http://rantstoriesetc.blogspot.com
'Huh? Si Kris?', ang nagulat na reaksyon ni Sean sa tanong ni Pat.
'Nevermind. Masyado na akong nanghihimasok. Sorry.', ang sabi ni Pat.
'Hindi. Si Kris. Siya 'yung karelasyon ko. Medyo magulo kami ngayon e. Kaya lutang din ako.', ang kwento ni Sean.
'Ah. Sorry for asking. Nakita ko kasi kanina na siya 'yung tumatawag nung binagsak mo 'yung phone mo.', ang sabi ni Pat.
'Oo. Hindi ko na siya maintindihan. Ang gulo-gulo niya.', ang sabi ni Sean.
Nagri-ring ang phone ni Pat kaya naman ay nag-excuse siya sandali kay Sean upang sagutin ito.
'Go ahead.', ang sabi ni Sean.
'NASAAN KA NA??', ang sigaw na tanong ni Ken.
'Eto na, malapit na.', ang sagot naman ni Pat.
'Sean, sorry ha. Kelangan ko nang magmadali.', ang sabi ni Pat matapos siyang babaan ng phone ni Ken.
'Sige. Dito na lang ako sasakay.', ang paalam ni Sean.
'O sige. Ingat.', ang paalam din ni Pat.
Halos patakbo nang tinungo ni
Pat ang building upang mapuntahan si Ken. Naka-park siya sa basement
kaya naman agad niya itong tinext nang nasa may driveway na siya. Ilang
minuto lang ang lumipas at lumabas na ang sasakyan ni Ken. Agad namang
sumakay si Pat at nakita ang nakasimangot na mukha ng nasa driver seat.
'Sorry.', ang mahina niyang sabi.
'Ang tagal mo akong pinaghintay.', ang naiinis na sabi ni Ken.
'Diba sinabi ko naman sa'yo na huwag mo na akong sunduin?', ang pagpapaalala ni Pat sa tinext niya kanina.
'Pumayag ba ako?', ang tanong ni Ken.
Hindi na lang sumagot si Pat dahil ayaw niyang makipag-away.
'May iba ka lang kasama e.', ang pabulong na sabi ni Ken.
'Ano?', ang tanong ni Pat.
'Wala!', ang pasigaw na sagot ni Ken.
Isang malalim na buntong hininga
lang ang pinakawalan ni Pat dahil sa pag-iinarte ni Ken. Naging tahimik
lang ang buong biyahe nila pauwi. Agad namang bumaba si Pat sa kotse
nang dumating na sila sa tapat ng bahay nila.
'Huwag ka nang bumaba. Pagod na ako. Thanks for the ride.', ang malamig niyang sabi kay Ken.
0*0*0*0
Kinabukasan ay naging isang
ordinaryong araw para kay Pat. Maaga pa rin siyang gumising tulad ng
nakagawian. Ngunit ang kaibahan lang ay ang hindi paghatid sa kanya ni
Ken sa trabaho. Bago kasi siya matulog ay sinabi niyang huwag na itong
mag-abala pa na gumising ng maaga para lang ihatid siya.
Ito ang unang araw ni Pat na
magko-commute simula ng magtrabaho siya. Rush hour. Kaya naman ay
nakipagsiksikan ito sa pagsakay sa MRT. Medyo hindi maganda ang kanyang
mood pagdating niya sa office dahil hindi siya sanay na makipagsapalaran
papasok sa trabaho.
'Good morning!', ang bati sa kanya ni Sean.
'Hi.', ang maikli niyang bati.
Naging tahimik siya sa buong
umaga na iyon. Naka-focus lang siya sa work. Hindi na siya sumama kay
Sean mag-breakfast dahil parang wala siya sa mood makipag-usap.
Kalagitnaan na ng umagang iyon nang ipatawag ni Chuck si Sean sa kanyang
office.
'Sean, punta ka raw kay Chuck.', ang sabi ni Angela pagkalabas nito sa office ni Chuck.
Agad namang tumayo si Sean at inisip kung ano na naman mali ang nagawa niya.Poker face siya ng pumasok sa office ni Chuck.
'Yes, sir?', ang tanong niya dito.
'Sit down.', ang sabi ni Chuck.
'Agad namang umupo si Sean. Kinakabahan siya dahil feeling niya ay papagalitan na naman siya.
'Sean. I just want to apologize
for what happened yesterday. Yes, you failed at some point. But you
didn't deserve to be yelled at. And I am very sorry for that. I just
want my people to be the best. I don't want to see you na petiks lang. I
don't want you to just do you work. I want you to feel it, to own it so
you can be the best! Alright? I just wanna clear the air coz I know I
was kinda outta line yesterday. I want to keep our work place healthy.
So there.', ang sabi ni Chuck.
Hindi naman makapaniwala si Sean sa kanyang narinig at halos mautal-utal pa nang siya ay magsasalita na.
'Sir... I... Uhm... Thank you... And sorry kung nagkamali ako. ', ang tangi niyang nasabi.
'Let's just leave that behind. Alright? Come on, let's work!', ang sabi ni Chuck.
Nakangiting lumabas si Sean sa
opisina. Dumaan siya kay Pat at tinapik ito sa likod. Tumango lang si
Pat sa kanya. Medyo okay na ang mood niya.
'Pat, okay lang kung mag-lunch
out tayo? Sabay kasi sa atin mag-lunch yung friend ko.', ang sabi ni
Sean kay Pat nang malapit ng mag-lunch break.
'Sure, okay lang. Mukhang libre mo naman e!', ang nakangiting sagot nito.
Natawa naman si Sean sa pang-aasar ni Pat.
0*0*0*0
'Pat, this is Andrew. Ands, for short.', ang pagpapakilala ni Sean sa kaibigan.
'Ands, si Pat.', ang pagpapakilala ni Sean sa officemate.
Nagkamayan ang dalawa. Nauna si
Ands na dumating sa Italian restaurant kung saan sila kakain. Kaya naman
ay agad nang um-order ang dalawa pagkarating nila.
'Buti naman at naisipan mong magreply sa akin. Nung isang araw pa kitang niyaya.', ang sabi ni Ands kay Sean.
'Oo nga. E kasi napasarap ang
kain namin ni Pat sa office canteen. Minsan dalaw ka. Masarap mga
pagkain. Lutong bahay.', ang sabi ni Sean.
'Sawang-sawa na ako sa pagkain sa pantry namin e.', ang reklamo ni Ands.
Um-order na sila at hinintay ang
kanilang mga pagkain. Nahihiya si Pat kaya naman hindi ito nagsasalita.
Pero pilit naman siyang sinasama ni Sean sa usapan ng dalawa.
'Wag ka na mahiya. Tatlo lang naman tayo e.', ang sabi ni Ands kay Pat.
Sinuklian niya lang ito ng
ngiti. Nagtanong na si Ands ng mga bagay-bagay about kay Pat kaya naman
medyo naging komportable na rin siya. Nagkakatawanan na sila dahil sa
pagka-crack ng jokes ni Ands.
Dumating ang kanilang order in
less than 15 minutes kaya naman ay medyo natahimik ang tatlo. Nagsimula
na silang kumain. Si Ands ang bumasag sa katahimikan.
'Oy, Sean. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa'yo. Kamusta na kayo ni Kris?', ang sabi nito habang ngumunguya.
'Bastos ka talaga kahit kelan. Lunukin mo nga muna yan bago ka magsalita!', ang sabi ni Sean kay Ands.
Natawa naman si Pat sa asaran ng dalawa. Agad namang nilunok ni Ands ang kinakain bago muling kulitin si Sean.
'O ano na nga?', ang tanong muli nito.
Ngunit bago pa makapagsalita si Sean ay bumaling sa akin si Ands.
'Nabanggit na sa'yo ni Sean si Kris diba?', ang tanong ni Ands sa akin.
Tumango lang ako.
'Nagkakalabuan na nga kami. Diba
bago pa mag-graduation? Simula nung nalaman ng buong barkada 'yung
namamagitan sa amin, ayun. Parang hindi pa daw pala siya handa na
harapin 'yung ganito. Tapos sumabay pa na nalaman na rin sa kanila na
alam mo na. Ayun. Sinubukan ko siyang kumbinsihin noon, ayaw niya. Nung
ako 'tong sumuko na, siya naman 'tong nangungulit.', ang kwento ni Sean.
Nakikinig lang si Pat sa pag-uusap ng dalawa.
'Dude, syempre. Di ganon kadali
ang pinagdadaanan ni Kris. Intindihin mo na lang. Nandyan na nga e. Out
na kayo. Tapos saka pa kayo magkakalabuan.', ang sabi ni Ands.
Out? So, tama nga ang hinala ni Pat kay Sean? Ang swerte niya na kaparehas niya pang hindi straight ang bago niyang kaibigan.
'Oo nga e. Pero nahihirapan na ako sa ganon. Ngayon pang kelangan kong magtrabaho ng husto.', ang sabi ni Sean.
'Ngayon ka kelangan ni Kris. Dapat nandyan ka sa tabi niya lagi. Huwag ka naman agad sumuko.', ang payo ni Ands.
Naalala ni Pat ang love story
nina Gino at Ryan. Napaisip tuloy siya kung kamusta na iyong dalawang
iyon. Siguro naman ay masaya na sila dahil tanggap sila ng lahat. E
mukhang itong sina Sean at Kris ay hindi.
Natapos na silang kumain at nag-bill out na si Ands.
'Treat ko na ' yung sa'yo.', ang bulong ni Sean kay Pat.
'Ha? Uy, nagjo-joke lang ako kanina.', ang sabi ni Pat.
'Shh.', ang sabi ni Sean sabay tingin kay Ands.
'Okay, thanks!', ang nakangiti niyang sabi.
0*0*0*0
Hindi maintindihan ni Pat ang
sarili dahil ngayong hindi siya hinahatid at sinusundo ni Ken ay
hinahanap-hanap niya ito. Matapos mag-lunch habang nasa kalagitnaan ng
trabaho ay maya't maya ang tingin niya sa kanyang cellphone, hoping na
magtetext si Ken at tatanungin kung anong oras ang labas niya o di kaya
ay sasabihin na on the way na siya.
Ngunit, natapos na ang kanyang trabaho ay wala itong text sa kanya. Malungkot siyang nagpaalam para umuwi na.
'Sean, una na ako ha.', ang paalam niya.
'O, okay ka lang ba? Nandyan sundo mo?', ang tanong ni Sean nang mapansing malungkot si Pat.
'Wala na akong sundo. Uuwi na ako.', ang sabi niya bago lumabas.
Agad namang nag-ayos ng gamit si Sean at nag-log off sa PC. Nagpaalam na rin siya sa mga boss at agad na sinundan si Pat.
'Wait!', ang sigaw niya ng nakitang pasara na ang elevator.
May isang lalaki sa elevator ang parang automatic na naglabas ng kamay upang hindi tuluyang magsara ang elevator.
'Whew! Thanks!', ang sabi ni Sean dito.
Nakita niya si Pat sa opposite side ng lalaki at tahimik lang na nakatingin sa kanya.
'Sabay na tayo.', ang sabi ni Sean.
Agad naman silang lumabas ng
building at tinungo ang underpass papunta sa MRT station. Dadaanan pa
nila ang ilang mall kasabay ang maraming mga empleyado na pauwi na rin
sa kani-kanilang mga bahay.
'Pat, uuwi ka na ba?', ang tanong ni Sean.
'Bakit?', ang tanong ni Pat.
'Wala naman. Parang tinatamad pa kasi ako. Gusto mo munang kumain or mag-coffee?', ang tanong ni Sean.
'Coffee na lang siguro. Busog pa ako e.', ang sabi ni Pat.
Nag-stay muna sila sa isang coffee shop sa Greenbelt kung saan hindi naman karamihan ang tao.
0*0*0*0
Buong araw lang na nagkulong sa
kwarto si Ken. Nagda-dalawang isip siya kung itetext niya ba si Pat o
hindi. Paulit-ulit niyang binasa ang text ni Pat sa kanyang kaninang
umaga. Hawak niya ang phone niya, hoping na magtetext si Pat sa kanya
nagtatanong kung nasaan na siya o di kaya ay sasabihin na patapos na ang
trabaho niya. Pero wala. Magdi-dinner time na pero wala pa rin siyang
nare-receive na text mula kay Pat. Nalulungkot siya dahil hindi niya
alam kung nasaan na sila ni Pat. Hindi niya alam kung ano na ang
relasyon nila. Masaya sila, oo. Pero walang assurance. Nakakatakot.
'Hijo, kain na tayo. Hindi ka pa lumalabas simula kanina.', ang pagkatok ng mommy niya sa pinto.
'Later, Ma! Di pa ako nagugutom.', ang sagot niya dito.
0*0*0*0
'O biglang nag-iba mood mo after nating mag-lunch ah. What happened?', ang pag-aalala ni Sean.
Naka-order na sila at nagre-relax na lang sila sa coffee shop kung saan muna sila nag-stay.
'Wala 'yun. Wag mo nang isipin.', ang sabi ni Pat.
'Sus! Ano ka ba? I can be your friend. Nasaan na yung susundo sa'yo?', ang sabi ni Sean.
'Thanks. Wala e.', ang natatawang sabi ni Pat.
Bago pa makapagtanong si Sean ay inunahan na siya ni Pat.
'O nakausap mo na ba si Kris?
Sorry, I can't help but overhear what you and Ands were talking about
kaninang lunch.', ang sabi ni Pat.
'Baka puntahan ko siya ngayon at kausapin. Para malinawagan na kami pareho. O ikaw, kamusta ba love life?', ang tanong ni Sean.
'Magulo rin.', ang maikli niyang sabi.
'Kasi?', ang tanong ni Sean.
Tiningnan ni Pat ang mga
nangungusap na mata ni Sean. Dahil siguro sa mga narinig niya kanina ay
naramdaman niyang mapagkakatiwalaan naman ito at okay lang na malaman
niya ang totoo niyang pagkatao. Parehas naman din sila.
'I was in a love triangle na
naging quadrangle. I fell in love with a friend who loves one of my
barkada. Gets? Naging friend ko siya kasi nga bestfriend siya ng barkada
ko. Tapos naging close kami. Then nahulog ako sa kanya. Akala ko ganon
din siya sa akin, yun pala sa friend ko na bestfriend niya siya may
gusto. Then nasira kami ng mga barkada ko. Kaya naman napunta ako dun sa
isa na may gusto pala sa akin. Naging magkaibigan kami. Nalaman kong
may gusto siya sa akin. Kaso hindi ko maibigay sa kanya yung gusto niya
kasi may something pa ako dun sa bestfriend ng friend ko.', ang kwento
ni Pat.
Natahimik naman si Sean at mistulang dina-digest ang kwento ni Pat.
'O naintindihan mo?', ang tanong ni Pat.
'Yeah. Kaso mas madali sana kung nilagyan mo ng pangalan.', ang sabi ni Sean.
'E kayo ni Kris? Kwento mo naman sa akin.', ang sabi ni Pat.
'Ayun. Nagkamabutihan kami 2nd
year college pa lang. Sobrang tago ang relationship namin hanggang sa
yun nga, tulad ng kwento ko kanina, nalaman ng buong barkada at ng
family niya.', ang kwento ni Sean.
'Hindi talaga madaling tanggapin 'yung ganyang relasyon.', ang sabi ni Pat.
Napakunot naman ang noo ni Sean sa sinabing ito ni Pat.
'What do you mean?', ang tanong nito.
'Siyempre, it's unconventional
e. Swerte nga lang nina Gino and Ryan at natanggap sila ng mga pamilya
nila ng umamin sila.', ang sabi ni Pat.
'Wait. Sino si Gino at Ryan?', ang tanong ni Sean.
'Si Gino. Sa kanya ako na-fall.
Si Ryan. Siya yung bestfriend ni Gino na ka-barkada ko.', ang
pagpapakilala ni Pat sa mga dating kasama sa college.
Parang natatawa naman na hindi si Sean sa kanyang mga narinig.
'Okay.', ang sabi nito.
'What?', ang tanong ni Pat.
'So you thought that Kris is a he?', ang tanong ni Sean.
'Oh, no.', ang nasabi lang ni Pat sa sobrang pagkapahiya.
Natawa naman si Sean sa mga naging pangyayari.
'Kasi sabi ni Ands kanina, out
na kayo. And nagalit 'yung barkada niyo nung nalaman na kayo. Tapos pati
yung family niya kasi nga ganon. So akala ko lalaki si Kris.', ang
paliwanag ni Pat.
'It's Kristine Chang. Nagalit
ang barkada sa amin dahil kagagaling lang namin parehas sa isang
relasyon tapos naging kami agad. Ang parents niya nagalit kasi pure
Chinese sila. Ayun.', ang paglilinaw ni Sean.
Natahimik si Pat at hindi makapaniwala sa katangahan niya. Bakit niya kasi inakalang lalaki si Kris?
'Okay. So now alam mo na kung ano ako.', ang nakatungo niyang sabi.
'Yeah. Don't worry. It's safe with me. And I don't mind.', ang sabi ni Sean.
'Thanks.', ang sagot ni Pat.
Naikwento na ni Pat kay Sean ang
relationship status niya ngayon with Ken dahil sa naging experience
niya kay Gino habang lumalalim ang gabi.
0*0*0*0
Sunud-sunod na katok ang narinig
ni Ken sa kanyang pinto habang siya ay malalim na nag-iisip. Mabagal
siyang tumayo at binuksan ang pinto.
'Hi, can we talk?', ang tanong ni Pat.
Iniwan niyang bukas ang pinto at hinayaan si Pat na pumasok.
'Hindi ka pa daw bumaba simula kanina. Here. I brought some food.', ang sabi ni Pat.
'Thanks.', ang sabi ni Ken.
'Galit ka ba sa akin?', ang tanong ni Pat.
'Hindi. Baka ikaw nga e. Ayaw mo nang ihatid kita.', ang sabi ni Ken.
'Kasi, Ken, you're out of reason talaga last time.', ang sabi ni Pat.
'Kung pumunta ka dito para makipag-away, umalis ka na lang.', ang sabi ni Ken.
'Hindi. Gusto ko nga
makipag-ayos sa'yo e. Alam mo bang hinihintay ko text mo kanina?
Hinihintay ko na sabihin mong on the way ka na.', ang sabi ni Pat.
'Hinihintay ko din kaya text mo kanina, na sabihin mo na sunduin kita.', ang sabi naman ni Ken.
'So, naghintayan lang tayo? Ano ba yan.', ang sabi ni Pat.
'Oo nga e. Ikaw kasi.', ang sabi ni Ken.
'O bakit ako? Bati na kasi tayo.', ang sabi ni Pat.
Itinuro ni Ken ang kanyang
pisngi. Signal na halikan siya. Agad namang lumapit si Pat sa kanya at
binigyan siya ng isang halik sa pisngi. Pero bago pa dumampi ang labi ni
Pat sa pinsgi ni Ken ay humarap ito kaya naman nasakto sa labi ni Ken
ang labi ni Pat. Napalayo naman agad si Pat dahil sa nangyari.
'Ang galing mo rin dumiskarte no?', ang sabi niya kay Ken.
'Miss lang kita.', ang sabi ni Ken.
No comments:
Post a Comment