Sunday, December 16, 2012

Aftermath (03)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

'Guys, let's go.', ang yaya ni Chuck kina Pat at Sean.
Ikalawang araw na nila sa trabaho at tinupad naman ni Chuck ang sinabi niya kahapon na sabay sila magla-lunch ng mga bagong empleyado ng department. Hindi sila sa office canteen kumain. Pumasok sila sa loob ng isang Chinese restaurant kung saan puro mga naka-americana ang mga tao.

'O, anong order niyo? Huwag kayong mahiya. KKB naman tayo.', ang sabi ni Chuck.

Para namang natulala ang dalawa at hindi alam kung seryoso o nagloloko ang boss.

'Ikaw, Chuckie, binu-bully mo 'tong mga bata.', ang pagpansin ni Angela sa reaksyon ng dalawa.

'Joke lang. Sige na, pumili na kayo. Si Angela ang magbabayad.', sabay tawa ng malakas.

'Hoy! Kulang pa yata ang sahod ko sa isang kinsenas sa magiging bill natin dito. Ikaw 'tong malaki kumita e.', ang sabi ni Angela sabay palo sa braso ni Chuck.

'O diba? Parang hindi niya ako boss.', ang sabi ni Chuck kay Pat at Sean.

Tumawa naman ang dalawa dahil sa lokohan ng dalawang beterano na sa trabaho. Um-order na sila at hinintay na ang kanilang mga pagkain.

'Ilang taon na kayo? First job nyo 'to no?', ang tanong ni Chuck.

'20 po. First job po.', ang nahihiyang sagot ni Pat.

'I'm 21 and also my first job. You, sir? How young are you?', ang magiliw na tanong ni Sean.

Magaling makisama si Sean. Madali siyang makagaanan ng loob. Halos magka-height lang sila ni Pat pero mas matipuno ang pangangatawan ni Pat.

'I'm 25.', ang sagot ni Chuck na nakangiti.

'C'mon, Sir!', ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Sean.

'Hala ka, Charlie. Ayaw maniwala sa edad mo. Mukha ka na kasi trenta!', ang sabat ni Angela.

Napatingin lang si Pat sa mga nag-uusap dahil wala itong masabi. Nahihiya pa siya sa mga kasama.

'No. I mean, you'll pass for 25. 23-24 pa nga po e. But assistant head at such a young age? Whoa, sir! That's something. Seriously, that's something!', ang sambit ni Sean.

Namangha naman si Pat sa kagalingan ni Sean sa pagsasalita ng Ingles. Conversant din naman siya dahil sa bahay ay madalas din siyang kausapin sa ganoong lenggwahe.

'Hardwork and perseverance lang 'yun.', ang nakangiting sabi ni Chuck sa dalawa.

'Whooooooo!!', ang sabi ni Angela habang kumukuha ng tissue.

'O bakit?', ang tanong ni Chuck.

'Dinudugo ako sa inyo!! Seriously!', ang sigaw ni Angela.

Humalakhak naman ang lahat dahil sa reaksyong ito ni Angela.


0*0*0*0

'O, Ken. Kamusta ang paghahanap ng trabaho?', ang tanong ng mommy niya habang nagla-lunch sila kasama ang daddy niya.

'Hindi pa po ako nag-aapply.', ang sagot ni Ken.

'O bakit? Mahirap na nga maghanap ng trabaho ngayon. Wag kang tatamad-tamad ha.', ang mahinahong sabi ng daddy niya.

'Hindi naman sa ganon, Dad. Para kasing mas gusto kong magtayo ng business.', ang sabi ni Ken.

'What kind of business?', ang tanong ng ina niya.

'A restaurant.'. ang maikling sagot niya.

'Saan ka naman kukuha ng puhunan mo?', ang tanong ng ama niya.

Tumingin lang si Ken sa mga magulang at mukhang naintindihan naman nila ang kanyang ibig sabihin.

'Ken, I'm retiring in less than 2 years. Ang hirap mag-venture ngayon into something very risky.', ang sabi ng ama.

'I know. But if I succeed, this'll earn us a fortune in due time.', ang depensa ni Ken.

'I know, I know. But, first. Find a job. Secure your life. Hindi habang buhay narito kami ng mommy mo. Magkakaron ka ng sariling pamilya.', ang pangaral ng ama.

'Dad?', ang sabi ni Ken upang ipaalala na hindi siya straight.

'I know! Pero eventually, you'll start a family kahit ibang klaseng pamilya yan. Dapat meron kang sariling income and you should start saving! I don't want to leave my only child with a life less than what you've got with us. Naiintindihan mo ba ako, anak?', ang paglilinaw ng ama.

'Opo. Thanks, dad.', ang sabi ni Ken.

'If you really want to put up a business. Start it with your own money. Para masabi mo sa sarili mo na talagang pinaghirapan mo iyan. Besides, bata ka pa! Magtrabaho ka muna. Gusto mo magpatulong na ako sa mga kumpadre ko sa business.', ang pagmamayabang ng ama.

'Wag na. Ako na lang ang maghahanap ng sarili kong trabaho. I can do this on my own.', ang sabi ni Ken.

Though, disappointed siya sa naging reaksyon ng mga magulang sa kanyang gusto, naintindihan niya naman ang point ng mga ito.

'That's my son.', ang sabi ng kanyang ina bago siya halikan sa noo.

0*0*0*0

'Did you grow up in the States?', ang tanong ni Pat kay Sean habang naglalakad sila pabalik sa office.

'Yeah. How'd you know?', ang sabi ni Sean.

'Coz of your accent.', ang sagot ni Pat.

'Ah. Yeah. I lived there for, like, 4- 5 years din. Finished high school there. Then, dito na ako nag-college.', ang pagkekwento ni Sean.

'Ah. Bakit ka pa bumalik? I mean, I know education there is a lot better.', ang patuloy ni Pat.

'Well, my family still lives here. I was with my aunt when I was studying there. And they have to move to a different state coz she divorced my then American uncle. So I needed to go back. My mom doesn't want na rin na maging burden lang ako sa aunt ko.', ang pagkekwento pa rin ni Sean.

Nauuna sa paglalakad sina Chuck at Angela at hindi na naririnig ang kanilang pinag-uusapan.

'Oh, I see. Sayang naman.', ang nasabi na lang ni Pat.

'Yeah. But I enjoy living here more than in the States. Yeah, the lifestyle is a lot better there. But my family's still here. This is my home.', ang nakangiting sabi ni Sean.

0*0*0*0

'Hello.', ang pabulong na sagot ni Pat sa phone.

'Hi. 6pm?', ang tanong ni Ken sa oras ng pagsundo niya kay Pat.

'Yes.', ang maikling sagot nito.

'Can't wait to see you.', ang bigkas ni Ken.

'Weh?', ang pang-aasar ni Pat.

'Ayaw pang maniwala.', ang medyo nalungkot na tono ni Ken.

'Totoo nga?', ang tanong ni Pat.

'Oo nga. Sige na. Baka naiistorbo na kita. See you later.', ang paalam ni Ken.

'Bye.', ang nakangiting sabi ni Pat.

Ibinaba niya ang phone at agad na bumalik sa pagta-type. Hindi naman niya namalayan na nakadungaw si Sean sa taas ng cubicle niya.

'Ang cheesy!', ang pang-aasar nito.

'Huh?', ang tanong ni Pat.

'You were talking on the phone, smiling. Kilig na kilig.', ang patuloy na pang-aasar ni Sean.

'Seriously, Sean?', ang tanong ni Pat nang na-gets nito ang pang-aasar ng workmate.

'Akala ko ba wala kang girlfriend?', ang tanong ni Sean.

'Wala nga.', ang sabi ni Pat.

'Yeah, right!', ang sarkastikong sagot ni Sean bago ito bumalik sa kanyang desk.

Nangiti na naman si Pat dahil sa pagkahuli ni Sean sa kanyang pagkakilig.

0*0*0*0

'Nakakainis ka!', ang sabi ni Pat pagkasakay niya sa sasakyan ni Ken.

'O bakit? Anong ginawa ko?', ang tanong ni Ken.

'Pinakilig mo ako kanina nung sinabi mong you can't wait to see me. Nahuli pa ako ni Sean.', ang pagkekwento niya sa nangyari kanina.

'Sino si Sean?', ang nakangiti niyang tanong.

'Yung kasama ko na bago din.', ang sabi niya.

'O wag ka na mainis. O eto.', ang sabi ni Ken sabay abot ng isang bar ng chocolate.

'Wow!', ang na-surprise niyang bigkas.

Nagkatinginan ang dalawa. Sumenyas si Ken na tumingin si Pat sa backseat ng sasakyan na agad naman niyang ginawa.

'Whoa! Papatayin mo ba ako sa tamis? Ha, Villanueva?', ang tanong niya kay Ken matapos kuhanin ang isang basket na puro choclolate na favorite ni Pat.

'Hindi naman. Gusto ko lang na magbaon ka niyan araw-araw para hindi mo ako makalimutan.', ang sabi ni Ken.

'Hindi naman kita kinakalimutan ah.', ang pabulong na sabi ni Pat habang ini-start na ni Ken ang makina ng sasakyan.

'Ano?', ang tanong ni Ken dahil hindi niya narinig ang sabi ni Pat.

'Wala. Sabi ko salamat!', ang sigaw ni Pat.

0*0*0*0

Kinabukasan ay hindi magandang araw para kay Sean. Lahat na yata ng kamalasan ay nangyari sa araw na ito. Na-late siya dahil nasira ang MRT. Nagkamali pa siya ng pagse-send ng isang mahalagang e-mail. At ang pinakamasaklap ay napagalitan siya.

'We did not hire you to play dumb in this bank. We do not have a room for mistakes here! We chose the best from the best. And you disappointed me today, Sean. I'm very much disappointed with you!', ang narinig ni Pat na sabi ni Chuck kay Sean mula sa office nito.

Nakayukong lumabas si Sean sa office ni Chuck. Tahimik itong umupo sa kanyang desk. Sa mundong ginagalawan nila ngayon, wala nang panahon pa para i-entertain ang mga nararamdaman nila. May sakit man sila, tuloy pa rin ang trabaho.

'Dude, okay ka lang?', ang tanong ni Pat sa kanya nang makahanap siya ng time para kamustahin ang kasama.

Umiling lang si Sean at muling humarap sa computer. Halata ang pagkadismaya niya sa sarili.

'You wanna talk later? After work?', ang tanong ni Pat.

'Sure. Thanks.', ang mahinang tugon sa kanya ni Sean.

0*0*0*0

Nagtext agad si Pat kay Ken upang madamayan ang kasama sa trabaho.

Pat: Ken, baka later than 6PM pa ako makalabas. Huwag mo na ako sunduin.
...
...
Ken: OT?
...
...
Pat: Yeah.
...
...
Ken: Sige, hihintayin na lang kita.
...
...
Pat: Kahit wag na. Okay lang.
...
...
...

Hindi na nagreply si Ken. Bumalik naman muli si Pat sa trabaho. Wala nang dalawang oras at matatapos na ang trabaho niya para sa araw na ito.

0*0*0*0

'Weren't you too harsh with the kid?', ang tanong ni Angela kay Chuck matapos pagalitan si Sean.

'No. And he's not a kid anymore. This is the real world! Hindi pwede 'yung papatay-patay. I'm just teaching him how he should be in this industry.', ang sabi ni Chuck.

'I get that. Pero baguhan pa lang 'yung bata. You should've given him a lighter work. Nabigla naman yata.', ang depensa ni Angela.

'Angela, wag mo silang tawaging bata. Kaya hindi nagse-seryoso sa trabaho iyang mga iyan e.', ang sabi ni Angela.

'C'mon, Chuck! Pinapaghalo mo na naman ang personal problems mo sa work. Baka naman ibinuhos mo lang kay Sean kung ano man 'yang inis na nararamdaman mo. Unfair 'yun. How many times have I told you?', ang sabi ni Angela.

'I'm sorry. Ang hirap lang talaga. Bumabalik kasi e. I keep drowning myself with work pero ayaw talaga matanggal sa isip ko e. Ang hirap. I'm getting frustrated!', ang sabi ni Chuck.

'You're being unprofessional. Seriously. You gotta talk to him and apologize.', ang diretsahang sabi ni Angela.

Mas matanda lang ng isang taon si Chuck kay Angela at halos isang taon lang din ang pagitan ng pagpasok nila  sa bangkong ito. Dahil sa pagpasok nina Sean at Pat, na-promote ang dalawa - si Chuck bilang assistant head at si Angela naman bilang senior associate.

' Can you give me a second, please?', ang pormal na pagtataboy ni Chuck kay Angela.

'Sure. Sorry.', ang tahimik na pag-alis ni Angela sa office ni Chuck.

0*0*0*0

'Tara, I'll buy you dinner.', ang yaya ni Pat kay Sean para mapagaan ang loob nito.

'You don't have to. I'm okay.', ang pagtanggi ni Sean.

'C'mon, dude! I insist.', ang pagpupumilit ni Pat.

Pumunta sila sa Glorietta at kumain sa isang pizza parlor. Um-order si Pat ng good for 4 na pagkain dahil alam niyang malakas kumain si Sean. At syempre dahil gutom na rin siya.

'I just don't get it! Seriously, he didn't need to yell at me! I was so ashamed coz I know you guys heard what he said. Man, I just wanna melt right on that moment.', ang paglalabas ni Sean ng sama ng loob.

'We all have to experience failures, one way or the other. Nauna ka nga lang sa ating dalawa. And maybe Sir Chuck's having a bad day.', ang sabi ni Pat.

'But that's no excuse to treat me like that! C'mon! Nakakainis lang na simpleng pagkakamali ko lang e grabe ang galit niya sa akin.', ang sabi ni Sean.

'Don't worry. He'll come around.', ang sabi na lang ni Pat.

'This is a good day! In fact, this is the best day of my life! MRT got stuck in the middle of Ayala and Buendia for 20 minutes! Sobrang init at sikip pa! Late pa ako. Napagalitan pa. Tapos this phone just doesn't wanna stop ringing!', ang gigil niyang sabi bago ibagsak ang phone sa mesa.

Nagulat naman ako sa lakas ng pagkakabagsak niya. Pati ang ilang customers na malapit sa amin ay natigilan sa pagkain at napatingin sa ginawa ni Sean.

'Hey, hey. It's alright. Wag mong sirain ang phone mo.', ang pagpapakalma ni Pat kay Sean.

'No, it's not. Puro malas na lang.', ang sobrang frustrated na sabi ni Sean.

Tiningnan ni Pat ang phone ni Sean at nakitang may tumatawag pa rin. Kris ang naka-register na pangalan.

'Kumain ka muna.', ang sabi ni Pat sabay tapik sa balikat ni Sean.

0*0*0*0

Halos isang oras nang naghihintay si Ken sa kanyang sasakyan na ipinarada niya muna sa kalapit na parking space ng building kung saan nagtatrabaho si Pat. Tinatawagan niya ito ngunit hindi sinasagot.

'Answer the phone, Pat.', ang bulong niya sa sarili.

Matapos ang ilang tawag ay sa wakas sumagot din ito.

'Hello?', ang pagsagot ni Pat.

'Nasaan ka na? Kanina pa ako nandito sa Ayala.', ang inis na bungad ni Ken.

'Diba sabi ko sa'yo na huwag mo na akong sunduin?', ang pagpapaalala ni Pat sa usapan nila kanina.

'Hindi naman ako um-oo diba?', ang sagot ni Ken.

'Hindi ka nagreply so I assumed na okay na sa'yo yun.', ang depensa ni Pat.

'E nandito na nga ako e. Bumaba ka na.', ang utos ni Ken.

Bigla namang naalarma si Pat dahil wala siya sa building.

'Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. 30 minutes pa.', ang alibi ni Pat.

'Dalian mo.', ang sabi ni Ken bago ibaba ang phone.

Nakatingin lang si Sean sa kanya habang kausap si Ken. Tapos na sila kumain at nagpapahinga na lang.

'I'm so sorry, Sean. But I need to go back to the building. Nandun 'yung sundo ko e.', ang sabi ni Pat.

'It's okay. Ako nga 'tong dapat magsorry sa'yo kasi naabala pa kita.', ang sabi ng nahimasmasan na si Sean.

'Wala 'yun.', ang sabi ni Pat.

'Tara, I'll walk with you. Doon na lang ako sasakay. Magka-cab na lang ako.', ang yaya ni Sean.

'Okay. Tara.', ang sabi ni Pat bago tumayo at lumabas ng mall.

'Thank you, Pat. For the company and the dinner.', ang sabi ni Sean.

'Don't mention it.', ang sagot ni Pat.

Hindi sila nagmadali sa paglalakad sa kahabaan ng Ayala at nagkuwentuhan pa. Mahangin dahil papalapit na ang tag-ulan.

'So, sino si Kris?', ang tanong ni Pat.

No comments:

Post a Comment