Sunday, December 16, 2012

Aftermath (07)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com


Maagang nakabalik si Pat sa kanyang booth. Mga ilang minuto pa rin iyon bago matapos ang kanyang lunch break. Minabuti na niyang simulan ang trabaho upang hindi na kailanganing mag-overtime. Saktong binabasa na niya ang unang e-mail na kanyang natanggap para sa update ng isang account ay pumasok na si Sean sa room. Tumingin si Pat sa kanya at napansin niyang malungkot ang mood nito. Wala pang ibang tao sa office nang mga oras na iyon kaya naman ay agad siyang tumayo at lumapit sa katrabaho.

'Are you okay?', ang tanong ni Pat.

'O, nandyan ka na pala.', ang biglang pagliwanag ng mukha ni Sean.

Pero napansin ni Pat na pilit lang ito. Marahil ayaw ipakita ni Sean na may pinoproblema siya.

'Yeah. Sean, okay ka lang ba?', ang tanong ni Pat.

'Huh? Oo naman. Ano ka ba?', ang sabi ni Sean sabay suntok ng mahina sa braso ni Pat.

Tumingin lang si Pat sa kanya. Na-feel naman ni Sean na may pakiramdam si Pat na hindi siya okay kaya naman pinilit niyang ibahin ang usapan.

'Ano nga palang RK yung sinasabi mo kanina?', ang tanong ni Sean.

Naramdaman naman ni Pat na marahil hindi pa handa si Sean na mag-share sa kanya. Kakakilala pa lang naman nila. Siguro ay hayaan na lang niya ito. Kung kailangan naman niya ng tulong ay lalapit naman ito sa kanya o sa ibang kaibigan.

'RK ka kasi.', ang natatawang sabi ni Pat.

'Ano nga yun? Grabe!', ang pangungulit ni Sean habang inaayos ang sariling table.

'Rich Kid. Balita ko hindi ka sanay sumakay ng MRT e. At hindi ka talaga sumasakay ng MRT noon.', ang sabi ni Pat.

Napatingin naman agad si Sean kay Pat sa mga sinabi nito.

'Paano... Sino nagsabi sa'yo?', ang tanong ni Sean.

'Si Ands. Nagkasabay kami kanina sa MRT e. Ayun, napagkwentuhan ka namin.', ang sagot ni Pat.

Kinabahan naman si Sean sa narinig. Alam niyang parehas sina Pat at Ands. Baka kung ano ang nasabi ni Ands kay Pat about sa past nila.

'Whaaat? Ano pa sinabi niya sa'yo?', ang natatarantang tanong niya.

'Secret!', ang nakangising sagot ni Pat.

Pansamantala namang nalimutan ni Sean ang problema sa sobrang kaba.

'Ano nga? Pat naman o.', ang pagpupumilit ni Sean.

'Yun lang! Ano ka ba! Masyado kang takot. May tinatago ka no?', ang pagdududa ni Pat.

'Wala no!', ang sabi ni Sean bago magpakawala ng isang buntong hininga.

0*0*0*0

Mabagal niyang tinatahak ang kahabaan ng daan. Isang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin siya nagtatagumpay. Nakayuko lang niyang nilalakad ang daang puno ng mga taong nagtatrabaho. Malungkot. Nagagalit na siya sa kanyang sarili. Hindi niya alam kung anong mali. Pilit niyang kinukubli ang mga luhang gustong kumawala.

0*0*0*0

Sean: Hoy, Ands! Nagkasabay pala kayo ni Pat kanina, hindi mo man lang binanggit.
...
...
Ands: Bakit, selos ka? Hahaha!
...
...
Sean: Asa!
...
...
Ands: E kaya ko nga pinapasama sayo kaninang lunch e.
...
...
Sean: Anong binanggit mo sa kanya tungkol sa atin?
...
...
Ands: Wala. Bakit?
...
...
Sean: Wala naman. Sige.
...
...
Ands: Sama mo siya next time ah!
...
...
Sean: Let's see. Wag ka ngang flirt!
...
...
Ands: Possessive ka pala.
...
...
Sean: Grabe. Tigilan mo yan. Sasapakin kita!
...
...
Ands: Fine!

'Sean?', ang pagtawag sa kanya ni Chuck.

'Yes, sir?', ang gulat niyang sagot sa boss.

'I need to see you in the conference room in 20. The presentations okay?', ang striktong tono nito.

'Yes, sir!', ang sabi ni Sean.

Kinabahan siya dahil akala niya ay papagalitan na naman siya. May presentation nga pala siya sa boss niya ngayon. Kinakabahan siya pero sigurado naman siyang kakayanin niya ito.

0*0*0*0

Ken: Matagal ka pa?
...
...
Pat: 30 - 45 minutes pa.
...
...
Ken: Dito na ako. Mall muna ako ha. Text mo na lang ako.
...
...
Pat: Okay. Ingat. Love you.
...
...
Ken: Sure, love you.

Iginiya na ni Ken ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na mall. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa parking lot na siya. Ini-lock na niya ang sasakyan bago pumasok. Magpupunta na lang muna siya sa bookstore upang magpalipas ng oras. Halfway na papasok ng mall nang mapansin niyang hindi pala niya nadala ang jacket. Bumalik siya sa sasakyan upang kuhanin ito.

Agad niya itong isnuot pagpasok sa mall. Mabuti na lang at kinuha niya ito dahil ang lamig. Tinahak na niya ang daan papunta sa bookstore. Matagal-tagal pa siyang maghihintay.

0*0*0*0

'On that note, I end my presentation. Any questions?', ang sabi ni Sean.

Sa harapan nina Chuck, Angela at Mau siya nag-present. Sila kasi ang may immediate concern sa topic na ini-report ni Sean.

'Mau?', ang tanong ni Chuck sa kasamahan.

'I'm good. And honestly, I like your presentation. Flawless.', ang sabi ni Mau.

'Angela?', ang baling naman ni Chuck sa katabi.

'I'm just worried with the cost of this project. We are a bank and yes, we have a lot of investors but I don't think we need to spend that much for such a pioneer project. Maybe cut some costs or find cheaper ones?', ang suggestion ni Angela.

'Noted, Ma'am! But these are just the maximum amount that we have to spend. We can, of course, and I think we should use whatever it is we can use at a lower price but with the same quality. I can work with that.', ang nakangiting sabi ni Sean.

'Alright! Angela has raised my concern. Very good job, Sean. Thank you!', ang sabi ni Chuck.

Lumabas na si Sean sa conference na nakangiti. Naiwan naman ang tatlo sa loob para sa post-report discussion bago nila ito iangat sa division head.

'So what do you think?', ang tanong ni Chuck.

'He reminds me of Rico. Seriously.', ang sabi ni Mau.

'Mau?', ang pagpapatigil ni Angela sa kasamahan.

'What? He asked so I'm just saying!', ang sabi ni Mau.

'Stop being so sarcastic!', ang sabi ni Angela.

'It's okay. So what do you think of the presentation? Is it feasible?', ang propesyunal na tono ni Chuck.

'Yes. Magaling. Well-thought.', ang sabi ni Mau.

Um-agree naman si Angela sa sinabing ito ni Mau.

'Alright, then. Set up a meeting with our division head tomorrow 10AM. Sean will present.', ang sabi ni Chuck.

Tumayo na si Chuck habang sinasabi ito kay Mau. Agad naman itong nagsulat sa kanyang planner at lumabas na upang tawagan ang sekretarya ng boss. Naiwan sina Angela at Chuck sa conference room.

'Okay ka lang?', ang tanong ni Angela.

Umiling si Chuck.

'Actually, totoo ang sinabi ni Mau. Para talaga siyang si Rico. Sa features, sa porma, sa pagsasalita. Lahat.', ang sabi ni Chuck.

Agad namang lumapit si Angela kay Chuck at pinaupo itong muli sa upuan. Hinaplos nito ang likod ng kaibigan.

'It'll be okay. Mahirap talaga. Pero kelangan mo harapin.', ang sabi ni Angela.

'Thank you.', ang bulong ni Chuck.

0*0*0*0

Nagtext na si Pat na palabas na siya in 15 minutes habang nsa kalagitnaan ng pagbabasa si Ken ng isang novel sa Powerbooks. Agad naman niya itong ibinalik sa shelf at tumungo na sa parking lot upang sunduin si Pat. Kinuha na niya ang susi sa pocket ng kanyang jacket.Ngunit may iba siyang nakapa. Nakatayo na siya sa harap ng kanyang kotse nang ilabas niya ang papel na nahawakan sa loob ng jacket. Sumakay na siya ng sasakyan upang matingnan kung ano ito. Nakita niyang tatlong 500 piso ang nakalagay sa kanyang bulsa.

'What the...', ang nasabi niya sa sarili.

Inisip niya ang mga nangyari ng mga lumipas na araw. Alam niyang hindi naman siya nagkaron ng ganitong halaga dahil 500 lang ang hiningi niya sa kanyang ina. May pera pa siya nang mga oras na iyon pero hindi ito aabot sa 1500. Tiningnan niya ang laman ng wallet niya. Kung susumahin, sobra ang pera niya dahil hindi naman niya nagalaw ang nasa wallet niya.

Naalala niya na sinuot ni Pat ang jacket na iyon noong nanood sila ng movie.

0*0*0*0

'Ang tagal mo naman dumating.', ang reklamo ni Pat habang inilalagay ang kanyang bag sa back seat.

Hindi maipinta ang mukha ni Ken pero nagawa niya munang mag-pretend.

'Sorry, na-traffic lang ako.', ang sabi ni Ken.

'Saan ka ba nagpunta?', ang tanong ni Pat.

'Sa Powerbooks lang.', ang maikling sagot ni Ken.

'O, may nabili ka?', ang tanong ni Pat.

'Wala.', ang sagot ni Ken.

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa.Magka-kalahating oras na silang nasa daan pero ang bagal ng usad ng sasakyan dahil sa traffic.

'Shit!', ang bulong ni Ken.

'Easy. Wait, may ipapakita pala ako sa'yo.', ang sabi ni Pat.

Inabot ni Pat ang kanyang bag sa likuran ng passenger's seat. Ngunit iba ang kanyang nahawakan. Pagkaharap niya ay nakita niyang hawak ni Ken ang 1500 na nilagay niya sa jacket nito.

'What's this?', ang sabay nilang tanong sa isa't isa.

'Matagal na iyang nandyan.', ang sabi ni Ken.

Nahawakan ni Pat ang bulsa ng polo na hawak niya at nakita ang letter. Binuklat niya ito at mabilis na binasa. Agad naman itong inagaw sa kanya ni Ken.

'Pat, ano 'to? Bakit ka nag-iwan ng pera sa jacket ko?', ang galit na tanong ni Ken.

'Bakit hindi mo sinabi sa akin?', ang mahinahon na tanong ni Pat.

'Pat! Hindi yan ang pinag-uusapan natin! Bakit ka nag-iiwan ng pera sa jacket ko?! Ano ako? Pulubi na binibigyan ng limos?!', ang tanong ni Ken.

'Matagal ka na palang ganyan, bakit hindi mo sinabi?!! Araw-araw tayong magkasama, Ken!', ang sigaw ni Pat.

Ibinato ni Ken ang dalawang kamay sa manibela. Bumusina ng malakas ang sasakyan. Agad namang kinuha ni  Pat ang kanyang bag at mabilis na bumaba ng sasakyan kahit nasa gitna ito ng kalsada.

'Pat, bumalik ka dito!!', ang sigaw ni Ken.

Ngunit nagpatuloy lang ito sa paglalakad palayo sa sasakyan.

No comments:

Post a Comment