http://rantstoriesetc.blogspot.com
'Totoo na ba 'to?', ang tanong ni Ken nang itinigil niya ang sasakyan sa harap ng bahay nina Pat.
'Oo. Bakit, ayaw mo na ba?', ang sabi ni Pat.
'Hindi. Sobrang na-surprise lang talaga ako.', ang sagot naman ni Ken.
Hinawakan ni Pat ang kamay ni Ken.
'Magiging masaya na tayong dalawa. I love you.', ang sabi ni Pat.
Inilapit naman ni Ken ang sarili sa katabi bago ibulong ang
mga katagang kasasabi lang ni Pat. Pinagsaluhan nila ang isang mabilis
ngunit puno ng emosyong halik.
0*0*0*0
Paulit-ulit na bumabalik kay
Sean ang mga huling sinabi sa kanya ni Kris. Masakit. Pilit niyang
kinakalma ang sarili ngunit sobrang bigat ng nararamdaman niya. Kanina
pa siya nagmamaneho galing kina Kris at hindi na niya alam kung saan
siya papunta.
'Hindi kita mahal. Kahit
kelan naman, hindi kita minahal e. It's all for a show. Ginamit lang
kita para ipakita sa kanya na masaya na ako, na may bago na ako.', ang paulit-ulit sa utak ni Sean.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang tabi.
'Aaaaaaaargh!', ang sigaw niya.
Ipinupukpok niya ang ulo sa
manibela dahil sa paniwalang nagpakatanga siya sa pagmahal kay Kris. Sa
kanya lang siya naging seryoso. Buhay nga naman. Kung kelan seryoso ka
na, saka ka gagaguhin.
0*0*0*0
Nagising si Pat sa alarm ng kanyang phone. Agad siya nag-unat at napansin na lang ang sariling nakangiti.
'Good morning!', ang sabi niya sa sarili.
Masigla niyang tinungo ang CR upang maligo. Pagkatapos noon ay sagana siyang kumain ng almusal.
'Mukhang maganda ang gising natin ah.', ang pagpansin ng kanyang ina sa kanya.
'Opo!', ang sagot niya.
Sinipat niya ang oras at
nakitang dapat na siyang umalis para hindi mahuli sa trabaho. Nagpaalam
na siya sa ina at nagawa pa nitong humalik sa kanyang pisngi na hindi
niya madalas gawin.
'Ingat!', ang pahabol na sigaw ng kanyang ina.
Napag-usapan nila kagabi ni Ken
na hindi na siya dapat ihatid ni Ken sa trabaho para hindi na ito
gumising ng maaga. Kaya naman ay magko-commute na siya simula ngayon.
Susunduin na lang siya ni Ken mamaya pagkalabas niya sa trabaho.
Pagkarating sa MRT station ay
bumili na agad siya ng ticket. Marami nang tao ang nakapila kaya naman
ay nakipagsiksikan na siya sa mga ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay
nasa loob na siya ng istasyon at nag-aabang na lang ng parating na
train.
'Uhm. Pat, right?', ang tanong ng isang pamilyar na tao.
'Yeah. Ands?', ang pag-kumpirma niya.
'Yes. Kamusta? Ang aga natin ah.', ang sabi nito.
'Hindi naman. Sakto lang. MRT din pala ang sinasakyan mo?', ang pagsisimula niyang makipagkwentuhan dito.
'Oo. Mas mapapamahal kasi ako pag bus e. Though mas hassle pero mas mabilis naman.', ang sabi nito.
'Oo nga.', ang maikling sagot ni Pat.
Dumating na ang tren at hindi
naman ganon karamihan ang tao sa loob. Sa tapat nila bumukas ang pinto
kaya naman sila ang mga unang nakapasok sa loob. Ngunit hindi na sila
umupo para mailaan ito sa mga babae at matatanda. Ilang istasyon lang
din naman at bababa na sila.
Nagsara na ang pinto at agad
ring umalis ang tren. Hindi pa nakakahawak si Pat sa safety hand rails
kaya naman na-out of balance siya ng umandar na ang tren. Buti na lang
ay agad siyang nasalo ni Ands at hindi na niya natamaan ang ibang tao.
'Oops!', ang sabi ni Pat.
Hinawakan ni Ands ng mahigpit ang braso ni Pat.
'Careful now.', ang sabi nito.
'Sorry. Thanks.', ang sagot ni Pat.
'Hindi ka sanay mag-MRT no?', ang tanong ni Ands.
'Hmm. Hindi masyado. Parang third time ko pa lang yata to.', ang sagot naman ni Pat.
Natawa si Ands sa sinabi ni Pat. Halata kasi dito na sanay na siyang sumakay ng MRT.
'Para kang si Sean.', ang sabi ni Ands.
'Huh? Bakit?', ang tanong ni Pat.
'Hindi rin yun sabay mag-MRT e.
Nagulat nga ako nung first day nun sa trabaho, nagkasabay kami. Rich kid
kasi yun. Hindi yun marunong magcommute.', ang kwento ni Ands.
'Talaga? Well, obvious naman. Edi rich ka rin. Friends kayo e.', ang kantyaw ni Pat.
'Ganon ba yun? Hmm. Basta siya, rich rich.', ang sabi ni Ands bago tumawa ng malakas.
'Nice. Maasar nga yun mamaya.', ang sabi ni Pat.
0*0*0*0
'Di mo talaga ako papansinin?', ang tanong ni Chuck kay Angela.
'Talk to me when you find your lost maturity.', ang mataray na sagot ni Angela.
'Come on!', ang pagpupumilit ni Chuck.
'No, seriously. Excuse me.', ang sabi ni Angela bago umalis.
Pumasok na si Chuck sa kanyang
office. Nagsimula na siyang magtrabaho upang hindi na maisip ang mga
pilit na bumabagabag sa kanya ngayon.
'Good morning!', ang bati ni Pat sa lahat.
Bumati ang iba pabalik habang ang ilan naman ay ngumiti lang. Nakita niya si Sean sa kanyang booth.
'Dude, saya ng mood ah.', ang pagpansin ni Sean sa kanya.
'Yeah. RK.', ang pang-aasar niya.
'RK?', ang hindi na-gets na tanong ni Sean.
'RK ka diba?', ang tanong ni Pat na tatawa-tawa.
'Anong RK?', tanong ni Sean.
Nagkibit-balikat na lang si Pat bago niya buksan ang kanyang PC.
0*0*0*0
Ken: Good morning, Pat! Love you.
...
...
...
...
Pat: Sorry late reply. Dami trabaho. Love you too.
...
...
Ken: See you later?
...
...
Pat: Yep, 6pm.
...
...
Ken: Can't wait. Mwah.
...
...
0*0*0*0
'Pat, di muna ako sasabay mag-lunch ah. May pupuntahan lang ako.', ang sabi ni Sean.
'Hmm. Okay. Ingat.', ang sagot ni Pat.
Mag-isa lang siya ngayon kakain
dahil nahihiya naman siya sumabay sa ibang mga ka-opisina. Pero walang
kaso yun sa kanya. Habang si Sean naman ay diretso nang lumabas ng
office. Hawak niya ang kanyang cellphone at tiningnan muli ito upang
tingnan kung saan sila magkikita.
Ands: Dito na ako sa may G5. Sama mo si Pat.
Agad na siyang sumakay sa
elevator. This time wala siyang kasabay. Nakatingin lang si Sean sa
kawalan habang hinihintay ang pagbubukas ng pinto.
Sumakay siya ng taxi pagkalabas
ng building papuntang Glorietta 5. Naroon na si Ands sa napag-usapan
nilang restaurant at naka-order na ng pagkain pagkarating niya.
'O, dude. Nasaan si Pat?', ang tanong ni Ands.
'Hindi ko na sinama. I need to talk to you.', ang seryoso niyang sagot.
'What's up?', ang enthusiastic na tanong ni Ands.
'Pinuntahan ko si Kris kagabi.
Maniniwala ka ba na sinabi niya sa akin na never naman daw niya ako
minahal?', ang pago-open up ni Sean.
'Seriously?', ang tanong ni Ands.
'Oo. Parang front lang daw niya
yun para ipakita dun sa ex niya na she's with someone. C'mon, ganon na
ba talaga? Alam mong sa kanya lang ako naging seryoso. Halos mabaliw ako
nung naghiwalay kami tapos biglang ganon lang.', ang paglalabas ng
hinanakit ni Sean.
'Sean, baka naman she's just
trying to protect you. I mean, you know how powerful her family is. Baka
naman she's doing this para na rin sa'yo. And admit it, you've been not
so 'faithful' with her din naman when you two were still together.',
ang sabi ni Ken.
Matagal na natahimik si Sean sa pag-iisip kung ano ang ginawa niya na hindi siya naging faithful kay Kris.
'Oh. OH! Ands!!! Di ba sabi ko
kalimutan na natin yun?! It was just part of being curious, that's all.
Walang meaning yun.', ang sabi ni Sean nang maalala na niya.
'Sa'yo wala.', ang bulong ni Ands sa sarili.
'Ha?', ang tanong ni Sean dahil hindi niya narinig yung sinabi ni Ands.
'Wala. Anyways, how are you coping?', ang tanong ni Ands.
'I'm not! You see this?', ang sabi ni Sean at tinuro niya ang noo.
'Aww, man!', ang rekasyon ni Ands nang mapansin ang bukol sa noo ni Sean.
Hindi na nagsalita si Sean.
'Wag mo namang saktan sarili mo. Just try to move on.', ang sabi ni Ands.
'I can't. Masakit, Ands. Hindi ko kaya.', ang pagsasabi ni Sean ng totoo.
0*0*0*0
'Talk to me now.', ang sabi ni Chuck kay Angela.
Hindi pa rin siya sinasagot ni Angela. Dalawa na lang sila sa office ngayon dahil ang iba ay nag-lunch na.
'Anj.', ang pagsuyo ni Chuck sa kanya.
'What?', ang mataray na baling ni Angela kay Chuck.
'Oo na. Inaamin ko na, masakit pa din. Hindi ko pa din siya kayang kalimutan. Okay ka na?', ang sabi ni Chuck.
Natahimik naman si Angela sa
biglang pag-amin ni Chuck ng totoong nararamdaman. Simula kasi ng umalis
si Rico ay hindi ito nagpakita ng kahit na anong sign ng vulnerability.
Ngayon, ang Chuck na nakikita niya ay ang taong nagpakita ng tunay na
nararamdaman. Nangingilid ang luha ni Chuck habang hinihintay si Angela
na magsalita.
'Chuck. Harapin mo na kasi 'yan.
Huwag mo nang taguan. Kung hindi ka okay, huwag mo nang subukan na
ipakita sa iba na okay ka. Wala naman silang pakialam e. Ang mahalaga e
maging okay ka sa sarili mo, hindi sa ibang tao.', ang sabi ni Angela.
'Hindi ko kaya. Hindi ako ganon.', ang sabi ni Chuck.
'Duwag ka! It's been 2 years
already and tingnan mo yang sarili mo ngayon, pakinggan mo yang mga
sinabi mo! Hindi mo pa din kayang kalimutan siya. Sorry to raise this
ah. But look at me, I'm all okay now. Nasasabi mo ang mga nararamdaman
mo sa akin. Kung isang ordinaryong ex lang ako, baka iyak na ako ng iyak
dito dahil nakikita kitang nasasaktan ng ganyan over some other GUY!
Pero hinarap ko agad, tinanggap ko agad sa sarili na it will never work
out between us. You should do the same.', ang sabi ni Angela.
'I'm really sorry about that. You know I am.', ang sabi ni Chuck.
'Yeah. And I'm all okay now.
See? Who would've known na magiging best-est friends pa tayo. You just
gotta be honest with yourself. If you feel like crying, go ahead. May
sarili kang office!', ang sabi ni Angela.
Natawa naman si Chuck sa sinabi
ni Angela. Pinunasan na niya ang mga luha sa kanyang mga mata bago
yakapin ang ex-girlfriend na ngayon ay kanya nang best-est friend.
'I'll get back to you after I contemplate on what you have said.', ang sabi ni Chuck.
'Don't play boss on me now! Tara na, nagugutom na ako.', ang sabi ni Angela.
No comments:
Post a Comment