Sunday, December 16, 2012

Anong Pakiramadam ng Walang Maramdaman (09)

by: Lui
rantstoriesetc.wordpress.com

Dalawang kamay ang kanyang gamit sa pagsakal sa akin. Nakataas ang dalawa kong kamay at nakatali ang mga ito sa mga poste ng kama. Ganon din ang aking mga paa. Nanlilisik ang kanyang mga mata at nakakarindi  ang kanyang mga halakhak. Hindi ako makaiyak. Nakabuka ang aking bibig at nakalabas ang aking dila. Sa palagay ko, ilang segundo na lang at malalagutan na ako ng hininga. Pahigpit ng pahigpit ang pagpiga niya sa aking leeg.



May kung anong bagay ang nakapagpaalis sa kanya sa aking harapan. Nakita ko si Xavier na hinampas siya ng upuan na kanina lang ay piping saksi sa gilid ng pinto. Nahulog si Boss John sa kama pero agad itong nakatayo.
“Nooooooooo!!!” ang sigaw ko nang itapat ni Boss John ang kanyang baril kay Xavier at pinutok ito.
“Lucas! Lucas!!! Wake up.” Sinasampal na ako ni Xavier dahil sa sobrang pag-aalala. Nagmulat ako ng mga mata at nakita kong hindi naman siya nasaktan. Hinawakan ko ang kanyang mukha para makasiguradong hindi siya nabaril ni Boss John. Pansamantalang nawala ang takot ko sa pagiging malapit niya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Ilang linggo ko na siyang hindi nadarama.
Naramdaman ko ang labis niyang pangangailangan dahil sa higpit ng isinukli niyang yakap sa akin. Mag-isa pa rin akong natutulog sa kwarto at malamang narinig niya ang aking sigaw mula sa sala kung saan siya nagpapahinga.
“You’re okay. Hindi ka nasaktan. You’re alive.” ang mga bulong ko sa kanya.
“Yes, babe. I’m here. I’m okay.” Hinalikan niya ako sa pisngi at parang biglang nanumbalik ang takot sa aking buong katawan. Bumangon ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Tuluyan nang naghilom ang aking mga pasa. Hindi na rin masakit ang aking puwet pero hindi pa rin gumagaling ang emotional trauma na idinulot ng nangyari sa akin.
Sumunod si Xavier sa akin sa kusina pero wala siyang sinabing kahit ano. Wala namang nagbago sa kanyang pakikitungo sa akin simula nang sinabi ko sa kanya ang katotohanan. Naging malinaw sa kanya ang gusto kong mangyari. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Iba na ang ekspresyon nito. Pinapakita niya sa akin ang huling emosyong ayaw kong maramdaman niya para sa akin.
“I thought we’re clear!” ang sigaw ko.
Ilang gabi na akong binabangungot. Simula nang aminin ko kay Xavier ang totoong nangyari sa akin, hindi na ako nilubayan ng mga panaginip kung saan binabaril siya ni Boss John. Ito lang ang isang bagay na hindi ko masabi sa kanya. Gusto niyang ipakulong si Boss John pero pinilit ko siyang huwag nang gumawa ng hakbang. Pero alam kong hindi siya sang-ayon.
“Lucas… This is too much. I can’t bear seeing you like this. You’re suffering too much. Please, hayaan mo namang tulungan kita.” Sinubukan niyang hawakan ang aking kamay pero mabilis ko itong nailayo sa kanya. Hinawakan ko ang baso at itinapon sa kanya ang tubig na laman nito. Nabigla ako sa aking ginawa pero hindi ko na iyon maibabalik. Gusto ko lang na tumigil siya.
“Napag-usapan na natin ‘to, Xav! It’s still a no!!!” Tumayo ako para takasan ang isang walang hanggang pakikipag-debate sa kanya. Gusto niyang magpatingin ako sa doctor ulit tulad ng gusto ni Seb pero ayaw ko.
Bago pa man ako makalapit sa pinto ng aming kwarto ay hinablot niya ang aking braso at sapilitang iniharap ang aking katawan sa kanya. Pilit akong umatras hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng pader sa aking likod. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa mahigpit na paghawak ni Xavier sa akin at sa malakas niyang pagsigaw.
“Tama na, Lucas! Tama na!!! Napapagod na ako sa pagtakas mo!!! Face this already!!!” Kasabay ng pagsigaw niya sa akin ay ang paghataw niya sa pader na aking kinasasandalan. Para akong batong nanigas sa pagkakatayo dahil sa gulat. Ngayon ko lang nakita siyang nakitang ganito. Hindi ko alam ang aking mararamdaman. Naghahalo ang takot at galit ko sa kanya.
Isinapo ko ang malaya kong kamay sa aking bibig at impit na umiyak. Pero walang luha ang tumulo. Panay lang ang pigil kong paghinga ng mabigat. Nalaglag ang mga nakasabit sa pader at nabasag ang mga frames nito. Pakiramdam ko ay luluwa na ang aking mga mata dahil sa pagpigil ko sa pagkurap ng mga ito. Agad namang nagbago ang mood ni Xavier nang  makita niya ang aking reaksyon.
“Babe, sorry. Hindi ko sinasadyang…” Pinakawalan niya ang aking kamay at hahawakan sana ang aking mukha pero mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto. Nagkulong ako sa banyo at doon nagpalipas ng oras.
Kinabukasan, maaga akong nagising. Sa sahig ng banyo na ako nakatulog. Iyon na yata ang pinakamahimbing kong tulog simula nang mag-resign ako sa trabaho. Bumangon ako at dumiretso na sa pagligo. Wala si Xavier sa apartment paglabas ko. Agad akong nagbihis. Kinuha ko ang isang polo shirt at maong pants sa aking cabinet at isinuot ito. Nagtungo ako sa kusina para maghanda ng almusal. Hindi ko alam kung nasaan si Xavier pero malinis ang sala. Wala na ang bubog na nakakalat sa sahig.
Nasa kalagitnaan ako ng paghigop ng kape habang nakabukas ang TV para lang may ingay sa loob ng apartment nang magbukas ang pinto. Napatayo ako at mabilis na humawak sa kutsarang aking ginamit pantimpla ng inumin. Si Xavier ang pumasok. Agad kong binitiwan ang aking hawak. Tiningnan lang niya ako pero hindi siya nagsalita. Katatapos lang niya mag-jogging base na rin sa basa niyang mga sando at pawis na katawan.
Nagluto ako ng almusal habang siya ay naliligo. Panay ang tingin ko sa orasan habang hinihintay siyang lumabas ng kwarto. Inip na inip na ako matapos ang labinlimang minuto kaya naman ako na ang pumasok at naabutan ko siyang nakatapis pa ng tuwalya.
Doon ko lang uli nakita ang kanyang hubad na katawan. Halos nalimutan ko na ang pakiramdam na madikit dito ng walang saplot. Pero sa ngayon, hindi pa rin ako handa. Tiningnan niya ako at mabilis na nagbihis. Tinanggal niya ang nakatapis na tuwalya at nagsuot ng boxers at sando bago umupo sa kama. Gamit ang natitirang tapang at lakas ng loob, lumuhod ako sa sahig at hinarap siya. Natigilan siya at tumingin sa akin.
“I am sorry.” ang mga salitang lumabas sa aking bibig.
“Don’t be.” ang malamig niyang sagot.
“Ayokong kaawaan mo ako dahil sa nangyari sa akin. You’re the last person I need to pity me.” ang pakikipag-usap ko ng mahinahon.
“That’s where I don’t get you. Pwede bang, kahit ngayon lang, hayaan mong alagaan kita? Hayaan mo naman akong ipakita sa’yo kung gaano kita kamahal. Huwag mo munang pairalin ang pride mo.”
Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim bago hawakan ng mahigpit ang kanyang kamay. Hinanap ko ang pagitan sa kanyang mga daliri at doon isiniksik ang aking mga daliri. Tumango ako bilang pagsuko sa kanya, bilang pagsunod sa kanyang gusto.
“Kailangan kita, Xavier. I need you to stay by my side all the time. I need to lean on you.” ang pag-amin ko sa aking kahinaan.
“I am here. Hinding-hindi kita iiwan. Matagal ko nang naipangako sa’yo ‘yan.”
“O, dalian mo na. Lumalamig na ang almusal mo at may hahabulin pa tayong appointment.” Isang malapad na ngiti ang kanyang ibinigay sa akin. Simula nang sinabi ko sa kanya ang nangyari, nagpa-schedule siya ng sessions sa isang psychologist para sa mga susunod na araw. Kaibigan niya noong high school ang doctor na ito kaya madali siyang napapayag. Araw-araw na tumawag si Xavier dito para i-cancel ang appointment dahil sa pagtanggi ko. Pero ngayon, tumawag muli siya para sabihing on the way na kami.
Nakatingala ako habang pinagmamasdan ko ang pag-angat ng mga numero sa elevator. Masakit ang aking tainga dahil sa pressure. Nang magbukas ito sa 12th floor ay naunang lumabas si Xavier. Kumabog ang dibdib ko nang makitang ang lahat ay nakatingin sa akin paglabas ko. Sigurado akong imahinasyon ko lang iyon.
“Hi. Is Dr. Betsi in?” ang tanong ni Xavier sa receptionist.
Kakaibang lamig ang nanuot sa aking katawan. Mabilis akong naglakad sa couch sa kaliwa ng reception. Niyakap ko ang aking sarili at hinintay na makalapit si Xavier sa akin. Nakapako ang tingin ko sa kanya. Isang hindi katangkarang babae ang lumabas mula sa isa sa mga silid at patakbong yumakap kay Xavier. Tumingkayad pa ito para maabot ang balikat ni Xavier. Mabilis lang iyon at agad na naging seryoso ang kanilang mga mukha. Bumaling ang tingin ng doctor sa akin at nakangiting lumapit. Maagap akong tumayo.
“Hi, I’m Betsi.” ang pagpapakilala niya.
“Lucas.” Nag-shake hands kami bago maingat niya akong niyaya sa kanyang opisina. Inilagay ko sa bulsa ng aking pantalon ang dalawa kong kamay habang iginagala ko ang aking mga mata sa kanyang silid. Hindi ko maramdamang klinika ito. Parang condo unit sa isang sosyal na lugar. May isang kahel na sofa at dalawang couch na kapares. Kahoy ang kanyang sahig kaya rinig ang bawat yabag ng kanyang paa. Sa may bintana ay may isang glass table kung saan nakapatong ang isang laptop at maraming mga papel.
“Sit.” ang magiliw niyang paanyaya.
Inabutan niya kami ni Xavier ng inumin. Lalo akong hindi naniniwalang clinic ang pinuntahan namin. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at pabirong tinanong siya tungkol dito. Alam ko ang rason ng pagpunta namin dito pero sa hindi ko maipaliwanag na rason, magaan ang pakiramdam ko.
“I need you to be comfortable here.” ang tanging sinabi ni Betsi.
Nagkamustahan sila ni Xavier ng panandalian. Tahimik lang akong nakikinig. Sa sofa kami nakaupo ni Xavier habang si Betsi naman ay umupo sa couch na pinakamalapit sa akin. Napa-kaswal lang niya. Hindi ko nga siya mapagkakamalang doctor dahil para siyang bata, mukhang happy-go-lucky.
“You ready?” Tumango ako. Nagsimula siya sa pagtatanong tungkol sa personal background ko, sa mga ginagawa ko, sa relasyon naming ni Xavier, sa pamilya ko. Marami siyang tanong. Pero hindi naman isang tanong, isang sagot ang siste. Para kaming dalawang taong kakakilala lang at curious sa pinagmulan ng isa’t-isa. Mas one-way nga lang ito.
“Three years, huh? Going strong! Nainggit naman ako. Ako, eto single pa rin.” ang sabi niya na nagpangiti sa akin.
Halos kalahating minuto na ang nakalipas. Hindi na ako nilalamig. Bagkus, pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako. Unti-unting sumeseryoso ang mga tanong ni Betsi. Maging ang mood niya ay nag-iba. Nararamdaman kong malapit na niyang ibato ang tanong na hindi ko alam kung handa ko na bang sagutin.
Hindi ko namalayang sobrang higpit na pala ng pagkakayakap ko sa throw pillow na ipinatong ko sa aking tiyan. Hawak ni Betsi ang isang papel at ballpen pero malalim ang tingin niya sa aking mga mata. Ni walang luha ang pumatak mula sa aking mga mata.
“Tell me what happened, Lucas.” ang malambing na sabi sa akin ng doctor.
Tiningnan ko si Xavier na tahimik na nakaupo sa aking tabi. May ilang dipang distansya kami sa isa’t isa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at kay Betsi. Ayaw niyang magpatawag ng doktora. Marahil para maging komportable ako sa kanya. Mukhang naintindihan niya ang hindi ko masabi.
“Xavier, can you give us time alone?” ang tanong ni Betsi.
“Babe, it’s okay. I’m ready to hear all of it. I’m here. Hindi kita iiwan, okay?” Lumapit siya ng bahagya sa akin at awtomatiko naman akong lumayo sa kanya. Nakita kong may isinulat si Betsi sa kanyang hawak na papel.
Kahit gusto kong nandoon siya, si Betsi na ang nagpasya na mas makakabuting maiwan muna kaming dalawa sa loob ng silid. Alangang tumayo si Xavier. May pahabol pa siyang tingin sa akin bago niya isara ang pinto.
“So, Lucas, anong nangyari?” Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa unan at tiningnan si Betsi sa kanyang mga mata. Gusto kong lumingon kay Xavier pero ayaw kong makita ang kanyang reaksyon.
“Tatlong beses niya akong binaboy. Tatlong beses akong nagmakaawa sa kanyang itigil na niya. Tatlong beses kong naramdamang ang dumi-dumi ko. Nagsimula ito noong…” ang pagsisimula ko.

No comments:

Post a Comment