Sunday, December 16, 2012

Twisted Fate (13 & 14)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com

Part 13
'Can you just let it go?', ang naiinis kong baling kay Pol.

'Fine. Sorry.', ang mahinang sagot niya.

Halos buong araw akong hindi tinigilan ni Pol para i-explain sa kanya kung bakit biglang nagbago ang mood ko nung nag-lunch kami sa cafeteria. Ayoko pa muna sabihin sa kanya kasi masaya kami kapag magkasama kami.

'Uuuy, nagtatampo.',paglalambing ko sa kanya.


Hindi niya ako pinapansin. Diretso lang si Pol sa paglalakad papunta sa parking lot. Hindi na ako nagsalita hanggang sa umabot kami sa kotse niya.

'Seriously? Di mo ako kakausapin?', ang pagharang ko sa kanya nang akmang papasok na siya ng kotse.

Matibay 'to. Hindi pa din ako kinibo. Nagiging hobby ko na yata ang pagwo-walk out.

'Tell me what happened at the cafeteria earlier.', ang pag-utos niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad. Nakakatakot yung tono niya. Hinarap ko siya.

'I can't. Please. Don't make this a big deal.', ang sabi ko.

'Ano? Clueless na lang ako lagi. Alam kong may problema ka. How can I help kung hindi mo sasabihin sa akin kung ano yang dinadala mo?', ang litanya ni Pol.

'It's nothing. Really.', sabay ngiti.

Nakatitig lang si Pol sa akin. Halatang naiinis pa din.

'Sorry na. Promise, hindi na mauulit.', ang pagsuyo ko sa kanya.

'Wul, I'm here for you. Please. I can be your sounding board or whatever. You hear me?', medyo sweet na ang tono niya.

'Yeah. Thank you.', ang tanging nasagot ko.

'Sakay na.'

***
Sobrang boring ng klase ko sa araw na ito. Nakakaisang oras pa lang kami sa 2 hours na klase.  Walang tigil sa pag-eexplain ang prof. Sulat lang ako ng sulat ng notes kahit hindi ko na masyado maintindihan.

'...do you understand?', ang sabi ng prof.

'Yes', ang sagot ng mangilan-ngilan kong kaklase.

Nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa aking bulsa.

'Wul, tingin ka sa labas.', ang text ni Pol.

Tumingin naman ako sa may pintuan sa harapan. Nakita ko si Pol sa maliit na glass part ng door. Kumakaway. Nginitian ko lang siya.

'Mr. Reyes?', ang pagtawag ng prof sa attention ko.

'Yes, Maam?', ang mabilis kong sagot.

'May bisita ka yata.', ang sarcastic na sabi ng prof ko.

'Sorry, Maam.'

Nagtinginan ang mga classmates ko sa pintuan at nakitang nakasilip si Pol. Bigla naman siyang umalis ng napansing lahat nakatingin sa kanya.

'Okay, getting back on my discussion....', ang sabi ng matandang sarcastic na prof.

Tinext ko si Pol.

'Napansin ka ng prof at mga kaklase ko. Adik ka! Nakakahiya.'

'Hahaha! Antayin kita dito. Wala na akong class.', ang reply niya.

Hindi na ako nagreply dahil panay ang tingin sa akin ng prof ko. Mukhang bi-bingo na naman ako e. Nagpaka-active na lang ako sa klase para mabawi ko yung nangyari kanina. Panay ang recite at bato ko ng questions sa prof.

'May iba pa bang interesado sa inyo bukod kay Mr. Reyes?', sarcasm attack ng prof ko.

Walang sumagot.

'Okay, see you next week.', ang pag-dismiss niya sa klase.

Lumabas agad ako at nakitang nakasandal sa wall si Pol. Pinalo ko siya sa braso ng librong dala ko.

'What were you thinking? Ang init ng mata ng prof ko sakin kanina. Nakakahiya.', ang sabi ko.

'Kinakahiya mo ako?', ang malungkot niyang sabi.

'Hindi ikaw. Yung ginawa mo.', ang sagot ko.

Naglalabasan na ang mga kaklase ko. Nag-bye na ako sa ilang mga friends ko. Napansin kong lahat sila ay tumitingin kay Pol. Sa tangkad ba naman ng lalaking ito, sinong hindi makakapansin?

'Akin na nga 'yang libro mo. Parang mas malaki pa sa'yo e.', ang sabi ni Pol nang saktong si Syd ang dumaan.

Napatingin siya kay Pol. Kinabahan ako. Sandali lang iyon pero nakita kong masama ang sulyap niyang iyon. Hindi man lang niya ako tiningnan. Dire-diretso na siya sa paglalakad.

'Ang laki yata ng problema ng lalaking yun ah. Ang sama makatingin.', ang nasabi ni Pol.

'Haha. Wag mo na lang pansinin. Uy, ang aga pa ah. Saan tayo?', ang pagbago ko agad ng topic.

'Kahit saan. Haha. Kain muna tayo, nagugutom na ako e.', ang sabi ni Pol.

'Sige.'

***
On the way kami ni Pol papunta sa isang mall. Malapit lang naman at walang traffic kaya after 20 mins. naglalakad na kami sa loob ng mall.

'Saan mo gusto kumain?', tanong ko sa kanya.

'Kahit saan lang.', sagot niya.

'Saan nga? Treat ko.', pagpupumilit ko sa kanya.

'Kung saan mo na lang gusto.'

'Pizza hut na lang?', tanong ko.

'Ok.', matipid niyang sagot.

Um-order ako ng lasagna, pizza at bottomless na iced tea. Tuwang-tuwa ako kapag kumakain si Pol. Dahil nga sa tangkad niya at pagiging basketball player, parang twice ng meal ko ang kinakain niya. Lagi naman siya ang nanlilibre kaya ngayon, ako naman.

'Wul, wait. Punta lang ako sa CR ha? Excuse me.', ang sabi ni Pol.

'Ok.'

After 10 minutes...

'Ang tagal ah. Ano nangyari sa'yo?', ang tanong ko sa kanya.

Medyo hinihingal pa siya. May nilagay siyang dalawang papel sa table. Tickets ng isang chick flick.

'Hindi naman ako nag-CR. Binili ko yan. In 20 minutes, magsisimula na 'yung movie.', ang pagsasabi niya ng totoo.

'Okay. Sige. Uhm. Thanks!', wala akong matinong masabi dahil sa sobrang pagka-surprise ko.

Nagbayad ako ng bill namin at tinungo na ang movie house. Hindi karamihan ang mga tao sa loob.

'I didn't know na gusto mo ng chick flicks.', ang sabi ko.

'Sakto lang. Gusto ko lang mag-relax. Kaya ito ang pinili ko.', tugon niya.

Pinatay na ang ibang ilaw at nagsimula ng magpalabas ng mga trailers.




Part 14
Hindi ko masyadong naeenjoy ang movie na pinapanood namin dahil nilalamig ako. Ang konti ng mga nanonood tapos ang lakas pa ng aircon. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

'Okay ka lang ba?', ang natatawang sabi sa akin ni Pol.

'No. Nilalamig ako. Dapat pala nagdala ako ng jacket.', ang sagot ko sa kanya.

'Halika.', at inakbayan niya ako at marahang inilapit ang katawan ko sa kanya.


Medyo nabawasan ang lamig na nararamdaman ko.

'Better?', tanong ni Pol.

'Yeah. Ain't this awkward?', ang pag-aalinlangan ko.

'Ano ka ba? Hindi no.', hinigpitan pa niya ang akbay sa akin.

Nakahilig ang ulo ko sa may bandang dibdib niya at ang kamay naman niya ay hinahaplos ang braso ko. Hindi ko na namalayan na magkahawak na pala kami ng kamay. Ayokong pansinin dahil baka bigla siyang mailang or what. Hindi na ako naka-focus sa movie. Maya't maya ang sulyap ko sa kanya.

'Kanina ka pa tingin ng tingin, di ka na nanonood e.', ang sabi niya ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa malaking screen.

'I'm just so happy na kasama kita.', tugon ko.

'Ako din.', ang mahina niyang sagot.

Hindi ko in-expect ang sumunod na nangyari. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. And this time, hindi ako umalma. Tinanggap ko ang mga labi niyang masuyong dumampi sa akin. It was a slow and passionate kiss.

***
Naging maganda at magaan ang mga sumunod na linggo para sa amin ni Pol. Mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Mas nakikilala na namin ang isa't isa. Pero madalas pa din akong on guard kapag nagiging sweet siya. Ayokong matulad kami sa nangyari saming dalawa ni Syd. Kahit na alam kong mas may chance kami ni Pol dahil hindi din siya straight, ayoko pa ding magpakasiguro.

Napagdesisyunan namin ni Pol na sa bahay namin siya mag-stay over the weekend dahil masyado daw siyang nalulungkot sa bahay nila. Hindi kalakihan ang bahay namin. Tama lang para sa parents ko, dalawang kapatid na mas matanda sa akin at ako. Okay naman sila kay Pol. Magiliw kasi talaga 'yun at ang hilig mag-crack ng corny jokes kapag nasa bahay namin kaya wala namang problema kung dun siya sa bahay mag-stay.

1AM

'Wul, gising ka pa?', sabi ni Pol sabay pindot sa ilong ko.

'Oo.', ang maikling sagot ko.

Magkaharap kaming nakahiga sa kama. Sobrang tahimik.

'Di ako makatulog e.', mukhang may bahid na naman ng kalungkutan ang boses ni Pol.

'Bakit? Miss mo na naman family mo?'

'Oo. Pero hindi yun yung bumabagabag sa isip ko ngayon.'

'Huh? E ano?'

'Wul, ano na ba tayo? I mean, where do we stand?'

Pol dropped the bomb! Na-speechless na naman ako. Nadala yata si Pol sa nangyari sa movie house.

'Pol, hindi ko alam. Masaya naman ako sa kung ano tayo ngayon.'

'Ako din naman. Kaso natatakot ako.'

'Saan?'

'Baka bigla ka mawala e.'

'Ano ka ba, Pol? Wag ka nga magsenti ng ganyan. I'm here, ok? Di naman kita iiwan e.'

'Promise?'

'Yup.'

And, he kissed me again. Another passionate kiss.

***
Takot din ako na baka isang araw magising ako na wala na si Pol. Kaya ayokong i-risk ang magandang samahan namin para sa isang commitment na hindi kami parehas sigurado sa kahahantungan. Okay na muna ang ganito. Besides, si Syd pa din talaga ang mahal ko. Diba nga, tanga ako?

No comments:

Post a Comment