http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 05
Back track tayo ng konti.
FRIDAY, 10.30pm
Kausap ko si Jan sa phone...
'Jan, pupunta ako bukas kina Syd. Kaming dalawa lang. Nagpapaturo siya sa akin sa isang subject namin. Ano sa tingin mo? Aaminin ko ba kung ano yung nararamdaman ko sa kanya o hayaan ko na lang?', ang magulo kong sabi sa kanya.
FRIDAY, 10.30pm
Kausap ko si Jan sa phone...
'Jan, pupunta ako bukas kina Syd. Kaming dalawa lang. Nagpapaturo siya sa akin sa isang subject namin. Ano sa tingin mo? Aaminin ko ba kung ano yung nararamdaman ko sa kanya o hayaan ko na lang?', ang magulo kong sabi sa kanya.
'Ikaw, ano ba sa tingin mo ang makakabuti sa inyo? Mahalaga ang friendship niyo ni Syd. Kaya mo bang i-risk yun?', ang pakikipagtalo ni Jan.
'Natatakot ako e. Kasi baka hindi niya matanggap. Kaso nahihirapan na ako. Nasasaktan na ako.', ang patuloy kong sambit.
'Basta kung saan ka, dun ako. Okay? Update mo na lang ako.'
'Sige, thanks, Jan! Good night!', paalam ko.
Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko kung tama ba ang gagawin kong pag-amin sa tunay na nararamdaman ko kay Syd. Selfish ba akong maituturing kasi sariling kapakanan ko ang iisipin ko? Kaso hindi na ako magiging mabuting kaibigan kung patuloy kong lolokohin ang sarili ko, lalo na si Syd, sa tunay na nararamdaman ko.
Sabado na ng umaga. Naghahanda na ako papunta kina Syd. Binabagabag pa din ako kung aamin na ba ako o hindi. Humingi ako ng sign. Kapag wala ang parents niya sa kanila, aaminin ko na. Kung anong connect? Hindi ko din alam. Basta kelangan ko lang ng sign.
'Sino nga palang tao sa inyo ngayon?', tanong ko.
'Maids lang. Nasa work si Daddy. Si Mommy naman nag-mall kasama mga kapatid ko.', kwento niya.
'Ah. Okay.', ang tangi kong nasabi.
Tinext ko agad si Jan.
'Jan, sasabihin ko na kay Syd. Good luck sa akin!'
Wala akong na-receive na reply. Baka tulog pa ito, sa isip ko.
***
Back to present.
SATURDAY, 4.27pm
Nakasakay na ako sa taxi. Ayaw tumigil ng mga luha sa pagtulo galing sa mga mata ko. Tinatawagan ko si Jan ngunit di niya sinasagot. Hindi ko alam na pwedeng maging ganito ang kalalabasan ng pag-amin ko. Bumubwelo pa lang ako e. Ang sakit. Sobrang sakit. Ramdam na ramdam kong wala na si Syd sa buhay ko. Nakita ko sa mga mata niya kanina ang sobrang galit. Tuliro na ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
10.45pm
Tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Jan.
'Wul. I'm really, really sorry. I jumped when I read your text. Kaya napatawag ako. Nag-over react ako, I know. I'm so sorry!'
'Wala naman na tayong magagawa dun e. What's done is done. Oh, btw, thanks for saving me from the agony of telling him.:)', ang reply ko.
'Sorry talaga. I hope everything will be alright soon.', ang sagot niya.
Hindi na ako nagreply. Naiyak na naman ako.
Buong araw ng Linggo ay hindi ako lumabas ng bahay. Bumaba lang ako para kumain tapos balik uli sa kwarto. Nagsinungaling na lang ako na may tinatapos akong project na sa kinabukasan ang deadline. Oo, bukas na talaga ang deadline.
Pag nagkita kami ni Syd sa klase, malamang tapos na ang lahat. Hindi na niya ako papansinin. Worse, baka bugbugin niya pa ako. Okay lang. I took the risk e. With that, I'm ready with the consequences. Bahala na. Nasaktan na din naman ako e. Nasaktan na din siya. Itodo na natin.
***
MONDAY, 7am
Magang-maga ang mga mata ako sa kakaiyak. 9am ang pasok ko. Kelangan ko nang magmadali para hindi ako ma-late. Pero sobrang tamlay ng pakiramdam ko. Parang puro hangin ang utak ko. Hindi na ako nag-almusal. Dire-diretso na akong umalis dahil ayokong makita ng parents ko na may problema ako.
8.30am
Parang lalabas na ata ang puso ko sa lakas ng dagundong nito. Habang papalapit ako sa room kung saan kami magkaklase, parang mababali ang mga tuhod ko. Nangingilid na naman ang mga luha ko. Pagpasok ko ng room, natahimik ang lahat ng mapansin na namumugto ang mga mata ko. May ilang lumapit at nagtanong kung okay lang ba ako. Sinabi ko na lang na,
'Oo. Gusto ko munang mapag-isa. Salamat.'
Nasa room na si Syd nung pumasok ako. Tahimik lang siya sa isang sulok. Hawak ang yellow pad na sinulatan ko ng mga dapat niyang pag-aralan sa quiz at finals. Ngayon nga pala ang quiz namin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Bigla kong binawi ang tingin ko sa kanya. Pinipigilan kong umiyak. I don't want to cause a scene. Sa maikling sandali nagtama ang mga paningin namin, nakita ko ang lungkot, hindi ang galit. Umiyak din kaya siya? Oo, nasaktan siya. Nasaktan ko siya.
Natapos na ang quiz. Binigay na ng prof sa amin ang remaining 30 mins para makapagpahinga. May 2 classes pa ako. Kaya ko pa ba? Wala naman akong choice kung hindi pasukan yun e dahil malapit na magfinals. Nagstay na lang ako sa medyo tagong part ng library tuwing class breaks para makaiwas sa mga kaklase kong gutom sa impormasyon.
4.30pm
Last class ko na. Hanggang 7.30pm pa 'to. Sana maaga magdismiss yung prof. Gusto ko na humiga ulit. Nakaramdam naman ata yung prof ko sa pangangailangan ko kaya 7pm pa lang ay uwian na. Nang palabas na ako sa room, nilapitan ako ni Syd.
'Pwede ba tayong mag-usap?', mahinahon niyang tanong.
'Syd...'
'Please?'
'Okay.'
'Sumunod ka sa akin.'
Part 06
Hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Nanatili lang ako sa likod ni Syd habang naglalakad kami. Hindi niya
ako nililingon. Hindi ko na mapigilan ang mga luhang gustong kumawala
mula sa mga mata ko. Naalala ko pa yung mga masasayang moments naming
dalawa...
SUMMER BREAK
Magkatext kami ni Syd...
'Oy, Wul.', panimula ni Syd.
'Yes?', ang matipid kong reply.
'Wala lang.', sagot niya.
'Miss mo na naman ako.', pang-aasar ko.
'Baliw. Baka ako ang miss mo', sagot niya.
SUMMER BREAK
Magkatext kami ni Syd...
'Oy, Wul.', panimula ni Syd.
'Yes?', ang matipid kong reply.
'Wala lang.', sagot niya.
'Miss mo na naman ako.', pang-aasar ko.
'Baliw. Baka ako ang miss mo', sagot niya.
'Di rin. Ikaw kaya nakaka-miss sa akin.'
'Weh?', ang nakakainis niyang sagot. Haha.
'Oo nga. Pa-obvious ka masyado e.'
'Hahaha.', ang malabong niyang reply.
KALAGITNAAN NG FIRST HALF NG SEM...
'O, bakit nakasimangot ka dyan?', tanong niyang may bahid ng pag-alala.
'Nagsagutan kasi kami ni Dan. Pinapasa niya sa akin yung mga dapat na gagawin niya sa org natin, e may naka-assign na sa akin.', pagsusumbong ko.
'Upakan ko na ba?', nakaamba na siyang tatayo.
'Adik. Ginagamitan mo na naman ng pagka-barumbado mo e.', pagpigil ko sa kanya.
'Basta 'pag may nang-away sa'yo, sabihin mo lang agad. Uubusin ko lahi nila.', pagyayabang niya.
'Weh? Okay na e. Maniniwala na sana ako e, kaso may ubusan lahi. Haha.', pagloko ko sa kanya.
'Hahaha. Okay. Scratch that part. Basta, sumbong mo agad sa'kin. Ako na bahala.', sabay ngiti.
'Thanks. Haha.', medyo kinikilig kong sagot.
ORG WEEK
'Wul!', sigaw niyang pagtawag sa akin.
'O? Sorry, medyo busy ako. Inaasikaso ko yung standings ng mga sections sa ball games e.', mabilis kong sagot.
'Ah. Manonood ka ba ng basketball game ko later?', tanong niya.
'Uh, yes, of course!', siguradong sagot ko.
'Sure?', may pag-aalinglangan siya dahil sa sobrang dami kong ginagawa.
'Yup! Don't worry. I'll be there.', pag-a-assure ko sa kanya.
Pero hindi ako nakarating. Sobrang nag-pile up ang mga gagawin at nagkulang na sa tao kaya kelangan mag-multi task.
'Shit! Tapos na game ng 3rd year?!', tanong ko sa isang organizer.
'Oo. Panalo section nyo. Congrats!', tugon ng organizer.
Hinanap ko agad ang phone ko. Tinawagan ko si Syd pero di niya sinasagot. Nagalit ata.
Nang matapos na lahat ng gawain for that day at nasa FX na ako pauwi. Tinext ko si Syd.
'Syd, sorry. Sobrang dami kong ginawa kanina. I lost track of time. Sorry.'
'Ok lang. Kaso sayang wala ka. Tsk.', malungkot niyang reply sa akin.
'Sorry talaga.'
Hindi na siya nagreply.
Kinabukasan, dinalhan ko siya ng 2 burger ng Jollibee. Pasimple kong nilagay sa bag niya.
'Syd, sorry talaga kahapon ah.', patuloy kong paghingi ng dispensa.
'Ok lang. Basta sa championship, ah. Pag wala ka pa dun, nako.', sabi niya.
'Oo na. Gusto mo na namang ipagyabang 'yang skills mo sa'kin e. Di naman ako marunong magbasketball. Haha! Sayang lang.', pang-aasar ko sa kanya.
'Ganon talaga.', ngiting aso niyang sagot.
'Nga pala, nilagyan ko ng ipis bag mo. HAHAHAHA!', patuloy kong pang-aasar.
'Fuck! Seryoso?', habang binubuksan niya ang bag niya. Halatang nandidiri.
Nakita naman niya agad na walang ipis sa bag kung hindi dalawang burger ng Jollibee. Inakbayan niya ako sabay kiskis ng kamao sa ulo ko.
'Salamat!! Gutom na ako.', sabi niya.
'Aray! Nilibre na nga ng burger, nanakit pa. Tsk.', pag-angal ko.
'To naman. Naglalambing lang.', pagsuyo niya.
'Oo. Lagi naman e.', pasimangot kong tugon.
'Seryoso mo. Haha!', sabay kagat sa unang burger.
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko. Dumating na kami sa park kung saan ko siya nakitang umiiyak nung nag-away sila ni Lei. Lalo akong naiyak kasi ito yung same place kung saan nagsimula ang lahat. Umupo siya sa damuhan. Tinitingnan ko lang siya. Walang patid ako sa pagluha.
'Tigilan mo nga 'yang pag-iyak mo. Baka isipin ng mga dumadaan dito na may masama akong ginagawa sa'yo.', pagpapagalit niya.
'Sorry.', ang tangi kong nasabi.
'Umupo ka dito.', utos niya.
Naupo ako sa tabi niya pero hindi masyadong malapit sa kanya.
'Wul, bakit? Bakit ako pa?'
No comments:
Post a Comment