Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (11 & 12)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 11
'Hay. Nakakapagod. First day pa lang, ang dami na agad research na pinapagawa.', ang una kong nasabi nang magkita kami ni Pol.
'O? Yung mga classes ko ngayon medyo light naman. Ok yung mga prof.', nakangisi niyang sagot.

Nasa third year, second sem na ako samantalang si Pol ay nasa second year, second sem. Pero puro minor subjects lang muna ang kinukuha niya. Sa summer pa kasi available yung major subject niya na pre-requisite sa halos lahat ng ibang major subjects. 1pm-7.30pm ang schedule ko everyday. Si Pol naman ay 2pm-8pm.

Dahil first day, maagang nag-dismiss ang mga prof. 6pm pa lang ay parehas nang tapos ang klase namin ni Pol.

'Good for you. Made any friends yet?', ang tanong ko.

'Wala pa masyado. Naiilang yung mga kaklase ko sa'kin e.', sabay kindat.

'Whoa, whoa. Ang hangin! Grabe.', ang natatawa kong sambit.


'Haha. Tara na nga.', pag-aya niya.

Sumakay na kami sa kotse niya. In-on ko ang radyo sa favorite naming station. Medyo ma-traffic pero ayos lang. Nagke-kwentuhan naman kami ng walang katapusan. Napansin kong hindi direksyon pauwi sa bahay ang tinatahak namin.

'Uhm. Pol, hindi dito yung daan papunta sa amin. Dapat nag-U-turn ka.', sabi ko.

'I know. May pupuntahan lang tayo.', sabi niya sabay ngiti.

'Saan naman?', ang clueless kong tanong.

'Basta.'

***
Pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Paliko-liko kung saan hanggang sa magpark kami sa labas ng isang mala-mansyon na bahay.

'Welcome to my humble abode.', ang sabi ni Pol pagbaba namin ng kotse.

'Wow.', ang tangi kong nasabi.

Napaka-elegante ng bahay nina Pol. May malaking garden sa labas. Ang mga furniture naman sa loob ay halatang mamahalin. Sobrang sophisticated. Hindi pilit ang pagkakalagay ng mga kagamitan. Malinis. Alagang-alaga.

'I made Yaya cook some of my fave dishes. Haha. Di ko kasi alam yung gusto mo e.', ang sabi niya habang papunta kami sa dining area.

Ang daming pagkain. From Filipino to Italian dishes, nakahain sa mesa.

'Wow. Ang dami naman yata. Ano meron? Birthday mo ba?', ang tanong ko.

Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin.

'Oh, my God! Happy birthday!! Sorry, hindi ko alam. Oh, no. Nakakahiya. Wala man lang akong regalo sa'yo.', sobrang na-surprise talaga ako.

'It's okay, ano ka ba.', ang nakangiti pa din niyang sagot sa akin.

'No, it's not!', ang hindi ko pagpayag.

'It's not that big a deal. Tara na, gutom na ako e.'

***
'Hay. Grabe, sobrang busog na ako. May mga bisita ka pa bang dadating?', ang sabi ko.

'Wala. I didn't invite anybody. Hey, you wanna go upstairs?', aya ni Pol.

'Sige.', sagot ko.

Nag-stay kami sa kwarto niya. Pinahiram niya muna ako ng damit para maging comfortable ako.

'Mukha naman akong gangster nito. Ang laki!', natatawa kong sabi habang nakatingin sa salamin.

'Oo nga! Hahahaha! Ok lang yan, tayong dalawa lang naman e.', ang sagot niya.

Umupo ako sa may bandang kanan ng kama niya. Siya naman ay nasa may bandang kaliwa. Nanonood kami ng TV pero hindi ko naman iniintindi yung palabas.

'Uy, Pol. Happy birthday ah.', ang mahinang pagbati ko ule sa kanya.

'Salamat.', ang tangi niyang sagot.

Nag-iba ang tono ng boses niya. May bahid ng kalungkutan. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya sa mga mata. Tumingin din siya sa akin, nangingilid ang mga luha.

'Hey, is everything alright?', ang tanong ko.

Umiling lang siya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.Ang higanteng si Pol ay nagpakita ng softer side niya sa akin.

'I miss my family.', ang pilit niyang sinabi sa pagitan ng mga hikbi.

'Akala ko ba umuwi ka from States kasi bored ka na dun?'

'No. They kicked me out.'

Pinunasan ko ang mga luha na nasa pisngi ni Pol.

'Bakit?', ang tanong ko.

Napako ata ako sa kinauupuan dahil hindi ako makagalaw dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.
Part 12
'Wul, sorry di ko agad nasabi sa'yo.', ang sabi ni Pol.
Hindi pa din ako makapag-react pero nararamdaman kong namumuo ang luha sa mga mata ko.

'Wala akong mapuntahan. Wala akong malapitan. Tapos when I checked my contacts sa phone, nakita ko ang number mo. Nagbaka-sakali akong itext ka. Kaya eto tayo ngayon.', ang paliwanag ni Pol.

'Pero, bakit ako?', at tuluyang tumulo ang mga luha ko.


Napayuko si Pol. Hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ko.

'Uhm. Kasi.', isang buntong hininga ang pinakawalan niya.

'Na-feel ko lang na ikaw ang pinakamakakaintindi sa akin. Sa sitwasyon ko.', ang sabi ni Pol.

'Kasi?', ang paghahanap ko pa ng paliwanag.

Alam ko na naman ang sasabihin niya. Halata na. Gusto ko lang manggaling sa kanya.

'Kasi I know you're not straight, too.', sambit niya.

Caught in the act. Yup, inamin ni Pol sa akin na nahuli siya ng kapatid niya na may kasamang lalaki sa kwarto. Galing sa konserbatibong pamilya si Pol at dalawa lang sila ng kanyang ate na magkapatid kaya ganon na lang ang galit ng parents nila sa kanya.

'Wow. What if you're wrong?', ang medyo napikon kong tanong.

'Hindi ko alam. Pero tama naman ako diba? Kanina, bago tayo umalis, napansin kong nakatitig ka dun sa isang ka-college mong guy. Parang gusto mo siyang lapitan na ewan.'

'Si Syd! Shit, ganon ba kahalata ang pagnanakaw ko ng tingin sa kanya?!', ang nasabi ko sa isip ko. Wala na akong magawa kasi tama naman talaga siya. Dapat pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagtulong ko kay Pol na maging masaya kahit papaano.

Lumapit ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Inihilig ko ang ulo ko sa kanyang kanang balikat. Niyakap din niya ako ng mahigpit at isinubsob ang ulo sa aking kaliwang balikat.

'Thanks for being real. I'll be here for you, no matter what.', ang sabi ko.

'Salamat.', ang sabi ni Pol ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

Pero hindi gaanong naglayo ang mga katawan namin. Ang mukha niya ay mistulang lalong lumalapit sa akin. Para akong nahi-hypnotize. Ang lalim ng tingin niya sa mga mata ko. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Halos malasahan ko na ang labi niya...

'Wag. Please.', ang pagputol ko sa romantic na tagpong iyon.

Bigla naman din siyang natauhan.

'Sorry, Wul.'

Isang nakakailang na katahimikan ang namayani. Parehas naming hindi alam kung paano magsisimula. Sobrang naging mabigat ang gabing ito dahil sa mga na-reveal na katotohanan.

'Gusto mo ng ice cream? Kukuha lang ako sa baba.', ang pagbasag ni Pol sa katahimikan.

'Sure.', ang nakangiti kong sagot.

Pagkabalik ni Pol, bumalik na din ang sigla sa aming dalawa. MOVIE MARATHON!! Nakasandal kami parehas sa headboard ng kama niya. Nakatulong ang pagnood ng isang comedy film at chocolate ice cream. Nang matapos ang comedy, nanood naman kami ng love story. Napagod ata ako sa kakatawa kanina at nakatulog na ako sa gilid ni Pol.

'Uy, gising! Daya nito. Birthday ko pa din. 11.30 pa lang. Bawal pa matulog.', sabi ni Pol.

'Inaantok na ako.', sabay sandal sa kanyang balikat.

Inakbayan niya ako at iginiya palapit sa kanya. Nakahiga na ako sa kanyang dibdib. Naririnig ko ang tibok ng puso niya. Napaka-kalmado. Lalo itong nagpaantok sa akin.

'Sabi nang bawal pang matulog e!', sabay lagay ng ice cream sa ilong ko.

Isang malaking halakhak ang pinakawalan niya. Nagulat ako sa lamig ng ice cream sa ilong ko at sa malaking tawa niya. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko at ipinalo sa mukha niya.

'Aba, lumalaban! Hahaha.', ang nasabi ng challenged na si Pol.

'Ginising mo ako e. Di ako papatalo sa'yo kahit higante ka pa!', isang hampas ng unan uli ang binigay ko sa kanya.

Gumanti ang loko at pinaghahampas din ako ng unan. Naghabulan kami sa loob ng kwarto niya. Ako ang sumuko. Napagod ako. Ilang beses yata akong nabalibag sa kama dahil sa lakas niya. Kalmado na ulit ang lahat.

'Hoy, Pol! Baka naman gusto mo nang matulog. May pasok pa tayo bukas.', ang pagyaya ko sa kanya matulog.

Humiga na ako at nagbalot ng kumot. Pumikit na ako kasi talagang inaantok na ako. Wala pang ilang minuto ay narinig ko nang nag-click ang switch ng ilaw at tumabi na si Pol sa akin.

'Wul.'

'Hmm?'

Bumalikwas ako at humarap sa kanya kahit na madilim na ang paligid. Hinawakan niya ang mukha ko. Binigyan niya ako ng matamis na halik sa pisngi.

'Thanks for making me happy ngayong birthday ko.'

Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi na ako sumagot at hinayaan ko na lang na magkayakap kaming natulog.

***
Naging maganda ang gising naming dalawa kinabukasan. Dumaan muna kami sa bahay at kumuha ako ng bagong uniform ko. Sa school na kami nag-lunch. Masaya kahit kaming dalawa lang. Parang kumpleto ako. Parang walang problema. Tama, parang lang kasi bigla akong nalungkot nang nakita ko si Syd. Masaya siya kasama ang mga iba naming kaklase. Buti 'yun sa kanya. Kaso may kirot pa din e. 'Sana nandun din ako.'

Nagtama ang mga mata namin ni Syd pero bigla din siyang kumawala.

'Tara na.', yaya ko kay Pol.

'Pero di ka pa tapos kumain. May pro...'

'Busog na ako. Let's go.'

Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria.

No comments:

Post a Comment