http://rantstoriesetc.blogspot.com
Part 07
Back to the present.
MONDAY, 7.30pm
Hindi ako makasagot sa tanong niya. Bakit nga ba siya? Ano bang meron sa kanya na hindi ko makita sa iba?
'Tang ina naman, Wul. Tutunganga ka lang ba diyan?!', galit niyang sabi sa akin.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Tumayo na siya at sinapak 'yung punong pinakamalapit sa amin. Tumayo din ako para awatin siya. Hinawakan niya ako sa mga braso. Nangingilid ang mga luha niya. Nakikita kong nahihirapan na din siya.
'Ano ba, Wul?! Sagutin mo tanong ko sa'yo. Bakit sa'kin ka pa nagkaganyan?! 'Tang ina!', ang pagsigaw niya.

Kumawala ako sa mabibigat niyang mga kamay at hinugot lahat ng lakas na makukuha ko para makapagsalita.
'Hindi ko alam!! Kailangan bang may rason? Kung makakapili naman ako, tingin mo pipiliin kong magkaganito ako sa'yo?! You are so important to me, Syd.', halos hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.
'Yung friendship natin, wala lang ba yun sa'yo para i-risk yun ng ganito?', ang patuloy niyang pagtatanong.
'Syd, you know that you're all I've got.', ang tangi kong nasagot.
'Ang labo mo! Kung ganon, e bakit mo hinayaang talunin ka niyang nararamdaman mo para sa akin? Wul, lalaki ako at lalaki ka din! There's no way in hell that we can be more than friends!', ang masakit niyang pagsasabi ng totoo.
'Masyadong nang masakit, Syd! It's almost unbearable seeing you with Lei. Ang hirap na sa araw-araw na ginawa ng Diyos e naririnig ko ang bawat detail ng ginagawa n'yo!', ang paglalahad ko.
'Ang hina mo! Hindi ikaw ang Wul na kilala ko.', halos hindi makapaniwalang tugon ni Syd.
'Oo, ako na ang mahina! Ako na ang tanga! Ako na ang bobo!! Ang sakit-sakit tuwing ipapaalala mo sa akin na ako ang greatest friend mo! Kasi nagiging constant reminder yun kung hanggang saan lang talaga tayo. Alam ko naman, Syd e. Alam kong hinding-hindi pwedeng maging higit sa isang kaibigan ang turing mo sa'kin. Pero, hindi ko pwedeng hayaang hindi mo malaman kasi magiging unfair ako sa iyo at sa sarili ko.', ang paliwanag ko.
Halos hindi ko na mabigkas ang mga salitang nabitawan ko dahil sa pagsikip ng dibdib ko habang kaharap si Syd.
'Mahal kita, Syd.', ang huling mga katagang nasabi ko.
Inambahan niya ako ng suntok ngunit di niya nagawang ilapit ito sa mukha ko. Hindi ako umilag. WIlling akong tanggapin ang suntok na manggagaling sa kanya kung iyon ang paraan para gumaan kahit papaano ang nararamdaman niya. Tumulo ang mga luha niya.
'Hindi ko pa din maintindihan. Ikaw lang ang tinuring kong totoong kaibigan sa lahat ng mga friends ko. Tapos malalaman kong ganito?! Masakit din sa'kin 'to, Wul. Nagkamali ako ng taong kakaibiganin. Sana hindi ka nagpatalo sa nararamdaman mo para sa akin. Sana nilabanan mo! Sana mas pinahalagahan mo ang friendship natin.', medyo mahinahon na niyang sabi sa akin.
'Sinubukan ko naman e.', pagsagot ko.
'Well, you've tried not hard enough.', ang matigas niyang tugon.
Napayuko na lang ako.
'Wul, look at me.', utos niya.
Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. Patuloy ang pagdaloy ng mga luha niya.
'We're...', napapahikbi na si Syd.
'over. Our friendship is over.', ang mga huling sinabi ni Syd.
Tumalikod na siya at lumakad palayo sa akin. Bigla akong nanghina at napaupo sa damuhan. Nag-uunahan na naman ang mga luhang tumulo sa mga mata ko.
Part 08
Dumaan ang mga
araw na hindi kami nagkikibuan ni Syd. Marami ang nakapansin sa biglaan
naming hindi pag-uusap ni Syd. Pero wala kahit isa ang naglakas loob
na magtanong sa akin. Mahirap pa ding makita siya araw-araw. Kahit
gusto ko siyang kausapin, hindi ko magawang lumapit. Mas mabuti na
siguro 'tong ganito, sa isip ko.
Finals week na. Isang linggo na lang at sembreak na. Maninirahan na naman ako sa library nito para makapag-aral ng husto at ma-maintain ko ang matataas kong grades.
HULING ARAW NG FINALS WEEK
2.45pm
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang huling exam ko. HELLO SEMBREAK na pagkatapos noon. Kelangan ko nang lumabas ng library at pumunta sa building ng college ko para di ako ma-late. Tumayo na ako at ibabalik ko na sa shelf ang librong ginamit ko nang mabangga ko ang isang estudyante.
I know that smell. Oh, please! No. Biglang kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko.
'I'm so.....', ang hindi ko natapos na paghingi ng tawad sa lalaking nabunggo ko.
Hindi nga ako nagkamali. Si Syd nga ang nabangga ko. He is just as shocked as I am.
'Gay?', ang medyo mapang-asar niyang tanong at biglang tumawa nang mahina.
'I meant to say, I'm sorry.', ang mahina kong sagot sabay takbo palabas ng library.

***
4pm
Natapos ko naman ng disente ang huling exam ko kahit na binabagabag ako ng maikling encounter namin ni Syd. Lampas impyerno ang galit niya sa akin. Naramdaman ko yun sa mga mata niya. Palabas na ako ng building nang mag-ring ang phone ko. Si Jan tumatawag.
'Yeah?', sagot ko kay Jan.
'Tapos ka na sa exams mo?', ang magiliw niyang tanong.
'Yup. Bakit?
'Wala naman. Ok ka lang ba? Ang lungkot ng boses mo.', pag-aalala niya.
'Ok lang ako. Nabangga ko kanina si Syd sa library. Sobrang laki ng galit niya sa akin. He called me gay.', ang sabi ko.
'Wag mo na lang intindihin yun. Naiyakan mo na siya. Get over it!', pagpapalakas ng loob ni Jan sa akin.
Patuloy lang akong naglalakad. Nasa may park na pala ako. Nakita ko si Syd. Kasama niya si Lei at ang sweet nila.
'Yeah. I will. Eventually.', ang tanging nasagot ko kay Jan habang nakatingin sa kanilang dalawa.
May mga sinasabi pa si Jan pero di ko na maintindihan. Na-stuck ang buong sistema ko sa aking nakikita. Sobrang linaw ng katotohanan. Sinasampal na ako ng kaliwa't kanan. Lalaki si Syd at babae ang gusto niya. Babae lang.
'Wul, are you still there?', tanong ni Jan.
'Yeah. Sorry. I spaced out. I'll call you later.', paalam ko.
Binaba ko na ang phone at dumiretso na pauwi. Nakita pala ako ni Lei.
'Babe, si Wul yun diba?', sabi ni Lei kay Syd.
'Yup.', maikling sagot niya.
'Magkaaway ba kayo?', ang tanong ni Lei.
'Nope. Kelangan daw muna niya mag-concentrate sa finals kaya di muna kami nagsasama.', ang pagsisinungaling ni Syd.
'Ah. Okay. Nagtaka lang ako. These past few days kasi wala ka nang kinekwento tungkol sa mga ginagawa nyo. Di tulad dati na halos yun na lang pag-usapan nating dalawa.', ang sagot ni Lei.
'Don't worry, babe. I won't bother you with our stories anymore.', sabi ni Syd sabay halik sa labi ni Lei.
***
6pm4pm

Ang sarap ng higa ko sa aking kama dahil sa wakas ay official ng simula ng bakasyon ko. Ano kaya ang magandang gawin? Ayokong tumunganga lang sa bahay dahil malamang maiisip ko lang lagi si Syd. Biglang tumunog ang phone ko.
One new message: POL.
No comments:
Post a Comment