[AJ’s POV]
Kasama ko ngayon si Princess.
Hindi ko inaasahan na bibisita siya.
Nag uusap kami ngayon.
Tungkol sa nangyari sa amin ni Jaysen.
Hula ko ay naikwento na ni Jaysen ang
lahat. May dala siyang mga pagkain sa akin.
“Kamusta ka na ba?” tanong niya.
“Ayos na ako.”
“Good to hear.”
“Yeah. Ikaw kamusta?”
“Ayos ako.. pero...”
“pero ano?”
“Si Kuya...”
“Ayokong pag usapan to.”
“Pero...”
“Please.”
“Naawa na ako kay kuya...”
“Mas maawa ka sa ginawa niya sa akin.”
“Hindi ko alam yung katotohanan pero
naawa na ako sa kalagayan niya. Gabi gabi pag umuuwi siya lasing.. hindi siya
kumakain lagi.. nagkukulong.. nakakaawa na yung itsura niya....nabubugbog na
siya ni papa dahil sa tuwing uuwi ito lasing at wala sa katinuan.. please...
ayusin ninyo to..”
Hindi ko alam ang dapat maramdaman.
Dapat ba na maawa ako o makadama ng
pagkamuhi.
Nasaktan ako, hindi lang si Jaysen.
“Princess, nasaktan ako ng kuya mo...
kung alam mo lang ang ginawa niya sa akin.. sobrang sakit yung naramdaman ko
nung makita ko siya kasama yung hayop na lalaking yun... kung ikaw ang nasa
kalagayan ko magagawa mo bang harapin pa ang kuya mo? Takte yan. Masakit yun
lahat lahat ginawa ko. Isinakripisyo ko ang lahat para lang maging maayos kami
pero ano ang ginawa niya? Imbis na intindihin ako, ginawa pa niya yung
kalokohan na yun! Malaking kalokohan yung mag sakripisyo ako para sa kanya
dahil worthless lang lahat lahat yun!” mahaba kong sabi.
“Pero ano ba ang nangyari at
nagkaganyan kayo? Ano ba ang nangyari sa inyo at ngayon ay ang gulo ninyo?”
Ikinuwento ko lahat, lahat lahat ng
nangyari.
Ipinaintindi ko sa kanya ang sakit na
dulot ng kanyang kapatid.
Halos mapatulala na lang siya ng
malaman ang katotohanan.
Masakit man sa kalooban niya pero
tinanggap niya. Napaluha na lang siya.
“Sorry... akala ko ikaw ang may
mali... I was wrong... ako na ang humihingi ng tawad...”
“Galit na galit ako sa kuya mo..”
“Pero hindi gagawa si kuya ng ganun
kung walang dahilan.”
“Anong dahilan yun ha? Ano?!” galit
kong tugon.
“Pero sana magkaayos kayo.. hindi ko
kayang makita si kuya na nagkakaganun... magkakasakit siya.. please.... para sa
akin..”
“Princess, di kon pa kayang humarap sa
kuya mo.. pero..”
“Pero ano?”
“Sabihin mo sa kanya na okay ako...
sabihin mo na sa takdang panahon mag uusap din kami.. hindi lang talaga
ngayon.. di ko pa kaya.... hintayin niya yung panahon na yun.. yung panahon na
kalmado ako at handa na siyang harapin.”
Yun na lang ang sinabi ko at niyakap
ako ni Princess.
“Maraming salamat... magpagaling ka
ah... sana mag kaayos pa kayo ni kuya... gustong-gusto kita para sa kanya..”
sabi niya.
“Mukhang hindi na mangyayari yun...”
“Kung sakali man na hindi.. hope na
kayo ni James ang magkatuluyan... I assure you na kung si kuya man ang
magsasabi nun ay siya rin ang i-rerecommend...” ngumiti lang siya at tumayo na.
“Aalis na ako.. umaasa ako na sooner
or later magkakaayos kayo..”
“Sana...” sabi ko.
“Pagaling ka ah.. hihintayin ka ni
kuya.”
Nginitian ko na lang siya.
Lumabas na siya ng pinto at saka naman
pumasok si James.
“Ayos ka lang ba?” tamong niya sa
akin.
“Yeah..”
“Okay.”
“Gutom na ako... penge pagkain..” sabi
ko.
“Kukuha ka..”
“Sumbong kita kay mama.”
“edi sumbong mo.”
“Amp ka... gutom na ako.. ano ba?”
“Oo na.. baka gumapang ka pa jan...”
“Amp. Bilis nga..”
“Makapag utos wagas.. ano ako yaya
mo?”
“Oo.. bagay sayo... halata sa
itsura...”
“Sa gwapo kong ito?”
“Saan ang gwapo? San banda?”
“Sa mukha siyempre.. may gwapo ba na
ang pagkagwapo ay nasa paa? Common sense... talino mo pa naman.”
“Grabe ka.. pilosopo..”
“Weh di nga?”
“Amp mo. Ewan sayo.”
“Love you babe.”
“Maka babe ka jan.. babe mo nguso
mo...”
“Nye.”
[James’ POV]
“Anak... okay na ba a ang lahat?”
tanong ni mama.
“Opo... ready na.. so ano ma, alis na
tayo?”
“Sige sige..”
“Si baby ko?”
“Ayun nauna na sa sasakyan.. excited
na nga eh..”
“Naku yun talagang batang yun..”
“Sabik na talaga yun masanay ka na.”
“Yeah.. mana sa daddy niya...”
“Baka sayo..”
“Ma naman.”
“Oh sige tara na at ng makaalis na
tayo.”
“Okay.”
Papunta kami ngayon sa bahay nila AJ.
Napagdesisyunan kasi namin na mag
cecelebrate kami ng New Year doon.
Mag celebrate na rin kami ng home
coming para kay AJ.
One day ago eh lumabas na siya so
isasabay na rin namin yun sa pagsalubong sa bagong taon.
Niluto ko yung favorite na pagkain ni
AJ.
Sinarapan ko yun at dinamihan ng
cheese. Well well well. Hahaha.
Konting minuto lang ang byahe at
nakarating na kami sa kanila.
Ayon, si baby ko ay agad na bumaba at
sumalubong sa dady niya.
Tong batang ito, nakapagseselos na
talaga grabe.
Paano ba naman, mas nasama sa daddy
niya amp.
Baka iniimpluwensiyahan siya ng daddy
niya haha. Joke lang.
“Happy new year..” bati ko.
“Mamaya pa excited.” Sabi niya.
“Taray mo pa din eh.”
“Ano ngayon?”
“Bagong taon na eh..”
“Hahaha. Joke lang..” sabi niya at
tumawa.
I am happy na okay na siya.
Pasaway lang talaga kasi galaw ng
galaw sa bahay nila.
Hindi siya mapakali sa isang sulok.
Sarap ngang asarin ito eh. Haahha.
“Babe.. relax lang ano ka ba? Nandito
lang ako di ka na mapakali jan.” Sabay ngiti.
“Hoy lalaki, kapal din ng mukha mo.”
“Matagal na ngayon mo lang nalaman.”
‘Hindi... 10,000 years ago na.”
‘So matanda ka na pala.” Ngumiti na
lang siya at nagpatuloy sa pag gawa.
“Simba tayo mamaya ha.” Sabi ko.
“Magsisimba kaming lahat, maiwan ka
dito.”
“Bakit ba init ng dugo mo sa akin
ngayon? Magbabagong taon na eh.”
“Just keep your mouth closed at umupo
ka na lang jan.”
“Paano kung ayoko?”
“Bugbugin kita.”
“Ng halik?”
“Ng kamao ko.”
“Tapos wrestling tayo sa kama?”
“Bastos mo.” Binato niya ako ng
basahan.
“Easy pikon ka agad eh.. I love you.”
“I hate you..”
“The more you hate, the more you
love.”
“Neck neck mo..”
“Wow, ang sweet mag away.. tignan mo
pamangkin ko, yung dalawa mong daddy ang sweet oh.” Sabi ng ate ni AJ.
“Oo nga po. Hehehe. Yehey
magkakakapatid na ako.”
Natawa ako sa sinabi ni Khail at
nakita ko ang kakaibang tinigin ni AJ.
“Baby ano ba sabi ng daddy mo? Kung
anu-ano ata yung pinagsasabi niya sayo.” Sabi ni AJ.
“Kasi sabi ni daddy magkakaroon lang
daw ako ng kapatid kapag naging sweet na kayo sa isa’t-isa... sabi ni tita,
sweet daw kayo kaya magkakakapatid na ako.. yehey.”
Nakita kong tumitig sa akin si AJ at
lumapit.
Agad akong tumayo at tumakbo.
Hinagad niya ako ng tambo at nag
ikutan kami sa buong bahay.
Alas-otso ng gabi ang simba kaya lahat
kami pumunta ng simbahan.
Nakagawiaan na sa namin na mag simba
tuwing sasapit ang bagong taon.
Naging payapa yung pagsisimba pero
medyo nainis ako dun sa lalaking katabi ni AJ.
Kasusot eh.
Kaya tumabi ako sa tabi niya.
“Oh anong nangyari sayo?” tanong niya.
“Dito na ako.”
“Bakit?”
“Wala.” Bigla siyang napatingin sa
katabi ko.
“Kaya naman pala.. nagseselos ang
mokong.”
“Ako nagseselos? Excuse me.”
“Dadaan ka?”
“Ewan sayo.”
“Ang cute mo magselos.. wala ka naman
dapat pagselosan.”
“Eh paki ba.. wag kang maingay nga..”
“Hahaha.. lagot ka sa akin mamaya.”
“Nye...”
“Bleh.” 9:15 ng matapos ang misa.
Umuwi na rin kami pagkagaling sa
simbahan at nagsimula ng kumain. Waaah.
Ang sasarap ng nasa harapan ko. Imba
oh.
Katakam takam.
May Carbonara, bake mac, chicken,
pizza roll, madaming desserts, leche flan at marami pang iba.
Yumm yum yum yum yum!!!
“Oi.. kaya ka tumataba lakas kumain.”
Sabi ba naman sa akin ni AJ.
Naghubad ako ng t-shirt ko at pinakita
ang maganda kong katawan.
Nakita kong natigilan siya at tumungo.
“Ganito ba ang tumataba?” sabay kindat
sa kanya.
“Oo.. yan o bilbil.”
“Sus... paano mo nasabi? Nakita mo na?
Nahawakan mo na?”
“Oo. Dati pa.”
“Eh ngayon?” natatawa ako.
“Oo.”
“Hawakan mo nga.”
“Ewan sayo..” tumayo siya at umalis.
Nagsuot na ulit ako ng damit at
itinuloy ang pagkain. Hahaha. galing ko talaga.
Dumaan ang mga oras at nagkaroon na ng
kasiyahan.
Party party kumbaga. Napakasaay namin
kasi parang isang pamilya lang kami. Haixt.
Unti-unti ng napapalapit ako kay AJ
muli.
Sa oras na mging settle na ang lahat,
wala na akong pro-problemahin pa.
Magiging masaya na ulit kaming lahat.
Hanggang sa dumating ang punto ng countdown namin.
Magpapaputok sana ako kaso pinigilan
ako ni AJ.
“Bakit?” tanong ko.
“Wag.. ayoko... please...” nakita ko
yung pangamba sa mukha niya.
“Salamat...” sabi ko at saka ngumiti
ako.
Hinawakan ko ang kamay niya.
“Kung alam mo lang kung gaano ako
kasaya ngayong kapiling kita... Na kasama kita.. mahal na mahal kita...” di
siya umimik at nakarinig ako ng countdown.
“5.... 4... 3... 2... 1...” niyakap ko
siya at hinalikan sa labi.
“Happy New Year!” kasabay nito ang
pagbagsak ng luha ko.
“Happy new year din.” Sabi niya at
niyakap niya ako.
Bumalik na kami sa pagsasaya kasama
sila.
Sasalubungin ko ang bagong taon na
masaya, cheer up at positive.
Aasamin ko na magiging okay na ang
lahat.
Todo party party ang ginawa namin.
Sayawan dito, kantahan at ano pa.
Masaya ang pamilya namin sa isa’t isa
at komportable ako.
Matapos ang isa’t kalahating oras na
pagsasaya, nagsimula na kaming mag ayos ng sarili at matulog.
Magkakatabi kami nila Khail matulog.
Advantage talaga ako kapag tinuturuan
mo ang bata. Hahaha.
Tinakpan na lang namin yung mga handa
namin kasi sigurado na kinabukasan eh kakain na naman kami.
Hindi pa ako inaantok kaya nasa
veranda na muna ako.
Si AJ naan eh pinatulog na si Khail.
Nakapag palit na ako at hinihintay ko
na lang si AJ.
Siguro pauunahin ko na lang muna siya
na matulog.
Nandito ako at nag iisip isip.
Ano bang gagawin ko para makuha kong
muli ang loob ni AJ?
I love him so much at alam kong ganun
din siya.
Mukhang matatagalan nga lang yung
sugat na ginawa sa kanya ni Jaysen. Haixt.
Gago kasing lalaking yun, gumagawa
agad ng kamalian ng di iniintindi ang pagkakataon.
Habang nandun ako sa labas kumanta na
lang ako ng torpedo. Haixt.
Ang torpe ko kasi kabago bago. Hahah.
Di ko masabi agad na pwede bang
ligawan ka. Haixt.
“Wag mo na akong pilitin... ako ay
walang lakas ng loob... para tumanggi... wala kang dapat ipagtaka ako ay
pinanganak na torpe.... sa ayaw at hindi...”
“Pasensiya na.. kung ako ay hindi
nagsasalita..” nagulat ako ng makarinig ng tinig mula sa aking likuran.
“Kala ko tulog ka na.” Sabi ko.
“Eh narinig kitang kumanta kaya
nagising ako.” Sabi niya.
“Sorry..”
“To naman di ma biro.” Sabi niya.
“Sus...”
“Oh bat nag drama ka jan?”
“Wala lang...”
“Sus.”
“Masaya lang ako.”
“May masaya bang nagmumukmok?”
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Nakatalikod siya sa akin at
nasaharapan ko siya.
“Oi ano ginagawa mo?”
“Let’s stay like this for a while.. na
miss ko to ng sobra...” napatigil siya at hinawakan ang kamay ko na nakayakap.
“Sobra mo ba akong na-miss?” tanong
niya.
“Sobra sobra. Araw-araw inaasam ko na
mayayakap kitang ganito... alam mo ba yun.. everyday is killing me without the
presence of you... akala mo ba na napakadali nito sa akin?” di siya umimik.
“Hanggang ngayon nag hihintay ako.”
Sabi ko.
“Di ko sinabing mag hintay ka.”
“Mahal kita eh.”
“Kahit na.”
“Arwin.. alam kong mahal mo pa ako..
sana naman bigyan mo ako ng chance na patunayan muli ang sarili ko sayo..”
Hinintay ko yung sagot niya.
“Bigyan mo ako ng chance.. please...”
sabi ko ulit.
“Masakit pa eh...”
“Handa akong maghintay.. basta wag mo
lang akong pagbawalan... wala na naman kayo ni Jaysen diba? Kaya pwede na akong
umeksena.”
“Alam mo. Napaka tamis talaga niyang
mga dila mo... nadadala ako ng mga salita mo..”
“Wala ka ng magagawa... hehe.”
Tatanggalin ko na dapat yung kamay ko
pero pinigilan niya ako.
“Let’s stay like this.. please... I want your
presence on me...” sabi niya.
“Sabi na at namiss mo ako.”
“Kapal mo din.”
“Sus. Inamin mo na nga kanina.”
“Hoy wala akong inaamin.”
“Okay sabi mo eh.” I hugged him so
tightly kaya nagsalita siya agad.
“Sabi ko hug lang.. hindi
panggigigil.. pati merong tumutusok sakin.. wag kang naughty...”
Natawa ako nung sinabi niya yun.
Yeah. I can’t help myself to have my
flesh alive.
“Sorry... madaling arw na naman diba?”
“Anong connect?”
“Alam mo naman kung anong kasabay ng
araw na bumabangon..”
“Midnight pa lang..”
“Kahit na.”
“Easy lang.. napaghahalataan yung
pagiging ano mo eh..”
“Oy hindi ah.. nung ginawa nga natin
yun ikaw jan yung agresibo.”
“Hoy ang kapal ng budhi mo....”
“Joke lang...”
“Ikaw kaya yun...” Nanahimik kami ng
ilang saglit.
“Let’s do it again.” Sabi ko.
“Grabe ka. Di ka nahiya sa akin.” Sabi
niya.
“Well nakita mo na naman lahat lahat.
Wala na akong naitatago sayo diba?”
“Oh anong gagawin ko? Di dahilan yun.”
“Alam mo nakita ko na rin naman yan
eh. Nadilaan ko na nga buo mong katawan eh.”
“Kadiri ka.”
“Hahaha. Kasi naman eh.
“Ang libog mo.”
“Nadadala lang.. pati bagong taon
naman ngayon eh kaya pwedeng makisabay sa mga putukan..”
“Ayoko na nga.. tutulog na ako..” sabi
niya.
“Joke lang... di ka mabiro.”
“Che..”
“Pero alam mo... may kasabihan na kung
sino yung mga magkakasama sa bagong taon, sila din yung magkakasama sa buong
taon.. kaya masaya ako kasi magkasama tayo.”
“Sus talaga lang ha.”
“Oo naman.”
Nakayakap pa rin ako sa kanya. Haixt.
Feeling ko mag asawa kami sa itsura
nain ngayon eh.
Pinapanood na lang namin yung mga
fireworks.
Ang gaganda kasi eh.
Hanggang sa maya maya may narinig
kaming kalabog sa baba.
“Ano yun?” sinilip ko yun at nakita ko
sila tita, mama at ate.
“Anong ginagawa ninyo jan?” tanong ni
AJ.
“Ah eh nagliligpit lang.”
“Palusot ninyo... nakikinig kayo sa
usapan namin?”
“Hindi ah.. wala kaming narinig.. diba
diba?”
“Oo naman wala..”
“ma naman eh pasimuno ka pa jan.” Sabi
ni AJ.
“Anak.. ano ka ba.. tinitignan lang
namin kung okay kayo..”
“Edi inamin ninyo na pinapakinggan
ninyo kami.”
“uhm.. oo na.”
“So narinig ninyo lahat?” tanong ko.
“Lahat lahat.” Nagtawanan sila.
“Nak naman ikaw talaga.”
“Nagsi-alisan sila pero si ate nantili
doon.”
“Grabe ka utol... nag ganyunan na pala
kayo ni James... ang landi...” saka umalis.
Si AJ naman ay pumasok sa loob at
nahiga.
“Good night.” Sabi ko.
“Di na good night”
“Edi good morning... I love you.” Saka
ako nagtalukbong.
Sana pag gising ko, okay na ang lahat,
yung wala na akong pro-problemahin.
[AJ’s POV]
Haixt. Ano ba naman tong tanghali na
to?
Ang init-init. Woah.
I need air to breathe grabe lang.
Haixt. 2nd week na ng January at
grabe, sunod-sunod na naman ang mga exams. Haixt buhay.
“Ano gagawin dito AJ?” tanong sa akin
ni Angel.
“Kunin mo muna yung formula ng surface
area ng rectangular prism tapos i-derive mo yan.” Sagot ko.
“Ah okay.thank you.” Sabi niya.
“May bayad yan. Kitkat.” Sabi ko.
“Wag na.”
“Hahah. Joke lang. Teka, ano assign
natin bukas?” tanong ko.
“Wala naman. Hahahah. Okay na yun
tapos na natin eh. Di na tayo nagparevision.” Sabi ni Mikel.
“kakain ba kayo?” tanong ni Kent.
“Uhm.. ano kayo ba?” tanong ko din.
“Tara.. tagal pa naman class natin
eh... punta tayo sa North Point..” sabi ni Angelo.
“Sa cafeteria na lang.” Sabi ni Angel.
“Mahal dun eh kahit malamig.”
“Okay sige.”
Bangayan nila.
Doon kami nagpunta.
Wow ang init.
Buti na lang at kakaunti ang tao.
Paupo na sana ako ng may biglang
narinig akong nagsalita sa videoke.
Yeah. Merong videoke sa North Point.
Bondingan kasi dito ng professors at
students.
“These song is dedicated to the person
who wears blue polo-shirt with black stripes.”
Lahat ay nagtinginan sa akin. Amp.
Eksena na naman, at ako ulit.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
Halos lahat nagpalakpakan sa ginawa ni
Jaysen.
Pero sa akin, grabe nakakahiya kasi
pinagtitinginan ako ng tao.
Ano bang naisip nito at kumanta at
dinedicate pa sa akin? Haixt.
Alam naman din ng iba yung tungkol sa
amin, at alam na rin nila na break na kami.
Grabe ang bilis ng balita amp na amp
lang.
“Ang haba ng buhok mo.” Sabi ni Angel.
“Tumigil ka nga jan.” Sabi ko naman sa
kanya.
“Wow. Pasabog. Hahah. Galing ng ex
mo.” Sabi ni Mikel.
“Di ko alam kung ano ang pakulo niya.”
Sabay upo. Umupo na ako at di na tinitigan pa ulit si Jaysen.
“Tara order na tayo.” Sabi ko. Sumunod
naman sila.
Halos lahat nagtilian naman sa
tuwing lalapit ako. Grabe.
Nakakahiya.
Nakita ko pa yung ibang prof namin,
grabe talaga.
“Di ba siya yun? Ang sweet naman.”
Sabi nung isang babae.
“Gwapo pa niya ah... di mo na talaga
madidistinguish kung lalaki yung isang tao.. pero kahit bi yan, ligawan niya
lang ako sasagutin ko yan.” Bulong ng isa.
Kung makabulong wagas ah, rinig ko kaya
pinagbubulungan ninyo, tuktukan ko kaya kayo amp.
“Pigilan mo ako Angelo.” Sabi ko.
“Easy lang.”
“haixt.”
Umorder na lang ako.
At ayun, iseserve nalang naman daw
yung order namin.
Umupo na kami at nagklwentuhan.
Ako naman ay umubob na lang.
Wala na rin si Jaysen doon sa upuan
nila.
Buti naman at umalis na siya.
Sa ngayon naman, okay na ako.
Inis na lang talaga ang naramdaman ko.
Sa pagdating ng panahon, natutunan ko
ang magpatawad.
Okay na rin lang naman eh.
Wala na rin naman akong magagawa eh.
Haixt buhay.
Pati, it’s time to move on.
Legal chit chat ang kailngan namin.
Habang nakaub-ob ako may narinig akong
pinagkakaguluhan nila.
“Wow naman. Ang sweet grabe.”
“Tsk. Nakakainggit. Iba talaga ang
appeal ni AJ.”
Mula sa pag kakaub-ob ay nag taas ako
ng mukha at nakakita ako ng isang regalo.
Grabe ah.
Para san yan. Para kanino?
“AJ. May nagpapabigay sayo.” Sabi nung
may hawak.
Ang laki nung regalo.
Grabe yan.
Paano ako makakapsok nito. Amp.
“Kanino galing.”
“Basta po. Nautusan lang po ako.”
Ibinigay niya yung regalo at umalis
na.
Malambot at malaki, alam na teddy
bear. Grabe.
Pero ang laki neto nakakahiya.
Lalo tuloy nagtinginan yung iba.
“Grabe mas maganda pa siguro na sa
cafeteria tayo. Nakainis lang.” Ang nasabi ko.
“Ang sweet ng ex mo oh. Nililigawan ka
ulit.”
“Kahit na.”
“Patawarin mo na kasi.”
“Walang basagan ng trip.” Ang sabi ko.
“Buksan mo na para malaman natin kung
anong laman.” Sabi nila.
“Teddy bear to. Grabe kayo.”
“Dali na.”
Pinagbigyan ko na sila.
Mula sa pagkakalagay sa paper bag ay
binuksan ko yung laman.
At di ako nagkamali sa hula ko teddy
bear nga.
“Oh diba sabi ko sa inyo.”
“Wow ang cute...” sabi ni Angel.
“Teka may recorder oh.” Sabi ni
Angelo.
“Pakinggan natin.”
“Oy teka wala namang basagan ng trip..
akin yan eh.. akin na nga.” Sabi ko.
Kinuha ko yung headphones ko at
pinasak yun dun sa recorder.
Pinakinggan kong mabuti yung
nakarecord dun.
Narinig ko na lang na may kumanta.
Boses ni Jaysen.
He’s voice is cute when he is singing.
Nakita ko ang pagkakatitig nila sa pag
ngiti ko.
Kaya pinause ko yung kanta.
“Don’t stare at me.” sabi ko sa kanila
“kinikilig ka jan eh.”
“Di ah.” Pinagpatuloy ko na pakikinig.
“Sa isang sulyap mo ay nabihag ako..
para bang himala ang lahat ng ito.. sa isang sulyap mo, nabighani ako.. nabalot
ng pag asa ang puso.. sa isang sulyap mo nalaman ang totooang sarap ng buhay,
punong-puno ng kulay... sa isang sulyap mo ayos na ako... sa isang sulyap
mo.... napaibig ako...” he used to sing me this way.
Yun naman nagpapakilig sa akin eh
kapag kumakanta siya.
Akala ko tapos na pero biglang may
nagsalita.
“Hello AJ... kamusta ka na? Hope ayos
ka lang. I was trying to call you pero di mo sinasagot... I guess ayaw mo akong
kausapin... alam kong galit ka pa rin hanggang ngayon sa akin. Gusto ko sana na
makipag ayos sayo.. gusto ko sana na ibalik ang lahat. Kung hindi man ang
lahat, kahit friendship lang... narealize ko na ngayon kung anong ginto ang
pinakawalan ko.. narealize ko na maling mali ako sa mga pinaggagawa ko sayo..
napaka tanga ko na nagkaroon ako ng way para saktan ka.. sorry AJ. Sorry mahal
ko.”
Di ko namalayan na uunti-unti
nakaramdaman ako ng pagkalungkot.
I hear a sincere voice over him.
“Si Aldred na ang nagsabi sa akin na
bakit daw ginawa ko pa yun? Wala siyang kasalanan, siguro nagamit ko lang
talaga siya. He is a nice buddy at isa pa, mabait siya di lang natin alam kung
ano ang nangyari behind thoses incidents between Chad and him. Oo nga pala, isa
pa, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Hope sana mapatawad mo
pa ako at hindi pa huli ang lahat. Alam mo ba na para akong namatay nung nawala
ka. Halos gabi-gabi ginagawa kong impyerno ang sarili ko. Napakahirap mawala
ang isang taong mahal mo. Ako ang nagkamali at hindi ikaw. Maling
pagkakaintindi lang ang nangyari... sana pagbigyan mo ako na makausap ka.. sana
magkausap tayo.. sana lang... please...”
Narinig ko na humihikbi siya. Doon ako
lalong napaiyak.
“Hihintayin kita sa birthday ko,
January 24... sa bahay namin.. may party doon... I will sent a formal
invitation sayo.... e-mail lang yun.... di naman bongga party.. yung tayo tayo
lang... with family, friends... hihintayin kita....sana magkausap na tayo ng
ayos.... mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon.... sige hanggang dito na
lang.. sana magustuhan mo yung teddy bear na ibinigay ko sayo... sige bye.”
At puro kanta na yung sumunod.
Tinanggal ko yung head set ko at
inilagay sa abg ang recorder at headset.
Pagkatingin ko sa kanila, lahat sila
nakatingin sa akin.
“Anong meron?” sabi ko.
“bakit ka umiiyak?”
“Wala to...”
“Weh.”
“Wala nga.. tara na kain na tayo...”
sabi ko.
“Hintayin lang natin yung kay Gelo.”
Sabi ni Mikel.
“Okay.”
Naiwan ako na nagiisip haang
hinihintay namin yung order ni Angelo. Haixt.
Pupunta na ba ako?
[Chad’s POV]
It’s been three weeks since then ng
medyo mahilo hilo ako.
Feeling ko talaga na oover stressed na
talaga ako.
Di ko kasi malaman.
Kulang daw ako sa dugo sabi ng mga
doctor.
Under observatio pa daw ako pero sabi
nila na mag ingat pa daw ako kasi malaking chance na isang sakit ang dinadala
ko.
Sabi ko naman, ako magkakaroon ng
sakit?
Imposible. Haixt. Matagal tagal na rin
na hindi kami nagkikita ni Arkin.
Lagi siya busy sa hindi ko malaman na
dahilan. Haixt.
Hinagilap ko si AJ pero ang hirap
makita.
Mapagtanungan nga mga classmates niya.
“Nakita ninyo ba si AJ?” tanong ko.
“Ah. Wala na siya medyo kaalis lang..
may sumundo sa kanya eh.”
“Oh talaga? Sino? Si tito at tita ba?”
“Hindi eh... may gwapong naka kotse na
sumundo sa kanya.. manliligaw ata niya.” Sabi nito.
Manliligaw?
Agad agad?
PBB teens?!
Pero kakabreak lang nila ni Jaysen ah?
Baka naman over acting lang mga to.
Haixt.
Di nag sa sabi tong si AJ sa akin.
Sabagay matagal tagal akong di
nagparamdam sa kanya. Haixt nakakatamad.
Free naman ako today kaya makapag
gala.
Isasama ko si Arkin.
Matawagan nga.
Ilang sandali lang eh sumagot na siya
eh.
“Hello.” Sabi niya.
“Ei hello... ui.. gala tayo.. pwede ka
ba?”
“Aww.. salamat sa alok pero di pwede
eh... sorry.”
“Ah ganun ba.. ok.. sige.. kelan tayo
gagala?”
“Uhm.. try natin the day after
tomorrow?”
“Okay.. sige sige.. deal yan ah..”
“Okay sige...”
“Sama mo na din si AJ...”
“Ah.. okay?” at binaba ko na yung
phone.
Sabi ni tita, okay na naman daw si AJ
eh.
Mabisita nga siya? Uhm.
Pero baka wala pa yun.
Sino kaya yung sumundo sa kanya.
Haixt.
On the way na ako pauwi ng
makasalubong ko si Jaysen.
Kakatapos lang ata ng practice nila.
“Ei.” Bati ko.
“Ui musta?” sabi niya.
“Okay lang naman.. ikaw ba? Okay ka
na?”
“Uhm.. kahit papaano okay naman...”
“Sus... ei.. labas tayo.. wala ako
makasama eh...”
“Sure... gusto ko din naman ng may
makakausap eh.”
“San tayo?” tanong ko.
“San ba maganda? Uhm... sa Beanstalk
na lang..”
“Sige sagot ko..”
“Sure...” sabi niya.
Napakadupang talaga di man lang nang
agaw ng libre amp. Hahahah.
Maganda ang atmosphere dito sa
beanstalk. Well.
Sa mga nakakaalam nito, alam ninyo
kung saan yun.
Maganda naman siya.
Mahal nga lang pero sulit naman.
Tahimik na lugar yun.
“Ano bang nangyari sa inyo?” tanong
ko.
“Naghiwalay.”
“I mean.. bakit kayo naghiwalay?”
“Mahabang kwento..” sagot niya.
“Grabe ka makasagot... gusto mo ng
makakausap tapos ganyan ka.. amp.”
Tapos nagtawanan kami.
“Joke lang... uhmp... di kami
nagkaintindihan eh... medyo nagkagulo kami...” sabi niya.
“Ano ba kasing ginawa mo at ganyan ang
galit sayo ni AJ?”
“Kasi sumama ako noon sa dating tinitirhan
ila AJ... tapos nameet ko yung mga friends niya... lahat lahat.. pati nga yung
ex niya...” sabi nito.
“Wow.. how brave you are,...” sabi ko.
“oo.. yung ex niya an di ko
ineexpect...”
“Bakit?”
“So di mo pa pala alam?”
“Ang alin?”
“yung ex niya?”
“No hindi pa... ayaw niyang magkwento
sa akin eh.”
“Siya na lang ang tanungin mo ako.. I
will be ramain silent... pero by the way.. ayun nga... akala ko kasi
nangangaliwa siya kaya nagalita ako ng patalikod at iniwan siya... then
suddenly... ayun nga...may nagawa akong pagkakamali.” Saad niya.
“Wag mo nga akong bitinin.. ituloy
moyung kwento..”
“Nakita kaming dalawa ni Aldred ni AJ.
Pero not the same thing sa nangyari sa atin.” Boom. What? Paanong? Parang gusto
kong gulpihin si Jaysen.
“Gago ka? Bat sa lahat ng tao si
Aldred pa? Shit ka.” Ang nasabi ko.
“Di ko naman plano na ganun eh..
nangyari na yun.. at tsaka...wag mong sisihin si Aldred.”
“Kung alam mo lang..” sabi ko.
Nakakinis sobra.
“tangek... mag usap nga kayong
dalawa.. kailngan ninyong magkaliwanagan.” Sabi niya.
“Saka na.. pag guho na ang mundo...”
“Ikaw talaga ayt...”
“Tangek ka naman pala eh.. dapat lang
na hiwalayan ka ni AJ. Di ka pa nakuntento sa amin ni AJ” sabay tawa.
“ Adik mo... pinagsisishan ko na nga
eh.”
“Haixt... adik mo.. ayan ang ayaw ni
AJ eh. Kaya nga nung nangayri sa atin yun, dumistansya ako ng bahagya sa kanya.
Di ko kasi mapatawad sarili ko sa nangyari.”
Oo, kaya ako dumistansya ng kaunti kay
AJ. Tanda ko pa noong nangyari sa amin ni Jaysen.
“Hey cheer up... okay na yun... let’s
forget.. pati nag enjoy naman ako nun.. pag gising ko sakit ng katawan ko...
wild mo ata sa kama eh.” Sabi niya.
“Kapal mo.. buhusan kita jan ng
kumukulong kape eh.”
“Sus... kung pagnasaan mo katawan
ko..”
“Hoy ang kapal mo.”
“Pero ikaw pala.. bakit wala ka pang
boy friend.. tagal na nung nangyari yun eh..”
“May hinhintay ako... may isang tao na
mahal ko na hinihintay ko na amkalimutan niya yung ex niya...”
“Kilala ko ba to?”
“Secret..”
“Sus. Siguraduhin mo lang na mas gwapo
sakin to..”
“Ang laki nga ng agwat ninyo eh...
napaka gwapo niya kung ikumpara sayo..”
“Ang tanong magaling ba sa alam mo
na.”
“Libog ng utak mo..”
“Liberated na to. Kasalanan to ni AJ
eh.. nakakhumaling ang katawan niya...hahha.” sabi nito.
Alam ko deep inside nasasaktan siya.
Ginagawa lang niyang katatawanan ang lahat.
“Anong balak mo?” tanong ko.
“Hihingi ako ng tawad. Alam kong
malaki ang galit sa akin ni AJ pero gagawa ako ng paraan para mapatawad niya..”
“Good luck sayo..”
“Salamat.. nga pala.. punta ka sa
birthday ko ah.. asahan kita... regalo ko ah.”
“Okay na ba salamin sa regalo?”
“Grabe ah..”
“Joke lang.. okay sige.” Nagkwentuhan
pa kami ng kung anu-ano.
Masaya kasama si Jaysen.
Feeling ko nga were best friend dahil
sa kung anu-ano na nalalaman ko.
Nawala na yung pagkagusto ko sa kanya,
lumipas na ang panahon eh. Joke.
Sa ngayon, si Arkin ang gusto ko.
Liligawan ko ba siya? Haixt.
[AJ’s POV]
Pauwi na sana ako noon ng makatanggap
ako ng text galing kay James.
“Ei. Andito ako sachool ninyo.” Grabe.
Anong ginagawa niya dito?
“Anong ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka.”
“Tae ka.. bahala ka jan..”
“Sige mag sisigaw ako dito..” maya
maya nakarinig ako ng tiliian.
Grabe ang tatalandi. Haha. Joke.
“Grabe ang gwapo niya...”
“Taga saan siya?”
“Sinong hinahanap niya?”
“Grabe ang gwapo talaga niya..”
“Sinong gf niya dito?”
“baka naman bf...” sabay tawanan.
Kinabahan ako. Feeling ko si James yun. Pasaway.
“Diba siya yung star player nung
kabilang school?”
“Oo nga no.” Confirm... si James nga.
Tumatawag na siya.
“Oh paghihintayin mo ba ako dito?”
sabi niya.
“Tae ka.. daming nakakaita sayo..”
“Marami akong dala.. di ako
makakapunta jan..” reasons ko.
“Sunduin kita jan..”
“wag na.. sige ako na lalabas.”
“Yun naman pala eh... 5 mins at wala
ka pa mag isisigaw ako dito.” Sabi niya.
“Amp ka.. sige na.”
Nagpatulong na lang ako sa mga
classmate ko para dalhin gamit ko.
May malaking teddy bear ako, tapos
meron pang mga gamit.
Ang hirap ng buhay. Hahaha
Pagbaba ko, siyempre nakatingin mga
tao.
Kaya pinangharang ko yung bear para
matakpan ang mukha ko.
“Si AJ yun diba? BF niya? May bago
agad?” bulong-bulungan doon.
“Grabe naman ah.” Sabi nung iba.
“Ei.. san galing yan?” tanong ni
James.
“Wag ka ng matanong.” Sabi ko.
“Sungit mo..” nagulat na lang ako ng
hawakan niya kamay ko. Halos lahat ng tilian.
“My gosh.. BF nga.. ang swerte niya...
grabe.. baka siya dahilan ng break up nila ni Jaysen.. wow... grabe.. ano bang
meron yan?” grabe nakakhiya na.
Lagot sa akin to mama.
Humanda ka sa akin James.
Pagsisishan mo na ipinanganak ka.
Habang umaandar ang kotse, tahimik
ako.
Sino ba naman ang di matathimik sa
kalokohan na pinaggagawa nitong si James.
“Tahimik ka yata?”
“Eksena mo.” Sabi ko.
"Gusto lang naman kitang sunduin.
Malay ko ba na pagkakaguluhan ako doon.”
“Feelingero ka.”
“Totoo aman ah?”
“Shut up na lang.”
“Buti nga sinundo pa kita oh.. dami mo
bitbitin.” Sabi niya.
“So utang ko pa ng loob sayo lahat
to?”
“Di naman kind of...” maya maya may
tumawag sa kanya.
“Pakisagot nga...” sabi niya.
“May utusan ka ah?”
“Dali na babe.” Sabi niya.
“babe mo mukha mo..” nakita ko yung
name, si Chad.
“Ei.. ikaw na sumagot.. si Chad eh...”
“Oh si Chad naman pala eh.. kausapin
mo kaya?” sabi niya.
“Tongek ka ba? Di nga niya alam
tungkol sa atin diba? Common sense.” Sabi ko.
“Okay okay..fine...” sabi niya.
Di na ako nakinig sa usapan nila.
“Sige.. isama mo si AJ ah.” Nakuha nun
ang atensiyon ko.
“Ano yun?” tanong ko.
“Gala daw.”
“Bakit kasama ako?”
“gusto ko lang.”
“Nakakinis ka.. baka makahalata si
Chad.”
“Bakit kasi di mo pa sinasabi sa
kanya?” tanong nto.
“Di pa ako nakakauha ng tiyempo...”
“Dali lang sabihin..”
“Eh magagalit yun sa akin eh.. paano
ba naman.. haixt.. sige na nga sasabihin ko na... as soon as possible..” sabi
ko.
Good luck. Sana maintindihan niya.
Pero parang may gusto kasi si Chad kay
James eh kaya natatakot ako.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[Chad’s POV]
Heto kami ngayon at hinihintay si AJ.
Kahit kailan talaga tong lalaking ito.
Kanina pa namin siya tinetext at
tinatawagan at yun, tinanghali siya ng gising. Hahaha.
Kasama ko si Arkin ngayon at,
nakakinlove suot niya.
Well di naman sa ganun ka bongga pero
labas yung mga muscles sa katawan niya. Grabe talaga.
Tapos yung pagkabad boy look pa niya
yung nakadagdag doon.
Wow talaga.
“Kabadtrip talaga yung panget na
yun..” sabi ni Arkin.
“Ganun ba yun dati pa?” tanong ko.
“Ay naku.. Di naman. Lagi ngang nauuna
yun.. laki ng pinagbago nung panget na yun... pero ayos pa rin naman..” sagot
niya.
“gaano ba kayo ka-close ni AJ?” natigilan siya
sa tanong ko at saka nag isip.
“sakto lang.” Sagot niya.
“Paanong sakto lang?”
“Basta ang hirap ipaliwanag.”
Maya maya dumating na si AJ.
“Sa wakas.” Sabi ni Arkin.
“Sorry... bakit ba naman kasi napasama
pa ako dito.” Sabi ni AJ.
“Gagawin kitang alalay.” Sabi ni
Arkin.
“Alam ninyo.. ginagawa pa ninyo akong
chaperon.. magdate na nga lang kayong dalawa.” Sabi niya.
“Oi... buti nga hinintay ka namin
jan.” Sabi ko.
“Oh san tayo pupunta? Teka libre mo
ako panget.” Sabi niya kay Arkin.
“Ang dupang mo kahit kailan.”
“Kapal mo naman... aalis ako sige..”
“Opo kamahalan... ililibre kita....
buong araw.” Sabi nito.
Di ko maintindihan kung bakit pero
nagseselos ba ako.
Bigla akong nakaramdam ng inis kay AJ
sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi ko pwedeng pagselosan si AJ.
“Teka bakit ang panget mo ngayon?”
nakikinig lang ako sa usapan nila.
“As if naman na gwapo mo ngayon..
kapal ng ngipin mo.”
Kung titignan sa pagbabangayan nila,
daig pa nila mag syota eh. Haixt.
Taena to, nagseselos na ba talaga ako?
Pero bakit?
Wala naman dapat pagselosan.
Magkaibigan lang naman sila eh pati...
teka... magkaibigan?
Ano ba talaga lagay nila?
Magkaibigan lang ba talaga?
“Oi kayong dalawa tara na... nood muna
tayo ng sine.” Yaya ko.
“Oh right... teka... ano gusto mo
panoorin?” tanong ni Arkin kay AJ.
“Kahit ba na ano... ikaw ba Chad?”
naiinis ako bakit ganun?
Kapag nakikita ko silang dalawa na
naguusap naiinggit ako.
Dapat ba na isinama ko si AJ o hindi?
Haixt.
Naiirita ako promise.
“Kayo na bahala.” Tapos smile na
pagka-plastic.
“Tara dun.” Nakita ko na hinigit ni
Arkin si AJ.
“Ei ano ba? May paa ako.. kaya ko
maglakad mag isa... kung makaladkad ka wagas..”
“Arte mo kahit kailan.”
“Behave... chuuu..” sabi ni AJ.
“Rawr...”
Ako ang nagmumukhang alalay dito sa
amin.
Ano ba eksena mo AJ eh. Arghsh.
Gagawa din ako ng sarili kong eksena.
“Aray.” Pakunwaring natalisod ako.
Agad na lumapit si Arkin sa akin.
“Okay ka lang ba..”
“Oo eh.”
“Ui.. ano ayos ka lang?” lumapit si
Aj.
“Yeah..” mapait kong sagot.
Grabe ang harsh ko. Amp.
Buong maghapon ganun ang set up namin.
Agawan ng atensiyon.
Di ko alam kung bakit
nakikipagkumpetensiya ako sa kanya.
Di ko malaman kung ano ang dahilan ng
pagseselos kong ito.
Hanggang sa nagkauspa kami ni AJ ng
kung anu-ano.
Nabili kasi si Arkin ng pagkain namin.
Di ko alam kung bakit pero parang ang
bitter ng pakikitungo ko kay AJ. Haixt.
“Teka.... pupunta ka ba kila Jaysen?”
tanong ko.
“Yeah. Pinapupunta niya ako.. pati mag
uusap kami.”
“Di na ba talaga kayo magkakabalikan?”
“Di na siguro... tama na muna siguro
for now... pati.. we need each others time para maka move on.. kung mag uusap
kami.. maayos namin yung alitan namin at di ba sabi nila.. yung pagbabati ng
isang tao yung paraan para makawala ka sa nakaraan.” Sabi niya.
“sabagay.”
Nanhimik siya. Ilang sandali lang eh
nagsalita siya.
“May sasabihin ako...” nakinig lang
ako.
“Kasi.. tungkol to... sa...”
“Saan?”
“Sa ex ko.....”
“Anong tungkol sa ex mo?”
“Kasi ganito.. ahm... kasi eh...”
“Ano nga?”
Bakit ba di makapagsalita si AJ.
“Oh heto na order natin.”
Biglang sabi ni Arkin.
Di ko na namalayan na dumating siya.
Tumabi siya kay AJ na nagpainit na
naman ng dugo ko.
Ano ba naman yan?
“Usod.”
“Ano ba? Dun ka nga.. laki laki ng
space doon eh.”
“Grabe ka naman.. sa payat mong yan
nasisikipan ka pa dito sa pagtabi ko.”
“naalibadbaran lang ako.”
“Arte mo.”
And here we go again.
Minsan nga parang mas maganda kung
magdissolve na lang ako dito.
6pm na nung makauwi ako ng bahay.
At inihiga ko na lang yung sarili ko
sa kama.
Nagtatanong pa rin ang isisp ko kung
bakit, bakit ganun na lang ang pagseselos ko?
[AJ’s POV]
I wear my favorite ¾ sleeves.
Yeah porma ko ngayon.
Birthday ni Jaysen at may regalo ako.
Ngayon na yung araw na magkakaayos
dapat kami.
Sana makapag usap kami ng masinsinan
at maayos.
I am hoping na maging maayos ang lahat.
Kasama ko nagyon si Chad.
Nakakpanibago lang kasi nawala yung
kadaldalan niya sa akin.
Dati rati pag nagkikita kami di
matigil ang bibig nito kakasalita.
Nakakahalata na din ako na madalas
akong sungitan nito.
Noong last na gala namin napansin ko
na na para bang ang bigat ng pakikitungo niya. Haixt.
Sasabihan ko na rin sana siya na si
James ang ex ko.
Pero pasaway tong si James grabe.
“happy birthday!” bati ko kay Jaysen
ng makita ko siya.
“thank you at nakapunta ka.”
“Walang anuman.”
“Kain na muna kayo doon.”
“Sige.. salamat...” isinama ko na si
Chad.
Text ng text tong mokong na to grabe.
“Sino bang katext mo at napapangiti ka
jan?”
“Secret...”
“Sus pasecret secret ka pa jan..
mamamya yung tamabay dun sa kanto ah.”
“Wag ka nga.. yun mga type mo.. eww
grabe...”
“Tara na... kain na tayo... tom guts
na ako...”
“Kdot.” Sabi nito.
Kami kami lang ang tao.
Yung kapatid niya, mga kasambahay at
mga kaibigan.
Wala yung papa niya. Nakita ko rin si
Bianca.
“kamusta?” bati ko.
“Ayon ayos naman... ikaw ba?”
“Okay din.”
“nabalitaan ko yung nangyari.”
“Hehehe.... di rin pala kami
magtatgal. Kaya ayon.”
“Sayan naman.”
“Pero chance mo na rin to.. kaya grab
it”
“Adik mo... pero yung totoo okay ka
lang ba?”
“Yeah I am alright... pati mag uusap
kami ni Jaysen mamaya.”
“Hope mag kaayos pa kayo..” ngumiti
lang ako.
“Sige I’ll go ahead.. kakain na muna
ako..”
“Sige sige...”
Party party.
Ang ingay nga eh gawa ng music. Mga
kabarkada niya ayon, nag iinom.
Isinasama pa nga kami.
Aba itong si Chad tumador pala.
Grabe.
Kailan kaya kami magkakausap ni
Jaysen?
Eh mag iinuman pa tong mga to. Haixt.
Hahaha.
Pumunta na lang ako sa may garden
nila.
So peaceful naman dun at maraming
halaman.
Pangarap ko pag nagpatayo ako ng
bahay, may garden din at artificial falls.
Para masaya diba? Hahaha.
Siguro yung mama nila Jaysen ang
nagpatayo nito.
Karaniwan kasi mga babae ang mahlig
dito at isa pa maganda yung pagkakaayos nito.
“Nag iisa ka ata.”
Narinig ko na lang na may nagsalita sa likod
ko. Nakita ko si Jaysen na nakatayo doon.
“Dalawa na tayo ngayon.” Sabay ngiti.
“I am happy na nag smile ka na.”
“Oo nga pala.. may gift ako sayo..”
kinuha ko yung regalo ko sa aking bulsa.
“Ingatan mo yan eh.”
“Di ka na dapat nag abala.”
“Tanggapin mo yan.. magtatampo ako pag
di mo tinanggap yan.”
“Salamat.”
Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang
kamay ko.
Pinabayaan ko lang siya na hawakan
ito.
“Mamaya makita ka ng mga kasambahay
ninyo na hawak ang kamay ko.”
“Ngayon lang naman to.. pati busy sila
sa loob.”
Di na lang ako nagsalita.
Naramdaman ko na pinipisil niya yung
kamay ko.
Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.
“Sorry.” Sabi niya.
“It’s okay... tapos na yun..”
“Pero.. tayo?”
“Jaysen... tapos na din tayo... tulad
ng sinabi mo noon na pag umalis ako sa bahay ninyo eh nangangahulugan yon na
wala na tayo...”
“Kaya nga nag so-sorry ako.. di ko intensiyon
na sabihin yun..”
“Pero nangyari na yun eh...”
“Sorry na.... please... gagawin ko
lahat.. mabalik ka lang sa akin... pinag sisishan ko na yung ginawa ko please.”
Nag angat ako ng ulo at humarap sa
kanya.
Nakita kong mga luha sa kanyang mukha.
“Jaysen... mabait ka... mapag alaga..
at mahal kita... lahat ginawa ko pero nasaktan ako... di ko na alam kung
mababalik pa yung dati...”
“Bigyan mo ako ng second chance
please...” lumuhod siya sa harapan ko.
“Jaysen tumayo ka jan.”
“Mahal kita AJ please.. nagmamakaawa
ako...” habang nakikita kong nagmamakaawa siya parang nadudurog ang puso ko.
Umupo ako at niayakp siya.
“Jaysen... patawarin mo ako... di na
pwede... di pa handa ang puso ko... di ko alam kung bakit pero... ayaw ko na
muna ngayon...” nagpunas siya ng luha saka humarap sa akin.
“Alam ko yung tunay na nangyari...
sinabi sa akin ni James. Nagkamali ako.. kasalanan ko.. ang tanaga tanaga ko..
kung alam ko lang na ganun ang ginawa mo para sa akin... di ko man lang
narealize na ganun mo ako kamahal para iwanan siya para sa akin...” hinawakan
ko ang kamay niya.
“May pagkakamali din ako Jaysen...
inilihim ko ang lahat sayo.. alam ko at ramdam ko na nung malaman mo yun di ka
na mapakali.”
“AJ.. salamat sa lahat.. yung totoo..
mahal mo pa siya diba?” di ako nakasagot.
“Alam ko yun kaya nagpakahirap ako
para lang mabaling sa akin ang pag ibig mo. Hanggang ngayon mas matimbang pa
rin siya. Di ko alam kung bakit? Pero the way na iniwan mo siya para lang sa
akin, the best yun. Napatunayan ko din na may taong handang ipagpalit ang lahat
para lang sa akin.”
Tumayo siya at tumalikod.
“Tandaan mo na mahal na mahal kita”
niyakap ko siya ng patalikod.
“Nandito lang ako para sayo..”
“Mahal din naman kita eh.. kaso mas
matimbang lang talaga siya.” Humarap siya sa akin.
“Mahal kita.. at ikaw ang
kahuli-hulihang lalaking mamahalin ko...” hinawakan niya yung mukha ko at
hinalikan.
Muli namin pinagsaluhan ang mga labi
ng isa’t isa.
Ramdam ko ang mga halik niya na kung
saan nagbibigay sa akin ng kasiyahan.
“Nandito lang ako para sayo... handa
kang mahalin.... mag hihintay ako..”
“Pero..”
“Hangga’t hindi ka ikinakasal...
mamahalin pa rin kita at maghihintay ako... let’s enjoy the party.... friends?”
“Friends...” niyakap ko siya ng
mahigpit.
Okay na rin to.
Mas okay na to kesa sa hindi kami
magkasundo.
Bumalik kami doon ng nakangiti. Sana
maging ayos na ang lahat ng bagay.
[James’ POV]
Narito ako ngayon kasama ang baby ko
sa school.
As usual pinagtitinginan ako ng tao.
Hahaha.
I am wearing a plain white t-shirt at
jeans.
Ang masculine kasing tignan.
Pati alam ko na attracted sa akin si
AJ kapag ganito ang damit ko.
Mas okay kasi sa kanya yung white
plain t-shirt.
“Daddy... punta tayo kay daddy.”
“May gagawin lang ako anak ha.”
“Bilisan mo daddy.. miss ko na si
daddy.”
Ay tong batang to, mas love na niya
yung daddy niyang masungit kaysa sa akin nakakapagtampo.
Kinukuha ko na yung requirements ko.
Kinukumpleto ko na.
May summer kasi ako sa lilipatan kong
school.
Para makahabol agad ako sa kinukuha
ko.
After kong matapos yung requirements,
nagmadali na kaming pumunta sa school ng mahal ko.
Aba at nakanta pa tong bunso namin.
“Makikita ko na si daddy kasama pa isa
pang daddy.. kakain kami sa labas.. ang saya saya...” tapos susubo ng
chocolate.
“love ko si daddy.. love ko rin si
daddy....” kanta siya ng kanta. Grabe tong batang to.
After a several minutes nakarating na
kami doon. Tinawagan ko muna si AJ.
“baby wait lang ah... tatawagan o ang
daddy mong panget.”
“Isusumbong kita kay daddy niaaway
mo.”
“baby nakakahalata na ako ah.. sino
mas love mo?”
“Parehas lang...”
“Di ako naniniwala...”
“Daddy naman po eh..”
“Eto na sige.” Nagring lang phone
niya. Ang tagal sagutin ah grabe.
Maya maya nakarinig ako ng bell.
Naka ilang tawag pa ako at d pa rin
siya sumasagot.
Come on.
Marami ng estudyante yung lumalabas.
“Ui ang gwapo oh...”
“Oo nga.. diba siya yung player dun sa
kalaban nating school?”
“Oo nga eh..”
“Sayang may anak na ata...”
“So what.. gwapo oh.. macho pa.”
“Sabagay.”
“Diba siya yung sumundo kay AJ dati?”
“Oo..”
“Ah...” maya maya sumagot na yung
tinatawagan ko.
“Asan ka?” tanong ko.
“Kakalabas ko lang ng class ko.
Bakit?”
“Punatahn mo kami sa tapat ng North
Point bilis...”
“At bakit?”
“Eto oh.” Binigay ko kay Khail yung
cellphone.
“Sabihin mo sa daddy mo na bumaba
dito.”
“Daddy.. andito kami.. punta ka dito
please...” tapos binalik sa akin yung phone.
“Grabe ka panakot mo baby ko. Amp..
sige I’ll be right their..”
“Okay...”
After 5 minutes eh nakita ko na siyang
tumatakbo.
“Ano bang ginagawa ninyo dito?” nakita
niya si Khail na kumakain ng ice cream.
“baby ko.. I miss you so much.... I
love you..”
“I miss you too.. mwah...”
“Kung anu-ano na pinapakain mo dito..
lumolobo na oh.”
“Ibig sabihin di ko siya
pinapabayaan...” pumasok ako sa kotse.
Pumasok din siya, alam kong mahihiya
yun kasi nakikita nung iba ako.
Pinaandar ko yung kotse at agad siyang
nagreact.
“Oi san tayo pupunta?”
“Kakain.. gutom na kami ng anak natin.”
“Grabe..may class pa ako.”
“Mag cutting ka muna...”
“Pero..”
“yang anak mo miss ka na.. di mo ba
pagbibigyan?”
“Opo sige na po. Makapang konsensiya
ka wagas.”
“Yeah. Hahah.”
Habang nagmamaneho ako, kalong kalong
ni AJ si khail.
Tapos biglang kumanta si Khail.
“May daddy ako at isa pang daddy...
Mahal ko sila.. at mahal nila ako.... gagawa din sila ng kapatid ko...” bigla
akong nasamid nung sinabi yun ni Khail.
“Oi lalaki... tignan mo tinanim mong
kalokohan sa anak ko.”
“Oi wala akong sinasabi ah..”
“daddy... gusto ko ng kapatid...”
“Anak...” mapapaliwanag sana si AJ.
“Anak... yaan mo.. as soon as possible
gagawa kami ng kapatid mo ah... ano ba gusto mo boy o girl?”
“Hoy adik mo.. sapatusin kita jan.”
“yeah right.”
Kumain kami sa isang resto house.
Ang aliwalas ng feeling dito.
Daming puno at masarap ang hangin.
Umorder ako ng kakainin namin.
“Oh kamusta birthday ni Jaysen?”
“Ayos lang.”
“Nagkausap kayo?”
“Yeah.. okay na kami.. in fact...” di
ko pinatapos yung sinasabi niya.
“In fact ano? Kayo na ulit?”
“Shhh.. ang ingay mo.” Kinabahan ako.
Nakaramdam ako ng galit.
“Paan...”
“Teka... okay na kami.. in fact we are
friends na.. okay na yun tapos na okay? Wag OA.”
“Akala ko kayo na ulit eh... mag
rerebolusyon ako.”
“Weh?”
“Oo.”
“Haixt.”
“Nga pala.. tinawagan ka naba nila?”
“bakit? Saan?”
“Pinababalik ka ah.. diba ikaw yung
nanalo nun dati?”
“Ah sa Mr. Dreamboy? Oo nga pala
ipapasa yung title. Kelan?”
“Sa february 14.”
Valentines Day yun diba?
Diba yun yung time na kung saan, saan
nangyari ang lahat ng ito?
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
(Flashback)
February 28, yun yung araw ng JS Prom
namin.
14 araw matapos yung nangyari sa amin
ni James.
Halos hanggang ngayon masakit pa rin
kapag naalala ko yun.
Kasali ako ngayon sa Search for Mr.
Dreamboy And Ms. Dreamgirl.
Every year eto yung pinaka highlights
ng event lalo na sa JS Prom namin.
Alam na ng lahat ng nasa school yung
pagkatao ko. Dahil dun kay Cyrus.
Akala ko kaibigan ko siya,
pinagkatiwalaan ko siya ng sobra at sa tagal naming magkasama, hindi ko inakala
na siya pa ang gagawa nito sa akin.
Kapartner ko sa pageant si Rizza.
Siya ang dahilan sa pagsali ko, paano
ba naman eh inilista ako doon kasi wala daw siyang kapartner.
Nagsimula yung JS namin ng maayos. Tulad
ng naka-tradition ay isa-isang tinawag yung
mga kasali sa JS Prom.
Magkakaroon kami ng isang entance
ceremony.
Masaya ako sa kapartner ko sa JS Prom,
yung pinakamaganda sa buong batch namin.
Sobra niyang ganda at crush ko siya.
Si Rizza sa pageant at si Sarah sa
Prom.
Oh diba?
Letter M ako kaya nasa kalagitnaan ko.
Nung nasa table na ako, hinintay na
lang namin na tawagin din ng iba.
Pero ang lahat ay nakuha ang atensiyon
ng tawagin na si James.
Halos lahat namangha dahil sa angkin
nitong kakisigan.
Yeah he is handsome sa suot niyang
puting tuxedo matching with his new hairstyle.
Kapartner niya si Rizza at kuminang
din yung ganda ni Rizza.
Todo effort talaga siya at gusto
niyang manalo sa search.
Grabe talaga siya, tinakot pa nga niya
ako para lang makasali noon eh.
Habang papalapit na sa table niya si
James, tumingin siya sa akin at kumindat.
Ewan ko pero di ko maiwasan ang
mapatingin sa kanya.
He is 5 tables away sa akin at
pagkapunta nilang dalawa ni Rizza sa table nila, agad na pumunta sa akin si
Rizza.
“Oi, handang-handa ako ah.” Sabi ni
Rizza.
“Oo nga nahiya nga ako sayo eh.”
“Dapat manalo tayo, aba todo effort
ako.”
“Siguro ikaw mananalo... eh ako? Talo na
at alam na ng lahat ng tao yung sa akin.”
“Alam mo hindi hadlang yun.”
“Kahit na.”
“Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob?
Pati dapat ipakita mo dun sa bano kong kapartner na hindi ka dapat niya
ipinagpalit.”
“Yeah... you are right.”
“Cheer up.... we can do this...”
“Kung sakali lang na manalo tayo...
tayo ang kauna-unahang partner team na mahihirang.”
“Kaya dapat tayong manalo.” Sabi nito.
Nginitian kami ng katable ko.
Si Sarah ang last time na nanalo at
todo cheer siya sa amin.
Sayang lang at 1st runner up lang yung
kapartner niya.
Maayos ang pagdiriwang ng Prom.
Masaya at sobrang enjoy.
Senior high na at last year na namin
to at kailangan i-enjoy.
Kahit na sariwa pa rin yung nangyari,
medyo okay okay na ako.
Habang nag didinner, kakaunti lang ang
nakain ko, paano ba naman tong kapartner ko napaka praning.
Pero kailangan na din namin mag ayos
kasi konting oras na lang at magsisimula na yung search.
Tatlo yung kailngan naming ihandang
isusuot. Rockstar, cashual at formal.
Todo effort ako at si ate lang ang
tumulong sa akin.
Habang palapit ng palapit yung search,
di ko maiwasang kabahan.
Kaya lumabas ako sa dressing room at
nagpahangin.
Nakatulala ako sa langit at
pinagmasdan ito.
Punong-puno ng bituin ang langit.
Natatawa nga ako sa kakahanap ng
hikaw. Siguro lahat sila magugulat sa itsura ko.
Nakahikaw ako ngayon pero magnet lang
naman.
Nagbalak nga ako na magpabutas eh kaso
nagdadalwang isip din ako.
Maya maya nakaramdam ako ng may
yumakap sa likuran ko. Agad naman akong nagulat at hindi nakagalaw agad.
“Good luck.”
Isang malamig na boses galing kay
James. Isang halik ang ginawad niya sa aking pisngi at umalis na.
Sa totoo lang mahal ko pa rin si
James. Gusto ko nga siyang makasama kahit saglit lang.
Alam mo yun, matapos yung nangyari,
naisip ko pa rin na gusto ko siyang yakapin.
Nasaktan niya ako ng sobra pero hindi
ko maiwasn ang mahalin pa rin siya.
Tanga na kung tanga pero mahal ko
talaga siya eh. Yun nga lang napangungunahan lang ako ng galit.
Tinawag na nila ako at magsisimula na
yung pageant.
Halos lahat natensiyon dahil mga
bigatin yung kasali.
Halos lahat magagaling. Kaya habang
hinihintay ang resulta, todo ngit na lang kaming dalawa.
“Kaya natin to. Kita mo yung hiyawan
sa atin.. oh diba?” si Rizza
“Oo nga eh...”
“Kaya dapat lang na magka confidence
ka.” Sabi niya.
Tama siya, tamang confidence lang.
Maayos ang sagot ko sa Q and A portion. Yeah. We rock. Hahaha.
Hanggang sa i-announce na yung mga
winners.
Pareho kami ng nakuha ni Rizza, best
in cashual, best in Formal wear at best in Rockista wear. Mr. And Ms.
Valentines din kami.
Hanggang sa i-announce yung mananalo
“And our Ms. Dream Girl is no other
than... candidate no...... candidate no..... candidate no. 5.”
Halos lahat nagsitilian. Woooah. Kung
di man ako manalo, ayos lang at least I try my best. “And our Mr. Dream Boy is
no other than... candidate no...... candidate no..... definitely her
partner....candidate no. 5.”
At ito na ang pinakamasayaang sandali
sa araw ko ngayon.
Pareho kaming nanalo. Pero to make the
story short, sa unang pagkakataon, nanalo kami pareho.
After ng pageant, nag ayos na kami.
At susunod na event ang pagsasaayaw.
Third part to ng program.
At sa mga susunod na nangyari, ang mga
nakaw na sandali.
Sandali sa buhay namin ni James.
(End of Flashback)
“Oi natigilan ka jan.” Sabi sa akin ni
James habang nagmmaneho siya.
“Naalala ko lang yung nangyari noon.”
Sabi ko.
“Yung time na sinayaw kita?”
“Yeah.”
“Na-miss mo?”
“Hindi.. naasiwa ako.” Biro ko.
“Grabe ka naman.”
“Joke lang.”
“So pupunta tayo ah.. di ka pwedeng
humindi... sabay na tayo pag punta ha...”
“Okay...”
“Bakit parang nagdadalwang isip ka?”
“Natatakot lang ako..”
“Saan?”
“Wala.. never mind... kinakabahan
lang.. sana di ko makita yung kabit mo.”
“Saklap... makakabit wagas...”
“Totoo naman.”
“Oo na lang...” at di na siya umimk.
Ilang linggo ang lumipas at Valentines
day. I am not excited sa araw na ito. May tatlong bagay, una, dahil kinakabahan
ako, second single ako at pinakahuli eh dahil yung araw na ito ang
pinakamasaklap na araw sa akin. Bullets for my Valentines kumbaga. Black
valentines.
“May date kami mamaya.” Sabi ni Angel.
“Edi ikaw na.” Sabi ni Angelo.
“Wooh.” Ganyan kami habang naghihintay
ng proof.
May program nga ngayong valentines day
yung student council. Kaya habang nagclaas kami eh may mga pumapasok at nag
excuse tapos bibigyan ng mga gifts. How sweet? Ang awkward nga lang kapag sa
lalaki nangyari yun. Hahah.
“Hay naku... kayo talagang mga
kabataan ngayon..” ang nasabi na lang ng prof namin.
Tawanan naman kami. Haixt. Bakit ba
naiinggit ako sa kanila? Haixt. Dahil ba single ako? Amp naman. Sana wala na
lang valentines.
Nagsosolve kami ngayon sa calculus ng
biglang may interuption na naman. Hay, ang swerte ng mga napagbibigyan.
“Excuse po... ibibigay lang po kay
Arwin Jake Montederamos.”
Halos malaglag ang panga ko. Lahat
sila naghiyawan. “Ayieh....”
“Pinabibigay po ni Mr. James Arkin
Ramos....”
At lahat sila nagtatanong ang mga
mukha. “Huh? Teka... si James?”
Agad namang umalis yung nagbigay. May
boquet of flowers, teddy bear at maraming chocolates including kitkat. Wow.
“Ang swerte mo boy...” sabi nila.
“Nabigla lang ako.”
“Sino yung James na yun?”
“Ex ko.”
At ang facial expression nila, 0.0
>>>>> o.0 >>>>>> -_- Oh di ba amazing. Mamaya
may kumatok na naman.
“To Arwin Jake Montederamos po..
pinabibigay ni Jaysen Marvin Pangilinan.... I love you daw po.” At halos lahat
nagtilian na naman.
Eksena ng dalawang lalaking ito grabe.
Para na tuloy ako nag shopping neto. Maya maya sunod-sunod na.
Madami akong nakuha na para bang may
malaki akong shopping cart. (Hahaha. Pinangarap ko lang to kaya pagbigyan ninyo
na ako... by. Author. Hahaha :p)
After ng class pinagtitintginan ako ng
tao kasi naman eh dami kong dala, nagpatulong na nga ako sa mga classmate ko.
Hindi ko mahagilap si Chad, busy yun
ngayon kasi nga peek season hahahna.
Maya maya may nagtext sa akin, si James.
“Ei... andito ako ngayon sa may North Point.... hintayin na kita ha..... hope
you like my gift.”
Hay naku kung alam mo lang babatukan
kita. Pero sweet pa rin tignan yung ginawa niya. Napasaya ako.
“Ei... dun tayo sa may North Point...
naghihintay driver ko...” sabi ko.
“Okay.” Sabi naman nila.
Agad kaming nagmadli na pumunta doon
at yun nga ankita nila si James. “Ang gwapo ng driver mo ah.” Sabi nila.
“Kailan mo pa naging driver ang asawa
mo?” sagot naman niya.
At nag troll face silang lahat. Parang
timang tong si James kahit kailan. Haixt. “kailan pa yan AJ ha? Di ka nagsasabi
ha.” Sabi nila.
“Naniwala kayo sa mokong na to? Sige
alis na kami.”
Nagbyahe na kami. Di na sinama ni
James si Khail kasi may pasok pa kinabukasan. Nakarating kami doon ng alas
singko ng hapon kaya may time pa kami para makapag prepare. Medyo mahaba habang
preparation din to.
Kakanta din kaming banda. Ibabalik
namin yung band namin dati. Wew, band member ako, kami ng mga katropa ko. Ako yung
drummer at paminsan minsan vocalist. Hahahha.
“Ei ready ka na jan.. kain na tayo sa
baba... binili ko yung favorite mo.” Sabi ni James.
“Sige po... sabay na tayo ah.” Sagot
ko.
“Subuan mo ako ah.”
“Mag isa ka.. may kamay ka kaya.”
“Eto naman naglalambing lang...
binigyan na nga kita jan ng flowers para naman maging sweet ka sa akin.”
Pagtatampo niya.
“So may kabayaran pala yun.” Pagbibiro
ko.
“Wala. Sige na. Kakatampo ka grabe.
Sobra!” pagmamaktol niya.
“hahaha. Ang cute mo kapag ganyan ka.”
“Ewan.. tara kain na. Humpft.”
“taray mo ah. Tsk. Sige ka, magbago pa
isip ko.”
“Ano namang iniisip mo?”
“Basta.”
“Tss. Kain na lang tayo.” At tinawanan
ko na lang siya.
“Happy Valentines...” nakita kong
sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
Six o-clock nung nag ayos na ako.
Well, dahil sa tulong ni James, napadali ang mga bagay bagay. Halos lahat ng
gamit ko binitbit niya.
Grabe nga, imba ata ang tingin niya sa
akin eh. Pero ang sweet niya kanina pa, kung alam lang niya na sa ginagawa niya
kinikilig ako ng sobra.
Seven o-clock ng magkita kita na kami
sa may school namin dati. Nag sama sama na naman kami after 1 month. Etong si
Rizza grabe ang kasungitan kay James. Daig pa niya ako.
“Oi Rizza, ako ang ex at hindi ikaw.
Makapagtaray ka wagas ah.” Sabi ko.
“Oi. Grabe ka. Nakalimutan mo na ba
yung times na nagpakamatay ka, yung times na halos akala ko sa kabaong na kita
makikita at yung times na halos pasanin mo na yung mundo?” sabi niya.
“Grabe ka. Tapos na yun at saka
forgive and forget.”
“Magpatawad... pwede pa.. pero yung
makalimot... yan ang di ko masasangayunan.”
“Yung totoo... may relasyon kayo dati
ni James no?”
“Eww... nakadiri.” Sabi ni Rizza.
“Grabe naman tong baabeng ito.. maski
ako di papatol sayo... kay Arwin lang ako.” Sabat ni James.
Natatawa na lang ako sa dalawang ito.
“Grabe ka. Dati type kita pero nung patulan mo ang best friend ko, na degrade
na ako sayo.. eww.” Sabi ni Rizza.
“Eh ano ngayon.. ang mahalaga sa akin
yung feelings ni Arwin hindi sayo.”
“So what... basta di ako papayag na
magkabalikan kayo.. over my dead body...”
“Okay sabi mo... wala akong magagwa.”
Sagot ni James.
“Kita mo di ka man lang ipaglalaban
Arwin. Yan ba, yan ba yung mahal ka? Yan ba yung taong pagkakatiwalaan ko?”
Parang mga timang tong mga ito.
Pinagtitinginan na sila ng tao at akala mo magkagalit talaga.
“haha. Sinong may sabi na di ko
ipaglalaban si Arwin. Ang sabi ko okay sabi mo.. wala akong magagwa... di pa
ako tapos.. wala kaong magagawa kundi ang dumaan sa bangkay mo. Yaan mo papa murder
kita.” Sabi ni James.
“Woooh.. talaga lang ha.. tara na nga
Arwin.. iwanan na natin yan.”
“Naku.. sayang si Arwin lang yung may
support from us.. sayang wala ka man lang fans jan.”
“Kapal mo din... dami jan naglalaway
sa akin.”
“Aso?”
“Che.”
“Oi kayong dalawa parang timang.” Sabi
ko.
“Mahal ko.. tara na nga....” sabi ni
James.
“Don’t you even touch him...”
“But I already touch him. Di lang
touch.. more than touch.” Sabay tawa.
“Grabe ka. I hate you. Best tara na..
baka makapatay pa ako ng tao.” Sabay irap.
Yeah masanay na kayo, ganyan si Rizza
kay James pero nagbibiro lang yan. Don’t worry parehas silang harmless.
Nag umpisa yung prom ng 6 pm at 8 pm
pa naman kailngan kami. Pero yung iba naming kasama eh nagayos na para sa band.
Nakita ko si maam kaya lumapit ako.
“Maam musta na po?” tanong ko.
“Ang laki na ng pinagbago mo ah. Ayon,
okay naman ako. Yung gamit mo dalhin mo dun sa AVR room sa taas. Doon kayo
nmagbibihis ng mga banda. Magkakaibigan naman kayo eh. Pati special room yun
hinanda ko para sa inyo. Wag kayong mag alala may libre kayo pagkain. Kahanay
namin kayo sa tabel ng faculty.” Sabay kindat.
“Naks naman maam, special talaga
treatment sa amin.”
“Ganun talaga. At isa pa, principal na
ako kaya dapat yung mga favorite students ko eh special treatment. Guest namin
kayo eh. Kaw talaga.” Sabi ni maam.
“Congrats pala maam.” Sabi ko.
“Magkasama kayo ni James, kaya ibig
sabihin okay na kayo? Naks naman ah.”
“Maam... were getting to know each
other...” sabat ni James.
“Oi ikaw ayos ayusin mo na kasi.”
“Maam naman...”
“Sus. Sige punta na kayo doon sa may
taas.”
Nagpunta naman kami doon at naabutan
ko yung ibang miyembro ng banda. Nagkamustahan kami at nag usap para sa
tutugtugin namin.
“Arwin... long time no see na... may
mga bagong miyembro kami ng band...” sabi ni Eric.
“Pansin ko nga... mukhang sikat na
kayo ah.” Sabi ko.
“Di naman.. medyo maraming gigs....
pero mas madami to kung andito kayong dalawa ni James.”
“Woah. Bolero ka talaga. So ano set up
natin mamaya. Namiss ko yung pag drums eh.”
“Mamaya ka na mag drums. Hahaha. Ayun,
lead vocalist ka na muna... tayong lima ako, Kian, Alex, ikaw at si James. May
kakantahin tayo.”
“Baka di ko alam yang kantang yan ah.”
“Yun yung tinext ko sayo.. yung sa one
direction.”
“Ah. One thing ba o what makes you
beautiful?”
“Mas okay kung what makes you
beautiful.” Sabi ni Eric
“Ah okay sige. Tanda ko naman... bale
eto yung kopya.. tignan mo kung alin dun kakantahin mo ah.”
“Sige sige.”
“James.. pre... handa handa mo na yang
pisngi mo ah...” sabi ni Alex.
“Naku pre... di pwede... magagalit
yung isa jan.” Pagnguso niya sa akin.
“Adik mo.. kahit makipag halikan ka sa
harapan ko wala akong pakialam.”
“Nasasabi mo lang yan.. pero deep inside
nasasaktan ka.”
“Oo na lang.”
“Ang sweet naman dito nakakainngit
grabe.” Sabat ng iba.
“Mag prepare na tayo.” Sabi ko na
lang.
Si Rizza maraming dalang mga taga
ayos. Aba, career na career niya yun. Bumaba na kami nila James.
Pero pagababa ko, isang bangungot ang
humarap sa akin. Isang nakaraan na nagdulot sa akin ng kalungkutan at
kadalamhatian. Muli kong nakita si Cyrus, ang taong sumira ng lahat.
Ngumiti siya na para bang may
binabalak siya, ewan ko. “Ei... wag mo na siyang pansinin.” Sabi sa akin ni
James.
“Yeah. Opo.”
Kahit di ko pinapansin, siya na mismo
ang lumapit sa akin. Nag hahamon ata ng gulo. May mga kasama siyang kaibigan
ata. Haixt.
Ano ba tong gagawin ng mga ito? Pansin
ko lang na ibang-iba na siya. Di na siya yung dati kakilala ko.
“Kamusta na yung naagawan?” sabi niya.
Di ko siya pinansin. “So nabinge ka na
pala...”
“Pwede ba Cyrus, tigilan mo na kami.”
Lumapit siya kay James.
“Hey sweetie... kamusta ka na.. bakit
ba dumidikit ka sa kanya? Lumayo ka na sa kanya.”
“Wag kang lumapit sa akin.” Sabi ni
James.
“Kawawa ka, nagtitiis ka sa isang
basura. Better go. Salamat pala sa pang aakit sa boyfriend ko dati.” At umalis
na siya.
Nang nakaalis na siya, sunod-sunod na
ang mga tanong sa akin ni James. Natandaan ko pa yung nangyari dati, kung bakit
nagkaganun si Cyrus. Ako pala ang sinisisi niya.
“Saka na yun. Saka ko na ikwento.”
Sabi ko kay James.
“Okay sabi mo.”
“Mag CR lang ako.”
At humiwalay ako sa kanya. Pumunta ako
sa CR namin at yun, nagulat ako sa suddenly change. Ang dami na ngang pinagbago
dito.
Paano ba naman, di ko akalain na
gaganda ng ganito yung CR na to. By the way, pumasok na ako sa cubicle para mag
CR.
Palabas na sana ako ng biglang may
narinig akong mga boses.
Kilala ko yung boses na isa. Kay Cyrus.
Di una ako lumabas ng cubicle.
“Nakakairita na makita ko yung mukha
ng lalaking yun.” Sabi ni Cyr.
“Mukhang malaki talaga ang galit mo
dun ah.”
“Sobra talaga. Mang aagaw ng
boyfriend.”
“Ano bang nangyari?”
“Basta, malandi siya. Inagaw niya ang boyfriend
ko.”
“Mag kwento ka.”
“Mamaya na.”
“Hahah. Ganun ba. Pero mukhang kawawa
yung guy dun sa ginawa mo. Mukhang mabait naman siya ah.”
“Oo. Kawawa talaga. Paano ba naman,
may LQ ata sila nung boyfriend niya at Valentines day pa yun. Grabe. Mga kaartehan
sa buhay.” Sabi niya.
Susugudin ko to. Grabe mga pinagsasabi
sa akin ah. Sarap suntukin sa mukha eh. Ang kapal ng mukha.
“Tapos nag inom kami.. kung alam lang
ninyo ang ginawa ko.. may nilagay ako dun sa pinainom ko sa bf niya at ayun,
sinamantala ko yung panahon. Nag laro ako ng apoy. Grabe ang macho kasi nito si
James. Ang sarap, alam mo na. At yun, naabutan kami nung lalaking yun,
magkahalikan. Well, at least nakahalik ako. Wala namang nangyari sa amin nung
guy eh. Pinalabas ko lang. Di ako ganun ka desperado. Gwapo si James, sarap
ngang gawin yun sa kanya eh, nakita ko yung kabuuan niya, kaso, wala bangenge
ako, nahilo ako at sukang suka na dahil sa pagkalasing kaya di ko na nagawa.
Kawawa yung lalaking yun, hiniwalayan niya yung lalaking mahal niya kahit wala
siyang ginagawang masama. Kawawa talaga.”
“Sobra ka naman ata.”
“Tama lang yun... karma yun sa kanya.”
Halos masabugan ako ng bomba sa tenga.
Ibig sabihin all this time, naniniwala
ako sa mga pangyayari na hindi pala totoo.
Pinahirapan ko yung sarili ko at
inilugmok ang sarili sa mga bagay na wala pa lang katuturan.
Napaluhod ako sa sahig at tumulo na
yung mga luha sa aking mga mata.
Gusto kong sisihin ang sarili ko,
naging mahina ako sobra.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
by: Dylan Kyle
[AJ’s POV]
(Flashback)
Magkikita sana kami ni James noon pero
di natuloy kasi nakiusap sa akin si Mark.
May hihingin daw siyang pabor sa akin.
Tungkol daw kay Cyrus.
Sa may court ko siya hinintay.
Yun kasi yung sabi niya.
Ano kaya yung kailangan niya?
Maya-maya dumating na din si Mark.
Medyo humahangis.
He is a good looking guy, crush ko
siya dati..
“Sorry late ako.” Sabi niya
“Ayos lang. Ano ba yung kailangan mo?”
“May sasabihin kasi ako.”
“Tungkol ba kay Cyrus? May di ba kayo
pinagkasunduan?”
“Hindi.. kasi...kasi..”
“Alam mo yang kaibigan ko kung minsan
pasaway.. pero sobrang bait at sweeet niyan.”
“di yun yun.”
“Eh ano ba yung dahilan?”
“Kasi... gusto kita.. ikaw ang gusto
ko at hindi si Cyrus.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ano?
Bakit?
Paano?
“Wag kang magbiro ng ganyan.. tigilan
mo ako... kayo ni Cyrus diba? Kaibigan ko si Cyrus kaya tantanan mo ako.”
“Anong magagawa ko? Ikaw ang mahal ko.
Nung nalaman ko na kayo na ni James daig ko pa ang natalo sa sugal. Takte yan.
Mahal kita...” sinuntok niya yung bleachers.
Tumayo ako at umakto na aalis.
Pero bigla niya akong hinabol at
hinalikan.
Inihiga niya ako sa may bleachers at
pilit na hinahalikan.
“Bi-bitawan mo ako.. arrghhh... mag
dalwang isip ka nga... kaibigan ko si Cyrus... it—itigil mo to...” itinulak ko
siya kaya nabuwal siya.
“Alam mo.. naawa ako kay Cyrus kasi
ang bulag bulag niya. Mahal ko si James at hindi dahil kaibigan kita di ko
palalagpasin tong ginawa mo.. wag na wag kang lalapit sa akin.. tandaan mo
to.... di na kita kilala mula ngayon.”
Nagmadali akong tumakbo pero napatigil
din ako ng makita ko si Cyrus.nakita ko siyang umiiyak. Agad na tumakbo papunta
kay Mark at agad niya itong sinuntok.
(End of Flashback)
Habang papalabas na ako ng CR, wala pa
rin ako sa sarili ko.
Dama ko yung pagkatanga ko.
Sinayang ko yung isang taon na walang
nagagawa at ibinaon ang sarili sa kalugmukan.
Ang tanga ko para di pakinggan ang
lahat ng paliwanag ni James.
Nagsisisi ako na sa isang taon na yun,
dapat nagsasama kami ni James ngayon, masaya, may isang relasyon na matatag at
payapa.
Pero sinira lang yun ng isang maling
desisiyon.
Nagawa ko pa siyang ipagpalit kay
Jaysen.
Sising sisi ako na di ko man lang
hinayaan na buksan ang puso ko sa mga posibilidad.
Yung tipong pinagtabuyan ko siya at
halos kamuhian na inosente pala siya at walang kasalanan.
Kasalanan tong lahat ni Cyrus,
nakakinis ka, sinira mo lahat, lahat lahat. Kung magkakaroon lang ako ng
pagkakataon na makaharap ka, susuntukin ko ang mukha mo.
Nagbalik na ako sa kanila at agad kong
nakita si James.
Sa pagkakataong ito, tanging pananabik
ang naramdaman ko.
Ngayon, maari ko ng mailabas yung
nararamdaman ko, pero, nakakahiya ako.
Karapat dapat pa ba akong humarap sa
kanya sa kabila ng lahat.
“Oi panget... ang tagal mo ah... tara
na.. tayo na susunod na sasalang jan...” sabi niya sabay ngiti.
He’s smile on his face makes my heart
beats so fast.
Yung tipong gusto ko siyang yakapin ng
mahigpit.
“Ei... James... umfpt...”
“Ano yun?”
“Kasi....”
“Kasi?”
“ung tungkol sa...”
“Sa?”
“Sorry...”
“Saan?”
“basta sorry... tara na...”
“Ang weird mo... kanta tayo ah.. yung
kanta ko para sayo... tandaan mo yan...”
Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Tandaan mo lang mahal kita... wala
akong gagawin kundi ang mahalin ka lang.. handa akong tumayo at manatili sa
tabi mo kahit ilang beses mo pa akong
ipagtabuyan.. babalik at babalik ako... mapatunayan ko lang na mahal kita...”
Nakakita ako ng mumunting luha sa
kanyang mga mata. Pinahid ko ito at nginitian ko siya.
Ngayon nararamdaman ko na parang ang
laki ng kasalanan ko sa kanya.
Ang laki sobra.
Daig ko pa yung nangyapak ng tao sa
ginawa ko sa kanyan dati.
Pinagsisihan ko na yun.
Tinawag na kami at kami na yung
kakanta.
Yun na yun.
Excited ako kasi ngayon na lang ulit
ako kakanta sa mga ganitong event.
Tumingin muna ako kay James bago kami
magsimula.
“Ready?” tanong niya at nag nod na
lang ako.
Nagimula na silang tumugtog.
Alex: You’re insecure, don’t know what
for... you’re turning head when you walk through the door.
Kian: Don’t need make-up, to cover up,
being the way that you are is enough....
James: Everyone else in the room can
see it... everyone else but you....
All: baby you light up my world like
nobody else, the way that you flip your hair gets me overwhelmed, but when you
smile at the ground it ain’t hard to tell, you don’t know oh oh... you don’t
know your beautiful....
Ako: If only you saw what i can see,
you’ll understand why I want you so desperately... right now I’m looking at you
and I can’t believe....
All: You don’t know oh oh.. you don’t
know your beautiful.Oh.. oh oh... That what makes you beautiful...
Eric: so c-come on... you got it
wrong.. to prove I’m right I put it in a song....
James and Kian: I don’t know why
you’re being shy... and turn away when I look into you’re eyes...
Alex: Everyone else in the room can
see it... everyone else but you....
All: baby you light up my world like
nobody else, the way that you flip your hair gets me overwhelmed, but when you
smile at the ground it ain’t hard to tell, you don’t know oh oh... you don’t
know your beautiful....
Eric: If only you saw what i can see,
you’ll understand why I want you so desperately... right now I’m looking at you
and I can’t believe....
All: You don’t know oh oh.. you don’t
know your beautiful. Oh.. oh oh... That what makes you beautiful...na na na....
Masaya ako habang nakanta kami the
best talaga, lalo na at magkasama kami ni James.
Ako: baby you light up my world like
nobody else, the way that you flip your hair gets me overwhelmed, but when you
smile at the ground it ain’t hard to tell, you don’t know oh oh... you don’t
know your beautiful....
All: baby you light up my world like
nobody else, the way that you flip your hair gets me overwhelmed, but when you
smile at the ground it ain’t hard to tell, you don’t know oh oh... you don’t
know your beautiful....
James: If only you saw what i can see,
you’ll understand why I want you so desperately... right now I’m looking at you
and I can’t believe....
All: You don’t know oh oh.. you don’t
know your beautiful.
Lahat sila nagpalakpakan.
Well grateful ako kasi nga nakaknta
ulit ako.
Pagkatapos naming kumanta, pinaupo na
kami ni maam sa may table at kakain na daw.
Agad kong hinagilap si Rizza.
Niyakap ko siya habang lumuluha ako.
Nasa may tapat kami ng library namin.
Niyakap din niya ako.
“Best may problema?”
Patuloy lang akong umiiyak.
“Anong ginawa sayo nung lalaking yun?
Sabihin mo sa akin at gugulpihin ko.” Sabi niya.
“Best nagkamali ako... sobrang
maling-mali ako....”
“Huh?”
“Best.. walang kasalanan si James....
walang wala... ako ang nagkamali.”
“Oi best.. nahihibang ka na ba?
Sinaktan ka niya.”
“Hindi best... alam ko na yung
totoo... nagkamali ako....walang kasalanan si James."
“Di kita maintindihan.”
“Ginamit lang ni Cyrus yung
pagkakataon... yung time na yun.. walang nangyari sa kanila ni Cyrus...
pinalabas lang niya... nagkamali ako.... ang tanga ko.. sobra...”
Pati si Rizza napatulala. Ikinuwento
ko sa kanya ang lahat.
“Darn it. Ano ba naman kasing pumasok
sa utak ni Cyrus eh?”
“Misunderstanding lang siguro ang
lahat.”
“Anong balak mo?”
“Nahihiya na ako kay James. Parang wala
na akong maihaharap sa kanya.”
“Tongek. Dapat maging masaya ka na.
Alam mo ba na kay tagal ka niyang inantay. At isa pa, botong boto ako para sa
kanya.”
“halata nga eh. Kung ipagtabuyan mo
iya kanina wagas.”
“Di ka na nasanay. Ganyan talaga
kaming dalawa.”
“Di ko na nga alam gagawin ko.
Mantakin mo, buong panahon, sinisisi ko siya sa mga pagkakamali na hindi niya
ginawa. Sa tingin mo ba mapapatwad pa niya ako?”
“Mahal ka niya. Di ka niya matitiis.
At alam niya na wala siyang pagkakamali. Minsan nag kausap na kami. Nakita ko
yung dedictation sa kanya. Mas okay kung magkakaayos kayo. Hindi pa huli ang
lahat. Wag mong hintayin na mawala pa siya sayo.. kung ako sayo.. ayusin mo na
ang lahat... may tiwala naman ako kay James kahit na mukhang babaero yun..
mahal ka nun...” sabi niya.
Naliwanagan ako sa sinabi niya. Tama
si Rizza.
Di ko na dapat sayangin yung panahon
na to.
Eto na yun eh. Yung time para ayusin
to. Time ko na to para maging maayos yung pagsasama namin ni James.
Hahanap lang ako ng tiyempo para
sambihin yun. Yung feeling na every moment pwede ko ng sabihin. Haixt. Babawi
ako kay James. Kailngan kong bumawi.
“San ka galing?” tanong sa akin ni
James.
“Nagusap lang kami ni Rizza.” Sagot
ko.
“Eto food mo kinuha na kita... halika
susubuan kita...” sabi niya.
“Ang sweet mo... teka ako mag susubo
sayo...”
Nakita ko yung pagkabigla niya. “Okay
ka lang ba? May lagnat ka ba?” tanong niya.
“Porket ganito ako may sakit na?”
“Nakakapanibago lang.. pero mas okay
ako jan..mas prefer ko yung sweet side.. kaso nakakamiss yung pagsusungit mo.”
“ang dami mong alam.. che....”
“joke lang.. kain na nga tayo...”
Ngumiti lang ako.
Kumain lang ako, may intermission
number ako after ng pageant.
Last performance namin yung sa gabing
yun.
Mga 9 pm na ng nagstart yung pageant.
Okay na okay yung mga contestant.
Yung iba new looks kasi ngayon ko lang
sila nakita pero yung iba dati na. Naging mainit ang laban.
Judge ako at medyo nahirapan.
Ganito pala ang maging judge, compute
dito, compare dito at kung anu-ano pa. Haixt.
Etong si Rizza seryoso sa mga baagy na
ito.
Hope na yung manalo dito eh team up
din.
Meron kasi akong nakita na team na
kung saan nag stand out pero meron ding mga individual.
Habang nagpapalit yung mga contestant
eh hinanp ng mata ko si James.
Ewan ba, simula ng malamn ko yung
katotohanan, feeling ko gusto ko siyang laging makasama.
Nakita ko siya nakasama nila Eric.
Ngumiti siya at ngumiti din ako sa
kanya. Haixt.
Nagstart yung pageant ilang saglit
lang din at get ready to work na ulit.
[James’ POV]
Nawi-wirduhan na ako sa pinag gagawa
ni Arwin.
Well sa totoo lang dapat matuwa ako
pero bakit ganun, parang kakaiba. Kung dati sinusungitan ako pero ngayon, daig
ko pa na mag on kami.
Ano kaya ang nangyari at nagkaganun
siya? Over all masaya ako at unti-unti na kaming nagkakasundo. Last performance
na lang ni AJ ang hinihintay namin bago umalis.
Balak ko sana na umuwi na after ng
performance ni Arwin pero sabi niya, mag stay na lang kami doon sa bahay nila.
Doon na daw kami magpalipas ng gabi.
Sabagay mahirap mag drive. Pati lagot ako kay tita pag may nangyaring masama
kay Arwin.
Katatapos lang ng pageant at nanalo
yung transferee at yung isa pang datihan. Muntikan na yung team up kaso
lumamang ng konti yung nanalo. Close fight kumbaga.
After ng awarding konting speech ng
mga masters of ceremony tapos performance na ni Arwin. Kinuha ko yung video cam
ko at kinuhanan ko siya.
Nagsimula siyang kumanta ng tumingin
siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at saka kumanta.
I always needed time on my own
I never thought I'd need you there
when I cry
And the days feel like years when I'm
alone
And the bed where you lie is made up
on your side
When you walk away I count the steps that
you take
Do you see how much I need you right
now?
Habang kinakanta niya yun, di ko
mapigilan ang makaramdam ng kakaiba. Yung feeling nung time na nagkalayo kami.
Na halos masira yung mundo ko.
When you're gone
The pieces of my heart are missing you
When you're gone
The face I came to know is missing too
When you're gone
All the words I need to hear to always
get me through
The day and make it ok
I miss you
I miss you to my love, kapag kasama
kita lagi akong masaya, buong-buo ang mundo ko.
I've never felt this way before
Everything that I do reminds me of you
And the clothes you left, they lie on
the floor
And they smell just like you, I love
the things that you do
When you walk away I count the steps
that you take
Do you see how much I need you right
now?
When you're gone
The pieces of my heart are missing you
And when you're gone
The face I came to know is missing too
And when you're gone
The words I need to hear to always get
me through
The day and make it ok
I miss you
Habang naka video pa ako, nakita ko sa
cam na may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Dito ako sobrang naapektuhan at
di mapigilan ang sarili.
We were made for each other
Out here forever
I know we were, yeah
And all I ever wanted was for you to
know
Everything I'd do, I'd give my heart
and soul
I can hardly breathe I need to feel
you here with me, yeah
When you're gone
The pieces of my heart are missing you
And when you're gone
The face I came to know is missing too
And when you're gone
All the words I need to hear will always
get me through
The day and make it ok
I miss you
Di ko na mapigilan ang sarili ko na
mapaluha habang pinapakinggan siya. Parang tagusan sa puso ko yung kinanta ni
Arwin. Nakita ko siya na nagpahid ng luha saka nagpalakpakan yung mga tao.
After niyang kumanta, lumapit siya sa
akin at bigla niya akong niyakap. Niyakap ko din siya at hinintay na humupa ang
kanyang pagluha.
Nagpaalam na kami kay Maam at tuluyan
ng umalis. Nag kanya kanya na kami. Si Rizza kasabay yung kapatid niya, sinundo
siya eh, yung iba naman nakasakay na sa sasakyan nila.
Habang nagmamaneho ako, tahimik,
walang gustong umimik. Hinihintay ko kung anuman yung sasabihin ni Arwin.
Alam ko na may sasabihin siya na hindi
masabi. Kakaiba kasi mga kinikilos niya.
Ng makarating na kami sa kanila,
dumiretso siya sa taas. Nag set up naman ako ng hihigaan ko sa may salas.
Parang walang pinagbago yung bahay
nila, parang yun pa rin tulad ng dati. Buti na maintain nila tong bahay nila.
Akala ko noon na pinatirahan nila ito
sa iba, hindi pala, kamag anak din nila yun.
“Anong ginagawa mo diyan?” tanong ni
Arwin.
“Nag aayos.. matutulog na ako eh.”
“Bakit diyan ka matutulog.... tabi ka
na sa akin.”
“Sure ka?”
“Yep... may kailangan tayong pag
usapan.”
“Tungkol saan?”
“Madami kang tanong.”
“Eh malay ko ba.. mamaya kung ano
yan.. tsaka baka last day ko na to..”
“Last day saan?”
“Dito sa Earth... baka kasi patayin mo
ako doon.”
“Hindi ako pumapatay....”
“wew.”
“Nang to-torture lang.”
“grabe ah.”
Umakyat siya kaya umakyat na din ako.
Ano kaya yung pag uusapan namin? Pagkapasok ko ng kwarto, andun siya at
nakahiga na.
“gagawa tayo ng baby?” tanong ko.
“Ang libog mo.. batukan kita jan.”
“Masyado ka kasing seryoso kaya
pinapatawa kita.”
“kamusta ka noong wala ako.” Bigla
niyang tanong.
Umupo ako sa kama saka nag isip. Ano
kaya ang nasa isip nito?
“Ayun. Buhay pa kahit papano. Siyempre
di mo ako makakausap kung patay na ako.”
“Seryosohin mo kasi. Anong naramdaman
mo nung mawala ako?”
“Feeling ko nabubuhay na lang ako sa
pang araw araw ng dahil sa pagkain, tubig at kung anu-ano pa. Mahirap
paniwalaan pero sobrang naghirap ako. Binago ko lahat sa akin. Akala ko noon
katapusan ko na. Pero naisip ko na lang na mali pala lahat ng ginawa ko. Kung
alam o lang nagsisi ako ng sobra. Simula ng mawala ka, pinangako ko sa sarili
ko na kapag bumalik ka sa akin, gagawin ko anag lahat di ka lang mawala. Kung
mangyari man na mawala ka, feeling ko walang kwenta ang buhay ko. Tanga na kung
tanga pero eto talaga ang nararamdaman ko. Ang korni mang isipin pero mahal
kita eh, wala naman akong magagwa kundi gawin yun. Ikaw ang tinitibok ng puso
ko.” Mahabang sagot ko.
“Kung bibigyan kita ng pagkakataon na
patunayan yung sarili mo, anong sasabihin o sa ain para makumbinsi ako?”
“Iisa lang. Mahal kita ng sobra. Nung
time na nakita mo ako na kahalikan si Cyrus, akala mo lang yun. Di naman talaga
ako nag initiate nun. Pero habang hinahalikan niya ako, ikaw ang nasa isip ko
kaya nagulat na lang ako na siya pala yun at hindi ikaw. Hindi kita pina
taksilan. Ginawa ko nga ang lahat para lang makuha ka eh tapos eto pa. Sana
lang maibabalik ko lang yung panahon... sana lang maibalik ko yung dati. Mahal
kita, sobra. Nasasaktan ako sa tuwing di kita nakaksama. Mahal na mahal kita.”
Tumulo na yung luha ko.
“Akala ko tama lahat ng pinaniniwalaan
ko.. akala ko tama na yung pinag gagawa ko... yun pala maling mali.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Mali ako na sinisi kita sa kasalanang
di mo kailan man magagawa sa akin. Amli ako na pinaniwalaan ko yung makasalanan
kong mata kesa pakinggan ka gamit ang puso ko... sorry... sorry sa mga ginawa
ko.. mali ako na sinisi kita at pinag tabuyan.... patawarin mo ako.”
Tumingin ako sa kanya at nakita ko na
umiiyak siya.
“Don’y cry baby... ayaw kitang
nakikita na ganyan.”
“sorry... mahal kita James.. mahal na
mahal.. pero hinayaan ko na masira tayo ni Cyrus. Alam ko na ang lahat..
anrinig ko siya.... narinig ko na sinet up ka lang niya.. ang tanga tanga ko na
naniwala ako sa lahat ng nakita ko.. ni hindi kita hinayaan na mag paliwanag...
feling ko maling ali ako.. ako ang may kasalanan.. ako ang may mali at hindi
ikaw.”
Sa narinig ko para akong nabuhayan ng
loob.
Mahal?
Mahal niya ako?
Narinig ko siyang nagsalita na mahal
niya ako.
Niyakap ko siya ng ng mahigpit.
“I love you too.. mahal din kita..
wala kang kasalanan.. yung pagkakataon lang yung nagkamali... di tayo dapat
ganito... di dapat natin hinahayaan namangyari ang lahat ng bagay na to...
salamat at nalaman mo na yung totoo... mahal na mahal kita... alam ko lalabas
din ang lahat ng katotohanan.. ang mahalaga ngayon alam na natin ang buong
katotohanan at di ko hahayaan na mawala ka pa sa akin.”
“Pero nahihiya ako sayo... habang
naalala ko yung nakaraan.. feeling ko di ako karapat dapat sayo... di ko al...”
Natigilan siya ng simulan ko siyang
halikan.
Gumanti din naman siya.
I miss this moment lalo na nung dati.
Sa wakas, buong pagkakataon ko na
siyang nahahalikan... buong laya ko siyang nayayakap... eto na yung hinihintay
kong pagkakataon.... eto na yun.. this is the time.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
dylankylesdiary.blogspot.com
No comments:
Post a Comment