rantstoriesetc.wordpress.com
Humahangos akong bumaba ng hagdan sa paghabol kay Xavier.
Masyadong mabilis ang kanyang pagkilos. Panay ang sigaw ko sa kanyang pangalan.
Wala na akong pakialam kung makaistorbo ako sa ibang mga naninirahan doon.
Naabutan ko si Xavier sa loob ng kanyang sasakyan.
“Xavier!!!” ang sigaw ko habang pinapalo ko ang gilid ng
kotse.
Hindi niya ako pinansin at mabilis na pinatakbo ang
sasakyan. Agad na lumapit sa akin ang naka-duty na guard pero nilampasan ko
lang siya. Nakayapak akong pumara ng taxi. Wala akong dalang pera o kahit ano.
“Manong, pasundan po iyong blue na Altis.” ang utos ko sa
driver.
Malakas ang aking paghinga habang mabilis na kumakabog
ang dibdib ko. Halos magdugo na ang labi ko kakakagat dito dahil hindi ako
mapakali. Hindi ko na alam kung nasaan kami. Pero nakikita ko pa rin ang
sasakyan ni Xavier. Makalipas ang halos labinlimang minuto ay tumigil ang
sasakyan ni Xavier. Hindi na niya maayos na nai-park ang sasakyan.
“Xavier!” ang muli kong pagtawag sa kanya matapos
makiusap sa driver na hintayin na lang ako para mabayaran ko siya pabalik sa
apartment.
“Lucas, umuwi ka na!” ang sigaw niya sa akin.
“Xav, please. Tara na. Please, huwag mo na siyang
puntahan.”
“Nahihibang ka ba???! Sarili kong kapatid ang… Si John…
Ikaw…” ang pag-iyak niya.
“Papatayin ka niya kapag nalaman niyang alam mo ang
nangyari. Please, Xavier. Pakinggan mo naman ako. Pumunta na lang tayo sa
pulis. Sige na, tara na.” ang kinakabahan kong sabi sa kanya.
“Mauuna siyang malagutan ng hininga kaysa sa akin.”
Pumasok siya sa condo kung saan nagse-stay si Boss John. Sa pagbati ng mga
guwardiya sa kanya, mukhang kilala na si Xavier dito. Ang unit kasing
tinitirhan niya ay dating pagma-may ari ng kanilang ina. Kaya naman nakatira
din si Xavier dito dati bago pa mapunta kay Boss John ang titulo.
“Sir, bawal po kayong pumasok.” ang sabi ni guwardiya sa
akin.
“Xav? XAVIER!!!” ang sigaw ko sa kanya.
Hindi niya ako nilingon hanggang sa makapasok siya sa
elevator. Inaalala ko kung anong floor ang unit nila rito. Isang beses na akong
nakapunta dito noong nasa college pa kami. Laking pasalamat ko sa aking memorya
dahil naalala kong may ibang entrance pa dito. Medyo malayo nga lang dahil
kailangan ko pang ikutin ang isang block.
Hinihingal na ako sa sobrang bilis ng aking pagtakbo.
Madilim ang street na aking dinaanan. Malaking tulong ito para makapagtago at
makapagmasid sa rumorondang guwardiya. Nag-iisip ako ng paraan para mapaalis
kahit sandali ang guwardiyang nagbabantay sa pinto.
“Tulong!!! TULONG!!!” ang sigaw ko para makuha ang
atensyon nito.
Nang patakbo na ito papunta sa aking direksyon ay siya
namang takbo ko papunta sa kabila at papasok sa loob ng lobby. Hindi na ako
nagsayang ng oras para maghintay pa ng elevator at agad na pumasok sa loob ng
fire exit.
Umakyat ako hanggang second floor at doon ako naghintay
ng elevator. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at inalala ang unang
beses na nandito ako.
“921.” ang bulong ko sa aking sarili bago pindutin ang 9
sa gilid.
Pagkarating ko sa 9th floor, hindi ko alam kung sa kaliwa
o kanan ang aking punta. Nagulat na lang ako nang may kung anong malakas na
pagbagsak akong narinig. Sinundan ko ang pinanggalingan noon hanggang sa makita
ko ang unit 921.
“Xavier!!!” ang sigaw ko nang marinig ko ang boses niya
sa loob ng unit.
Nagulantang ang ilan sa mga tenants at lumabas sa
kani-kanilang mga unit. Umiiyak na ako at pakiramdam ko ay ang dumi-dumi na ng
aking mga paa. Mapanghusga ang mga matang nakapako sa akin.
“Please. Help me. Nasa loob ang boyfriend ko.” ang iyak
ko.
May dalawang tenants ang nagsara ng kanilang mga pinto.
Pero may isang matandang babae ang lumapit sa akin at sinubukan akong
pakalmahin. Hinahagod niya ang aking likod habang walang tigil ako sa pagtawag
sa pangalan ni Xavier.
“Anong nangyayari, hijo?” ang tanong niya sa akin matapos
pakiusapan ang isa sa mga tenants na nanatiling nakasilip sa pinto na tumawag
ng security.
“Nasa loob po ang boyfriend ko. At… baka patayin siya
ni…” Isang malakas na putok ang aming narinig mula sa loob ng unit. Lumipad ang
aking mga kamay sa pinto at hinataw ito ng paulit-ulit. Mas maraming tenants
ang lumabas dahil sa putok ng baril na kanilang narinig. Sobrang lakas na ng
aking pag-iyak.
“Tumawag kayo ng pulis!” ang sigaw ng isa.
Dumating ang dalawang guwardyang may dalang maraming
susi. Pero pinigilan siya ng isa sa mga tenants na buksan ang unit hanggang sa
dumating ang mga pulis. Hindi ko na alam kung ano ang aking mararamdaman. Sino
ang binaril nino? Nanghina na ng tuluyan ang aking mga tuhod at nanlabo ang
aking paningin.
…
Nahihilo pa rin ako nang imulat ko ang aking mga mata.
Masyado yatang mabilis ang aking pagbangon dahil kumirot ang ulo ko. Nakatulog
ako sa sofa. Pamilyar ang lugar pero kinailangan ko pa ng ilang segundo para
mapagtanto kung nasaan ako.
“Seb. Si Xavier? Did he get shot? Si Boss John?” ang mga
tanong ko sa kanya.
Pilit kong binabasa ang ekspresyon ng mukha ni Seb. Masyadong
pigil ito at pormal. Umupo siya sa aking tabi at hinawakan ang aking mga kamay.
Pero agad ko itong inilayo sa kanya para takpan ang aking mga tainga.
“No! Seb, no! He’s not dead! Xavier’s not…”
“Lucas! Hey. Calm down. He’s not dead. Nabaril siya ni
John, yes. He’s not dead. Nasa recovery room na siya.”
“Uhh, thank God!” ang sabi ko bago siya yakapin ng
mahigpit.
Mahigpit din ang isinukli niyang yakap sa akin. Sa totoo
lang, sobrang miss ko na ang taong ito. Matagal na kaming magkaibigan pero
matagal na rin ang panahon na hindi kami nagkakausap dahil na rin sa naging
conflict namin kay Xavier.
“I wanna see him.” Pinahiram ako ni Seb ng slippers at
jacket dahil malamig sa hospital. Nasa isang private room si Xavier. Naroon ang
kanyang pamilya nang pumasok kami ni Seb. Agad na lumapit sa akin ang kanyang
ina at niyakap ako ng mahigpit.
“I’m so sorry sa nangyari sa’yo, hijo. Hindi ko alam kung
paano ako hihingi ng tawad sa ginawa ng anak ko sa’yo.” ang naiiyak na sabi
nito sa akin.
“Ang mahalaga po ay buhay si Xavier. Tita, hindi ko alam
kung paano niyo matatanggap ito pero mahal ko si Xav.” ang diretsahan kong
pag-amin.
“He already told me. Lucas, matagal ko ng alam. Ina ako,
ramdam ko ang anak ko.” ang kanyang sabi.
Kahit papaano ay parang nabunutan ako ng maliit na tinik
sa katawan sa mabilis niyang pagtanggap sa amin. Marahil dala na rin iyon ng
sitwasyon namin ngayon. Hinaplos ko ang kamay ni Xavier paglapit ko sa kanya.
Sabi ng kanyang ina ay hindi pa ito nagkakamalay simula nang lumabas siya sa
operating room.
Nanatili akong nakaupo sa kanyang tabi at hawak ang
kanyang kamay. Nawala si Seb ng ilang minuto. Tahimik ang buong silid dahil
nagpapahinga na ang ina ni Xavier. Nang bumalik si Seb ay mahina niyang tinawag
ang aking pangalan.
“Lucas, nasa labas ang mga pulis. Gusto nilang kuhanin
ang statement mo sa mga nangyari.” ang sabi niya.
“Seb, binanggit mo bang…”
“Hindi.”
“Ayokong humarap sa kanila.”
“Pagtatakpan mo pa ba si John? Lucas, pagkakataon na
‘to.”
“I won’t talk hangga’t hindi nagigising si Xavier.” ang
emosyonal kong sabi sa kanya.
“Okay, okay. No one’s rushing you.” ang sabi ni Seb
bilang isang doctor, hindi bilang isang kaibigan.
…
Maya’t maya ang pasok ng mga nurses para i-check si Xavier.
Hindi naman ako naka-confine kaya hindi na ako umalis sa kanyang tabi.
Napag-alaman kong ilang rooms lang ang pagitan namin kay Boss John. May mga
baling buto ito dahil sa pambubugbog ni Xavier. Naroon ang kanilang ina.
“Hi, babe.” ang hirap na bigkas ni Xavier.
“Hey.” ang nakangiti kong bati sa kanya.
Tumayo ako para gawaran siya ng halik sa labi pero
biglang nanginig ang kanyang katawan at tumirik ang kanyang mga mata. Natakot
ako at napatalon palayo sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang aking nagawa.
“NURSE!!!” ang sigaw ko.
Mabilis namang rumesponde ang dalawang nurse at isang
doctor. Malabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang hindi tumutulo. Pero
nakita ko si Seb sa labas na humahangos dahil sa isang pasyente. Tumigil
sandali ang aking puso sa pagtibok dahil akala ko ay kilala ko ang pasyenteng
iyon. Pero baka mali ako. Sana ay mali ako.
Ilang minuto lang ay stable na ulit si Xavier. Nakatulog
na ako sa paghihintay na muli siyang magkamalay.
…
Nagising ako dahil sa mga masuyo niyang pagsuklay sa aking
buhok. Tiningnan ko siya at mas masigla na ang hitsura niya ngayon. Nginitian
niya ako pero hindi ko iyon sinuklian.
“What were you thinking??!” ang galit na tanong ko sa
kanya.
“Babe, I did that for you.” ang paos niyang sabi.
“Paano kung napuruhan ka niya? Paano kung napatay ka
niya? Paano kung… Paano ako kung wala ka na?” ang naiiyak kong sabi.
“Aww. Kahit nagagalit ka, pinapakilig mo pa rin ako.
Huwag na umiyak, babe. Nandito pa rin naman ako. Medyo wounded lang pero I’m
safe. He’s going to jail.” ang sabi niya habang pinupunasan ang mga tumulong
luha sa aking pisngi.
Mabilis na naglapat ang aming mga labi. Natigil iyon nang
magbukas ang pinto. Si Seb ang pumasok. Halatang wala pa itong tulog. Suot pa
rin niya ang damit na kanyang suot simula kagabi. Magulo na ang kanyang buhok.
“Xav, kamusta?”
“A little sore, still. But better.”
“Good. If there’s anything, kung may sumasakit or what,
magsabi ka agad ha.”
“Yup, doctor.”
“Lucas… Xav’s awake.” ang pagbaling niya sa akin.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Xavier sa akin at kay Seb.
Hindi nito naiintindihan ang sinabi ni Seb. Kinuha ko ang kanyang atensyon at
ikinwento ang naging usapan ni Seb kagabi habang wala pa siyang malay.
“Let them in. Ako na ang magbibigay ng statement.” ang
sabi ni Xavier.
“Xav, you can’t mention anything about the abuse. Please.
He can still go to jail sa ginawa niya sa’yo.” ang depensa ko.
“Seb, let them in.” Pagbukas ni Seb ng pinto para
papasukin ang mga pulis ay may isang nurse ang lumapit sa kanya at punung-puno
ng pag-aalala ang mukha nito.
“Doc, Edward’s crashing.” ang sabi nito.
“Chief, pasok na po kayo. I need to go.” ang
nagmamadaling sabi ni Seb bago mabilis ding nagpaalam sa amin.
Nagpakilala ang dalawang pulis sa amin at agad na
dumiretso sa pagtatanong. Wala akong tiwala sa kanila kaya naman tahimik lang
ako. Ikinwento ni Seb ang nangyari sa loob ng unit.
“Bakit ka sumugod sa unit?”
“Heard a word of what he’s doing. He’s my brother. I
wanted to warn him.”
“Mag-isa lang ba siya pagkarating mo?”
“Hindi.” Kinabahan ako. Matalim ang tingin ko kay Xavier
at nagtama ang aming mga mata. Hindi niya nabanggit ito sa akin. May iba bang
inaabuso si Boss John nang dumating si Xavier sa unit.
“Sino ang kasama niya?”
“Si Ed. Edward. Nagtatrabaho siya sa kumpanya ni John.
And he’s raping him.”
“Sorry. Who’s raping who?” ang tanong ng pulis na
nagsusulat.
“Nakatali si Ed at duguan. Naka-tape ang kanyang bibig at
marami siyang paso ng sigarilyo sa katawan. Halos wala na itong malay sa
sobrang pananakit ni John…” Muling nanumbalik sa akin ang pinagdaanan ko. Hindi
ako makapaniwala. Si Ed? Si Ed na nakita kong may kalandiang babae sa CR. Si Ed
na pamilyadong tao. Gaano ba karumi ang budhi ni Boss John para magawa ito?
Bumalik sa aking isipan ang nakita kong nakahiga sa
gourney kagabi kasama ni Seb. Ang tinutukoy ng nurse kanina na Edward ay si Ed.
Si Ed na ilang taon kong nakasama sa trabaho. Nagiging malakas ang ginawa kong
mga paghinga dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang aking dibdib. Hindi ako
makapaniwala sa mga nangyayari.
“Si Ed…”
…
Nagpasama ako kay Seb papunta sa room ni Ed. Naroon ang
kanyang asawa. Nagpakilala ako sa kanya. Ilang oras pa lang daw na nagkamalay
si Ed at laking pasalamat niya dahil ligtas na ito. Kailangan na lang
magpagaling at magpalakas. Hindi ako naglakas loob na magtanong kung alam niya
ang ginawa ni Boss John dito.
“Hi, Ed.” ang nakangiti kong bati sa kanya.
“Hey.” ang pilit niyang sabi kahit na may mga tuyong dugo
sa kanyang labi.
“I heard what happened.” Iniangat niya ang kanyang kamay
at pinalapit niya ako sa kanya. Namumula ang kanyang mga mata at may mga luhang
nagbabadyang bumagsak.
“Alam kong binaboy ka rin niya… Tulong… Tulungan mo ako…”
ang bulong niya sa akin.
…
Nangako ako kay Ed na tutulungan ko siya. Kinausap ko si
Betsi para ma-counsel din niya ito. Si Seb naman ay buong-loob ding tutulong.
Paglabas ko sa kwarto ni Ed ay bumalik ako sa silid ni Xavier. Naroon pa rin
ang mga pulis. Nagpapasalamat na ang mga ito kay Xavier at akma ng aalis nang
pinigilan ko sila. Nagtaka si Xavier.
“I have something to say.”
No comments:
Post a Comment