rantstoriesetc.wordpress.com
Naalala ko na naman ang nangyari noong isang gabi kaya
mabilis akong humindi. Nag-alibi na lang ako na may isa pa akong tatapusin at
baka matagalan pa ako. Hindi naman na siya nagpumilit. Sinilip ko ang office ni
Boss John. Patay na ang ilaw sa loob nito. Nakahinga ako ng maluwag.
Inilagay ko sa tatlong magkakahiwalay na folder ang mga
print-outs ng report. Iniwan ko sa aking mesa ang dalawa habang ang isa naman
ay bitbit ko papunta sa office ni Boss John.
Minabuti kong dalhin na rin ang
bag ko para diretso na pababa ng gusali. Muli na naman akong kinabahan habang
papalapit ako sa office ni Boss.
Binuksan ko ang pinto niya at hinanap ang switch ng ilaw.
Nang lumiwanag na sa kanyang silid, nakita ko si Boss John na nakaupo sa
kanyang malaking office chair. Nakatalikod siya sa pinto. Malamang nakatitig
ito sa magandang tanawin sa labas ng glass wall niya. Iyon lang ang tanging
glass sa kanyang opisina. Ang dalawang pader na naghihiwalay sa kanya sa amin
ay semento. May ilang paintings at mga diplomas ang nakasabit sa mga ito. Ang
pinto niya ang heavily tinted kaya naman malabong anino lang niya ang nakikita
namin mula sa labas.
“Boss John! Akala ko po ay umuwi na kayo. Sorry. Dinala
ko lang po itong report. Natapos ko na po.” Inilapag ko sa kanyang mesa ang
hawak na folder. Humarap na siya noon sa akin at nakita ko ang ngiti sa kanyang
mga labi.
“Good job. I know you can do it.” ang sabi niya.
“Sige po, una na po ako.” ang paalam ko.
“Lucas.” Authoritative ang pagtawag niya sa aking
pangalan kaya naman napatigil ako bigla sa paglalakad. Narinig ko ang paggalaw
ng kanyang upuan pero hindi ako humarap sa kanya. Nakatingin ako sa pinto.
Iniisip ko kung ilang hakbang ang kailangan kong gawin para makaabot dito.
Mabilis ang paglapit sa akin ni Boss John. Ang mga yabag ng kanyang paa ay
parang saksak sa aking puso. Hindi lang basta kaba ang nararamdaman ko. Parang
gusto ko ng isuka ang puso ko.
“You’re not making me wait for nothing, are you?” ang
sabi niya.
Ang mga huling salitang kanyang sinabi ay bulong. Amoy
alak ang kanyang hininga. Pumikit ako at pasimpleng humakbang palapit sa pinto
pero mabilis niya akong nahawakan sa aking sinturon. Malakas si Boss John.
Hinatak niya ako palapit sa kanya gamit ang aking sinturon. Naramdaman ko ang
mabibigat niyang paghinga sa aking batok. Unti-unti ring tumutusok sa aking
likuran ang nagagalit niyang alaga sa pagitan ng kanyang mga hita.
“Boss John, please. Uuwi na po ako.” ang pagmamakaawa ko.
“Fifteen minutes lang, Lucas. Just like the other day.
Alam kong nasarapan ka. Huwag mo nang ipagkaila.” ang sabi ni Boss John sa
pagitan ng mga halik niya sa aking batok.
Ang isang braso niya ay nakapulupot sa aking katawan.
Naiipit ng kanyang katawan na nakadikit sa akin ang kanang kamay ko. Inipit
niya naman ang kaliwa kong kamay sa aking likod habang ang malaya niyang braso
ay ipinulupot sa aking leeg.
“Please, Boss. Tama na.” ang bulong ko.
Itinulak niya ako sa sofa sa kaliwang bahagi ng kanyang
opisina. Tumama ang ulo ko sa pader sa lakas ng pwersa. Mabilis akong tumayo at
tumakbo palabas pero naharangan ako ni Boss John at muli akong itinulak.
Natatakot ako sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Napahiga ako sa sahig
at tumama ang aking likod sa center table na natumba. Nabasag ang centerpiece
nito at nagkalat ang mga papel. Akma pa lang akong tatayo pero nakaupo na si
Boss sa aking tiyan.
“Please, Boss!!!” ang sigaw ko.
“Huwag kang sumigaw, putang ina ka.” ang sabi niya habang
nanggagalaiti sa akin.
“Tuloooooooong!!!” Isang malakas na suntok ang inabot ko
sa hindi pagsunod sa kanya. Masyadong malakas at malaki si Boss para sa akin.
Nagawa niyang iangat ang dalawa kong kamay at ikinulong ito sa kanyang kanang
kamay habang ibinababa ang pantalon. Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa
aking kamay. Pero mabilis niyang naitutok sa akin ang baril na nakalagay sa
kanyang pantalon.
“Subukan mong gumalaw, diretso sa utak mo ang bala nito.”
Matapos iyon, ako naman ang hinubaran niya. Hindi na niya inabala pang
tanggalin ang aking polo pero mabilis niyang naibaba ang aking pantalon pati
briefs. Nanghihina na ako sa maya’t mayang pagsapak niya sa aking mukha.
Halinhinan ang mga suntok sa mga halik niya sa aking leeg. Hindi niya rin
binitiwan ang hawak na baril. Walang patid na ang pagtulo ng aking mga luha
habang pilit niya akong winawasak ulit. Napasigaw na naman ako nang itinodo
niya ang pag-ulos.
Pabilis ng pabilis ang kanyang ginagawa. Hindi yata
nawala ang sakit sa tuwing idinidiin niya ang kanyang katawan sa akin. Sa
tuwing magtatangka akong manlaban, mag-asawang suntok ang inaabot ko. Idinapa
niya ako sa sahig at ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Wala na akong narinig
pa kung hindi ang mga ungol niya.
“Malapit na, malapit na.” ang sabi niya kasunod ng
pagtunog ng pinto sa labas.
Napatigil si Boss sa kanyang ginagawa. Pagkakataon ko na
para humingi ng saklolo. Bago pa man ako makapagsalita, nakatutok na sa aking
sentido ang baril na hawak ni Boss. Pinigilan ko ang aking paghinga sa sobrang
takot.
“One word and you’re dead.” ang bulong niya.
Muling tumunog ang pinto, senyales na lumabas na ang kung
sino mang rumonda sa floor nila. Mas naging bayolente si Boss John sa kanyang
ginagawa. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng baril sa aking likod. Ilang sandali
pa ang lumipas at mistulang lumaki ang wumawasak sa akin. Kasabay nito ang
pagtodo ni Boss John sa kanyang pambababoy sa akin at ang paghiyaw niya dahil
naabot niya ang rurok ng kasarapan.
“Tumayo ka na at magbihis ka.” ang sabi niya nang makaupo
siya sa sofa.
Tinakpan niya ng unan ang kanyang harapan habang
nakatutok pa rin sa akin ang baril. Gustung-gusto ko nang umiyak. Ang hapdi ng
aking mukha pati na ng aking puwet. Pero ayokong ipakita sa kanya iyon. Nang
makapagbihis ako ay lumapit siya sa akin at inilagay niya ang baril sa aking
baba.
“Alam mo na ang mangyayari kapag nagsalita ka. Hindi lang
ang trabaho mo ang mawawala.” ang pananakot niya.
Gusto ko siyang murahin sa ginawa niya sa akin. Pero
hindi na lang ako nagsalita at tumalikod na sa kanya. Patakbo kong tinungo ang
elevator kahit na masakit ang buong katawan ko. Nang, sa wakas, ay nagsara na
ang pinto at nagsimula itong bumaba, nakita ko sa salamin kung gaano kalala ang
ginawa niya sa aking mukha. Doon ko rin naramdaman ang pagkirot ng mga parte ng
aking katawan kung saan lumapat ang kanyang mga mabibigat na kamay. Ibang sakit
naman ang nararamdaman ko sa bandang puwetan. May mga tuyong dugo sa aking
ilong. May malaki akong bukol sa noo. Pumutok ang labi ko.
…
Nakayuko at iika-ika akong lumabas ng gusali at tinakpan
ko ng panyo ang aking ilong at bibig. May nakatambay ng taxi sa labas kaya
naman mabilis akong nakasakay pauwi. Nang isinandal ko ang aking ulo, nakaramdam
na naman ako ng sakit. Nang sapuin ko ang pinanggagalingan nito, may dugo.
“Sir, okay lang po ba kayo? Mukhang nabugbog kayo. Gusto
niyo po bang dumaan sa ospital?” ang sabi ng driver.
“Okay lang po ako. Diretso na lang po sa apartment na
sinabi ko sa inyo.”
“Pero, Sir, mukhang…”
“Kuya, pwede? Paki-drive na lang sa destination ko.” Alam
ko namang nagmamalasakit lang ang driver na ito pero anong sasabihin ko sa
hospital. Ayaw ko nang palakihin pa ang gulong ito. Gusto ko lang umuwi.
Maingat akong pumasok sa apartment. Inaasahan kong sa
sala natulog si Xavier. Ilang minuto na lang at hatinggabi na, malamang tulog
na siya. Ayaw na ayaw niyang nagpupuyat pero nadatnan kong walang tao sa sala
maging sa kusina. Marahan kong pinihit ang door knob para mabuksan ang pinto ng
kwarto. Naroon si Xavier at subsob sa trabaho. Nakaupo siya sa aking study area
at gamit ang laptop ko. Isasara ko na ang pinto para hindi niya ako makita pero
mabilis siyang nakalingon.
“Lucas. Oh my, anong nangyari sa’yo?!” ang patakbo niyang
sabi nang makita ang marumi kong mukha.
“May mangho-holdap sa akin. Nanlaban ako. Ayaw kong
ibigay ‘tong bag ko. Mabuti nga’t ito lang inabot ko. May dalang kutsilyo ‘yung
isa. Nakatakbo ako agad bago pa niya ako masaksak.” ang pagsisinungaling ko.
“Halika nga rito at nang matingnan ‘yang mga sugat mo.
Sana ibinigay mo na lang ‘yung gamit mo kaysa ganyan. Nasaktan ka pa.” ang
labis niyang pag-aalala.
“Papagalitan mo pa ako?” ang medyo galit kong tanong sa
kanya.
Hindi magkanda-ugaga si Xavier sa kanyang gagawin para
malinis ang sugat sa aking mukha. Labas-masok siya sa kwarto para kumuha ng
malamig na tubig, batya, towel at Betadine. Wala akong ginawa kung hindi ang
umupo lang at hayaan siyang alagaan ako. Kahit na kita ko sa kanya ang labis na
pag-aalala, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis o galit sa kanya dahil sa
hindi niya pagsagot sa aking mga tawag.
“Babe, may sugat ka rin sa ulo. I think kailangan na
nating pumunta sa hospital. Para lang sure.” ang sabi ni Xavier nang mapansin
nito ang nanuyong dugo sa aking buhok.
“Pwedeng bukas na lang? Nauntog lang ako niyan sa sahig.
Tinulak kasi ako ‘nung isa eh.”
“E baka…”
“Xav, bukas na. Okay?”
“Ni-report mo na ba ‘to sa pulis? Dapat nagpa-blotter ka.
Samahan na kita.”
“Bukas na lang. Ano ba, paulit-ulit.”
Wala na siyang nagawa dahil ayaw ko talagang magpunta sa
hospital at sa police station. Tumayo ako at nagtungo sa CR para maligo.
Isinara ko ang pinto at isa-isang tinanggal ang aking saplot. May mga bakas pa
ni Boss John ang aking dibdib. Namumula ang mga ito dahil sa sobrang diin ng
kanyang paghawak at paglamas dito. May tatlong malalaking pasa ako sa likod
dahil sa baril na itinuon niya roon.
“Ow.” ang daing ko nang ako’y yumuko nang ibaba ko ang
suot na pantalon at briefs.
Doon ko muling naramdaman ang kirot sa aking puwet.
Nakita ko ang dugo sa aking underwear na nagmantsa na pati sa aking pantalon.
Nanghina ako dahil doon. Agad kong itinapon sa basurahan ang briefs habang ang
pantalon naman ay ibinaon ko sa humper. Iika-ika akong naglakad patungo sa shower.
At tulad noong isang araw, dalawang beses kong sinabon ang buo kong katawan.
Matapos maligo, pinili kong magsuot ng malaking t-shirt
at pajamas. Tinuyo ko na ang aking buhok bago nagtungo sa aking kama para
matulog. Nakahiga si Xavier nang lumabas ako sa banyo. Nang humiga ako sa
kabilang gilid ng kama ay tumayo siya at kinuha niya ang kanyang unan.
“Anong ginagawa mo?” ang mahinang tanong ko sa kanya.
“Sa sala ulit ako matutulog.” ang sagot niya.
“Okay.” Gusto kong sa tabi ko na siya matulog. Gusto kong
yakapin niya ako. Pero sa tuwing lalapit siya sa akin, natatakot ako. Para
akong sasabog. Napakagulo ng nararamdaman ko. Gusto ko rin siyang sigawan at
sisihin sa nangyari sa akin ngayon dahil hindi niya sinagot ang mga tawag ko.
Kung sakaling pinansin niya ang mga iyon, baka hindi nangyari ito.
“Can I at least kiss you good night?” ang tanong niya
habang bahagyang nakayuko.
Tinitigan ko ang kanyang mukha. Bakas dito ang labis
niyang pagka-miss sa akin. Bagsak ang kanyang mga mata. Nangungusap ang mga ito.
Gusto kong matunaw dahil sa titig niya. Iyan ang isa sa mga rason kung bakit
nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ako sumagot sa kanyang tanong pero marahan
siyang lumapit sa akin.
Papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa akin. Nang
akma nang dadampi ang kanyang labi sa aking labi, umiwas ako. Nakita kong
nagulat siya. Mabilis niyang inilayo ang kanyang mukha at umatras.
“Sorry.” ang kanyang huling sinabi bago ako iwan mag-isa
sa kuwarto.
No comments:
Post a Comment