http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 01
“Wag ka muna magtetext bukas ng umaga, ah.”, sabi ni Syd sa akin.
“Bakit naman?”, medyo matamlay kong tanong sa kanya.
“E kasi ano, e.”
“Ano? Bakit nga?”, may konting tono ng pagkainis kong tanong ule.
“Oh. Okay, sure.”, ang tangi kong nasabi. Pero sa loob – loob ko, OUCH!
Ako nga pala si Wul, 19 years old, moreno, medyo maliit sa height na 5'5. Si Syd naman ay 18 years old, 5'8, matangos ang ilong at maganda ang pangangatawan. Nag-aaral kami sa isang prestihiyosong unibersidad sa Manila. Magkaklase kami ni Syd at nasa 3rd year college na kami ngayon. Si Lei? Wala lang 'yan. Joke! Si Lei ang girlfriend ni Syd. Sa parehas na university din siya nag-aaral, parehas din kami ng course na kinukuha. Iba nga lang ang section niya. BWAHAHA!
KINABUKASAN...
THURSDAY, 10am.
1pm pa ang pasok ko. Tiningnan ko ang phone ko. 'Ay, di nga pala magtetext yun. Busy nga pala sila ni Lei.' Nasanay na kasi ako na pagkagising ko sa umaga e may text message ako na galing sa kanya. Hindi naman sweet messages. Mga ordinaryong text lang na 'Uy, what time ka pasok?', 'Wul, san ka na?' o kaya 'Dude, favor naman o.' Walang bahid ng malisya, diba? Ganyan kaming dalawa. Nagsimula kaming maging close nung malapit nang mag-end yung 2nd year namin sa college. Bakasyon bago kami mag-third year, halos araw-araw kaming magkatext. As in buong araw. Maingat ako sa mga kaibigan namin. Kahit malinaw sa amin ni Syd na walang namamagitan sa aming dalawa kundi pagkakaibigan lang, ayokong magkaroon kami ng issue sa mga taong nakapaligid sa amin. Nakahiga pa din ako sa kama, hawak ang phone ko. Napaisip ako, paano nga ba kami naging close ng lalaking 'to?
Kahit na hindi ko sabihin sa mga kaklase ko, alam kong meron silang idea na hindi ako straight. Nahahalata na siguro nila yun sa galaw ko. Kung tutuusin, hindi mo maiisip na magiging matalik na magkaibigan kami ni Syd. Nayayabangan ako sa kanya dati. Siya naman daw e nasusungitan sa akin. Sobrang opposites din kami sa ugali. May pagka-happy-go-lucky siya, ako naman e masyadong focused sa goal ko na makatapos with flying colors. Kumbaga, siya ang cool sa tingin ng iba. Ako ang nerd. Ngunit isang gabi nung nag-away sila ni Lei, nakita ko siyang umiiyak sa park sa may school.
'O, anong problema?', mahinahon kong alo sa kanya.
'Tang inang babae kasi yan, e. Masyadong mapaghinala e.', ang galit niyang sagot sa akin.
'Hey, watch your mouth! Wag mo namang murahin yung babae.'
Kahit na hindi kami magkaibigan ni Lei, ayoko namang mamura siya dahil babae pa din siya.
'Sorry, sobrang nanggagalaiti lang talaga ako sa galit', ang medyo malumanay na niyang sagot.
'Hindi ka naman dapat magalit kung wala namang basehan yung pagseselos niya diba?', sabi ko.
'Sabagay. Napuno lang ako talaga.', pag-amin niya.
Mag-usap na lang kayo bukas. Okay?', sabi ko.
'Opo.', magalang niyang sagot.
'O, bakit umiiyak ka pa?', ang pag-aalala ko.
'Naitapon ko kasi yung singsing dito sa damuhan e. Di ko na makita. Regalo ni Lei yun e.', ang sagot niya na nagpatawa sa akin ng malakas.
'Hahahaha! Diyos ko! Akala ko naman. Palitan mo na lang. 9:45 na o. Tara, sabay na tayo umuwi.', pag-aya ko sa kanya.
'Uy, thank you ha.', bigla niyang sambit.
'Para saan naman?', sabi ko.
'Wala.', matipid niyang sagot.
'Labo mo.', mangiti-ngiti kong sabi.
Napansin ko lang na nakangiti ako sa pagre-reminisce ko. 'Ang babaw talaga ng taong yun.' Tiningnan ko ang oras sa phone ko, 10.30am na. Gotta prep for school! Papasok pa kaya sila ni Lei?
Part 02
'Wul!', sigaw ni Syd pagkakita sa akin.
'Wag ka lumapit sa akin. Amoy ano ka pa.', pang-aasar ko sa kanya.
'Amoy ano? Ha? Ano?!', sambit niya habang pinapahid yung kamay niya sa polo ko.
'Shhhh. Pero, oo naman. Amuyin mo pa e. O.'
Nakasandal ako sa may bulletin board nun sa labas ng Room 414. Nilapit niya ang katawan niya sa akin. I was caught off guard. Tinulak ko siya pero di naman kalakasan. Tawa lang kami ng tawa.
'Ikaw, Syd, umayos ka ah. Kung ayaw mong ipagsigawan ko dito kung saan ka nanggaling.', pabulong na pambabanta kuno ko sa kanya.
'Joke lang. 'To naman o.', ang tangi niyang nasambit.
Nag-bell na at unahan sa paglabas ang mga estudyante na nasa loob ng room na gagamitin namin. Free seating 'tong class na 'to at malamang tabi kami ni Syd. Hindi na naman kami makikinig sa lecture, magbubulungan lang kami ng kung anu-anong kabulastugan. Tatlong oras na magpipigil ng tawa.
***
3pm
'Saan ka punta?', tanong ko kay Syd.
'Puntahan ko si Lei. Break na din nila.', sagot niya.
'Ah. O sige. Later na lang.', matuwid kong sagot.
'Ikaw?'
'Dito na lang siguro ako sa room. 30 mins. lang naman break e.'
'O sige, balik ako agad. Bye.', paalam niya.
'Take your time.', huling nasabi ko.
***
6.30pm
'Wul, una na ako ha? Hatid ko muna si Lei. Text na lang kita.', paalam niya sa akin.
'O sige. Ingat ka. Kayo pala.', paalala ko sa kanya.
Around 9.30 na nang nagtext si Syd sa akin.
'Gising ka pa?', tanong niya.
'Hindi na. Mahimbing na mahimbing na akong natutulog.', ang pilosopong reply ko.
'Weh', text niya.
'Oo. Sabi mo kasi magtetext ka e. Saan ka na?'
'Sa bahay na. Hay. Alam mo nahihirapan na ako kay Lei.', pagsisimula niyang mag-open up.
'O bakit?'
'Napaka-selosa. Pati sa'yo nagseselos.
Ewan ko pero napangiti ako nung nabasa ko 'yang reply niya na yan. Para akong kinilig na ewan.
'Whaaaat? Bakit daw?', ang paggulat kong reply sa kanya.
'E kasi ikaw daw lagi ko kasama pag wala siya. Tapos naalala mo nung one time na napasarap yung kwentuhan natin, nalimutan ko na nag-aantay pala siya. Ayun, simula nun. Masyado na siyang matanong tsaka lagi niya tinitingnan cellphone ko.', ang mahaba niyang reply.
'Ah. E bakit mo naman hinahayaang tingnan niya phone mo? Pagsabihan mo siya.'
'Hay. Bahala na. Wala naman siyang dapat pagselosan diba? Magkaibigan lang naman tayo e.'
Ouch ulet.
No comments:
Post a Comment