http://rantstoriesetc.blogspot.com
Nakatulala. Parang namanhid ang buong sistema ni Ken sa narinig. Mahigpit pa ring nakayakap sa kanya si Pat pero alam niyang himbing na ito sa pagtulog. Marahan niyang tinanggal ang kamay nito na nakapulupot sa kanya at tahimik na bumangon. Bumalikwas lang si Pat ngunit hindi na ito nagising.
Mabagal na tinungo ni Ken ang CR
upang makapag-shower at makapagpalit ng damit na pantulog. Agad naman
siyang nagtanggal ng damit at nagbukas ng shower. Malamig na dumampi sa
kanyang katawan ang tubig. Sa unang mga pagtama nito sa kanya ay doon
nanumbalik ang pakiramdam. Isang malalim na hinga ang kanyang ginawa at
ang pagkatapos nito ay ang hindi na mapigilang pag-iyak dahil sobrang
sakit pala.
'I love you... Gino.', ang umuulit-ulit sa isip niya.
Hindi na kinaya ng kanyang
katawan at napaupo siya sa sahig. Patuloy pa rin ang pag-agos ng tubig
mula sa shower. Nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig at impit na
nagpapakawala ng ngawa ng isang taong nasaktan.
0*0*0*0
'WHOOOOOOO!!!', ang sigaw ni Sean matapos uminom ng isang shot ng tequila.
Sa totoo lang, nakarami na siya. Pulang-pula na ang kanyang mukha at mainit na ang pakiramdam niya.
'Wild pala 'tong si Sean pag nalalasing.', ang komento ni Anj.
'Bagets pa e. Kaya ganyan. Parang tayo din naman dati ganyan.', ang natatawang sabi ni Chuck.
Umentra naman si Rico sa pag-uusap ng dalawa.
'You guys enjoying so far?', ang tanong nito.
'Yeah.', ang sagot ni Anj.
Siniko niya si Chuck na biglang sumimangot sa pagkakita dito.
'Sure, of course. Thanks.', ang napilitan nitong sabi.
'Good. So, how are you, Chuck? We still haven't caught up yet.', ang pagsisimula ni Rico ng conversation.
In-excuse naman agad ni Anj ang
sarili upang makapag-usap ang dalawa ng seryoso. Alam niyang may
unfinished business ang dalawa. Agad namang nagpasalamat si Rico dito.
'I'm good. There's really nothing to talk about.', ang diretsahang sabi ni Chuck.
'Really? Then why are you here?', ang tanong nito.
'I just don't want them talking
about us again. What happened in the past is done. Let's just forget
it.', ang sabi nito at lumabas na ng bar.
Agad namang humabol sa kanya si Rico at naabutan niya ito. Magha-hatinggabi na kaya't konti na lang ang mga tao.
'Tingin mo ba hindi nila tayo pinag-uusapan simula nang bumalik ako? I doubt.', ang sabi ni Rico.
'I don't care. Okay, let's just be professionals. No more lunch outs and stuff! This will be the last.', ang sabi ni Chuck.
'But I do care. Kaya nga ako bumalik e.', ang sabi ni Rico.
'We're done, Rico. Wala na tayo.
You made it clear the moment na lumipad ka papunta sa States!', ang
medyo nasasaktan na sabi ni Chuck.
'I'm not proud of what I did.
Alam ko nasaktan kita and I'm very deeply sorry! Let's just start
over.', ang naglalambing na sabi nito.
'I don't know.', ang tanging nasabi ni Chuck at tumalikod na ito.
0*0*0*0
Alas-dos na ng madaling araw
nang magising si Ands sa pag-ring ng phone niya. 14 missed calls ang
nag-register dahil hindi niya nasagot ang tawag na gumising sa kanya.
Nag-ring ulit ito at agad na niyang sinagot.
'Sean?', ang pagsagot niya sa tawag.
Puro ingay lang ang naririnig niya at ang wala sa tonong pagkanta ni Sean.
'Gigisingin mo ako para kantahan ng ganyan?', ang naiinis na tanong ni Ands.
'HELLLLLLOOOWWW???', ang malakas na sabi ni Sean.
'What the hell, Sean?', ang nasabi ni Ands sa lakas ng boses ni Sean.
'Ands, sunduin mo ako. Puh-lease??', ang nag-iinarte na sabi ni Sean.
Hindi sumagot si Ands at pinakinggan lang niya ang mga sumunod na sinabi ng kaibigan.
'No one cares about me. Tingnan
mo, I'm left all alone in this bar. Umuwi na silang lahat. Iniwan nila
ako. Lagi na lang. Lahat na lang nang-iiwan. Sunduin mo na ako. Di ba
sabi mo sa akin dati, di mo ako kayang iwanan? Prove it.', ang
pagda-drama ni Sean gamit ang malambing na boses.
Para namang natunaw ang puso ni
Ands sa mga sinabi ni Sean. Hindi niya maiwasan ang mangiti. Hindi na
bago sa kanya ito pero every time na nangyayari ito, parang laging bago.
'Fine. Nasaan ka ba?', ang tanong ni Ands.
0*0*0*0
Ilang oras nang nakahiga si Ken
sa tabi ni Pat pero hindi siya dinadalaw ng antok. Sobrang gulo ng isip
niya. Saan ba siya nagkamali? Saan ba siya nagkulang? Ang buong akala
niya ay nakalimutan na ni Pat si Gino. Hindi niya alam ngayon kung paano
haharapin si Pat pag gumising na ito.
Tahimik lang siyang umiiyak.
Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya hanggang sa ang mga mata niya
ay sumuko na at kusa nang pumikit.
0*0*0*0
'Ano na naman bang problema at uminom ka?', ang sabi ni Ands kay Sean pagkasakay nila ng taxi pabalik sa condo.
'Wala.', ang tanging sagot niya at sumandal na ito sa kinauupuan at pumikit.
Tahimik lang si Ands habang nasa
biyahe at hinayaan na munag makatulog si Sean. Ilang minuto ang
lumipas, habang nakatingin si Ands sa dinadaanan, ay biglang humilig sa
kanyang balikat ang ulo ni Sean. Nagulat siya ng bigla itong nagsalita.
'Bakit nila ako laging sinasaktan?', ang tanong nito.
Para namang nadurog ang puso ni Ands sa narinig. Nangilid ang mga luha niya ngunit pinigilan niya ito.
'Makakahanap ka rin ng taong magpapasaya sa'yo.', ang sabi niya.
Gusto niyang yakapin si Sean pero nahihiya siya sa taxi driver. Napatingin ito sa kanila gamit ang salamin.
'Pasensya na po. Lasing lang po 'tong kaibigan ko.', ang turan ni Ands sa driver.
Hindi naman sumagot ang driver
at nanaig ang katahimikan sa sasakyan. Mga sampung minuto pa ang lumipas
at akay na ni Ands si Sean paakyat sa kanyang unit.
0*0*0*0
Paikot-ikot si Chuck na
nagmamaneho sa Makati. Ayaw niyang umuwi. Ayaw niyang humiga sa kanyang
kama at maisip ang lahat ng ayaw niyang maisip. Pero mukhang hindi naman
nakakatulong ang kanyang ginagawa. Tuloy pa rin siyang binabagabag ng
mga alalahanin at mga tanong.
'Bakit pa ba kasi niya kelangang bumalik?', ang tanong ni Chuck sa sarili.
Mahal pa ba niya si Rico? Bakit siya nasasaktan?
'Sobrang mahal na mahal ko pa
rin siya. Kung pwede ko lang siyang yakapin ng sobrang higpit,ginawa ko
na. Kaso nasaktan niya ako. Hindi biro ang mga taon na ginugol ko na
wala siya.', ang mga katagang nasabi niya sa sarili.
Minabuti niyang mag-park sa
gilid ng isang coffee shop upang magpalipas ng oras. Pagka-order ng kape
ay umakyat na siya sa ikalawang palapag upang magpahinga sandali.
'Akala ko di ka na darating.', ang sabi ng isang lalaki sa kanyang likod.
Halos mapaso naman ang dila niya sa pagkagulat.
'Paano mo nalaman na nandito ako?', tanong ni Chuck.
'Chuck, come on! We've been together for almost 3 years. I know you. And I've been waiting here.', ang sabi ni Rico.
Hindi nagsalita si Chuck. Sa totoo lang, nagulat siya na alam pa rin ni Rico ang mga lugar na madalas niya puntahan.
'Would you mind if I join you?', ang magalang nitong tanong.
'No, if you'll tell me honestly the reason why you left me.', ang seryoso niyang sagot.
Kailangan niya marinig ito.
Hindi niya alam kung saan patungo ang relasyon nila pagkatapos nito.
Hindi na naman umaasa si Chuck na magkakabalikan pa sila. Pero kailangan
niya marinig ang side ni Rico.
'Fair enough.', ang sabi ni Rico bago umupo sa harap ni Chuck.
0*0*0*0
'Ang init!', ang reklamo ni Sean.
'E ang dami mong nainom e. Ayan.', ang sabi ni Ands.
Halos gusto nang punitin ni Sean
ang mga damit na suot. Gusto niya na agad itong matanggal upang
ma-preskuhan. Agad na humiga ito sa kama na tanging boxers lang ang
suot. Si Ands naman ay itinodo na ang lakas ng aircon para hindi na
maibsan kahit paano ang init na nararamdaman ni Sean.
'Ayan, todo na yan. Tingnan ko
lang kung may sando ka pa dito. Masamang natutulog na pawisan.', ang
sabi nito bago buksan ang cabinet.
Ang gulo ng mga damit ni
Ands.Wala na siyang oras para mag-ayos nito. Nagulat na naman siya nang
maramdaman ang mainit na katawan ni Sean na dumikit sa kanyang likod.
'Sinong nagsabing matutulog tayo?', ang halos hinga na lang nitong sabi sa tenga ni Ands.
'Sean. You don't wanna do this. Again.', ang sabi ni Ands.
Mabilis siyang iniharap ni Sean
at siniil agad ng madiin na halik sa labi. Wala nang suot na pang-taas
si Sean kaya't ramdam na ramdam ni Ands ang init na nagmumula dito.
Nakakatukso. Kahit anong pigil niya, hindi niya kayang humindi.
'Sean.', ang bulong ni Ands nang pakawalan nito ang labi niya.
Lalong uminit ang tagpo ng
binuhat ni Sean si Ands papunta sa kama. Pinatay niya na ang ilaw. Hindi
nakatulong ang aircon na palamigin ang kwarto ni Ands. Lalo pa nga
yatang nag-init ito.
0*0*0*0
Kinabukasan ay maagang nagising
si Pat. Nakita niyang himbing na himbing pa rin si Ken sa pagtulog.
Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho. Naisip niyang buong araw na
lang na mag-stay kina Ken at bukas na lang umuwi. Niyakap niya ang
katabi. Agad namang nagising si Ken. Ramdam niya ang hapdi ng mga mata
sa unang pagmulat pa lang nito.
'Good morning.', ang bati ni Pat.
'Hi.', ang malungkot na sabi ni Ken.
'Thanks sa pagsundo kagabi. Naparami yata ang inom ko.', ang sabi ni Pat.
'It's okay.', ang malamig na sagot ni Ken.
'Any plans for the day?', ang masiglang tanong ni Pat.
'No. Gusto ko lang matulog buong araw.', ang sabi ni Ken.
'Bakit? Masama ba pakiramdam mo?', ang pag-aalala ni Pat.
'Nope. You should go. Baka hinahanap ka na sa inyo.', ang sabi ni Ken.
Naramdaman naman ni Pat na something is wrong. Pero ayaw naman niyang diretsahin agad si Ken dahil kakagising pa lang nito.
'I'm planning on staying all day pa naman.', ang malungkot na sabi ni Pat.
'Next time na lang siguro. Wala ako sa mood ngayon. I just want to sleep all day.', ang sabi ni Ken.
Pumikit na siya at hindi na
inabala pa ang sarili kung aalis ba agad si Pat o hindi. Halos hindi
niya ito matingnan sa mata. Kaya't nag-pretend na lang siya na inaantok
siya. Agad namang tumayo si Pat at nagtungo sa CR.
Habang naliligo si Pat ay kinuha
ni Ken ang phone nito. Tiningnan niya ang contacts at kinuha ang number
ni Gino. Ibinalik niya ito sa kinalalagyan bago pa lumabas si Pat ng
CR. Nagtulug-tulugan na lang ulit siya.
Matapos makapagbihis ay humalik na si Pat sa pisngi ni Ken at nagpaalam nang aalis.
'I love you.', ang sabi nito.
Hindi na bumalikwas si Ken at narinig na lang niya ang pagsara ng pinto.
0*0*0*0
Naalimpungatan si Sean nang
maramdaman ang paggalaw ng katabi. Kumirot agad ang ulo niya nang
bumalik ang malay niya. Agad naman niyang na-recognize ang lugar kung
nasaan siya pero hindi niya matandaan ang karamihan ng nangyari kagabi.
Naramdaman niya ang pangangalay ng kaliwang braso. Pag tingin niya dito
ay nakita niya si Ands na parang batang himbing na natutulog. Napakaamo
ng mukha nito. Tiningnan niya ang nasa loob ng kumot bago niya
ma-realize ang nangyari kagabi.
'Oh, no. Not again!', ang nasabi niya sa sarili.
Pilit niyang inalala ang mga
nangyari. Ngunit malabo ang mga ito. Awkward. Sobrang nakakailang ang
itsura nilang dalawa ngayon. Maingat na bumangon si Sean. Wala siyang
kahit na anong suot. Dumiretso siya sa CR upang maghilamos at magtapis
ng tuwalya. Hindi niya alam ang gagawin. Aalis ba siya o hihintayin
niyang gumising si Ands?
No comments:
Post a Comment