Sunday, December 16, 2012

Aftermath (08)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Agad na sumakay si Pat sa unang bus na nakita upang makauwi sa kanila. Halos nanginginig siya dahil sa nagkahalo-halong galit, takot at kaba. Mabagal ang andar ng bus dahil sa traffic. Papalapit na ang konduktor sa kanya upang kuhanin ang kanyang pamasahe. Wala namang tigil ang pag-ring ng phone niya. Malamang ay si Ken ang tumatawag.

'Shit!', ang sabi ni Pat sa sarili.

Iniabot na niya ang bayad sa konduktor, sinabi kung saan siya bababa at kinuha ang ticket. Matapos maisilid ang ticket sa kanyang bulsa ay kinuha niya ang maingay niyang phone at gigil itong pinatay.


'Ano pang naging kami kung hindi naman siya magiging honest sa akin? Para saan pa na nandito ako sa kanya kung hindi naman niya ako hahayaang tulungan siya? Nakakainis. Para namang wala akong kwenta.', ang mga naisip ni Pat habang nakatingin sa lansangan.



0*0*0*0

'Hello po. Tita, nandyan na po si Pat?', ang magalang na pagbati at tanong ni Ken sa ina ni Pat.

'Nako, wala pa nga e. Baka nag-overtime sa trabaho.', ang sabi ng ina nito.

'Ah. Ganon po ba? Sige po.', ang malungkot na sabi ni Ken.

Nag-aalala na siya kung saang lupalop nagpunta si Pat. Nakapatay na ang phone nito kaya't hindi na niya ito ma-contact.

'Gusto mo bang maghintay sa loob?', ang pag-imbita ng ina ni Pat.

'Thank you po.', ang sabi ni Ken bago nagpaunlak sa imbitasyon.

0*0*0*0

'Wow. Totoo ba 'to?', ang tanong ni Ands.

'Huh? Totoo ang ano?', ang naguguluhang tanong ni Sean.

Naglalakad ang dalawa sa mall at naghahanap ng masarap na kakainan. Nagke-crave si Sean sa pizza kaya naman ay sa Yellow Cab sila nagpunta.

'Iti-treat mo talaga ako? Hindi ako makapaniwala. Grabe.', ang sabi ni Ands.

Natawa naman si Sean sa tinuran ng kaibigan.

'Ayaw mo ba?', ang tanong ni Sean.

'Wala naman akong sinabing ganon. Natutuwa lang ako. Parang nung college kasi, ako lagi taya.', ang sabi ni Ands.

'E maganda ang presentation ko kanina e. Tsaka alam ko namang wala lang sa'yo yung mga paglibre mo sa akin dati. Kasama mo naman ang gwapong to.', ang sabi ni Sean sabay kindat kay Ands.

'Shit, dude. Di ka pa rin nagbabago. Tingin mo pa rin sa sarili mo gwapo ka?', ang sarkastikong tanong ni Ands.

'Sagutin mo nga yang tanong mo. If I know kinikilig ka na naman.', ang pang-aasar ni Sean.

'Shut up!', ang sigaw ni Ands.

'O bakit namumula ka?', ang tanong ni Sean.

Tumahimik na si Ands. At biglang nagseryoso.

'Wag ka ngang gumanyan ulit, Sean. Alam mo naman ang nangyari nung unang beses kang gumanyan sa akin. Baka bumalik na naman tong...', ang sabi ni Ands.

'Okay. I understand. Sorry na.', ang sabi ni Sean habang nakatingin kay Ands ang mga matang nagpapaawa.

'Shit ka talaga! Tigilan mo na nga. Lalabas na puso ko o.', ang sabi ni Ands.

Nagtawanan ang dalawa sa sobrang ka-corny-han ni Ands.

0*0*0*0

Naglakad na lang si Pat papasok sa village. Mas matagal pero okay lang. Medyo mahangin naman ang gabi at gusto lang naman din niyang magmuni-muni. Makalipas ang labinlimang minuto ay nasa harapan na sila ng kanilang bahay. Agad naman siyang pinagbuksan ng kanyang ina matapos niyang mag-door bell.

'O, anak. Bakit ginabi ka yata ng husto?', ang nag-aalalang tanong ng ina.

'Nag-OT po ako.', ang sagot ni Pat.

Agad na nakita ni Pat si Ken sa sala na naghihintay pagkapasok nito. Kung wala lang dun ang kanyang ina ay ipinagtabuyan na niya ito palabas.

'O, kanina pa naghihintay si Ken sa'yo. Tara na. Kumain na tayo.', ang sabi at yaya ng ina.

Inilapag lang ni Pat ang bag sa sofa at dumiretso na sa kusina. Agad namang sumunod sa kanya si Ken at ang ina. At home na rin si Ken sa bahay nina Pat. Madalas din siyang mag-sleep over dito.

'Dito ka ba ulit matutulog, Ken?', ang magiliw na tanong ng ina.

'Opo. May bago po kasing bili si Pat na laro sa XBox.', ang pagsisinungaling ni Ken.

Tahimik lang naman si Pat habang kumakain.

'Ah. Ganon ba? Wag na lang kayong masyadong magpupuyat. At ikaw, Pat, e may pasok pa bukas.', ang sabi ng ina.

'Ma, I know. Hindi na ako estudyante.', ang naiinis na sabi ni Pat.

'Eto talagang kaibigan mo.', ang baling ng ina ni Pat kay Ken.

Nangiti na lang si Ken.

'Nga pala, hindi ka pa ba nag-aapply ng trabaho, Ken?', ang tanong ng ina.

'Uhm. Hindi po. I'm planning po kasi to start a food business.', ang sabi ni Ken.

'Oh. Like a restaurant?', ang tanong ng ina.

'Opo. Pero hindi ko pa po nasasabi sa parents ko. Naghahanap pa po kasi ako ng contacts e.', ang sabi ni Ken.

'Ah. I have friends in the business, if you'd like help. I think it's better na din if you apply for a job and get a feel of the business na hindi pa ikaw ang owner. I think mas magiging efficient ka nun.', ang suggestion ng ina.

'Sige po. Magtitingin-tingin po ako kung saan maganda magtrabaho.', ang nakangiting sagot ni Ken.

0*0*0*0

'Ands, sa condo ka muna. Okay lang?', ang tanong ni Sean nang matapos silang kumain.

'Ha? Wala akong dalang extra.', ang sagot ni Ands.

'Ako na bahala dun. Please?', ang sabi ni Sean.

Tiningnan muna ni Ands ang kaibigan bago sumagot.

'Okay.', ang sagot ni Ands.

0*0*0*0

Pagkasara pa lang ng pinto ay agad na itong ini-lock ni Ken. Mabilis siyang lumapit kay Pat at niyakap niya ito mula sa likod.

'Let me explain.', ang naglalambing na sabi ni Ken.

'Let go of me!', ang sabi ni Pat habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ni Ken na nakapulupot sa kanyang katawan.

'No, I won't until you let me explain.', ang sabi ni Ken bago lalong higpitan ang yakap niya sa taong mahal.

'Okay, okay! Magbihis na muna tayo, pwede?', ang masungit na sabi ni Pat.

Agad naman silang nagbihis. Suot ni Ken ang damit ni Pat. Humiga na si Pat sa kama at agad namang tumabi sa kanya si Ken.

'Pat, sorry hindi ko sinabi sa'yo. I'm planning to, pero nahihiya ako. You're earning na. Tapos ako eto wala pang trabaho.', ang sabi ni Ken.

'Bakit ka mahihiya sa akin? Of all people, Ken, sa akin pa? Di ba tayo na? Di ba ako na ang pinakamahalagang tao sa'yo? Di ba dapat open ka sa mga ganito sa akin? Gusto kitang tulungan. Pero hindi ko alam ang problema mo. Anong silbi ko?', ang sabi ni Pat.

'Wala ngang tumatanggap sa akin! Nakita mo sa papel na nasa bulsa ng long sleeves ko diba? Ilang kumpanya na ang naka-X dun? Halos lahat! Walang tumatanggap sa akin. Hindi ko alam kung ang incompetent ko lang ba talaga o ano. Ang hirap kaya. Tapos makikita ko pa na nilagyan mo ng pera ang bulsa ng jacket ko. Parang wala ng pride na natira sa akin.', ang sabi ni Ken.

'Hindi ko naman kasi alam! Ginawa ko yun para tulungan ka. Gabi-gabi mo akong sinusundo. Syempre, ayoko naman na ikaw lang ang laging gagastos. Wag mo naman sanang masamain.', ang sabi ni Pat.

Inilapit ni Ken ang sarili kay Pat at humiga sa may balikat nito. Iniyakap niya ang kamay sa katawan ni Pat.

'Pat, mahal na mahal kita. Sorry.', ang sabi ni Ken.

'Make me the exemption. Kung ano ang hindi mo kayang ipakita at sabihin sa iba, sa akin mo ibuhos. Wala akong pakialam kung gaano kababaw o kabigat 'yang dinadala mo. Nandito ako para tulungan ka.', ang sabi ni Pat.

'Noted. Okay na tayo?', ang tanong ni Ken.

'Hindi pa. Anong akala mo, ganon kadali yun? Nag-bus kaya ako dahil sa'yo!', ang sabi ni Pat.

'Eee. Sorry na. Kiss na lang kita.', ang sabi ni Ken.

'Ayaw.', ang sabi ni Pat. 

Naglalambing na lang ito kay Ken. Tumalikod si Pat sa kanya upang magpasuyo.

'Pat!', ang sigaw ni Ken.

Isinabit ni Ken ang ulo niya sa may balikat ni Pat habang kinikiliti ito sa kanyang bewang. Natawa naman si Pat sa ginawang ito ni Ken at gumanti rin ng kiliti. Natigilan lang ang dalawa nang magtama ang kanilang mga mata. Magkaharap ang kanilang mga labi.

'I love you.', ang sabi ni Ken bago gawaran si Pat ng matamis na halik sa labi.

0*0*0*0

'Pagpasensyahan mo na ang kaibigan mong gwapo, ha. Malungkot lang siya ngayon.', ang sabi ni Sean kay Ands habang nakahiga na sila sa kama.

Magkatalikuran ang dalawa. Parehas na may yakap na unan. At parehas na gising pa rin.

'Okay lang. Pakisabi na lang sa kanya na lagi namang nandito 'yung martir niyang kaibigan para tumulong.', ang sabi ni Ands.

Hindi agad nakasagot si Sean sa sinabi ni Ands. Bumalikwas ito at lumapit ng konti kay Ands. Suot ni Ands ang sando at shorts na kanya palang naiwan noong huli siyang nandito. Hinawakan ni Sean ang braso ni Ands at pinisil ito.

'Ands, thank you.', ang sabi ni Sean.

Humarap naman si Ands kay Sean. Wala nang halong pagpapanggap ang mga malamlam na mata ni Sean.

'Dito lang ako lagi.', ang sabi ni Ands.

'Kahit masakit.', ang sabi niya sa loob niya.

'Halika nga dito.', ang sabi ni Sean.

Lumapit naman si Ands sa kanya. Agad na lumapat sa kanya ang mabigat na braso ni Sean. Niyakap siya nito ng mahigpit.

'Buti na lang lagi kang nandyan kapag malapit na akong sumuko.', ang sabi ni Sean na nangingilid na ang mga luha.

Hinawakan naman ni Ands ang kamay na nakapulupot sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon, parang ayaw na niyang umalis, parang ayaw na niyang kumawala.

'E kung ako na lang sana, edi hindi ka na nasasaktan ng ganyan.', ang sabi ni Ands sa sarili.

'Umiiyak ka ba?', ang tanong ni Ands.

Sinubukan nitong kumawala sa yakap ni Sean upang tingnan ang mukha nito pero lalo lang hinigpitan ni Sean ang yakap niya dito. Hindi na nagpumiglas pa si Ands.

'D'yan ka lang ah. Wag mo akong iiwan.', ang sabi ni Sean.

Tumango lang si Ands.

Malakas na tao si Sean, sa loob at labas. Pero tanging kay Ands niya naipapakita ang kanyang weak side dahil sa kanya lang ito komportable ng husto. Kaya naman ang mga pagyakap at pag-iyak niyang iyon kay Ands ay tanging kay Ands lang niya ginagawa at hindi nila ito pinag-uusapan. Naging mahina lang si Ands noon dahil nahulog siya kay Sean, dahil sa pagpapakita nito ng tender side. May nangyari sa kanila dati nang parehas silang nalasing. Pero hindi na ito naulit. Masyadong mahalaga si Ands para kay Sean na hindi niya magawang magalit at iwan ito. Tanging ito lang kasi ang nakakakilala sa kanya ng husto. Ibinaon na niya ito sa limot at minsan na lang ito mapag-usapan sa mga asaran nilang dalawa.

Nang naririnig na ni Ands ang mabibigat na hinga ni Sean ay hinawakan niya ang kamay nito.

'Ikaw pa rin ang mahal ko, Sean. Kelan mo kaya ako makikita?', ang sabi nito bago pumikit.

0*0*0*0

Kinabukasan pagpasok nina Pat at Sean sa trabaho ay ramdam nila ang kakaibang aura ng silid. Hindi nila mawari kung ano ang mali pero parang ang lahat ay nagbi-busy busy-han. Around 9AM na dumating si Chuck na agad namang kinausap ng sekretarya na pinakamalapit sa pinto.

'Sir, may bisita po kayo.', ang sabi nito.

Ang lahat ay napatigil sa trabaho at nakatingin sa kanya. Na-weird-uhan siya sa ikinilos ng mga ito.

'Sino daw?', ang tanong ni Chuck.

'Nasa office niyo na po siya.', ang sabi ng sekretarya.

Agad namang tinahak ang direksyon ng kanyang silid. Ang lahat ng mga mata ng mga nakaupo ay sumunod sa kanya.

'Anong meron?', ang tanong ni Sean.

'Di ko alam pero ang weird lang.', ang sagot ni Pat.

Pagkabukas ng pinto ni Chuck ay halos mapako ito sa kanyang kinatatayuan nang tumayo ang isang lalaki na nakaupo sa isa sa mga couches ng office niya.

'Hi, Chuck.', ang bati nito sa kanya.

Abot-langit ang kaba ni Chuck. Feeling niya ay pinagpapawisan siya ng malamig.

'Rico?', ang hindi makapaniwalang sabi ni Chuck nang ma-recognize ang taong nasa harap niya.

No comments:

Post a Comment