit na sabi ko.

“Patas ako pre at alam mo yan.. sira ulo ka para paiyakin si AJ!” galit niyang tugon.

“Wag ka ngang mag malinis.”

“Hindi ako nagmamalinis.. gago.”

“Taena mo.. akala ko patas ka di pala… makikita ko na lang na naghahalikan kayo.. yun ba ang patas?” nakita ko na naguluhan siya sa sinabi ko.

Wag na wag niyang itatanggi yun kung hindi makakapatay ako ng tao.

“Anong ibig sabihin mo?”

“Nakita ko kayo sa may ampunan! naghahalikan… !!! tae ka… sobrang sakit pre…. Malaman mo na niloloko ka…!”

“Nagkakamali ka sa sinasabi mo.”

“Di ako bulag pre..!”

“Nagkakamali ka sa sinasabi mo… oo naghalikan kami.. pero kiss of farewell yun…. Ang laki mong gago pre.. nagbintang ka sa mali…”

“Ako pa ngayon ang mali?”

“Oo… alam mo ba. Ang swerte mo nga eh. Ang lahat ng ito lahat pala pagkakamali? Badtrip!”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Alam mo ba na umapit sa akin si AJ para lang iwasan ako… ipinagpalit niya ako para sayo.. mahal ka niya pero sinaktan mo siya. Alam kong mahal pa rin niya ako pero mas pinili niya ikaw para din a siya masktan.. pinagkatiwalaan kita pre pero anong ginawa mong gago ka? Hinayaan mong masaktan si AJ! Hinding hidi ko na siya ipagkakatiwaal sayo ngayong alam ko na ang gagawin mo.. di ko inaasahan na ikaw ang magdadala sa kanya sa kapahamakan!!!”

“BAkit anong nangyari kay AJ?” “Nandun siya sa ospital nang dahil sayo…!!!”

Halos magunaw ang mundo ko ng marinig ko.

Ospital?

Bakit anong nangyari?

Nakatikim ako ng isang suntok mula sa kanya na nagdulot naman sa akin sa pagkakabagsak.

“Hinding hindi na kita hahayaan na lumapit sa kanya… sinaktan mo ang mahal ko.. pinagkatiwala ko sayo siya… pero pinatay mo ang pagkatao niya… alam mo ba kung gaano kasakit ang magtiis na makita kayo habang ang puso ko parang binubulldoser sa sakit… shit ka! Dapat ikaw yung nasa ospital hindi si AJ!” galit na sabi niya sa akin.

“Anong nangyari sa kanya.. sabihin mo..” lumuhod na ako sa harapan niya.

“Wala pang sinasabi ang doctor… pero eto ang tandaan mo.. wag na wag kang lalapit kay AJ kung ayaw mong magkamatayan tayo… wag kang magpapakita sa kanya…. Humanda ka sa akin..!” pagbabanta niya.

“Bakit pag aari mo siya? Sinabi ba niya? gago ka pala eh!”

“Taena mo.. matapos ang lahat ng ginawa mo ha? Di ko alam kung ano ba yung ginawa mo sa kanya… makikipag usap lang ako sayo tungkol sa nangyari pero sinugod mo na agad ako… kaya pala.. alam ko na.”

“Akala mo kung sino kang walang kasalanan.”

“Oo wala akong kasalanan dahil alam ko na hindi ko ginusto yung nangyari. Lahat ng yon set up lang..” natigilan ako.

Di ko alam ang nangyari tungkol sa kanya.

Di niya sinasadya pero ako, pinilit ko. Ginusto ko. Napahagulgol ako sa sama ng loob.

“Aalis na ako.. ayaw ka niyang makita… di mo na siya makukuha sa kin… napaka gago mo… di na ako magtitiwala sayo…” tumalikod siya pero hinabol ko pa rin ng sigaw.

“Nagmamakaawa ako nasaan siya? Nasaan!”

“Ayaw ka niyang makita ngayon…. Wag mo ng pilitin…” at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan ako doon na umiiyak.

Napakalaki kong tanga.

Paulit ulit na naririnig ko ang boses ni Arkin tungkol sa sinabi niya sa akin kanina.

“Alam mo ba na lumapit sa akin si AJ at nakipag usap para lang iwasan ako… ipinagpalit niya ako para sayo.. mahal ka niya pero sinaktan mo siya.”

Nagtagal ako ng ilang sandal doon.

Maya maya nakita kong naglabasan ang mga tao at sinisilip kung ano ang meron.

Agad naman akong nagkulong sa aking kwarto.

Takteng pasko to, ang saya grabe. 

Kailangan kong pumunta sa ospital.

Kailangan kong makita si AJ.

[James’ POV]

Kadarating ko lang ulit sa ospital.

Mag ga-gabi na ng makarating ako dito.

Umuwi kasi muna ako sa amin para kumuha ng gamit.

Dami ko din inasiakaso sa bahay.

Bumalik pa ulit ako doon sa dati naming bahay kasi may inayos ako. matapos ang engkwentro ko kay Jaysen, lalo akong naging desidio na alagaan si AJ.

Yeah AJ na rin ang itatawag ko sa kanya. Wooh.

Pero kahit ganun, siya pa rin ang Arwin na kilala ko, yun nga lang, mukhang matatagalan yung panahon na babalik siya dati.

Galit nag alit ako kay Jaysen.

Di niya alam kung gaano kasakit yung nangyari.

Di niya alam na ang swerte niya kasi siya ang napili ni AJ para ipag palit sa akin.

Alam kong pinipilit lang ni AJ na si Jaysen ang piliin niya.

Mahal ako ni Arwin Jake Montederamos.

Alam ko yan.

Pagpasok ko ng kwarto, nakita ko siyang nakatulala.

Si Khail naman ay nanonood ng TV.

“Daddy!” salubong sa akin ni baby.

“Kamusta ang baby ko?”

“Gutom na po..”

“Oh madami namang pagkain jan ah?”

“Gusto ko sabay sabay tayo ni Daddy.”

Binuhat ko yung bata at nakita ko ang munting ngiti sa labi ni Arwin este AJ.

“Mas gwapo ka kapag nakangiti” sabi ko.

“Gwapo na ako dati pa.”

“Oh? Talaga? Saan?”

“Tse.” Ngumiti siya ng malaki.

“Naku daddy buti napapangiti mo siya… ako kasi kanina ko pa di napapangiti yan eh..”

“Alam mo baby.. miss lang ako ng daddy mo.” Sabi ko.

“Ang kapal ng mukha mo talaga James Arkin Ramos.”

“Tong makapal na mukhang to, eto rin yung pinakagwapong nilalang na makikita mo…” sabi ko.

“Sus… teka anong nangyari jan sa mukha mo?”

Mukhang napansin niya yung pasa ko sa mukha.

“Wala to.” Sagot ko.

“Ano nga?”

“Nasubsob lang ako..”

“Naku di ako naniniwala.”

“Sabi ko bang maniwala ka?”

“Oi ikaw umalis ka nga dito kung susutin mo lang ako.”

“Alam mo mahal ko.. kung aalis ako dito mawawalan ka na ulit ng ngiti kaya better na dito lang ako.. diba baby?”

“Tama!”

“Oi ikaw lalaki.. kung anu-ano yung mga tinuturo mo jan sa anak ko.”

“Teka.. anak natin for correction.”

“So?”

“So? We need to get marry na para di maging anak sa labas tong babay natin,.. diba?”

“Dami mong alam… abutan mo ako pagkain…” sabi niya.

I am happy kapag sinusungitan na ako ni Arwin. Means nun eh okay na siya. Yung tipo na getting to recover.

“Kain madami ah… daming taba nawala sayo..” sabi ko.

“Kapal mo talaga… tinanggal ko na nga yang taba na yan para mag laway ka…” sabi niya sabay tawa.

“Hahaha.. nagpapapogi ka pala sa akin ha…” lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

“Hoy better get off me…”

“Just trying to make you smile…” nagblush siya at natawa naman ako.

“Don’t stare at me like that.” Sabi niya.

“Di ko maiwasan.”

“I hate you!”

“But I love you..”

“Yiih… si daddy at si daddy…” sabi ni Khail.

“Tignan mo ginagawa mo… oi…”

“Okay lang naman diba baby?”

“Opo… yehey gagawa sila ng baby!” napatingin ako kay Arwin.

Isang mabangis natingin lang ang ginanti niya sa akin.

“Oi ikaw… anu-ano pinagtuturo mo sa baby ko?”

“I’m innocent…” sabi ko na lang.

“Pag ako nakalabas dito humanda ka sa akin.”

“Hahaha.. baby do you want brother or sister?” tumango lang siya.

“Oi wag mong bahiran ng kalokohan baby ko.”

“Well… baby.. yaan mo pag gumaling si daddy mo we will make another baby for you para magkapatid ka ah.”

“Bastos mo.”

“Ang bastos nakahubad.. ang special nakatuwad…” sabi ko.

“Green minded..”

“Gusto mo naman di ba?”

“Spell kapal.”

“Hahaha… kumain ka na nga jan.”

“Yeah.” Sabi niya sabay subo.

Doon na talaga kami nag celebrate ng pasko.

Kahit ganun, Masaya ako.

Kasama ko kasi yung mahal ko.

Para kaming pamilya ngayon dito. Haixt.

Makita ko lang na nakangiti si AJ.

Halos mag iilang araw na din kami dito.

Lalabas na siya bukas dahil okay na naman daw.

Malapit na rin ang bagong taon kaya medyo ayos ayos na rin kami.

2 days na lang at mag babagong taon na. ano kaya ang plano ko ngayong taon? Haixt.

Nandito pa rin ako sa ospital at talagang pinangatawanan ko na pagtira dito.

Desidido ako na alagaan siya. Kahit na pinagtatabuyan na niya ako kung minsan.

Hay naku AJ halikan kita jan eh.

Masaya ako na ngayon, okay na siya at Masaya.

Kahit na may kinikimkim, alamkong babalik na ang dating Arwin na kilala ko.

[AJ’s POV]

“Hoy di ka pa ba uuwi?” tanong k okay James.

“Bakit ba?” sagot niya sabay balik sa panonood ng TV.

Feeling at home talaga.

Akala mo lagging ibabalandra ang katawan.

Sando tapos boxer, sa lamig dito sa ospital ganun pa damit niya. pag siya nagkapulmuya laking tawa ko na lang.

“Kung di ka uuwi magbabayad ka rin ng renta dito..”

“Okay sabi mo.”

“Hay ewan sayo.”

“Pikon.” Sabi niya.

“Pikon your face..”

“Sungit mo.”

“Umuwi ka na kasi ayaw na kitang makita.. nasususot ako sa mukha mo..”

“Mahal, naglilihi ka ba? Sabihin mo lang.” biglang ngiti niya.

“Oo nagdadalang tae ako.”

“Waw ah.. kambal ba?”

“Hindi.. quadruplets…”

“Hahaha.. dito lang ako kahit ipagtabuyan mo ako..”

“Bakit ba?”

“Andito kasi ang bahay ko.”

“Waw ah…. Ospital na pala ang bahay mo.”

“Mali ka jan…”

“Huh?”

“Iisa lang ang bahay ko… yang puso mo.”

Natameme ako sa sinabi niya. kumabog ang dibdib ko tulad ng dati.

Bwisit ka James, bakit ba ganito ka?

I am suffering from heart ache pa pero bakit ganyan ka? Amp ka.

Nagblush ata ako.

“Hey.” Sabi niya.

“Oh?” sagot ko.

“Natameme ka..”

“Nanahimik lang…”

“Nagblush ka ba?”

“Hindi ah…utot mo.”

“Ayiieh.. kinikilig…”

“Ano to PBB teens?!”

“Hahaha… I love you!” sabi niya.

“And I hate you…”

“Alam mo… halatang kinikilig ka…”

“Wag kang feelingero..”

“Aminin mo na kasi..”

“Che…”

Haixt nasaan na ba kasi sila mama at iniwan nila ako kasama tong asungot na to.

“Talk to the hand…” sabi ko.

“Arte eh.”

“Shut up…”

“Hahaha. Sarap mo asarin.. panget mo.” Sabi niya.

“AKo? panget? Wow ah.. nahiya ako sa balat mo..” magsasalita pa sana siya pero may kumatok na sa may pintuan. Pareho kaming natigilan. Nagulat na rin.

“Tuloy po.”

At pumasok nga siya.

Napanganga ako sa kung sino yung pumasok.

Di naman sa ganun nagulat pero di ko lang inaasahan.

Ano ang ginagawa niya dito?




No comments:

Post a Comment