Sunday, December 16, 2012

Aftermath (11)

by: Lui
http://rantstoriesetc.blogspot.com


Ilang beses nang napunta sa ganitong sitwasyon si Sean kay Ands. Tuwing nalalasing siya o di kaya ay sobrang lungkot, sa kaibigan ito lumalapit at laging may nangyayari. Lagi siyang umaalis pagkagising niya habang tulog si Ands. Hindi niya alam kung paano haharapin ang kaibigan.

Nakapaghilamos na siya. Nakaupo lang siya ngayon sa toilet bowl at nag-iisip. Nagi-guilty siya sa ginagawa niya sa kaibigan. Alam niyang mahal siya nito ng sobra kaya hindi ito maka-hindi sa kanya. Masyado niya nang nagagamit ito. Hindi niya napapahalagahan ang nararamdaman ni Ands. Pero ano ba ang nararamdaman niya sa kaibigan?

Narinig niya ang paggalaw ng door knob at ang sumunod na pagkatok.

'Sean?', ang pagtawag ni Ands.

Wait lang.', ang sabi ni Sean.

Naghilamos siyang muli bago buksan ang pinto.

'Good morning.', ang bati ni Sean sa kaibigan sabay halik sa pisngi.

Nagulat naman si Ands sa ginawa ni Sean pero naiihi na talaga siya kaya di niya na muna ito pinansin.

'Bakit may kiss?', ang naguguluhang tanong ni Sean sa sarili.


0*0*0*0

Naliwanagan na si Chuck sa paliwanag ni Rico kung bakit ito umalis dati. Masakit tanggapin na ipinagpalit siya nito sa career pero kung siya rin naman ang nasa kalagayan ni Rico ay malamang ito rin ang gagawin niya. Nanghinayang si Rico sa scholarship na kanyang natanggap galing sa isang business school sa States kaya tinanggap niya ito nang hindi kumukonsulta kahit kanino. Hindi pa rin nakakatulog ng maayos si Chuck simula nang nag-usap sila ni Rico. Paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga sinabi nito.

'I'm very sorry. It's a chance in a lifetime. I know I should've told you pero hindi ko ginawa.', ang sabi ni Rico.

'Yeah. You should have told me. Hindi naman kita hahadlangan e.', ang sabi ni Chuck.

'I still love you, Chuck. And lalo lang kitang minahal simula nang nawala ako.', ang sabi ni Rico.

'E bakit hindi mo man lang ako tinawagan?', ang naiiyak na sabi ni Chuck.

'Gusto ko pero nahihiya ako. Nasaktan kita. Sobrang magulo ang utak ko.', ang sabi ni Rico.

Hindi na sumagot si Chuck.

'Hey, pero nandito na naman ako diba? Hayaan mo akong bumawi sa mga panahon na nawala ako.', ang sabi ni Rico.

'It's not that easy.', ang sabi ni Chuck.

'I know and I don't care.', ang sabi ni Rico.

Tumayo na si Chuck at walang paalam na umalis. Hindi naman masabi ni Rico kung galit ba ito o hindi. Para kay Chuck naman, gusto lang niya na umalis dahil gulong-gulo na ang nararamdaman niya. Gusto niyang matuwa dahil nalaman niyang ang mahal niyang si Rico ay hindi pa rin nagbago. Pero nasasaktan pa rin siya sa ginawa nito sa kanya. Nagmaneho na ito pauwi at hindi pinansin ang phone na paulit-ulit na nagri-ring.

Natapos ang pagbabalik tanaw niya nang nag-ring ulit ang phone niya. Agad niya itong sinagot.

'At last!', ang bungad ni Rico.

'Sorry.', ang tangi niyang nasabi.

'So what was that all about?', ang tanong ni Rico.
'I don't know. I told you it won't be easy.', ang sabi ni Chuck.

'Hmm. Why am I smelling a challenge here?', ang medyo playful na sabi ni Rico.

'Ewan ko sa'yo. Why? Are you up for a challenge?', ang paghahamon ni Chuck.

'I'm up for anything. Just to win you back.', ang sabi ni Rico.

'Game on, then.', ang sabi ni Chuck.

Hindi niya alam kung bakit naging ganon ang turn-out ng mga pangyayari. Sigurado nang babalikan niya si Rico. Matanda na siya at ayaw na niyang pigilan ang sarili na mahalin kung sino talaga ang mahal niya. Gusto lang niya pagbayarin si Rico sa utang nitong pag-iwan sa kanya. Nagugulat siya sa sarili niya dahil ang buong akala niya ay maging ma-drama siya sa pagbabalik ni Rico pero heto siya ngayon at hinamon sa isang challenge si Rico para magkabalikan sila.

0*0*0*0

Hindi mapakali si Pat. Malakas ang pakiramdam niyang may bumabagabag kay Ken. Nakakulong lang siya sa kwarto habang nagpapatugtog ng malakas. Maya't maya ang tingin niya sa kanyang phone hoping na magtetext si Ken anytime soon. Hindi na siya makatiis. Bumangon na siya at bumalik sa bahay nina Ken.
Agad naman siyang pinapasok diretso sa kwarto ni Ken pagkarating niya sa bahay nito mag-iisang oras ang nakalipas nang siya ay umalis sa kanila. Nakahiga ito at mahigpit na yakap ang unan. Naririnig ni Pat ang mga paghikbi ni Ken.

'Hi.', ang bati niya.

Agad namang nagpunas ng luha si Ken.

'Anong ginagawa mo dito?', ang gulat niyang sabi.

'Hindi kasi ako mapakali. What's bothering you? O umiiyak ka pa.', ang sabi ni Pat pagkatapos i-lock ang pinto.

'Nothing. I'm okay.', ang sabi ni Ken.

'No, you're not. Come on, share.', ang sabi ni Pat habang tumatabi ito sa nakahigang si Ken.

'I'd rather not.', ang malamig na sabi nito.

'Bakit? Baka makatulong ako.', ang pangungulit ni Pat.

'No. Hindi ka makakatulong!', ang medyo galit na sabi ni Ken.

'Ano bang problema?', ang tanong muli ni Pat.

Isang malalim na hinga ang ginawa ni Ken. Tumayo ito mula sa pagkakahiga. Hindi niya alam kung sasabihin na ba niya o hindi. Palakad-lakad siya sa kwarto at tila nagpipigil ng iyak.

'Ken, you're scaring me. Ano bang problema?', may bahid na ng panic sa tono ni Pat.

Hindi na kinaya ni Ken at sumabog na ang kanyang nararamdaman.

'Ang sakit. Sobra... Sobrang sakit!!!', ang sabi ni Ken habang sinusuntok ang sariling dibdib.

Halos hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak. Agad namang lumapit sa kanya si Pat at hinawakan ang kamay nito.

'Bakit? Anong nangyari?', ang tanong ni Pat.

Madiin namang hinawakan ni Ken si Pat sa dalawang braso.

'Ken, nasasaktan ako.', ang sabi ni Pat.

'Hindi mo naman kelangang mag-pretend. Sana hindi mo na lang ako binigyan ng chance na mahalin ka kung lolokohin mo lang ako.', ang sabi ni Ken.

'Ano bang pinagsasabi mo? Mahal kita, Ken. Nagmamahalan tayo, diba?', ang medyo galit na sabi ni Pat.

'Cut the crap! Hindi ako ang mahal mo!! Hanggang ngayon si Gino pa rin! Siya pa rin ang laman niyan!!', ang sabi ni Ken bago pakawalan ang mga braso ni Pat at idiin ang daliri sa dibdib nito.

Napaupo naman si Pat sa pwersa ni Ken.

'What?', ang naguguluhan niyang tanong.

'Last night, I thought ako ang sinabihan mo ng I love you until narinig kong ibulong mo ang pangalan niya.', ang sabi ni Ken.

Hindi naman alam ni Pat ang sasabihin nang malaman ang ikinagalit ni Ken. Kahit siya mismo ay nagulat na sinabi niya ito. Oo, naiisip pa rin niya si Gino minsan pero hindi na niya ito mahal. Si Ken na ang tinitibok ng puso niya.

'Ken, I don't know what I did or why I did it. Pero believe me, ikaw lang ang mahal ko.', ang sabi ni Pat habang yakap si Ken.

Pilit na kumawala si Ken sa yakap ni Pat.

'Get out. At wag ka nang bumalik dito.', ang sabi nito.

'Ken. Wag naman ganyan. Pag-usapan natin to.', ang sabi ni Pat.

'I said, GET OUT!!!!!', ang sigaw ni Ken.

Parang tumindig naman ang lahat ng balahibo ni Pat sa sobrang lakas ng sigaw ni Ken. Sinubukan pa niyang magmakaawa dito pero hinatak na siya nito palabas ng kwarto.

Pagkabagsak ni Ken ng pinto ay lalong bumigat ang pakiramdam nito. Lahat ng mahawakan niya ay ibinabato niya. At hindi niya mapigilan ang sarili na sumigaw sa sobrang sakit na nararamdaman.

'AAAAAAAAHHHH!! Bakit mo ginawa sakin to???!!!!', ang sigaw niya matapos ibato ang bedside table at maupo sa sahig.

Inuuntog niya ang sariling ulo sa pader. Sobrang wasted na niya at ang kwarto niya ay sobrang gulo na.


0*0*0*0

Gabi na nang magising si Sean mula sa pagkakatulog sa condo ni Ands. Marahan siya nitong tinapik sa mukha.

'Dinner na. Hindi pa tayo nag-lunch kaya bumangon ka na.', ang sabi ni Ands.

Agad naman siyang sumunod at sinaluhan si Ands sa pagkain. Medyo antok pa siya pero kumakalam na ang sikmura niya.

'So why did you stay?', ang tanong ni Ands.

'Ayaw mo?', ang patanong na sagot ni Sean.

'No. It's just that usually during these moments, pagkagising ko wala ka na then ilang araw tayong hindi mag-uusap.', ang sabi ni Ands.

'Hindi ko rin alam e.', ang lutang na sabi ni Sean.

Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawa at tanging ang ingay lang ng mga kubyertos ang maririnig. Nang matapos na silang kumain ay naghugas ng pinagkainan si Ands.

'Ako na 'yan.', ang sabi ni Sean.

'Ako na. Magbihis ka na muna dun. Di ka ba nilalamig?', ang sabi ni Ands kay Sean na hanggang ngayon ay tanging boxers pa rin ang suot.

'Bakit, ayaw mo ba ng nakikita mo?', ang tanong ni Sean habang hinahaplos ang slim na katawan.

'Okay. Sean, you seriously need to stop it.', ang seryosong sabi ni Ands.

'Stop what?', ang tanong ni Sean.

'Everything. Stop calling me to rescue you. Stop kissing me. Stop making me feel good. Just stop, okay?', ang sabi ni Ands.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Sean. Hindi siya makakilos mula sa kinatatayuan.

'STOP MAKING ME LOVE YOU MORE.', ang madiin na sabi ni Ands.

Nangingilid na ang mga luha nito at nanginginig na ang mga labi nito.

'Kasi alam kong wala naman 'tong patutunguhan. Ako lang ang nagmamahal dito. Ako lang din ang masasaktan. Kaya if you really care about me, your friend, stop it!', ang sabi ni Ands.

Tumulo na ang mga luha niya. Agad naman siyang tumalikod kay Sean at ipinagpatuloy na ang paghuhugas ng mga plato.

Tahimik namang lumayo si Sean sa kanya na parang na-hypnotize. Ito ang kinatatakutang moment ni Sean. Nasaktan siya nang nakita niya ang kaibigang nasaktan dahil sa kanya. Bakit ganito? Feeling niya ngayon ay walang-wala siya.

Lumabas si Ands sa veranda at nagpahangin. Marahil ay hinihintay niyang makaalis si Sean. Ang sarap ng hanging dumadampi sa kanyang mga basang pisngi.
'Ands.', ang pagtawag sa kanya ni Sean.

Tumingin ito sa kaibigan at nakitang nagsuot lang ito ng t-shirt.

'Ands. I'm very sorry. I know for the longest time I've taken your feelings for granted. At alam kong masama ang loob mo dahil nakikita lang kita kapag kailangan kita. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ka nahihirapan dahil sa akin, kung gaano kita nasasaktan. Pero kakapalan ko na ang mukha ko. Alam kong sobra-sobra na 'to.', humihikbi na si Sean at wala siyang balak na pigilan ang mga luha na pabagsak na.

'Pero wag mo naman akong ipagtabuyan. Wag mo akong iwan. Kasi lahat na lang sila iniwan ako at sinaktan. Ikaw lang. You're the only who stick up for me. Pag nawala ka pa, hindi ko na alam kung paano ako. Kaya, please? I can't stop. Kasi ikaw lang ang nandyan para sa akin.', ang sabi ni Sean.

'Pero masakit na, Sean. Hindi ko hinihinging mahalin mo ako. Kailangan ko lang na itigil mo 'yung mga bagay na ginagawa mo kaya lalo akong napapamahal sa'yo. Ayoko nang may mangyari sa'tin kasi para saan pa yun? Alam ko namang darating 'yung panahon na magkaka-girlfriend ka ulit at mawawala na naman ako sa buhay mo. Kaya tama na. Matuto ka nang tumayo sa sarili mong mga paa.', ang sabi ni Ands.

'Ands. Hindi ko pa kaya. Kailangan kita.', ang sabi ni Sean.

'Sean. Hindi ko na kaya. Masakit na masyado.', ang sabi ni Ands.

0*0*0*0

Dumating na ang mga magulang ni Ken. Agad namang tumakbo palapit sa ina nito ang katulong nila.

'Ma'am, si Ken po kanina pa nagwawala. Sinubukan ko pong pigilan kaso po tinulak ako palabas ng kwarto e.', ang kinakabahan at takot na sabi nito.

'Ha??? Bakit, anong nangyari?', ang sabi ng ina nito.

Ang ama naman ni Ken ay agad na umakyat papunta sa kwarto nito.

'Nag-away po yata sila ni Pat.', ang sabi ng katulong.

'Diyos ko.', ang kinakabahan na sabi ng ina.

Naririnig nila ang pagkatok ng ama sa kwarto ni Ken. Sumigaw ito sa katulong na kuhanin ang susi dahil naka-lock ang pinto. Agad namang tumakbo ang katulong upang iabot sa kanya ang susi. Pagkabukas ng kwarto ay tumambad sa kanila ang magulong kwarto.

'Ken???', ang sigaw ng ina.

Ngunit tanging ang tunog lang ng umaagos na tubig mula sa shower ang maririnig. Tumakbo ng ina niya patungo sa CR at halos mahimatay ito pagkakita sa anak.

'KEN!!!', ang sigaw nito.

Basang-basa si Ken na nakaupo sa sahig ng CR at walang malay na nakasandal sa pader. Ang dugo mula sa wrist nito ay walang tigil sa pag-agos.

'Tumawag kayo ng ambulansya! Dali!!', ang sigaw ng ina.

Tinalian niya ng panyo ang wrist ng anak upang mapigilan ang dugo sa pag-agos. Pilit niyang ginigising ang anak.

'Ken, anak. Gumising ka. Ken!!', ang sabi ng ina ngunit hindi nagre-respond si Ken.

No comments:

Post a Comment