Sunday, December 16, 2012

Aftermath (Finale)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com


Grabe ang kabog ng dibdib ni Pat. Naghahalo na ang pawis at luha niya na walang patid ang pagtulo habang papunta sa ospital. Mainit sa taxi na nasakyan niya pero wala na siyang oras para magreklamo pa.
'Manong, pasensya na po pero pakibilisan naman po. Kelangan ko pong makarating sa ospital agad.', ang magalang niyang sabi sa driver.

'Sige, sir!', ang mabait namang sagot nito.

Panay shortcuts ang dinaanan nila. Halos kalahating oras lang ang ibinyahe niya. Agad siyang nagbayad at nagpasalamat. Tinakbo na niya ang daanan papasok sa emergency.

'Ken!', ang sigaw niya.

Agad namang may isang nurse ang lumapit sa kanya. Inakala na siya ay naaksidente.

'Hindi. I'm looking for Ken Villanueva.', ang sabi ni Pat na may tono ng panic.



Nagpaalam naman ang nurse at nagtanong sa station kung may pasyenteng may ganong pangalan. Agad naman itong bumalik sa kanya.

'Sir, right now po ay may doctor na tumitingin sa kanya. If you want, you can stay in the waiting room. Nandun po yata ang parents niya. This way po.', ang sabi nito.

'Thank you, nurse.', ang sabi ni Pat.

Agad naman niyang nakita ang mga balisang magulang ni Ken. Tinakbo na niya ang paglapit sa mga ito.

'Tita. Tito.', ang pagtawag nito sa kanilang pansin.

'Pat!', ang umiiyak na sabi ng ina nito.

Yumakap ito ng mahigpit sa kanya. Hindi na napigilan ni Pat ang tuluyang maiyak dahil sa sinapit ng taong mahal.

'I'm so sorry po.', ang sabi nito.

'He's barely hanging on. Ano bang nangyari sa inyo at umabot kayo sa ganito?', ang tanong nito.

'We had a big fight. Hindi ko po maisip na gagawin ito ni Ken. I'm very sorry po.', ang sabi ni Pat.

'Let's just pray he survives.', ang sabi ng ama nito.

'I have faith in God that he will spare my son.', ang sabi ng ina.

Hindi na nakapagsalita si Pat. In-expect niya na magagalit sa kanya ang mga ito dahil sa nangyari pero totoo talagang mabait ang mga ito. Halos magda-dalawang oras na nang tawagin sila ng doctor. Agad silang lumapit na tatlo.

'Mr. and Mrs. Villanueva. Ligtas na po ang anak ninyo. He's lost a lot of blood kaya po sinasalinan siya ngayon. Pero stable na naman po. We'll keep him admitted for several days para ma-check kung may negative reaction sa dugo si Ken.', ang sabi ng doctor.

Para namang nabunutan ng tinik si Pat sa magandang balita ng doctor. Pero hindi pa tapos ang sinasabi ng doctor.

'And also, I suggest for Ken to undergo a therapy with a psychiatrist. I ca give you contacts. For preventive measures lang po. Ayaw naman po nating maulit ulit ito.', ang sabi ng doctor.

'Okay, doc. Anything that will make my son better. When can we see him?', ang sabi ng ina na nakangiti na ngayon.

'After a few hours. Inililipat na po siya sa room niya. Kelangan niya po muna matulog for more hours.', ang sabi nito.

'We'll stay with him sa room. Hihintayin na lang po namin siyang magising.', ang sabi ng ama ni Ken.

'It's okay.', ang sabi ng doctor.

'Thank you, doc! Maraming maraming salamat po.', ang sabi ng ina nito.

0*0*0*0

Kinabukasan ay maagang nagising si Chuck para mag-jogging. Sunday na. Bukas ay papasok na naman siya sa trabaho. Nagbihis na siya at inayos na ang kanyang iPod. Malamig ang hangin ngayon kaya naman nasa mood si Chuck na magpapawis. Dalawang oras niyang balak tumakbo at pagkatapos noon ay maliligo siya at magsisimba. Siya na lang mag-isa ang nandito sa Pilipinas dahil ang mga magulang niya ay parehas nang sumakabilang-buhay habang ang dalawang kapatid ay nasa ibang bansa.
Matapos ang dalawang oras ay nakabalik na siya sa kanyang bahay. Hinihingal siyang pumasok sa loob ng bahay pero muli din siyang lumabas nang mapansin ang post-it na nakadikit sa kanyang pinto.

'Ready? :) - R', ang nakasulat sa papel.

Napangiti naman siya pagkabasa nito. Seryoso talaga si Rico sa hamon ni Chuck. Inalis na niya ang sandong suot upang makapag-shower na nang nag-ring ang phone niya.

'Hi.', ang bati ni Rico sa kabilang linya.

'Ang aga ah.', ang sabi ni Chuck.

'Of course. Plans for today?', ang tanong ni Rico.

'Church.', ang sabi ni Chuck.

'Then?', ang tanong ni Rico.

'I don't know.', ang sabi ni Chuck.

'Good. ', ang sabi ni Rico.

Binabaan ni Rico si Chuck ng phone.

'What the...', ang hindi natapos na sabi ni Chuck dahil nagulat siya sa malakas at sunud-sunod na katok.

Binuksan niya ito nang nakasimangot.

'You don't need to knock like...', ang muli na namang hindi niya natapos na sasabihin.

'Coffee?', ang tanong ni Rico.

May hawak itong dalawang paper cups ng mainit na kape.

'I know just what you want. Cafe Latte, extra hot.', ang sabi ni Rico.

Habang sinasabi ni Rico ang extra hot ay nakatingin ito sa katawan ni Chuck.

'What are you staring at?', ang masungit na sabi nito.

'Oh. Extra hot cafe latte?', ang pag-abot niya sa kape kay Chuck.

'Come in.', ang sabi ni Chuck.

'Whew!', ang sabi ni Rico pagkapasok.

'What?', ang tanong ni Chuck.

'Nothing. Ang init.', ang nanunuksong sabi ni Rico.

Nakatingin pa rin ito sa katawan ni Chuck na pawisan. Aam niyang nanunukso si Rico pero hindi niya ito binigyang pansin. Lalo lang niya itong tinukso.

'Thanks for the coffee. But I gotta take a shower first. Mind holding this for me?', ang sabi ni Chuck.

'No.', ang sabi ni Rico na tila na-hypnotize.

Kinuha nito ang kape habang si Chuck naman ay naghubad ng shorts na suot sa harapan ni Rico. Tanging briefs na lang ang suot niya.

'Thanks.', ang sabi ni Chuck gamit ang kanyang sexy voice.

Akmang hahalikan niya si Rico kaya't ang huli naman ay lumapit agad sa kanya nang bigla siyang tumalikod.

'Feel at home.', ang sabi ni Chuck bago pumasok sa CR.
Napangiti siya dahil nabaligtad niya ang pangyayari. Noong una ay siya ang inaakit ni Rico gamit ang mga salita niyang may double meaning pero sa huli ay siya na ang umakit dito. Natutuwa siyang makita na may epekto pa rin siya kay Rico. Hindi naman niya patatagalin ang hamon niya kay Rico na patunayan sa kanya na talagang mahal siya nito.

Matapos ang sampung minuto ay tapos na siyang maligo. Pagkalabas niya ng banyo ay tahimik ang buong bahay. Umalis na ba siya? Pumasok na siya sa kanyang kwarto upang magbihis.

'Ay kabayo!', ang sabi niya dahil sa gulat.

Nakita niya si Rico na nakahiga sa kama na walang suot. Hindi man lang ito nagtakip ng kumot.

'Anong ginagawa mo??! At bakit ka nakahubad?', ang tanong ni Chuck.

'Sabi mo feel at home e.', ang sabi ni Rico.

'Out!', ang pagpapalabas ni Chuck kay Rico.

'What??', ang tanong ni Rico.

'Lumabas ka!', ang sigaw ni Chuck kay Rico.

Agad naman itong lumabas ng kwarto bitbit ang mga damit na tinanggal. Naiinis si Chuck kasi akala niya ay naisahan niya si Rico. Pero hindi pala. Siya ang naisahan nito.

'Ugh!', ang gigil niyang sabi pero napangiti din sa huli.

0*0*0*0

Halos 10AM na nang magising si Ken. Agad namang lumapit ang mga magulang niya sa kanya at tinanong kung ano ang kailangan niya. Hindi naman agad makasagot si Ken. Si Pat naman ay dahan-dahang lumapit sa kanya.

'Ken.', ang umiiyak niyang tawag dito.

'What are you doing here?', ang paos na sabi ni Ken sa kanya.

Hindi niya mawari ang emosyon ni Ken. Nagkusa naman ang mga magulang nito na iwanan muna silang dalawa. Pagkasara ng pinto ay agad na humagulgol si Pat.

'I'm sorry! I didn't want to hurt you! Hindi ko rin alam kung bakit ko nabanggit ang pangalan ni Gino. Lasing ako.', ang sabi ni Pat.

'Pat.', ang bulong nito.

Tumutulo ang mga luha ni Ken. Pinalapit niya sa kanya si Pat. Hinaplos niya ang mukha nito gamit ang kamay na walang benda. Pinunasan niya ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata nito.

'I love you.', ang sabi ni Ken.

Napangiti naman si Pat sa sinabi nito at sasagot na sana siya nang ilagay ni Ken ang isang daliri sa kanyang labi.

'Shh.', ang pagpigil ni Ken.

Sumunod naman si Pat sa gusto ni Ken. Walang tigil rin ang pagdaloy ng luha nito. Niyakap siya ni Ken. Bumulong ito sa kanya.

'I love you. But I need you to leave me alone.', ang bulong ni Ken kay Pat.

Parang tumigil naman ang pagtibok ng puso ni Pat sa narinig.

'What?', ang ipit na boses niyang sabi.

'I don't wanna see you.', ang sabi ni Ken na umiiyak.

Hinawakan naman agad ni Pat nang mahigpit ang kamay ni Ken at parang hindi makapaniwala sa narinig.

'No. No. no, no! This can't be. Ken! I love you! Ikaw ang mahal ko. I'm sorry. Please! Wag mo akong iwan.', ang sabi ni Pat.

'You don't love me. you just thought you do, but actually you don't. Siya pa rin talaga. Stay away from me. Look at what I've done to myself. I can't see you anymore. Sobrang masakit.', ang sabi ni Ken.

'No. Ken! Hindi pwede yun! Let me make up for it! Pahirapan mo ako and everything just don't break up on me. Please! I'm begging you.', ang sabi ni Pat.

'I'm so sorry. I can't. This is too much. Get out now, please!', ang sabi ni Ken.

'Ayoko! I won't leave.', ang sabi ni Pat.

'Go!!', ang sigaw ni Ken kahit mahina pa siya.

Hindi man lang gumalaw si Pat sa kinatatayuan.

'Nurse!!! Nurse!!', ang sigaw ni Ken.

'Ken! Wag naman ganito. I'm sorry, okay?? Wag mo namang gawin sa akin to!', ang sabi ni Pat.

Pero parang hindi siya naririnig ni Ken at panay pa rin ang tawag sa nurse. Ilang segundo pa ay pumasok ang isang nurse kasunod ang kanyang mga magulang.

'Anak, bakit? May masakit ba?', ang tanong ng nag-aalalang ina.

'Ma, paalisin niyo na si Pat! Please!', ang sabi nito sa ina.

'But...', ang tangka ng ina na makipag-argue.

'Please!', ang ulit ni Ken.

Agad namang bumaling ito kay Pat. Sinubukan pang magpumiglas si Pat pero nadaan siya sa maamong pakikipag-usap ng ina ni Ken sa kanya.

'We'll try to sort things out, okay? Just give Ken some time alone. I'll call you.', ang sabi ng ina ni Ken sa kanya.

'Tita, I'm very sorry po. Hindi ko po sinasadyang masaktan ang anak niyo.', ang patuloy na iyak ni Pat sa ina ni Ken.
'You should go home and rest. Basta, I will call you when Ken's better.', ang assurance ng ina sa kanya.

Naglakad na siya palayo sa room ni Ken at umuwi dala ang mabigat na pakiramdam. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao.

0*0*0*0

'Let's go?', ang yaya ni Rico.

'Sasama ka sa akin magsimba?', ang tanong ni Chuck.

'Yeah. E mukhang dun ko lang mahahawakan ang kamay mo e.', ang biro ni Rico.

'Whatever. You're driving.', ang sabi ni Chuck.

'Sure.', ang sabi ni Rico.

At talaga namang inabangan ni Rico ang Our Father sa misa. Habang kumakanta ay todo ang ngiti nito at pasimpleng hinahaplos ang kamay ni Chuck na nakadikit sa kamay niya. Matapos iyon ay pasimple rin naman siyang siniko ni Chuck. Sa sasakyan ay hindi mapigilan ni Chuck na ipakita dito ang inis.

'Ang bastos mo! Nagmi-misa tayo kung ano-anong landi 'yang ginagawa mo sa kamay ko!', ang sabi ni Chuck.

'Sorry na! Sorry din po, Papa Jesus!', ang sabi niya habang magkadaop ang dalawang kamay na parang nagdadasal.

Hindi na nagsalita si Chuck hanggang sa nagtanong lang ito kung saan sila pupunta dahil ang tagal na nila sa biyahe.

'You assigned me to be the man behind the wheel so stop worrying.', ang sabi ni Rico.

Nagpunta sila sa isa sa mga pinakamalaking mall sa siyudad. Dinala siya ni Rico sa isang seafood restaurant at um-order ito ng napakaraming pagkain, akala mo isang pamilya ang papakainin.
'Babe, I need to make a call. Saglit lang ha?', ang paalam ni Rico.

'Babe? What the hell?!', ang inis na sabi ni Chuck.

Lumabas ito ng restaurant. Tiningnan naman siya ni Chuck habang may seryosong kausap sa phone. Hindi niya maikakaila sa sarili na na-miss niya ang mokong na'to. Agad rin naman itong pumasok ulit.

'Sorry. Let's eat!', ang sabi nito.

'Stop calling me babe!', ang sabi ni Chuck.

'Alright!', ang masayang sagot nito.

May naaamoy si Chuck na plano ni Rico pero hindi niya lang alam kung ano. Mahigit isang oras yata silang nag-stay sa resto na iyon dahil sobrang busog nila. Sa totoo lang, inaantok na si Chuck.

'We need to go somewhere by 1.25. You ready to move?', ang yaya ni Rico.
'Saan tayo pupunta?', ang tanong ni Chuck.

'Basta. Tara!', ang paghablot nito sa braso ni Chuck.

Sumunod lang si Chuck kay Rico nang pumasok ito sa loob ng mall. Natutuwa naman siya at talagang sineryoso niya ang hamon niya dito. Pumunta sila sa isang sinehan. Na-weird-uhan lang si Chuck nang magpakilala si Rico sa attendant sa isang sinehan ng mall.

'Good afternoon! This way, sir!', ang magiliw na bati sa amin.

Buti na lang talaga at madilim dahil napanganga si Chuck pagkapasok sa sinehan. Isang malaking screen ang bumandera sa kanya sa harapan ng mga LA-Z Boys. Magkatabi silang umupo sa gitna.

'Here's your popcorn and drinks, sir! Enjoy the movie!', ang pag-abot sa kanya ng kanyang mga pagkain.

Parang praktisado ang lahat. Dahil pagkaabot kay Chuck ng pagkain ay nagsimula na agad ang movie. Pamilyar sa kanya ang simula ng pelikula.

'Oh, my God.', ang bulong niya sa sarili.

Hindi siya makapaniwala na papanoorin niya muli ang favorite niyang movie na The Color Purple. 1985 pa ang movie na ito at wala siyang mahanap na DVD copy dito sa bansa.

'Rico! How'd you get this?', ang tanong ni Chuck.

'Shh! Nagsisimula na.', ang sabi ni Rico.

Kahit ilang beses na niyang napanood ito ay hindi niya maiwasan ang maluha pa rin. Pero ngayon, hindi lang siya basta naluha. Umiiyak siya sa tuwa. Nangyari na ang isa sa mga wish niya na mapanood ang favorite movie sa big screen.

'Thank you.', ang sabi ni Chuck kay Rico.

Tumayo siya nang matapos ang film at niyakap niya si Rico. Nagtataka siya kung bakit hindi pa nagbubukas ng ilaw. Napatingin siyang muli sa screen nang narinig niya ang sariling boses.

'Rico! Stop it!', ang sigaw niya sa video.

Nagtalukbong siya ng kumot dahil kakagising lang niya sa video na ipinapakita. Unti-unti siyang kumawala sa yakap ni Rico at pinanood ang video. Hindi na niya ito matandaan.

'Babe. Hindi na ako nagre-record.', ang sabi ng boses ni Rico sa video.

'Promise?', ang paninigurado ni Chuck.

'Yeah.', ang sagot ni Rico.

Tinanggal na ni Chuck ang kumot sa kanyang ulo. 

'I love you!', ang bungad ni Rico sa kanya.

'You're still recording e.', ang sabi ni Chuck.

'Pretend that I'm not!', ang sabi ni Rico.

'What's this for?', ang tanong ni Chuck habang masama ang tingin sa camera.

Hindi naman niya maiwasang matawa habang nakikita ang sarili na nakasimangot. Ito yung huling araw na nagkasama sila ni Rico bago siya umalis.

'A reminder.', ang sabi ni Rico.

'Of what?', ang tanong ni Chuck.

'Of your love for me. Of our love for each other.', ang sabi ni Rico.

'Babe, cheesy! Super!', ang sabi ni Chuck.

'Dali. Say something.', ang sabi ni Rico.

Ayun na! Kinilabutan ang buong katawan ni Chuck. Naalala na niya ang mga sumunod na mangyayari sa video. Pero ito ang unang beses na makikita niya ito.

'Fine. I love you, babe! Mwah. Mwah. Mwah. No matter what happens, you'll be here. You're the only reason why this heart is beating and why I am breathing. Okay? Simply put, you're everything to me! So, in any case that our love will stray, refer to this video to be reminded of how much someone like me loves you so much! I love you! Mmmmmmwaaah!', ang nakangiting sabi ni Chuck.

At present ay nakatayo siya at humahagulgol na. Nakita niya ang sarili noong mga panahong baliw na baliw siya kay Chuck. Ang buong akala niya noon ay doon na ito natapos. Mas nasorpresa siya sa sunod na ipinakita.

'Hi. So earlier today, I made my baby say how much he loves me. There he is. Sleeping so soundly. Literal. Listen.', at inilapit ni Rico sa mukha ni Chuck ang camera at rinig talaga ang hilik niya.

'I love you, Chuck.', ang sabi ni Rico.

'Babe.', ang sabi ni Chuck sa video.

'Yes?', ang baling ni Rico sa kanya.
'Hug.', ang sabi ni Rico.

Natapos na ang video. At pinailaw na ang ilang dim lights. Sobrang naiyak si Chuck sa ginawa ni Rico. Hindi niya alam na ganito siya maaapektuhan. Agad niyang niyakap ng mahigpit ang mahal at doon iniyak ang lahat ng nararamdaman niya.

'I hate you for leaving me! But I love you for coming back!', ang sabi ni Chuck.

Suko na agad si Chuck kay Rico. Hindi na niya kayang patagalin pa at inamin na niyang nanalo ito sa hamon niya.
0*0*0*0


Buong araw na hindi mapakali si Sean kakaisip sa kanila ni Ands. Lahat ng sinabi niya sa kaibigan kagabi ay totoo. Pero paano na ang pagkakaibigan nila? Kailangan niya si Ands pero ang presence niya ang nakakasakit dito. Kaya niya bang mahalin ito na higit pa sa isang kaibigan? Hindi niya alam. Gabi na pero nagbihis siya at tinungo ang condo ni Ands. Pagkarating sa harapan ng pinto nito ay kumakabog ang dibdib niya. Sa totoo lang, hindi niya alam ang sasabihin pero kumatok na siya.

'Sean. Anong ginagawa mo dito?', ang tanong ni Ands.

Maga ang mga mata nito at halatang hindi masaya na nakita siya.

'Ands. I meant everything I said to you last night.', ang sabi ni Sean.

'I know. I will do my best to still be there for you.', ang sabi ni Ands.

Nangingilid na naman ang mga luha nito. Parang may push-button yata ito na tuwing makikita siya ay saka gumagana.

'I'm desperate here! I need you! Let's try everything we can basta wag ka lang mawala.', ang sabi ni Sean.

'It doesn't work that way, Sean. Ayokong patuloy kang mahalin at ipilit mong ibalik sa akin yun. I see no progress in this.', ang sabi ni Ands.

'Stop it! Give me a chance! Just one chance! Let me love you. I mean, mahal na kita dahil kaibigan kita pero bigyan mo ako ng pagkakataong mas mahalin pa kita as my other half. This time, all I will see is you. Ikaw lang ang pinakaimportanteng tao sa akin.', ang sabi ni Sean.

'Nasasabi mo lang yan kasi ako lang ang kasama mo ngayon. Pero paano na pag may nakilala kang iba? Hindi ko kaya, Sean. Please. Respetuhin mo naman ang gusto ko. Ito lang ang kaisa-isahang favor na hiningi ko sayo. Hindi mo ba kayang ibigay?', ang umiiyak na sabi ni Ands.

'I don't wanna lose you.', ang sabi ni Sean.

'You've already lost me a long time ago. I didn't leave you kasi kaya ko pa. Kaya ko pang i-contain yung sakit na iniwan mo ako at binalewala. But, I've reached my limit. This is a learning experience for you. My presence is your comfort zone. Alam mong ligtas ka kapag nandyan ako. Sometimes, you gotta lose some to learn.', ang sabi ni Ands.

'Pero, Ands.', ang humihikbing sabi ni Sean.

'Sean, I will be okay. You will be, too, eventually. You'll find the girl who'll make you feel happy. Alam kong sa babae ka sasaya, hindi sa isang tulad ko.', ang pag-amin ni Ands sa katotohanan.

'Okay. Let's give ourselves some time off. But promise me two things.', ang sabi ni Sean.

'Ano yun?', ang nakangiting tanong ni Ands.

'Don't burn the bridge between the two of us.', ang sabi ni Sean.

'Of course. You're still my bestfriend. Kelangan ko lang tanggalin 'tong sakit na 'to. Pag kaya ko na ulit ikaw makita, I'll show up. And what's the other one?', ang sabi ni Ands.

'You're still my best man at my wedding. Kapag wala ka, hindi ako magpapakasal.', ang sabi ni Sean.

Natawa naman si Ands sa pangalawang hininging promise ni Sean pero sa loob niya ay nasaktan siya.

'Sure. Coz I am indeed your best man!', ang sabi niya bago tumulo ang luha.

Nagyakap ang dalawa at nagpaalam sa isa't isa.

'See you soon!', ang sabi ni Sean.

'See you.', ang sabi ni Ands.

Pinanood niya si Sean na naglalakad palayo. Nang nakasakay na ito sa elevator ay isinara na niya ang pinto at agad na tumakbo sa kama at umiyak.

'I'll get over you soon.', ang sabi niya sa sarili.

0*0*0*0

Apat na araw na ang nakalipas simula nang huli niyang makita si Ken. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na kahit anong tawag mula sa ina nito. Minabuti niyang huwag nang ipaalam sa office ang nangyayari sa personal niyang buhay. Pero hindi pa rin maikakaila na may dinadamdam siya dahil sa pamamaga ng mga mata niya.

'Pat, sure kang okay ka lang? Ilang araw nang namumugto 'yang mata mo.', ang sabi ni Sean over lunch.

'Yeah. E ikaw ba? Mukhang sira ang concentration mo ngayon ah.', ang sabi ni Pat.

'Yeah. Long story.', ang sabi ni Sean.

'Sa akin din.', ang sabi ni Pat.

'Summarize mo in one sentence.', ang sabi ni Sean.

'Sige, after you.', ang sabi ni Pat.

Matagal na natahimik ang dalawa. Sinusubukan ipaliwanag ang mga nangyayari sa kanilang buhay sa loob ng isang pangungusap.

'Ands left me because he loves me so much and he's hurting whenever he sees me.', ang sabi ni Sean.

'Ken, my boyfriend, failed a suicide attempt and doesn't wanna see me because I said I love you to my ex the night I was drunk.', ang sabi ni Pat.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na humalakhak.

'Napaka-fucked up naman pala ng buhay natin.', ang sabi ni Sean.

'Oo nga e.', ang sabi naman ni Pat.

0*0*0*0

Lumipas pa ang isang linggo na wala talagang communication si Pat kay Ken. Ganon din si Sean kay Ands. Habang sina Chuck at Rico naman ay masaya na ulit sa piling ng isa't isa.

'Uncle, I'll go ahead. Let's meet na lang kung saan tayo magdi-dinner. I'll tag Pat along.', ang sabi ni Sean kay Rico.

'Sure. Chuck and I will meet you there in half an hour.', ang sabi ni Rico.

Alam ni Sean ang namamagitan sa dalawa at nai-share din nito ang problema niya with Ands. Lumapit na siya kay Pat at niyaya na itong bumaba.

'I hope this would at least help you. Being in the company of other people.', ang sabi ni Sean habang nasa elevator sila.

' Actually it does.', ang sabi ni Pat.

'Glad it works for you, too.', ang nakangiting sabi ni Sean.

Nakalabas na sila ng buiding nang may isang pamilyar na boses ang tumawag kay Pat.

'Pat.', ang sabi nito.

Hindi naman makapaniwala si Pat sa boses na narinig. Agad ring napatingin si Sean sa pinanggalingan ng boses.

'Ken.', ang bati ni Pat.

Ipinakilala ni Pat si Ken kay Sean and vice versa. In-excuse ni Sean ang sarili upang makapag-usap ang dalawa. Ngunit bago ito makalayo ay tinawag ni Pat ang atensyon nito.

'Uhm. Sean. I think hindi lang ako ang may kakausapin ngayon.', ang sabi ni Pat.

Halatang lito naman si Sean sa sinabi ni Pat hanggang sa makita niya si Ands na papalapit sa kanya.

'Ganda ng timing ah.', ang pagpansin ni Sean sa pagkasabay nina Ken at Ands.

'Sean.', ang pagtawag ni Ands sa kanya.
'Ands. Kamusta?', ang nakangiting bati niya dito.

'Sean, hindi ko kaya. I'd rather love you and be hurt than be without you at all.', ang sabi ni Ands.

'I thought matatagalan pa bago kita makakausap ulit.', ang sabi ni Sean.

Sa tagal na magkaibigan ng dalawa, hindi na kailangan pa ng maraming salita para magkaintindihan sila.

Bumaling na si Pat kay Ken.

'Kamusta ka? Akala ko hindi na kita makikita.', ang sabi ni Pat.

'Medyo okay naman. Nag-therapy ako. It went well. And actually, today  'yung last day.', ang sabi ni Ken.

'Good for you. So, what brought you here?', ang tanong ni Pat.

'To finish my therapy. I really can't live without you, Pat. Maybe yung pagkabanggit mo sa pangalan ni Gino e aftershock lang yun. Alam ko kung gaano katindi ang pinagdaanan mo sa kanya. I still love you. Guess I better stick around and endure the aftermath of that disaster.', ang sabi ni Ken.

'Maniwala ka sa akin, Ken na simula na sinabikong tayo na, ikaw na ang mahal ko. Siyempre, hindi ko malilimutan si Gino dahil may maganda rin kaming pinagsamahan pero ikaw ang mas nagpasaya sa akin. Ikaw ang nagbigay sa akin ng halaga. Ikaw ang mahal ko.', ang sabi ni Pat.

'I believe you. I love you, Pat!', ang sabi ni Ken.
'I love you, too!', ang sabi ni Pat bago sila nagyakap.

Natapos ang ma-dramang eksena nang dumating sina Rico at Chuck.

'I thought sa resto na tayo magmi-meet?', ang tanong ni Rico kay Sean.

'Sorry, we were caught up.', ang sabi ni Sean.

Ipinakilala ni Sean si Ands bilang bestfriend dahil sa ngayon hindi pa nila alam kung saan patungo ang kanilang relasyon. Habang ipinakilala ni Pat sa kanila si Ken bilang boyfriend.

'Wow! Birds of the same feather flock together.', ang sabi ni Chuck.

'O, we're waiting for the progress of your love story.', ang sabi ni Rico kay Sean at Ands.
Nagtawanan silang anim sa tinuran ni Rico.

'Let's go! Dinner! Chuck and I are buying!'. ang sabi ni Rico.

'Really?', ang tanong ni Chuck.
'Yeah. For the kids.', ang nakangiti nitong sabi.
'Yey!', ang sabay na sabi nina Sean at Pat.

No comments:

Post a Comment