Sunday, December 16, 2012

Anong Pakiramadam ng Walang Maramdaman (12)

by: Lui
rantstoriesetc.wordpress.com

Mas naging seryoso ang diskusyon namin ni Betsi nang mga sumunod na session. Kahit na nahihirapan ako ay kinakaya ko. Para kay Xavier. Nariyan iyong halos labinlimang minuto kaming hindi nagsalita ni Betsi dahil inaalo niya ako sa sobrang pag-iyak. Ngayong araw na ito ay ang ikalimang session ko sa kanya. Nararamdaman ko sa sarili kong mas okay na ako.
“Hintayin na lang kita sa labas, Babe.” ang paalam ni Xavier.



“Uhm. Xav, please stay.” ang sabi ni Betsi.
“Huh?” ang gulat niyang baling dito.
“Today we’ll talk about your relationship.” Umupo si Xavier sa aking tabi pero nanatili ang distansya sa amin. Tuwing gabi kapag natutulog kami ay magkayakap kami pero hanggang doon lang iyon. Pansin ko ang pagiging balisa ni Xavier habang hinihintay si Betsi na magsalita.
“Kamusta kayo before nangyari ito?” ang tanong ni Betsi.
“Great! Kakatapos lang namin mag-celebrate ng third anniversary namin. Kaya parang nasa cloud nine pa kami.” ang kanyang sagot.
“Xavier, kamustang partner si Lucas?”
“Stubborn?” Natawa siya sa kanyang sinabi. Halatang naunahan siya ng kanyang bibig kaya hindi na niya nabawi ang kanyang sinabi. Hindi ko naman siya masisi dahil totoo naman iyon.
“Para kaming bata. Petty fights. Pero agad din na magkakaayos.”
“Lucas?” ang pagtatanong ni Betsi sa akin ng parehas na tanong.
“Xavier is a smooth partner. We are actually opposites. Ako kasi gusto ko lahat maayos, lahat organized. Pero siya makalat, magulo. Siguro ‘yun yung factor kung bakit kami nagtagal. Masaya ako sa kanya.”
Naging magaan ang mga sumunod na minuto. Para lang kaming nakikipagkwentuhan sa isang kaibigang matagal nang hindi nakasama. Kahit papaano ay napatawa ako at napansin kong magkahawak na kami ng kamay ni Xavier. Hinayaan ko na lang na ganoon. Pero pasimpleng inilapit ni Betsi an gaming usapan sa dahilan kung bakit ako narito.
“Have you been intimate to Xavier since the incident?” ang tanong ni Betsi.
Kumawala ang kamay ko kay Xavier at umayos ng upo. Nagsusumigaw ang awkwardness sa aming tatlo dahil sa hindi ko agad pagsagot. Si Xavier ang nagsalita.
“No. We…”
“Let him speak for himself, Xav.”
“Sorry.”
“Nope. Hindi ko kaya. Natatakot ako. Iyong mahawakan nga lang niya ako, kinikilabutan na ako. Maramdaman ko lang na malapit siya sa akin ay kinakabahan ako. Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin. Hindi ko kaya.”
“Okay. But, Lucas…” ang pagsisimula ni Betsi na agad kong pinutol.
“Pero sinusubukan ko. Unti-unti. Dahan-dahan. Pag gabi, nasasanay na ulit akong kayakap siya. Alam kong kailangan din niya ako. I’m committed to him, kaya hindi lang ang sarili ko ang dapat kong isipin.”
“Nakakatulog ka naman ng mahimbing kahit na hindi ka komportable sa pagiging malapit niya sa’yo? Do you feel safe?”
“I think I can never sleep soundly after what happened. And do I feel safe? I’m trying to believe I am.” Naging totoo lang ako. Tiningnan ko si Xavier. Umiiling siya dahil sa aking sinabi. Alam kong hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ko.
“Xavier, your side?”
“Oh, I am trying my best not to upset him. Kahit na gusto kong maging intimate sa kanya, I don’t wanna push it. At first I did. Noong hindi ko pa alam ang nangyari, pero ngayon hindi na. Okay na sa akin na magkayakap kami sa gabi. At least, alam kong nandiyan pa rin siya sa akin.”
Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Pero ayaw kong pansinin ito dahil hindi naman iyon makakatulong. Matapos ang isang oras ay nagsimula nang i-wrap up ni Betsi ang session namin.
“May assignment ako para sa inyong dalawa. Okay?”
“Ano ‘yun?”
“Have sex.” Napanganga ako sa direkta niyang utos. Ipinaliwanag niyang makakatulong ito sa pag-overcome ko sa aking takot na maging intimate ulit kay Xavier. Aminin man natin o hindi, isa sa mga importanteng bahagi ng isang relasyon lalo na kung ganito na kaseryoso ay ang pakikipagtalik.
Naging tahimik si Xavier hanggang sa makarating kami sa bahay. Ako ang bumasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa sa pamamagitan ng pag-alok sa kanya na kumain ng aking niluto. This time, ako naman ang naghain at naging abala sa kusina.
“Are we okay?” ang tanong ko sa kanya.
“Sure, babe. Sorry, may iniisip lang ako.”
“Okay. Anong iniisip mo?” ang tanong ko.
“Kung itutuloy ba natin ‘yung pinapagawa ni Betsi.” ang diretso niyang sagot.
“Oh.” At tahimik kong inubos ang laman ng aking pinggan. Sa totoo lang, natatakot ako sa kung anong mangyayari mamayang gabi. Bahala na.
“Natatakot akong…” ang pagsisimula niya.
“It’s okay. We’ll do it. Tonight. Okay?”
“Okay.” Sakto sa kanyang pagsagot ay ang pag-ring ng doorbell. Wala naman kaming inaasahang bisita kaya laking taka namin ni Xavier. Siya ang nagbukas ng pinto habang pinagpatuloy ko ang paglilinis sa kusina.
“John!” Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong pinggan nang marinig ko ang masayang boses ni Xavier nang buksan niya ang pinto. Ang sumunod na boses na aking narinig ay mula kay Boss John. Hindi ako maaaring magkamali. Ibinaba ko ang mga bitbit kong kubyertos at patakbong nagtungo sa kwarto. Hindi ko na alam kung nakita niya ako o hindi. Dumiretso ako sa banyo at doon nagkulong. Ang bilis ng pagkabog ng aking dibdib. Nakaupo ako sa toilet bowl habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko alam ang gagawin ko.
“Babe?” ang bulong ni Xavier kasabay ng pagkatok sa pinto na halos nagpatalon sa akin sa gulat.
“Yup?” ang sabi ko gamit ang isang pilit na normal na boses.
“Nandito si John.” Alangan kong binuksan ang pinto. Hindi ko maaaring ipakita kay Xavier na natatakot ako kay Boss John, kung hindi ay maghihinala siya. Pero kahit anong gawin kong pagtago ay napansin pa rin niya kaya naman agad siyang nagtanong.
“I’m okay.”
“Tara sa sala.” ang yaya niya bago niya ako hawakan sa kamay.
“Xav. Okay lang ba na dito na lang ako? I’m not in the mood to entertain.”
“Lucas, don’t worry. Wala naman siyang sama ng loob sa’yo sa pagre-resign mo sa company.” ang assurance ni Xavier.
“I know. I’m just not ready to see him.”
Hindi ako mapakali sa kuwarto. Panay ang pag-ikot ko sa apat na sulok ng silid. Binuksan ko ang bintana dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Naalala ko ang mga salitang binitiwan ni Boss John na kaya niyang patayin si Xavier. Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang aking tainga dito.
Wala akong marinig kaya naman marahan kong binuksan ito at pinagtiyagaan ang makipot na awang sa pinto para makita ang nangyayari sa sala. Ngayong nakita ko silang dalawa ng sabay, hindi nga ako nagkamali na magkahawig sila. Ang mga mata nila’y halos parehas.
Biglang tumingin si Boss John sa aking direksyon at nagtama ang aming mga mata. Kakaibang galit ang naramdaman ko sa kanya. Gusto ko siyang sugurin at sapakin lalo na nang kindatan niya ako na para bang lalo akong tinutukso sa aking kahinaan. Isinara ko ang pinto at kabilang gilid ng kama, iyong malayo sa pinto at doon niyakap ang sarili.
“Babe, sigurado kang okay ka lang?” ang tanong ni Xavier sa akin.
“Yup. I’m fine.”
Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng TV. Katatapos lang namin kumain ng dinner. Isang masuyong halik ang iginawad niya sa aking buhok bago magpaalam na magsa-shower lang siya. Nakapag-shower na rin ako pagtapos ko kumain kaya naman inabala ko na lang ang sarili sa panonood ng TV.
Natapos ko na ang pinapanood na reality show nang maamoy ko ang sabon na ginamit ni Xavier. Naka-bathrobe lang siyang umupo sa katabing couch. Tinutuyo niya ang kanyang buhok.
“Umayos ka nga ng upo.” ang saway ko sa kanya dahil masyado siyang nakabukaka at nakikita ko ang nakatago sa robe.
Agad naman siyang sumunod pero maya-maya ay lumapit siya sa akin at maingat akong niyaya sa kwarto. Pinatay niya ang TV pati na ang ilaw sa sala at kusina. Madilim ang paligid. Nagsisimula pa lang akong makaramdam ng takot nang buksan niya ang pinto ng kwarto. Maliwanag. Dahil sa napakaraming nakasinding kandila sa paligid.
“Hindi kaya masunog ang kwarto natin?” ang tanong ko.
“Sinigurado ko namang hindi.”
“Thanks, Xav. This is so romantic.”
“It’s all for you.”
“Thanks. I love you.” Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga. Lumalapit ang kanyang mukha niya sa akin. Pero marahan akong humahakbang palayo. Kada hakbang ko patalikod, siya namang hakbang palapit sa akin. Isang hakbang pa at napaupo na ako sa kama. Hindi siya tumigil sa paglapit sa akin.
Ang kanyang dalawang braso ay nasa pagitan ng aking balikat. Ang isa niyang tuhod ay nakapatong sa kama sa pagitan ng aking mga hita. Masyadong malapit pero hindi pa nagtatama ang aming balat. Nagtititigan lang kami.
“It’s okay. We’ll take it slow.” ang sabi niya hanggang sa lumapat ang kanyang malalambot na labi sa akin.
Para akong patay na hindi nanlaban sa kanyang mga halik. Maingat ang mga ito pero naroon ang matinding pagnanasa. Nararamdaman ko sa bawat pagdikit ng aking labi sa kanya. Ibinuka ko ang aking bibig at ninamnam ang kanyang halik na matagal ko nang hindi natikman. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tanging siya lang ang inisip.
“Lucas…” ang kanyang sabi ng ibagsak niya ang kanyang bigat sa aking katawan.
May saplot pa kami pero ramdam na ramdam ko ang paninigas niya. Bumaba ang mga halik niya mula sa aking labi patungo sa aking leeg. Impit akong napaungol dahil sa kakaibang sensasyon naidulot sa akin noon kasabay ng pagdiin ng kanyang katawan sa akin.
Lumikot ang kanyang mga kamay at naiangat na nito ang suot kong damit. Iginala ko ang aking dalawang kamay sa kanyang makinis na likod. Wala na siyang saplot habang ako naman ay sinisimulan na niyang hubaran.
Hinahalikan niya ang aking dibdib nang imulat ko ang aking mga mata. Tiningnan ko siya. At tiningnan din niya ako. Punung-puno ng apoy ang kanyang mga mata. Masyadong mapusok. Dumaplis sa aking isipan ang imahe ni Boss John habang binaboy niya ako.
Mabilis kong inilayo ang aking katawan sa kanya. Binalot ko ang aking katawan sa kumot. Napatayo naman si Xavier dahil sa gulat sa biglaang nangyari. Nakita ko ang labis na pagkadismaya sa kanyang mukha habang aligagang hinahanap ang kanyang robe.
“Sorry. Xavier, I’m so sorry. I can’t.”
“Don’t be. It’s okay. Sinusubukan lang naman natin. Don’t worry.” ang sabi niya habang dinadamitan ang sarili.
Dahil sa mga nangyari nang araw na iyon ay puno ng masasamang panaginip ang aking pagtulog.
Sa lahat ng iyon ay naroon si Boss John. Muli kong naramdaman ang sakit ng kanyang ginawa sa akin habang nagmamakaawang sumisigaw. Pakiramdam ko ay totoo ang nangyayari sa akin. Hindi kaya bumalik si Boss John sa apartment at tuluyang pinatay si Xavier? Hindi na ba ako nanaginip?
“Tama na, Boss John!!!” ang sigaw ko.
Bigla kong naamoy ang pamilyar na aftershave ni Xavier. Nakaupo na siya sa aking tabi. Labis ang pag-aalala sa kanyang mukha. Mabilis akong nagpasalamat dahil isang masamang panaginip lang iyon. Naramdaman kong tumulo ang pawis ko sa noo pag-upo ko mula sa pagkakahiga.
“Hayop siya.” ang halos bulong niyang sabi pero punung-puno ng galit.

No comments:

Post a Comment