http://rantstoriesetc.blogspot.com
'Hello?', ang pagsagot ni Pat sa cellphone niyang nagri-ring.
'Bangon na! Dali!!', ang malakas na pagsagot ni Ken sa kabilang linya.
'Anong oras na ba?', ang tanong ni Pat na medyo paos pa ang boses.
'Quarter to 7 na po. Dali na. Baka ma-late ka pa sa first day mo. On the way na ako dyan.', ang sabi ni Ken.
'Bakit?', ang tanong ni Pat nang makabangon.
'Siyempre, ihahatid kita.', ang sabi ni Ken.
'You don't have to. Magagamit ko na naman yung sasakyan.', ang pagtanggi ni Pat.
'Basta, maligo ka na. Eto na ako.', ang sabi ni Ken.
Narinig pa ni Pat ang
pagsa-start ni Ken ng makina ng sasakyan bago ito magbaba ng phone. Agad
naman siyang tumungo sa CR upang maligo. Isang malaking ngiti ang
ibinigay niya sa sarili nang tumapat siya sa salamin. Unang araw sa
trabaho. Unang araw sa bagong buhay. Kinakabahan siya pero iniisip na
lang niya na magiging maganda ang araw na ito.
0*0*0*0
'Excuse me!', ang sabi niya upang makadaan sa gitna ng mga taong nakapila sa MRT.
Lunes ngayon at talaga namang
sobrang daming tao. Rush hour pa kaya't ang lahat ay nagmamadali. Ang
lahat ay presko pa mula sa dalawang araw na pahinga dahil sa weekend
kaya naman hindi pa ganon kainit ang mga ulo ng mga tao.
'Excuse me.', ang muli niyang pakikiraan upang makapasok na sa loob ng station.
Hinanap niya ang malaking orasan
sa station. Maaga pa. Hindi pa naman siya masyadong male-late. Dumating
na ang train at unahan ang mga tao sa pagsakay.
'Oh. My. God.', ang natulala niyang sabi ng makita ang mala-sardinas na loob ng train.
Pinalampas niya muna ang unang
dumating at naghintay ng panibagong train. Ngunit mas dumoble naman ang
dami ng tao na nag-aabang. Tagaktak na ang pawis niya.
'Sean?', ang tanong ng isang pamilyar na boses sa kanya.
'Ands!', ang sigaw ni Sean.
'Wow. You're taking the MRT, seriously?', ang hindi makapaniwalang bigkas ni Ands.
'Yeah. First day sa work. I thought of reinventing myself a little. No car during work days.', ang sabi ni Sean.
'Cool! Saan ba trabaho mo ngayon?', ang tanong ng kausap.
'Sa main branch ng isang bank sa Ayala. Ikaw? Saan ka, Ands?', ang sabi ni Sean.
'Ayala din. Accounting firm. Andrew na to, dude!', ang sagot ni Ands.
'Andrew, andrew. Ands pa din! First day mo din?', ang natatawang sabi ni Sean.
'Third na, actually. Kamusta na kayo ni Kris?', ang tanong ni Ands.
Dumating na ang panibagong train
at sumakay na ang dalawa. Nasira yata ang plano ni Sean na huwag
ipahalata na first time niya sumakay sa MRT dahil sa pagkikita nila ni
Andrew.
0*0*0*0
'Hello, Kuya. Hindi pa po nase-set up yung dalawang PC dito sa office.', ang sabi ni Chuck sa kausap sa phone.
Tinapik siya ni Angela sa balikat nang pumasok ito sa office habang pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
'O sige po. First day po kasi ng
mga bagong associates today. Hintayin ko na lang po. Thanks, kuya!',
ang sabi ni Chuck bago ibaba ang phone.
Agad naman siyang nilapitan ng kaibigan na si Angela.
'Hoy, Charlie! Ngayon na pala papasok mga bagong bata mo?', ang sabi ni Angela.
'Bata talaga? Para ngang mas bata pa ako sa kanila. Yung isa, sa tabi ng cubicle mo ah.', ang sabi ni Chuck.
'Yeah, bakante nga e. Tara, breakfast.', ang yaya ni Angela.
Tumayo naman agad si Chuck at lumabas ng office.
0*0*0*0
Nasa biyahe na sila Pat at Ken. Tahimik lang si Pat habang si Ken naman ay sobrang excited na sa first day ni Pat sa trabaho.
'Kanina pa ako salita ng salita dito. Bakit ang tahimik mo?', ang sabi ni Ken nang napansin ang unusual na mood ni Pat.
'Kinakabahan kasi ako!', ang medyo malakas na sabi ni Pat.
'Kaya mo yan, Pat! Ikaw pa.', ang pagpapalakas ng loob ni Ken.
'Whew!! Bahala na.', ang sabi ni Pat.
'Just be yourself.', ang maikling payo ni Ken.
Itinigil ni Ken ang sasakyan sa
driveway ng building. Nagpaalam na si Pat sa kanya. Binigyan niya ito ng
isang good luck kiss na pisngi.
'Good luck.', ang sabi ni Ken.
'Thanks.', ang sagot ni Pat bago bumaba.
Pagkapasok niya sa building ay
nakita niya ang isang coffee shop at naisipan niyang bumili muna ng kape
at mag-almusal saglit dahil maaga pa naman ang dating niya.
'Ngayon pa lang sila ipapakilala ng HR.', ang sabi ng lalaking nakaupo na kanyang nadaanan.
Pumila na siya sa counter at hinintay ang kanyang order.
0*0*0*0
'Parang ang hirap yatang mag-MRT pagpasok. Ang layo ng nilalakad.', ang reklamo ni Sean na pawis na pawis na.
'Sanayan lang yan, tol.', ang sagot naman ni Ands.
'Whoo. Dito na lang ako. See you around, dude!', ang paalam ni Sean.
'Sige. Good luck!', ang sabi ni Ands.
Bumababa na si Sean sa
underpass. Tiningnan niya ang oras at nakitang meron pa siyang 25
minutes bago magsimula ang trabaho. Agad siyang nagtungo sa CR
pagkapasok sa building upang mag-ayos ng sarili.
Nasa 21st floor ang department na kanyang pupuntahan. Tinungo na niya ang elevator at napatakbo siya ng nakitang pasara na ito.
'Wait!', ang sigaw niya.
Agad namang inilabas ng isang empleyado ang kanyang kamay upang hindi tuluyang magsara ang elevator.
'Thanks.', ang nakangiti niyang sabi dito nang makasakay na siya.
Pinindot na niya ang 21 at hinintay ang pag-akyat ng elevator.
0*0*0*0
'Good morning, Sir.', ang bati ng guard kay Pat.
'Hi. To the HR Department.', ang sabi ni Pat.
'Sino po sila?', ang magalang na tanong ng guard.
'Patrick Bautista.', ang sabi niya.
'Sandali lang po.', ang sabi ng guard bago mag-dial sa phone at kausapin ang HR representative.
'Sir, pasok na po kayo. Ikalawang door po sa kanan.', ang sabi ng guard.
'Ok. Thanks po!', ang sabi ni Patrick bago tumalikod.
Hindi niya napansin ang taong papalapit din sa guard kaya naman ay nagkabanggaan sila.
'Sorry.', ang maikling sabi ni Pat.
Tumingin lang sa kanya ang lalaki bago lumapit sa guard.
0*0*0*0
'Hi, Ma'am Nancy.', ang masayang bati ni Chuck sa HR head na nasa kabilang linya.
'Nandito na 'yung isa niyong bagong associate.', ang sabi ni Ma'am Nancy.
'Wow. Sige po. Ano pong pangalan?', ang tanong ni Chuck.
'Patrick Bautista.', ang sabi ni Ma'am Nancy.
Isinulat naman ni Chuck ang name ni Pat sa isang post-it.
'Ma'am, pwede ko na rin po ba makuha....', ang tanong ni Chuck na hindi natapos.
'O, Charlie. Narito na rin 'yung
isa. Sean Galvez ang pangalan. Mga galing sa respetadong university
'to.', ang sabi ni Ma'am Nancy.
'O sige po. Salamat, Ma'am!', ang sabi ni Chuck.
'At mukhang inglesero ang isa.', ang bulong ni Ma'am Nancy.
Nagtawanan muna ang dalawa bago ibaba ang phone.
'Chuck, na-set up na yung PC.', ang sabi ni Angela sa kanya.
'Yay. Thanks!', ang sagot ni Chuck.
0*0*0*0
'Patrick? Sean?', ang pagtawag ni Ma'am Nancy sa kanilang mga pangalan.
Parang automatic naman silang
tumingin sa maliit na babaeng tumawag sa kanilang pangalan. Nakaupo sila
sa magkahiwalay na couch bago tumayo.
'Hi. You know me both. I'm Nancy
Regala, the HR Head. You can call me Ma'am Nancy. So, congratulations
for landing into this job. You both are going to work in the same
department. So, let's go.', ang sabi ni Ma'am Nancy.
'Hi. Sean.', ang pagpapakilala ni Sean.
'Patrick. Pat, for short.', ang pakikipagkamay ni Pat.
'Nice meeting you., ang sabi ni Sean.
Bumaba sila sa 16th floor ng building kung saan naroon ang department na kanilang pagtatrabahuhan.
'Chuck.', ang pagtawag ni Ma'am Nancy sa lalaking busy na nakaupo sa harapan ng kanyang computer.
'Ma'am!', ang sabi nito pagtayo niya.
'O eto na mga bago mong bata. Si Patrick at si Sean.', ang pagpapakilala ni Ma'am Nancy.
'Hi. I'm Chuck. Charlie Sanchez.
Chuck na lang for short. I'm the assistant head of this department.',
ang pagpapakilala ni Chuck.
'Patrick Bautista, sir. Pat, for short.', ang sabi ni Pat.
'Sean Galvez.', ang sabi naman ni Sean.
Nagpaalam na si Ma'am Nancy at
ipinaubaya na ang dalawa kay Chuck. Ipinakilala na ni Chuck ang dalawa
sa ibang mga ka-opisina bago sila i-assign sa kani-kanyang cubicles.
'Should
you have any questions or if you need any help, nandyan na sa sheet na
ibinigay ni Ma'am Nancy ang local number ko. Okay?', ang sabi ni Chuck.
'Ok. Thank po!', ang sabi ng dalawa.
Medyo maraming trabaho na agad
ang ibinigay sa kanilang dalawa sa unang umaga nila sa trabaho. Nariyan
ang pag-eencode at pagtawag sa iba't ibang kumpanya. Pati na rin ang
pagche-check ng ilang mga kontrata.
'Hello?', ang pagsagot ni Pat sa tawag.
'Patrick?', ang sabi ng nasa kabilang linya.
'Sean. O bakit? Pat na lang.', ang sabi ni Pat.
'Alright, Pat. Where are you gonna take your lunch. Pwede sabay tayo?', ang tanong ni Sean.
'Di ko pa nga alam e. Sure.', ang pagpayag ni Pat.
'Sige. Later.', ang paalam ni Sean.
0*0*0*0
'O, guys. Lunch break na. Don't
overwork. First day niyo pa lang. Baka magsawa agad kayo.', ang sabi ni
Chuck sa kanilang dalawa.
'Hindi naman po.', ang sagot ni Pat.
'Saan kayo kakain? I have a
lunch meeting e. I'd love to have lunch sana with you so we can get to
know each other. Tomorrow na lang siguro, okay?', ang sabi ni Chuck.
'Sure, Sir. Ingat po.', ang sabi ni Sean.
'O saan tayo?', ang tanong ni Sean nang makalabas si Chuck sa office.
'Di ko alam. Ikaw na bahala. Wait, I have to answer this call.', ang sabi ni Pat.
'Hi.', ang pagsagot ni Pat sa tawag ni Ken.
'How's the first half of your day?', ang tanong ni Ken.
'Okay naman. May kasama akong bago lang din. Lunch na kami ngayon.', ang sabi ni Pat.
'Ah. Okay. I'll pick you up later. Ingat!', ang paalam ni Ken.
'Alright. Thanks! Ingat ka din.', ang sabi ni Ken bago ibaba ang phone.
Lumapit siyang muli kay Sean upang tanungin kung saan na sila kakain.
'Let's check the office canteen muna.', ang sabi ni Sean.
Bumaba na sila upang makapag-lunch.
0*0*0*0
Sabay na silang kumain sa office canteen at nagkakilala pa ng mas mabuti.
'Okay naman pala ang pagkain dito e.', ang sabi ni Sean.
'Oo nga. So, magkalapit lang pala ang school natin no?', ang sabi ni Pat.
'Yup. And marami akong friends dyan.', ang patuloy naman ni Sean.
'Wait lang.', ang sabi ni Pat upang sagutin ang nagri-ring na phone.
'O bakit?', ang tanong niya.
'Wala ako magawa e.', ang sabi ni Ken.
'Di pa ako tapos kumain.', ang sabi ni Pat.
'Ano oras kita sunduin?', ang tanong ni Ken.
'6pm out ko.', ang maikling sagot ni Pat.
'O sige. Dyan na ako ng 6pm.', ang sabi ni Ken.
'Bye.', ang paalam ni Pat.
'Girlfriend mo?', ang tanong ni Sean kay Pat nang matapos itong makipag-usap sa phone.
'Huh? Hindi. Kaibigan ko. Dadaanan daw niya ako mamaya.', ang alibi ni Pat.
0*0*0*0
Naging mabilis na ang hapon na
iyon dahil sa dami ng ginagawa. Halos isang beses lang yata nakatayo si
Pat upang magtungo sa CR.
Ken: Dito na ako sa baba.
Tiningnan ni Pat ang oras sa kanyang desk at nakitang 6PM na. Nagpaalam na siya sa mga kasama upang mapuntahan na agad si Ken.
'Sean, una na ako ha.', ang paalam niya kay Sean.
'Sige, ingat dude. See you tom.', ang sabi ni Sean.
Dumaan muna si Pat kay Chuck
bago lumabas ng office. Sakto namang pasakay pa lang ang ilan pang
empleyado sa elevator kaya nakisabay na siya. Pagbaba ay nakita na niya
ang sasakyan ni Ken sa driveway at agad na sumakay sa harapan.
'How's your day?', ang tanong ni Ken.
'Good. Yours?', ang sagot niya.
'Unproductive. Tara, let's go grab some dinner. O, kwentuhan mo ako.', ang sabi ni Ken.
'Ayun....', ang pagsisimula ni Pat.
No comments:
Post a Comment