by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 09
'Weird', ang tanging nasabi ko sa isip ko nang nakita ko ang pangalan ng nagtext na nag-register sa phone ko.
'Hey, Wul.', text ni Pol sa akin.
'O, napatext ka.', ang hindi masyadong welcoming kong reply.
Si Pol ay kaklase ko nung 4th year high school. 19 years old din siya
tulad ko. Napakatangkad sa height na 6'2. Captain ball siya ng
basketball team ng school namin. Maraming patay na patay sa kanya noon
pero ni isa wala siyang naging girlfriend sa school. May pagka-loner
siya nung high school kasi ang tingin sa kanya ng mga ka-batch ko e
sosyal, high end, maarte. Totoo naman kasi. Rich kid siya. Kaya may
pagka-high maintenance talaga.
Bakit weird ang naging reaction ko nung nagtext siya? Well, simula nung
naka-graduate kami ng high school, wala na akong narinig na balita mula
sa kanya. Oo, friend ko siya sa Facebook at fina-follow namin ang
isa't isa sa Twitter pero hindi naman kami nag-uusap. Kaya sobrang
weird talaga na nagtext siya.
'Buti ito pa din number mo.', reply ni Pol.
'Yup. Kamusta? It's been a while.', ang magiliw kong reply.
'I know right. Haha. Eto, ok naman. Sembreak na. Whoo!', ang masaya niyang reply.
'Haha. Di ka naman masaya niyan?', ang medyo pambabara ko.
At lalo pang nadagdagan ang weirdness ng gabing 'to sa sumunod niyang text.
'Di naman. Hey, you wanna grab some coffee tonight? My treat.'
Hindi ko alam kung ano ang irereply ko. Di naman kami naging super close
nung high school. We never talked about personal stuff. Pero kelangan
ko din ngayon ng fresh start. And tamang-tama ang timing niya.
'Sure. Saan ba?', pagpayag ko.
'Let's meet na lang sa Greenbelt.', ang sagot niya.
'Okay. Sige. Papunta na ako.'
'Sure. No rush. Ingat.', ang huli niyang text.
Nag-shower muna ako. Habang nag-aayos ng sarili, natitigan ko ang
reflection ko sa salamin. Hindi maipagkakaila na may mabigat akong
dinadala. Medyo bumagsak ang katawan ko. At ang mga eyebags ay
nagmumura.
'I will try to forget you, Syd. I will try.', sabay flash ng magandang ngiti sa salamin.
***
7.49pm
GREENBELT
Sa labas pa lang ng coffee shop, nakita ko na si Pol. Wow. As in WOW.
Sobrang laki na ng pinagbago niya. Mas gwapo na siya ngayon. Mas naging
buff na din siya. Bigla akong nanliit. Parang nahiya ako na kaming
dalawa lang ang magkasama. Nakaka-intimidate.
Pumasok na ako sa loob and nakita niya agad ako.
'Hey.', ang tangi niyang sinabi.
'Is that really you, Pol?', mas kahanga-hanga siya sa malapitan.
'Yup. Gym rat e. Haha. What are you having?'
'Uhm. Same na lang ng kung ano sa'yo.
'Okay. Be back in a while.', tumayo na siya at pumunta sa bar.
I can't help but stare at him while ordering. He is so stunning.
Naramdaman yata niyang nakatingin ako sa kanya kaya't napatingin siya sa
akin. Nginitian lang niya ako. Ang awkward nun.
'Here's your Iced Mocha.', pagbibigay sa akin ni Pol ng drink ko.
'Thanks. I owe you one.', ang nakangiti kong sagot.
'Haha. Ilista mo lang.', pagbibiro niya.
'Sure. So, where have you been? I mean, ilang years na tayong di nagkikita ah.', ang pagsisimula ko ng conversation.
'Oo nga e. I went to the States for a while. Sa Ate ko. I got bored
there kaya bumalik na ako dito and tutuloy ko na yung studies ko.', ang
sagot niya.
'Ah. Good for you.', wala na akong masabi. Promise, nakakailang.
Pero we managed to go on for hours. May mga awkward moments pero
magaling magdala ng conversation si Pol kaya madali naman yung nawawala.
Past 10pm na nang nagpasya kaming umuwi.
'I'll give you a ride home.', sabi ni Pol.
'No, it's alright. Magka-cab na lang ako.', ang pagtanggi ko.
'Hindi pwede. Ako nagpapunta sa'yo dito kaya ako ang dapat mag-uwi sa'yo. Besides, it's quite late.', ang pagpilit niya.
'Fine, boss.', ang tanging tugon ko.
Habang nasa sasakyan kami, gusto kong itanong kung bakit siya biglang
nagparamdam. But I don't want to spoil the night so I just kept it to
myself.
'Sige, dito na lang.', sabi ko sa kanya.
'You sure?', sabi ni Pol.
'Yup. Okay na ako dito.', sabi ko.
'Okay. Hey, thanks for the time. It's good catching up with you.', habang iginigilid niya ang kotse.
'Same here. Ingat ka sa pagda-drive ha?', at bumaba na ako sa sasakyan.
It was a good night. For a while, nalimutan ko si Syd. Pero pagdating ko
sa kwarto ko, bumalik na naman siya sa isip ko. Hindi pala talaga
madali mag-move on.
Nag-beep ang phone ko.
'I'm home. 'Til next time. Mwah.', text ni Pol.
'Til next time? Mwah? Ano 'to?
Part 10
Nasundan pa ang mga paglabas naming yun ni Pol during the sembreak. Mas
naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Tuwing kasama ko siya,
nawawala ang mga alalahanin ko sa buhay. Dahil siguro masyado akong
nag-enjoy, ang bilis ng mga araw. Start na agad ng second sem.
'Ready for school yet?', ang excited kong tanong kay Pol.
Para kaming highschool students na namimili ng mga school materials sa
bookstore. Sa university kung saan ako nag-aaral na din mag-aaral si
Pol. Irregular student siya dahil may mga back subjects pa siyang dapat
tapusin. Masaya naman ako dahil halos parehas kami ng schedule.
Magkaiba kami ng course pero magkalapit lang naman ang mga building
namin.
'Yup! Gusto ko na isuot yung bagong uniform ko!', excited din niyang sagot.
'Hahaha! Parang elementary lang ah.', natatawa kong sabi.
'Sabay na tayo bukas?', tanong niya.
'Sige. Pero 1 hr earlier ako. Ok lang ba?', tugon ko.
'Oo naman!', nakangiti niyang sagot.
'Excited much?', pang-aasar ko.
Bigla niya akong kinulong sa kanang braso niya habang ang kaliwang kamao ay ikiniskis sa ulo ko.
'Ano ba?! STOP IT!', napalakas kong sabi.
Napatingin 'yung ibang mga customers ng bookstore. Napa-walk out na lang ako. Sumunod naman agad si Pol sa akin, nag-aalala.
'Wul, sorry. Hindi ko naman mean...', ang tangkang pagpapaliwanag ni Pol.
'No, it's not your fault. Sorry, I caused a scene. Gusto ko nang umuwi.', sabi ko.
'Okay.'
Halatang confused si Pol sa naging reaction ko. Hindi niya mahagilap ang rason kung bakit biglang nag-iba ang mood ko.
Sa kotse, nakakabingi ang katahimikan until...
'Wul, do you wanna talk about what happened?', ang maamo niyang pagtatanong sa akin.
'No.', ang maikli kong sagot.
'Are you alright?', halatang nag-aalala siya sa tono niya.
'Yes.'
Naiiyak na ako. Pinipigilan ko lang. Ayokong mag-explain kay Pol.
Ayokong maging burden niya ang nararamdaman ko. Salamat naman at
dumating na kami sa bahay.
'Pol, I won't invite you in for now. Sorry talaga, I ruined the day. I'll make it up to you.', sabay baba sa kotse.
Hindi na nagkaroon ng chance na makapagsalita si Pol. Tinext ko agad siya.
'i'm really sorry. Drive safely.'
Pagdating ko sa kwarto, inihagis ko ang sarili ko sa kama. Naiyak na ako
ng tuluyan. Bumalik na naman lahat. Lahat ng masasakit na nangyari sa
akin bago pa dumating uli si Pol sa buhay ko. Dahil sa ginawa niya
kanina, nabuhay muli ang diwa ko na may isang Syd nga palang nabubuhay
sa puso ko. Iyong ginawa ni Pol sa bookstore ay yung same na ginagawa sa
akin ni Syd para lambingin ako. Tuwing inaasar ko siya o kapag
napipikon ako, aakbayan niya ako sabay kiskis sa ulo ko habang sinasabi
na, 'Joke lang, 'to naman. Naglalambing lang e.' Nanumbalik lahat ng
sakit, lahat ng panghihinayang. 'Shit, paano pa bukas kapag nakita ko
siya?', sa isip-isip ko.
Nagising ako sa tuluy-tuloy na pag-ring ng phone ko. Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak.
'Hello', antok na antok pa ako para magsalita.
'Wul, kagabi pa kita tinatawagan. Nag-aalala na ako sa'yo. Nasaan ka ba?', ang mabilis na pagsasalita ni Pol.
'Pol, sorry. nakatulog ako. Nandito lang ako sa bahay. Ano oras na ba?', sabay hikab.
'9am na. Diba 1pm pasok mo? Bangon na.', sabi niya.
'Yup. Later na. Inaantok pa ako.'
'Dali na! Papunta na ako d'yan.'
'Hmmmm.', ang tangi kong nasabi at nakatulog na ule ako.
'Wul? Uy!', binaba na niya ang phone.
***
Nagising ulit ako dahil sa ring ng phone ko.
'Pol naman!!', naiirita kong sigaw bago pa man sagutin ang phone.
'Hmm.', yan ang hello ng antok.
'Bangon na.', mahinang sabi ni Pol.
'Bakit ka bumubulong?', tanong ko.
'Basta, bangon ka na.', pabulong pa din niyang sagot.
Nagulat ako pagbalikwas ko. Akala ko may kapre sa kwarto ko.
'Ay, putang ina!', sabay takip sa bibig ko.
Muntik na ako mahulog sa kama ko.
'Good morning din!', nakangiting bati ni Pol.
'Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok? Sino nagpapasok sa'yo?' ang tuluy-tuloy kong tanong.
Sinagot niya ako ng mga tanong din.
'Anong nangyari sa'yo kagabi? Bakit hindi ka man lang nakapagpalit ng damit? Ano bang problema mo?'
'Pwede ba munang mag-toothbrush at mag-shower?', sinagot ko din ng tanong ang mga tanong niya.
'Okay. I'll wait here.', sabay upo sa kama ko.
Sa wakas, hindi na tanong ang sagot niya sa tanong ko.
No comments:
Post a Comment