Sunday, December 16, 2012

Anong Pakiramadam ng Walang Maramdaman (11)

by: Lui
rantstoriesetc.wordpress.com

“Sasabihin ko na sa’yo kung anong nangyari sa akin. Pero please, I need you to stay calm. Promise me, you’ll stay calm.” ang naiiyak kong pagsisimula.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Nakatingin ako sa kanyang mukha. Halatang pinipigilan niyang huminga hanggang sa magsalita ako. Ibinuka ko ang aking bibig pero walang boses na lumabas.



“Babe?”
“Pinukpok niya ako sa ulo. Nawalan ako ng malay. Paggising ko… Nagising ako kasi nakaramdam ako ng lamig at sakit. Nakatali ang kamay at paa ko. I was… I was naked. Tapos nandun siya, naninigarilyo. Pero nang malanghap ko ang usok, alam kong hindi iyon basta sigarilyo lang. Hinalikan niya ako. Sumisigaw ako. Pinapatigil ko siya. Pero wala akong magawa. Hanggang sa… Hanggang sa… naramdaman ko na lang na ipinasok niya…”
“Lucas…” ang pagpigil niya sa akin.
Namumutla si Xavier. Kumukurap siya pero bakas ang panlalaki ng kanyang mga mata dahil sa gulat. Tiningnan niya ako sa mga mata. Agad akong nagbaba ng tingin. Nahihiya ako. Pinagdaop ko ang aking mga kamay at doon ibinaling ang atensyon.
“Lucas… You were… Kaya ba ayaw mong…” ang mga hindi niya matapos na mga salita.
Habang nakayuko ay tumango ako. Nanatili ako sa ganong posisyon. Narinig ko ang mahinang pagdaplis ng dalawang kamay ni Xavier sa kanyang mukha at ang isang impit na iyak. Paulit-ulit niyang binubulong ang salitang “Sorry”. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyari.
“I should have been there when you called. Dapat sinundo kita. I’m sorry.” ang pag-iyak niya.
“It’s not your fault.”
“Sino ang may gawa nito sa’yo? Lucas, sino? I’m gonna kill him.” ang banta niya.
Ilang linggo bago ang nangyari sa akin, masayang dumating sa apartment si Xavier. Nakaharap ako sa aking laptop nang niyakap niya ako mula sa likod. Inihilig niya ang kanyang ulo sa aking leeg at ilang beses itong hinalikan.
“I’m busy.” ang reklamo ko.
“I love you.” Napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya. Hindi niya inalis ang dalawang kamay na nakapulupot sa aking katawan. Amoy ko ang kanyang pabango. Walang pinagbago ang kanyang amoy kahit ilang oras siyang nasa trabaho.
“What’s up with you? You’re unusually happy.” ang pagpansin ko sa malapad niyang ngiti.
Lumayo siya sa akin para magpalit ng damit. Sumandal ako sa aking swivel chair at pinanood siya. Hinihintay kong sagutin niya ang aking tanong. Napansin niya ang pagtigil ko sa aking ginagawa.
“I thought you’re busy.”
“I am. Pero nandito ka na. Work can wait.” Tiningnan niya ako ng may tanong sa kanyang mukha bago isuot ang isang sando. Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang mga balikat.
“Besides, you said you love me. Di ba, tama lang naman na sabihin kong… I love you, too.” Pinipigilan niya ang ngiting namumuo sa kanyang mga labi. Agad kong inilapat ang aking mga labi rito pero mabilis ding lumayo dahil alam kong may sasabihin siya.
“You’re so unpredictable.” ang sabi niya.
“O, what’s the buzz? I know that smile. It’s either you’re promoted or…” Sa tagal ng pagsasama namin ni Xavier, halos lahat ng kilos ng isa’t-isa ay alam na namin. Kapag ang earphones ko ay nakapasak sa aking dalawang tainga, ibig sabihin ay ayokong makipag-usap. Kapag tinitingnan ko ang kanyang Adam’s apple, ibig sabihin ay gusto kong makipaglambingan sa kanya. Kapag umuwi siya at diretso higa sa sofa o sa kama, hindi maganda ang araw niya at gusto niyang magpamasahe. Kapag naman, isang mahigpit na yakap kahit na ayokong makipag-usap, may magandang balita siya sa akin. Tulad na lang ng nangyari.
“I made up with my brother.” ang pagtatapos niya sa aking sinasabi.
They are half-brothers. Nalaman lang ni Xavier ang tungkol sa koneksyon niya kay Boss John noong graduating na kami sa college. Nahirapan siyang tanggapin na siya at ang kanyang ina ay ikalawang pamilya lang pala ng kanyang ama. Simula noong nagkakilala sila ay hindi na nila gusto ang isa’t isa. Sabi ni Xavier, para kay Boss John, siya ang dahilan kung bakit lumiit ang mana na kanyang makukuha.
Wala namang kaso kay Xavier na sa kumpanya ni Boss John ako nagtatrabaho. Wala namang nakakaalam sa relasyon naming dalawa maliban na lang sa ilang mga malalapit na kaibigan. Pero naalala ko noong interview ko, binanggit ni Boss John na mayroon siyang kapatid na kaparehas ko ng kursong natapos at nag-aral din sa unibersidad kung saan ako nag-aral. Sinabi kong kilala ko si Xavier. Hindi ko pa alam noon na magkapatid pala sila. At magkaaway pa.
“That’s great!!! Paano nangyari?” ang masaya kong komento sa kanyang balita.
“Nagkasabay kami sa resto. Katatapos lang ng meeting namin. Separately. Ayun, nilapitan ko siya. Akala ko nga hindi niya ako papansinin. Pero nginitian niya ako at nakipagkamay pa sa akin. At ipinakilala pa niya ako sa mga kasama niya bilang kapatid niya.”
“Wow! Mukhang may blowout bukas sa office ah.” ang tukso ko.
“Nagtaka nga ako eh. What’s with the sudden turnaround? Pero naisip ko, okay na ‘yun. Kaysa naman hindi kami nag-uusap. Pamilya ko pa rin siya.”
“I agree. I’m so happy for you.” ang aking sinabi bago ko siya gawaran ng halik.
“He invited me for lunch tomorrow.” ang pahabol niya.
“Kailangan nating i-report ‘to sa police!” ang sigaw ni Xavier.
“No!” ang protesta ko.
“Lucas, tell me. Who did this to you?” ang pagpa-panic niya.
“You promised you’ll calm down.” ang pagpapaalala ko sa kanya.
“Come on! Sinong matinong tao ang magka-calm down…”
“You. Promised.” Huminga siya ng malalim at pumikit bago umupo sa sahig. Nakaupo ako sa kama. Nakatingala siya sa akin at hawak niya ng mahigpit ang kumot na aking inuupuan. Malamang, gusto niya na ang kamay ko ang hawakan.
“Who did this?” ang kalmado niyang tanong pero punung-puno ng galit.
“Hindi ko matandaan ang mukha niya. Noong una, akala ko ho-holdap-in niya ako. Pero, iba ang nangyari. Please, Xav. Stop pushing me na magsumbong sa pulis. There’s no point in doing that. What’s done is done. I just have… I just have to live with it and move on.” Nahirapan ako sabihin ang huling pangungusap dahil alam kong hindi iyon ganon kadaling gawin. Pero paano ko sasabihin sa kanya? Paano ko aaminin sa kanya na ang bumaboy sa akin ay ang kapatid niya na bago lang niyang nakasundo? Ayokong dagdagan pa ang mga paghihirap ni Xavier.
Kita ko ang labis na pagkadismaya sa kanyang mukha. Naghahalo ang galit at ang pagpigil sa pag-iyak. Paulit-ulit niya akong sinabihan na magiging okay din ang lahat. Pero sa isang banda, hindi ako naniniwala sa kanya.
“Sana.” ang bulong ko.
Biglang kumislap ang kanyang mga mata nang may naisip siyang ideya. Marahan niyang sinabi ito sa akin. Gusto niyang magpatingin ako sa doctor para makatulong sa trauma ng nangyari sa akin. Pero agad akong humindi. Hindi ko na kayang paulit-ulit pang balikan ang nangyari. Nasasaktan ako. Nagiging sariwa ulit ang hapdi.
“No.”
“But, Lucas…”
“I said no!!! Hindi mo maintindihan??” ang galit kong sigaw sa kanya bago lumabas ng kwarto.
Laking pasasalamat ko dahil marunong makinig at rumespeto si Xavier sa aking mga desisyon. Hindi na niya ako pinilit pang magsuplong at hindi na siya muling nagtanong kung sino ang salarin. Kahit na alam kong gustung-gusto niya itong malaman, naintindihan niya ako. Ganyan talaga siya. Laging inuuna ang kapakanan ko bago ang kanya. Minsan nga, naiisip ko, paano nangyaring minahal ng taong tulad niya ang isang katulad ko?
Mag-isa lang ako sa bahay matapos ang unang session ko kay Betsi. Nakahiga ako sa sofa at inaliw ko ang sarili ko sa ingay ng telebisyon. Hindi ako nanonood. Nakatingin lang ako sa kisame. Napaupo ako nang may marinig akong pagkasa ng isang baril. Napasinghap ako sa gulat. Agad na nakuha ng palabas sa TV ang aking atensyon. Sa palabas lang pala. Pinatay ko iyon at tumakbo papunta sa kwarto.
Inabala ko ang sarili ko at gumawa ng kung anong maisipan para hindi ko maalala ang pangyayari. Itinutok ko ang atensyon sa laptop at nilaro ang mga games na in-install ni Xavier. Pero nang kalaunan ay inantok ako. Mahimbing akong nakatulog.
Naalimpungatan ako sa masusuyo niyang haplos. Ang kanyang mga mata ang una kong nakita. Halos walang pinagkaiba ito sa mga mata ni Boss John kaya’t agad akong lumayo sa kanya na kanyang ikinagulat ng husto.
“Lucas. It’s me. Hey, it’s me.” ang maingat niyang paglapit sa akin.
“I’m sorry. Please, huwag kang lumapit sa akin ng ganon. Sorry.”
“Sorry, hindi na mauulit. Gutom ka na ba? May hinanda na akong dinner. Nagpaalam ako sa opisina na maaga akong uuwi para masamahan kita. At tsaka, nag-leave na rin ako hanggang sa Biyernes.”
“You don’t have to do that.”
“Yes, I do. I need to be here for you. Okay? Mas importante ka sa akin. In fact, ikaw ang pinakaimportanteng parte ng buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat matulungan ka lang na makabangon dito. Besides, I miss you.” ang malungkot niyang sinabi na talagang tumunaw sa nararamdaman kong pag-aalangan ng mga oras na iyon.
“Thanks, Xav. I’ll be better. Just be patient with me, okay?”
“Yup. Tara na, kain na tayo.” Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato nang umupo ako sa dinner table. Hinayaan ko lang siya. Nakatitig ako sa kanya. Hindi ko maamin sa kanya na sobrang nami-miss ko na rin siya – ang mga yakap at halik niya. Pero habang tumatagal ang tingin ko sa kanya ay si Boss John ang nakikita ko. Ngayon ko lang napagtanto na magkahawig pala talaga sila, hindi lang sa mata. Maging ang hugis ng kanilang mukha ay halos parehas. Agad kong inilayo ang tingin sa kanya at bumaling na lang sa pagkain.
“Betsi told me that you did great sa session niyo kanina.” ang pagsisimula niya ng topic.
“Yup.” Naiilang ako. Masyadong pormal ang usapan namin. Alam kong hindi kami ito dahil hindi kami ganito mag-usap ni Xavier. Pansin ko ang pagiging maingat niya, hindi lang sa kilos, kung hindi pati sa mga sasabihin. Naghahagilap kami parehas ng sasabihin pero natapos ang hapunan na puro tunog lang ng kubyertos ang ingay sa aming pagitan.
“Gusto mong mag-DVD?” ang yaya niya sa akin habang nililigpit niya ang aming pinagkainan.
“No, thanks. Sa kwarto na lang ako.” Dumiretso ako sa banyo para magsipilyo. Naririnig kong naghuhugas ng mga plato si Xavier mula sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang librong hindi ko matapos-tapos basahin. Naaliw ako ng husto. Hindi ko namalayan na halos isang oras na pala akong nagbabasa kung hindi pa tumabi si Xavier sa akin na bagong paligo at tiningnan ko ang oras.
“Matatapos mo na ‘yan ah.” ang pagpansin niya sa pahinang aking binabasa.
“Finally.” ang komento ko.
Ilang dipa ang layo niya sa akin pero amoy ko ang bango ng kanyang buhok at katawan. Sinuot niya ang kanyang salamin at kinuha ang libro sa drawer ng kanyang bedside table at tahimik na nagsimulang magbasa. Napangiti ako sa aking sarili.
Tatlong chapters pa ang aking natapos bago tuluyang dalawin ng antok. Bumangon ako sandali para mag-half bath. Pagbalik ko ay nagbabasa pa rin si Xavier. Humiga ako sa kaliwang side ng kama at ibinalot ang sarili sa makapal na kumot.
“Matutulog na ako. Good night.” Simula nang maamin ko kay Xavier ang nangyari, hiniling ko sa kanya na huwag niyang papatayin ang ilaw. Kaya naman naiiwang nakabukas ang dalawang lampshades sa magkabilang gilid ng kama.
“Good night. Mag-pray ka muna ha?”
“Yup. Matulog ka na rin.” Pero alam kong hindi niya gagawin ang aking sinabi. Ilang gabi ko na siyang naririnig na umiiyak. Akala niya ay tulog na ako. Pero hindi niya alam na umiiyak din ako dahil sa pinagdadaanan niya nang dahil sa akin.
“Tapusin ko lang ito.” ang huli niyang sinabi.
Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang aking unan. Nakatingin ako sa bintana habang muling hinihintay ang pagdalaw ng antok. Ipinikit ko ang aking mga mata pero nagtampo na yata ang kaantukan ko. Narinig ko mula sa aking likod ang paglapag ni Xavier sa libro at salamin sa mesa. Gumalaw siya para makahiga ng ayos. Ilang malalalim na hinga ang kanyang pinakawalan. Ipinikit ko ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas. Nakatulog na ako pero napakababaw lang nito. Naramdaman ko ang marahang paglapit sa akin ni Xavier. Nanatili akong nakapikit pero nararamdaman ko ang kanyang paghinga sa aking batok.
“I miss you. We’ll be okay. I love you.” ang kanyang bulong bago ako masuyong hinalikan sa buhok.
Gusto ko ring maging okay na ulit. Gusto kong bumalik sa dating ako. Gusto na ulit makitang masaya si Xavier. Naisip kong kahit anong gawing tulong niya sa akin, hindi ako magiging okay kung hindi ko tutulungan ang sarili ko. At para magawa iyon, kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko. Pero kaya ko na ba? I need to give it a try.
Bumalikwas ako ng higa para nakaharap na ako kay Xavier. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang mabilisan niyang pagtutulug-tulugan. Nakaipit sa kanyang ulo ang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay nakapatong sa kanyang tiyan. Marahan kong kinuha ang malaya niyang kamay. Nakita ko ang pagkasorpresa niya.
“Lucas…”
“Shh. Nilalamig ako.” Inilapit ko ang aking katawan sa kanya. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan nang niyakap niya ako. Humiga ako sa kanyang dibdib at pinakinggan ang kabog ng kanyang dibdib. Mas mabilis ang akin pero hindi kalaunan ay halos magkasabay na ang tibok ng aming mga puso.

No comments:

Post a Comment