by: White_Pal
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
“Ang tao daw ay nilikha ng diyos
bilang isang mabuting nilalang. Siyempre bilang tao, nakakagawa tayo ng mga
pagkakamali sa buhay natin. Paano kung nakagawa tayo ng pagkakamali sa ibang
tao dahil sila rin naman ay sinaktan tayo? Tama bang gumanti? kung hindi ka man
gumanti, makakaya ba ng puso mo na kimkimin lahat-lahat ng galit?
Paano kung ang puso mo ay punung puno
ng hinanakit at galit sa ibang tao? Makakaya mo pa bang umunawa? magbigay?
MAGPATAWAD?
Makakaya mo pa bang magmahal, kung ang
puso mo ay hindi nakaranas ng pagmamahal ng iba?”
----------------------------------------------
Part 1
“New Year.. A New HOPE??”
Ako si Gabriel, Gab for short. Lumaki
ako ng walang kaibigan at walang nakakaintindi. Well, meron naman akong mga
matitinong nakakausap pero di ko pa rin sila maituring na kaibigan dahil sa
takot nila na kapag nakisama sila sa akin eh pati sila ay i-reject na rin ng
mga bad kong kaklase. Mahal ako ng pamilya ko at mahal ko rin sila. Pero
syempre bilang tao, iba pa rin yung may mga kaibigan kang nakakasalamuha,
nakakatawanan, nakakakwentuhan, at may nasasabihan ng problema. Lumaki akong
nilalait at pinagkakaisahan sa classroom namin. Ang tawag nga nila sa akin ay
“Clown” kasi nga ako yung pinagtatawanan, pwede nila akong kutsya-kutsyain kung
trip nila, lait-laitin kung gusto nila, at ipahiya kung gusto nila. Oo mahirap
pero wala akong magagwa eh ganito na ang naging takbo ng buhay ko at kailangan
ko na lang tanggapin lahat yun.
Ngunit Nagbago ang lahat noong 14
years old ako, December 31 yun at di ko makakalimutan ang araw na iyon. May
party kasing pinaghandaan ang mga kaklase ko. Siyempre, ano pa ba ang i-expect
ko na mangyayari sa party? Edi ipapahiya na naman nila ako, lalaitin, at kung
ano-anu pa man. Pero since invited din ang mga parents ano pa ba ang magagawa
ko kundi OO na! Go! Kasi kung aayaw ako edi malalaman nanaman ng mga magulang
ko ang pam-bubully sa akin at ayoko na rin silang madamay at maging malungkot
dahil sa bagay na yun kaya titiisin ko na lang.
Nang makarating na kami sa Area, ito
ang naging bungad sa akin ng mga kaklase ko.
CLASSMATE 1: “Oh!! Eto na pala si…
(nakita ang Mom ko) si…… Gab!!!”.
CLASSMATE 2: “Oo nga noh! Hi Gab!”
sabay ngiti na alam ko namang ka-plastikan lang yun.
AKO: “Hi..” ngumiti ako ngunit pilit.
Since nandun ang Mama ko, hindi sila
makapag-react so ayun tawa na lang ako sa isip ko.. hehehe.. anyway, ng Makita
ko si Steph ay gusto kong umiwas na dahil ayaw kong sirain niya “New Year” ko
noh.
Ngapala si Steph ang masasabi mong
“School’s Primo Girl” or Prime Girl (sige para formal hehe..). Maganda,
matalino, at may tangkad na 5’10 at Crush ng bayan, pinagkakaguluhan ng mga
lalaki at lahat ng iniuutos nya ehh sinusunod ng lahat. Siya rin ang taong
madalas magpahiya sa akin sa harap ng klase. Hindi ko alam kung bakit pero
paulit-ulit na eksena na lang ang nangyayari sa amin. Syempre, kakampi nya ang
lahat, no comment na lang ako kapag bumanat na sya.
So ng Makita ko sya sinabi ko sa Mama
ko na umakyat na lang sa second floor kasama ang ibang parents dahil ayaw ko ng
Makita pa niya ang gagawin sa akin. Nang makaakyat na ang parents ko, nakita
ako ni Steph at tinaasan ng kilay at biglang ngumiti na parang may kademonyohan
nanamang pumasok sa utak niya.
STEPH: “Wow! At dumating ka ha..”
AKO: “Oo naman dadating naman talaga
ako.. kelan ba ako hindi sumunod at tumupad sa usapan?”
STEPH: “Akala ko kasi di ka dadating
sa “New Year’s Batch Party” natin kasi.. alam mo na; you don’t belong here..
Kasi… Utu-utuan ka, Gusgusin ka, ang taba-taba mo pa, at ang Pangit PANGIT MO
PA! Hahaha!!” ang pang-lalait nya sa akin
Nagtawanan din ang mga classmate ko.
Yung iba sa kanila ay sumimangot dahil di nila gusto ang ginagawang yun sa akin
ni Steph ngunit wala silang magagawa.
STEPH: “Hhhmm.. Since you’re here na
rin naman, Why don’t you get me some food and drinks?”
AKO: “uuhhh.. Ok” ang sagot kong
tatanga-tanga.
Nang kinuha ko siya ng juice at
pagkain ay sinadya nyang banggain ako at tabigin ang mga hawak ko para bumuhos
sa akin lahat yun.
STEPH: “OH MY GOD!! Ano ba yan!! Ang
tanga-tanga mo talaga!! Buti sana kung sa iyo lang lahat yan tumapon eh pati
ako natapunan eh!! Tanga-tanga mo talagang bobo ka!! Don’t you know that my
blouse and my jewelries are more expensive THAN YOUR LIFE?? Bobo!! Wag kang
magkalat ng Ka-bobohan mo dito!!” Sabay sampal at sabunot sa akin.
Hindi pa siya nakuntento at ang iba pa
niyang mga kaibigan ehh kinuha ang mga inumin nila at binuhos lahat sa akin.
Halos mangiyak-ngiyak na ako ng
lumapit sa akin si Elyana or “Ely”, kaisa-isang kaibigan ko since 1st year high
school. In fairness, maganda si Ely at may tangkad na 5’6. Hindi lang yun,
mabait at palaban pa, yun bang ipaglalaban niya kung ano ang sa tingin niya ay
tama kahit pa kontrahin sya ng lahat. Ganun si Ely, kaya nga madalas niyang
makasagutan si Steph eh lalo na pag ako na ang inaagrabyado.
ELY: “Tama na!! Grabe naman kayo!! Di
pa kayo nakuntento? Pinahiya niyo na nga yung tao tapos kung ano-anu pa ang mga
binato’t ibinuhos niyo sa kanya!!”
STEPH: “May sasabihin ka pa ha??
Bwahahaha!! So, ano na ngayon ang gagawin mo? Ha? Ha?? Nyahaha!!”
Kinuha ni Ely ang chocolate fountain
na naka-display sa long table at binuhos kay Steph.
STEPH: “AAAAHHHH!!!! Sheeeetttt!!! HOW
DARE YOU!! Hay*p ka!!” Sabay nanlisik ang mga mata.
ELY: “Mas hayup ka!! Oh ano?? Lalaban
ka ha? Ha!!” Pinandilatan rin ni Ely ng mata. Hehe..
Biglang dumating si Manong Guard at
lumapit kay Steph.
GUARD: “Ma’am (reffering to steph)
alis na po kayo dito, nangugulo kayo ehh”
STEPH: “Aba!! Itong hampas lupang
guard na ito!!! At bakit mo ako paalisin aber?? Ha??” ang mataray niyang sagot.
ELY: “Ayy! Di ko ba nasabi sa inyo?
Daddy ko kasi ang may ari ng Clubhouse na ito eh.. kaya Tsupi-tsupi ka na
Steph.. Layas ka na! at inaaway mo yung O-W-N-E-R ng Clubhouse.” Pag-eemphasize
nya sa OWNER at sabay ngiti ng painsulto.
At ayun na nga pilit kinaladkad ng
guard si Steph habang ang buong katawan nya ay punong-puno ng chocolate.
Nyahahaha!!!
STEPH: “Hayup ka!! Linoko mo kami!!
BITCH!! SLUT!! HAYUP!!” Ang pagsisigaw nya at pagturo kay Ely..
STEPH (ulit): “Bitiwan niyo ako!!
BITIWAN NYO KO!!” pagsisigaw niya na parang sira-ulo.
Pinaalis din ang mga alipores ni Steph
sa loob ng clubhouse. Kaya halos kalahati na lang ang natira na mga ka-batch
namin sa loob ng clubhouse.
ELY: “Let’s get ROCKIN’!! Ituloy natin
ang party kahit na-tsupi sila!! Lalo na ang bruhitang yun.. I-aakyat ko lang si
Gab para magpalit ha?”
Pag-akyat ko sa itaas ay naligo ako at
nagpalit ng damit. Expected ko na ganun ang mangyayari kaya lagi akong
nagababon ng damit at syempre since alam ko naman na madudumihan ang una kong
damit, binabaon ko yung mga magagandang damit talaga. Hehehe..
AKO: “Ely, ok na ba itong suot ko?”
ELY: “Wait lang ha.. nagreretouch lang
ako..” sagot niya habang naglalagay ng lipstick at make-up. Hehe..
Pagkatapos niya magpaganda.. Hehe..
Tumingin siya sa akin at…
ELY: “Wow!! Ang gwapo naman ng fwend
ko!!”
AKO: “Naku!! Nanloko nanaman.. Ely,
alam naman nating pareho na ang pangit-pangit ko at ang taba-taba ko.”
Sa totoo lang kasi kapag tumitingin
ako sa salamin, di ko talaga magustuhan itong pagmumukha ko. Lalo na ang height
ko na 5’4 ay di ko rin gusto dahil sa totoo lang ang liit-liit ko kumpara sa
mga kaklase kong lalaki. Pero sabi ng ibang tao like si Ely, ok naman daw di
naman daw ganun ka-sagwa. Pero.. HAY EWAN!!! Hehehe..
ELY: “Hay naku! Wag kang makikinig dun
sa mga Eklabursh na yun! TSSSEEEE Na lang sa kanila lalo na kay Steph.” Sabay
tawa ng malutong at malakas.
ELY (Ulit): “At tsaka di ka naman
pangit.. chubby oo konti, pero di ka pangit.. Trust me” sabay ngiti at kindat..
AKO: “Hehehe... Salamat.... Umm...
Ely, pwede nipisan mo yang make-up mo ang kapal eh.. Hehehe..”
ELY: “Hayaan mo na ang ganda ganda ko
nga ehhh.. Ooohhhh.. SEE?? SEE?? SEE!!” sabay pose ng kung anu-ano.
AKO: ”Hahaha!! Uhhmm Ely, thanks sa
palaging pagtatanggol mo sa akin ahh”
ELY: “Wala yun! At tsaka naisip ko
na-ipapahiya ka nanaman kaya pinilit ko sa mga organizer na dito gawin ang
party para naman mapalayas ko ang mga TSETSEMONS!! Hehe.. At Diyos ko naman,
isa ka sa mga masasabi kong mabait at totoong tao sa classroom natin. Tingnan
mo nga ohh inaapi ka na’t lahat eh di ka parin lumalaban. You Should learn to
fight! PAK PAK!!”
AKO: “Wahehe.. Oh sige, akyat muna ako
sa 3rd floor magpapa-cool lang ako” sabay smile.
ELY: “Oh sige ha.. at pagkatapos mo
dun ehh bumaba ka na para Makita ng lahat ang kagwapuhan mo.. At ako naman,
Rarampa na!! Nyahaha..”
AKO: “Adik!! Hehehe..”
Pag-akyat ko sa itaas, pumasok ako sa
isang malaking room na may piano este keyboard lang pala. Umupo ako sa doon at
binalik-balikan ang mga bagay-bagay na nangyari sa akin sa nakaraan. Naiiyak
ako pero ayaw ko ng umiyak dahil pagod na pagod na rin ako at baka mamula pa
ang mga mata ko at mapansin pa yun nila Ely at ng Mama ko. Nang tumingin ako sa
may bintana, may nakita akong bulalakaw or wishing star at nagwish.
AKO: “Sana.. Magbago na ang buhay kong
ito.. Masasabi kong may-kaya ang mga magulang ko, pero sana.. sana..” Nag-crack
na ang boses ko.
AKO (ulit): “Matapos na ang pang-aapi
sa akin at makahanap ako ng mga tunay na kaibigan bukod kay Ely.”
Kahit nandyan si Ely, parang may iba
pa ring hinahanap ang puso ko yun bang may kulang.
Bigla akong tumingin sa harap ko at
nakita ko ang isang song na naka-piano piece na familiar sa akin. At dahil
nakaka-relate ako sa kantang yon, tinugtog ko gamit ang piano or keyboard na
nasa harapan ko at sinabayan ng kanta.
"Do you wonder why you have to
Feel the things that hurt you
If there’s a God who loves you where
is He now
Maybe there are things you can’t see
And all those things are happening
To bring a better ending
Someday somehow you’ll see you’ll see
Would you dare would you dare to
believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been
feeling
It can’t compare to the joy that’s
coming
So hold on you gotta wait for the
light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been
feeling
It’s just the dark before the morning
My friend you know how this all ends
You know where you’re going
You just don’t know how you’ll get
there
So say a prayer
And hold on cause there’s good for
those who love God
But life is not a snapshot
It might take a little time but you’ll
see the bigger picture
Would you dare would you dare to
believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been
feeling
It can’t compare to the joy that’s
coming
So hold on you gotta wait for the
light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been
feeling
It’s just the dark before the morning
Once you feel the weight of glory
All your pain will fade to memory
Would you dare would you dare to
believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been
feeling
It can’t compare to the joy that’s
coming
Would you dare would you dare to
believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been
feeling
It can’t compare to the joy that’s
coming
So c'mon on you gotta wait for the
light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been
feeling
It’s just the hurt before the healing
Oh the pain that you’ve been feeling
It’s just the dark before the
morning.."
Pagkatapos ko tumugtog at kumanta at
the same time. Biglang may pumalakpak sa may likuran ko. Tiningnan ko kung sino
yun, at nakita ko ang isang lalaking may tangkad na 6 ft., may pagka-mestis,
matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang balat at pisngi, at NAMAN ang
mata!! Sheettt!! Ang ganda pagmasdan. In short, Gwapo!! Nyahahahaha!! Di lang
Gwapo... SUPER Gwapo!! At PUTEK NA IYAN ang amo ng mukha.. Nakakaakit!!
SI POGI (wahehe..): “Nice.. ang ganda pala
ng boses mo at ang galing mo mag-piano” sabay ngiti na nakakalusaw.
AKO: “uuuuhhhhmmm (mesmerize pa rin sa
kanya.. hehehe..) thanks!” ang nahihiya kong sabi.
Aaminin ko, mataas ang standard ko sa
mga ganito. Kung baga, para sa ibang tao eh gwapo or maganda pero para sa akin,
ok lang or napapangitan ako. Hehehe.. ang sama nuh? Pero ewan ko ba kung bakit
ako ganun. Siguro dahil na rin sa mga naranasan kong pang-aalipusta at
pagmamalupit kaya di ko ma-appreciate. Pero naman!! Ang lalaking eto ehh talagang
na-mesmerize ako!!
Maya-maya, nag-umpisa siyang maglakad
patungo sa kina-uupuan ko at parang naging slow motion ang lahat. Hindi ko alam
kung bakit.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
gabbysjourneyofheart.blogspot.com
No comments:
Post a Comment